| Register

Sorry, Thanks at Buti Na Lang

Filed under: Features — admin at 10:44 pm on Tuesday, April 21, 2009


Sorry…

 

For the nth time, I would like to apologize to all of you for the delay on the posting of my blog entries. 

 

I’ve been very busy preparing for Sweet 16, The Universal Sweet Anniversary Show, which is slated on May 15 and 16, 2009. 

 

Nararamdaman ko ang frustration ng iba sa inyo na pag open ng PEP ‘tapos wala pang new entry ang Korek ka John

 

Maski nga ako, pag nag-submit na ako ng entry kay Karen [Pagsolingan, managing editor], napu-frustrate ako pag hindi pa niya naa-upload. Sorry, Karen ha, at minsan kinukulit kita. 

 

Sorry kay Mareng Mosang, production manager ng Sweet 16, dahil araw-araw ko na siyang kinukulit. Tense na kasi ako dahil malapit na. Sad din kasi ako at wala pa masyadong sponsor. Inis din kasi ako at na-delay ang printing ng tickets.  Nakalimutan ko na nga na birthday pala ni Mosang today, April 21.  Happy birthday Mare.  Again, I’m sorry.

 

Thanks…

 

Now naman, I want to thank the following for giving their support to Sweet 16.  I appreciate it a lot.  Hindi ako tatagal sa showbiz kung hindi dahil sa mga taong ito na willing magbigay ng suporta at tulong sa akin, kahit ang iba sa kanila ay hindi ko naman ka-close.

 

Salamat sa GMA-7 at pumayag silang maging media partner ng Sweet 16.  Kasama na diyan ang QTV, DZBB at LSFM.  Mabuhay kayo!

 

john2-copy.jpg

 

Salamat kay Katrina Halili, Aljur Abrenica, JC Tiuseco at Marian Rivera, pati na din sa kanilang mga managers at pumayag silang mag-guest sa Sweet 16. Sina Katrina at Aljur ang guest sa May 15, samantalang sina JC at Marian naman ang mga guests sa May 16. 

 

Paseksihan showdown ang gagawin naman ni Katrina at dance showdown naman kami ni Marian to tune of “Sabay-sabay Tayo.” Lagot! 

 

Sina Aljur naman at JC, haharanahin ako. Ang sweet!  Siya nga pala, may special participation ang nanay-nanayan kong si Eugene Domingo sa Sweet 16.  Siya ang makakasama ko sa usual music video na ginagawa ko every time may show ako.  Surprise at hindi niyo ito kakayanin.  Pinag-uusapan pa lang namin ni Uge ang mga gagawin namin, natatawa na kami.  By the way, honorarium at habang buhay na pasasalamat ko lang ang kapalit ng pag-guest nila.

 

Salamat sa composer at musical arranger na si Jessie Lucas at siya ang gagawa ng minus-one ng lahat ng kakantahin ko sa show ng walang bayad.  Huwag kayo mag-alala at dalawa lang ang kanta ko, at pinag-aaralan ko talaga para hindi naman kayo maumay sa garalgal kong boses. At sisiguraduhin naman ni Jessie na maganda ang areglo ng mga minus-one para matabunan ang boses kong hindi kagandahan. Hahaha.

 

Salamat sa Shall We Dance at Talentadong Pinoy at hinayaan nila akong mag-promote sa kanilang show kasabay ng guesting na may bayad. God bless sa inyo.

 

At bonggang-bonggang pasasalamat sa showbiz show ng TV5 na Juicy for covering may pictorial at palaging pag-interview sa akin tuwing nakikita nila ako..  Salamat sa pagtrato sa akin bilang isang “Star” na deserving ma-interview. Nakaka-flatter po. 

 

To be honest, maliban sa Juicy at Showbiz Central, may iba pa akong pinakiusapan na mag-cover ng pictorial ko pero kahit nag-yes, hindi sila dumating.  Huhuhu.  Aminado naman po ako, kahit 16 years na ako sa showbiz, some TV crew/staff don’t consider me newsworthy. 

 

Thank you PEP at star din ang turing niyo sa akin.  Please magsulat pa kayo ng ibang bagay tungkol sa akin.  Show, taping, shooting, ribbon cutting, baptismal, confirmation, babang-luksa, 40 days, pasiyam at kung anu-ano pang gagawin ko.  Promise, hindi ko kayo papadalhan ng Cease and desist letter.  Abangan niyo ang pacontest ng PEP for a chance to win Sweet 16 tickets.

 

Salamat kina Doctors Manny and Pie Calayan sa Pangako nilang maging major sponsor ng Sweet 16 just like in my last two major shows na sponsor din sila.  We are in need of financial help since wala nga masyadong pumapasok na sponsor ng show. Tag-hirap daw kasi.  Understandable naman. To C is to believe! 

 

Salamat sa ABS-CBN interactive (text Sweet On to 2366 for Sweet 16 updates) at gagawin nilang billboard ang teaser ng Sweet 16.  May malaki silang billboard sa may Pioneeer, Edsa. Wow, billboard na ito!

 

As usual, salamat sa Hairwatch Salon at sila ang magpapaganda sa akin sa Sweet 16.  Sa Hairwatch din kayo makakabili ng tikets for the show.

 

Salamat sa Jollibee na magbibigay ng gift certificate para may pagkain kami during rehearsals at show.  Sarap!  Sabi nga ng pamangkin kong si Faith, “Jabee! Jabee! Jabee!”

 

Salamat nga pala sa Diyos at sa inyong mga nagdasal dahil pumasa ang pamangkin kong si Bea sa UP College of Fine Arts.

 

At lastly, sa aking Showbiz Central family.  Our production manager, Enri Calaycay, and executive producer, Mother Mildred for expressing their full support sa Sweet 16. They would air the 30-second plug of Sweet 16 na ang mga segment producers naming sina Altaire at Paulene ang gumawa.  Thank you girls!  Next week, they promised to do the making of Sweet 16 in our show.  Salamat Showbiz Central sa pagpaparamdam sa akin na ako ay tunay ninyong Kapuso!

 

Buti na lang…

 

Kahit nasa Bacolod ako last Friday para sa benefit show ng PCSO, tuloy ang pag- memorize ko ng mga monologues ko for Sweet 16

 

Today, Tuesday, April 21, nasa Iloilo naman ako, pero dala ko pa din ang mga scripts ko. Nasa akin na ang opening monologue na gawa ng aming head writer na si Ador Cuntapay a.k.a. Ms. Ador, na member ng UP Samaskcom, at ang isa ko pang monologue na gawa naman ni Edwin Serrano, na writer ko for the past ten years. Isang karakter sa Greenhills ang ginawa niyang monologue na ikaloloka ninyo dahil malamang nasalubong niyo na doon. Yun na!

 

Dahil sa walang masyadong pumapasok na sponsor for Sweet 16, kailangan kong kumuha ng maraming raket to fund my anniversary show. Buti na lang meron. 

 

Bukod nga sa Bacolod at Iloilo ay tumanggap din ako ng raket sa Thunderbird Casino sa Rizal on April 30.  Watch kayo, ha!

 

Nasa Bora din pala ako ng April 24 to 25 para sa Summer party ng Cinema 1.  Tamang-tama may Goma Cup doon, cover ko na din ang event for Showbiz Central this Sunday. Parang reunion ko na din ito with Goma Cup since ako ang nagko-cover lagi noon ng Goma Cup during our Showbiz Lingo days.

 

Hindi pa diyan natatapos ang raket.  Sa kalagitnaan ng rehearsals ko ng Sweet 16, pupunta ako ng Taiwan on May 9 and 10 para aliwin ang mga kababayan natin doon sa kagandahang loob ng Western Union.  Kitakits po! 

 

After Taiwan, dance rehearsal na ng todo for Sweet 16.  Huwag kayong kukurap sa finale kong buwis-buhay!

 

Tapos na ni Jojit Lorenzo ang poster ng Sweet 16.  Ang ganda! Mukha talaga akong Sweet 16. Hahaha. Actually, papunta na nga ako sa 12 years old dahil sa photoshop.  Logo na lang ng sponsors ang kulang sa poster, in case may humabol pa…‘Tapos takbo na agad for printing sa Kulay Express.  Salamat sa Kulay at sagot na nila ang pag-print ng poster at tarpaulins for Sweet 16.  Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

 

Buti na lang nga at hindi na ako natuloy na mag-guest sa concert ng La Divas sa LA. At least, I have more time to focus on the show. Buti na lang at after Sweet 16 pa ang shooting ko for PANDAY ni Sen. Bong Revilla. Buti na lang at after Sweet 16 pa ang taping ko ng Adik Sa ‘Yo.  Opo, kasama nga po ako sa Adik Sa ‘Yo. 

 

I’m so excited to work again with Jolina and Marvin, and I’m more excited kasi first time ko makakakasama si Papa Dennis Trillo sa isang soap.  Balita ko pa, siya daw ang madalas kong makaka-eksena. Tamang-tama kasi adik naman ako kay Dennis.  Hahaha.

 

Sorry, Lord at hindi ako nakapagsimba last Sunday sa sobrang busy. Thank you, Lord at so far, ok naman ang preparations ko for Sweet 16 at madami pa akong pumasok na work. Buti na lang nandiyan ka.

 

For sponsorship and ticket reservation, please call or text 0927-7515726, 0905-3029890 or 926-3678.  Pakiusap:  Huwag po sana mang- playtime ang iba sa pag-text at pagtawag.  Thank you.

‘Pag nagsasabi ka ng totoo…

Filed under: Features — admin at 4:09 pm on Wednesday, April 8, 2009


‘Pag nagsasabi ka ng totoo, hindi ibig sabihing minamaliit mo ang sarili mo.  Nagsasabi ka lang ng totoo para alam mo ang mga weaknesses mo or para alam mo kung ano ang mga bagay na dapat mong ayusin at gawan ng paraan. 

 

At ang maganda pa niyan, walang maibabatong nega ang mga detractors niyo sa inyo (kung meron man) dahil inaamin mo naman.  Tignan niyo, puro imbento ang mga binabato sa aking nega ng mga bayarang reporters. Yun na!

 

Twenty five years old na ang panganay kong pamangkin na si Kenneth.  Siya yung deaf and mute (o hearing impaired sabi ng isang PEPster) kong pamangkin. 

 

Pinasok ko siya noon sa Bench sa tulong ng kaibigan kong si Kris Aquino at sa kagandahang loob ni Ben Chan.  Sa SM City North Edsa siya na-assign. Pagpalain nawa ng Panginoon ang Bench dahil nagha-hire sila ng mga hearing impaired. 

 

Ang siste, walang sense of time ang iba sa mga hearing impaired. Sadly, isa ang pamangkin ko doon kaya madalas siyang late. Ayun, hindi siya na-regular at walang trabaho ngayon.  Hindi ko na alam kung saan pa siya ipapasok. Mahina at walang kwenta or wala at all na program ang Philippine government sa mga Pilipinong may kapansanan. Bwiset!

 

Dahil sa internet, naging madali na sa mga kabataan ngayon ang lahat ng bagay. Kaunti na lang nga daw ang nagpupunta sa mga library para mag-research. Google lang daw ang katapat. Maryosep! 

 

So, pag nagkaroon ng problema ang mga kabataan ngayon na hindi nila alam i-solve dahil hindi nila makita sa internet, naloloka sila. Yung iba, nagpapakamatay pa (WARNING TO PARENTS:  EMO daw ang tawag doon at may website sa internet).

 

Yung pangalawa kong pamangkin na si Mikoy 18 years old na pero third year high school lang ang natapos. Nabarkada at naggago at hindi na pumasok. Halos lahat ng school sa Novaliches, napasok na niya. 

 

Pinapasok ko naman siya ngayon sa isang restaurant para mag-waiter.  Salamat sa barkada ko na mataas ang posisyon sa nasabing restaurant (di ba nga, HRM graduate ako?).  Pag nag-flop pa siya doon, hindi ko na alam ang gagawin ko. 

 

Ang pang-apat kong pamangkin na si Sebastian, 15 years old na, pero first year high school pa rin.  Isa siya sa mga kabataan na naadik sa internet, Friendster at Dota

 

Ang ibang school na pinasukan ni Mikoy ay napasukan naman na ni Sebastian. Hindi sila puwedeng magsama sa iisang school dahil magkaiba sila ng apelyido, dahil magkaiba ang tatay nila. Malilito ang school kung dalawang apelyido ang gagamitin ng ate ko. So, sa school ni Mikoy, Mrs. Medina siya pero sa school ni Sebastian, Mrs. Madrazo siya. 

 

Gusto ko din sana ipasok ng trabaho si Sebastian para malaman ang value ng pag-aaral pero hindi pa raw puwede kasi 15 lang siya.  So tumutulong siya ngayon sa ihawan na ibinigay ko sa Ate ko.  Bili kayo ng bbq at isaw doon sa bahay namin sa Lagro, Misa de Gallo St. para may pang-tuition si Sebastian.

 

May pagkabaliw ako. Nagsasalita ako mag-isa minsan pag may iniisip akong bagay. Hindi ko na namamalayan na ang iniisip ko ay nasasambit ko na. Pag bored ako, bigla na lang akong kumakanta, kahit nasa public place ako. Kung hindi kanta, sipol naman. Magaling akong sumipol pero hindi ako magaling kumanta. Pag inaantok ako, bigla na lang akong sumasayaw, kahit in public. Buti na lang komedyante ako at kilala ng ibang tao kaya natatawa na lang sila.

 

Maramdamin akong bakla.  Nung nagpa-interview si sister Rufa Mae Quinto sa The Buzz para ibuhos ang sama ng loob niya kay Mo Twister, nagdamdam ako. Pero eto, prangkahan ko namang sinabi sa kanya.  Naiintindihan ko ang hurt niya sa nangyari, I hope naintindihan din niya ang naramdaman ko. 

 

Sabi ni P-chi, hindi daw niya alam kung anong TV show ‘yon nang interbyuhin siya sa airport. Ok. Malala ang buwiset ko kapag may tinatawagan ako or tini-text na kaibigan ‘tapos hindi sumasagot kahit the next day na. Minsan, kahit hindi importante ang reason ko for calling, nahu-hurt pa rin ako. Kasi ako pag nagti-text at tumatawag sila, sagot agad. Kung tulog na ako, sagot agad pag gising.

 

Selosa ako ng bonggang-bongga. Halimbawa, may kaibigan akong umattend ng birthday ng isang kaibigan namin pero sa birthday ko hindi siya um-attend, issue sa akin. Kaibigan pa lang ‘yan.

 

Nai-imagine niyo pa ang selos ko sa mga naging boyfriend ko? Todo talaga.  Monogamous kasi ako. Pag may jowa ako, sa kanya lang ako nakikipag-sex.  So para sa akin, ganon din siya dapat.  Kaya nagtataka ako sa mga tao na nakikipagtalik pa sa iba kahit may jowa na.  Pero sino ba naman ako para manghusga?

 

Praning ako. May takot akong um-attend sa mga showbiz gathering. Kasi baka may maganap na chismis ‘tapos kumalat, praning akong mapagbintangan na nagkalat. Kaya hindi ako basta-basta uma-attend ng mga showbiz events. Takot ako sa artistang plastik. Yung tipong hindi ko naman ka-close ‘tapos pag nagkita kami, sasabihan ako ng, “I miss you.”  Inay ko po. Praning ako sa mga grupo ng mga lalaking nag-iinuman ‘tapos alam kong lasing na. Katakot!

 

Inggitera ako sa mga taong merong isang bagay na wala ako. Pero happy naman ako para sa kanila and in a way nai-inspire nila ako. Inggit ako sa ganda ng bahay ni Allan K.  Pucha, 16 years na ako sa showbiz, wala pa din akong sariling bahay at lupa.  Hopefully this year.  Help me pray for it please. 

 

Inggit ako na may jowa si Jon Santos na pinakasalanan pa siya. Pucha yung mga naging jowa ko, mga manggagamit. Maryosep! Ngayon, ang jowa, ok lang naman na wala ako. Kahit hindi idasal.

 

Inggit ako sa little sister kong si Vice Ganda kasi lahat ng live shows niya these days, ang daming tao. Na-experience ko naman ‘yon noon pero nakakaloka lang na hindi na ako nagkakaroon ng sold-out show these days. Eto, kailangan din ng dasal.  Hahaha.

 

Malandi ako pero hindi ako malibog. Minsan makikipaglandian ako sa isang lalaki sa bar pero hindi ko naman ‘yon iti-take home.  Gusto ko lang yung feeling na may kausap na lalaki. Nakakababae kasi. Hehehe.

  

Naniniwala ako na ang isang taong nagkasala ay dapat parusuhan.  Madali akong magpatawad pero dapat harapin ng taong ‘yon ang kaukulang parusa para sa kasalanan niya.  Patawarin ako ng Diyos at ng Catholic Church pero naniniwala ako sa death penalty. 

 

‘Pag nagsasabi ka ng totoo, hindi ka nagmamayabang.  Nagsasabi ka lang ng totoo para maging inspiration ka ng iba at para gumaan ang pakiramdam mo. It’s a constant reminder to your self na masuwerte ka pa rin at mahal ka ng Diyos

 

Ang mayabang, may dagdag ang sinasabi or kadalasang inuulit-ulit or bigla na lang nagkukuwento kahit walang nagtatanong or walang dahilan.  Ang mayabang, hindi mo mariringgan ng negative tungkol sa sarili nila (Hence, the first part of this entry).  Ang mayabang, most of the time, sinungaling.

 

I bet my puwet, kung maglalabas ang Yes! Magazine ng 50 most honest celebrities in the Philippines, pasok ako sa Top 10. 

 

Lahat, kaya kong aminin kapag tinanong. Pero dahil ayaw ko makasakit ng damdamin, minsan, hindi na lang ako nagsasalita tungkol sa ibang tao. Kung tungkol lang sa akin, go! 

 

Nakapasa ang pamangkin kong si Bea sa UST entrance exam. College of Fine Arts siya.  Pero nag-take pa rin siya ng talent test ng UP. Magaling mag-drawing si Bea.  Top 100 siya sa isang t-shirt design competition.  Sana makapasa siya sa UP. Malala na kasi ngayon ang tuition fee ng UST.  Aminin niyo ‘yan mga Father.   

 

Nag-graduate na si Bea ng high school last week. Hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo ever sa kanyang schooling. Maganda si Bea. May manliligaw na nga siya na kabatch niya. Koreano. Guwapo!

 

I think my youngest niece Mary Faith is a genius (Click here to read my related entry Jollibee). Noong one year old siya, marunong na siya uminom sa baso at bote nang hindi natatapon ang iniinom niya. Alam niya ang pinagkaiba ng tubig sa Sprite at marunong siyang gumamit ng kutsara at tinidor. Taray! 

 

The other day, nagpunta kami sa Trinoma. As usual, sa Jollibee ang punta namin. Sabi ko sa kanya, mauna na siya maglakad at hanapin ang Jollibee

 

Magkatapat ang Jollibee at Mc Do sa Trinoma.  Sa gitna naglalakad si Faith. Napatingin muna siya sa kaliwa kung saan nandoon ang Mc Do, then sa kanan kung saan nandoon ang Jollibee. Pumasok siya sa Jollibee habang sumisigaw ng “Jabee!  Jabee!”

 

Pag tum*t*e si Faith sa diaper, nagpapaalam siya.  ‘Tapos pag lumabas na ang t*e niya, hindi na siya uupo. Either nakatayo lang siya or umuupo nang pa-side view, then magyaya na sa banyo.  

 

Two years old lang si Faith ngayon pero ang dami na niyang alam na words. Alam din niya ang lahat ng parte ng katawan niya pag sinasabi naming hawakan niya.  Hindi sumasama si Faith sa taong first time pa lang niya makikilala.  Suplada! 

 

Friendly ako. Kahit nagmamadali, gutom na gutom na or nat*t*e, nagpapa-picture ako sa mga taong gusto magpa-picture sa akin. 

 

Minsan tinitignan pa lang ako ng mga tao na masasalubong ko, nagi-smile na ako. 

 

One time, may kaaway ako sa phone pero biglang may nag-hello sa akin, nag-smile ako agad ng walang kaabog-abog. As in parang baliw, galit then smile. Hahaha. 

 

Kahit tawagin akong Jon Santos, Eagle, Allan K or Jet Pangan, ok lang sa akin. Kinokorek ko na lang at buong sigla kong pinapakilala ang sarili ko.  Mukha lang po akong kontrabida dahil malaki siguro ang mukha ko or manipis ang kilay ko or taas noo kasi ako maglakad pero friendly po ako. 

 

Huwag mag-atubiling lumapit.  Hindi po ako katulad ng ibang artista na nagsi-shade or nagbi-busy-busyhan para huwag niyong lapitan or batiin.  

 

Noong tengga ako, naranasan kong pumunta sa isang public place na walang pumapansin or nagpapa-picture sa akin. Nalungkot ako. Ngayon, magpa-picture kayo at bumati ng walang humpay, susuklian ko.    

 

Mapagmahal akong tao. Sa kaibigan, lalo na. Basta kinailangan ako ng mga kaibigan ko, dumarating ako. Basta kaya ko, gagawin ko para sa kanila.  Pero alam nila na hindi nila akong mariringgan ng “I love you.”  Naniniwala akong “Action speaks louder than words.”

Uma-attend ako ng mga special occasions ng mga kaibigan ko—birthday, kasal, pabinyag, at lamay. Maganda akong kasama ng isang kaibigan pag nalulungkot sila. Aaliwin ko sila nang bonggang-bongga.

 

Punung-puno ako ng Empathy

 

Yung naramdaman ko ay nararamdaman ng ibang tao. Kaya isa sa favorite TV show ko ang Wish ko lang ni Vicky Morales,  umiiyak ako nang bonggang-bongga kapag super kawawa ang mga tinutulungan nila. 

 

Noong Pasko, bumili ako ng 50 copies ng Wish ko lang DVD at yun ang niregalo ko sa mga kaibigan ko. Halos madurog ang puso ko kapag nakakakita ako ng batang namamalimos or nagtitinda ng sampagita kahit umuulan.     

 

I am very religious. Nagba-Baclaran ako at nagsisimba every Sunday.  Kapag hindi ako nakakasimba dahil may something, hiyang-hiya ako sa Diyos. Naiiyak ako kapag Palm Sunday, habang winawagayway ang aking palaspas. 

 

Habang nanonood ng Passion of Christ ni Mel Gibson sa sine, humihingi ako ng tawad sa Diyos.  Naniniwala ako kay Virgin Mary at sa lahat ng Santo. Hindi ako nakakatulog na hindi hawak ang rosaryo ko.  Dasal ang una kong ginagawa pag gising at huling ginagawa bago matulog. 

 

Hindi ako nagsisinungaling, yan ang dahilan kung bakit ko pinasok ang entry na ito. Kahit nakainom, nagsasabi ako ng totoo. Contrary sa mga mapagparatang sa akin, mas nagsasabi pa ko ng totoo kapag lasing.  Nakakaramdam ako ng something sa tiyan kapag nagsisinungaling. As in.

 

Hindi ko minamaliit ang sarili ko at hindi ako mayabang, nagsasabi lang po ako ng totoo.  I promise you more truth as we enter the third year of Korek ka John

 

Thank you for your support.