| Register

Bwiset!

Filed under: Opinion — admin at 6:43 pm on Friday, August 22, 2008

Wala akong cash on hand the other day. Kailangan kong mag-withdraw. Nagpa-panic ako pag wala akong cash sa bulsa. Childhood trauma ‘yon so bigay niyo na sa akin. Other than that, may kailangan din akong bilhin at bayaran.

Mga alas singko pa lang ‘yon ng hapon, takbo ako agad sa UCPB, Tomas Morato branch. Sa UCPB pumapasok ang sweldo ko sa GMA-7 so nandoon lang ang pera ko, maliban sa time deposit ko na nasa ibang bank naman. Pucha, offline! Tawag ako agad sa hotline nila. Sa Quezon Avenue branch daw puwede, takbo ako agad. Pucha, offline din. Natalakan ko tuloy yung babae sa hotline nila ng, “Niloloko mo ba ako?!” Bwiset!

Noong naospital ako two weeks ago, noon ko lang nalaman na depende pala sa kuwarto mo ang bayad sa mga services and procedure na gagawin sa iyo sa isang ospital. Dahil fully booked nga ang mga rooms sa ospital the day na na-admit ako, nag-yes na ako sa deluxe room when they asked me. ‘Yon nga daw kasi ang unang nabakante. In other words, mas mahal ang binayaran ko sa blood test, nurse services, urine and stool test keysa sa mga patients sa private room and lalo na siguro sa ward. Bakit gano’n? E, same tao lang naman ang gumagawa ng mga tests at same procedure lang naman? Di ba bwiset?

Yung mga kotse ko, Suzuki at Subaru. Bukod sa maganda at matibay, ayaw ng mga carnappers kasi mahirap daw ibenta at chop-chopin. Pero ang punchline, pag nasira ang ibang spare parts, ang tagal bago maging available kasi ino-order pa raw sa Japan. E, bakit ka kasi magtitinda ng kotse na walang reserved na spare parts? Bwiset!

Kumain ako sa Jollibee the other day sa Alabang. Karamihan pala ng mga branch nila ngayon, bakal na ang fork and spoon. Pucha ang dumi ng nakuha kong kutsara. Kadiri. Bwiset!

May kalandian ako na lalaki. Ayaw niyang lumabas kami in public. Sabi ko, “Bakit artista ka rin ba?” Hindi naman daw sa gano’n. Hiya lang daw siya makita ng mga kaibigan niya na kasama ako. Parang ikinakahiya niya yata ako? E, bakit nakikipaglandian ka pa sa akin? Bwiset!

Walang katapusan ang traffic sa Metro Manila pero kaswal na sinasabi ni Bayani Fernando na tatakbo siyang presidente sa 2010. Ha? Parang joke. Bwiset!

Ang galing ni Jayann Bautista sa Pinoy Idol. Siya talaga ang bet ko kasi performer na, maganda pa at artistahin talaga. Si Gretchen Espina nanalo. Bwiset!

Na-blind item na naman daw ako ng feeling ina ng laging saklolo. Pinabasa sa akin ng friend ko. Kaya pala ginawang blind item kasi imbento. Nakakalungkot. Bwiset!

Late na nagsimula ang premiere night ng Loving You last Sunday, August 16, sa Megamall. 7:00 p.m. ang call time namin pero mga 9:00 p.m. na nag-start. Nakakainip ang pag-aantay. Nagpabili muna ako ng pagkain kasi gutom na ako. Pucha, bawal daw ang outside food sa loob ng mga SM cinemas pag may premiere night. E, pucha walang kwenta ang pagkain na tinda sa booth nila lalo na pag gutom ka. Bwiset!

Last month lang nag-ok ang mga tseke na ibinayad sa akin ng Regal Films para sa pelikulang Loving You. Prior to that, yung super delayed na check ko naman from Shake, Rattle & Roll 9 ang nag-good. Nabanggit ko na dito dati ang feelings ko towards Regal Films’ post-dated cheques. Kahit bwiset, e, sige na nga.

Workaholic ako. Pag walang ginagawa, nabo-bore ako tapos nalulungkot. Kaya naman super effort ako noon sa pag-apila sa GMA-7 para magkaroon ako ng second show other than Showbiz Central na every Sunday lang. Finally, dumating ang Kim Samsoon! Ang saya-saya ko. Nakatulong na sa expenses ko, nakatulong pa sa boredom at loneliness ko. Ang saya namin sa set ng Kim Samsoon. May kakaibang rapport ang lahat ng cast. Direk Dominic Zapata and Regine Velasquez glue us together. Magaang kasi dalhin yung dalawa. Very light tuloy ang mood sa set namin. Ang saya! Last four taping days na lang ang Ako si Kim Samsoon…Bwiset!

Minsan ayaw mong tumalak kasi masisira lang ang araw mo, or worse, maha-high-blood ka. Pero pag ganyan ang situation, parang bwiset talaga! And most of the time naman, nabubwiset ka kasi mawawala na ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. At pag tumalak ka at sinabi mo ang mga hinaing mo, bukod sa nalalaman nila ang problema, ginagawan pa ng paraan. Kaya pala ang mga big companies, may mga complain centers or department para maibsan ang kabwisetan natin.

Wala akong choice kundi mag-withdraw na lang over the counter sa UCPB, Tomas Morato. Sinabi ko sa mga tao doon ang nangyari sa akin the day before. Ginagawan na daw ng paraan ang mga ATM nilang laging offline. Sana nga para wala nang mabwiset. Sabi ng friend kong doctor, ganoon daw talaga ang bayaran sa lahat ng ospital. Nasa bongga kang room kaya bongga din ang bayad mo sa mga services at procedure nila. Pero may point daw ako.

Karamihan daw ng mga ibang international car companies—like Ford, Honda at Toyota—ngayon ay may factory na dito sa Pilipinas para maging available anytime ang mga spare parts for their clients. Ang Suzuki at Subaru, sana magkaroon na din.

Hindi na daw disposable plastic ang ginagamit ng ibang Jollibee branch na fork and spoon para makatulong sa environment. Wow! Nakadagdag pa nga daw sa employment rate nila kasi may additional silang crew na taga-hugas. Sana lang, please…maging maingat sa paghugas. Huwag panay ang chika.

Nag-text sa akin the other day yung lalaking kalandian ko. Bakit daw hindi na kami nagkikita? Text back ako, “Nakakahiya kasi sa mga fans ko na makitang kasama kita!”
Sabi ng mga drivers at vendors na bwiset sa MMDA, hinding-hindi daw nila iboboto si Bayani Fernando. Sa Celebrity Duets kaya, iboto nila si Chairman?

Babawi daw si Gretchen by proving sa mga tao that she’s worthy of the Pinoy Idol title. Go girl!

Hindi ko pa din papatulan ang nag-blind item sa akin. Malaking bagay ang palamunin niya ako noong araw na gutom na gutom ako. Ipagdadasal ko na lang na sana, hindi totoo ang sinabi ng friend ko tungkol sa sasapitin niya sa kanilang show. Kawawa naman kasi, baka siya naman ang magutom.

Sobrang ganda ng Loving You. Palakpakan ang mga tao sa mga eksena namin. Nakakakilig ang love team nila Aljur at Kris, Jean at Polo, ‘tsaka sina JC at Yasmien. Ang daming nag-watch ng premiere. Sa sobrang aliw nila sa pelikula, hindi na nila namalayan na late na nag-start. Sa sobrang proud ko sa movie namin at sa director-friend kong si Don Cuaresma, nawala na sa isip ko na sa CR ko kinain ang pinabili kong food. Showing na ang Loving You. Watch na at ma-inlove!

Umattend ako ng story conference ng Shake, Rattle & Roll 10 kahapon, Thursday. Malaki at monumental ang 10th edition ng SRR. I will be part of the third episode na pagbibidahan ni JC de Vera at Roxanne Guinoo. Usually, ang third episode ng SRR ang pinaka-bongga at inaabangan talaga. Shooting na kami next week. Abangan!

Ini-enjoy na lang naming mga cast ng Kim Samsoon ang last four taping days namin together. Sa set nga, naglolokohan na kung ano ang kasunod na show ng bawat isa. Si Direk Dom yata ang magdidirek ng La Lola ni Rhian Ramos. Si Regine naman, after ng Celebrity Duets pa yata ang next soap na gagawin. Si Jenica at Mart, nasa La Lola din yata. Alam ko si Eugene Domingo, ayaw muna mag-soap. Kinausap ako ng Songbird the other day. Say niya, “Sweet, alam ko kasama ka sa next soap ko. Tayo lang ang magsasama ulit if ever!” Exciting! Nawala ang bwiset ko.

Kung Ako Ikaw

Filed under: Features — admin at 3:22 pm on Saturday, August 9, 2008

I had a guesting last Tuesday, July 29, at the second to the last episode of Kung Ako Ikaw. Kasama ko sina sisters Arneli at Teri, bilang mga celebrity boksingero. Grabe ang mga pinagawa nila sa amin. Consistent ang Kung Ako Ikaw sa pagbigay sa akin ng pinakamahirap na physical task sa buong buhay ko ever.

Una, sa kanilang pilot episode bilang celebrity kargador. Maryosep din ‘yon! Kasama ko naman doon sina sisters Rustom at Mel. Bukod sa ayaw ng katawan ko ang mga gawaing panglalaki, kahit kaya ko naman, ayaw din yata ng taong bayan na nakikita akong nagiging lalaki. Feeling siguro nila si Jet Pangan ako. Kasi napansin ko, hindi nila ako binoboto.

Ayan, kulelat na naman ako sa boto. Pero tulad ng sinabi ko sa awarding namin last Wednesday, “Kahit mahirap, sumasali ako sa Kung Ako Ikaw to prove something to myself and be an inspiration to all of you. Dahil kung nagawa kong maging boksingero, kahit ano kaya niyong gawin!”

Tignan niyo yung “Bee Keeper” episode nila na kasama ko sina sisters Rachel at Desiree, nag-win ako. Kasi kahit scary at nakakakilabot ang mga bees, hindi masyadong physical ang effort. And other than that, type nila na babae ang mga kalaban ni Sweet. Hehehe. Akala yata ng mga texters, babae ako. Hahaha.

6:00 a.m. ang call time namin nina Arneli at Teri sa may Banawe Avenue. Akala pa namin noong una, may something to do with cars ang challenge. Something like mekaniko or taga-lagay ng tint ng kotse. Di ba madaming ganoon sa Banawe? Nag-joke pa ako na baka gawin kaming kidnappers at padamihan kaming tatlong bakla ng maki-kidnap ng mga Chinese na nakatira sa may Banawe area. Hahaha. Pucha, sana gano’n na lang nga ang ‘pinagawa sa amin. Charing!

Niligaw muna kami at pinaikot-ikot sa buong Banawe. ‘Tapos hanapin daw namin yung isang building sa ganitong street at lapitan ang isang guy na naka-orange shirt. Kaka-chika ko sa loob ng van habang nililigaw kami, hindi ko na alam kung nasaan na kami banda. Buti na lang pamilyar si Arneli sa mga streets ng Banawe dahil mahilig siyang mag-buy and sell ng mga sosyal na kotse. Oo nga naman.

Sa wakas, nakita na namin yung guy na naka-orange shirt. Siya pala si Bisor. Nakakatawa siya kasi may sobrang movement ang mata at mukha. Pero hindi na ako natawa nang may nagbulong sa akin na most boxers ay nagkakaroon ng ganoon dahil may tinatamaang nerves sa mukha. I am sorry po. So finally, sinamahan na niya kami sa taas ng building at doon na nga na-reveal na manggagawang boksingero ang gagampanan namin that day.

May in-assign na tig-iisang trainer for us. ‘Yong kay Teri ang gwapo. Hindi training ang naganap. Love affair. ‘Yong trainer naman ni Arneli, e, madalas daw mag-champion. Ang sa akin, wala lang. Sapat lang.

First exercise namin, pinag-jogging kami ng 30 minutes sa kanya-kanyang area namin sa Banawe. Kapagod. Maski ang rubber shoes ko napagod. Natanggal ang sole ng left rubber shoes ko. Hindi kasi sila sanay sa mga physical at masculine duties. So, tinanggal ko na din ang sole ng right. Parang commercial ng Mentos. Hehehe. Tuloy ang jogging. Napunta ako sa kalye na dumadaan sa condo, kung saan nakatira daw si Rochelle Pangilinan ng Sexbomb. Aw!

Next, stretching at basic boxing movements eklat. Maryosep, ang sagwa sa bakla ng boxing stand. Para kaming bagong tuli na ewan. Si Arneli, may pagka-tomboy, so, medyo bagay pa sa kanya. Si Teri, dinadaan na lang sa comedy. Ako, consistent, Beauty Queen. Hahaha. ‘Tapos sparring na. Tinuruan kami ng iba’t-ibang klaseng suntok—jab, straight, hook, upper. Pati pag-iwas ay itunuro. Kung alam lang ng mga trainer namin na hindi umiiwas ang mga bakla sa kahit anong hamon ng buhay.

Finally, actual match na. Kalaban namin ang trainer ng bawat isa. Napunta sa akin ang cute na trainer ni teri. Litanya ko lang sa kanya, “Peke ang baba ko. Huwag mong tamaan at baka maging dimple ito!” Sumunod naman ang loko. Ayun, sa balikat at braso ako pinagtitira. Tinamaan niya ako ng isa sa tiyan, sumigaw ako ng napakatamis na, “Ang sakit no’n ha,” at nag-sorry naman siya. Eto na, naka- tsamba ako sa mukha ni guwaping, ayun, natumba. Ako naman ang nag-sorry.

Patang-pata ang katawan ko after the taping. Umuwi nga ako nang hindi nagpaalam sa mga tao sa set. Para akong nawala sa sarili. Para akong ginahasa ng limang lalaking pangit. Para akong si Perla Bautista sa Virginia P na nasagasaan ng pison.

Pagdating ko sa bahay ng mga 5:00 p.m., plakda ako agad at nakatulog ng bonggang-bongga. Nagising ako ng mga 11:00 p.m. na, medyo masakit pa din ang katawan and forgetting na birthday nga pala ni Ada Reyes, na manager ng Hairwatch Salon in Caloocan. So, tumakbo muna ako doon sandali ‘tapos nag- Baclaran.

3:00 p.m. ang call time ko for Kim Samsoon sa Tagaytay the next day, Wednesday. Ang lamig sa Tagaytay at ang ginaw. Tuloy ang ligaya. Jackpot ako kasi isang eksena lang ako that day. Check-in na me agad sa pa-hotel ng GMA-7 kasi may taping na naman ako the next day. Hindi na kami pinapababa ng Manila para bawas pagod at tipid sa gas. Clap, clap, clap GMA-7! Walang ganyan sa iba.

Eto na, paggising ko the next day, Thursday, parang mabigat na ang pakiramdam ko. Pero Siyempre, the show must go on. Nakaisang mahabang eksena pa ako that was taken after lunch. Sa Canyon Woods ang taping namin that day. Later pa daw yung dalawa ko pang eksena so natulog muna ako.

Hindi na ako nagising.

(Read more… )