| Register

Para sa “Ploning”

Filed under: Features — admin at 11:18 pm on Tuesday, November 25, 2008


Maliban sa personal text messages at calls, ipinamahagi ni Judy Ann Santos ang letter na ito to some of her friends and other showbiz personalities:

 

Our film Ploning has been chosen as the Philippines’ official entry to the Foreign Language Film Category of the 81st Academy Awards.  However, we would need to raise funds amounting to Php 5,000,000.00 to finance Ploning’s Oscar Campaign. This would cover for travel costs, advertisements in Oscar-driven magazines, and other publicity and promotional expenses.  We would like to ask for your help and support in raising this amount.

 

We believe that this is more than just a campaign for a specific film or a specific interest group.  This is a campaign that promotes and hopefully unites our country.  It is the Filipinos’ chance to show to the world the beauty of our country, the richness of our culture and the passion of our people.  This is about the Philippines and the Filipino.

 

We are holding a Celebrity Auction on November 28, 2008 where we will be auctioning clothes, bags, shoes and accessories from showbiz personalities.  If you would like to donate any of your things, we would deeply appreciate it.  Thank you so much.

 

Yours truly,

 

Judy Ann Santos

Producer

Ploning Fundraising Campaign

 

Napaka-sincere at honest ng letter ni Mareng Juday. Napakabongga ngadhikain. Para sa Ploning…

 

Buong cabinet na yata ni Mareng Juday ang isinama niya sa Celebrity Auction/Bazaar na ito.  Staff of Panoramanila e-mailed me the list of items that was donated by Mareng Juday’s friends. Isang buong page ang gamit ni Juday—from her shoes to bags to gowns, lahat inilabas niya. They will all be sold at a cheaper price. To lobby Ploning for the best foreign language film category in the Oscar race, five million pesos ang kailangan.  Tama si Juday, hindi niya lang ito laban kundi laban na ng buong bansa. Todo na ito para sa Ploning!

 

collage.jpg

 

Samantala, ipinadala ni Marian Rivera ang mga gowns na sinuot niya as Bella Aldama sa Marimar. Aw! Sa makakabili, suot mo at mag-taray ka ala-Bella Aldama!

 

Si Regine Velasquez, ipinasok ang kanyang mga pang-mayamang bags at gowns na isinuot sa kanyang weekly musical na Songbird. Anton Diva at iba pang mga bakla na gumagaya kay Regine, unahan na kayo. Go!

 

Tinapatan ‘yon ni Ogie Alcasid ng kanyang mga jackets at suits. Yung mga bulinggit like Ogie, pasok ito sa inyo.  Mga kumpare kong pandak sa Days with the Lord, dali!

 

Sosyal na bag at shoes naman ang contribution ni Tia Agot Isidro.  If it is from Agot, it most be sosyal!

 

Fab painting ng artist na si Cris Cruz ang ipapa-auction nina Tintin at Julius Babao. Nakita ko ang nude painting ni Osang, ang ganda!

 

Baka petite kayo tulad ni Mareng Beth Tamayo. Tiyak ko na kasya kayo sa kanyang mga gowns na dinonate.

 

Or baka mayaman ka at willing mag-bid sa collector’s item na Rolex, na kaswal na idinonate ng husband ni Beth na si Papa Johnny Wong.  Grabe ‘tong si Papa Johnny, ang bait.

 

Sa mga boys na idol si Dingdong Dantes or matangkad din like him, pili na sa mga jackets at suits niya. Nag-donate din si Dong ng relos (na mukhang ako ang bibili kasi ang ganda) at ang only Aquano bust (Dong’s character in Atlantika) na ginawa para sa kanya. Actually, gusto kong bumili ng damit ni Dingdong at amoy-amoyin lang or itabi sa pagtulog. Hahaha.

 

Mga girls and gays na kasing-sexy ni sister Rufa Mae, huwag magpahuli sa mga bagsak-presyong sexy outfits at size 7 shoes ni P-chie.  Malay niyo, makipaglaro din sa inyo ng Playstation si Sam Milby.

 

Sa mga fans ni Vhong, may dinonate na T-shirts and idol niyo. Mukhang masarap naman mag-relax sa director’s chair na ibinigay ni pareng Luis Alandy.  Pero feeling ko mas masarap pa din si Luis.

 

Magpaka-feeling diva sa mga gowns ni Kyla at magpaka-pogi naman sa mga jackets at shades from Gabby Eigennman. Wow!

 

May suit din from Tim Yap, abstract painting na gawa mismo ni Cesar Montano at gowns from his wife Sunshine.  Baka kapag sinuot mo ang gown ni Sunshine, i-paint ka ni Cesar or rampa ka na lang sa Embassy ni Tim. Hehehe.

 

Sa mga fans na idol nila si Kris, may tatlong Ino Sotto gowns siyang sinama. Taray!  Buksan  mo naaa!!! Ay mali. Bilin mo naaaa!!!!

 

Puwede rin kayong mag-make-up sa dresser, na galing kay Tita Fanny Serrano, then ilagay niyo na rin ang mga make-up niyo sa make-up kit na galing din sa kanya. After mag make-up, sana magkasya ka sa gowns na mula kay Gretchen Barretto. Beautiful girl!

 

Alam ko marami pang magdo-donate na stars (like Jolina Magdangal and KC Concepcion) pero wala pa sa akin ang list while I was writing this entry. 

 

Hindi naman po ako nagpahuli.  Halos lahat ng Joey Samson outfits ko, na kadalasan ay isang beses lang sinuot sa Showbiz Central, ang dinonate ko.  Mga baklang medium size, sana kayo ang bumili. May suits din ako from JC Buendia at Avel Bacudio, pati na rin mga hats and accessories. Rampa na at mag-shake it Sweet!

 

Hindi naman kabonggahan ang mga dinonate ko kumpara sa iba.  Pero para sa Ploning, babawi na lang ako sa pag-host ng event at pag-invite sa inyo.  Sa Friday na po ‘yan, November 28 sa Plaza Ibarra on Timog Avenue. May 100 pesos na entrance pero for sure, madaming artista at super sale talaga ang mga items. And remember, most of the donated stuff ay minsan lamang sinuot ng inyong mga idols or really valuable for them. Pero mas valuable sa amin si Juday at ang pagpasok nawa ng Ploning sa Oscars. Gate opens at 1:00 p.m.  Kitakits tayo para sa Ploning!

 

Invite ko na din kayo sa mga upcoming shows ko:

 

November 28, Friday ng gabi, nasa Sitcom live in Las Pinas ako, kasi Anniversary nila. 

 

November 29, Saturday, nasa Starzz in Malabon naman ako with Alyssa Alano. 

 

At sa Hong Kong on November 30, Sunday, makakasama ko sina Sarah Geronimo and Mark Bautista.  Nood naman kayo please…

 

Para kay Sweet.  Hahaha!!!!!!!

Chismis

Filed under: Features — admin at 12:23 pm on Thursday, November 20, 2008

After mag-inuman ng Tuesday night, I had to wake up early the next day, November 12.

 

Since hindi ako naka-attend ng presscon ng  Luna Mystika due to my prior commitment for Aliw Awards, I promised to join the cast in promoting the series live on Sis. 

 

After our live guesting, I decided to visit my friend Arnell Ignacio sa kanyang radio program sa DZBB with Susan Enriquez.  Matagal na niya akong ini-invite doon pero hindi ako makadaan since late na nga ako nagigising. E, kaloka kasi 11:00 a.m. ang radio show nila!

 

Guest din pala that day ang kaibigan kong Survivor cast-off, si Kiko Rustia. I hugged him and congratulated him. 

 

Biglang may bumati sa akin na nakaupo sa isang sulok—si Lolo Buenaobra, isang matabang reporter. I also greeted him and asked kung kumusta na siya. 

 

Walang kaabog-abog niya akong tinanong ng: “Galit daw sa iyo si Kris Aquino sa panggagaya mo?”

 

To be honest, gaca si Lolo so isang malaking smile lang ang binalik ko sa kanya sabay say ng, “Chosera ka, Lo!  Walang ganyang chika!”

 

Hindi nag paawat si Lolo, “Kanina lang napanood ko.” Hindi ko na siya pinansin at nakipag-chikahan na ako kay Pareng Kiko na matagal ko ring hindi nakita.

 

After naming mag-lunch ni Pareng Kiko, umuwi muna ako sa bahay para matulog.  May pa-dinner kasi si Mareng Juday sa bahay ni Regine. Isang fund drive ito to lobby Ploning in the Oscar race. 

 

Paggising ko ng around 6:00 p.m., nagpatulong na ako sa assistant kong si Nikki to choose some outfits na ido-donate ko. Ang mga Joey Samson kong polo at jackets, na sinuot ko lang once sa S-files at Showbiz Central, ang napili ko.  Pati ang dalawang suits ko from JC Buendia and isang gawa ni Avel Bacudio (the lucky suit from na suot ko sa Aliw Awards) ay isinama ko na rin. Idinagdag ko na rin ang mga accessories na binigay sa akin ni Kris noon kapag ini-impersonate ko siya. Bibigyan naman daw niya ako ng iba pang accessories at outfits. Taray!

 

Pagdating ko sa bahay ni Regine, nandoon na sina Mareng Juday at Beth Tamayo. 1:00 p.m. pa lang daw, e, nagluluto na ang magkumare for our dinner.  Parehong nag-aaral ng Culinary Arts sina Juday at Beth sa Cafe Ysabel.  Bonggang-bonggang Italian dinner ang inihanda nila.  Nandoon na din siyempre ang Song Bird at si Ogie Alcasid when I arrived. 

Maya-maya pa, dumating na sina Tia Agot Isidro at Uncle Manu Sandejas, Gabby Eigenmann and wife Apple, at si Tito Wyngard Tracy.  

 

Habang kumakain, dumating naman sina Sunshine Cruz, Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Desiree del Valle, direk Rowell Santiago, direk Andoy Ranay, direk Joyce Bernal at pareng Ryan Agoncillo. 

 

Ang saya ng chikahan, inuman at chismisan namin. Ang bonnga din ng mga dinala ng ibang arista na mga gamit nila for auction. Update ko kayo kasi may dinner na naman kami kahapon, November 19.

 

Umalis ako sa bahay ni Song Bird at around 12:00 m.n. Kailangan ko pa kasi i-meet si Mark Santos, dati kong PA na nagbalikbayan. 

 

Sa Las Vegas na siya nakatira after i-petition ng Tatay niya na American Citizen.  Nagyaya si Mark sa isang bar at gusto daw niyang gumimik. Kahit pagod na ako at medyo nakainom na, pinagbigyan ko siya since matagal na kaming hindi nagkikita. Thelast time we saw each other was three years ago in Vegas at inasikaso naman niya ako noong nandoon kami. 

 

Habang nasa bar ako at chumi-chika sa mga boys, may lumapit sa aking baklang reporter.  Nakalimutan ko name niya pero sure ako na reporter siya.  Ask niya ako kung bakit daw galit sa akin si Kris, e, matagal ko naman na daw ginagaya si Ganda. 

 

Say ko agad, “Hindi totoo ‘yan sister!”  sabay walk-out dahil dumating ang  little sister kong si Vice Ganda.  Mas sasaya ang gabi!

 

Pauwi na kami nang lapitan ako ng dalawang waiter at isang bouncer. 

 

WAITER 1:  Sir John, magkaaway daw kayo ni Kris Aquino?  Di ba, friend mo ‘yon?

 

JOHN:  Ha?  Saan niyo nakuha ‘yan?

 

WAITER 2:  Sa Umagang Kay Ganda po.  Nagalit daw si Kris kasi ginagaya niyo?

 

JOHN:  Ha?  Kelan ‘yan?

 

WAITER 1:  Kanina po.  Naabutan pa kasi namin ‘yon pag-uwi namin.

 

BOUNCER:  Oo nga sir, napanood ko din ‘yon.

 

Nawala ang tama ko. Parang wala na akong naririnig sa maingay na bar. Parang hindi ko na nakikita yung ibang tao.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig.  Narinig din ni Vice Ganda ang buong eksena. I asked him kung may contact pa ba siya sa UKG since madalas siya mag-guest doon noon dahil manager niya si Ogie Diaz. 

 

Vice checked his cellphone at may nakitang number na UKG ang nakalagay pero hindi daw niya alam kung sino ‘yon.

 

(Read more… )

Inuman na!!!

Filed under: Features — admin at 12:44 pm on Friday, November 14, 2008


Sinadya ko talagang tinagalan ang pag-post ng new entry dito sa Korek ka John!

 

Gusto kong mabasa ng maraming tao ang last entry kong “Star Awards.” I was sad, insecure, and shocked while writing that entry. I needed sympahthy, emphathy and love. Binabasa ko ang comment ninyo everyday as to make me feel better. But when I reached the near end of the comment thread, I was surprised na may mga nag-aaway. Lalong sumama ang loob ko.

 

Binuhos ko ang buong kaluluwa ko sa last entry ko ng walang inaaway bagkus kayo ang nag-away. Kung ako sa inyo, daanin niyo na lang ‘yan sa mahaba-habang inuman.

 

Pag nakakainom ako (a tequila perhaps?) mas nagiging confident, emotional at prangka ako. Kaya minsan, may mga bagay akong nasasabi na kinikimkim ko or di masabi pag hindi nakainom.

 

Two weeks ago I saw Tim Yap in a bar in Makati. Naka-inom na ko.

 

JOHN: Tim, galit ka ba sa akin?

TIM: Ha? Hindi, Sweet. You know, I am your friend.

JOHN: Friend? Bakit hindi mo ko in-invite sa Halloween party ng Embassy?

TIM: Yung QTV ang nagpa-party, hindi ako, Sweet.

JOHN: Ah talaga? O baka sino-showbiz mo lang ako, ha.

TIM: I am not, Sweet. I am very transparent.

 

Last week naman sa birthday party ng dating kong boss sa ABS-CBN na si Deo Endrinal (Happy birthday, La!), sina Erik Santos at Mark Bautista naman ang naka-jackpot. Una si Eric, nang masalubong ko siya sa CR.

 

JOHN: Erik, friend mo ba ako?

ERIC: Oo naman, Sweet.

JOHN: E, bakit noong surprise birthday party mo kay P-chi last year, hindi mo ko in-invite? Ang tagal mo sa dressing room namin after our show pero hindi mo man lang ako binulungan.

ERIC: Ha? Ah, e…Hindi lang naman ako ang nag-invite ng mga friends ni P-chi that night.

JOHN: Ah talaga? O, sabihin mo sa isang nag-invite, kaibigan ako ni P-chi. She would have loved it kung nandoon ako. Sabagay, buti na lang din pala wala ako doon kasi ‘yon yung nag-kiss sina John at Gretchen.

ERIC: Hahaha. Ikaw talaga.

 

After a while I found my self beside Mark Bautista.

 

JOHN: Hi, Mark!

MARK: Hi, Sweet.

JOHN: Uy, alam mo, may nagsabi sa akin na hindi mo daw nagustuhan ang performance ko sa concert mo.

MARK: Ha? Thankful nga ako sa iyo kasi ikaw ang nagpasaya sa tao.

JOHN: Alam mo naman na dapat dalawa kami ni P-chi doon pero late siya kaya ako na lang mag-isa ang sumalo? At alam mo ba na like kita kaya hindi ako nag-second thoughts to guest?

MARK: Yup. Kaya nga thankful ako sa iyo, e.

JOHN: Ah ok…Mali pala yung nagsabi sa akin. Kesyo born again ka daw kaya ayaw mo yung suot kong mini-skirt.

MARK: Hindi totoo ‘yan.

JOHN: Ok. At least nasabi ko sa iyo.

 

Nag-iinuman din kami sa bahay ni Kumareng Candy Pangilinan nang ipakita niya sa amin ang resulta ng kanyang annulment case. Nag- meeting kami that night para sa script niya sa Da’ Spooftacular Showdown as Betty La Fea.

 

Bilang kaibigan, hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot na annulled na ang kasal ng kumare ko. Buti na lang nakainom na ang lahat kaya pinagtawanan na lang namin. Naging nakakatawa din tuloy ang monologue niya as Betty. Watch kayo, ha.

 

Uminon naman ako the night na sinabi sa akin ni Jon Santos that he got married in Toronto, Canada. Pinakita pa niya sa akin ang mga wedding photos niya. May show kami together that day entitled ANG GANDA, na produced ni Pops Fernandez sa Zirkoh.

 

At the age of 40, Jon found his true love. Habang umiinom, naiyak ako sa tuwa para kay Jon at awa para sa sarili ko. Na-realize ko din na may pag-asa pa pala ako. Cheers!

 

Noong ginawa ko ang last entry kong Star Awards, hindi ako nakainom. Sayang!

 

john-lapus.jpgSiya nga pala. Nanalo ako last Tuesday sa Aliw Awards sa live entertainment for Best Stand-up Comic (Male category). That is the reason kung bakit hindi ako nakarating sa presscon ng Luna Mystika that same night.

 

Last week pa kasi tumawag ang Aliw Awards sa akin at in-invite ako if I could be one of their presenters. Since nominated naman ako, nag-agree ako agad.

 

In fairness, I won the same award three years ago. Sayang nga lang na may US tour ako noon for Comedy Riot sa Amerika with Eugene Domingo, Chokoleit, and Candy, who won in the female category that year.

 

Suit by Avel Bacudio at checkered black and white polo with tie by Tata Galias ang suot ko. Sinamahan ako ng Kumareng Boyet Mariñas ko ng Hairwatch Salon sa Manila Hotel last Tuesday.

 

Nandoon sina Kumareng Juday Santos at Pareng Ryan Agoncillo (with Mommy Carol and Ryan’s manager Noel Ferrer), na as usual, Napaka-sweet nila at very pleasant sa akin.

 

Ini-invite pa nila ako to join their table kahit puno na. I excused my self at sinabi ko na sa next table na lang kami ni Boyet.

 

Nandoon din si sister Chokoleit that night. Presenter din siya at nominee sa Best Stand-up Comic for the male category. Co-nominees namin sina Vice Ganda, Pooh, Wally at Jose.

 

Ang type na type ko (sobra kasing talented) na si Toni Gonzaga ang nag-present sa category namin. Magkatabi kami ni sister Chokoleit sa table at naghawakan ng kamay.

 

TONI: The nominees for Best Stand-up Comedy act, male category are: Vice Ganda…Pooh…Chokoleit (palakpakan ang table kung saan nakaupo si Jobert Sucaldito at Richard Pinlac)…Wally and Jose…and John Lapus (palakpakan ang table ng mga matrona from Bulacan na nagpa-picture sa akin earlier).

 

And the winner is…(Sumigaw ng Chokoleit ang mga nasa table nina Jobert at Richard)…John Lapus! (Palakpakan ang mga matrona ng Bulacan.)

 

JOHN: Thank you, Aliw Awards! Pangalawa ko na po ito. Naaliw na naman ninyo ako. Ayan, naiihi tuloy ako. Thank you, Lord! Salamat din sa pamilya ko at mga kaibigan na madalas manood ng mga show ko. Sa limang fans ko, thank you sa inyo. Nasa labas po sila kasi hindi pinapasok.

 

Salamat sa mga bars at venue na patuloy na kumukuha sa akin to perform.

Once a year lang po ako gumagawa ng major solo show. Usually pag birthday ko pag July or like last May, when I celebrated my showbiz anniversary. Ako po ang nagpo-produce noon so as to give quality entertainment to all at wala din po yata kasing gustong mag- produce.

 

Sulit po ang pagod at stress kung bibigyan naman ng ganitong parangal. Magandang regalo po ito sa akin, as I celebrate my Sweet 16th year next year.

 

Salamat po!

 

Sa gilid ng stage, nag-pose muna ako para sa mga photographers. Pagbaba ko ng stage, nag-flying kiss ako sa table ng mga matrona from Bulacan. On my way to our table, ngumiti muna ako sa table kung saan nakaupo sina Jobert at Richard.

 

Pag-alis ko ng Manila Hotel, nagpunta muna ako sa Baclaran at nagpasalamat.

 

‘Tapos…Inuman na!