Phobia is an irrational persistent fear or dread.’Yan yung nakita kong meaning ng phobia sa English Dictionary ko sa bahay. Ang phobia ko ay Autophobia daw. Yun daw ang fear of being alone. In fairness, takot nga ako ‘pag mag-isa. As in yung physically alone ako sa isang house or room…Sa bahay ko, knowing na nasa kabilang kuwarto lang ang Nanay ko, hindi naman ako natatakot. Pero pag wala siya, pinapatulog ko ang personal assistant kong si Nikki sa bahay. Naku, pag out of town or out of the country, hindi ko kayang mag-isa sa hotel room ko. Kaloka. Hindi ako makatulog nang bonggang-bongga. I tried drinking red wine or even sleeping pills, walang epek.
Mas lumala ito years ago, when I found out na may staff ang Star Cinema na namatay while sleeping. After three days na siya nakitang patay sa bahay niya. People got worried na hindi siya pumapasok sa office at hindi sinasagot ang mga tawag. She was living alone.
Eto pa, never at wala akong balak manood ng sine na mag-isa. Katakot. One time, may movie ako na gustong panoorin, last day na. Diyos ko, wala akong maharbat na kasama. Nagpasama ako sa driver kong si Toto. Natulog lang siya sa sine. At least naka-watch ako.
May iba pa akong kinakatakutan or kinamumuhian. Hindi ko alam kung phobia ‘yon at lalong hindi ko alam kung ano ang tawag. Pero sa sobrang takot ko or hate, iniiwasan ko to the max.
LASENGGOPHOBIA. Takot din ako sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman (Yup, sa lalaki lang) sa kalye or bar na alam kong mga lasing na ang tao. For some strange reason, lapitin ako ng mga lasing. Maski noong araw, pag rumarampa kaming mga baklang UST sa kalye, ako ang nilalapitan ng isa sa mga lasing para tagayan. Napipilitan akong tumagay sa takot kahit hindi ko alam kung ano ang iniinom nila. Hate ko pa naman yung hindi ko alam kung ano yung nilulunok ko. Napaka-sensitive kasi ng stomach ko. Pag may nainom ako or nakain na hindi sanay ang tiyan ko, LBM agad.
Minsan pa, nakakita akong mga grupo ng lasing na nagsapakan sa isang bar. Pucha ang mga tinamaan ng bote at suntok, e, mga taong hindi nila kasama. Mga pobreng gumimik lang para mag-enjoy, nadamay pa. E, kung ako ‘yon at tamaan ang peke kong baba? Afraid. Kaya pag nasa gimikan ako, ang puwesto ko always is near the bigger space of the venue or bar. Dapat nakaharap ako dun. At hate ko ang bar na madilim. Feeling ko, nasa impiyerno ako. Inay ko po!
ADIKTOPHOBIA. Mas takot naman ako nang bonggang-bongga sa adik keysa sa lasing. Tumatak kasi sa akin ang mga napapanood ko sa news na mga karumal-dumal na krimen: “Tatay: pinatay ang anak,” “Mister: sinaksak si Misis,” “Bakla: Minartilyo sa ulo,” “Apo: Binaril ang Lola.” Ang common sa mga krimen na ito, adik ang mga put*ng-in*ng kriminal. Bwiset!
Minsan, naiisip kong sana mawala ang mga leche the moment na sila ay mag-droga. Yung pag-take nila ng drugs, bigla silang mawawala na parang bula. ‘Tapos untraceable na sila or hindi na lang hahanapin at mawawala ang any record of existence nila. Taray! Honestly, may mga kaibigan akong adik. Kahit minsan normal sila, medyo aloof ako. Minsan kasi ang galing nila magdala. Sabog na pala pero parang normal pa din kumilos. At the height of kaadikan, ang baho ng mga leche! Imbyerna.
CHOSERAPHOBIA. Sinungaling ang una sa list ko ng mga taong kinaiinisan. Dati hate ko lang sila, now takot na din ako. Yung first boyfriend ko, chronic liar na yata. Minsan nakita ko siya sa Tomas Morato. Tinawagan ko at ask ko kunwari kung nasaan siya (gaga din ako, e). Wala naman siyang ginagawang masama at wala naman kaming usapan that day, aba, nasa bahay daw siya. E, pucha taga-Fairview siya that time. Hindi ko naman nabalitaan na bahay pala niya ang kahabaan ng Tomas Morato at lalong hindi niya naman kamag-anak si Manoling Morato. Unless? Hahaha.
Naku may isang showbiz insider na kakilala ng halos lahat ng mga artista. Walang nakakaalam kung saan siya nanggaling. Basta sa sobrang chosera niya, nakakapasok siya at nai-invite sa mga showbiz functions. May mga picture din siya kasama ng mga Hollywood stars sa iba’t-ibang bansa. Mahusay ang p*ta, pag pinapakita niya ‘yon, may mga tangang naniniwala na kaibigan din niya ang mga Hollywood stars sa picture.
Itong phobia kong ito, unti-unti ko nang nagagamot. As long as alam kong sinungaling sila, ok ako. Oo lang ako ng oo kapag nagsasalita ang mga kilala kong sinungaling. Pag bagong kilala, nagtatanong ako ng mga tanong na alam ko ang sagot. Pag mali ang sagot nila ‘tapos pinanindigan pa rin nila, lagot!
PLASTIKAPOBIA. Ang mga plastik na tao, for me, ang kakambal ng mga sinungaling. Ang pinagkaiba lang ng mga plastik, hindi sila nag-iimbento ng mga kuwento. Kino-conceal nila ang mga tunay nilang nararamdaman at nagsasabi ng kabaligtaran nito.
“Ang ganda ng damit mo,” kahit pangit na pangit. “Ang sexy mo ngayon,” kahit ang taba ng kausap. “Galing mo sa pelikula mo,” kahit na over-actingan sa performance ng sinabihan.
I would rather keep my mouth shut or change topic imbes na mang-plastik. Kaya yung blind item sa akin recently ang pinakawalang kUwentang chismis na pUwedeng ikalat about me dahil hindi totoo. Pag galit ako sa isang tao, hindi ko kinakausap. Pag may atraso sa akin ang mga kaibigan ko, sinasabi ko (as in todo ang confrontation). Kaya ang mga kaibigan ko, hindi masyadong nag-e-emote sa akin kasi alam nilang sasabihin ko ang totoo para mahimasmasan sila. So usually, last resort ako pag gusto nilang matapos na ang emote.
Nag-host ako sa anniversary ng The Library recently. Nilapitan ako ng isang gaca (gate crasher) na reporter. Say niya talaga, “Ang galing mo naman mag-host, Sweet.” Nagpasalamat naman ako. The next day, nakinig ako sa radio program ni baklang bakulaw. Nag-text sa kanya yung gaca na reporter, binasa niya on air. “Successful ang Anniversary ng the Library. Sinira lang ng pag-host ni John Lapus.” Di ba gago?! Plastik!
(Read more… )









