Nationalistic yata Ako!

Filed under: Features — admin at 2:39 pm on Sunday, October 18, 2009


Nationalistic yata ako.

 

Kaya I really don’t mind na hindi ako kagalingan mag-English.

 

Kahit anong klaseng kabwisitan ang meron dito sa bansa natin, gusto ko pa rin dito. Pag nasa ibang bansa naman ako, sa mga Pinoy pa rin ako sumasama. At home kasi ako with them. 

 

Pag may nami-meet akong Pinoy na hindi na marunong mag-Tagalog, dahil hindi na sanay, naiinis ako. Pero pag may mga foreigner naman na nag-aaral ng Tagalog, tuwang-tuwa ako. To name a few, tignan niyo sina Akihiro Sato at Daiana Meneses ng Eat Bulaga.

 

Parada pa lang ng Philippine Team sa Olympics at Sea Games, umiiyak na ako. Kahit deep inside alam ko naman na konti lang ang medalya na maiuuwi nila para sa bansa natin. Wala daw kwenta ang suporta ng gobyerno sa sports. Hay!

 

Saludo ako sa mga boksingerong Pinoy, na laki na sa ibang bansa, pero hinahawakan pa din nila ang Philippine flag. Kahit National Anthem na ng nire-represent nilang bansa ang kinakanta, proud pa din sila sa lahing Pinoy. Sabagay, karamihan sa kanila, sarat ang ilong.

 

Tinatawag pa lang si Manny Pacquio papasok ng ring kinikilabutan na ako. Pag kinanta na yungLupang Hinirang lalo na akong nagiging emotional. Kahit pa yung Jennifer Bautista na walang kakwenta-kwenta ang pagkanta, natawa na lang tuloy ako habang lumuluha noong tuluyan na siyang pumiyok. Pero pag naririnig ko ang mga intriga tungkol kay Manny, lalo akong naiiyak. 

 

Tumulo ang luha ko habang pinapanood sa isang post sa Facebook, ang isang French choir sa New Jersey, USA, na kumakanta ng “Bahay Kubo.” Sinundan pa ‘yon ng isang choir naman sa Los Angeles, USA, naRosas Pandan naman ang kinanta. My God, puti silang lahat. May accent pa nga ang pag-pronounce ng talong. Ang bongga!

 

Pag pinapakita yung music video ng mga Pinoy, na tulung-tulong sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, naiiyak ako. Nare-realize ko kasi na may pag-asa pa itong bayan natin kahit anong delubyo at politikong demonyo na ang sumugod. Basta tulung-tulong!

 

Panay ang boto ko kay Efren Peñaflorida doon sa CNN Heroes. Vote niyo din please. Grabe ‘yang kababayan natin na ‘yan. Nagtuturo sa mga batang lansangan na walang pang-aral. Kaka-proud! Maski ‘tong girl na si Fathin Amira na sumali sa Singapore Idol, e, parang gusto ko na din iboto. Kumanta ba naman ng “Bakit Pa” ni Jessa, e, halatang laking-Singapore na. Dinedicate pa niya ang kanta sa mga nasalanta ng bagyo. Wow!

 

Bata pa ako noong unang EDSA People Power pero pag pinapakita yung mga video at picture na humaharang ang mga madre at pari sa mga tangke, pucha, teary-eyed ako. Kaya noong pangalawang EDSA, sumali na ako. Naiisip ko lang, diba doon naluklok si Gloria? Ayan, mas teary-eyed tuloy ako.

 

Simula nang maging botante ako, lagi na akong bumuboto kapag election. Halos lahat naman ng binoboto ko, nanalo. Yung iba naman nadadaya. Kawawa naman.

 

Proud na proud ako sa mga Pinoy film makers na nanalo sa ibang bansa. Masaklap nga lang na ang mga pelikula nilang nanalo ay hindi kumita or kikita sa ating bansa kapag pinalabas na. Kasi nga, kulang daw sa budget kaya di masyadong sikat ang arista at walang pang-romote. Nagtataka naman ako, bakit hindi gumawa ang mga malalaking kumpanya ng mga gano’ng pelikula? Ah, siguro mas kaunti ang budget, mas determinadong gandahan ang paggawa ng pelikua na pang-International Awards. Ayun. Siguro lang, ha. 

 

Noong inokray ni Teri Hatcher sa Desperate Housewives yung doctor niya na nagsabing baka menopausal na sya at ang hirit niya wa something like, “Maybe you got your diploma in some medical school in the Phillippines.” Pucha, uminit talaga ulo ko. Nakisama ako sa mga threads sa internet at nakimura na din sa writer at kay Teri Hatcher na din. Nag-isip pa ako ng mga wagi na English, as if naman, mababasa ni Teri. 

 

“Teri, you are a bitch! You are a has-been. Because of Desperate Housewives, your dead career was resurrected, skinny bitch! Don’t you show your face here in the Philippines or I will let the Abu Sayyaf rape you while watching reruns of your has-been show Louise and Clark. And tell your freaking creator, Marc Cherry, that he is a fat, ugly, bald gay—like this somebody I know here. Sh*it, I’m so fucking mad!!!” Parang ganyan yung mga pinost ko. Hahaha. Mukhang tanga.

 

Noon naman lumabas sa isang Comedy Show sa Europe yung Pinay na katulong na ginagawang sex toy ng amo nya, hindi na ako nagalit. Naawa na lang ako doon sa kababayan nating umarte. Kawawa talaga, kasi alam ko kahit joke ‘yon, nangyayari talaga sa ibang bansa.

 

Kahit type na type ko si Alec Baldwin sa 30 Rock, nainis ako sa joke niyang, “I want a Filipina mail order bride!” Magaling lang talaga yung show nila kaya pinapanood ko pa din. Hay, kelan kaya magkakaroon ng mala-30 Rock dito sa pIlipinas? Yung dialogue pa lang, nakakatawa na. 

 

Yung kaibigan ko kasing Palanca winner na si Chris Martinez (na siyang sumulat ng Kimmy Dora, ang hit movie ng Comedy empress na si Eugene domingo), ayaw magsulat sa TV. Mga network, kunin niyo si Chris. Lakihan niyo ang TF at huwag biguan ng stress masyado para pumayag. (Parang yung nabalitaan kong executive na nagpa-revise ng drama script nang bongga sa mga alagad niya, e, siya mismo walang drama sa buhay). Pwe! Basahin nyo yung play ni Chris ”Sabado sa Sam’s” at “Last Order sa Penguin” to name a few. Nakakatawa. Basa pa lang ‘yon ha, kaya imagime niyo na lang nung gawin naming play. Ibang comedy writer din kasi dito, ang bobobo. Sila mismo, hindi natatawa sa ginagawa nila. O, di lahat, ha. Relax! 

 

Ayan, uminit na naman ang ulo ko! Ako tuloy yung hindi na-relax…

 

Naalala ko tuloy ‘tong si Terry (oo nga, Terry din pala name noon) na kababayan nating sumali sa Amazing Race Asia. Ka-team nya yung mister niyang Egoy. Pucha kawawa yung mister. Squating ‘yong kababayan nating si Teri. Mura at sigaw ang inabot noong asawa na pagkabait-bait. Pinapakita lang daw ng bruha ang tunay niyang emotions. O sige na, e, gaga ka pala, Pilipinas ang team na nire-represent mo at napapanood ka sa ibang bansa. Le*se! Isipin tuloy ng iba, bungangera ang mga Pinay.

 

(Editor’s note: We got the chance to talk to Terry last year, and she felt really unhappy that she was portrayed that way. She said, “They only showed a portion of the entire thing I said. People didn’t know the context, what happened,…They only captured the part where I was screaming and shouting!”)

 

Parang si Aubrey at ka-team mate niyang si Jackie Yu na puro pagre-retouch ng make-up ang ginagawa. Baka akalain ng ibang bayan na makaka-watch na lahat ng babae sa bansa natin ay ganoon umasta. Ayan, natalo tuloy sa kaka-retouch. Hehehe.

 

Nabigyan ako ng pag-asa nina Mark Nelson at Rovilson Fernandez noong sumali sila. Pucha, si Rovilson, hindi alam ang flag ng mga pinuntahang bansa. Puro gimik at pagpapa-pogi kasi ang inatupag. Bwiset! Pasalamat ‘tong si Rovilson at nal*l*bugan ako sa kanya. Actually, kay Mark din, huwag lang magsalita.

 

Finally, itong si Geoff Rodriguez na dating Power Boy at si Tisha Silang naman na dating beauty queen ang sumali. Noon ko lang nalaman na mag-syota pala ang dalawang ito. Di ba every batch ng Amazing Race may pair na laging nag-aaway? Sa batch nila, sila ‘yon. Okray! Kahit Philippines ang niri-represent nila, natuwa ako na hindi sila ang nanalo. Buti nga.

 

Yung mga susunod na Pinoy na sasali sa Amazing Race at iba pang contest na nire-represent niyo ang bansa natin, please naman umayos-ayos kayo! Utang na loob! I’m watching you. Nationalistic yata ako!

 

Teka nga at kakanta muna ako ng “Lupang Hinirang” at “Bahay Kubo” para kumalma. 

 

Anyway, highway, by the way, this is my 121st entry as we enter the year 3 of Korek ka John! Let’s make it more interesting. I will answer, react or even explain to your comments in the Comments section, which can be found at the lower part of each entry starting this one (Nationalistic yata Ako).

I will be using Korek ka John! as my username. It’s this blog’s title anyways so huwag na po kayong mag-attempt na gamitin din ‘yon. Nakatimbre na po ito sa ating Tech Team. This is it! Enjoy! 

 

Happy 2nd Anniversary, Korek ka John!       Welcome all to year 3! 

49 Comments »

Comment by amazingmaxx

October 18, 2009 @ 2:59 pm

aq din sweet, nationalistic din, naiiyak aq pag nakikita kong inaapi ang mga pinoy… nagalit din aq kay terry hatcher, di na rin aq nanood ng show nia mula noon. nainis din aq sa 30 rock di na din aq nano nood, nainis din aq sa LV don sa kwen2 ni gspot, kahit mahirap ma afford nag ipon aq para mabili tapos very disappointed aq after qong nabasa ung blog nia, di ko na 2loy ginagamit, ang laki ng panghihinayang q non.

proud din aq pag nakakakita aq ng successful names na pinoy, sa lahat ng shows na pedeng bumoto basta pinoy vote lang ng vote para manalo… proud aq sa jabbawockezz ng manalo cla sa abdc, then every year may pinoy na kasali na palaging panalo… proud din aq kay manny pacquiao kahit di aq boxing fan, i watch all his fights praying n hoping na winner sya, kya lang pagnakikita ko na c first ungentleman, sabit chavit, nadidisappoint aq, wala silang silbi sa bayan, sana anudin sila ng baha, tamaan ng dengue at leptospirosis (sorry po Lord).

sana nga bumangon pa ang pinas. sana nga may tunay na mga government leaders na uunahin ang PILIPINAS kong MAHAL bago ang mga bulsa nila. PEDE PA KAYA UN, SWEET???

Comment by imissphil

October 18, 2009 @ 5:58 pm

same tayo sweet…kita mo naman ang aking username..phil is for philippines at hindi pangalan ng guy yan..kahit nasa ibang bansa ako always compare ako sa ating lupang sinilangan…kahit sa mapapangasawa ayoko ng ibang lahi dahil hindi ko maapreciate yung ugali nila..nakaklungkot lang na kahit gaano natin kamahal yung bansa natin kelangan mangibang-bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal natin..
pati sa mga blogs mas natutuwa akogn basahin ang mga entries na tagalog kaya waging-wagi sa akin ang mga humor blogs in tagalog…

Comment by firebird

October 18, 2009 @ 6:14 pm

congrats and happy 2nd anniversary!

lahat nmn kaming mga readers mo , always looking forward 2 ur article kc nkk aliw and my lesson din.

nkk depressed kpg wl kng bagong article. pero kung weekly k nag a-upate, everybody happy!

good luck and more power!

Comment by glen

October 18, 2009 @ 8:42 pm

Baklang idol ko, true ka. iba pa rin sa Pinas at iba pa rin ang Pinoy. Iba ang values natin. iba tayo maghandle ng problema kaya nga hindi tayo BI-POLAR at hindi ganun kataas ang percent na meron sa ting mga kung anik anik pang mga mental disorders tulad ng ibang lahi. wahaha! hindi man lahat, pero karamihan, RESILIENT tayong mga pinoy kaya nga kahit dinedelubyo, tinatanggap natin ng buong puso. Bangon uli dahil na din sa ating STRONG FAITH sa Diyos. Korek di ba John?

Singit ko lang ha, naimbyerna at natawa naman ako nang bonggang bongga sa isang kilalang tv host na defender din ng ilang celebs. Baka daw ma forget ng isang aktres aktresan ang kanyang tagalog. WAHAHA! WACHUSEY Baklang idol ko? hahahahaha! nakakaloka!
:)

Comment by celinski

October 18, 2009 @ 9:48 pm

ako din inis sa mga pinoy na feeling na ang tagal na sa pinas di marunong mag-TAgalog like Sam Milby, Martin Nievera. OMG, talo pa sila ni Daiana Meneses at Michelle Van Eimeren.

I was super irritated when I read that article about Gretchen saying that she needs to polish her Tagalog. *roll eyes 360 degrees 100 times*

Comment by nagios

October 19, 2009 @ 1:34 am

the best ka sweet.
dapat sa inquirer ka nagsusulat.

Comment by mandersnork

October 19, 2009 @ 4:02 am

ako kahit andito sa ibang bansa proud na proud sa aking pgkapinoy. Pero Sweet grabe talaga ung ibang pinoy ayaw umuwi sa bansa natin kasi mahirap daw sarap batukan talaga hate ko ang mga un.. proud na proud ako sa mga pinoy na kahit laking amerika d tinalikuran ang lahi nila. buti na lng d ako nanonood ng 30 rock kc ayaw ko ky baldwin ung ng comment nga cia about mail order bride sarap din batukan noon.. Hayyy talaga prang ang bilis ng panahon 3 years na pala ang sagutan natin ng komento d2 sa blog mo sweet pero d mo nman inacept ung request ko sa facebook pero ok lng din.. Keep blogging and God bless

Comment by hollywoodpinoy_13

October 19, 2009 @ 5:29 am

is nationalistic same as patriotic????

hhmmm… i feel u john!!! filipinos make us proud… kahit si Charice Pempengco pa nga yan eh. simulan pa natin kay Banig! hehehe.

Pero we can’t always show our good side lagi diba? kelangan may konting spice… and because of those spices, nakagawa ka ng blog na ganito…

and speaking of blog.. tagal mong di nagba-blog.. maliban sa isa before this.. i didnt enjoy that one… parang ni-rush mo. hahaha.

Pero this one, i can definitely say that ur back!!!! sana for good. kahit once a week lang. ikaw lang ang isa sa mga inaabangan ko dito sa PEP eh..

Keep up the good work, and more blessings!!!!! I enjoy watching u guys sa Show me the Manny!!!! natupad ang pangarap kong magkasama kayo sa sitcom ni Tuesday! bonus pa si Marian!!!

Im trying to add u sa pesbuk!!! dapat magka-FAN page ka dun!!!! hehe.
Adios!!!

Comment by Kerseley_allen

October 19, 2009 @ 1:58 pm

hay naku sweet totoo ka jan!!! kakapanindig balahibo naman tlg kaso sana isapuso nating lahat ang pagiging nationalistic ndi lang sa puntong un o dahil nadadala tayo. nid nating magtulungan para umangat ang pinas. hay kelan kaya??? sana malapit na…

kudos and hapi 2nd yr anniv.

ciao!

Comment by angel_on_revenge

October 19, 2009 @ 11:41 pm

napanood ko din sa facebook yung mga choir…ang gagaling nila!!!sweet suggest ko lang na panoorin mo to

http://www.youtube.com/watch?v=TOhRQanuKHo

Comment by giancarl1

October 20, 2009 @ 12:45 am

i can relate w/ u sweet..d2 sa hosp namin,andaming mga ganyan na d na marunong magtagalog,dyosko e fa-five yrs p alang e nakalimutan na dw ..hahaha..dyosko hitsurang pinoy na pinoy..ayan tuloy inookray namin,
parehas tayo sobrang proud to be pinoy..tinatanong ako lagi ng mga pasyente kung ano lahi ko ,minsan kapwa pilipino ask nila pilipino ka ba?..sinasabi ko lagi ..pilipino sa isip, sa salita at sa gawa…
well,happy 2nd anniversary!
keep up the good work..

Comment by netopia1976

October 20, 2009 @ 2:26 am

Our neighbor arrived from Lebanon and she was a DH there for 6 years. Aba, spokening dollar na ha! Nagtaasan talaga kilay ko Sweet. She claimed hindi na raw siya nakaka-understand ng Visayan nor speak the language. Lukarit, Lebanon siya galing and 6years lang di na marunong mag-Visayan. Kaluka! kaya ngayon ino-okray siya ng aming mga neighbors. Face value palang kinikilabutan ka na.

Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mabaho pa sa malansang isda. (Tama ba ang salawikain ko?).

I am PROUD to be PINOY! Mabuhay ang mga Pinoy at ang mga nagmamahal sa sariling bayang Pilipinas.

Comment by commentdinako

October 20, 2009 @ 7:22 am

bat ganun? 12 years nakong wala sa Pilipinas eh diko pa rin nakakalimutang magtagalog!!!! si gretchen ba eh saan tumira? sa bundok ng timbukto?
hindi naman talaga makakalimutan yun sarli mong wika, pero pag trying hard ka maging sosyal, syempre pipilitin mong kalimutan di ba GIRL????
pero may kapitbahay ako dito sa canada na 5years old siya dumating dito, ilokano sila, so hindi sila marunong magtagalog kasi salita nilang gamit sa bahay eh ilokano, sa labas ng bahay eh english. baluktot talaga yun tagalog nila pero fluent sila sa ilokano. so may mga cases na excuse naman!!!

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

October 20, 2009 @ 9:30 am

…”diday hear somebody mention my name skinny bitch?” blink Oops! ;)

…has it been 3 freakin years already, John Sweetie??? gggurl this calls for fabulous celebration! hmmm you should ask PEP to give you an all expense paid weekend vacation to the Bahamas or to Vegas or to Sydney for putting them on the bloggo map! uh-huh! :)

…as far as the word “nationalistic” …a blog is global! the worldwide audience might think of it as too
“divisive”! …butt that just me! Oops! :(

…before I forget happy 3rd PEP! 8)

Comment by engmany

October 21, 2009 @ 12:21 am

hello

Comment by engmany

October 21, 2009 @ 12:25 am

Bakit lahgi ka na lang sumisigaw sa Showbiz Central…basag na nga ang boses mo sigaw ka pa ng sigaw nakarindi tuloy…na-appreciate ko tuloy si Boy Abunda…sa The Buzz…naiinis ako no’n pag siya na lang palagi ang nagsasalita sa the Buzz..

Comment by vainstorm

October 21, 2009 @ 1:03 am

timing na timing talaga ang post mo sweet! love it! nakakatuwa talaga mga foreigners na trying magtagalog. the other night watch lang ako sa utube ng mga foreigners na nagtatagalog.haha! proud na proud din ako tuwing naaacknowledge ang galing ng pinoy! at naiinis ako sa mga nanlalait sa kakayahan natin. yung brother ko superfan ng nba, lagi nya nilalait ang mga basketball players dito.mas bilib pa sya sa mga filams. sa mga laban din ni pacquiao dati sinasabi nya di kaya ni pacman sila delahoya at marquez. e napatumba na nga nya sila di ba. ngayon si cotto naman na malakas daw laban kay pacman.hay naku! kayang kaya ni pacman yun! lapit na laban nya, at mas lalo ko natutuwa tuwing nakikita ko mga foreign celebs na napapabilib ni pacman. sana winner uli sya sa laban nya sa ring

Comment by KorekKaJohn

October 21, 2009 @ 5:01 am

This is it!

Pwedeng-pwede pa AMAZINGMAX. Kung buhay, may pag-asa. Wow!
Tama IMISSPHIL! Tama ka! Di ko alam HOLLYWOOD, paki google na lang.
Sa mga bumati sa 2nd year ng Korek ka John! salamat ng bonggang-bongga!
Sa mga may kilala ng Pinoy pero hindi na marunong mag tagalog, lapitan nyo tapos yakapin nyo at bulungan ng, “Kapatid, hindi bagay!”. Hahaha.
Oh THEBITCH is back! Thanks for the greetings girl! I mean, SALAMAT INDAY! MABUHAY KA!!!!

Comment by June_Sunday

October 21, 2009 @ 7:43 pm

Hi Sweet,

Nagkaroon din ako ng mga friends na ibang nationality at ok din naman. Pag nasa abroad ako panay Pilipino rin ang mga kasama ko pero hindi ko totally sinasara ang door ko sa ibang lahi sometimes may mga surprises pero kadalasan ay mas marami ang similarities.

Siguro ay maraming lahi ang walang chance na makilala ang mga Pilipino kaya inistereotype nila tayo in a way.

Anyway, everything happens for a reason. Wag naman natin kuyugin ang isang tao kasi hindi natin gusto ang asal niya. Bakit hindi na lang tanungin si Terry Hatcher kung bakit nya nasabi iyon. Di ba mas maganda iyon at wala pang gulo. Respeto lang ang kailangan para walang gulo. Ang pagkukuyog ang isa sa pinakamasamang ugali ng mga Pilipino. Ito rin ang ginagamit ng mga mananakop para ma “divide and conquer” ang mga Pilipino noong araw.

Ang isa pa na masamang ugali ng mga Pilipino ay pakikisama. Love God first before everything else. Ang pandaraya, kung meron man, sa sports man o sa politika o kahit anong bagay ay hindi dapat palampasin dahil galit si God sa mga ganyan. Siyempre kapag kumakalam ang tiyan ay kumakapit na sa patalim. Pero lahat nito ay may kapalit.

Maaring may magalit sa atin kung tayo ay minsan hindi nakikisama pero natutuwa naman si God sa atin.

Paminsa-minsan ang ating mga totoong kaibigan ay hindi 100% agree sa atin at sana nga ganoon sila.

Comment by June_Sunday

October 21, 2009 @ 7:55 pm

Hi Sweet,

In fairnaess naman ang mga Pilipino raw ang pinaka masaya sa buong mundo. Totoo nga kasi sa dami ng ating mga problema ay nakukuha pa nating tumawa at magpasaya para sa ibang tao.

Comment by neenasatine

October 21, 2009 @ 8:58 pm

hi sweet.. nationalistic din ako..pero marami sa ugaling pinoy ang wala ako…except sa pagiging masayahin…

nga pala lagi kong inaabangan ung blog… i’m sure naging busy ka s work at fb..nga pala sweet, alin dun ang totoo mong account…ang daming John Lapus sa FB…

@june_sunday…uy alam mo ba, ang dami ko rin nakaaway dahil di marunong makisama..as in di ako nkkisama sa mga kalokohan ng kaklase ko nung akoy college pa… kaya ayun super iwas sila sa akin… pero i don’t mind..kasi alam kong mali ung pinaggawa nila like cheating and shoplifting sa ukay ukay..baka mamaya mapahamak pa ko

Comment by neenasatine

October 21, 2009 @ 9:11 pm

another question sweet…close ba kayo ni grecth? gusto ko sana si gretchen..kaso super turn off ako nung sinabi nyang di n sya marunong magtagalog… para namang di sya nagtatagalog…

andito nga pala ako sa pinas at nagwowork at wala pang kabalak balak mag abroad..hanggat kakayanin dito na lang ako pinas.. pareho tayong mahal na mahal ang sariling bansa

Comment by neenasatine

October 21, 2009 @ 9:12 pm

i mean baka makalimutan daw ni gretch ang magtagalog.. sorry

Comment by KorekKaJohn

October 22, 2009 @ 12:35 am

Di kami masyadong close ni Grate NEEMSATINE. But I like her. Talaga? Sinabi nya na “baka makalimutan nya magtagalog”? Hahahahahahahah. That made my night.

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

October 22, 2009 @ 7:15 am

…first of all, BSB ™ wants to say halloo out there in TV-Land! hmmm and I dont mean “TransVestite” blink Oops! :)

…speaking of TV, John Sweetie!…”what’s with your “show-me-da-mani” co-star wonder woman costume??? …like as if she’s wearing a “cheese-ball” on her head! …ssso shiny! reminds me of X-mas btw there’s only 65 more days before X-mas! yahoo! hoo! …I wonder what fabulous gift I’m getting this year from Santa baby? :)

…”nationalistic” hmmm why do “pipol” talk “pigeon english” or worst …english carabao? like yuks! Oh well! :(

Comment by neenasatine

October 22, 2009 @ 12:57 pm

@korek ka john…hi sweet..yep sinabi nya un… dito sa article sa PEP… i think about dun sa teleserye daw nila ni claud… eto ung link

http://www.pep.ph/news/23517/Gretchen-Barretto-assures-fans-that-her-teleserye-with-sister-Claudine-will-push-through

eto ung statement nya……

———————–
“Basta ang sabi ko sa kanya, kailangang gawin niya itong teleserye with me dahil excited na excited na ako at maraming naghihintay sa teleserye na ito. ‘Saka ako, panay ang pag-e-exercise ko, panay ang paghahanda ko, panay ang pagta-Tagalog ko… Sabi ko nga, puwedeng mawala ang pagta-Tagalog ko kaya kailangang mag-umpisa na kami,” ani Gretchen.
———————–
i hope nagkamali lang ung writer sa pagsusulat..

Comment by floatingflower2308

October 22, 2009 @ 1:41 pm

nalala ko tuloy si tara macias ng Survivor Philippines Palau, inis na inis ako sa kaka-english nya eh puro non-sense naman ang pinagsasasabi. salamat sweet sa entry mong ‘to, magising sana yung mga TH sa kaka-english jan.

Comment by caninetoothy

October 22, 2009 @ 2:02 pm

ewan ko yung patriotism ng pinoy, medyo nakakaduda…

katotohanan:
1. pinoy mahilig sa imported na sale, pag pumunta kayo sa factory outlet sa states, 20-30 % ng andun na namimili pinoy, pero ang mga sales lady pinoy din, tsk tsk tsk

2. pinoy ay balat sibuyas, oo ngat andaming nasasabing indi maganda ukol sa pinoy, maid to order bride, brown monkey, incompetent medical doctors(so to speak) domestic helper, pero ang pinoy kung magsalita ukol sa ibang nasyonalidad mas lalong matindi, ang mga intsik ay pasimuno ng droga, ang mga bumbay ay 5-6, at kung manlait ang pinoy ng mga kapwa pinoy e tagos laman, ang mga nababasa natin ukol ke gma, sa mga kapwa artista at sa mga pulitiko…

3. galit ang pinoy sa hapon dahil inalila nila ang mga pinay noon, pero ngayon ang mga pinay ang kusang loob magpaalila sa japan para kumita, hosto, bar girls ang mas mas dipa kanais nais…

4. galit sa kano ang pinoy maski pero ang damit, bag imported, galit ang pinoy sa tsino pero ang mga gamit made in china at namimili sa 168, galit ang pinoy sa hapon pero ang stereo at tv ay sony…

sana mas maging makatotohanan ang pinoy, maganda ang pilipinas wag abusuhin, ang yaman ng pilipinas ay lubos na nakakamangha, pero ang pinoy ay hayok sa salapi, ang boracay na dating ang ganda ngayon dumumi na, ang mga lugar na napakaganda ngayon ay nasaan na…

nanganganpanya ang mga namumuno, artista upang pangalagaan ang pinas, pero sila mismo ay indi makasunod sa kanilang sinasabi… halimbawa ang mga artistang nagmumungkahi ng pagtitipid ng kuryente, at naka aircon, ang mga pulitiko na nagpapakabait ang katotohanan e napakarangya at picture at publisidad lamang ang ginagawa, meron pa nag iba na ayaw gumalaw ng walang litrato…

ang mga pulitiko at artista na nagpapatangkilik ng sariling atin pero ang dalang bag e LV, at umiinom ng kape sa starbucks, kumakain sa mamahaling restaurant…

magising sana ang bawat makabasa nito, ayos ang pinoy kung ang bawat makabasa nito ay marunong umayos ng mas tama.

Comment by s3riously

October 22, 2009 @ 8:12 pm

I’d prefer the term patriotic than “nationalistic.” Di ba the Germans and Italians prided themselves of being “nationalist” prior to the second world war… looked what it did to them? The rise of Nazism and fascism in Germany and Italy, although they are extreme forms of nationalism.

Comment by cr7

October 23, 2009 @ 4:04 am

greetings from 8,000 miles away, in a country where all pinoys are longing to go home, sign of being nationalistic - ghana west africa! (Akwaaba - Welcome!)

Bongga ka John, yung score mo 121/100 grabe namang rating yan, di pa iyan nangyayari dati nung hindi ka pa kapuso ah! Ha ha ha…

Ayan! continue lang pasayahin kami, kahit sa mga gabing wari pagud na ang utak at puso namin sa kakaisip sa mga minamahal tsaka sa bansa natin, ikaw yung isang inspiration that made our innermost longings - turned into a smile! SWEET talaga mag-moments pag ikaw ang kasama KAPUSO!

mabuhay ang lahing Pilipino! Isigaw INIIBIG KO ANG PILIPINAS, ITO ANG AKING LUPANG SINILANGAN, ITO ANG TAHANAN NG AKING LAHI…. blah blah blah ….

tsaka kumantang I LOVE MY OWN MY NATIVE LAND, PILIPINAS KONG MAHAL, ANG PUSO KO AT BUHAY MAN… ay naku mali ata! ha ha ha, ewan ko na so long na kase forget me na…sorry JR ha (as in Jose Rizal)….

all the best … Nyame Enshirawo (God Bless You)

Comment by KorekKaJohn

October 23, 2009 @ 2:58 pm

Thanks CR7,

Gusto ko makapunta dyan sa Africa. Nandyan si Pia sa South to celebrate her bday with Bossing Vic. Yan yung isa sa mga hindi ko pa napuntahan, Africa, Europe at Australia. Ingat ka kapatid!

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

October 24, 2009 @ 5:50 am

…wadya mean back? I never left, Sweetie! :)

…still on TV buzz, didn’t know “30 Rock” NY shows over there! the cast is absolutely hilarious! um-uh! …specially Emmy winner gorgeous irish daddy Alec Baldwin, hmmm i’ll do him! blinks Oops! …it’s just unfortunate the Press was brutal! onsikantot …Well, didya hear what the senator’s comment after Alec’s joke? …”you tell that pat puckin movie star, he not gonna get no pilipino wipe! he say he want wipe thru mail? I say puck that pat swine! if ever he comes over here, forget it! …i’ll puck him myself!” Oops! :(

…I love it! :)

Comment by adobo101

October 24, 2009 @ 7:14 am

Congrats John!!
I have been reading your blogs and I cant help but to comment on this entry. I’ve been leaving here in Oz since I was 11 yo. and Im now 33 yo. Im very proud to say na fluent Tagalog pa rin ako maybe because of my upbringing and happy memories of the Phils. from childhood and whenever we go for vacations that’s why pinay na pinay pa rin ako.

The last 2 vacations ko (within 4 years), me & my friends couldn’t help ourselves na mas mainis sa mga taong taga Pinas na napakaraming ‘PA-SOSYAL’ na. Nakaka-irita na ma-aarte na sila mag tagalog! We feel na mas tagalog pa kami kesa sa kanila!

Mind you, some of my friends were born here but very fluent pa rin because we all chose to. Funny thing is, lahat ng kakilala namin even na yung mga elderly noticed the same thing.

Just wanted to know what your thoughts are on this?

Comment by liaann

October 25, 2009 @ 12:57 am

Hi John,,
its my first time na mag post..
U have to visit South africa. Its a beautiful place.
Kala ng mga tao kapag africa may lion sa kalye hehehe at puro mahihirap ang tao gaya ng nakikita sa tv. Its very wrong impression of South africa.

here are my suggestions:
Capetown —been there few times.. wonderful place.
so much to seee there…
Game drive also known as Safari — im sure u can afford, twice i went to Kruger park kaya lang mahal at bawal bata, go the 5 star as the the lower one dont offer much. u have to see the big 5 its so amazing to see those wild animals in their natural habitat..
are u avid fan of soccer, Fifa will be here next year gonna watch for final game as just few mins drive away from us.
u have to see the tribes or the local South african Blacks culture..
South africa is not only for blacks, we have also whites here, coloured and indian community.Its a rainbow nation we call it.

been here 4 years and yearly we visit manila.. nakamiss parin ang lifestyle ng pinas,
my toddler is english speaking kc nga thats our main language dito pero my husband encourage me to teach our little one our language…
Im proud of my heritage!
God bless and keep blooging, its entertaining and no pretentions at all..

Comment by KOPITA

October 25, 2009 @ 10:52 am

hi john,how come it seems irritable ka lately?at mukhang d mapakalianyway like ko ang participation mo sa adik sa u kasi you are so SWEET doon….

Comment by chinaeyes711

October 26, 2009 @ 12:16 pm

gandang araw sweet!!!!

tawa kami ng tawa ng sister ko last night habang pinapanood namin yung bandaoke nila Allan K and Jaya yung pilote episode. pati rin yung show me the manny.

I know marami tayong mga Pinoy na lumalabas ang pagiging nationalistic natin kapag merong lumalait sa lahi natin, tulad na lang yung comment nong tsekwa na writer ba yun na nag comment laban sa Pinas at pati doon sa DH niyang Pinay. hindi lang ilong ko ang umusok that time. mega comment din ako sa forum kung saan ko na basa yon. I know maraming Pinoy na puro ka gag*han ang alam gawin pero mas maraming Pinoy ang matino. nakakalungkot lang isipin na mas napapansin ng mundo yung mga negative about us kaysa sa mga good qualities natin.

kaya nga proud na proud ako kapag me laban ang mga boxers natin lalo na si Pacman at talagang inilalagay niya ang Pinas sa Mapa ng mundo.

yung mga relatives nga namin na nasa US eh kapag may laban si Pacman eh nag fifiesta sila doon at may instant family reunion sila. lalo kapag nanalo si Pacman.

let us pray na manalo si Pacman sa laban niya against Cotto.

God Bless and ingat lagi!!!

Comment by KorekKaJohn

October 26, 2009 @ 1:32 pm

Thanks CHINAEYES. Naku KOPITA, abangan mo ang role ko sa Full House. Im busy and happy now, no need na mairita. LIANN, Africa it is! ADOBO, yung Oz ba Australia? Gusto ko din makapunta dyan sister. Tama ka sa mga ibang pinoy na pasosyal. Meron din naman mga sosyal talaga pero ang yayabang ng mga leche. Bwisit din yon. CANINETOOTHY, korek ka John!

Comment by alench

October 26, 2009 @ 2:48 pm

congrats John! happy anniversary sa pep! nakakatuwa tlga ung blog mo… nung una kong nakita to, nag back read ako, para makakonek! hehehe anyway, more power!:)

Comment by lakers

October 26, 2009 @ 3:54 pm

akala ko ba sweet malinaw ang pag-iisip mo? terry hatcher was just an actor na nagbabasa ng script. sana tinira mo ang scriptwriter ng desperate housewives.

another thing… kapag tayong mga pinoy, natira nang konti by foreigners, nagwawala na tayo. pero tayu-tayo mismo, tinotolerate ang kawalan ng galang sa kapwa pinoy.

huwag na tayong lumayo pa. anjan ang mag-inang richard at annabelle na akala mo mga bully sa schools kung makatira. ang kakapal ng mukha.

Comment by KorekKaJohn

October 26, 2009 @ 5:46 pm

Relaxxxxxxxx LAKERS! Tinira ko din ang writer/creator na si Marc Cherry. Hindi ako makarelate sa last line mo kasi mabait sila sa akin eversince. Pasensiya na.

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

October 27, 2009 @ 12:30 am

…see what I told you John, being “nationalistic” divides “pipol” especially their misguided views on what it is really to be “nationalistic” hmmm …like in the case of Manny Pacman, everybody in the Sports World knows, the reason why any athlete in the world is on top of their game besides the constant training is because they remain focused! and has nothing and I repeat …nothing to do with their race nor ethnicity, am I correct John? ;)

…besides the Germans were “nationalistic” in the 40’s and look what it got them! coz they thought their race is “better” than the rest of the world! …NOT! Oh well whatever! :(

…my prediction on the Pacman-Cotto fight, hmmm …someones gonna win, fabulous! Oops! :)

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

October 27, 2009 @ 12:46 am

…btw see you all in Nov at VivaGlam Las Vegas, hmmm hmmm …I”m window shopping! it’s the recession hello!!! …besides instead of splurging I’ll just donate it for a really really really good cause, wadya think John? blink Oops! ;)

…hooray for BSB ™ hip hip hooray! …hip hip _______! ;)

Comment by rafgab

October 29, 2009 @ 4:43 pm

As always, I get entertained reading your blog and in fairness I learn a lot sa mga posts mo. Happy 3rd year anniversary! sana lang you post frequently para bago lagi ang nababasa namin. Congrats! may your blog last a long long long….. ah basta until magsara na lang ang website ng PEP

Comment by engmany

November 2, 2009 @ 7:49 pm

Hoy John Lapuz….huwag ka ngang sigaw ng sigaw sa Showbiz Central…nakakarindi…ang sakit sa tenga …basag na nga boses mo sigaw ka pa ng sigaw…walang kuwentang host…

Comment by shellphone

November 4, 2009 @ 10:54 pm

Correct ka dyan maraming Pinoy na nakarating lang sa ibang bansa as if hindi na marunong mag tagalog.

Mga anak inieenglish eh sa totoo lang ang batang lumaki sa ibang bansa maaabsorb nya ang kahit 8 language until the age of 9 kaya hindi excuse na hindi marunong mag tagalog.

MAy mga parents na nagreresponse sa anak in english eh hindi naman fluent kulang na lang sabihin ko pwede ba magtagalog na lang kayo at nahihirapan na kayong mag english.

KAYA HANAGA AKO SA PINOY NA NAPALAKI NILA ANG MGA ANAK NILA NA MARUNONG MAGTAGALOG KAHIT NASA IBANG BANSA NA.BRAVO!!!!

Comment by djelibeybi

November 6, 2009 @ 3:27 am

ano ba yan sweet? Nawala ka na naman sa sirkulasyon? Asan ang new blog?!! HAHAHA!

Comment by woshooo

November 20, 2009 @ 8:49 am

agree ako sayo shellphone..

marami talagang ganyan sa ibang bansa.. nakakairita na talaga.. lalo na kung both parents are filipino tapos todo english sila sa anak nila.. at ayaw paturuan ng tagalog para ano? para sosyal sa mata ng ibang tao? i don’t think so…

merong nakilala papa ko 5 years dito sa US.. laking Pangasinan pero ang sabi nya di na daw sya marunong mag tagalog or pangasinense kahit na maririnig mo pa rin ang accent sa kanya..

napanood ko pa nag audition sa starstruck.. 3 years pa lang sa US pero di na daw marunong mag tagalog [i was like.. WTF?!] sinong niloko nya?!

yung auntie ko 30 years na sa US.. bihira lang syang may nakakausap na tagalog, mga kaibigan nya is ibat ibang lahi.. pero marunong pa rin mag tagalog [tagalog kami mag usap] waray and nakakaintindi pa ng kapampangan.. bilib ako sa kanya =]

Comment by djelibeybi

November 20, 2009 @ 5:40 pm

sweeeet! please po… palitan mo na ang blog mo.. ang tagal naman ng bago!!! nababaog na ‘ko sa kakahintay! wahahahaha!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word

 

Advertisement