| Register

Sweet @ 18: In full swing!

Filed under: Events — KKJM0d at 2:15 am on Saturday, May 7, 2011

Simula na ng rehearsals para sa aking anniversary show on May 14, at the Music Museum na pinamagatang Sweet @ 18, The Universal Sweet Anniversary Show.

Para sa mga curious kung bakit ako tinatawag na “The Universal Sweet” sa showbiz, it was my former manager, Biboy Arboleda, who set a brainstorming session with our other gay friends from ABS-CBN para isipan ako ng title. Nagdatingan ang lahat ng bakla—mga producers, writers at directors. That time kasi, madami din akong work—production staff, stage actor, co-host sa TV, stand-up comedian—so, naisip nila na Universal daw ako. Ayun, dinikit na lang yung Sweet na pet name ko na that time.

Back to the show, kaloka! Isang bagong character ang magkakaroon ng launching —ang Hermana Mayor sa isang town, na magse-celebrate ng kanilang fiesta. Pinaghalong Imelda Marcos at Madam Auring si Hermana. Nakakatawa!

Siyempre, hindi mawawala ang favorite character kong si Kris Anino, na inspired by my friend Kris Aquino. Hindi ako nag-Kris Anino sa last show ko two years ago na Sweet 16, madaming naka-miss at nag-request na ibalik ko daw. Kaya magbabalik siya. Mas taklesa at mas nakakaloka. She will talk about her busy schedule at kung paano niya ginagamit ang mga products na kanyang ini-endorse.

Siyanga pala, dumating na rin ang script ng monologues mula sa mga comedy writers na sina Edwin Serrano, Gie Salonga at Ms. Ador.

Sa aking opening, reminiscing mode ang lola—pagbabalik-tanaw sa aking mga struggles, adventures, and victories in the past 18 years of my showbiz career.

“Na-realize ko nga, for the past 18 years, nagtatrabaho ako sa isang showbiz talk show.  Masaya mag-work sa isang showbiz talk show kahit magulo. From researcher naging head researcher ako ’tapos segment producer, then chiwariwap, ‘tapos co-host. Ngayon, main host na ako ng Showniz Central. Hindi ako tatagal ng 18 years kung hindi ako nag-i-enjoy.

Say ng matalik kong kaibigan na si Phillip Lazaro, na siya ring director ng Sweet @ 18, best show ko raw ito. Heto ang quote niya, o: “Kilala na namin ni Sweet ang isa’t-isa kaya madali kaming magtrabaho. Nakakaloka ang baklang ‘yan. Kahit tumatanda, e, humuhusay naman.”

Isa pang kaabang-abang ay ang aking wardrobe, na gagawin ng mga magagaling na designers—sina Frederick Peralta, Pepsi Herrera, JC Buendia, Vee Jay Floresca, Maxi Cinco, Tatah Galias at Bing Cristobal. Sobrang bongga ang pitong ‘yan. Lahat sila kaibigan ko at talaga namang mahal ako. I’m so thankful na pumayag silang damitan ako nang libre. Nakaka-touch. Kadalasan, nagdadamit-babae ako sa mga stand-up show. Ngayon, ganun pa rin, pero debut ang concept. Kaya nga 18th Anniversary Show.

Siyempre, hindi mawawala ang aking buwis-buhay dance na kadalasang ginagawa ko sa “Don’t Lie To Me” segment ng Showbiz Central. Sabi ni Mosang, na production manager ng show, Malamang magpapa-ready na kami ng ambulansya. Naloka ako sa dance number ni Sweet. Napatili ako ng bongga.” Paano kasi, pinaghalo ang sayaw at circus!

At bago ako ma-excite nang todo sa show, magpapasalamat na ako sa mga tumulong sa loob ng 18 years.

Isa na rito ang dati kong home network na ABS-CBN. Thirteen years ako doon. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. At lahat ng mga naging kaibigan ko doon, e, kaibigan ko pa din ngayon. Bihira ko na silang makita pero imbitado pa rin ako sa mga birthdays at special occasions. Minsan nga, birthday yata ‘yon ng dati kong boss na si Deo Endrinal, ako lang ang Kapusong nandoon pero welcome pa din ako ng lahat.

Laking pasasalamat ko din sa Star Magic family na hanggang ngayon ay nagma-manage sa aking career. Lahat ng movies ko, stand-up shows, endorsement at corporate events, sila pa rin ang humahawak. Super thankful ako kasi dahil sa kanila, nakakakuha ako ng mga magagandang movie projects tulad ng Here Comes the Bride, na nagpanalo sa akin as Best Comedy Actor sa Golden Screen Awards at Guillermo Mendoza Memorial Awards.

Siyempre, hindi mawawala ang GMA-7. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang five years na akong Kapuso. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, e, bago ako sa GMA. Nagpapasalamat ako sa kanila for making me a bigger star at sa pagsuporta nila sa mga raket ko tulad nitong Sweet @ 18.

Patapos na ang aking kontrata sa June, pero hindi ako lilipat. Ok naman ako dito sa GMA. I will just do some guestings on TV5 and ABS-CBN by June or July. Nakapangako na din kasi ako. But I assure you, I will not leave Showbiz Central and Show Me The Manny. Sobrang saya namin at love ko ang mga katrabaho ko doon.

Ang anniversary show ay pa-thank you na rin sa aking Best Comedy Actor award. God gave me so much blessings this year kahit wala pang kalahati ang taon kaya dapat mag-celebrate.

At habang abala na ako sa rehearsal, tinatapos ko rin ang remake ng pelikulang Temptation Island para sa Regal Films at GMA Films.

Pagkatapos ng show, tatapusin ko ang indie movie na Becky at ang part two ng Here Comes The Bride.

Pagkatapos ng movies, tatanggap na ako ng soap. Nami-miss ko na mag-soap. Kailangan ko ang soap, pambayad sa bago kung bahay. Hahaha.

Thank you din: Calayan Surgicenter, Junnes and Grand Villa Resort, APT Entertaiment at Bench bilang mga major sponsors ng Sweet @ 18. Sponsors din ang Hairwatch Salon, Kulay Express Printing, Cleo’s Flowershop, RFM, Noel Abelardo Photography at Zayra Carreon Editing House. Media partners ang Showbiz Central, RX 93.1, Magic 89.9, Asian Star Express Balita at PEP.ph.