| Register

Bwiset!

Filed under: Opinion — admin at 6:43 pm on Friday, August 22, 2008

Wala akong cash on hand the other day. Kailangan kong mag-withdraw. Nagpa-panic ako pag wala akong cash sa bulsa. Childhood trauma ‘yon so bigay niyo na sa akin. Other than that, may kailangan din akong bilhin at bayaran.

Mga alas singko pa lang ‘yon ng hapon, takbo ako agad sa UCPB, Tomas Morato branch. Sa UCPB pumapasok ang sweldo ko sa GMA-7 so nandoon lang ang pera ko, maliban sa time deposit ko na nasa ibang bank naman. Pucha, offline! Tawag ako agad sa hotline nila. Sa Quezon Avenue branch daw puwede, takbo ako agad. Pucha, offline din. Natalakan ko tuloy yung babae sa hotline nila ng, “Niloloko mo ba ako?!” Bwiset!

Noong naospital ako two weeks ago, noon ko lang nalaman na depende pala sa kuwarto mo ang bayad sa mga services and procedure na gagawin sa iyo sa isang ospital. Dahil fully booked nga ang mga rooms sa ospital the day na na-admit ako, nag-yes na ako sa deluxe room when they asked me. ‘Yon nga daw kasi ang unang nabakante. In other words, mas mahal ang binayaran ko sa blood test, nurse services, urine and stool test keysa sa mga patients sa private room and lalo na siguro sa ward. Bakit gano’n? E, same tao lang naman ang gumagawa ng mga tests at same procedure lang naman? Di ba bwiset?

Yung mga kotse ko, Suzuki at Subaru. Bukod sa maganda at matibay, ayaw ng mga carnappers kasi mahirap daw ibenta at chop-chopin. Pero ang punchline, pag nasira ang ibang spare parts, ang tagal bago maging available kasi ino-order pa raw sa Japan. E, bakit ka kasi magtitinda ng kotse na walang reserved na spare parts? Bwiset!

Kumain ako sa Jollibee the other day sa Alabang. Karamihan pala ng mga branch nila ngayon, bakal na ang fork and spoon. Pucha ang dumi ng nakuha kong kutsara. Kadiri. Bwiset!

May kalandian ako na lalaki. Ayaw niyang lumabas kami in public. Sabi ko, “Bakit artista ka rin ba?” Hindi naman daw sa gano’n. Hiya lang daw siya makita ng mga kaibigan niya na kasama ako. Parang ikinakahiya niya yata ako? E, bakit nakikipaglandian ka pa sa akin? Bwiset!

Walang katapusan ang traffic sa Metro Manila pero kaswal na sinasabi ni Bayani Fernando na tatakbo siyang presidente sa 2010. Ha? Parang joke. Bwiset!

Ang galing ni Jayann Bautista sa Pinoy Idol. Siya talaga ang bet ko kasi performer na, maganda pa at artistahin talaga. Si Gretchen Espina nanalo. Bwiset!

Na-blind item na naman daw ako ng feeling ina ng laging saklolo. Pinabasa sa akin ng friend ko. Kaya pala ginawang blind item kasi imbento. Nakakalungkot. Bwiset!

Late na nagsimula ang premiere night ng Loving You last Sunday, August 16, sa Megamall. 7:00 p.m. ang call time namin pero mga 9:00 p.m. na nag-start. Nakakainip ang pag-aantay. Nagpabili muna ako ng pagkain kasi gutom na ako. Pucha, bawal daw ang outside food sa loob ng mga SM cinemas pag may premiere night. E, pucha walang kwenta ang pagkain na tinda sa booth nila lalo na pag gutom ka. Bwiset!

Last month lang nag-ok ang mga tseke na ibinayad sa akin ng Regal Films para sa pelikulang Loving You. Prior to that, yung super delayed na check ko naman from Shake, Rattle & Roll 9 ang nag-good. Nabanggit ko na dito dati ang feelings ko towards Regal Films’ post-dated cheques. Kahit bwiset, e, sige na nga.

Workaholic ako. Pag walang ginagawa, nabo-bore ako tapos nalulungkot. Kaya naman super effort ako noon sa pag-apila sa GMA-7 para magkaroon ako ng second show other than Showbiz Central na every Sunday lang. Finally, dumating ang Kim Samsoon! Ang saya-saya ko. Nakatulong na sa expenses ko, nakatulong pa sa boredom at loneliness ko. Ang saya namin sa set ng Kim Samsoon. May kakaibang rapport ang lahat ng cast. Direk Dominic Zapata and Regine Velasquez glue us together. Magaang kasi dalhin yung dalawa. Very light tuloy ang mood sa set namin. Ang saya! Last four taping days na lang ang Ako si Kim Samsoon…Bwiset!

Minsan ayaw mong tumalak kasi masisira lang ang araw mo, or worse, maha-high-blood ka. Pero pag ganyan ang situation, parang bwiset talaga! And most of the time naman, nabubwiset ka kasi mawawala na ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. At pag tumalak ka at sinabi mo ang mga hinaing mo, bukod sa nalalaman nila ang problema, ginagawan pa ng paraan. Kaya pala ang mga big companies, may mga complain centers or department para maibsan ang kabwisetan natin.

Wala akong choice kundi mag-withdraw na lang over the counter sa UCPB, Tomas Morato. Sinabi ko sa mga tao doon ang nangyari sa akin the day before. Ginagawan na daw ng paraan ang mga ATM nilang laging offline. Sana nga para wala nang mabwiset. Sabi ng friend kong doctor, ganoon daw talaga ang bayaran sa lahat ng ospital. Nasa bongga kang room kaya bongga din ang bayad mo sa mga services at procedure nila. Pero may point daw ako.

Karamihan daw ng mga ibang international car companies—like Ford, Honda at Toyota—ngayon ay may factory na dito sa Pilipinas para maging available anytime ang mga spare parts for their clients. Ang Suzuki at Subaru, sana magkaroon na din.

Hindi na daw disposable plastic ang ginagamit ng ibang Jollibee branch na fork and spoon para makatulong sa environment. Wow! Nakadagdag pa nga daw sa employment rate nila kasi may additional silang crew na taga-hugas. Sana lang, please…maging maingat sa paghugas. Huwag panay ang chika.

Nag-text sa akin the other day yung lalaking kalandian ko. Bakit daw hindi na kami nagkikita? Text back ako, “Nakakahiya kasi sa mga fans ko na makitang kasama kita!”
Sabi ng mga drivers at vendors na bwiset sa MMDA, hinding-hindi daw nila iboboto si Bayani Fernando. Sa Celebrity Duets kaya, iboto nila si Chairman?

Babawi daw si Gretchen by proving sa mga tao that she’s worthy of the Pinoy Idol title. Go girl!

Hindi ko pa din papatulan ang nag-blind item sa akin. Malaking bagay ang palamunin niya ako noong araw na gutom na gutom ako. Ipagdadasal ko na lang na sana, hindi totoo ang sinabi ng friend ko tungkol sa sasapitin niya sa kanilang show. Kawawa naman kasi, baka siya naman ang magutom.

Sobrang ganda ng Loving You. Palakpakan ang mga tao sa mga eksena namin. Nakakakilig ang love team nila Aljur at Kris, Jean at Polo, ‘tsaka sina JC at Yasmien. Ang daming nag-watch ng premiere. Sa sobrang aliw nila sa pelikula, hindi na nila namalayan na late na nag-start. Sa sobrang proud ko sa movie namin at sa director-friend kong si Don Cuaresma, nawala na sa isip ko na sa CR ko kinain ang pinabili kong food. Showing na ang Loving You. Watch na at ma-inlove!

Umattend ako ng story conference ng Shake, Rattle & Roll 10 kahapon, Thursday. Malaki at monumental ang 10th edition ng SRR. I will be part of the third episode na pagbibidahan ni JC de Vera at Roxanne Guinoo. Usually, ang third episode ng SRR ang pinaka-bongga at inaabangan talaga. Shooting na kami next week. Abangan!

Ini-enjoy na lang naming mga cast ng Kim Samsoon ang last four taping days namin together. Sa set nga, naglolokohan na kung ano ang kasunod na show ng bawat isa. Si Direk Dom yata ang magdidirek ng La Lola ni Rhian Ramos. Si Regine naman, after ng Celebrity Duets pa yata ang next soap na gagawin. Si Jenica at Mart, nasa La Lola din yata. Alam ko si Eugene Domingo, ayaw muna mag-soap. Kinausap ako ng Songbird the other day. Say niya, “Sweet, alam ko kasama ka sa next soap ko. Tayo lang ang magsasama ulit if ever!” Exciting! Nawala ang bwiset ko.

92 Comments »

Comment by mystery_poklat

August 22, 2008 @ 7:29 pm

hi sweet…

salamat naman at may bago ka na uling entry sa blog mo.. lagi ko itong inaabangan at talaga naman kaka-enjoy at basahin at take note… di nakaka-bwiset… hehehe… siksik… liglig..umaapaw ang nilalaman at ang galing talaga kung pano ka umatake…

good luck sa’yo.. sana dumami pa ang projects na pagkakaabalahan mo.. take care & God bless!

Comment by hugo_lombardi

August 22, 2008 @ 7:31 pm

Tahan na ate sweet, its all days we smile… Just shows that like us, you are ordinary and feels bad also… Its just nice to be in a Real World.

I miss you ate sweet! Ingat po

Comment by hugo_lombardi

August 22, 2008 @ 7:37 pm

Its not all days we smile…. sorry typo error

Comment by jerick miranda

August 22, 2008 @ 7:43 pm

hi sweet exact bday ko august 22 ngayon at napakalungkot ko dahil walang bumati sakin kaya ang ginawa ko in-open ko ang blog mo pagkatpos kong mabasa ang blog mo medyo gumaan ang pakiramdam ko .isa ka sa nakapagpapsaya sakin when i’m feel sad keep it up!!!

Comment by male species

August 22, 2008 @ 7:47 pm

Haay…san ba pwedeng pag-petition para ma-extend ang KSS??…talagang napapatawa ako nito, gabi-gabi…

Kakalungkot naman kung mawawala agad…please GMA!!! extension pls…mami-miss ko si Mark Anthony at si sweet!!!…

GMA…hope ur listening…di namin type si Rhian Ramos or si Dennis Trillo(LA LOLA or GAGAMBINO)… formidable na yung Telebabad nyo, hwag naman sanang mawala ang KSS AGAD!!!

Comment by mrloo

August 22, 2008 @ 8:14 pm

sweet, pwede ba kitang ipag produce ng show???? email me at mrloo2k4@yahoo.com

Comment by jezilicious

August 22, 2008 @ 8:55 pm

hi sweet!
salamat naman at meron ka ng bagong entry…
nawala tuloy bwiset today!
hay naku kunin mo na lang akong p.a. para ako na lang mag-encode ng blog mo noh para kahit araw-araw ay may-blog ka… at para hindi lang isang libro kundi baka 24 volumes pa ang ma-publish…
alam mo dati ayoko sayo pero ngayon ayaw na ayaw ko na yung mag-ina na umaapi sa’yo…
luv yah!
btw i am KRIStian (maka-kris hehehe) pala…

Comment by pinay_zest

August 22, 2008 @ 9:07 pm

hi sweet nabasa ko yung bling item na yun ni cristy fermin sa bulgar….wag mo syang pansinin inggit lang yun kasi tinatalo ng showbiz central ang show nila na puro panget……inggit lang sila ni jobert sucaldito na mas makinis ka at mas madami kang friend na artista din…sila kasi nababayaran ang dangal nila at walang credibilidad…di tulad mo na totoong tao….sweet nakakatuwa ka sa kim sam soon at enjoy na enjoy din akong panuorin ka sa showbiz central…..batiin mo naman ako sa show hehehehehehehe

love you sweet

Comment by Brian

August 22, 2008 @ 9:15 pm

sweet, sana wag naman mashadong delayed ung blogging mo. namimiss ko kalandian mo at kakulitan. fun to read blogs mo. tyaka advice lang, pag kinahiya ka ng lalake ilaglag mo na.. useless lang un…. my dadating dn na guy na mamahalin ka kng ano ka at d ka ikakahiYa sa madla…. malay mo ako Un? :)

Comment by madam01

August 22, 2008 @ 9:19 pm

galing mo talga magsulat sweet. nakakatanggal ng bwiset… bayaan mo na yung blind-item-blind-item na ganyan…mga inggit lang na walang magawa sa buhay. and don’t worry, hindi naman talaga kapani-paniwala noh…tsaka sikat ka kasi kaya ka tinitira…kung di ka sikat, keber nila sa ‘yo at keber din namain… go girl!

Comment by chikadora_ako

August 22, 2008 @ 9:22 pm

hi sweet!

kakatanggal ka talaga ng bwiset! keep on posting blogs ha..kakamiss kasi eh. nagt lagi..mwah

Comment by usyuseronumeruno2

August 22, 2008 @ 9:23 pm

I like your blog today. Inumpisahan mo ng mga “bwisit” na kwento.. which is, totoo naman lahat. Tapos in the end, naging positive pa rin ang dating. Sabi nga nila.. you have to look at a glass with half water as half full.. and not as half empty. Goodluck sayo.. hope to see you and Regine on the next soap.

Comment by toptop73

August 22, 2008 @ 10:11 pm

Hi Sweet,

Pag dating kay Chairman Fernando, magkaiba tayo. Nagustuhan ko ang pag aayos ng Edsa traffic na ginawa niya kahit bumabaha pa rin sa ibang part ng Metro Manila, hindi lang si Chairman ang may kasalanan nun- pati n yung mga taong tapon ng tapon ng basura kung saan saan.

Comment by mslavender

August 22, 2008 @ 10:40 pm

alam mo sweet, sadyang ino-off line ng mga bangko ang atm’s esp pag payday kasi ayaw nilang isabay ang pagcredit ng mga company payrolls sa ibang transactions.Nagkakaron ng transmission bottleneck at nagda-down ang system.Nakaka-bwisit talaga pero no choice naman tayo. What’s the blind item all about? Pwedeng paki-share pepsters?Wag mo na lang isipin na ikaw yun, Sweet. Baka iba naman ang tinutukoy nila. Pag nagreact ka, baka sabihing guilty ka. Tama yan, just pray for them, pray na ma-enlighten sila para kahit papano e ma-guilty sa mga ginagawa nila.

Comment by mandersnork

August 22, 2008 @ 10:41 pm

hi sweet hayyss buti nman may bagong mababasa ulit.. ganyan talaga may bwisit pero may good nman yan lagi.. talaga sweet kasama mo c regine ulit??? ay ang galing naman, ang saya saya.. mabait nga yang c regine sweet… keep up the good work wag ng pansinin ang mga taong nega pra d masisira ang araw mo.. God bless and ingats

Comment by luhvleeh

August 22, 2008 @ 10:56 pm

who is this person ba doing blind items on u? say mo na sweet……cya ba yung they call nanay?

Comment by straub14

August 22, 2008 @ 11:03 pm

sweet,
noon nasa pinas pa ako at may Adonis pa sa QC,mga late 90`s pa eto at kasagsagan ng maraming show ni cristy fermin nandoon siya with his group of bading na reporter friend ang cristy fermin di pa nagkasya sa panood ng mga lalaking nagsasayaw at nangaakit sa stage kumuha talaga ng private room at doon pinasayaw ang mga lalaki na macho dancer…GUTOM din pala yon.kaya pala nagsara ang mga publication niyan…malaswa pala talaga,no wonder kong paano malinis linisan kaya nasusuka ako pag nag blind item yan dahil ayaw munang tingnan ang sarili,at sumpa ko sa mga ancestors ko totoo ang nakita ko.

Comment by samsoonganda

August 22, 2008 @ 11:50 pm

Di ko nabasa yung blind item pero ang masasabi ko lang e hayaan mo na sya. Mukhang inggit na sya sa iyo at maganda ang tinatahak ng iyong career. Isipin mo na lang ang iyong pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa iyo para mawala pagkabwisit mo. Think happy thoughts. Mawawala na pagkabwisit mo, gaganda ka pa ng bonggang-bonga. :-)

Comment by bananashake

August 23, 2008 @ 12:07 am

hi sweet.. sana hindi ka na bwiset pag nabsa mo mga comments here…. hehe.. cheer up.. dti ang sinasabi ko sa mga friends ko.. ‘if this day did not end up the way youv\’ve planned it cheer up coz if God made this day perfect then He will not think of making 2moro”
pero minsan Ok lang tlg ma-bwiset.. kase nakakalabas din ng tensyon at sama ng loob.. hehe

continue doing good and you will be blessed… sana magkaroon ka ng charity na sinusuport or project na gnun ang effect para may pagkaabalahan ka din pag bored ka.. i am willing to be a volunteer sweet…

god bless… cheer up…

Comment by sweethie

August 23, 2008 @ 12:07 am

hi Sweet! i really enjoy reading your blog..

exciting naman me bagong soap si Songbird after KSS..at masaya yon lalo’t kasama ka!

Comment by bananashake

August 23, 2008 @ 12:08 am

aahh si cristy… siguro dahil friend siya ni long haired monster… hahaha… ok lang yan sweet… wala naman ng naniniwala dun hahaha…

Comment by tishaneiron

August 23, 2008 @ 12:12 am

i love you sweet………hay at last my blog ka ulit

Comment by simplejhen_17

August 23, 2008 @ 12:32 am

Hi John!I just want to let you know how happy I am every time I visit your blog. Nakakawala ng pagod especially kapag galing ako ng work. Yung sense of humor mo kasi, iba. And nagpapakatotoo kang tao. Simula ng nagbasa ako ng blog mo, naging habit ko na magbasa nito.
Sometimes I will open PEP because of your blog. Kaya keep up the good work and more power to you!

Comment by anoba

August 23, 2008 @ 12:46 am

sad naman i love kim samsoon pa man din nakaktawa

Comment by Melai

August 23, 2008 @ 3:29 am

Hi Sweet… ramdam na ramdam ko ang kabwisetan mo.. hahahha…
same here si Jay Ann din ang bet ko, marami kasing pantxt si Gretchen, dapat maging proud ang kalandian mo, dahil isang sweet anng kalandian nya, ndi bah? Keep up the Good work, looking ahead sa mga projects…

Comment by september_girl

August 23, 2008 @ 5:06 am

Korek ka John! Taga ABS-CBN ako. Malapit na matapos ang maliligayang araw ni Cristy at Jobert. Ang taray mo Sweet! Nalalaman mo pa din ang mga confidential ng ABS. Cristy per minute na lang ang maliligayang araw mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Comment by kapusomagic7

August 23, 2008 @ 8:48 am

GO SWEET!!! MAS SIKAT KA NA SA KANILA!!! wag mo ng patulan!!!

Comment by purong_kapamilya

August 23, 2008 @ 10:19 am

KAALIW TALAGA ITONG BLOG NI SWEET NAKAKATANGGAL NG STRESS.BONGGANG BONGGA KA TALAGA SWEET TARAY….SANA MA MEET KITA BAGO UMALIS NG BANSA

Comment by kayetotz

August 23, 2008 @ 11:00 am

yaan mo cla sweet!mas di hamak nmn n milya milya ang layo ng galing mo s paghohost kesa s mga naninira sau..at mas my credibility k nmn noh…hndi ko maimagine n cla ang uupo s Don’t Lie To me..hahahahaha..=)
ewww…=)..nakakaloka..bka sumabog ang Lie detector machine!=)

keep posting ur bwiset-reliever-blogs!=)
mabuhay k kapatid and God Bless always!=)

Comment by yellow

August 23, 2008 @ 11:32 am

i enjoyed reading your blog! God bless! :)

Comment by carmi

August 23, 2008 @ 11:44 am

Hi Sweets,
Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, along with all malice.

Be kind to one another, tender-hearted, forgiving each other, just as God in Christ also has forgiven you.

Ephesians 4:31,32 NASB

It’s true , sabi nga ” tao lang “… pero I know every body learned to forgive and accept our own mistakes..

take care and God Bless..

Comment by karm_18

August 23, 2008 @ 12:14 pm

hi sweet,

so sad naman mawawala ka n sa KSS ka loka tlga yung KSS bongga ang ganda super nakakatawa sana tlga may show kayo ni ms eugene at sana sa GMA din wag na kayo balik doon sa kabila love you sweet keep entertaining D pilipinos heheheheheh proud to be kapuso

Comment by chuchay

August 23, 2008 @ 12:49 pm

Dear John,

Maganda ang blog mo kc experiences ng ordinary people, tinatackle kaya relate lahat.

Ang sabi nga nila pag-pinupukol ka ibig sabihin nun mabunga ka kaya daming ingit. Magaling mag-adlib si Cristy pero super bias din sya sa kanyang comments kaya nawawala ang credibility nya.

Pls, pls, pls. always update your blog.

Comment by lissy_me

August 23, 2008 @ 1:14 pm

hello sweet! unreliable tlga ang UCPB. as in kakabwiset f ngmamadali ka. hndi lng yan dyan ngyayari. dito rin sa bacolod. yong malapit sa wrk namin na ucpb atm machine, lagi na offline cnt dspense pa 100 peso bill. so f sahod mo is 4900, u cnt widraw the remaining 400 pesos. hahanap ka pa ng ibang atm machine. bwisit tlga. one time yong guard ang napagalitan ko hehehe. sabi ko, “ano ba nmn yang atm ninyo? very inconvenient sa amin!” hehehehe

Comment by Tigbak

August 23, 2008 @ 1:19 pm

Mama request mo sa GMA Execs na bilhin nila ang rights ng “The Moment of Truth” at ikaw ang mag-host nun. tapos for the first three months ang contestants mo eh artista, exciting nun.

Comment by shemariah

August 23, 2008 @ 1:40 pm

i always read ur blogs.. very honest kasi ang mga say mo dito kaya aliw na aliw akong basahon.. I really like you pa.. although.. lumipat ka sa GMA>. Like pa din kita…
God bless!

Comment by cocofanatic

August 23, 2008 @ 2:10 pm

Hi sweet,

salamat at may bago kang blog ngayon…may nabasa na naman kaming mag kakaibigan.

Sana ma meet kita sa susunod kong pag babakasyon..jan sa pinas….

Ingat palagi……

PS… Anong balita na kay COCO MARTIN…kailan ba siya babalik ng GMA 7 ?

Comment by lalabs

August 23, 2008 @ 2:27 pm

Hay naku Sweet! basta ako like kita, kahit anu ka pa kasi nag eenjoy akong panoodin ka sa show mo at lalong nag eenjoy akong magbasa ng blogs mo, Keep up the good work, sa mga tumitira sa iyo, sabi nga sa arabic “Khaliwali!!

Comment by malak

August 23, 2008 @ 3:01 pm

enjoyable talaga blog mo. keep it up..

Comment by yeyah

August 23, 2008 @ 3:58 pm

HI, SWEET DON’T MIND THEM!!!!ISIPIN MO NA LANG THAT YOU ARE BLESSED. MATITIGBAK NA YATA ANG SHOW NILA KASI DI NA NAGRARATE EH, OPINYON LANG TO HA…..

Comment by Dana

August 23, 2008 @ 5:55 pm

SWEET!!!

bkit naman ang bilis ng Kim Sam Soon!!! I really really love REGINE (i’m an avid fan of her), YOU, EUGENE AND JENNICA there!!!

waaahh!!! Sweet, i-update mo kami sa next soap niyo ni Ate Reg ha?…. I LOVE YOU BOTH!!!

xOxO…

chuckles…

Comment by natalie

August 23, 2008 @ 6:22 pm

hi sweet!!!
anong next soap nyo ni regine? details naman dyan..sana si uge kasali rin..don’t mind fermin ..she’s such a looser sabi nga ni angelica, ha-ha-ha…TC!!!

Comment by justme22

August 23, 2008 @ 9:47 pm

Hi Sweet,

Wag ka nang ma bwiset sa Hospital bills o .. it’s your health and importante. Keep it up!

Comment by angel_kapalmukz

August 23, 2008 @ 10:01 pm

Hi Sweet…
Lagi ko pinapanood ang Kim Sam Soon ninyo ha kahit late na siya at antok na ako. Naaaliw kasi ako sa inyong lahat eh.

Comment by vora

August 23, 2008 @ 10:28 pm

hello..
sweet fan mo ako.. gustong gusto kita.. ngayon ko lang na discover ang blog mo,, at talagang na hook ako.. iba ka talaga.. more power!!!

Comment by kapusong220

August 23, 2008 @ 11:13 pm

Everyday nag- che-check ako ng pep at nahihintay kung may bago kang blog… pag wala, bwiset!

Pero pag nababasa ko na anng entry mo nakakalimutan ko ang mga araw na nabuwiset ako kahihintay….

I just love reading your blogs, John.

Comment by smb0709

August 24, 2008 @ 1:13 am

sweet wag ka na mabwisit ha.. kelan po pala ung sweet2licous mo?

Comment by rey

August 24, 2008 @ 2:18 am

3 months ang contract ng AKO SI KIM SAM SOON ng GMA sa MBC KOREA, yung pinagbilhan ng rights….di pwede iextend, at dahil concert tour ni regine sa september (3 weeks of september) sa US…kaya august matatapos ang taping ng KSS..ang next project ata ni regine ay soap opera din after ng CELEBRITY DUETS na hinohost nya bukod sa SOP…super bc si regine, tinatapos pa nya ang album nya at nagrerehearse na sila ni lani misalucha sa concert tour nila sa US sa september at sa feb 2009 ang last leg ng concert tour nya with lani…come november, pag kinaya na ng schdule ni regine, gagawa uli sya ng isang soap opera (3 months contract)ang balita ko Coffe Prince or Foxy Lady…mganda yung foxy lady, bagay sa kanya…at sisimulan na rin nya ata ung muvi nya with ogie…hay naku, aga-regine or robin-regine muvi na lang uli, wag lang si ogie…

Comment by abigail

August 24, 2008 @ 2:56 am

hi sweet,
subaru pla ang car mo. u know i used to work in subaru and i want to say sorry in behalf of them kc tlagang may ibang spare parts na mtgal dumating dhil hndi p rin kc ganun ka-established ung branch d2 kc kaka-start p lng. but i’ll let them know ur sentiments, so that next tym na may kelangan ka dun d k na msyadong mabwiset, mbait namn mga pipol don hope they’ll do somehing about it. by d way, i really love ur blog and love din kita. more power to u.

Comment by september29

August 24, 2008 @ 5:23 am

hi sweet…
wag ka na mabwiset..bayaan mo silang mabwiset sa yo..he-he-he..sayang lapit na pala matapos KSS..sana si eugene sama nyo din sa next soap nyo ni regine.naaliw mo na naman ako sa yong blog.sino bang next leading man ni regine?clue naman dyan…cge sweet.TC madaaaaam!!!

Comment by manipsed

August 24, 2008 @ 2:04 pm

sweet, favorite ko si roxanne guinoo! i hope you have an enjoyable working experience with her, share mo naman dito sa blog please. maloka sila sa kaka blind item sayo. bilog ang mundo. what goes around comes around… sobrang funny ng hirit mo dun sa kalandian mo. correct, if he doesn’t want to be seen with you kasi nahihiya siya.. may image ba siya to begin with? who does he think he is?! anyway, i hope you get more work para hindi ka ma bore. keep on entertaining us with your blog entries.

Comment by journey

August 24, 2008 @ 4:11 pm

Can you do me a favor Sweet lapus? Tell Mo he is my crush. Advise him to please write again in his blog. I simply adore him. he is my one and only crush. Vading din ako tulad mo na nagka-crush sa 1 tulad ni Mo kaya i hope that you are going to deliver my message to him. he is so adorable, cute, witty, etc. he is so HOT!!!

Thanks and warmest regards,

Comment by psychotic

August 24, 2008 @ 9:50 pm

Hello Sweet,
Talagang nakakaaliw at nakakabaliw ang mga comments mo dito. Tama sila, don’t mind them……… Isipin mo na ikaw ang sikat ngayon kaya ka nila binabato. Yan ang tandaan mo, kung maraming bunga ang puno, parating may babato kasi akala nila makukuha nila ang prutas nito. Just keep on going, have faith.. Talbog silang lahat sa beauty mo…….

Comment by bugoy07

August 25, 2008 @ 12:19 pm

hi sweet! wag palaging bwiset kc nakakalawa ng grasyang dumarating….smile lang ang katapat jan…ang hirap palang maghintay ng entry mo!bwiset!joke!Nahawa tuloy ako…hehehe..sana mas madalas ang entry para hnde nabubwiset ang pepster..

Comment by learni

August 25, 2008 @ 12:21 pm

ay sweet ako din bwiset!

bakit nman sinadyang sabayan ng GMA concert ang first movie ni KC+RG?

kala ko ba starting na sna mawala ang netwok war..which yun ang goal nila kc n chard..

why naman, why?

email me if u have juicy details!! hahaha
enweys m just a fan..i do not belong to any media agency…

KALOKA! KABWISET!

Comment by lyt

August 25, 2008 @ 3:16 pm

hi sweet,

Pareho tau ucpb din ang payroll namin at nkakaloka laging offline ang machine nila. One time ngwithdraw kami ng officemates ko, nkawithdraw nman ang isa after nya ang isa kong kasama mgwiwithdraw na rin tas biglang ngoffline ayun nadebit lahat ng prea nya kaya ng over the counter kami sa branch namin ayun dun namin sinabi lahat ng sentimyento namin tungkol sa bangko nila kesehodang marinig pa nila mas lalo pa kaming ng ingay nkakaloka!hehehe

Comment by arnel

August 25, 2008 @ 6:43 pm

hi sweet! ! !
patuwa ka talaga noh…. help me naman… i know lahat ng tao merong problem ngunit ,subalit, datapwat. wala na akong maisip na paraan kakapalan ko na ang face ko no.. give me some raket naman gan! kahit extra lang julalay,,,
as of know pumapasok ako collage ne me…. kaya gipit sa pera alam mo na kahit extra lang sa ibang show.. i know na tatawa ka ngaun nor hindi ka maniwala… but sino nga banaman nako di ba? but kung matutulungan mo ako edi mas masaya>>>>

Comment by jcbalse

August 25, 2008 @ 7:19 pm

hi sweet. ang grabe naman nung hospital na yun…
ang bayad mo sa labs, nurses, at kung ano ano pa parehas lang nung mga nasa ibang room. and doctor’s fee lang ang naiba. usually pag ang room mo ay worth 5000 a day, yun din ang bayad mo sa attending physician mo. tapos pag ni-refer ka sa mas bonggang doctor like sa isang hematologist sisingilin ka nun ng mga 10,000. hehehehe

kaya magclusivol na lang…:)

Comment by carmi

August 25, 2008 @ 9:12 pm

Hi sweet,

nakakawala ng bweset.. pag naglilie ang mga guest nyo.. buti na lang last sunday di ka naglong sleeve kundi punit naman ang kilikili mo hahaha, in fairnes matibay ang mga pants na sinusuot mo kundi mapupunit yon sa tindi ng mga acrobat na gingawa mo yon ang talahang bwiset… hahah pwede mong maging sideline yang tumbling tumbilng na yan in fairness.. galing mo.

lav yah…

Comment by jing2p

August 25, 2008 @ 10:33 pm

bwiset!!! ubos na ang bwiset days moh!.

Comment by nagios

August 26, 2008 @ 5:57 am

hahaha sa CR kumain si sweet! grabe napaka down to earth mo naman! wala ka pa ring arte at wala ka paring kupas! wag mo nang pansinin yung nang blind item sayo, anu sya nanunumbat? – mas maganda ka naman sa kanya maski lalake ka at mas may karir ka! at mas madaming nagmamahal sayo =) wag ka na sana ma ospital =)

Comment by totoy

August 26, 2008 @ 8:41 am

Si Cristy Fermin po ba ang sinasabi niyong nag-blind item sa inyo? tama wag mo nang patulan. ehehehe. Kasi kahit artista nila sa kabila eh bina-blind item din niya, kahit si angel locsin dati na sabi niya model ng shampoo pero di naman naliligo, meron bang ganung artista? di naliligo? ehehehe. kaya nga di magkanda-ugaga sa pagsira kay marian, kasi nkahanap ng butas.ehehehe. pati kay dennis trillo galit na galit. ang di niya lam marami din galit sa kanya. Pati yung anak-anakan niyang si willie adik din ata, sabi pa sa wowowie na show niya kay richard eh dun daw sa kabila eh di sasabayan yung pelikula, nagiisip ba siya? eh buti nga sa sitwasyon nila marian eh umaga magsisimula yung showing ng pelikula nila richard then gabi yung kila marian, kungbaga kung may fans talaga sila eh mahaba ang oras para manood sa umaga till afternoon bago manood kila marian, eh kila juday(ploning) at aga&anne (when love begins) eh talagang sabay. haha.. sana mag-isip muna sila sa kabila.

Comment by Yas-Fan

August 26, 2008 @ 9:47 am

Hi John! Congrats sa magandang performance mo sa Loving You! Pinanood ko to dahil kay Yasmien Kurdi and I saw how people laughed their hearts out everytime na may dialogue ka! You remind me of Roderick Paulate pero mas easy lang sayo ang pagpapatawa kasi si Roderick nuon sobrang effort pero ikaw effortless! Galing!

Comment by littlebubu

August 26, 2008 @ 6:02 pm

hi sweet, nice blog again, i just want to say congrats sa kim sam soon, nawawala ang problema namin dito sa saudi arabia pag napapanood namin ang kim at dyesebel, i do watch asero also kaya lang because of annabelle rama’s remarks sa sharon, nawawala ang amor ko tuloy kay richard gutierrez, nakakasira minsan ang sobrang prangka lalo na wala naman katuturan ang sinasabi like annabelle, anyway, we have in-common yung louis vuitton beaubourg bag na gamit mo, i have that also, its so fashionable diba! more power to u, and please ask songbird kung may bago ba syang album or concert this october, kasi i will be home soon! maasalam!

Comment by proud2bkapuso

August 26, 2008 @ 9:49 pm

oo nga nabasa ko blind item ni Cristy Fermin sa Bulgar last week ata… Sobrang given na kasi yung clue nya pero at the end of the day di pa rin naman nya binigay name mo kasi wala naman syang ebidensya..ganun naman lagi yun as in everyday me blind item na galing sa source nya na mga nanay na umagang umaga e tsimisan ang inaatupag…feeling ko may tama sa utak yang si Cristy e..dedmahin mo na lang…sabi dun plastikada ka e sya na nga yata ang pinaka plastic at pinaka “user-friendly” na taga showbiz…naiinis talaga ako sa kanya…di ko alam paano sya nakakakuha ng contentment sa paninira sa kapwa nya taga showbiz…she sucks bigtime..

anyway sad ako na mage-end na KSS..mamimiss ko kayo ni Uge pati na rin si Sheena…Dont worry syempre suportahan pa rin namin next show mo

Comment by axianintin

August 27, 2008 @ 7:52 am

nakapag-gala ako sa HK 2 weeks ago. nakakainggit ang transport system nila at naisip ko, sana ganun ka-organisado at ka-disiplina ang mga transport system dito sa Pilipinas… magiging tourist-friendly pa. kaso sa dami ng bus companies at sa dami ng malamang na magrereklamo, malamang di mangyari ito. bwisit yun.

ok sa post, sweet! =)

Comment by RemyR

August 27, 2008 @ 10:00 am

Hi, Sweet! I really like your blog. Nakakaasar naman kung kelan magkaka-GMA Pinoy TV sa Verizon Fios dito sa lugar namin sa Sept. ngayon naman mawawala ng KSS. We have Slingbox kaya lang, madalas ang down sa connection sa Manila dahil ata sa mga bagyo. I hope GMA will produce a DVD for it :) Tapos syempre, madalas minsan may work naman ako. Ang galing talaga ng blog mo..nakakaaliw. Sana you make another soap, comedy tv series. Uyyy..mawawala ba ang The Buzz…or yet, ma-tsu-tsugi na si Fermin and Jobert? Karma lang iyan…ang sama kasi nila eh..ayaw magbago, at least ikaw, you were honest enough to say, before you were sort of like them (siguro kasi iyon ang environment mo noon…hawa-hawa lang iyan kasi)…but you mended your ways. I salute you for this.

Comment by gossipmonger

August 27, 2008 @ 10:39 am

kainis talaga si bayani fernando… lahat na lang ng pwedeng magbigay ng exposure lalabasan niya… pati camera cafe! namputsa

Comment by monokoro

August 28, 2008 @ 3:01 am

sweet, nabasa ko nga yung blind items..dalawa kase yun.. nako yaan mo na nga siya…

pangit naman siya!hahahaha! joke!

basta, we love you..

Comment by shellphone

August 28, 2008 @ 2:37 pm

Sweet ang pwede kong sabihan ng bwiset???? Yung

mother ni Richard G.. dami ng bwiset dyan, dapat ng

alisin.

Comment by princess_lulu

August 29, 2008 @ 2:29 am

natawa ako sa post mo sweet…
alam mo pa kung ano ang bwiset?
ang awayin ka ng lalaking parang bff mo na dahil kay obama na tumatakbong president d2 sa tate.
ang mahalin mo ang kaibigan mo na ang turing sa u kapatid lang at take note, big sister..grrrr..

Comment by trixie888

August 29, 2008 @ 3:07 pm

I LOVE YOUR BLOG. Magaling kang magsulat.Nakaka-aliw.
Tama , maganda ang loving you. Pero sa totoo lang walang kwenta ang FOR THE FIRST TIME…yun ang BWISET! inabangan ko pa naman. sayang sana inayos nalang nila, ang galing pa naman ni KC.

Comment by kapamuso

August 29, 2008 @ 4:38 pm

hi sweet! di bale, mukhang mawawala na si cristy at si jobert. baka nga pati si boy mawalan na ng show. kakatuwa yung don’t lie to me with tessa and tim. pinagod ka sa kaka-lie nila.

Comment by babyminekoh

August 30, 2008 @ 1:19 pm

its nice to read something new today. mwaaahhhhh…

grabe sweet, kilig na kilig ako nung showbiz central last sunday. ang haba ng hair mo girl. hahaha… kakainggit ka. so how does it feel na haranahin ni dennis trillo?

ingat lagi and stay as sweet as you are

Comment by ghen

August 30, 2008 @ 2:20 pm

Sweet, cool ka lang, marami talagang bwiset sa mundo kahit ayaw mo gumawa o mag-isip ng masama mabubuwiset ka talaga sa mga nakapaligid na walang ginawa kundi mangbuwiset!!!! Tulad ni Anabelle Rama dati okey sya ngayon nakakabwiset sya!!!! Sya ang sumisira sa career ni Richard, Sus, grabe gusto nya lagi nasa pedestal anak nya. Dapat matuto din sya tumanggap ng mga bagay bagay na hindi sa lahat ng oras anak lang nya ang sikat. Give chance to others naman.
Pakisabi kay Raymond na bawasan naman ang pagiging maingay ng mother nya. Kahit saan pa nya ilagay si Richard pag di nya pa oras babagsak career nya. Please pakisabi naman wag sobrang confident baka makarma sya sa mga ginagawa nya.Nakakabwiset na mga reklamo nya. Sinisira na nya ang GMA. Please tell Raymond na tumahimik ag nanay nya, nakakabwiset na magbasa ng PEP pagsobra na sya!!!!THANKS.

Comment by berryicecream

August 30, 2008 @ 11:38 pm

sweet, love you in kimsamsoon talaga. anyway, true pala na lapit na sya matapos. oo nga kakabwiset talaga paminsan, but we just have to look on the brighter side of things.

Comment by m0kz

August 31, 2008 @ 12:11 am

….this letter was post in the forum dito sa pep..

ipag patawad mo sweet dahil medyo OT ito…

eto yung letter ko sa pamunuan ng GMA at kung gusto nyo malagay ang pangalan nyo let me know…..

OPEN LETTER TO ATTY. FELIPE GOZON

Dear Sir:

As a true blooded Kapuso and a subscriber of GMA Pinoy TV here in United States, I can only ask or request you to put a stop to the madness of Anabelle Rama, with her personal attacks on one of your executive Miss Wilma Galvante and GMA network. She has already called Miss Wilma Galvante several nasty names. She even insinuated during an interview by the Philippine Daily Inquirer that Miss Galvante has no “utak”. Miss Rama is not only attacking Miss Galvante but she is also attacking the good reputation of GMA. Please don’t allow Miss Rama to treat one of your top executive s this way. If this is allowed to happen, how can other talent managers be expected to respect Miss Galvante? If this is allowed to happen, how can one expect Miss Galvante to be the only victim of attacks by Miss Rama. After Miss Galvante , who will be her next target?

I’m very much concern that by being silent right now, Miss Rama will continue to insult GMA and Miss Wilma Galvante , which could tarnish the good reputation of GMA. You have built a very credible organization, which is why we have been loyal and supportive of you your network. It’s a shame that some people are trying to tarnish this image.

First and foremost, we are loyal to the network and not the artists or celebrities. GMA builds artists but the artists didn’t build GMA. GMA created Richard Guttierez but Richard Guttierez didn’t create GMA. It’s not vice versa.

Whether Richard Guttierez will remain kapuso or not, it does not matter to us SOLID KAPUSO! We are still going to support you all the way! You are the only network in the whole country that has umatched credibility. Even the international media practitioners recognized this credibility by giving GMA recognitions abroad.

Please don’t let Miss Anabelle Rama to take away the good reputation of GMA from us loyal viewers.

PROUD TO BE KAPUSO

Comment by NYCgirl

August 31, 2008 @ 1:31 pm

pareho tayo ng favorite sa Pinoy Idol…I was rooting for Jayann but to my dissappointment ung isa ang nanalo. I wasn’t surprised when I later found out that she’s the daughter of the Governor of Biliran. Oh well, cencia na lang si Jayanne at mapera ang kalaban at palagay ko buong bayan ng Biliran binoto cia.

Dapat Biliran Idol na lang title nya!!

Comment by shellphone

September 1, 2008 @ 12:56 am

kIta sa sa OBRA. Sweet ginaya ng Going bulilit yung Dont tell a lie nyo

Comment by kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

September 1, 2008 @ 9:29 am

sweet, cno ung nagblibd item sau??

Comment by Kai

September 1, 2008 @ 11:17 am

Nawala ko yung telepono ko last week. So pumunta ako ng Globe para kunin yun 200 na nasa GCash wallet ko pa. Sabi nila kailangan pa raw ng Affidavit of Loss at mga kung ano ano. Sabi ko na pag gumawa pa ako ng Affidavit, mas mahal pa magagastos ko. Ano gusto nilang mangyari, sa Globe mapunta pera ko or sa gobyerno. So tumalak lang ako dun. Hahaha.

Pumayag sila, waived ang affidavit of loss. Pero habang pinoprocess nun cashier sabi nya “Ma’am kaya lang kayo pinayagan kasi irate na kayo.” Leche siya. Sabi ko, “I don’t think it’s proper to tell a customer that the reason why her situation was addressed was because she was irate.” Tama naman ako di ba? Leche siya. Kailangan pang humirit ng ganun.

Comment by try_moko

September 1, 2008 @ 4:12 pm

hi sweet,

u know what i really admire you, im 1 of your biggest fan.. that’s true nun nsa kapamilya pa u fan mo na q, i watch all ur shows n films. actually 2 be honest im not kapuso tlga but i watch the shows na andun u. its so sad dat “kim” will end na. but i know ders alot 2 come kaw pa ur so talented and smart. i just hav 1 impression bout u, mukhang masunggit u. kc lst tym i saw u sa eastwood ata yun i smiled at u but deadma lng u. anyways, im still ur fan. and its my dream to meet you someday. god bless you sweet and more power to you. take care..

Comment by ryhai

September 2, 2008 @ 7:48 am

hi sweet!
i really adoooooore you so much…yup..tama ka..sana nga hindi siya magutom :)
pag eat ka sa jollibee at hindi mo type yung bakal…ask ka ng plastic spoon and fork…give sila agad:)

take care!!!
will be looking forward for your next entry..

Comment by FRANCIS CO

September 2, 2008 @ 12:56 pm

helo Ms. Sweet,
read your blog fot the first time… and sobra akong naaliw. husay mo talaga at nawala ang pagkabwiset ko… luv you sweet and wag mo na lang pansinin ang mga nilalang ng sagad hanggang buto ang PAGKAINGGITERA sa iyo… kahit ano pa ang sabihin nila, mismong execs ng network nila, di nila mapaniwala… wawa namn, buti nga sa kanila, mwehehe.

Comment by trueasiatik_ng_multilply

September 2, 2008 @ 1:48 pm

Sweet, nakita kita sa Gateway.Cubao 2 months ago
wala lang sinabi ko lang..para may ma comment 1st time ko mag comment dito eh

teka may multiply account ka ba?
add kita..para sumikat naman ako dun
nagpapasikat kasi ako eh.
gusto ko kasi matulad sa mga sikat na artista
si cachupoy
si katrina halili
si katya santos

tsaka si Carlos Agassi? ano sabi ko?

sige comment na ko sa blog mo

sa tingin ko kaya sumali si BF sa Celebrity Duet
nagpapa pansin na naman sa tao para makilala sya
syempre di lahat ng tao sa Pilipinas kilala sya
eh taga metro manila sya.tsaka yung mga posters
nya sa ilalim ng flyovers at mga poste papansin yun
for 2010 elections.Bwisit sya!

yung sa blind Item..pwede mo ba syang pangalangang CRISTY FERMIN?

di ba may 1 million pesos pa si Anabelle Rama sa kanya dahil talo sa sa libel case?

pabati ha..

hi Kay Love Añover…balita ko may website na ang unang hirit.

salamat pala sa coke at sa Eat Bulaga! hehe
(ginaya ko lang yung sa Wowowowee)

Comment by roscotney

September 2, 2008 @ 4:07 pm

Bwiset tagal naman sweet ng next blog mo..hehehe..lagi kong read blog mo aliw talaga …God bless!

wendy

Comment by lucky_me

September 2, 2008 @ 4:27 pm

hahaha…i thought leaving a comment would be that easy…this is my 1st time to read your post…my colleague from work sent me the link…naloka ko kasi tawa xia ng tawa wla naman kausap at dapat tawanan…then i found myself doing the same thing…hahaha…go sweet! hahaha…kakaloka ka talga…can’t wait til your next post…hehehe…

Comment by hayzcuttie

September 3, 2008 @ 2:10 am

h! ate sweet,… u know what matagal n ako d nkaka uwi ng pinas but pag naoopen ko ung mga blog mo feeling ko nsa pinas ako at lagi akong masaya everytime n nbabasa ko mga blog mo,…. more power and more shows for you,…

Comment by jeff

September 3, 2008 @ 3:29 am

Hello tnx john like it…hehehe

jeff021387.multiply.com

please add me in that site ok..

Comment by tinkerbell22

September 3, 2008 @ 6:11 am

SWEEEEETTTTTT!!!!!!!!!!

maraming maraming salamat sa bigay ni idol contest. ako yung nanalo sa contest mo!

thank you soooooooooo much!

love you!

KEep up the good work in all your shows!

Comment by Ms. Gab

September 4, 2008 @ 11:51 am

Hi, sweet! hindi ako na-bwiset after reading your blog. just want to comment about the never-ending traffic in the metro. nakakabwiset talaga, pero we shouldn’t solely blame MMDA headed by Bayani Fernando, but I think traffic is mostly created by the UNDISCIPLINED drivers and pedestrians na walang pakialam magbaba at magsakay, at sa pagtawid ng mga pedestrians sa mga alanganing lugar. In fact, mahirap talaga solusyunan ang traffic, that I commend Bayani Fernando for developing a system na sa tingin ko ay effective if only WE as commuters and pedestrians follow the rules that they STRONGLY implement. Moreso, this country might need BOLD LEADERS like Bayani Fernando who strictly implement the law, kahit pa hindi maging maganda ang “image” nya sa publiko.

sana wag ka mabwiset sa comment ko ha?

Trackback by Cash Til Payday

November 5, 2008 @ 3:53 pm

Cash Til Payday

Hello! Excellent site!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register