| Register

Twilight Zone

Filed under: Features — admin at 11:00 pm on Monday, November 23, 2009

Favorite ko ang Twilight Zone sa Channel 2 noong araw. Every Friday ‘yon ng 7:00 p.m. Iba’t-iba yung story nila na puro kakaiba. Minsan, nakakatakot but most of the time, mga weird, unexplained or peculiar (nakita ko sa Sesame Street) na mga pangyayari.

Meron silang episode na tungkol sa dalawang mag-asawa na bigla na lang na-trap sa loob ng bahay nila. Pagbukas nila ng pinto at bintana nakaharang ang isang malaking kulay blue na pader. Maski sa ceiling, nang gibaiin nila, nando’n pa din yung kulay blue na pader na sobrang tigas. Ang ending, mga dolls lang pala sila sa dollhouse ng isang bata, na nilagay sa blue cabinet yung doll house niya.

Meron pa yung Boogeyman. Lumalabas siya do’n sa ilalim ng kama no’ng bidang bata. Say niya palagi sa bata, “I am the Boogeyman. I will never harm the person in which his bed I live.” So nasanay na yung bata kaya, hindi na natatakot kahit may mga balita na pinapatay ng Boogeyman ang mga bata sa park nila. May isang nagbu-bully doon sa batang bida. Niyaya niya yung bully na magpunta sa park ng madaling araw para malaman daw kung talagang matapang. True enough, lumabas yung Boogeyman, tumakbo yung bully. Smile lang yung bida, bigla siyang sinakal nong Boogeyman. Say niya sa Boogeyman, “I thought you will never harm the person in which his bed you live? You live in my bed.” Say ng Boogeyman, “I am the Boogeyman from someone else’s bed…” Inay ko po!

Pag nakakarinig ako ng mga bagay na weird or kakaiba, naaalala ko ang Twilight Zone.

One time sa Greenbelt. Watch ako ng last full show which I normally do. Malapit na magsimula yung sine so nagmamadali na ako. May dalawang bakla sa harap ko. Sila na ang bumibili. Pucha nagtatalo pa kung ano ang papanoodin. Nang mapagkasunduan, pinagtalunan naman ng mag-sisters kung saan uupo. So kapwa bakla naman, kinausap ko sila. “Mga sisters, bilisan natin. Late na tayo!” Natapos na sila, so finally ako na. Pucha, bumalik yung isa. Yung mas bakla pero kalbo. Hysterical siya, “Don’t you dare do that to me again!!!” (sabay irap at walk out). Ha? Saan galing ‘yon? Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya. Weird!

Tuwang-tuwa ako nang mag-open ang TriNoma. Malapit lang kasi sa bahay ko. Hindi ko na kailangang pumunta sa Greenbelt, Makati or Eastwood para maka-watch sa magandang sinehan. Since Ayala din ang TriNoma, sure akong maganda. Pucha, bago pa lang ang Trinoma, sira na agad ang escalator doon sa ground floor na lagi kong pinapasukan. Ang aircon, parang mahina. E, di ba bago lang? E, di ba Ayala ito? Weird!

Kumain ako sa Chowking Trinoma last Saturday. Ang bongga ng Chowking kasi salamin ang cover ng kitchen kaya kita mo ang pagluluto ng mga kusinero nila. Pero nagulat ako kasi nasa gitna yung counter nila kung saan ka mag-o-order. Hala! Yung kuhanan ng dessert at mga drinks nasa tapat ng counter. So tatawid pa yung mga kumuha ng order para kumuha ng drinks. Kaloka!

Sa Robinson’s Galleria kami nagwa-watch ng mga bakla ng mga FOR ADULTS na movies. Doon lang kasi pinapalabas ang Indie movies na may gay theme at hubaran. Kaya pag may showing na baklaang movie, takbo kami agad sa Galeria. Pero napansin ko, ang tagal ng sira nong escalator paakyat sa Cinema 8. Doon pa naman lagi palabas ang mga movies namin. Hingal-kabayo ang mga bakla paakyat. Kaloka! Napakatarik pa naman ng escalator na ‘yon. Eto mas weird, kapag FOR ADULTS ang movie, maraming bakla ang nakatayo lang sa likod kahit marami pang upuan. Bakit kaya?

Madalas ko makita ang isang actress sa mga showbiz gatherings at mga TV guestings niya. Nakikita ko din siya sa mga magazines at newspapers. Mahaba ang buhok niya na lampas lang ng konti sa balikat niya. May bago siyang shampoo commercial. Ang buhok niya na nakatrintas pa, hanggang bewang. Paano nangyari ‘yon? Kakatakot!

Sigurado akong hindi naka-graduate ng college yung isang actress. Laking gulat ko nang makita ko ang picture nya sa isang chipipay na school at naka-nurse uniform pa. Yung isang actor naman, sa pang-mayaman na school nag-graduate pero naka-pose siya sa ad ng isang mumurahing unibersidad. Peculiar.

400 years na ng UST o University of Sto. Tomas. May kick-off program this December. Kaibigan ko ang isa sa organizers. Tinawagan niya ako kung pwede ba daw ako mag-intermission. Monologue ko tungkol sa buhay college days ko sa USte na nakakatawa ang gusto niya. Nag-agree naman ako. May bayad naman daw pero small budget lang. Kung maari daw sana ay pumayag na ako kasi pinaglaban niya ako sa mga pari para mag-guest. Nag-”yes” naman ako agad kasi kaibigan ko nga siya at Thomasian naman ako. Tinanong ko siya kung sino ang host. Binanggit niya ang name ng isang magaling na TV host pero hindi Thomasian. I asked her kung bakit ‘yon, say niya, “Requested ng mga Pari.” Ano? Ako na proud Thomasian, ipinaglaban pa, yung hindi taga UST-nirequest. Weird!

Um-attend ako ng celebrity premiere ng New Moon last Thursday sa SM The Block. Nag-outfit ako nang bonggang-bongga. Paglakad ko sa red carpet, pinagkaguluhan ako ng mga paparazzi at mga¬† camera ng iba’t-ibang shows. Nagpa-picture din ang ilang fans na nasa labas ng red carpet. Nakita ko din ang ibang kapwa ko Kapuso stars. Maski na ang mga baguhan na less than three months pa lamang. Pag-uwi ko sa bahay, nag-watch ako ng isang news program. Ipinakita ang celebrity premiere ng New Moon sa The Block. Mainit-init pa. Binanggit at ipinakita ang lahat ng Kapuso Stars na nadoon (kasama yung mga baguhan), maliban sa beauty ko. Kinapa ko agad ang sarili ko kasi baka multo na lang ako. Katakot!

May kasama si Manny sa kotse pero hindi daw si Jinky. Nasa Las Vegas din daw ang pamilya ni Krista. Umiyak si Jinky sa misa. Cold si Jinky sa pag-kiss kay Manny. Pinag-uusapan sa buong sulok ng Pilipinas. Bulung-bulungan sa call center habang coffee break, sa parlor habang nagpapa-manicure-pedicure-kulot, sa school habang recess at sa batis habang naglalaba. Pero sabi ni Manny, wala naman daw silang problema. Twilight Zone! (tinin tinin tinin tinin…)