There are some rules na automatic na nating sinusunod in our everyday lives. Most of these rules, may sign na mababasa at makikita. Pero kahit wala ang mga signs, alam naman natin ang mga rules na ‘yan, kaya sinusunod pa rin natin.

KEEP SILENCE sa mga Library. Nagtataka naman ako kung bakit yung iba pag nagbabasa, ang iingay. Kaloka!
SPEED LIMITS sa mga kalye at highway. Halos lahat ng hindi sumunod nito, patay na.
NO ID, NO ENTRY sa mga opisina at lalo na sa mga schools. Tama naman ito. Pero sana pati ang mga boss at teachers, e, mag-ID. Di ba?
TURN OFF CELLPHONE sa mga sinehan. Sa lahat ng city ordinance ito, ang pinaka-type ko. Sana gawin na sa buong Pilipinas. ‘Tapos idagdag sa rule na sasampalin ang mahuhuli ng lahat na malakas ang pag-ring ang cellphone. Hahaha.
NO STICKER, NO ENTRY para sa mga sasakyang pumapasok sa mga exclusive na village. Kung makaasta naman ang mga exclusive village na ito, akala mo walang nagaganap na krimen sa loob ng village nila. Asus!
NO BLOWING OF HORNS sa mga simbahan. Nakakaloka ang mga bumubusina sa tapat ng simbahan. ‘Tapos malakas pa at paulit-ulit. Kidlatan sana ni Lord ang mga ‘yan minsan.
BAWAL UMIHI DITO sa mga pader. May nakita nga ako sa isang malaking pader sa Novaliches, BAWAL IHI PUTOL TITI, TSK! Hahaha. I’m sure walang umiihi doon.
BAWAL TUMAWID sa mga malalaking kalye at highway. Dapat ito dagdagan ng, “KASI BAKA MAMATAY KA AT MADUROG!”
Madami pang mga rules akong alam at nakaka-sad na kahit may signs na, e, may lumalabag pa din sa mga rules na ito. Kaya naisip ko, dapat sa showbiz, may mga signs din ang ilang rules na puwedeng mabasa para walang away.
FINDERS KEEPERS, na in Tagalog, “ANG KAY PEDRO AY KAY PEDRO.” Kung ang isang artista ay na-discover ng isang network at tuluyan na nilang pinasikat, sa aking palagay, kung naaksidente or namatay ang nasabing artista, ang kanyang home network dapat ang magkaroon ng EXCLUSIVE coverage ng kanyang aksidente or kamatayan. Kasi noong nagsisimula yung artista, hindi naman pini-feature or ni hindi binabanggit ng ibang network, bakit kung kelan naaksidente or namantay, tsaka sila nagkaka-interes? I know that news is news, pero for me, kung hindi naman artista ng network mo, e, banggitin mo na lang ang nangyari or magcondolence ka, ‘tapos ipaubaya mo na sa home network niya ang ibang detalye. Tapos!
NO WORK THEN GO, or in Tagalog, “KUNG TENGGA KA, LIPAT KA.” Sa hirap ng buhay ngayon, maski ang mga nagniningning na bituin ng pinilakang-tabing ay apektado. Na-i-imagine niyo pa yung mga baguhang artista or yung mga hindi kasikatan na mistulang breadwinner ng kanilang pamilya? Kawawa. Kaya para sa akin, sana ang mga network ay hayaan nang lumipat ang ibang artista nila na wala namang trabaho. Kahit guesting or raket lang para naman may pang-noche buena at media noche ang mga nasabing artista sa darating na Pasko at bagong taon.
I DID MY BEST, BUT I GUESS MY BEST WASN’T GOOD ENOUGH, or in Tagalog “TODO NA, SUKO NA.” Dapat malaki ang sign na ito at nakapaskil sa lahat ng hallway ng mga networks, or dapat may fliers pa na binibigay sa ibang artista na ginawa na ang lahat pero wala pa din project. Lalo na yung mga sumali lang sa mga reality shows ‘tapos hindi na bumalik sa dati nilang buhay at nag-decide na lang mag-showbiz kahit walang talent. Huwag po tayong ambisyosa. Hindi porke nakita ka na sa TV ay puwede ka nang maging artista. Kaya natuwa ako nang mabalitaan kong nag-flight steward na lang yung isang actor-model na sumali sa isang reality show. Guwapo kasi siya, pero wala talagang talent sa pag-arte or kahit hosting. I’m sure magiging magaling siya bilang flight steward. Yehey!
SHY? GOODBYE!, or in tagalog “KUNG MAHIYAIN KA, HUWAG KANG MAG ARTISTA, UL*L!” Madalas uminit ang ulo ko sa mga baguhang artistang dinadaan-daanan lang ako or ang ibang artistang higit na nakakatanda sa kanila sa showbiz. Ang malala, ginagawang excuse, e, mahiyain lang daw kasi. Maryosep! Ang showbiz is one of the industry na required kang makisalamuha sa madaming tao. Ngingiti ka sa mga taong hindi mo kilala at hahawakan ka nila bilang nakikita ka nga nila sa TV or sine. Kung hindi mo kaya ang mga ganitong gawain, pwede kang mag-work sa call center dahil boses mo lang ang kailangan or mag-apply ka sa mall bilang taga-balot ng mga regalo kasi hindi mo kailangang magsalita or makisalamuha sa customers. Hindi nakakahiya ‘yon. May isang male TV host ang na-meet ko for the first time the other day. Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay, hindi siya nakipagkamay, bagkus ngumiti lang. Ako na lang ang humawak sa braso niya para hindi naman ako mapahiya. Sabi ng ibang nakakita, pasensiya na daw ako kasi mahiyain ang TV host. Say ko, “Bakit nag showbiz pa?” Say naman ng isa, “Pasensiya ka na kasi religious ang family nila.” Ang nasabi ko lang, “AMEN”.
NO COMMENT MEANS SOMETHING, or in tagalog “KUNG AYAW MO MAG -COMMENT HUWAG KANG LUMABAS NG BAHAY” Nabanggit ko na ito dati…Hindi ko talaga type pag ang isang artista sumasagot ng “no comment” sa isang issue na involved siya. Kasi, the fact na hindi ka nag-comment, ibig sabihin ay may alam ka pero ayaw mo lang magsalita. So ang point ko, kung ayaw mo magsalita, e, di magkulong ka sa bahay or pumunta ka ng ibang bansa at doon magtago. Pero sa 15 years ko working in a showbiz-oriented talk show, pag nagtago ka sa isang issue, hindi naman nawawala. ‘Eto tip sa ibang artista, chumika ka na lang ng sagot keysa sa mag-no comment. Mas gusto pa ng mga reporters ‘yon. Galingan lang ang pag-arte at baka mabuking na nagsisinungaling ka. Mas delikado ‘yon. Siyanga pala, ang “smile” ay may something na din ngayon. Mag-ingat sa pag-smile!
Naku, ‘eto, tiyak na mapapa-smile ang mga Pinoy na nasa Singapore on Sunday, December 21. Nandiyan po ako sa Fort Canning Park at 2:00 p.m. with my friends Jon Avila and Victor Basa. Maliban sa posters, I’m sure, may signs naman papunta doon.
