• Direk Mac Alejandre believes “Ang Panday 2″ has an edge over other entries
    By: Elli Alipio
    Wednesday, November 09, 2011 06:37 AM
    Photo by: Noel Orsal


    “It was meant to be bigger and better than the first one. It was meant to be a visual spectacle and ‘yon ang direksyon na pinupuntahan niya. Grabe ang CGI (computer-generated imagery)! More than half [of the film] may CGI,” says Direk mac Alejandre on what moviegoers can expect to see in Panday 2.
    Ratings
    * * *    
    Bookmark and Share

    Malaki ang unang Ang Panday na ginawa nila Senator Ramon “Bong” Revilla sa direksyon ni Direk Mac Alejandre, kung kaya’t puspusan ang ginawa nilang paghahanda para sa Ang Panday 2.

     

    Talagang sinimulan nila ito nang maaga, kasi gusto nilang mas malaki at mas maganda ang Ang Panday 2 sa nauna.

     

    “Inumpisahan ang post [-production] nito as early as April. So marami nang natatapos, pero marami pang dapat tapusin,” panimula ni Direk Mac.

     

    Matatandaang mabibigat ang mga fighting scenes na naganap at special effects sa Ang Panday 1 ni Direk Alejandre.

     

    TOP GROSSER. Ang Panday ang naging official na topgrosser noong 2009 Metro Manila Film Festival—isang co-produksyon ng GMA Films at Imus Productions. Ito ay nakakakuha ng gross income na 99.8 million noong filmfest the other year.

     

    “It was meant to be bigger and better than the first one. It was meant to be a visual spectacle and ‘yon ang direksyon na pinupuntahan niya.

     

    “Grabe ang CGI (computer-generated imagery)! More than half [of the film] may CGI.”

     

    Nagsanib muli ang GMA Films at Imus Productions sa pag-produce ng Ang Panday 2.

     

    Tuloy ang paglaban ni Flavio upang protektahan ang sambayanan at ang mga taong malapit sa kanya laban kay Lizardo (Philip Salvador)—tulad  ni Maria Clara (Iza Calzado).

     

    DRAGON’S LOVE. Pinaliwanag ni Direk Mac kung ano ang magiging kwento ng Panday 2 ngayon, “Si Iza ’yong hindi matuluy-tuloy na wife ni Bong—sila ’yong laging nabibinbin na ikasal.

     

    “Si Marian, kung nanood kayo ng Panday 1, si Bong laging may kasamang dragon.

     

    “No’ng Panday 1, ipinakita na no’ng pinaslang ang mga magulang ni Flavio, sa gitna ng pag-iyak niya, may isang batang dragon na nanonood sa kanya.

     

    “Itong dragon na ’to ang naging kaibigan niya at naging katuwang niya sa pakikipag-away kay Lizardo no’ng Panday 1.”

     

    Dagdag pa niya, “Ang Panday 2, madi-discover niya na ’yong dragong ’yon pala, e, matagal nang in-love sa kanya.

     

    “And ’yong dragon na ito turns out to be Marian Rivera, who is an outcast in her dragon world called, Lamitanya.

     

    “So itong si Marian, ang pangalan niya ay Arlana, madidiskubre ni Flavio na ‘yon pala ‘yong dragon.

     

    “’Tapos ito ngayong dragon na ‘to na tao na, dadalhin siya sa mundo ng mga dragon.

     

    “Sa mundo ng mga dragon, makikilala natin ang lolo ni Marian na si Eddie Garcia at ang nanay niya na si Alice Dixon at ang kapatid niya na si Kris Bernal.

     

    “So habang may nangyayari sa kabilang lugar nina Lizardo [Philip Salvador], may nangyayari naman sa lugar ng Lamitanya.”

     

    PEACE LOVING PEOPLE. Pinaliwanag din ni direk ang lugar ng Lamitanya, “Itong lugar ng Lamitanya, is a world na kung saan naniniwala sila na the world should be at peace.

     

    “Pero, ang pamamalakad nila is para maging peaceful lahat, kung may manggugulo, aalis tayo—so nomad sila.

     

    “Pag may manggugulo, aalis na sila. Hinding-hindi sila makikipag-away.

     

    “’Yon ‘yong mundong nilayasan ni Arlana no’ng bata siya, kasi hindi niya ‘yon pinaniniwalaan until kailangan niya ulit ng tulong.

     

    “So, itong mundong ito ng mga dragon na nagta-tranSform into tao ang tutulong kay Flavio.”

     

    Kaya bang masundan, o malampasan ang tagumpay ng Ang Panday 1?

     

    “Hindi kami gumagawa ng pelikula for the awards—mali namang objective ‘yon.

     

    “We want to entertain. We are hoping it will be a bigger hit. ‘Yon, malinaw sa ‘min ‘yon.

     

    “That’s why we’re working so hard. Gusto naming ma-maintain ang integrity ng Panday as a franchise.

     

    “I always look at awards as a bonus. Hindi siya ‘yong cake; it’s icing.

     

    “If it’s there, thank you. If it doesn’t come, thanks too. We don’t work towards that direction,” sambit ng direktor.

     

    Aniya, “Ang festival, e, Pasko. Dagsa-dagsa ang mga taong gustong manood ng pelikula. We want Panday 2 to be the first option.

     

    “Mahal ang ticket ng pelikula e. Kung manonood si Mang Juan at Aling Pacing at ang pera lang nila, e, para sa pampanood ng sine para sa isang buong pamilya at mero’ng silang tatlong oras to spare, we want to give them a film worthy of their time and money.

     

    “At kung ang pelikula, e, dalawang oras, nag-enjoy sila, at pag-uusapan nila kahit three days after watching, that’s a nice Christmas season for them.

     

    “Malinaw ang objective namin. That’s why it came as a very, very pleasant surprise in 2009 when it won.”

     

    PANDAY’S EDGE. Ano ba ang edge nitong pelikula niyo sa ibang film entries ng MMFF?

     

    “One, it’s Panday. Two, it’s Bong Revilla, it’s Marian, Iza Calzado—it’s a stellar cast, ang market value niya is mataas.

     

    “Third, I think naka-develop si Bong Revilla ng equity sa paggawa ng mga pelikulang action-adventure-fantasy—natanggap ng mga tao na mataas ang kalidad.

     

    “Ikaapat, malinaw na pambuong-pamilya siya—ang appeal niya, e, across the board,” nakangiting pagtatapos ni Direk Mac.



Related Articles
Related Videos

2 Comments Show/Hide
Comments
new era por el que la galeria
December 6, 2013
5:00 pm

new era por el que la galeria…

rbtmqrt…

mujeres
April 16, 2013
3:03 pm

mujeres…

Panday 2 | MMFF 2011…

You must be logged in to post a comment.


All Rights Reserved. 2011 © PEP Philippine Entertainment Portal Inc.