| Register

Jollibee

Filed under: Features — admin at 1:36 am on Friday, February 27, 2009


I worked at Jollibee in Quintin Paredes St. Binondo from 1989 to 1990. Naging kaklase ng Ate ko si Ma’am Peggy, na manager at anak ng owner ng store, sa sign language summer class ng Southeast Asian Institute for the Deaf (SAID) sa Miriam College. 

 

Deaf and mute ang eldest nephew ko na si Kenneth, kaya kailangan ding mag-aral ng Ate ko so she can communicate with her son. Tapos si Ate na ang nagtuturo sa amin ng sign language. 

 

Nang malaman ng Ate ko na nagwo-work si Ma’am Peggy sa Jollibee, sinabi niya sa Nanay ko. Ang Nanay ko naman ay pinag-apply ako. Pumayag na din ako para may sarili akong pera upon entering college in UST (University of Sto. Tomas).

Nakakatawa kasi 16 years old lang ako that time. Hindi pa daw ako mabibigyan ng Mayor’s permit at NBI clearance na requirements para ma-hire. Ibang level ang Nanay ko, tinawagan niya ang lahat ng kamag-anak namin sa Manila City Hall at NBI para maka-get ako ng mga requirements ko. Taray! Ms. Talent si Madir.

I was the youngest crew ng Jollibee Binondo that time. Sa dining muna ako na-assign during my first few months. Kakainis nga kasi pagpasok ko, may crew na John na ang name. So, I have to change my crew name to Nathan, which came from my real name Jonathan. 

 

Tatlo kaming baklang crew that time. Ako, si Noel at John. Nag-deny muna ako at first since kakilala nga ng Ate ko si Ma’am Peggy. Noong close na ako sa mga crew, ibinigay ko nang todo ang suspetsa nila. Christmas party namin noon, nag-gown ako at nag-monologue ng I’m going to a party.

Umaga ang pasok ko palagi. As in opening ako. Six a.m. dapat nasa store na ako since nagse-serve kami ng breakfast. Before 5:00 a.m., umaalis na ako ng Lagro.  Until 12:00 noon usually ang duty ko dahil 1:00 p.m. ang klase ko sa UST. 

 

Minsan, 12:30 p.m. na ako nakakapag-out lalo na pag madaming tao. Takbo agad from Binondo to Lawton, passing Jones bridge, then sakay ng jeep papuntang UST.  Akyat overpass sa España, then takbo papuntang Education building ng UST. 

 

Abot naman ako ng 1:00 p.m. sa classroom dahil elevator ang gamit ko. Oh yes, isa ako sa mga konting students noon na nakakagamit ng elevator kahit walang sakit dahil Ms. Friendship ako sa operator.  Pero dahil sa schedule ko noon, pagod ako pagdating ng klase kaya nakakatulog ako, lalo na kapag boring ang professor. 

 

Thanks to my barkada, na laging katabi ko, na si Consuelo Halili. Dahil mataba siya, medyo natatakpan niya ako habang natutulog. Hehehe. Eto pa, pagdating ng gabi, Teatro Tomasino naman. Busy! Mas gusto ko na maging busy keysa walang ginagawa. As in.

I was really hoping that time na magiging regular crew ako ng Jollibee Binondo since malaki ang naitutulong nito sa pag-aaral ko. Almost on my 6th month nang kausapin ako ni Ma’am Peggy na as much as she likes me daw, e, hindi sila nagre-regular ng crew that time.

 

Buti pa si Consuelo, na ipinasok ko, e, na-regular, and she eventually became one of their managers when we graduated. Later part na lang may nagbulong sa akin na baka dahil bakla nga daw ako kaya hindi ako na-regular kahit A+ ang performance appraisal ko. Bawal daw kasi sa negosyo ng Chinese ang mga bakla. 

 

Hindi ko na pinansin since I was recommended naman by Ma’am Peggy sa kapit-bahay niyang store na Jollibee Escolta.  Thank you Lord at thank you kay Ma’am Peggy! Until now, may contacts pa din ako kay Ma’am Peggy at sa ibang managers at crew na kasama ko doon.

Nakakatawa yung day na na-accept ako sa Jollibee Escolta. Sabi ng manager, kunin ko na daw ang mga requirements. I told her na meron na since kaka-renew ko lang, so sabi niya ipasa ko na daw. 

 

Umakyat ako agad sa 2nd floor ng store. Pucha, company-owned store pala ang Jollibee Escolta unlike Binondo na franchise, so, sa Culmat Building sa E. Rodriguez ang pasahan ng requirements. Hahaha. C.R. ang nadatnan ko sa 2nd floor.

Victim ako noon sa Jollibee Escolta kasi pag umuulan, umaapaw ang Pasig River at pumapasok sa store. Since dining crew nga ako, e, ang beauty ko ang naglilinis ng sahig. Kaloka! 

 

Ang baho ng baha galing ilog Pasig. Buti na lang, I was assigned to a different position after a month: order-taker at take-out delivery crew. 

 

Dahil nga madaming office near Escolta at Intramuros vicinity, pumupunta ako sa mga offices doon at kumukuha ng orders nila, then ako na din ang magde-deliver.  Pagoda nga lang kasi bisikleta pa noon at hindi motor.

 

Victim ako pag sira ang elevator ng isang building na aakyatin ko. Nahalata yatang pagod ako kaya in three months, end contract na ang beauty ko sa Escolta. Ayun, naging full time colegiala na ako at Teatro Tomasino on the side.

Pagka-graduate ko ng college, dalawang kumpanya lang ang pinadalhan ko ng resume.  Ang Peninsula Manila Hotel, kung saan ako nag-practicum at ang Jollibee.  Noong mawalan ako ng trabaho at malaos two years ago, nag-ready ako ng bagong resume para ipasa sa Jollibee. As in!  Thank God at tumawag ang GMA.

 

Laking Jollibee ako. Yung branch sa Quezon theater sa Cubao ang madalas namin puntahin ni Nanay. Pag may promo ng mga laruan, Jolly toys ang tawag, binibili ako ni Nanay. Ang problema, minsan, isang burger lang at softdrink ang binibili niya sa akin.

 

E, noon, dapat worth 100 pesos ang minimum purchase para makabili ka ng laruan. Kitang-kita kong namumulot ang Nanay ko ng mga iniwang resibo ng ibang costumers para lang makakuha kami ng receipt worth 100 pesos. 

 

Minsan, sasabihin pa ni Nanay na mag-unahan daw kami na makakuha ng receipt na malaki ang amount. Mautak ako, dumidiretso ako sa counter or sa basurahan.  Winner ako! Kaya dahil sa iniwang receipt ng iba, nakaka-buy kami ng Jolly toys na available in our every visit. 

 

Akala ko noon, natural lang ‘yon. Noong tumanda na ako, doon ko lang na-realize na wala lang pala kaming pera. Ang saya-saya ko noon pag pumupunta kami sa Jollibee. Until now, Jollibee for me is a reminder that kahit papaano, naging masaya din ang childhood ko.

Pinanganak ng Ate ko si Kenneth when she was only 17 years old. Grade 4 naman ako that time.  So si Kenneth, akala niya noon, kapatid namin siyang bunso. 

 

Iba ang Jollibee when Kenneth was growing up. High school naman na ako noon so si Kenneth naman ang binibili namin ng Jolly toys. E, di ba nga deaf and mute siya.  Naging very visual ang Jollibee para sa kanya. Pag pumapasok kami sa Goldilocks or Mc Donalds, umiiyak siya. Malakas pa naman umiyak ang pipi’t bingi kasi hindi nga nila naririnig ang sarili nila. As early as three years old, alam na niya kung ano ang Jollibee sa ibang restaurant. Naka-mind set si Kenneth na if we eat out, dapat sa Jollibee. 

 

Pag walang chocolate sundae at spaghetti, iiyak si Kenneth. Ang feeling niya pag may burger at softdrink, dapat may spaghetti at sundae. Lalo naman ang Jolly toy.  Pucha, nagwawala si Kenneth pag walang Jolly toy.  E, minsan ang toy na available medyo mahal. Lagot! Laking tuwa ng Nanay ko nang magkaroon na ng Kiddie meal na may libreng jolly toy at yung mga value meals ng Jollibee. 

Sumunod si Mikoy kay Kenneth after eight years. Nagka-phobia yata ang Ate ko at ang una kong bayaw, na deaf and mute si Kenneth, kaya after eight years na bago nasundan. But since deaf and mute nga si Kenneth, medyo nahirapan kami i-explain sa kanya na Kuya na siya at dapat magparaya siya sa younger brother niya tulad ng sa commercial ng Jollibee. So na-imagine niyo ang eksena when Kenneth was 10 and Mikoy was 2? Oh my God! Away talaga sa Jolly toy. Pag nasira na noong isa yung kanya, kukunin yung sa isa. Iyakan to death. 

Salamat sa Diyos, babae ang sumunod kong pamangkin. Si Bea. Mabait at hindi nakikipag-away sa mga Kuya niya. Hindi din mahirap pakainin at hindi masyadong mahilig sa Jolly toys. 

 

Bukod pa doon, by the time na ipinanganak si Bea, may work na ako. So pag gusto nila mag-Jollibee, go lang kami.  Bago mag-sine, Jollibee. Lahat ng gusto nilang kainin at kahit tig-iisa sila ng jolly toys, go!  Lahat ibibigay ko para sa mga pamangkin ko.

 

So jackpot si Sebastian na sumunod kay Bea pagdating sa Jollibee. Si Sebastian lang ang naka-experience ng Jolly party noong 1st birthday niya. Lahat ng Jolly toys nabibili namin para kay Sebastian.  Natae si Sebastian sa Jollibee SM Fairview, bumili ako ng madaming pagkain at toys para hindi naman nakakahiya.  Hahaha.  Tulad ko, para sa apat kong pamangkin, ang Jollibee ang reminder ng kanilang happy childhood.

 

Hindi pa diyan nagtatapos. 13 years old na si Sebastian nang ipinanganak ng Ate ko si Mary Faith at the age of 41. Ang taray ng Ate ko, di ba?!

Mama ang unang salita na nabigkas ni Mary Faith before she turned one. Ate ang sumunod since si Bea ang laging nag-aalaga sa kanya. Sumunod ay Kuya since tatlo ang Kuya niya. Then Nanay since gawain ng Nanay ko na paamuhin ang lahat ng apo niya. 

 

Tsaka pa lang Papa dahil seaman ang papa niya so almost one year old na si Faith nang makita niya ang Papa niya. Pagkatapos, Jabee. As in Jollibee. Tsaka pa lang Dandan.  Opo, ako yung Dandan dahil hindi niya ma-pronounce ang John-John.  Kaloka! Nauna pa nasabi ng pamangkin ko ang Jollibee keysa sa pangalan ko. Ang taray!

Pag may nadadaanan kaming Mc Do, sisigaw si Faith ng Jabee. Burger King, Jabee.  Caltex gas station, Jabee. Shell gas station, Jabee.  Petron, Jabee.  Kahit anong mall, Jabee pa din!  Maryosep!  Pag binibihisan siya dahil may pupuntahan, Jabee pa din.

So last Saturday, 2nd birthday ni Faith, ang regalo ko sa kanya..Party sa Jollibee.  Inuna ng Ate ko mag-inquire sa malapit sa bahay namin sa Lagro.  Jollibee Lagro, puno na.  Jollibee Fairview, puno na din. Jollibee sa loob ng SM Fairview, hindi na pala nagpapa-party.  Lahat daw ng Jollibee sa loob ng mall wala ng party. My God! Sa Jollibee Philcoa na kami nakapagpa-reserve.

The day before, binilhan ko ng damit si Faith para sa party niya. Gusto ko yung parang prinsesa. As in yung Barbie collection with matching tiara. Ayaw isuot. Naiinitan yata. Nakakita ako ng Wonder Woman at Supergirl costume sa Toy section ng Landmark. Ang cute! Yun ang gusto kong isuot niya. Pucha ayaw. Wala sa mood. Ah, teka hindi pwede ito. Say ko, “Faith maganda ito. Suot mo bukas sa Jollibee!” Ayun sinukat. Tapos ang iyakan.

4:30 p.m. na ang na-get naming sched sa Jollibee Philcoa. Mga 5:00 p.m. na ako nakarating. Suot na ni Faith ang kanyang Wonder Woman costume. Ang cute at ang ganda ng pamangkin ko.  Maryosep! Nag-games tapos nagkainan. At finally, lumabas na si Jollibee.

blog11.jpg

Natulala si Faith ‘tapos nag-smile then yumakap kay Jollibee. Pinaghahalikan ni Faith si Jollibee.  Nakita ko naman na malinis ang mascot costume. Hindi ako nakuntento, inamoy ko, wala naman amoy. Minsan kasi yung ibang mascot costume, ang baho. Aminin! 

 

Hindi na bumitaw si Faith kay Jollibee until sumayaw na ang mascot. Sayaw din si Faith sa ibang part. Medley ang sinayaw ni Jollibee. Sa kanta ni Marian Rivera na “Sabay-sabay Tayo” lang yata sumabay si Faith. The rest of Jollibee’s dance number, nakatitig lang si Faith. Tinuruan ko si Faith mag-blow ng candle so wagi din ang pag-blow niya ng candle sa tabi ni Jollibee.

Tinitignan ko si Faith, parang si Jollibee lang ang nakita niya sa buong party.  Tawa nang tawa si Faith habang binibigay ni Jollibee ang birthday message niya kay Faith na sign language lang.  Naka-relate si Faith kasi akala niya siguro deaf and mute din si Jollibee tulad ng Kuya Kenneth niya. Alam ni Faith ang sign language ng “bobo.”  Hahaha.  Naaliw din si Mareng Boyet ng Hairwatch Salon, Direk Jojo ng “May Bukas Pa” at si Eugene Domingo na mga ninang ni Faith sa mga eksena.

Eto na, kailangan ng umalis ni Jollibee. Ang alam ko 30 minutes lang ang maximum or masu-suffocate yung tao sa loob ng costume ng Jollibee. Ba-bye na kami at ang lahat ng mga bata.  Nagba-bye din si Faith pero by the time na pumasok na si Jollibee sa secret door, umiyak si Faith na parang wala ng bukas. Sipon na may halong luha ang pag-iyak ng pamangkin ko. Pag ako ang umaalis or ang Mama niya or si Nanay, hindi naman siya gano’n umiyak. Halos madurog ang puso ko. Gusto kong kausapin yung mascot na baka puwede siya mag- encore performance pero alam ko namang hindi pwede. Gusto ko sanang hiramin yung costume at ako na ang magsuot para tumahan lang si Faith.  My God!  Buti na lang, may maliit na Jollibee toy sa ibabaw na cake ni Faith.  Inabot ko at tumigil naman siya.

Nananawagan po ako sa Jollibee. Puwede po bang maglabas kayo ng Jollibee doll para maibili ko si Faith? Yung medyo malaki. O kaya Jollibee costume para maisuot ko para kay Faith?  Kaya ko yata ang sayaw ni Jollibee.

Sa inyong lahat na PEPsters, may kilala ba kayong kamukha ni Jollibee? Penge naman contact number please.

Aklat ng Kagandahan

Filed under: Opinion — admin at 7:43 pm on Thursday, February 5, 2009


Nagkita kami sa wakas ni sister BB Gandanghari sa baby shower na in-organize ni sister Rufa Mae for sister Mylene Dizon. Ginanap ito sa isang salon/spa sa Makati last Sunday, January 25. Doon na namin sinalubong ang Chinese New Year!

I hugged him the moment I saw him. Naka-hair extension pala si BB kaya naman makapal ang pagkakapusod niya sa kanyang buhok. Light make-up lang si BB that night pero maganda pa din siya. Tama ang sinabi ni Tita Lolit na hawig niya ang ex niyang si Carmina. Very conscious ako habang kausap ko siya kasi baka matawag ko siya ng Rustom.  Lahat ng tao sa baby shower ay ganoon din. Mga tatlong tao ang narinig kong nagkamali na tawagin siyang Rustom pero nag-sorry naman agad at nag-“its ok” naman si BB with a sweet smile.

Nakasalang sa manicure at pedicure si BB when I arrived so hindi ko na muna siya inistorbo at marami din siyang mga kausap. Chumika muna din ako sa ibang celebrities and friends na nandoon at nagpa-facial na din, kasi nga libre. Para naman gumanda ako ng kaunti pag kausap ko na si BB…

Pagkatapos ko magpa-facial, chumika na ako kay BB. Size 9 lang pala ang paa niya kaya naman madaming pang-girl na shoes ang kasya sa kanya. Dito kasi sa atin, size 9 lang ang biggest sa halos lahat ng shoe stores, maliban sa Natasha, Confetti at Xtra-Xtra (as in may size 13 sila para sa mga baklang bakulaw). Nakapangako pa nga si Lola Bing Loyzaga ng ilang shoes for BB since magka-size daw sila ng paa. Grabe, ang gaganda pa naman ng sapatos ni La Bing na never kong na-arbor dahil size 11 ang paa ko sa pambabaeng sapatos.

Nagkuwento si BB tungkol sa kanyang mga adventures sa New York. Nagkuwento naman ako sa kanya tungkol sa mga Ms. Universe Beauty pageant na ipinasa pa sa akin ng aking mga nakakatandang bakla mula sa Aklat ng Kagandahan.

Si Gloria Diaz daw ay hindi naman kagandahan kumpara sa ibang finalist sa Ms. U noong 1969. Pero tulad ng ibang beauty pageants, na minsan nagwawagi ang matalino, nag-win si Gloria. Say pa nga ng aking mga ninuno, si Gloria lang daw ang natatanging Asiana na chumichika sa mga Latina that time dahil marunong ito mag-Español. Ang taray! Kaya madalas daw lumabas sa mga newspaper noon ang mukha ni Ms. Philippines sa tabi ng mga Latina. Bongga!

Kung si Gloria ay hindi agad napansin, parang si Sushmita Sen nang mag-win dito sa ‘Pinas noong 1994, kabaligtaran naman daw ang nangyari kay Ms. Margie Moran. Say ng mga Ate ko, dahil nag-declare daw ng Martial Law si Marcos noong 1972, naging nega ang image ng Pilipinas sa buong mundo. Madam Imelda Marcos to the rescue daw! Sinigurado daw ni Mrs. Marcos na magwawagi ang Pilipinas sa 1973 Ms. U.  Si Mrs. Marcos daw mismo ang pumili kay Tita Margie at siya din ang nag-train dito bago magpunta sa Greece para sa Ms. Universe 1973.

 

Maski ang onion hair-do daw ni Mrs. Marcos ay itinuro niya kay Tita Margie kung paano gawin mag-isa. May chika pa na itlog daw ang ginagamit para ma-achieve ang nasabing hairdo na hindi gumagalaw. Sa Hongkong daw nagkita-kita ang lahat ng Asian candidates noong 1973 at sabay-sabay silang nilipad papuntang Athens, Greece. Two hours daw bago lumapag ang eroplano, na sakay ang mga Asiana, ay nagpunta si Ms. Margarita Moran sa banyo upang doon gawin ang kanyang mala-Mrs. Marcos na hairdo.

 

Nagpalit pa nga daw ng Venus cut na dress si Margie, mula sa ordinaryong jeans at t-shirt tulad ng suot ng ibang Asiana, sa bilin na din ni Mrs. Marcos. Paglapag daw ng eroplano ay sadyang nagpahuli si Ms. Philippines.

 

Malamang, ang mga chinitang si Ms. Hongkong, Ms. Japan, Ms. Korea at Ms. Thailand ang mga unang bumaba at nag-pose sabay smile, with matching kaway sa mga nagaantay na foreign press at photographers. Finally, bumaba na si Ms. Philippines sa katauhan ni Ms. Margarita Moran. Suot ang kanyang sash, Venus cut dress at a la Mrs. Marcos na hairdo na hindi gumagalaw, pinagkaguluhan daw si Tita Margie ng lahat ng nandoon. Kinabukasan, headline sa mga newspapers ng Greece, “Ms. Philippines will be Ms. Universe!” Tama naman sila.

 

Samantala, alam naman ng sangkabaklaan na noong sumali si Miriam Quiambao sa 1999 Ms. Universe ay siya na ang panalo dapat. But sabi nga ng isang co-host, “She choked out her answer!” Napakasuwerte ni Ms. Botswana, Mpule Kwelagobe, at napingkaw niya ang title kay Miriam. Sa Aklat ng Kagandahan, kikilalanin na habang-buhay si Miriam from the Philippines na Ms. Almost but not quite.

Eto pa, halos ayaw ipasok ng mga baklang Diyosa, na tagapagbantay ng Aklat ng Kagandahan, ang pangalan ni 2007 Ms. Universe Riyo Mori sa listahan. Hindi daw kasi kagandahan si Riyo kumpara kay Akiko Kojima na Ms. Universe 1959 at yung 1st runner-up noong 2006 na from Japan din. Ayon sa bulung-bulongan ng mga baklang adik sa Ms. Universe, sumama daw ang loob ng mga Hapon kay Donald Trump, na may-ari ng Ms. Universe, nang hindi manalo si Ms. Japan noong 2006.

 

In fairness naman kasi, napakaganda ng Haponesang ‘yon.  Pero si Zuleyka Rivera ng Puerto Rico ang nagwagi noon. Super dedma daw ang mga hapon sa lahat ng business proposal ni Lolo Donald that year.  Nagbanta pa diumano ang mga hapon na ipu-pull-out ang lahat ng kanilang mga investments sa mga kumpanya ni Mr. Trump.  Dahil dito, bumawi daw nang bonggang-bongga si Lolo Donald sa mga Hapon the following year.  Kaya kahit hindi kagandahan si Riyo Mori from Japan, siya ang nagwagi noong 2007 Ms. U.  Honestly, kamukha ng dati naming katulong, na si Ate Ester, si Riyo Mori.

 

Bago sumakabilang-buhay ang isang ninunong bakla, naibulong nito sa isa kong Ate na kaya daw nanalo si Amparo Muñoz from Spain noong 1974 Ms. Universe na ginanap dito sa Pilipinas ay dahil lamang sa utang na loob. Opo, pagtanaw daw ng utang na loob ng bansang Pilipinas sa ilang taong pananakop ng mga Español sa ating bansa noon. Pagkabulong daw ng ninunong ito sa aking Ate ay natawa silang dalawa. Namatay ang aming ninuno ng tumatawa.  Kay ganda!

 

Pagkapanalo daw ni Ms. Universe 1976, Rina Messinger, from Israel ay umorder ng pagkadami-daming baril ang bansang Israel sa Amerika. Suplada!


Favorite ko si
Oxana Fedorova from Russia nang mag-win sa Ms. U. Siya ang bet ko talaga mag-win that year, 2002. Ang chika, hindi daw ito nagpatikim kay Lolo Donald Trump dahil super in love sa kanyang boyfriend.  Ayun, na-dethrone.

 

Eto, mas logical.  Ang halos sunud-sunod daw na pagwawagi sa Ms. Universe ng mga cyborg ng Venezuela ay dahil nasa bansa nila ang pagkadami-daming langis. Tuwing nanalo daw ang Venezuela, nagkakaroon diumano ng malaking discount ang Amerika pag bumibili ng langis sa kanila.  Maryosep!

 

Samantala, alam naman natin na ang India ang call center capital of the world ngayon. Halos lahat daw ng multi-national companies sa Amerika ay may call center sa India. Dahil sa madalas na pagpasok ng India sa Top 10 sa Ms. Universe ay nagkakaroon daw ng malaking tax incentive ang mga American call centers sa India. Wow!

 

Nang manalo daw si Michelle MacLean from Namibia bilang Ms. Universe 1992 ay nagdiwang ang buong bansa nila.  Hindi naman kasikatan masyado ang Namibia bago nanalo si Michelle.  Ang nakakaloka daw ay after a year, nagtatayo na ng malaking base-militar ang mga Amerikano sa Namibia.

 

Hangga’t may Nuclear War heads daw ang North Korea ay malabong manalo ang kandidata ng Korea sa Ms. U kahit sa South Korea pa ito galing at kahit gaano ito kaganda at katalino.  Damay-damay na daw ang labanan. Hahaha.

 

Pagkatapos nang usapang Ms. Universe, chinika ko din kay Rustom, este, BB pala, ang Hiyas ng Bukidnon 2009 (click here to read entry).  Tawa siya ng tawa. 

 

Habang tumatawa ang aking kaibigan, naalala ko ang mga text ng ibang sisters kong bakla sa akin nang una siyang lumabas sa TV bilang BB Gandanghari.

 

“Sweet, pakisabi kay BB, mukha siyang baliw”

 

“Ate John bakit may bigote pa si BB.  Turuan mong mag-pluck”

 

“Ang baduy ng damit ni BB. Nagpa-girl na, hindi pa ginandahan”

 

“Sweet, kabahan ka na, mas maganda si BB sa iyo. Hehe”

 

“Akala ko ba nag-aral si Rustom mag-model sa New York, bakit ang tigas ng lakad?”

 

“Hilaw pa si BB, Sweet. Tulungan mo”

 

Pero mas naghari sa isip ko ang katotohanang masaya si BB Gandanghari ngayon keysa noong huli ko siyang nakita bilang si Rustom.

 

Bago kami maghiwalay nang gabing ‘yon, I asked BB kung para saan ang lahat ng ito.  Balak pala niya magkaroon ng isang stand-up act tulad ng kay Nanette Inventor noon bilang Doña Buding at marahil, like Tessie Tomas bilang Meldita. 

 

Sa May 2009 daw niya ito balak gawin. Nagbiro nga ako na kung maaari ay huwag naman sa May 16, 2009, dahil ‘yon ang araw ng Anniversary show kong Sweet 16Walang kaabog-abog na sinabi ni BB na magkaiba naman daw ang audience namin at material.  Mas magiging political satire daw ang kanyang mga monologue.  Napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Habang papasara ang elevator sa pagitan namin ni BB, naisip kong muling basahin ang Aklat ng Kagandahan. Gusto ko kasi, malaman kong totoo ba ang lahat ng nakasulat dito.