Twilight Zone

Filed under: Features — admin at 11:00 pm on Monday, November 23, 2009

Favorite ko ang Twilight Zone sa Channel 2 noong araw. Every Friday ‘yon ng 7:00 p.m. Iba’t-iba yung story nila na puro kakaiba. Minsan, nakakatakot but most of the time, mga weird, unexplained or peculiar (nakita ko sa Sesame Street) na mga pangyayari.

Meron silang episode na tungkol sa dalawang mag-asawa na bigla na lang na-trap sa loob ng bahay nila. Pagbukas nila ng pinto at bintana nakaharang ang isang malaking kulay blue na pader. Maski sa ceiling, nang gibaiin nila, nando’n pa din yung kulay blue na pader na sobrang tigas. Ang ending, mga dolls lang pala sila sa dollhouse ng isang bata, na nilagay sa blue cabinet yung doll house niya.

Meron pa yung Boogeyman. Lumalabas siya do’n sa ilalim ng kama no’ng bidang bata. Say niya palagi sa bata, “I am the Boogeyman. I will never harm the person in which his bed I live.” So nasanay na yung bata kaya, hindi na natatakot kahit may mga balita na pinapatay ng Boogeyman ang mga bata sa park nila. May isang nagbu-bully doon sa batang bida. Niyaya niya yung bully na magpunta sa park ng madaling araw para malaman daw kung talagang matapang. True enough, lumabas yung Boogeyman, tumakbo yung bully. Smile lang yung bida, bigla siyang sinakal nong Boogeyman. Say niya sa Boogeyman, “I thought you will never harm the person in which his bed you live? You live in my bed.” Say ng Boogeyman, “I am the Boogeyman from someone else’s bed…” Inay ko po!

Pag nakakarinig ako ng mga bagay na weird or kakaiba, naaalala ko ang Twilight Zone.

One time sa Greenbelt. Watch ako ng last full show which I normally do. Malapit na magsimula yung sine so nagmamadali na ako. May dalawang bakla sa harap ko. Sila na ang bumibili. Pucha nagtatalo pa kung ano ang papanoodin. Nang mapagkasunduan, pinagtalunan naman ng mag-sisters kung saan uupo. So kapwa bakla naman, kinausap ko sila. “Mga sisters, bilisan natin. Late na tayo!” Natapos na sila, so finally ako na. Pucha, bumalik yung isa. Yung mas bakla pero kalbo. Hysterical siya, “Don’t you dare do that to me again!!!” (sabay irap at walk out). Ha? Saan galing ‘yon? Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya. Weird!

Tuwang-tuwa ako nang mag-open ang TriNoma. Malapit lang kasi sa bahay ko. Hindi ko na kailangang pumunta sa Greenbelt, Makati or Eastwood para maka-watch sa magandang sinehan. Since Ayala din ang TriNoma, sure akong maganda. Pucha, bago pa lang ang Trinoma, sira na agad ang escalator doon sa ground floor na lagi kong pinapasukan. Ang aircon, parang mahina. E, di ba bago lang? E, di ba Ayala ito? Weird!

Kumain ako sa Chowking Trinoma last Saturday. Ang bongga ng Chowking kasi salamin ang cover ng kitchen kaya kita mo ang pagluluto ng mga kusinero nila. Pero nagulat ako kasi nasa gitna yung counter nila kung saan ka mag-o-order. Hala! Yung kuhanan ng dessert at mga drinks nasa tapat ng counter. So tatawid pa yung mga kumuha ng order para kumuha ng drinks. Kaloka!

Sa Robinson’s Galleria kami nagwa-watch ng mga bakla ng mga FOR ADULTS na movies. Doon lang kasi pinapalabas ang Indie movies na may gay theme at hubaran. Kaya pag may showing na baklaang movie, takbo kami agad sa Galeria. Pero napansin ko, ang tagal ng sira nong escalator paakyat sa Cinema 8. Doon pa naman lagi palabas ang mga movies namin. Hingal-kabayo ang mga bakla paakyat. Kaloka! Napakatarik pa naman ng escalator na ‘yon. Eto mas weird, kapag FOR ADULTS ang movie, maraming bakla ang nakatayo lang sa likod kahit marami pang upuan. Bakit kaya?

Madalas ko makita ang isang actress sa mga showbiz gatherings at mga TV guestings niya. Nakikita ko din siya sa mga magazines at newspapers. Mahaba ang buhok niya na lampas lang ng konti sa balikat niya. May bago siyang shampoo commercial. Ang buhok niya na nakatrintas pa, hanggang bewang. Paano nangyari ‘yon? Kakatakot!

Sigurado akong hindi naka-graduate ng college yung isang actress. Laking gulat ko nang makita ko ang picture nya sa isang chipipay na school at naka-nurse uniform pa. Yung isang actor naman, sa pang-mayaman na school nag-graduate pero naka-pose siya sa ad ng isang mumurahing unibersidad. Peculiar.

400 years na ng UST o University of Sto. Tomas. May kick-off program this December. Kaibigan ko ang isa sa organizers. Tinawagan niya ako kung pwede ba daw ako mag-intermission. Monologue ko tungkol sa buhay college days ko sa USte na nakakatawa ang gusto niya. Nag-agree naman ako. May bayad naman daw pero small budget lang. Kung maari daw sana ay pumayag na ako kasi pinaglaban niya ako sa mga pari para mag-guest. Nag-”yes” naman ako agad kasi kaibigan ko nga siya at Thomasian naman ako. Tinanong ko siya kung sino ang host. Binanggit niya ang name ng isang magaling na TV host pero hindi Thomasian. I asked her kung bakit ‘yon, say niya, “Requested ng mga Pari.” Ano? Ako na proud Thomasian, ipinaglaban pa, yung hindi taga UST-nirequest. Weird!

Um-attend ako ng celebrity premiere ng New Moon last Thursday sa SM The Block. Nag-outfit ako nang bonggang-bongga. Paglakad ko sa red carpet, pinagkaguluhan ako ng mga paparazzi at mga  camera ng iba’t-ibang shows. Nagpa-picture din ang ilang fans na nasa labas ng red carpet. Nakita ko din ang ibang kapwa ko Kapuso stars. Maski na ang mga baguhan na less than three months pa lamang. Pag-uwi ko sa bahay, nag-watch ako ng isang news program. Ipinakita ang celebrity premiere ng New Moon sa The Block. Mainit-init pa. Binanggit at ipinakita ang lahat ng Kapuso Stars na nadoon (kasama yung mga baguhan), maliban sa beauty ko. Kinapa ko agad ang sarili ko kasi baka multo na lang ako. Katakot!

May kasama si Manny sa kotse pero hindi daw si Jinky. Nasa Las Vegas din daw ang pamilya ni Krista. Umiyak si Jinky sa misa. Cold si Jinky sa pag-kiss kay Manny. Pinag-uusapan sa buong sulok ng Pilipinas. Bulung-bulungan sa call center habang coffee break, sa parlor habang nagpapa-manicure-pedicure-kulot, sa school habang recess at sa batis habang naglalaba. Pero sabi ni Manny, wala naman daw silang problema. Twilight Zone! (tinin tinin tinin tinin…)

19 Comments »

Comment by mamoy2157

November 24, 2009 @ 12:01 am

kala ko nasa twilight zone ako, may bagon kang post. joke! i’m sure super busy ka so it’s nice to hear nakakakapagpost ka pa.
pag weekend lang ata on ang escalator sa galleria, nood ka dun weekend. kasi nanood ako nung friday, off. at totoo, matarik ang escalator huh at daming ngang nakatayo sa likuran at labas-masok sa banyo. afraid!
i hear kasama ka sa full house. congrats! :)

Comment by gtrrzptrck

November 24, 2009 @ 12:55 pm

May sagot ako dun sa mga nakatayo sa likuran kahit maraming mauupuan sa may sinehan ng Galleria..

kasi nag aaabang sila ng matwi-twilight na pwede nilang madala sa new moon.. getz mo ..hahahha..

anyway… na miss kita sweet.. sobra namiss ko ang blog mo.. hayyyyy…

Comment by zama_jap

November 24, 2009 @ 7:20 pm

ang tagal mong nawala ah..si manny na twilight zone kc kala nya mga bobo ang mambabasa ng nga kinikilos nila..kala ni manny wan yr old yung pinagsasabihan nya na BFF lang sila ni krista..oo naman yung bata na hindi maintindihan ang ibig sabihin ni manny..yung nga not so young naman tumaas ang kilay at sabay sabay na nagsabing lokohin mo lelong mong panot!!..kaibigang nagtalik daw sabi ng isang pepster!..Ha! Ha! Ha! Ha!

Comment by pepper_roz

November 24, 2009 @ 8:18 pm

both yung episode na sinabi mo ng twilight zone napanuod ko, at pinaka fave ko yang doll house, child’s play ang title ng episode na yun.
Nagtataka pa nga sila bakit lahat ng brand ng gamit nila iisa pati car nila…
abangan kita sa fullhouse.

Comment by June_Sunday

November 25, 2009 @ 8:15 pm

Gusto ko rin iyung twilight zone. Ang favorite ko iyung mag asawang cannibals na kumakain ng mga runaways na bata. Aampunin ka muna nila at susundin lahat ng kapricho mo. Tapos paliliguin ka sa jacuzi. Aabutan ka ba ng sari-saring gulay at unting-unting umiinit yung tubig. Hanggang bigyan ka ng alak na may drug at mahihimatay ka na lang sabay lunod. Hindi iyun ang weird ha. And weird ay mahal nila lahat ng mga batang inalagaan at kinain nila. Katunayan tinatago pa nila lahat ng bungo ng mga inampon nila.

Comment by June_Sunday

November 25, 2009 @ 8:23 pm

Ang favorite quote ko roon ay

foster mother: “I like having the children for dinner” - Kala ko parati niyang nami-miss yung mga ampon niya

child: “Where are your children? Are they still with you?”

foster Mother: “In a way…” - Nasa tyan nya pala lahat sila, hehehe. Nakatago lahat ng bungo sa isang ‘ornate’ na kabinet siguro may 100 bata na ang nakain nilang magasawa.

____________________________________________
Favorite ko ito kasi gustong gusto ko lumayas sa amin noong bata pa ako pero ayaw ni God eh.

Comment by caboodles28

November 26, 2009 @ 4:03 pm

si kc concepcion ung sinasabi mo na lampas balikat lang ang hair pero sa commerical nakatirintas ang hair na hanggang bewang. ako din natakot dun kasi ang kapal nung hair nya.

Comment by tripleB

November 27, 2009 @ 4:11 pm

“luv you sweet, evrytime I’m reading your blog tawa ko ng tawa, nkakawala ng stress..i like your humor..as i’ve noticed, ur a true person indeed..

Comment by tvjunkie

November 28, 2009 @ 12:52 am

Grrrrrrrrrr. asar bat ko binasa to ngayon!
ako lang kasi mag isa dito sa hauz e,.TT
takot tuloy ako.. pati mga comments dito nakakatakot!
huhuhuhu,.. anyway i love your blogs lolit este john ..heheheh..tulog me now bukas ilaw! ahahahah

Comment by Emi1978yul

November 28, 2009 @ 7:17 am

hi Sweet!..i like you far more better than Vice Ganda…di hamak na bago lang cia sa showbiz pro feeling ‘maganda’ kung mkapag-salita…
dati ABS ako pero narealize ko mga mtapobre karamihan talent dun…
Kumukulo dugo ko sa pagmumukha nya….hmpf! kung okrayin nya ibang artista na di nya feeel as in below the belt mkatira…
Buti ka pa Sweet kwela at matalino…
Godbless you…more power!

Comment by babyruth

November 28, 2009 @ 8:27 pm

hay naku, bakit di nyo pa pangalanan si KC yung naka-tirintas ang hair sa palmolive shampoo commercial niya…. sobrang give na give na ang clue, si KC lang naman ang nakatirintas ever…. hala ka sweet… lagot ka kay shawie, okray mo junakis nya, ahahahaha!!!

Comment by babyruth

November 28, 2009 @ 8:33 pm

sweet balita ko maraming nagseselos na mga taga-siyete na vekla sayo kasi sunud-sunod shows mo… i heard one of them is Eagle of Unang Hirit…. eh mas orig na taga-siyete nga naman yun….

Comment by neenasatine

November 29, 2009 @ 5:55 pm

hi sweet…pareho tayo…namimiss ko na rin ung twilight zone pati na rin ung are you afraid of the dark….san kaya ako makakabili ng dvd nun?

nga pala sweet.. npanood kita kanina sa don’t lie to me… ang ganda mo pa rin..

ung question lang ang parang weird…feeling ko nasa twilight zone ako… di ba two weeks or a month ago lang ang pinagpapareha lang ay sina Christine Reyes at Richard Gutierrez na kesyo nagdadate..ngayon naman si Heart na kesyo nagselos… ANG WEIRD…

si Richard ba ay salawahan? hahaha…joke lang un..alam ko naman ang totoo.. ;)

Comment by ask_me_to_stay

December 1, 2009 @ 3:27 pm

napanood ko yung sinasabi mo na news about sa celebrity premier ng new moon.. oo nga pansin ko na ang mga pinakita lang na celebrirty(?) kuno dun ay parang mga wannabe.. ni hindi nga maituturing na celebrity eh.. dapt ikaw na lang ang pinakita.

Comment by justme22

December 3, 2009 @ 10:31 pm

Dear Sweet,

Talagang twilight ang dating ng mga kwento mo…

More power to you sweet.

Jeddah

Comment by neenasatine

December 5, 2009 @ 12:47 pm

hi sweet… ;)

close ba kayo ni vice ganda? nabanggit mo kasi sya sa isa s mga articles mo eh… pakisabi naman sa knya, na pinapanood ko sya sa showtime at naaaliw ako sa pagiging prangka nya as judge..lalo na ung umalis si papable Jon… lol … gustong gusto ko ung mga punchlines nya ha..

Comment by commentdinako

December 16, 2009 @ 1:06 pm

so candy pangilinan pala tinutukoy mo? di ba friend kayo? may blog si candy about the 400 years of UST! you can read it kasi parang may sagot siya sa iyo.

Comment by djelibeybi

December 25, 2009 @ 7:59 pm

Naku sweet! Bagong taon na… nasan na ang bagong blog? hahaha!!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word

 

Advertisement