| Register

Star Awards

Filed under: Features — admin at 10:27 pm on Thursday, October 23, 2008

Last Thursday, October 16, I woke up with 20 different text messages from 20 different people about the release of the Star Awards for TV nominees here in PEP (CLICK TO READ ARTICLE).

 

Let me read some of them.

 

“Sweet hindi ka nominated sa Star Awards!  Nakakaloka!”—from a director-friend in ABS-CBN

 

“Jonathan galit ba sa iyo ang Star Awards?”—  from my college classmate

 

“Anong say mo Ate at di ka nominated sa Star Awards?”—  from a reporter-friend who is obviously not a PMPC member

 

“Kuya John mali yata ang PEP kasi wala ka sa list ng nominees sa Star Awards”—  from a Teatro Tomasino member who is a PEP addict

 

“Bakla kinabog ka ni Ricky Lo.  Hahaha”— from a staff of Hairwatch Salon

 

“Sweet bakit hindi kayo nominated ni Joey de Leon sa Star Awards?”— from a very bitchy gay friend

 

“Sister may atraso ka ba sa PMPC?  Kasi buti pa si Tita Lolit at Tito Ricky nominated” — from an actress friend

 

Hindi ko na nilagay yung iba because they are so personal and might create malicious chismis.  Ayaw ko naman ng ganoon.

 

I am not normally affected by not being nominated in any award-giving body.  But honestly, napraning talaga ako dahil sa mga nag-text sa akin. Modesty aside, I know I have been doing my best in hosting Showbiz Central, and I know na wala akong kaaway sa kahit sinong member ng PMPC.

 

Pucha, nai-nominate pa nga ako noon bilang Darling of the Press nila. A few years ago, tinawagan pa nila ako the day before their awards night to perform for their opening number, dahil nagkasakit si Mark Bautista. Hindi ako nagdalawang-isip na maging replacement at sinuklian naman nila ‘yon ng super appreciation.

 

john2006starawards.jpg

 

After all, pinanalo nila kami ni Ai-Ai for Best Game Show Host noong 2004, for Singgaling.  At naalala ko pa, last year, nominated ako for Best Showbiz Oriented Talk Show host for S-files kahit segment host pa lang naman ako noon.

 

Bakit nga ba ako hindi nominated this year for Showbiz Central?  Hindi ba ako magaling?  Ayaw ba nila ang “Don’t Lie To Me”?  Huwag na kaya akong sumayaw next time na may mag-lie?  Or baka one host lang per show ang dapat nominated? Pero bakit sa female category, e, nominated sina Pia Guanio at Rufa Mae Quinto? Nakakapraning!

 

So, ang naiisip ko lang, baka tama ang ibang nag-text sa akin, may galit siguro sa akin ngayon sa PMPC na hindi ko alam.  Diyusko!  Uma-attend ako palagi ng awards night nila. Pati nga Christmas party nila ay present ako lagi. Most of them are friends of mine. Gosh!  Nakakapraning!

 

I called my manager, Ricky Gallardo, right away and asked him kung sino ba ang presidente ng PMPC. Si Rommel Gonzales daw. Teka…nakita ko lang siya the night before sa birthday ni Pilar Mateo sa Music 21 at nag-chikahan pa kami.

 

Text ko agad si Pilar and asked her kung si Rommel nga ba yung ka-chika ko and she said, “yes.”

 

I remembered that while Lito Mañago was interviewing me sa comfort room regarding my reconciliation with Jobert, lumapit pa si Rommel and he commended me for accepting Jobert’s apology. He said something like, “Tama ‘yan, Sweet, kasi marami ka namang blessings at bongga ang career mo sa GMA.” Lalo akong napraning.

 

Sunday, October 19, birthday ni Rose Garcia. Siya yung reporter na laging nagpo-post ng Don’t Lie To Me articles dito sa PEP or anything about Showbiz Central.  Nakaka-touch!

 

After attending the birthday dinner of my friend and production manager (Kim Sam Soon and Luna Mystika) na si Rams David, nagpunta ako agad sa party ni Rose sa videoke bar nina Dingdong at Karylle sa Timog. I wouldn’t miss it for the world.  And true enough, nandoon si Rommel Gonzales!

 

Tinungga ko muna nang bonggang-bongga ang iniwan na Kurant ni Tita Malou Choa-Fagar, lady boss ng Eat Bulaga, sa table namin. Eto na ang inaantay kong pagkakataon.  Kung galit man sa akin si Rommel, babawi ako nang todo. Ka-table ko si Lito Mañago at Dondon Sermino. Tumabi sa amin si Rommel. This is it!  Medyo lumakas na din ang loob ko dahil sa Kurant, eto na. 

 

JOHN:  Rommel, galit ka ba sa akin?

 

ROMMEL:  Ha?  Hindi.  Sa’n na man galing ‘yan?  Showbiz Lingo days pa lang, Sweet, chika na tayo.

 

JOHN:  E, bakit hindi ako nominated sa Star Awards? Yun lang kasi ang naiisip kong reason. Meron bang may galit sa akin?

 

ROMMEL:  Sweet, hindi lang ako ang bumuboto, alam mo ‘yan.

 

DONDON:  Naku, kaloka naman, Rommel. Bakit hindi niyo ni-nominate si Sweet?  Ilan ba ang nominees per category?

 

By this time, medyo nahimasmasan ako.  Nakalimutan ko na si Dondon pala ay member ng Enpress na breakaway group ng PMPC. Medyo nahiya ako for Rommel, so, lumipat na ako ng table. Napansin ko din na medyo napainom si Rommel when I confronted him. At least, nabawasan ang kapraningan ko.  Hindi galit sa akin ang presidente ng PMPC.  Yehey!

 

After the birthday party of Rose, tumakbo pa ako sa The Library sa Malate for the birthday party of Mamu Andrew de Real.

 

Lumala ang ubo ko after, so tumakbo naman ako sa Emergency Room ng Capitol dahil napraning ako sa aking ubo. Sunday is usually my longest day kaya bagsak ako agad pag-uwi.

 

The next day, Monday. Guest ako ulit sa Talentadong Pinoy ni pareng Ryan Agoncillo sa TV 5.  Ang mga staff nito ay nakatrabaho ko na sa Singgaling, Singgaling ni Pops at Blind Item, kung saan nanominate ako for Best Game Show host sa Star Awards in 2006 (Ty, ty!), kaya hindi ako nag-second thought when they asked me to be a talent scout.  Nakakaaliw din kasi ang show!

 

After ng taping ng Talentadong Pinoy, I was supposed to guest in TV5’s daily chismis show Juicy, hosted by Alex Gonzaga. Si Liza Endaya, na writer ng The Buzz, ang talent coordinator nila so hindi ko din natanggihan. Liza has been nice to me since my Buzz days

 

Si Melba Llanera, na PMPC member at staff din ng The Buzz, ang guest-reporter ng Juicy that day. Naging ka-close ko si Melba during The Buzz days.  For the past two years, siya ang tumatawag sa akin for solicitation kapag Christmas party ng PMPC.

 

During the break of Talentadong Pinoy, she took the opportunity to interview me with another reporter, na hindi ko alam ang name, pero madalas ko siyang nakikita at lagi niya akong nginingitian kahit bungi siya.

 

They asked me about my reconciliation with Jobert, my message to Tita Cristy and my continued success in GMA.  Pinuri din nila ako for a job well done in Showbiz Central.  After their interview, I took the opportunity to ask Melba.

 

JOHN:  Galit ka ba sa akin sister?

 

MELBA:  Ha? Bakit naman Sweet?

 

JOHN:  E, bakit hindi ako nominated sa Star Awards?  Ikaw na nagsabi na ang galing ko sa Showbiz Central.

 

MELBA:  Naku, aalamin ko ‘yan.  Sorry, hindi ko talaga alam.

 

JOHN:  Ok lang naman sister, pero napraning ako talaga. Baka kako, may galit ang ilan sa inyo sa akin na hindi ko alam.

 

ANOTHER REPORTER:  Naku, ikaw pa ba naman, e, Napaka-Sweet mo.

 

It was then that I realized na PMPC member din pala yung isang reporter.  Nag-change topic na ako at ayaw ko naman na ma-put on the spot si Melba. Kung kaming dalawa lang, e, mapaprangka ko pa siya nang bonggang-bongga. Close kami so kilala niya ako, pero yung isang reporter, baka ma-misinterpret. Naging masaya naman ang guesting namin ni Melba sa Juicy.  Naging juicy talaga ang usapan.

 

After ng taping ng Juicy, nagkita kami ni Mareng Boyet, na may-ari ng Hairwatch Salon, in which I am the image model. During our chikahan, naikwento niya sa akin na nagkita pala sila ni Mell Navarro last Sunday, sa pictorial ng Mister & Miss Tutuban. Mell is a PMPC officer and he was the one who posted the Star Awards 2008 nominees here in PEP.

 

MELL:  Boyet, kayo pala sponsor ng make-up dito. Paalagaan mo naman ang mga alaga ko, ha.

 

BOYET:  Sure, walang problema. Sino ba diyan ang mga alaga mo?

 

MELL: Uy, Boyet, magpasok ka naman ng ad ng Hairwatch sa program ng Star Awards this year. May dala akong proposal.

 

BOYET:  Naku Mell, magkakaproblema tayo diyan. Alam mo naman na si John Lapus ang endorser namin ever since. Nabasa ko sa PEP the other day, nilabas mo na ang list of nominees, hindi siya nominated. Parang masagwa naman na magpapasok ako ng ad kung hindi naman nominated ang endorser namin.

 

MELL Oo nga pala. Naku, naging mahigpit ang botohan. Nakalaban niya si [name ng another nominee]. Sayang, hindi lang siya talaga umabot.

 

BOYET: Ah, ok. Next time, alagaan mo naman ang alaga ko.

 

Ayun naman pala. Thank you naman at na-consider naman pala ako pero hindi lang umabot. Kaya naman, lalo ko pang gagalingan ang pagho-host ng Showbiz Central para umabot na next year at hopefully ay mag-win pa ako.

 

I am very competitive and never a sore loser, so I would think of this as a challenge. I want to do better!

 

Narinig ko nga sa isang bakla sa isang beauty contest, “Life is like a ball game. It is not about winning or losing, but it is how you played the game.”

 

Ito naman ang sinagot ko sa Ms. Gay Ben’s Lechong Baka 1992 sa Tungko, San Jose del Monte, Bulacan.

 

HOST:  Ms. Sheryl Cruz, what would you do if you lose in tonight’s pageant?

 

JOHN as SHERYL:  Most likely, I would celebrate with my friends. The fact that I am here in the finals is already a blessing.

 

HOST:  Hindi ka malulungkot?

 

JOHN as SHERYL:  No, because I know I did my best.  I am the type of person that always aims for the moon.  If I miss it, I know, I would land in one of the stars.  That’s all, thank you.

 

Palakpakan ang mga tao. Title si Sheryl Cruz.  Ako ang first and last Ms. Gay Ben’s Lechong Baka. Hindi na kasi nasundan ang contest after I won. Hahaha. Maliban sa trophy, sash at cash prize na 5,000 pesos, umuwi ako nang may dalang ngiti sa aking mga labi. 

Manic Wednesday

Filed under: Features — admin at 3:11 pm on Saturday, October 18, 2008

I woke up at around 11 in the morning last Wednesday, October 15. After lunch, 1:00 p.m., kasi ang call time ko for the GMA-7 Christmas Plug taping. Paggising ko, nakaamoy ako ng mabangong niluluto. Birthday nga pala ni Nanay so nag-cook siya ng kanyang special pancit at lumpiang shanghai. I greeted her “Happy Birthday,” sabay pangas sa kanyang pancit at lumpia. Ang sarap! Eat and run ako kasi ayaw ko nang nail-late.

Sa San Juan ang taping ng Christmas plug namin.  Sa White Cross Orphanage, kung saan we were given the opportunity to spend time with orphans. Very memorable ang day na ‘yon for me and other Kapuso Stars na nandoon. Seeing the kids smile or even cry makes it all worthwhile. Although nagtataka pa din ako kung bakit may mga magulang na nagpapabaya sa mga anak.

Dalawang little girls ang itinabi sa akin. Si Isabel na tahimik at si Michelle na maldita. Noong nagpi-paint na kami sa mga black and white drawings, kinuha ni Michelle ang paint brush, ‘tapos dinutdot niya sa paint at pininturahan ang katawan niya. Maldita, di ba?!

Eto na ang punch line…“Michelle” ang tawag ko sa kanya kasi ‘yon ang basa ko sa name tag niya for two hours na magkasama kami, pucha, Nichole pala ang nakasulat. Hahaha. 

Mga 3:00 p.m. ako natapos sa White Cross at dali-daling tumakbo sa Gateway Mall to buy a badminton gear for Joshua Aquino. Pangako ko sa kanya ‘yon when he was hospitalized and was diagnosed with high blood.  He needs to exercise and go on a diet, so, naisip ko siyang bigyan ng badminton.

In-invite kasi ako ni Kris, to watch with her Josh’s school program, na last activity ng class nila before their semestral break. Mga Bayaning Filipino ang theme ng program nila last Wednesday. Priest ang role ni Josh, siya yata si Cardinal Sin when they re-enacted the People Power Revolution. Ang cute ni Josh, siya na ang pinakamalaki sa class nila at isa siyang genius Pagdating sa music. Siya ang nag-piano at kumanta ng Ako’y Isang Pinoy.” Wow!

Kakatawa si Ganda at Baby James, ang ingay.  Si Baby James kasi, sumisigaw at pumapalakpak pag nakikita ang Kuya Josh niya.  Si Ganda naman, hinahanap si Josh pag matagal wala sa stage. Hahaha. Stage mother!

After the program, may short briefing si Teacher Joy, na may-ari ng Multiple Intelligence na school ni Josh.  Nagbigay siya ng mga update sa mga parents na nandoon. She announced some new facilities of the school and innovative educational program for the kids.  Say niya,We always remind the kids that who you are is more important than what you know.”

After the school program of Josh, niyaya ako ni Ganda to watch James’s PBA game in Araneta. Since 9:00 p.m. pa naman ang next lakad ko, e, join na din ako. On our way sa Araneta, sa kotse na ni Ganda ako sumakay with the kids at super chismisan kami. As in—from her kids to her mom, and showbiz ang pinag-usapan namin. tagal na din namin kasing hindi nagkita.  May talent kami ni Ganda na mag-chismisan ng madami kahit sandali lang kasi pareho kaming mabilis magsalita.  Hehehe.

Pagdating sa Araneta, nakakatawa kasi ino-okray ako ni Ganda for having no idea at all sa PBA.  Hindi ko alam na naglalaro na pala ulit si Taulava at hindi ko kilala ang mga magagaling na team mates ni James sa Purefoods, pati na rin sa kalaban nilang Coca-Cola.  Hahaha.

Nasabi ko lang kay Ganda, “Excuse ako kasi bakla ako.” Hahaha. Sabi ni Ganda, mabait daw at friend ni James si Peter Jun Simon, e, sabi ko ang type ko si Roger Yap. Guwapo, e. At least, pag nakatuluyan kami ni Roger, pareho kaming Mrs. Yap ni Kris. Hahaha.

Double overtime yung game ng Purefoods versus Coca-Cola. Sa first overtime, tumayo ako para mag CR. Say ni Ganda, huwag daw kasi baka masira ang feng shui ng game. Naloka ako, may gano’n pa palang drama sa pag-watch ng basketball. 

True enough, nagkaroon ng second overtime. Tumayo na ako agad at say ko kay Kris na hindi ko na kaya kasi ihing-ihi na ako. Natagalan pa akong bumalik kasi ang daming nagpa-picture sa akin sa may exit. Ayun, natalo ang Purefoods ng one point, na-okray ako ni Ganda. Hahaha.

After the game, niyaya ako ni Kris na mag-dinner sa Italiannis, together with the fans of James. Grabe ang mga fans ni James, all-out ang support.  Every game ng Purefoods, nandoon sila at super cheer kay James na lagi daw highest pointer. Kakabilib!

Mga 20 din ang fans na kasama naming nag-dinner. Super picture sila kay Ganda, kay Josh, Baby James at sa akin na din. Yung isa, student pa daw ng Nanay ko noong high school. Meron pang fans si James na teenager at kasama ang mga parents. May isa pa na Manang na pinagdadala si James ng kakanin at sapin-sapin.  Ang sweet.

After a few minutes dumating na din si James to join us for dinner. Lalong nagkagulo ang mga fans.  Pictorial ulit with the Aquino-Yap family.  Mga 9:30 p.m. na kami natapos, late na ako sa meeting ko.

9:00 p.m. ang usapan ko with The Talent Factory family.  Sila ang mga kasama ng bago kong manager na si Ricky Gallardo, who now handles all my dealings with GMA.  Hindi ko pa kasi nami-meet ang iba sa kanila at due na din ang commission nila from me sa Kim Sam Soon. Pucha, almost 10:00 p.m.  na ako nakarating sa Cheesecake, Tomas Morato. Nag-text naman ako earlier na mali-late ako at naintindihan naman nila. Pagdating pa doon sa pinag-meetingan namin sa Tomas Morato ay natae ako. Hahaha. Madami yata akong nakain sa dinner namin nila Kris.

Maganda naman ang naging bonding namin ng The Talent Factory team.  Sila din ang humahawak kay Eugene Domingo, Angel Aquino, and Sid Lucero, to name a few. 

Si Ricky Gallardo lang ang wala that night kasi may lakad siya at nakapag-bonding naman na kami. Tawanan kami to death habang nagkakape.  I always make it a point to show and express the real me sa mga bagong kaibigan.  Mabuti nang makilala nila ako agad. Todo!

May chismisan din kami on the side at prangkahan portion na hindi nila kinakaya kaya halos matae din sila sa kakatawa. Hahaha. Inisa-isa ko sa kanila ang mga taong may atraso sa akin sa showbiz at kung paano ko sila dedmahin pag nakikita ko sila. 

1 a.m. na kami natapos. Pagod na ang beauty ko since maaga nga ako nagising. E, birthday party pa ng kinakapatid kong si Pilar Mateo. Takbo naman ako sa Music 21, Timog, para sana dumaan lang sandali at iabot lang ang gift ko sa birthday girl. Natagalan pa ako.

Pagdating ko sa venue, ang table nina Angelica Jones, Mommy Beth Jones, Mommy Carol Santos, Rufa Mae Quinto at my friend Peter Serrano ang bumulaga sa akin.  So after kong humalik at bumati kay Pilar, doon na ako umupo. Nasa kabilang side ang table nina Jobert Sucaldito at Richard Pinlac. Hindi ko tuloy nabati si Richard.  Kaibigan ko din ang baklang yan since Showbiz Lingo days pa. E, sabi ko nga dati, mas magaling ako mang-dedma keysa mang-plastik!

Pa-escape na sana ako when Jobert approached Rufa Mae and said hi to Peter.  When he saw na ako ang katabi ni Peter, Jobert said, “Hi Sweet.” So I said, “Hello, Jobert!” He then hugged me while uttering words like, “Patawad,” “Pasensiya na kapatid,” at “Mahal kita.”

Hindi ko masyadong marinig word per word kasi may kumakanta sa videoke ng “All I asked of you” ng Phantom of the Opera.  Basta I told him, “Ok lang ‘yon Jobert and I accept your apology.”. Biglang umiyak si bakla.  May mga pinapaliwanag pa siyang ibang bagay, ang sabi ko, I don’t need to know that, ang importante ay nag-sorry na siya at tinanggap ko ‘yon.

Palakpakan ang mga reporter at ibang bisita ni Pilar sa party when they saw us hugging and kissing each other. Panay pindot ng camera ang mga paparazzi.  Marami pa kaming pinag-usapan ni Jobert that night na kung maari, sana sa amin na lang. Ang importante, ok na kami. Maging happy na lang sana kayo for the two of us. Remember ang sabi ni Teacher Joy, “Who you are is more important than what you know.” 

Igor

Filed under: Features — admin at 4:11 pm on Monday, October 13, 2008


Birthday ng Nanay ko na si Mrs. Sally Lapus on Wednesday, October 15. Happy birthday, Madir! Since pumatak ng weekday ang birthday niya at may mga pasok ang mga pamangkin ko sa school, I decided to have her yearly birthday dinner (my treat) last Saturday.  Pag Sunday kasi, pagod na ako pagdating ng gabi because of Showbiz Central, at may pasok din ang mga kids ng Monday. 

 

We watched a movie after my mother’s birthday dinner.  Ka-join pa din si Nanay, si Ate, my assistant Nikki, at ang lima kong pamangkin na sina Kenneth, Mikoy, Mikoy’s girlfriend Dianne, Bea, Sebastian, at the youngest Mary Faith, who is almost 2 years old. 

 

Mahilig ako manood ng sine, so sinanay ko din ang mga pamangkin ko na maging appreciative sa panonood sa silver screen. I decided na for that night, we are going to watch the animated movie Igor.  It’s about time na masanay na din si Faith mag-watch ng sine.  We are also looking forward to her first experience in entering a movie house.  Igor lang ang General Patronage movie na showing this week.  Nag-enjoy naman si Faith pero mas nag-enjoy ako.

 

Trailer pa lang ng Igor, may idea na ako sa pelikula. It is about a hunchback, who was brought up in a city, where Igors (hunchbacks) are born to assist mad Scientists.  The Scientists in the city of Malaria compete against each other to create something that is evil or could destroy lives.  They are evil. In other words, Igors are born to serve evil people.

 

On the premise that Igors are brought up to be assistants to mad Scientists, I knew right away that I could relate to the movie.

 

Ako na 13 years na naging co-host, segment host, at chiwariwap, yun ang unang pumasok sa akin. At that time, people—including some of my friends—thought that I would remain being a co-host, segment host, a chiwariwap.  I was even advised to put up a business since I was then on my way of becoming a has-been. 

 

Ako na lumaki sa environment na ang mga bakla ay sa beauty parlor lang ang bagsak, worst, sa pagiging pusher or bugaw. 

 

Ako na natatanging bakla sa klase (or “out” that time) during my elementary, high school, at college years.

 

Ako na nakutya, na-okray, and was treated differently.

 

Handa na akong mag-emote.  Handa na akong maka-relate sa pelikula at sa buhay ni Igor bilang kuba na sinabihan na, “hanggang diyan ka na lang.” I was wrong.  The movie is not all about that.  It tells more.

 

Naisip ko din nga ang mga kaibigan at kakilala ko na tulad ni Igor ay sinabihan at inakalang walang mararating or hanggang doon na lang daw.

 

Ang kaibigan kong direktor na nagsimula bilang researcher sa TV.  Pinagtatawanan siya noon nung siya ay maging writer dahil madalas daw wrong spelling ang kanyang mga English words.  Kinalaunan, muli siyang pinagtawanan dahil sa kanyang mga idea na kakaiba at sabi nila’y baduy. Ngayon, siya ay isa sa mga box-office directors ng bansa.  Halos lahat ng producers at artista ay gusto siyang makatrabaho.  Gustong magpa-direk sa kanya…kahit pa mali ang spelling ng kanyang mga English words.

 

Naisip ko din ang isang award-winning actress na inakala ng ilan na magiging sidekick na lamang ng mga bida habang buhay.  Hindi daw kasi siya maganda at malabong maging bida.  Ngayon, malapit na siyang mapanood ang kanyang launching movie.  Malamang na ang ibang tao na hindi bilib sa kanya noon ay maging sidekick lang niya sa kanyang mga movies in the future.

 

Naalala ko ang isang award-winning actor na pinagtulungan noong nagsisimula pa lamang siya.  Pinagtulungan siya ng ilang mga tao na malapit sa mga sikat na aktor noong pasibong malamang siya. Pinagkalat nila ang kung anu-anong chismis tungkol sa kanya. Nakita nila kasi na isa siyang threat sa kanilang mga ka-close na aktor na namamayani noong mga panahon na ‘yon.  Ngayon, si aktor na sinira-siraan ang isa sa pinakasikat na aktor sa Pilipinas. May mga awards, madaming endorsements at tinitilian ng bayan.  Ang mga aktor na sikat noon ay halos maging support na lamang niya.  Ang mga naninira sa kanya noon ay pinupuri na din siya nang bonggang-bongga.

 

Naisip ko ang kaibigan kong designer na kinukutya-kutya ng mapanglait na fashion industry noon. Bisaya daw kasi at hindi magaling mag-Ingles.  As if kailangan ang pag-i-Ingles sa pagde-design. Ngayon, isa na siya sa mga sikat na fashion designer ng bansa at mga sikat na artista ang kanyang dinadamitan.  Binibeso-beso siya ngayon ng mga kapwa niya designer na lumait sa kanya noon.  Isa siya kasi sa mga officers ng kanilang samahan.  Taray!

 

Naisip ko din ang award-winning actress na sinabihang hindi sisikat dahil siya ay mataba.  Nalaos, nakabangon, at muling sumikat. Ngayon, mas sexy pa siya sa mga taong kumutya sa kanya noon.  Waistline ni actress ngayon ang neckline ng mga detractors niya noon. Hahaha.

 

Naalala ko din ang actress na madalas lamang maging support ng mga sikat na teen stars noon.  Naging Nanay nga siya ng ilan sa kanila. Sa isang iglap, siya na ngayon ang isa sa pinakahinahangaang aktres ng ating panahon. 

 

Eto pa, ang actor na tinitilian natin ngayon ay dating sinabihang walang talent at tabain ng ilan sa kanyang mga kasamahan.  Pinatunayan niyang mali sila.  Halos sambahin siya ng ilan sa kanila ngayon.  

 

Akala ko hanggang doon lang ang pelikulang Igor. Akala ko tungkol lang ito sa isang kuba na iniba ang takbo ng kanyang kapalaran. Akala ko tungkol lang ito sa katotohanan na tayo ang magdidikta ng future natin at hindi ang ibang tao.  Akala ko tungkol lang ito sa katuparan ng mga pangarap at kung paano ito mararating.  Mali ako.

 

Ang halimaw na nagawa ni Igor ay hindi sinasadyang naging mabait.  Igor wanted to create something evil to be his entry in their yearly competition. Igor miscalculated. Igor made a mistake. He made Eva, a gentle and theatrical monster. 

 

Sa isang banda ng pelikula kung saan hinihikayat ni Igor si Eva na maging masama, narinig ko ang pinaka-bonggang linya sa pelikula. Sa sobrang bongga, kinilabutan ako, naiyak at muling may naalala. Sabi ni Eva kay Igor, “It is better to be a good nobody than an evil somebody.”

 

Noong college ako, sumama ako sa ilang kaibigang bakla na mag-rehearse ng sayaw sa isang agency na nagpapadala ng talents sa Japan.  Tuwang-tuwa ang mga bakla doon sa akin. Sa angking talento ko daw na magpatawa ay tiyak na maaaliw sa akin ang mga Hapon. Sa sobrang aliw daw ng mga Hapon, baka bigyan ako ng pera or alukin pang pakasalan. Dapat lang daw ay magpahaba ako ng buhok at tuluyan nang magpa-girl.

 

I asked them, “Dapat ba mukha akong babae?”

 

Sagot nila, “Gaga!  Mas malaki ang kita pag mukhang girl kasi ang ibang Hapon, tanga. Aakalain nila na girl ka. Aamin ka lang pag feeling mo in love na sila sa ‘yo.” 

 

Dagdag pa ng isang bakla doon, “Puwede ka din mag-paminta (kunwaring lalaki)  para ang maloko mo naman ay mga Haponesa, kasi guwapo ka ‘pag lalaki kaya madami kang mabibiktima.”

 

Maryosep! In one sentence, nagamit niya ang salitang “maloloko” at “mabibiktima.” Marahil, kung nag-Japan ako ay higit akong mayaman ngayon. May sariling bahay at lupa na siguro ako or negosyo na bonggang-bongga. Pero I am very sure, may naloko ako at nabiktima. (Read more… )

Reporters

Filed under: Features — admin at 6:08 pm on Wednesday, October 8, 2008

After 15 years in showbiz, I met a lot and different kinds of reporters.

My first job as a researcher for Showbiz Lingo, in 1993, required a close relationship with them. Sa kanila ako nagre-research ng mga latest chismis tungkol sa mga artista. Sila kasi ang nasa field or madalas na invited sa mga presscons, premieres at iba pang showbiz gatherings or events. I am now friends with most of them. Sadly, I am now hated by some of them.

I eventually became a creative specialist for Star Cinema’s promo and publicity department. Thanks to the recommendation of my close friend, Roxy Liquigan, who is the production manager of the said department. Kami ang gumagawa ng mga promo strategies and schedules ng mga artista for every movie na ginagawa ng Star Cinema.

We closely worked with Tita Ethel Ramos’s El Oro, the team. Other than directing the pictorials of Star Cinema’s movie posters, chumichika din ako sa mga reporters kapag may presscon kami noon, because I wanted them to add hype for a certain movie. Naging malapit nga ako sa ibang gaca (gate crashers) kasi pinapapasok ko sila at pinapakain, with matching pakimkim na 500 pesos (c/o Star Cinema), kasi nag-effort naman sila magpunta kahit hindi invited. In fairness, hindi na gaca ang iba sa kanila ngayon.

Because of my close relationship sa mga reporters, naging suki din ako, bilang host, sa mga Chrismas parties ng ABS-CBN at Star Cinema for them. Madalas nga, since co-host ako ng isang showbiz-oriented talk show, napagkakamalan din akong reporter. I didn’t mind though since most of them naman are legitimate and credible.

In 15 years, I have met the credibles, the incredibles, gacas at ang mga “bayaran.”

THE CREDIBLES. Most of them are entertainment editors of broadsheets, tabloids, and magazines (some are simply senior writers). The fact na naging entertainment editors sila, they should and/or must be credible. Matagal na sila sa showbiz and would definitely know the ins and outs of the business. Sila rin ang pumipili ng kanilang contributors or pool of writers para magkalaman ang kanilang reading material. Most of them, hindi na nagpupunta sa mga presscons, since may mga writers nga sila na pinapadala.

But recently, napansin ko na may mga nagpapa-presscon na puro mga editors na lang ang invited para mas intimate or maybe para makatipid sa pakakainin. Sigurado na din kasi ang article ng magpapa-presscon pag editor ang invited, since sila naman ang pumipili ng ilalagay na articles sa kanilang sinusulatan. Dahil may mga reporter na kahit pinakain na at nabigyan pa ng pakimkim, hindi ka isusulat. (Read more… )

Parang game show…

Filed under: Features — admin at 9:03 pm on Wednesday, October 1, 2008

I was supposed to title this entry “Edited.” Ichi-chika ko sana sa inyo ang mga edited parts ng entry ko last year entitled “Cut!” (CLICK TO READ THE ENTRY). Second death anniversary kasi ng Tatay ko last September 20, so I decided na “Cut!: Part 2″ ang title nito. Sa kalagitnaan, binago ko na naman, “Ate” ang naisip kong title. Pero by the time na natapos ko na isulat, iniba ko na naman…Parang game show ‘no, “Change the title!” ang gimik ko.

SEPTEMBER 2006. Binubuksan pa lang ng Ate ko ang pinto ng morgue ng Funeraria Paz, umiiyak na siya. Handang-handa na siya humagulgol at yakapin ang bangkay ng pinakamamahal niyang ama. Pagbukas ng pinto, mas lumakas ang kanyang pag-iyak. Ang hindi niya alam, labindalawang bangkay ang nasa loob ng morgue that time, at lahat ay nakabalot sa puting kumot. Hindi niya alam kung nasaan doon ang bangkay ng Tatay namin. Matalino ang Ate kong babaeng bakla. Sa loob ng limang segundo, kitang-kita kong hinahanap niya ang pinakamalaking katawan na nakabalot. Mataba kasi ang Tatay ko. Ayun, tama naman, siya ng nayakap. Mahusay ang bruha! Kumbaga sa game show, na “Hanapin ang Bangkay” ang title, napili niya ang jackpot prize.

Ang ibang mga kaibigan ko na nagpunta sa burol, Ate ko ang unang hinahanap. Alam nilang showgirl siya at nakakatawang magkuwento. Hindi sila binigo ng Ate ko. Buong detalye niya kinuwento kung paano sila nagpanggap ng Nanay ko noon bilang mga staff ng isang film company at hinahanap ang Tatay ko, kasi may kailangan silang script. At lalo silang naloloka kapag buong yabang niyang sinasabi na hinampas niya ng flower vase si Adora (ang partner ng Tatay noong nabubuhay pa siya) nang araw din na ‘yon. Ang ultimate na kuwento ng Ate ko ay tungkol sa nangyari sa unang araw ng burol. Ang concept niya, parang game show, “Abante Malou! Atras Adora!” Palakpak na parang sa game show ang ginanti ng mga kaibigan ko. Hahaha.

Sa first two days ng burol ng Tatay ko, kasama ang pangalan ng Nanay ko sa ataul. Nanay ko yata ‘yon. On the third day, dumating ang Tito Zoilo, father of Bianca Lapus, na sumunod na kapatid ng Tatay ko. Tinanggal ang maliit na ribbon kung saan nakasulat ang pangalan ng nanay kong Sally. Nakausap daw niya kasi minsan ang Tatay ko at sinabi sa kanya na kung sakaling mamatay siya, huwag ng ilagay ang pangalan ng Nanay ko or ni Adora. Tulog ako nang maganap ang tanggalan ng pangalan. Nagising na lamang ako sa hagulgol ng Ate at siya na ang nagkuwento sa akin. Galit na galit ang Ate ko siyempre.

Pag-uwi ng Tito Zoilo ko, binalik ng Ate ko ang ribbon kung saan nakasulat ang pangalan ng Nanay namin. Hindi nagpatalo ang Tito Zoilo ko, pagdating niya ulit kinagabihan, tinanggal or pinatanggal na naman niya ang pangalan ng Nanay ko. Hindi ko kasi nakikita kung siya mismo ang nagtatanggal or ibang tao. Parang home partner…Parang game show na naman, at ang title, “Tanggal-Kabit.” Hahaha.

Hindi nagpatalo ang Ate ko. Ang point niyan, hindi “kabit” ang Nanay namin. Nagpagawa siya ng madaming ribbon na Sally ang nakasulat incase na mawali ulit, I mean, kung may magtanggal ulit. Sa last night ng burol, kinausap ko na ang Ate ko at pinarangka ko siya na ribbon lang naman ‘yon at may malaking korona naman akong pinagawa na pinalagay ko sa tabi ng ataol. Doon nakalagay ang malaking ribbon na may nakasulat na “FROM YOUR LOVING WIFE SALLY.” Natatawa na din kasi ang mga bisita. Kaloka! Ngayon ko lang ito naikuwento kasi ayokong malaman ng Nanay ko ang tanggalan ng ribbon. Apparently, alam na pala niya.

Noong libing ng Tatay ko, tanging ang Tito Zoilo ko lamang sa kanyang mga kapatid ang hindi um-attend. May baong “Sally” ribbon ang Ate ko sa bulsa. Nilabas niya ‘yon habang sinisimento ang lapida, na pinaglagyan ng urn, at itinabi sa mga bulaklak. Tumutulo ang kanyang mga luha nun. Ang taray! Sa isip ko, ako naman ang napapalakpak.

Nasabi ko na sa “Cut!” na hindi ko talaga pinauwi ang Nanay ko mula sa pagbabakasyon niya sa Amerika when my father died. Ayoko maharap ang Nanay ko sa nakakalokang eksena kung saan dalawa sila ni Adora na nakaupo sa harap ng ataul. Sa taping at shooting lang nagyayari ‘yon at may sumisigaw naman ng “cut!”

Ang hindi ko nasabi, tinanong ko ang Nanay ko kung gusto niyang umuwi para ihatid ang pinakamamahal niyang asawa sa huling hantungan. Ayaw din niya. Marahil iisa ang nasa isip namin. Dalawang widow na nasa harap ng ataul? Baka malito ang bisita kung kanino lalapit. Another game show na pipila ka sa tamang sagot. Maryosep! Kaya kahit hindi ko gusto, sinabi ko sa mga kamag-anak namin na hindi nakauwi ang Nanay ko dahil hindi siya nakakakuha ng flight pauwi. Kung nakasalang ako sa “Don’t Lie To Me,” malamang lie ang resulta. Hahaha.

First week of December 2006, dumating ang Nanay ko from her vacation sa Amerika. As usual, pinasundo ko siya sa driver kong si Toto sa airport. I asked Toto the next day kung sa pinaglibingan ba ng Tatay ko unang nagpahatid ang Nanay ko. He said, “yes.” Tama ang hula ko. Tinuro lang daw niya kung saan banda at iniwan na niya doon si Nanay, ‘tapos nag-antay na lang siya sa kotse. Matagal daw ang Nanay ko doon. Ayokong hulaan kung ano’ng ginawa niya doon.

SEPTEMBER 2008. Ms. Lani Mercado asked me four weeks ago to host the birthday party of Bong Revilla come September 24. Naalala ko na birthday nga pala ni Bong when my father died. As a matter of fact, galing ang Tatay ko sa opisina ni Bong sa senado, where an office party was held, when he had a heart attack. Nag-yes ako agad dahil may utang na loob nga ako kay Bong for paying the whole funeral service of my fatherfrom ataul to urn, siya ang nagbayad. E, di ba nga wala akong regular job that time?! Other than that, at least, matutuloy na ang naudlot kong hosting ng party ni Bong two years ago.

A week before Bong’s birthday party, Ms. Lani texted me again asking for my availability for a video shoot. May concept daw kasi ang mga organizers ng events na surprise VTR para sa party ni Bong. We set the taping sched last September 18, Thursday. Magdala lang daw ako ng pang girl na costume sabi ng segment producer in charged of the shoot.

Career ako pag nagi-girl. Ang bongga kong Ms. Universe yellow gown ang dinala ko at gold high heels to match it. Comedy part pala ng video presentation ang gagawin ko. Blind items ng mga babaeng na-link kay Bong. Since madami akong alam, nakitulong pa ako sa paggawa ng script. Nakakatawa kasi ang ending, ako pala ang mga blind items na ‘yon. Ang last line ko pa dapat sa script ay, “Ako lang ang babae, maliban kay Ms. Lani, ang nakakita kay Bong na hubo’t hubad.” Then ipapakita ang isang eksena sa pelikulang Mahal Kita, Final Answer na nakita kong naliligo si Bong. If ever, parang game show na huhulaan ng mga bisita kung sino ang babae sa blind item pero walang winner kasi ako pala ‘yon.

September 24 na. Pagdating ko sa birthday party ni Bong, before 7:00 p.m., sinalubong ako ng mga staff at sinabi sa akin na baka hindi na raw ipalabas ang tinaping kong blind item segment. Baka daw kasi magka-issue pa and some people might not find it funny. Ayaw daw kasi ni Ms. Lani na may magalit. Parang game show na naman, “Funny or Angry.”

Sabay dumating sina Ruffa at Gretchen sa party. Pareho silang naka-black na outfit. Pinagkaguluhan silang dalawa ng mga press, camera, at photographers. Kasalukuyang pinapalabas ang surprise video presentation para kay Bong when they arrived. Pinag-isipan at pinaghirapan ng mga staff ang paggawa ng video pero halos walang nanood. Pati ang mga bisita ay nakatitig sa mga bagong dating. Hindi ko naman sila masisi. Hindi humihinga ang lahat at parang inaantay ang pagkikita nina Ms. Lani, Ruffa, at Gretchen. Parang game show, “Stop! Look! And don’t breathe!”

(Read more… )