| Register

Husay!

Filed under: Features — admin at 8:29 pm on Monday, March 23, 2009


Ang husay nina Ariel Rivera at Gelli de Belen. Sila pala mismo ang nag-aalaga sa dalawang boys nila. Hindi lumaki sa mga yaya ang mga anak nila tulad ng mga anak ng ibang artista. 

 

ariel.jpg

I got the chance to talk to Ariel sa last day taping namin ng Luna Mystika. Salitan daw silang mag-asawa sa paghatid sa mga anak nila sa school. Kaya tuwang-tuwa si Ariel pag after lunch pa ang call time niya sa Luna, kasi siya ang maghahatid sa mga bata. 

 

‘Tapos after naman ng SiS ni Gelli, siya naman ang susundo sa mga boys nila. Tinanong ko din kay Ariel kung totoo ba na magma-migrate na sila sa Canada.  He confirmed it. By that time daw, e, nakapag-ipon na sila ni Gelli at pa-college naman ang mga boys. 

 

Si Gelli naman ay naghahanda na din at hindi pa daw niya alam kung ano ang magiging work niya doon.  Pero para sa mga anak nila, fly siya ng Canada. Inisip ng mag-asawa ang future ng mga anak keysa sa mga sarili nilang career. Ang husay! 

 

Sino pa ba ang sikat na celebrity ang ipagpapalit ang career para sa magandang future ng anak? Wala na akong maisip.  Tsk tsk tsk. 

Nasa The Library sa Malate ako last week. May show si Joaquin Garcia at special guest niya si Beverly Salviejo. Ang husay ni Beverly! 

 

beverly.jpg

Kinanta yung “Papaya” na napakataas na kanta. Ang alam ko kasi, musical instruments lang ang ginamit doon pero siya boses niya talaga. Kaloka! 

 

Guest lang siya pero almost an hour sumalang kasi nagmo-more ang mga tao. I remembered watching her sa mga sexy movies ng Seiko films noong araw. Madalas niyang kasama sina Zorayda Sanchez, na namayapa na, at Evelyn Vargas, na nasa ibang bansa na daw with her foreigner husband. Panalo! Alam ko galing din ng UST si Beverly at member ng UST singers. Nahusayan ako sa pag-reinvent niya ng sarili niya—from being an 80’s sidekick at chiwariwap to a stand-up comic/singer/ total performer.  Ang taas ng energy ng Lola mo to think na 40 plus na siya.  Nakakapag-fluent English at hindi bastos ang sense of humor. Eto pa, may asawa at anak na pala siya pero naiintindihan nila ang trabaho niya.  Husay!

Nagpunta din ako sa Laffline the other day. Wala kasi akong magawa, e, nakita ko ang pangalan ni Chokoleit sa marquee. Teka nga. Ang husay ni bakla! Two hours sumalang at hindi nauubusan ng punchline. Walang kaabog-abog niyang inookray ang sarili niya.  Itsura, buhay… lahat. 

 

chocolait.jpg

Alam ko joke lang yung iba, like yung kamukha daw niya ang Lola niya kaya hindi ni-rape ng mga hapon noong WWII.  Hahaha. 

 

Yung iba alam kong totoo na, tulad ng pagbigay ng allowance sa ex-boyfriend niya, pero nakuha pa din ni Chokoleit na gawing katawa-tawa. Bilib ako sa energy ni Chokoleit. 

 

Alam niyo bang maganda din ang boses ng baklang ‘yan?  I used to watch him sa Chatterbox with his band na Chokoleit Nuts.  Lalo na akong namatay sa kakatawa nung i-pag-dance showdown ni Choko sina Inday Garutay at Chokla. Hahaha.

 

Ginagaya ni Chokla ang pag-dance ni Inday with matching kick and extensions pero ang siste pag sumisipa si Chokla, since naka mini-skirt siya, kita si Jun-jun.  Hahaha!  Hagalpakan ang mga tao. 

 

Sa sobrang galing ni Chokoleit na laitin ang sarili niya hindi na-o-offend ang ibang audience na nilalait niya.  Karamihan sa mga fans ni Choko ay mga bata at mga matanda na sabi nga ni Choko ay “galing sa PTA meeting.”  Hahaha.  Sa sobrang husay ni Chokoleit, naibsan ang kalungkutan ko that day. Salamat, sister!  Salamat din sa Laffline at hindi ako siningil ng entrance.

Maliban kay Chokoleit, ang little sister kong si
Vice Ganda ang isa pang pinupuntahan ng mga tao sa Punchline at Laffline. Walang takot kong sasabihin na si Vice Ganda ngayon ang pinaka-bankable na baklang live performer.

 

viceganda.jpg

Last Valentine’s Day, napuno niya ang Metro bar sa kanyang two-day concert.  Malaki ang Metro Bar, almost 1,000 ang capacity. Standing room ang two nights na show ni Vice. Husay! 

 

Sa hindi nakakaalam si Kumareng Ogie Diaz ang manager ni Vice.  Wala namang clout or power itong si Ogie pero sumikat pa din si Vice.  Halatang pure talent lang talaga ang naging puhunan ni Vice kaya sumikat.  Maliban sa nakakatawang punchline na impromptu, mahusay din kumanta si Vice at siyempre mag-Ostrich dance. Hahaha. I am so proud of my little sister.

Ang husay ni Regine Tolentino maghanap ng trabaho at pera.  Co-host sa Unang Hirit, Judge pa sa Shall We Dance, host pa ng isang hip hop show sa TV 5 din, may dance studio at boutique at ang ultimate, choreographer pa sa SOP.  Ang sipag! 

 

regine.jpg

Nakakabilib ang husay sa paghahanap buhay para sa pamilya at anak. Workaholic din siguro ang Ate niyo like me.  Siguro stressed din siya pag walang ginagawa.  Ako, hindi lang basta stressed, nalulungkot ako pag wala akong ginagawa—work or pleasure alike.  Pag nagbabakasyon ako, after two days, nag-iisip na ako ng work or gagawin after my vacation.  Mabuhay ka, Regine Tolentino!  Kung lahat ng Pinoy kasing-sipag mo, hindi maghihirap ang Pilipinas. Bravo!

Bilib din ako kay Pareng
Mo Twister! Ang husay din maghanap ng raket. Bukod sa Showbiz Central, may show pa siya sa ANC at Studio 23.  Yung radio show niya sa Magic 89.9 ay namamayagpag pa din.  Monday to Thursday at 6:00 a.m. ang radio show niya kaya minsan, hindi na daw siya natutulog at nagpi-prepare na lang ng topic nila for the show. 

 

img_7641.jpg

Kapag may raket siya after ng kanyang radio show, mas pagod.  Masama pakiramdam niya last week sa Showbiz Central pero never bumaba ang energy level. Husay! 

 

Bukod sa pagiging honest, witty at spontaneous, brutally frank din si Gumatay (family name ni Mo). 

 

Sabi ko nga sa kanya, “Mo, kung lalaki ako, ako ikaw”.  Nag-agree naman siya.  To be honest, ako ang pinaka-close sa kanya sa mga host ng Showbiz Central. Matagal na kasi kami magkakilala. Star Magic artist din siya noong panahon na rapper pa siya. 

 

Binigyan nga niya ako ng copy ng CD niya when we had a series of show noon sa Japan. Nakikinig siya sa akin pag sinabi ko na ang simple ng damit niya or ang puti ng make-up niya. 

 

Loner si Mo. Kaya niyang manood ng sine mag-isa at tumira alone sa kanyang condo. Pero inaamin niya na minsan kapag mag-isa lang siya sa bahay, nalulungkot din siya kaya umuuwi siya sa bahay nila sa Bulacan.  Hindi ko kayang mag-watch ng sine mag-isa at lalong hindi ko kaya tumira sa isang bahay mag-isa. Takot ako!  Mo, I’m so proud of you! Penge naman raket diyan?

Iba pala ang feeling kapag nakakakita ka ng mga taong mahusay sa buhay at sa kanilang craft as an artist or kahit anong bagay na ginagawa nila. Nakaka-inspire and at the same time nakakabilib. 

 

Applauding them and recognizing their good job and efforts gave me a warm feeling inside. Totoo talagang napakasarap ng pakiramdam kapag mas nakikita mo ang kagandahan ng ibang tao keysa ang mga bagay na pangit sa kanila. Try niyo. 

 

Madali lang naman pala. Di ba malala ako noong araw? Lahat ng kaokrayan at chaka ang nakikita ko? Kaya pati ako, ang chaka ko noon.  I saw a glass half empty rather than half full.  Nagawa ko ngayon kaya malamang magawa niyo rin. 

 

Sa Amerika, may dalawang magkabarkada ang nakaisip na purihin lang ang lahat ng tao na makakasalubong nila. Ngumingiti yung mga tao at nagiging maganda at positive ang buong araw nila. Gagawa pa ako ng maraming ganito para ngumiti din kayo at maging maganda ang inyong araw. Husay, di ba?!

Clutter

Filed under: Features — admin at 5:47 pm on Wednesday, March 11, 2009


Clutter-verb: to fill or cover with a disorderly scattering of things, noun: a crowded mass

Ang dami kong clutter sa kuwarto ko. Namana ko ‘yan sa Nanay ko. Bihira kaming magtapon or magligpit ng mga bagay na nakukuha namin kahit yung mga noon pa. Minsan kahit hindi naman kailangan, tinatago pa din namin.

Tulad ng Nanay ko, mahilig akong mag-ipon ng mga brochures na inaabot ng mga tao sa mall. House and lot, condo, insurance, gamot at kung anu-ano pa. Yung mga inaabot sa grocery na papel tungkol sa mga discount, libreng sample at kung anu-ano pang kaek-ekan, tinatago ko din. Naaawa din kasi ako sa nag-aabot. Baka pag walang kumuha ng mga inaabot nilang papel, e, mawalan na sila ng trabaho.

Dahil maliit lang ang kuwarto ko, patong-patong ang mga hats at bags sa isang maliit na table. Katabi nila doon ang mga gifts na regalo sa akin pero hindi ko pa nagagamit or nare-recycle. Oh yes, nagre-recycle ako ng regalo. E, kung hindi ko talaga type or hindi ko magagamit, ipamigay na lang.

May ugali din ako na pag may gusto akong bag or pitaka, ‘yon at ‘yon ang ginagamit ko everyday. Hangga’t hindi dumudumi or nasisira, gagamitin ko ‘yon. So yung mga luma or bago, naka-clutter lang sa kwarto ko.

So the other day, nag-ayos ako ng clutter.

Nakita ko yung Alumni Card ko sa UST. Bigla akong na-proud sa sarili ko at naalala ko na college graduate nga pala ako. Itatapon ko na sana ang Alumni Card kasi hindi ko naman alam kung ano’ng silbi nito, pero naiisip kong itago, para pag may nagmayabang sa akin or nagmalaki ng kanilang educational attainment, may pangtatapal ako sa bibig nila. Hahaha.

10032009777.jpg

Nakita ko ang pinakamahal kong wallet na Ferragamo. Snake skin ito na binili ko the second time I went to Hong Kong. Pikit-mata ko itong binili. Sabi kasi ng Megastar Sharon Cuneta, na kasama ko that night kasi nag-guest ako sa show niya doon at napuno niya ang Hong Kong Coliseum, dapat mahal ang wallet para mahal din ang papasok na pera.

09032009774.jpg

Oo nga naman. Grabe, wala pang sira or dumi itong wallet ko na ito. Hindi ko na maalala kung bakit hindi ko na ito ginamit. Ang gamit ko ngayon ay mumurahing local na brand. Teka nga at masubukan ang theory ng Megastar. Grasya, pasok!

Nakita ko ang binigay sa akin na picture ni Carlos Agassi when we went to Korea para sa show niyang Victim. Homecoming ‘yon ng aking little sister, Sandara Park. Co-host niya ako for that episode.

Mabait sa akin si Amir noong magkasama pa kami sa ABS-CBN. So when I saw him sa Star Magic Ball last year sa Edsa Shangri-La, I approached him and hugged him. Tinanong ko kung kamusta na siya, balak ko sana bumawi at i-recommend ko naman siya sa GMA-7 or TV 5, kasi alam ko, tengga siya. Buong ngiti at with confidence niyang sinabing, “Ok, naman ako Sweet!” Ok, Amir. Good luck!

Nakita ko ang pictorial namin noong 2005 for Comedy Riot sa Amerika. Si Direk Wenn at Atet na barkada niya since high school ang producers noon. Ang saya ng grupo namin na ito—myself, Candy Pangilinan, Chokoleit, Uge Domingo, Tita Malou at DJ Durano.

pic-005.jpg

Guests namin sina Carlos Agasi at Dessa. Nasundan pa ito ng part two the following year at si Anton Diva naman ang guest.

pic-003.jpg

Buti na lang nag-part two kasi ito yung year na wala na akong regular show. That’s the last time na nagpunta ako sa Amerika. After kasi noon, tumawag na ang GMA at naging busy na nga ako sa Kapuso Network. Thank God! Sa April, babalik ako muli sa Amerika kasama ang La Divas ng SOP. Another “Thank God!”

Nakaipit sa mga pics namin ng Comedy Riot ang isang white envelope. Card pala ‘yon na galing kay Ma’am Charo. I received it a week after I was launched in GMA-7. In fairness, dated ng October 3 ito, and I was launched in S-Files last October 1, 2006.

Dear Sweet,

I hope all is well with you. First of all, I’d like to give my sincerest condolence to you and your family in the passing away of your father. My office was not informed about this sad news. My prayers for the eternal repose of his soul.

Cory also told me about the offer from our friendly competitor. Since we cannot give you anything at these most trying times, I wish you all the best in your new “adventure.”

More power to you! God bless!

Always your Kapamilya,

Charo

pic-002.jpg

pic-006.jpg

While doing this entry, napansin kong madami ding clutter sa computer table ko. Habang nililigpit ang mga naipit na papel at resibo sa table, bumulaga sa akin ang isang page ng notebook.

Pinulas pala ng Nanay ko sa notebook niya ang page, kung saan sinulat niya ang mga imbentong report ni Jobert about me, one Tuesday afternoon sa kanyang radio program.

Kinatok pa ako ng Nanay ko sa kuwarto habang umiiyak para ipabasa lang sa akin ang kanyang mga sinulat (published as is):

1) Minamaliit mo daw si Jonnel ng Fear Factor sabi mo kay Pamela Baranda na alam mo ba na waiter ko iyan.

2) Nile-level mo daw sarili mo kay Kris at Boy pero trying hard na komedyante ka lang.

3) Pag nalalasing ka daw sa isang bar pupunta ka sa “CR” at hinaharass mo ang mga lalake at sinasabi mo “hindi niyo ba ako kilala ako si John Lapus.”

pic-001.jpg

Hindi ako le-level kay Jobert pagdating sa okrayan. Bukod sa graduate na ako doon during my Cristy per Minute days (Modesty aside, Zzzuma cum laude ako noon pagdating sa okrayan), college graduate din po ako. Hence, my alumni card. O, loko!

So tulad ng ibang clutter sa kuwarto at computer table ko, itatapon ko na lang at ililigpit ang issue na ito. Pero tulad ng sinabi ko sa isang interview ko dito sa PEP (click here to read story), huwag akong hamunin.

Kaya kong mag-Masters degree sa Okrayan. Mahirap akong kaokrayan kasi kaya kong aminin lahat. Wala akong itinatago at hindi ako sinungaling. Alam ng mga mahal ko sa buhay ang lahat ng bagay na ginawa ko. Kaya walang puwedeng ibato sa akin na “totoo” na hindi ko kayang aminin.

Kaya ang mga umookray sa akin puro imbento na lang ang ibinabato. Halos walang logic to the point na nakakatawa na. Halatang may nag-uutos or nagbabayad or halatang sumisipsip lang.

Pag natakot dahil nagkaka-tsugihan ng mga nega, magso-sorry at iiyak. Pag tinawagan mo naman nang maayos, namamatay ang phone. Ano ba ‘yan? Hay buhay!

The other day, muli akong tinext ng ex-boyfriend ko, eto yung first bf ko na dating call boy. May sakit daw ang anak niya at kailangan niya ng pera. Pucha, anak na ang usapan so medyo naapektuhan ako. I hope hindi naman imbento.

Dati kasi, kesyo may negosyo, nakabangga at pupunta daw ng abroad kaya dini-dedma ko. So nakipagkita ako at inabutan ko ng pera. Pag-abot ko ng pera kinausap ko siya, “Last na ito. Magbagong-buhay ka na. Maawa ka sa anak mo. Ayusin mo buhay mo at maghanap ka ng matinong trabaho. Huwag mo na akong i-text habang buhay.” Nag-agree naman siya at nangako.

Ayun, nabawasan na naman ako ng clutter.

By the way, thanks to your comments at nakabili na ako ng Jolly dolls sa Jollibee. Tamang-tama pala ang panawagan ko. Binili ko yung anim na klase. Nakakaloka lang kasi hindi feel ni Faith ipasuot yung costume ng doll. Gusto niya si Jollibee lang mismo with out the different costumes. Ang cute pa naman pag nakadamit yung doll. May nag-text din sa akin na mga taga-Jollibee at may ipapadala daw gift. Uy, thanks and you’re welcome. Next time, sana stuffed toy naman, yung malaki na talaga. For sure magiging jolly lalo si Faith.