| Register

Isip Bata

Filed under: Features — KKJM0d at 9:51 pm on Wednesday, September 15, 2010

Maraming beses na ako nasabihan ng ibang tao na “isip bata” daw ako—nanay ko, mga kaibigan ko at mga naging boss ko.

Nagugulat pa ako kunwari or tumatanggi pero deep inside, alam ko naman na totoo. But I can’t help it. Ganito talaga ako, e.

“Peekaboo!”

Mahilig akong manggulat or manakot ng mga kaibigan. Nakakatawa kasi ang reactions nila pag nagugulat ko sila. Hehehe.

The other day, nag-watch kami nina Nikki at Boyet ng sine. Ang bilis kong maglakad (kasi ayaw kong nali-late sa sine) at ang mga bakla, ang bagal. Pag-kanan sa mga upuan, nagtago ako para gulatin sila. Nakakita na ako ng aninong parating, “Bulaga!” Pucha ibang tao yung nagulat ko. Nag-CR pala ang mga bakla. Kakahiya.

“Mommy what’s that? Mommy what’s that? Mommy what’s that?”

Ay, makulit ako. Lalo na sa text. Pag hindi sumagot agad sakin ang mga tini-text ko, super text ako nang major-major! Nagwo-worry lang kasi ako baka naaksidente na sila or what. Hindi ko na naiisip na baka busy sila. Pasensiya!

Makulit ako mag-invite pag may event ako, show, pa-party or kahit na anong okasyon. Kaya minsan, ako ang ginagawang taga-invite ng mga kaibigan ko sa mga get-together namin. 8 out of 10 ang pupunta pag ako ang nangulit.

“No! I don’t like!”

Sumpungin ako nang bongga. Gano’n daw ang lahat ng Cancerian lalo na pag bilog ang buwan. Kahit bigyan ako ng candy pag wala ako sa mood, “wala ako sa mood!” Pag walang gawa, bigla na lang ako natutulala. Bigla na lang ako kumakanta pag inaantok ako or sumasayaw pag bored. Oh yes, maski sa public place. Buti na lang artista ako kaya hindi ako napagkakamalang baliw. Natatawa na lang ang mga tao na nakakakita. Baliw!

“Uha, uha, uha…”

Pag gutom na ang baby, umiiyak na. Pag gutom na ako, away! Acidic kasi ako, so pag gutom na ako, “gutom na gutom” na ako. ‘Tapos umiinit pa ulo ko. Umaakyat yata ang acid sa tiyan ko. Lalo na pag bagong gising, naku kailangan kong kumain. Bago mag-show (TV, play or stand-up) hindi ako nakakakain sa tensiyon. Pero after noon, pucha, pakainin mo ‘ko or else, iiyak ako! Minsan naglalaban sa akin ang gutom at antok, lalo na pag madaling araw. Madalas manalo si gutom. Hahaha!!! Kaya eto, nananalo din si taba.

“Mommy, where do babies come from?”

Hindi naman ako chismosa, palatanong lang. Gusto ko, alam ko lahat. Pag may naririnig akong nag-uusap tapos hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila, sumasali ako. “Sino yan? Kailan yan? Bakit ganyan?” May pagka-inosente din kasi ako. Mabuti naagapan kasi papunta na sa bobo. Yung mamahaling damit na sinusuot ni Rufa Mae sa Showbiz Central, hindi ko kilala. Ang dinig ko “Van Dam [Van Damme].” E, alam ko, action star ‘yon… Eto nga at hindi ko ma-type dito kasi hindi ko alam ang spelling. Feeling ko, hindi din alam ni Pchi pero at least suot niya. Sosyal!

“Mommy gusto ko din no’n.”

Pag nagugustuhan ko ang isang bagay na nakikita ko na suot or gamit ng ibang tao, gusto ko din may gano’n ako. Thank God for work kasi may pambili naman ako. Bahay at van na lang yung gusto ko na meron ang iba, wala pa nga lang akong pambili.

May pagka-inggitera din naman kasi ako na inamin ko naman na dito. I’m happy naman for others na meron ng mga bagay na wala ako. Naiingit lang ako kasi may mga bagay silang nagagawa na hindi ko kaya or hindi ako sanay gawin. Si Eugene Domingo at Direk Andoy, sobrang busy din pero nakakapag-schedule sila ng three-week vacation sa Amerika. E, pucha, three days lang ako sa Boracay. Iniisip ko na kung kailan ulit ang work ko. Ang bongga ni Vice Ganda, kaswal na nag-leave sa Showtime para tapusin ang Petrang Kabayo, magpahinga, at rumaket sa ibang bansa. Naku, hindi ko maiwan-iwan ang Showbiz Central. Minsan lang ako um-absent, masama pa sa loob ko. Alam ng Star Magic na puwede ako mag-shooting ng Sunday pero before and after SC lang. Pag out of the country na raket, I make sure na nandito na ako ng Sunday for SC.

“Adult: Don’t cry na baby, pupunta tayo ng Jollibee.

Bata: Huhu, ok, yehey!!!”

May pagkauto-uto din ako minsan. Purihin lang ako, gumaganda na ang araw ko. Lately, hindi ako nauuto sa mga chikang, “Ang payat mo ngayon, Sweet,” kasi alam ko namang hindi totoo. Pero yung “Ang ganda mo ngayon, Sweet” or “Ang galing mo talaga,” effective!

Hindi kasi ako napupuri no’ng bata ako. Pag may program sa school, lagi akong nasa harapan pero wala naman nanonood sa akin or nagti-take ng picture kasi nagtatrabaho ang Nanay ko. Yun yata ang dahilan kung bakit ako naging performer. Ngayon naman ay panay ang tanggap ko ng papuri. Review ng SRR, Here Comes the Bride, at Mamarazzi. Wow! Thank you, Lord!

“Adult: Maganda ba ko?

Bata: Hindi!”

Hindi ko talaga kaya magsinungaling. Sumasakit tiyan ko or nauutal ako. Kaya ang mga kaibigan ko bina-value or kinatatakutan ang opinyon ko kasi totoo naman. Minsan nga lang, nasasaktan sila pero gano’n talaga. So kadalasan, para huwag na lang makasakit ng damdamin, e, hindi na lang ako nagsasalita or hindi na lang ako nagbibigay ng opinyon.

Kris vs. James…No comment!

Claudine vs. Angelica…No comment!

Marian vs. Bela…No comment!

Ok na ‘yon, at least hindi sumasakit ang tiyan ko at hindi ako nauutal. Delikado ako pag nakainom, walang preno ang honesty ko. ‘Yan ang dahilan kaya ayaw ko mag TWITTER. Madaming malalagot.

“Susumbong kita sa Mommy ko…”

Pag may nangyayari sa akin na magandang bagay, kailangan may sabihan ako. May piling tao nga lang na alam na hindi ako nagmamayabang. Si Direk Chris Martinez ang una kong sinabihan na may solo movie na ako sa Regal next year. Gusto ko din kasi na siya ang sumulat at magdirek. Confirmed naman siya!!!

Na-imagine niyo pa kapag may nangyayari sa ‘kin na hindi maganda?! Pucha para akong sasabog. Kailangan may masumbungan ako. Kaya tawag agad kay Boyet pag tungkol sa lovelife or family.

“Tangna Marse, nakita ko yung ex ko kasama si kalbo, na-stress pa din ako!”

Kay Uge, pag career or kaibigan.

“Tangna Ma, ginagawa akong starlet ng mga leche!”

Kay Bru (Direk Chris), pag ibang tao or yung wala lang.

“Tangna Bru, omniscient ang baklang yan! Aliw awardee ako ‘no.”

Sanay na silang tatlo. Hahayaan lang nila ako mag-emote nang mag-emote. Tapos!

“Mommy, mumu!!!!”

Takot ako sa baliw pero lagi akong nilalapitan. Takot ako sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman pero madalas ko silang makita sa gimikan. Takot ako sa adik pero may mga kilala akong adik. Takot ako mag-isa. Takot ako sa Diyos pero lagi ko pa din siyang nilalapitan.

“Huhuhu, bakit hindi ako kasama. Huhuhu…”

Sobra akong matampuhin. Excuse lang yung pagiging sensitive eklat pero in tagalog “tampo” pa din yon. Pag hindi ako na-invite sa birthday party or okasyon ng isang kaibigan, na alam ko na pag ako nagpa-party, e, invited siya, nagtatampo ako. Bakit gano’n? Ikaw kasama sa guest list ko, ako hindi kasama sa ‘yo. May pagkagaga din kasi ako. Hindi ko naiisip na iba’t-iba ang degree of friendship ng mga tao. Yung iba, ang turing ko friends pero for them, acquintance lang ako. Ako kasi pag friend, friend, at pag hindi, di hindi. Nachi-cheapan ako sa “acquaintance” lang.

Mas lalo akong nabubwiset pag nakikita ko sa party ng isang friend na hindi ako invited (thanks to Facebook), pero nasa photo album yung ibang tao na feeling ko hindi naman niya friend. Hmp. Yung ibang mga kaibigan ko din naman kasi pasosyal at ang so-showbiz. Yun na!

“Bata, puwedeng pasali sa laro niyo?

May mga tao na gustung-gusto ko kaya gusto ko silang makasama, makatrabaho or better yet,maging friend. Naiinis ako pag parang ayaw nila.

Etong si Coco Martin, husay na husay akong umarte. Bukod pa sa gwapo. Pinanood ko lahat ng indie movie niya. Maski yung pagka-chaka-chakang Daybreak. Inaliw ko na lang ang sarili sa pelikulang ‘yon bilang hubad naman sila ng hubad ni Paolo Rivero. At kahit chaka yung pelikula, ang husay pa din ni Coco. Sobrang happy ako for Coco nang ma-invade ang television. Hindi na niya kailangang maghubad para mapansin ang galing niya sa pag-arte.

Pucha, dalawang taon na niya ko hindi pinapansin sa Star Magic Ball. Kainis. Next year nga, ako na unang lalapit sa kanya. Gano’n ko siya ka-like. I love you, Coco!!!

“Bahala ka! Ewan ko sa ‘yo!”

Nag-e-effort ako sa mga taong gusto ko pero pag ayaw talaga ng friendship ko, e, dedma. E, di ba nga, para sa ‘kin, kung hindi kita friend, kakilala lang kita. Ok na ‘yon keysa kaaway kita.

Yun nga lang, may pagka-maldita din ako. Mahilig akong gumanti. Pag di mo ko invite, hindi na din kita invite. May friend akong big star, delete niya sa FB yung isang friend namin na nambwiset sa kanya, parang gusto kong gayahin.

“Liar ka, bad ka, susumbong kita…”

Kung gaano ako ka-honest, ganoon ko naman ka-hate ang mga sinungaling. Binura ko sa buhay ko ang mga dati kong kaibigan dahil sa kasinungalingan. Mas gusto ko na yung honest nang todo kahit masakit na magsalita keysa sa sinungaling na mabulaklak ang bunganga.

Yan yung hindi ko ma-get sa ibang reporter. Yung pinagkakakitaan, puro kasinungalingan. Yan ang reason kung bakit hindi ko type ang blind item sa mga tabloids. Hindi nga babanggitin yung name ng artista pero obvious naman yung clue. Ok lang sana kung totoo, e, kadalasan hindi. Minsan naman, kaya daw bina-blind item, e, kasi wala silang ebidensiya. In other words, takot mademanda. E, kung walang ebidensiya, bakit ire-report mo pa ‘tapos wala namang pangalan?

Kaya mas gusto ko pa si Mo Twister, prangka. Sagad to the bones.

Tangna ‘yang mga nag-blind item kay John Lloyd at Shaina, mukhang mga tanga. Ikaw ba naman si John Lloyd at Shaina, magkadikit ang nota at petchay niyo, pupunta ka ba ng ospital? Common sense!!! Minsan din kasi, ang mga tao madaling mauto. Parang bata.

Lately, sinusubukan ko yung white lie. Payo ng ibang friends ko. Yung magla-lie ka sa isang tao para huwag lang makasakit ng damdamin. Yung kaibigan ko, guwapong-guwapo sa jowa niya, e, mukhang abre de lata. So when she asked me kung anong masasabi ko, say ko, “In fairness.” Natuwa naman siya at nag-thank you pa. Hahaha!

“Gusto mo? Sayo na lang, o…”

Mahilig akong magbigay ng mga pasalubong sa mga kaibigan ko at pamilya. Kung ano yung sikat na product sa lugar na pinuntahan ko, dapat yun ang pasalubong ko sa kanila. Ang sweet, di ba?!

Noong araw, nakatira kami ng mga kaibigan ko sa iisang compound. As in 12 yata kaming bakla at babaeng bakla doon. Pag Pasko may regalo ako sa kanilang lahat. Pag may out of town ako, may pasalubong ako sa kanilang lahat. E, napansin ko, ako lang ang madalas magregalo, ayun, ginaya ko na din sila.

Pag birthday ng mga kaibigan ko, I make sure may regalo ako. Yun nga lang, pag ako naman ang may birthday, expectorant ako ng regalo from them. Hahaha.

Minsan nakakalimutan ko ang “it’s better to give than to receive”.

“Mommy sleepy na me…”

Sobra akong antukin. Lalo na pag wala akong ginagawa or bored ako sa pinapanood ko. Lately, inaantok ako sa mga napapanood ko sa TV. Sorry, Lord, pero minsan nakakatulog ako sa simbahan. Si Father kasi minsan, ang boring ng sermon. Minsan, nakatayo ako and yet nakatulog ako, ayun nahulog ako. Chismis!

“Mommy o…si Ate, inaaway ako…”

Pag may nagtarantado sa ‘kin, kailangan ko ng kakampi. Kailangan ko ng ibang tao na magsasabi sa ‘kin na tarantado yung mga tumarantado sa ‘kin.

May tumarantado sa ‘kin a few years ago. Nag-emote ako sa isang kaibigan. Leche, ang pinaniwalaan yung tumarantado sa ‘kin. Nawala sa isip ko na friends din pala sila. Tanga din ako, e. May mga tao nga pala na may degree ang friendship—may BFF, close friend, family friend at friend lang. Cheap!

“Akin yan, e. Waaaaaa!!!!”

Ang pinakamalala kong ugali na over daw sa pagka-isip bata, ayaw na ayaw ko ang inaagawan ako.

Kahit hindi ko masyadong gusto, basta akin, akin.

Kahit luma na, akin pa din yon.

Kasi ang point ko, puwede namang hingin, di ba?

Pag pinaghirapan ko, akin.

Lalong hindi ko ma-take yung mga taong meron naman na ng isang gano’n, aagawin pa rin yung gano’n ng iba.

E, pucha, away yan. Sabi nga ni Mike Enriquez, “hindi kita tatantanan!”

Pag sinabi kong akin, akin. Waaaaa…Huhuhu…..Mommy, o. I hate you. Huhuhu. Sumbong kita…Basilio…Crispin…

Teka bago ako umiyak at mag-tantrum na parang bata. Baka type niyo manood ng play namin sa Dulaang UP entitled SHOCK VALUE, written by Floy Quintos and directed by Alex Cortez. Cast din sina Direk Andoy Ranay, Jojit Lorenzo, Mylene Dizon, at Ana Abad Santos. See below for the schedule of my performance (since may alternate ako na mahusay din naman).

Sept. 15 Opening Night 7pm

Sept. 16 & 17 at 7pm

Sept. 19, 26 & Oct 3 at 10am

Sept 22, 24, 29 & 30 at 7pm

Story ito ng mga ka-showbizan sa mundo ng showbiz. Yun na! Waaaaa…huhuhu…hahahaha!