• Marian Rivera cites similarities with character Arlana in “Ang Panday 2″
    By: Elli Alipio
    Friday, November 18, 2011 13:24 PM
    Photo by: Allan Sancon


    Marian Rivera on her character Arlana in Ang Panday 2 said to be tailor-made for her: “Siyempre ang saya ko lang, na nakakataba ng puso, bilang artista sasabihin, ‘ginawa ito para sa ‘yo. Ikaw ang bagay dito, ‘tapos ikaw yung gagawa [gaganap].’ Siyempre ibig sabihin, gano’n kalaki yung tiwala nila sa kakayahan ko para gawin si Arlana dito sa Panday.”
    Ratings
    * * * *  
    Bookmark and Share

    Kahit sobrang busy sa kanyang serye sa GMA-7 na Amaya, hindi pinalampas ni Marian Rivera ang oppurtunidad na mapasali sa Ang Panday 2 kung saan kasama niya sina Senator Ramon “Bong” Revilla, Iza Calzado, at ilan pang malalaking artista.

     

    “Ako dito sa Arlana,” maikling simula ni Marian.

     

    Pagpapatuloy niya, “Ahm…bata pa lang si Flavio [Sen. Bong Revilla], maniwala kayo sa hindi magkaedad kami ni Flavio dito,” sabay tawa ng aktres.

     

    “So bata pa lang siya [Flavio], e, magkasama na kaming dalawa.

     

    “‘Tapos sa lahat ng pagkakataon na kinakailangan niya na i-save siya at mailigtas siya sa mga panganib, palaging nandoon si Arlana.

     

    “Parati siyang nandiyan para tingnan si Flavio, para i-guide si Flavio. So gano’n yung character ni Arlana.

     

    “At dumating sa puntong pinagpalit niya [Arlana] yung, yung katahimikan nung pamilya niya… nung family niya para lang do’n sa love niya. May pagkagano’n [ugali] si Arlana.”

     

    HARD TO RESIST. Ano yung reason bakit di niya pinakawalan ang pelikulang Ang Panday 2?

     

    “Maganda yung twist niya, e, at saka, iba yung character. First time kong magiging dragon.

     

    “Ahm…first time na makikita ng tao na, first time na pagtatambalan namin ni Kuya Bong [Revilla].

     

    “At saka maganda yung naka-costume ako dito din, na medyo sexy yung dating.

     

    “Parang, ‘wow!’ ang bigat, e. Kung titingnan mo parang ang tagal nung Panday, yun pala si Bagwis babae.

     

    “Kasi alam ng lahat na lalake, kaya pala siya nagseselos kasi babae pala siya.”

     

    ONLY FOR MARIAN! Ayon kay Direk Mac, kino-conceptualize pa lang daw ang istorya, naisip nilang bagay ang role sa kanya.

     

    “Oo nga. Actually nung tinanggap ko ito, yun, yung sinabi nila sa akin.

     

    “Siyempre ang saya ko lang, na nakakataba ng puso, bilang artista sasabihin, ‘ginawa ito para sa ‘yo. Ikaw ang bagay dito, ‘tapos ikaw yung gagawa [gaganap].’

     

    “Siyempre ibig sabihin, gano’n kalaki yung tiwala nila sa kakayahan ko para gawin si Arlana dito sa Panday,” masayang kuwento ni Marian.

     

    Dagdag pa niya, “Actually nag-usap kami ni Direk [Mac] bago ko tanggapin.  Nag-usap din kami ni Direk, na…sabi ko ‘Ahm…maganda yung istorya, gusto ko si Arlana, ahm…sige.’

     

    “Sabi ko, ‘Gawin natin ‘to!’ Ayon, so nag-usap na sila Popoy [Caritativo, her manager], nag-usap na sila Kuya Bong, sila Miss Anette [Gozun of GMA Films].

     

    “‘Tapos siyempre kinonsider din namin si Mother Lily, kasi Regal ako, Regal baby ako. So binigay nila ako. So gano’n [ang nangyari].

     

    “Kaya walang hassle. Lahat smooth lang. Lahat pumayag. Lahat okay, so walang dahilan para hindi tanggapin.”

     

    GIVE ME THE SCRIPT! Paano ka nag-prepare sa Ang Panday 2?

     

    “Binasa ko muna yung script talaga,” sambit agad ng aktres.

     

    “Actually sabi, nung una kasi sabi ino-offer nga daw siya sa akin, so sabi ko ahm…‘Puwede ko munang basahin muna yung script?’

     

    “Binigay sa ‘kin yung script, nagustuhan ko siya. Tinawagan ko si Popoy, sabi ko ahm… ‘Momsy, maganda yung script, kukunin ko.’

     

    “Kasi gano’n kami ni Popoy, e. Kailangan ko munang basahin yung script. Intindihin ko muna kung kaya ko [gawin].

     

    “Kung maganda yung story, siyempre kino-consider ko din yun. At sobrang ganda niya, sobrang ganda nung character ni Arlana dito.”

     

    DRAGON LADY. Kumusta naman ang acting niya bilang dragon, at si Bagwis?

     

    “Nakakatuwa kasi may mga eksena na, ‘O, game, magiging dragon ka,’ [sabay sabi ko ng] ‘Rawr!’

     

    “‘Tapos magta-transform kasi siya, e. ‘Tapos lumilipad, ‘tapos biglang la-landing ako, mga gano’n.”

     

    Nagsuot siya ng harness?

     

    “Mero’n.”

     

    Nahirapan ba siya?

     

    “Well…masakit siya, oo. Pero wala, at least may idea na ‘ko kung paano siya.

     

    “Nag-Darna na ‘ko. Madami na ‘kong napagdaanan diyan.”

     

    Pag nagbibihis siya as dragon, ano costume niya?

     

    “Ano, ‘yan! Medyo may mga koro-korona,” sabay ngiti ni Marian.

     

    So may action scenes din siya?

     

    “May action? ‘Pag nagiging dragon ako, e, yung dragon ang nakikipaglaban, siya ang nakikipag-fight.

     

    “Mero’n lang akong eksena kay Kuya Philip [Salvador as Lizardo] na hinuli niya ‘ko, na gusto kong makawala sa kanya, mga gano’ng eksena lang.

     

    “Pero fight scenes, Amaya yun. Amaya yun, Amaya. Warrior na yun,” sabay tawa ni Marian.

     

    SIMILARITIES WITH ARLANA? Ano ang mga katangian ni Arlana na masasabi niyang nagkakapareho sila?

     

    “Si Arlana kasi ano, e, ahm…lovable siya, e.

     

    “‘Tapos sa, pagdating sa family niya, love niya yung family niya. At siguro, kapag may love siya, lahat gagawin niya para mapatunayan din sa family niya na…

     

    “‘Ay! Deserve ko ‘to, mabait siya, okay siya.’

     

    “So si Arlana gano’n siya, e, patutunayan niya na worth ito, kaya ko ito ginagawa, kasi mabait na tao ito. Parang gano’n.

     

    “Gano’n si Arlana, sobrang lovable siya. Mabait siya sa nanay niya, sa kapatid niya.

     

    “Yung kapatid niya kahit hindi masyadong mabait sa kanya, mabait pa rin siya.”



Related Articles
Related Videos
No related found.

26 Comments Show/Hide
Comments
certified_orig1
December 30, 2011
4:57 pm

Official MMFF 3-day gross (December 25, 26, 27) from Executive Chairman Francis Tolentino:

1. Enteng ng Ina Mo: P71, 321,253.10;
2. Panday 2: P53,116,256.25;
3. My Househusband, Ikaw Na!: P50,968,771.16;
4. Segunda Mano: P45,822,358.00;
5. Shake Rattle & Roll 13: P33,756,256.11;
6. Yesterday, Today, Tomorrow: 19,235,256.33;
7. Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story: P11,365,745.33;

hwd_flippy
December 21, 2011
2:31 pm

kung nasan si Marian andun din ang mga bitter. WOW. Kudos to ur effort! Kulang na lang ata abangan nyo sha sa harap ng bahay nya para masabi yan in person. Mga walang magawa. I wonder anung ginagawa nyo sa buhay. Kung kumikita din ba kayo ng milyones?

angel_laos
December 15, 2011
7:22 pm

go marian… xcited na mga kids kong makapanood ng panday 2

mariandevotee11
December 3, 2011
8:08 pm

at least may MMFF entry si marian, oh yung self-proclaimed actress meron ba? waley, nganga!

marchioness
December 2, 2011
1:03 pm

If only because we need to keep on working on our effects and by the looks of movies like this, we seem to be improving, then yes, we must give our support. In hindsight however, you can put any leading lady here and it would still work because this is bigger than life so an actress who wants to be taken seriously and has other great things in her horizon should just let this one pass. Still, it should be entertaining and my only regret is not having another actor play the great Panday. Maybe it is just me, but I would rather keep my distance from the infamous Revilla clan.

zoe888
December 2, 2011
12:21 am

GO FLOPPY QUEEN! Buti na lang ikaw leading lady sigurado hindi magtop3 ang PANDAY 3! bwahahaha:))

Lamitanya
November 27, 2011
12:33 pm

Manonood lang ang mga tao ng Panday hindi dahil kay Marian Rivera. I think this is her best portrayal for a Fantasy-themed movie. Curious sila sa mundo ni Marian and her connection to Flavio from the previous movie

amal2008
November 23, 2011
6:50 pm

go go go mpanday 2

china_0130
November 23, 2011
6:47 pm

We love Marian kahit ano pa ang intriga na ibato niya sa kanya dami pa rin siyang tagahanga, kawawa na man ang mga tao na di matanggap na sikat si Marian, may talent at sobrang ganda pa. Sa mga haters ni Marian kayu ang laos. Marian is totoong tao kahit nasa showbiz, what you see is what you get in her.

certified_orig1
November 23, 2011
3:33 pm

Ang mga engeng si Marian nalaos eh No. 1 ngayon ang Amaya, pinagbigyan lang last week ang 100days kasi kung sinu sino pinasok. Nov. 22 AGB Mega People Ratings

1. Amaya 13.4%
2. 24 Oras 13.1%
3. Munting Heredera 12.4%
4. Budoy 11.6%
5. Ikaw Ay Pag-Ibig 10.7%
6. Daldalita 10.1%
7. SP4/My Binondo Girl 10%
8. TV Patrol 8.6%
9. Nasaan Ka Elisa? 8.5%
10. Inside Protege 8.4%

certified_orig1
November 23, 2011
3:29 pm

Ang mga engeng si Marian nalaos eh No. 1 ngayon ang Amaya, pinagbigyan lang last week ang 100days kasi kung sinu sino pinasok. Nov. 22 AGB Mega People Ratings

1. Amaya 13.4%
2. 24 Oras 13.1%
3. Munting Heredera 12.4%
4. Budoy 11.6%
5. Ikaw Ay Pag-Ibig 10.7%
6. Daldalita 10.1%
7. SP4/My Binondo Girl 10%
8. TV Patrol 8.6%
9. Nasaan Ka Elisa? 8.5%
10. Inside Protege 8.4%

cy2
November 23, 2011
12:30 pm

bagay na bagay talaga xa kanya ang dragona, dragona din kc ang pag uugali. hehehe

cygnet210
November 23, 2011
10:53 am

nalaos na talaga si marian. kawawa naman!

ladylady
November 23, 2011
9:50 am

basta MARIAN, Good luck. don\’t mind these ppl who has nothing good to say. Just as long as there are ppl who appreciate you and admire you for the kind of person you are. Ana jud!!!! nindota ahhhhhhhhhh

BBV
November 23, 2011
3:11 am

ang Ganda NI Arlana ,kamukha ni Ms.Marian RIvera … I\’m Gonna watch it PANDAY 2

BBV
November 23, 2011
3:04 am

GO Ms. Marian Rivera… Good Luck sa Panday.. panoorin ko ito because of you.

ehemm
November 23, 2011
1:58 am

lol aiskeep re arlana career. occasionally meron siguro

aiskeep
November 23, 2011
1:22 am

arlana… arlana career.. hehe

critical_critic
November 23, 2011
12:52 am

this article\’s comments section is the same as the one in mr\’s article? weird.

critical_critic
November 23, 2011
12:43 am

ito na naman pep? recycled garbage.

pearl102
November 22, 2011
9:13 pm

Sus, mas nauna pa ang mga papaitan dito.

purong_kapamilya
November 22, 2011
8:09 pm

Kung beauty at acting ang pag uusapan kakain ng alikabok si aling marian kay Iza..pero kung palakasan sa network luz valdez si Iza..kaya iza lipat n ng TV5.

ChristieMarie
November 22, 2011
7:54 pm

Good luck Marian on this one… what I like about this lady is, she\’s NOT letting anyone walked all over her. She\’s indeed a FIGHTER. She\’s not into PLEASING everyone, kissing a-holes so you would embrace her… uh ah … God bless you more and more Marian!!!

ehemm
November 22, 2011
7:38 pm

lol aiskeep. na-feature na ang article na ito. paulit ulit naman lols. no one paid attention no? lol. si arlana ba, nambabatok at nangthrea-threaten din ng mga pinagseselosan niya? then …. lol

aiskeep
November 22, 2011
7:00 pm

occasional actress… lol

Lokotoy
November 22, 2011
6:19 pm

Wala pa mga bitter na kapeps lpl.

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.