Ang ganda ng Singapore!
Mga 10:00 a.m. kami dumating nina Jon Avila at Victor Basa sa Singapore last Saturday, December 20.
Halos wala akong tulog since galing ako sa hosting ng Philip Morris Philippines Christmas Party the night before.
Pero kahit puyat at parang zombie na naglalakad ako sa Changi Airport ng Singapore, napansin ko pa din ang kalinisan ng bansa nila. Mahaba ang pila sa immigration papasok ng Singapore pero mabilis naman umusad. At pagdating namin sa conveyor, nandoon na ang bagahe namin.
On the way sa Carlton Hotel, dumaan kami sa kanilang highway na may mga gardens sa center islands, in both sides. Ang taray!

Caption: With Jon Avila (left) and Victor Basa (right) sa mall na nasa tabi ng hotel namin. Grabe yung Christmas tree sa likod namin, ang laki!!!
Kainis lang yung Carlton Hotel, walang Pinoy na employee. Buti pa yung Marina Mandarin Hotel, kung saan ako nagcheck in the first time I went there last June, daming Pinoy. (Click here to view the entry).
Lagi kasi ako naghahanap ng kababayan natin sa mga hotel na tinutuluyan ko pag out of the country para madaling makipag-communicate in case na may kailangan ako. Bukod sa bobo ako mag-English, mahirap din kasi maintindihan ang accent ng mga Singaporean. Parang nasal na boses p*kpek.
Pagdating namin sa hotel nag-freshen up lang ‘tapos lunch na sa isang Japanese restaurant. In fairness sa Prime Cast Events ni Alex Valerio na nagdala sa amin doon, pinakain nila kami sa best restaurants doon. May mga Pinay na waitress sa Japanese restaurant na ‘yon.
Say ng isa sa akin, “Buti pa kayo nasa atin pag Pasko. Kami, dito pa din at nagtatrabaho.” E, dahil nga mala-zombie ako, ang nasabi ko lang, “Naku, Ate, huwag kang malungkot. Hindi nakakain ‘yan.” Natawa siya at ang nasabi lang niya, “Iyon nga din ang nasa isip ko. Nawala ang antok ko sa sarap ng kinain namin, pero mas tumindi ang antok ko pagkatapos kong mabusog.
Pagbalik ng hotel para akong na knock-out ni Pacquio, tulog agad. Sina Jon, Victor at ang mga handlers namin sa Star Magic na sina Ana at Alan, pati ang road mnaming si Edith, nag-ikot muna at nag-shopping.
Kami ng make-up artist kong si Mikee Osias ng Hairwatch Salon, nag-shopping sa panaginip. Hahaha. Mga 8:00 p.m. na ako nagising at gutom na gutom na naman ako. My god! Dapat nga pala 7:00 p.m. ang rehearsal namin. Buti na lang na-delay din ang set-up.
Sa chikahan namin ko nalaman na both Jon and Victor pala stayed in Singapore for at least two months noon for some modeling stints. Siguro it’s the fact na konti ang maganda at guwapong models or artista sa Singapore.
Grabe, pinagtitinginan ng mga taga-doon sina Jon at Victor. Alam siguro nila na model or artista. Ako, parang taga-doon lang din, pero pag may tumingin sa akin nang naka-smile, for sure, Pinoy!
After naming mag-rehearse sa Fort Canning Park, gumimik kami sa Chimes. Katabi lang kasi ng hotel namin. Madaming Pinoy ang gumimik that night. Karamihan nga lang, e, matagal na sa Singapore kaya hindi pa nila kilala sina Jon at Victor. Naging pleasant naman ang dalawa at ipinapakilala nila ang mga sarili nila at nagpapaunlak sa picture-taking. Smile!
Sa kalagitnaan ng inuman namin, nilapitan ako ng isang Ate na lasing. “Sweet! Buti nandito kayo. Miss ko na ang Pilipinas,” ang bungad niya sa akin. E, pucha nakainom na din ako, ang nasabi ko lang, “Ate mahirap ang buhay sa atin. Konting tiis lang.” Bigla niya akong niyakap,, sabay bulong ng, “Tatlong oras lang ang Pilipinas from here pero hindi man lang ako makauwi.”
Niyakap ko na lang siya ‘tapos hindi na ako nakapagsalita, napainom na lang ako. After ng chikahan namin, nakita ko si Ate na humahataw ng sayaw sa dance floor. Taray!
Isa-isa ko pang inayos ang mga costume ko dahil bawal daw ang masyadong revealing na outfit. Kaya pala yung heading title pic ko ng KOREK KA JOHN! dito sa PEP na may hawak akong lollipop, e, sinuotan ako ng damit via photoshop. Hahaha.
Kahit may restrictions sa costume, hindi ako nagpaawat sa mga skit ko. Todo para sa ating mga kababayang OFW. Salamat sa mga na-meet ko sa Chimes the night before kasi nagpunta talaga sila as they promised. Bentang-benta sa kanila ang monologue ko tungkol sa ex-boyfriend kong niloko ako pero mahal ko pa din. Konting kibot ko, nagtatawanan na sila. Sabik sa mga Filipino shows ang mga kababayan natin sa Singapore. By watching our show, kahit papaano naiibsan marahil ang kanilang kalungkutan for not being in the Philippines. For not being with their family…Kaya ganon na lang ang yakap at halik nila sa akin after the show. Yung iba, nangungurot pa. Pinagbigyan ko na sila dahil kasama ko naman ang pamilya ko sa Pasko at hindi nakakalungkot ang kurot.
Nang wala ng nagpapa-picture sa akin, pumasok na ako sa dressing room ko. Ayaw kong makita ang mukha nila habang papalayong umaalis sa Fort Canning Park. Gusto kong memory ng mukha nila sa isip ko ay yung nakangiti nang todo, tumitili sa kakatawa at tumatalon pa nang i-punchline ko ang “Ang papanget ng artista nila dito.” Hahaha.
After the show, bumalik muna ako sa hotel para magpahinga sa sobrang pagod. Habang nagpapahinga, bigla kong naalala na Showbiz Central na pala at Christmas party ng Luna Mystika that night. Pero hindi ako naka-attend.
Bigla akong nahome-sick. E, pucha two days pa lang ako sa Singapore, paano pa yung mga kababayan nating OFW? Nawala bigla ang pagod ko. Rumampa muna kami ni Mikee since 8:00 p.m. pa ang dinner namin with the Prime Cast staff.
Isang tawid lang ang ginawa namin at bumaba kami ng isang basement. Pagbalik ko sa ground floor, hindi ko na alam kung nasaan kami. My gosh! Naliligaw ako sa Singapore. Para kaming na-time space warp, wala akong makitang Filipino para mapagtanungan. Kaloka!
Nakakita na ako ng kababayan, hindi na ako nawawala. Doon na ako nagpasundo sa staff ng Prime Cast. Si Kuya, nag-emote pa, malungkot daw doon pero kailangan daw nila tiisin dahil sa hirap ng buhay. Ang nasabi ko lang sa kanya, “Korek ka John!”
Sa Clark Key kami kumain for dinner. Sa Thai restaurant naman kami pinakain ng Prime Cast. Sarap! After dinner, nag-yosi muna ako. Doon ko nakita ang isang baklang kababayan natin na mukhang babae. May sus* pa ang bruha.. Nagbigay pugay ang bakla sa Ate niyo at nagbeso-beso pa kami. Wala pa daw costumer dahil Linggo kaya mahina ang kita. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin kaya ang nasabi ko na lang, “Mag ingat sister!”
Tapos sumakay kami ni Mikee sa ULTIMATE BUNGY.

Caption: Nakita ko pa lang yung Ultimate Bungy behind me, na-excite na ako!
Mahilig ako sa mga ganitong rides dahil wala akong lula sa katawan at adventurer ako. Sa sobrang nakakaloka ang ride na ito, halos walang sumasakay pero madami ang nanonood lang.
Umupo na kami ni Mikee sa ULTIMATE BUNGY. Forty-five Singaporean dollars per head ang bayad, plus 15 Singaporean dollars para sa DVD copy ng aming 20-second once-in-a-lifetime experience.
Nag countdown yung operator, 5…4…3…2…1. Umangat kami ng mabilis papuntang langit, dumilat ako ng bahagya, parang maaabot ko na ang bituin. Ang sarap lumipad! Nakakabaliw. Kakaiba ang feeling. Masarap na nakakatakot. Masaya na parang gusto kong umiyak. Tumili ako nang tumili. Bigla naman kami bumagsak nang mabilis pabalik sa lupa. Tapos na ang 20 seconds.

Caption: (From left) With our road manager Edith, Jon, and Victor, before mag-board na plane pauwi sa atin. Notice behind us kung gaano kaayos ang Changi Departure Lounge.
Monday morning, bumalik na kami sa Pilipinas kong mahal. Ang haba ng pila sa immigration papasok ng bansa natin.

Caption: Diyuskopo, ang pila sa arrival lounge na NAIA…Sng damin tao, ang gulo, at ang dumi!

Caption: Thirt minutes na, wala pa ang mga bagahe namin. Nag-share sa isang conveyor ang three flights na dumating.

Caption: Ayan, nakatulog na ako sa kakaantay. Hahahaha!
Nagkasabay-sabay ang flight galing Japan, Hong Kong, China at Singapore. Ang bagal ng usad ng pila. Pero may mga manong na may I.D. paikot-ikot ‘tapos biglang may i-escortan at hindi na papapilahin. Maski ang pagkuha ng cart, ang haba ng pila. Konti lang daw kasi ang cart ng airport natin. Mga 30 minutes bago lumabas sa conveyor ang bagahe ko.

Yung experience ko sa Singapore parang ULTIMATE BUNGY.
Merry Christmas, PEPsters!









