| Register

Pero…

Filed under: Opinion — admin at 11:56 am on Friday, July 25, 2008

Gusto ko ang word na “pero.” Para sa akin, napaka-optimistic at hopeful. Nakakita ka na ng pangit sa isang tao or bagay pero nakitaan mo pa ng maganda.

Parang “in fairness.” Parang “silver lining sa dark clouds.” Pero minsan, delikado din ang “pero.” Nakakita ka ng maganda pero nakitaan mo pa ng pangit. Pero ako, sinusubukan ko na puro maganda ang makita ko.

Kakapa-lipo ko lang noong February pero lumaki na naman ng tiyanena ko. Ang sarap kasi ng kanin.

Nagda-diet ako pero ang dami kasing pagkain sa taping ng Ako si Kim Samsoon. Five times per taping day ang kainan. Breakfast, lunch, meryenda, dinner at midnight snack. Ang sarap! In fairness sa GMA, hindi tinitipid ang mga tao sa pagkain. Yun na!

Hindi ako maka-Gretchen pero nagalingan ako sa kanya sa Maalaala Mo Kaya. Hindi kasi nagmaganda. Nagpaitim, light makeup at nagpaka- probinsiyana. Clap, clap, clap. Galing ito sa fact, na some actors, kahit mahirap ang role, ang kapal ng makeup. Maryosep! Magaling nga pero inuuna ang pagpapaganda.

Ok na daw si Gretchen at Lani pero nag-iwasan daw sa birthday party ni Tita Cristy. Sabagay ok na ‘yon keysa mag-plastikan sila.

Like Tita Cristy, July 23 din ang birthday ni Eugene Domingo. Casp ang tawag doon. Minsan Cancer ang zodiac sign nila, minsan naman Leo. Pero si Uge, mas Leo ang personality. Happy birthday, Ma!

Hindi ko ka-close si Toni Gonzaga pero bilib ako sa talent niya. Pucha, ang daming kayang gawin. Singer, host, drama actress, comedy actress at nakakasayaw naman. Multi-media talaga. Maganda na, guwapo pa ang boyfriend. Alam ko kagawad pa siya sa Taytay, Rizal. Ano pa kaya ang kaya nitong gawin? Galing ito sa mga artistang sikat, pasikat at sumikat pero walang katalent-talent. Sa personal, kaya kong sabihin kung sinu-sino, just ask me. Pero huwag niyo akong sumbong ha. Hahaha.

Nagkaanak na at lahat si Dennis Trillo pero type ko pa din siya. Maraming nagsasabi sa akin na hindi daw bagay sina Dennis at Cristine Reyes pero ano naman magagawa ko? Hehehe.

Tagal ko ng hindi nakatrabaho sina Jolina at Marvin pero kinikilig pa din ako pag magkasama sila. Grabe ang rapport nila. Panalo! Teka nga at susulat ako sa Dear Friend. Pero teka, ano ba ang magandang i-emote?

Hindi naman daw mag-jowa sina Yasmien at JC pero bagay talaga sila. Ang sweet!

Hindi ako mahilig sa guys na maliit pero nagagwapuhan ako kay John Pratts. Ang cute!

Retokada daw si Katrina Halili pero wala akong pakialam. Siya pa rin ang pinaka-sexy para sa akin. Sana mamana ko ang katawan niya. In fairness kasi sa batang ito, hindi ako ini-isnub.

Madami daw na-isnub si Riza Santos sa FHM event. Pero ako naman, hindi pa niya na-isnub. If ever, sasampalin ko talaga siya. Hahaha. Kasi naman itong si Will Devaughn, e, hawig ko naman si Riza pero tabain lang ako.

Type ko si Angelie Jolie pero nalalandian ako. Galing pa ito siguro sa ang feeling ko noon, na inahas niya si Brad Pitt kay Jennifer Aniston. Bw*set pa naman ako sa mga ahasssss…

Noong July 7 pa ang birthday ko pero sa July 26, Saturday, pa ang Happy Birthday To Me! sa Zirkoh, Timog. Post-birthday show na bale. Tawag kayo sa 0929-2730297.

Almost two years na ako sa GMA pero ako ang naisipang i-produce ng mga handlers ng Star Magic. I am so honored and proud. Pero guest din naman ang mga Kapamilya stars na sina Jon Avila, Ron Morales, Victor Basa, Rafael Rosel, Koolchix at John Lloyd Cruz.

Hindi ko kakilala ang mga may-ari ng Active White, Harvard Multi Land, Goldilocks at Fuji Xerox pero nag-sponsor sila sa post-birthday show ko. Salamat ng marami.

Sumuporta na ang ABS-CBN interactive, Hairwatch Salon, at Calayan Surgicenter sa Sweetilicious noong May 31 pero eto at support na naman sila sa Happy Birthday To Me! Super thanks.

Pansinin niyo sa mga malls, bars at iba pang public places. Ang mga girls na may jowang tomboy, pumapayag makipag-holding hands sa mga jowa nila in public. Pero lalaking may jowang bakla, may nakita na kayong magka-holding hands? Bakla ako, pero minsan parang gusto kong maging tomboy.

Nami-miss ko ang mga ex-boyfriends ko pero ngayon, ayaw ko pang magka-jowa. Weird!!!

Eto pa, si Boyfriend No. 1 at No. 3, ako ang nakipag-break. Pero ngayon, gusto nila akong balikan. Ayaw ko nga! Ang ganda ko, di ba?

Hindi ako pabor sa gay marriage pero pag may nag-propose sa akin at mahal ko naman, e, pakakasalan ko talaga. Pasensiya na po, Father!

Hindi kami best of friends ni Manong Gilbert Perez pero siya ang executive producer ko sa At Iba Pa noong staff pa ako at sa Arriba Arriba as Sweet. Nalulungkot ako. Manong, Arribabye…

Nag-enroll ako sa isang gym last year. Ok naman, kasi accomodating ang mga tao at medyo exclusive. Naikuwento ko na dati dito na madaming artista ang nagdyi-gym doon. Minsan, pag nasa threadmill ako, nagwawatch ako ng TV kaya hindi ko nararamdaman ang pagod. Usually 7:00 pm ako dumadating, so 24 Oras hanggang GMA-7 telebabad ang pinapanood ko. Eto na, minsan hiniram ko ang remote para ilipat sa GMA-7 ang channel. Bawal na daw ilipat sabi ng janitor. Naka-set na sa mga international cable channels ang mga TV. Ang dating sa akin bawal na ang Tagalog. Pero teka, may pagkalaki-laking mukha ni Cesar Montano at ibang Pinoy achievers sa exercise hall nila. Pero teka, may mga artistang Pinoy silang clients na lumalabas sa mga pinapanood ko. Sinulatan ko yung president at sinabi ang himutok ko, pero hindi niya ko sinagot. Ayun, hindi na ako nagdyi-gym ngayon.

Ayan, sinubukan kong makakita ng maganda sa mga bagay na pangit pero minsan mahirap ‘yon.

Kakapalipo ko lang noong February pero lumaki na naman ang tiyanena ko. Ang sarap kasi ng kanin.

Pero…

Patol

Filed under: Features — admin at 7:18 pm on Monday, July 14, 2008

I was determined to release my outrage in this entry.

Papatulan ko talaga ng bonggang-bongga ang mga ilang nagko-coment dito ng hindi maganda or, worst, pangit. Hindi ko naman kilala pero kung maka-comment, punung-puno ng anger, angst at pain.

Weird! I know it’s hard to please everybody, but I do not deserve negative comments from total strangers. Strangers nga kaya?

Na-realize ko kasi na for these people to post comments like, “Kapal ng mukha mo,” “Spy, ” “GMA, mag-ingat kayo kay Sweet,” “Plastik,” “This gay is overrated,” etc.—they must really know me or at least they know people that don’t like me, and worst, kakilala nila ang mga taong nasaktan ko in the past. If it is the latter, I apologized.

Sa sobrang bothered ko, balak ko pang gawin sa PEP office mismo ang entry na ito. Para doon, hanapin ang mga tunay na nagmamay-ari ng mga codename nila. Tapos ‘pag nakuha ko na (including their numbers and actual e-mail address), iisa-isahin ko silang tatawagan, lalaitin at mumurahin para mahimasmasan. Pero masyadong effort. Nakakapagod. In other words, ako ang nahimasmasan.

Mas minabuti kong basahin isa-isa ang mga positive comments na higit naman na mas madami. Gumaan ang pakiramdam ko. Tulad ng kay kengeraldungos, “The finest gay comedian! Sweet ‘yan.” My God, first time ako nasabihan ng finest. Hihihi. Thanks.

Gracey: “Ingit lang sila sa iyo kasi marami kang blessings at maraming nagmamahal sa iyo.” Salamat sister.

SMB0709: “Wag mong patulan ‘yan. Inggit lang sa iyo kasi hindi sikat. Basta dito lang kaming mga supporters mo, fans mo at love na love ka. Stay beautiful, kikay & sweet.” I will my dear, makakaasa ka.

Sweetfraulein: “The sweetest revenge is a happy life.” Oh, so true! Eto na nga. Keep on reading.

pritijhian: “Nasa ibabaw ka na, sino ba sila?” May point ka dear. Pero ayaw ko namang isipin ‘yon kasi baka malaglag ako. Aray!

jester: “Number 1 ang Showbiz Central dito sa Cebu?” Wow! Talaga? Shake it sweet!

heartbeat 007: “Matalino kaming mga tagahanga mo kaya alam namin na sa tinatamasa mong biyaya at kasikatan ngayon, may mabibiling sa daliri na naiinggit!” Dalawa bilang ko, ikaw?

Salamat din sa lahat ng bumati sa akin last week. Come celebrate with me on July 26 sa Zirkoh, Timog. “Happy Birthday To Me!” ang title ng show ko, with my special guests, John Lloyd Cruz, Cool Chix, and The Coverboys.

Salamat din sa mga suki ng Kim Samsoon. Tutok lang kayo please.

Pero yaman din lamang nahimasmasan na ako at patol naman ang title ng entry na ito.

Patol na ko ng konti.

(Read more… )

Happy birthday to me!

Filed under: Events — admin at 12:45 am on Thursday, July 10, 2008

As early as July 5, may nagti-text na sa akin ng “happy birthday.” Nag-text kasi ako to some of my friends about my after dinner party come July 7. Yung iba naman, hindi pa tulog ng Sunday morning kaya napanood ako sa Master Showman.

By the time na ni-reveal sa Showbiz Central na birthday celebration ko, lalong dumagsa ang text messages. Sa dami ng nag-text sa akin, nag-hang ang cellphone ko.

Here are some (hindi lahat at baka mag-hang din itong blog ko) of the text messages that I got.

“Happy birthday Sweet!”—Diether Ocampo. Ang sweet. As in siya ang unang bumati sa akin via text.

“Hapi bday Sweet!”—Ruel Mendoza, siya ang unang reporter na isinulat ako ng libre noong nagsisimula pa lang akong mag-artista.

“John, happy b-day hah. Mwuaaah.”—Mike Manansala, siya yung model na kamukha ni Will Devaughn.

“Happy birthday. Goodluck sau. Mwah.”—My ex-bf na dancer. Hehehe.

“Advance happy bday mare. Greet mo naman ako happy bday sa show. Mwah.”—Direk Ruel Bayani, na kabirthday ko. As in July 7 din siya.

“Sabi ko na bday mo e. Kagabi ko pa iniisip. San ang lapangan? Happy bday!”—Pareng Eugene Cudia, DJ of Zirkoh, Greenhills.

“Happy Birthday!”—Francis, na crush kong volleyball player.

“Happy bday sweet.”—Ms. Carmi Martin. Grabe ang rapport namin nitong si Mrs. Ruiz sa Ako si Kim Samsoon.

“Amiga, ang ganda mo ha. Bukas pa sana kita greet, kaya lang buong mundo binabati ka na. Sige na tomorow na lang kasi tomorow naman talaga ang bday mo. Watch na lang kita  Showbiz Central. At wait ako ng more revelations. Goodluck—Annabelle Lusung na classmate ko noong high school. Hindi niya kinaya yung surprise sa akin na K girl. Ako din naman hindi ko kinaya.

“Happy happy birthday sweet!”—Cynthia Jordan, production manager sa ABS-CBN. Kasama namin siya sa tilian sa Star Magic ball. Hahaha.

“Hapi bday! Sweet.”—Leg Ag Santos, stage actress na July 6 naman ang birthday kaya nagbabatian kami every year.

“Happy Birthday Mare. More Power to you!”—Dr. Reyvic Cerilles of Instituto Estetico Manila na naglagay ng baba ko. Hehehe.

“Elo. Muzta. Hapi bday sweet! Un gift ko sayo maya gabi ko bigay. Ok. Wish you all the best and god bless you more.”—Angelito, hindi ko na maalala kung sino siya.  Basta nakalagay sa cell ko Angelito. Hahaha.

“Bongga ang birthday mo sis! God bless! More more years to come! I’m so proud of you! You deserve to be happy. Praying for you as always.”—Myla Roy, ka-batch ko sa Teatro Tomasino at HRM course ko sa UST. Nasa Los Banos siya ngayon with her three kids at nagbabantay ng canteen nila.

“Happy bday my Sweet.”—Direk Cesar Apolinario

“Miss bato-bato sa Boracay! Happy Birthday in advance!”—my friend Lia Anonas, na ka-batch ko pang nag-practicum sa Peninsula Manila noong 1992.

“Ma happy bday. Wish you have more success and good health! God bless.”—Tristan, yung crush kong Snap dancer, na back-up ko ngayon sa Don’t Lie To Me. “Pa” ang tawag ko sa kanya at “Ma” ang tawag niya sa akin. Hindi lang nga niya ako type. Hahaha.

“Elow po Sweet. Musta na kaw? Happy birthday nga pala. Wish you luck! I miz u, take care always. Gud eve.”—ang masahista kong si Kuya Ron. Hahaha.

“A peaceful soul, a joyful spirit, a healthy body and a heart full of love. All these are my prayer and wishes for you on your special day tomorow. Advanced happy 35th bday.”—Vangie Fulgencio-Castillo, dati kong PA, na suki dito sa PEP.

“Happy happy birthday!”—My friend Angelo, na dating naging jowa-jowaan ang isang matinee idol.

“Happy Bithday Anak. I love you.”—Ms. Maricel Soriano, na unang nag-text by 12mn ng July 7.

“Happy bday mare.”—Mosang, na matagal ko ng kaibigan. Siya ang laging PM (production manager) ng mga shows ko at siya din ang nag-asikaso ng birthday party ko last July 7.

“Happy bday sweetheart!”—Biboy Arboleda, my former manager na nag-conceptualize ng Dessert Party ko.

“Happy Birhtday mwah.”—si Francis ulit, ang volleyball player na crush ko. Kilig.

“Birthday mo na. Happy bday!”—Von, na friend kong staff ng Bahay ni Kuya.

“Hapi bday. luv u.”—Philip Lazaro.

“HAPPY HAPPY BIRHTDAY ATENG!!! Muah!”—Altaire na segment producer ng Showbiz Central.

“Happy birthday Sweet! Love u.”—Louie Andrada, kumare ko since college na business unit head ng The Buzz at Entertainment Live!

“Happy birthday, Darling! Mwah!:)”—Harlene Bautista-Sarmenta

“Hapi bday sweet. Dito pa ko sanfo. All the the best on ur natal day.”—Mamu Andrew de Real

“Happy happy birthday Sweet :-) …Direk Erick Salud, director ng My Girl na katapat ng Kim Samsoon.

“Happy birthday, Sweet!”—Ricky Calderon, Enpress President na birthday din on Saturday.

“Way, way back, a special child was born. Years later, special child pa rin. Happy, happy birthday po! Pa-cheeseburger ka naman!”—Badette from Kulay printing press.

“Happy bday! Enjoy your day!”—Alvin, na PA ni Kris Aquino.

“Happy birthday. May you have more blessings to come! dont count your age. Make your age count. God bless.”—Direk Don Cuaresma na director ng Loving You na showing na sa August.

“Maligayang bati rin naman ng bonggang bongga!”—Peter Darling, ang kumare kong Dinosour.

“Hapi hapi bday!”—Direk Wenn Deramas.

“Maligayang bati sa iyong kaarawan..naway pumayag kna sa panukala ng iyong ina.. hehehe..hapi bday!”—Roy San Luis, na ka-batch ko din sa Teatro Tomasino. Segment producer siya ngayon ng SiS. Natawa daw siya sa tanong ng Nanay ko sa “Don’t Lie To Me.”

“Happy bday sis muah muah muah muah sory cant atend ur party 2nyt m going to brazil 2nyt muah muah.”—Designer Avel Bacudio. Sosyal!

“I love you. Happy birthday. See you.”—Eugene Domingo.

“Let the face of the Lord shine upon you today. Let His hand protect you. His grace surround you. And His power sustain you! Happy Birthday po!—Ada Reyes, na manager ng Hairwatch Salon. Ang bakla parang banal at birhen kung makatext. Hahaha.

“Happy happy happy birthday to you John! More blessings to come!  Regards! Ingat always my friend, my classmate and my kaeksena sa pagarte during recess!—Ranilyn Cunanan, na classmate ko noong highschool. Pag recess, nirere-enact namin ang mga eksena sa Maricel Drama Special.

“Happy birthday mader!”—John Paul Dizon, na stylist ko sa Showbiz Central. Pahinga lang siya ngayon dahil sumali sa Pinoy Idol. Ang husay nito kumanta. As in.

“Happy bday nak! Love u always…”—Inay Cathy Ochoa Perez, business unit head ng Sharon.

“Sa nag-iisang Universal Sweet, Happy birthday my friend! Wishing you more & more blesssings!  Don’t ever change!”—Teena Endozo, na kabarkada ko since college.

“Wishing you a beautiful year of promises fullfilled, joys discovered and dreams come true. Happy Birthday!  And many, many happy returns. Love & Peace, Jess Bless.”—Bolex, my friend from Days with the Lord, na award-winning make-up artist ng Enteng Kabisote.

“Aliw na aliw daw sa iyo ang mga co-teachers ko kahapon. Happy Birthday.”—Ate Naty, ang pinsan kong teacher sa Obando Bulacan. GMA daw ang pinapanood ng 90% of Bulacan’s population. Taray!

“Sweet words are easy to say, sweet things are easy to buy, but sweet people are difficult to find. Good thing I found you, the sweetest of them all. Happy birthday teh.”—si Altaire ulit ng Showbiz Central. Ang sweet!

“Happy bday. Good health and more blessings.”—Tess of Star Magic. Isa siya sa abala sa post birthday celebration ko on July 26 sa Zirkoh, Timog.

“Hapi bday.”—Mark, Alan at Popoy na mga dating waiters ng GRAFFiTi.

“Hi Sweet! Happy bday! Sorry di kami makakapunta. Sick daughter namin. Pinadala ko now gift namin for u.”—Dr. Manny Calayan, na isang bonggang-bonggang LV bag ang gift sa akin. Suplada!

“Sweet ako may lagnat. Happy birthday kapatid. Labas tayo within the week.”—Candy Pangilinan.

“Nakatali pa po ako sir John sa scripts, may taping po kc kami tom sa Sweetlife. If in case di ako makahabol. Wish u po happy birthday.”—Stan, na writer ng paborito niyong “Don’t Lie To Me.”

“Hi birthday girl! I have Fulhaus taping tonight till tom na to.”—Pia Guanio.

“Happy Birthday darling. Maraming Salamat sa mga wigs. Sayang di ka nakanuod.”—Tuxqs, na friend kong nag-play sa Virgin Lab Fest ng CCP.

“Sweet hapi bday. Sorry di ako makarating bec my flu ako.”—Mark Anthony Fernandez.

“Happy birthday my true friend. I know u might think nawawala ako parati pero I wanna congratulate u. thank you for being real and true to me. I hope u understand me kung mali mali ako at wala ako pero one thing is for sure ur dear to me n am here for u kahit di mo bday mahal kita n makikipag away ako mapagtanggol ka lamang. Hapi bday stay succesful n sweet to me. Am ur true friend and I know u love me too. See u wen I get back babawi ako in anyway tau tau lang din naman in d end di mo napansin? lahat nalang magkasama tau concert ko talkshow ch2 movies lahat na kaya wag ka na magtampo ha.”—Sis Rufa Mae Quinto, na nag-show sa USA. Naku babawi ito sa regalo for sure. Exciting!

“Luv u. Alam mo yan. Enjoy ur day.”—Philip Lazaro ulit na mukhang bumabawi kasi hindi naka-attend ng sweet party ko.

“Hapi bady Swit. Mwah mwah. Huli man daw at magaling maihahabol din. Zwastakur Slinajar!”—Aiai delas Alas, na nagi-get ang mga gibberish ko kaya ayan ginagaya na ako. Hahaha.

Gusto ko din magpasalamat sa lahat ng mga kaibigan kong dumating sa birthday party ko. Si mareng Mosang at mga staff niya na nag-asikaso ng pagkatamis-tamis na party. Ang PEP na sina Karen, Erwin at Jocelyn, with Yas and Noel, who brought their cameras (penge ng pics ng party ko, please!). Ang mga staff ng Kim Samsoon na nanggaling pa sa Thanksgiving party ni Regine. Mga staff ng Showbiz Central na galing pa sa taping ng Sweet Life. Ang mga staff ng Star Magic. Mga dati kong staff sa GRAFFiTi. Mga friends kong bakla na taga ABS-CBN, theater, fashion, and parlor. Mga boyfriends ko sa Days with the Lord. My San Beda boyfriends. My Pusoy boyfriends. Ms. Carmi Martin, Eugene Domingo, Chris Martinez (director of Cinemalaya’s 100), Arthur Solinap, Jake Cuenca, Rafel Rosel and girlfriend Malaya, Mama Bec Soriano with Meryl & Mareng Mykee Martinez, Chokoleit, Vice Ganda at Anton Diva na humabol pa.

Salamat din sa lahat ng mga PEPsters na bumati sa akin dito. Sa mga patuloy naman na lumalait sa akin, humanda na kayo sa susunod kong entry entitled “Patol.” Sinasamantala niyo ang hindi ko pag-comment sa mga panglalait niyo. Konti lang kayo kaya ayaw ko na sanang patulan pero sobra na. Punong-puno ng anger, pain at angst ang mga talak niyo sa akin, to think na wala naman akong ginagawang masama sa inyo. Puwes, ipapadama ko sa inyo ang tunay na anger, pain at angst.

In the meantime, Happy Birthday To Me!

Tilian

Filed under: Events — admin at 8:50 pm on Tuesday, July 1, 2008

I was at the fashion house of Bing Cristobal on Roces Avenue, fitting my fabulous yellow gown for Sweetilicious, when one of his assistants told me that Kristine Hermosa was also there, fitting her gown for The Star Magic Ball.

16th anniversary na pala ng Star Magic. Like last year, may grand ball na naman for Star Magic talents and friends to celebrate our anniversary. I’ve been a Star Magic artist for eight years now.

Hindi pa ako nai-invite, nag-isip na ako agad ng isusuot. Hehehe. Inabisuhan ko agad ang stylist ko for Showbiz Central na si John Lozano to collaborate with my designer, Tatah Galias.

I finally got my invitation last Friday. Nag-meeting kasi kami ng ilang handlers sa Star Magic for my post birthday show entitled Happy Birthday To Me in Zirkoh Timog on July 26. Post siya kasi July 7 ang birthday ko. Nakaka-touch, sa dami ng pwedeng ipag-produce ng show na Star Magic artist, the handlers thought of me. It’s their first venture as show producers. Nakaka-touch. Please support them by watching the show. Tentative guests are The Coverboys, Cool Chix, and John Lloyd Cruz. Sana mag-ok lahat para masaya. For sure mapapatili kayo.

Ang taray ng invitation ng Star Magic Ball this year. May clear plaque sa loob para hindi magusot ang invite. Black and white ang dress code sa Grand Ballroom ng Edsa Shangrila Hotel last Sunday, June 29.

After the last day of Showbiz Central’s first Anniversary (by the way, that ge4nerated 15% rating against 8.8% of The Buzz; napatili ako sa rating!!!), dumiretso na ako sa ball. Sa Broadway Studio na ako nagbihis at doon na ko dinamitan ni John at Tatah. Black pointed shoes, black sleek pants at white futuristic coat ang outfit ko. Project!

I met up with my friend, direk Jojo Saguin. Siya ang direktor ng teen show na Astigs. Mahiyain si direk at Kapuso na ako, medyo aloof ako dahil di ko na ‘yon teritoryo, so bagay kaming magsabay, magkumare kasi. Nanghiram din kasi siya sa akin ng black tie to match his outfit.

Pagdating namin sa ballroom, sumalubong sa amin ang mga handlers at road managers ng Star Magic na lahat ay naka-black and white formal. Ang ganda ng mga girls and boy. Boy lang kasi my handler, Alan Real, ang only boy na handler. They asked us na dumaan daw kami sa red carpet for pictorial and video coverage. Sayang naman daw ang ganda namin. As usual, nag-decline si direk Jojo kasi mahiyain nga. Magpapaawat ba ako?

Rampa ako sa red carpet. Picture to death ang mga photographers sa akin. Pati ang mga video cameraman, kumuha ng footage ko habang rumarampa. Nakakatawa lang ang mga segment producers at segment hosts ng mga ABS-CBN shows na nag-cover ng event. Kasi isa-isa silang yumuyuko or umaalis dahil nahihiya siguro na sabihin sa akin na hindi nila ako iinterbyuhin since Kapuso na nga ako, or maybe ayaw lang talaga nila ako interbyuhin.

Anyway, ok lang naman sa akin. Natawa lang ako at nag-abala pa silang umiwas. Ang mga paparazzi naman ay hindi nagpaawat. “Sweet dito naman please,” “Sweet, who are you wearing,” “Project naman dito John!”

sweet.jpg

Pinagbigyan ko ang mga requests nila. Ako yata ang pinakamatagal sa red carpet other than the big stars of Star Magic like Piolo Pascual, Claudine Barretto, John Loyd Cruz, etc.

Sa dulo ng red carpet, si EJ of ABS Interactive ang sumalubong sa akin. Napatili ako. He is the producer of Sweetalk (2366) before and Ktext now (text Sweet On to 2366). Ang tagal naming hindi nagkita, to think na everyday kami magkasama at magkausap noon. We hugged each other. We missed each other. ‘Tapos pinakilala niya ako sa isang madir na naka-pang-ballroom outfit. Coordinator yata ng Edsa Shang. Gusto daw kasi akong makilala ng president ng Edsa Shang, na Malaysian, dahil naaliw sa pag-pose ko sa red carpet. Nagpa-picture pa with me si Mr. President and his wife. Say talaga ni wife, “Thank you. I am happy to meet famous Filipino.” O, di ba?

‘Tapos nakita ko na si direk Jojo with my former manager, Biboy Arboleda. Chikahan na kami agad at tuksuhan. Sumama pa si Joel Mercado na head writer ng ibang ABS-CBN shows at si direk Erick Salud. Then may kumalabit sa akin from behind. It’s my former boss, Deo Endrinal. Nagbeso-beso kami at nagyakapan.

Nasa dance floor ang tatay naming si Mr. M with some bagets. So lumapit muna ako sa kanya at nagbigay-pugay. He shook my hand (which we usually do ‘pag nagkikita kami) and said, “Buti naman nandito ka.”

Maya-mayang konti, sina Chokoleit at Pokwang naman ang nagbigay-pugay sa akin. Maganda ang suot ni Choko. Pinayuhan ko siya dati na mag-outfit sa mga ganoong showbiz event. Si Pokwang naman ay kakaiba ang look. May face paint siya sa mukha at mga crystals na parang character sa Dyesebel. Taray! Joke nga namin ni Choko, “Pokwang akala mo ba hindi kami natatawa sayo, bakit nag-ganyan ka pa?” Hahaha.

pokwang.jpg

As usual, nagbigay-pugay sa akin with matching yakap at kiss si Rafael Rosel and his girlfriend Malaya.

rafael-gf.jpg

Bumati rin ang consistently pleasant at marespetong si Gerard Anderson. Naturuan ng proper decorum ang batang ito. Clap, clap, clap.

gerald03.jpg

Magkaka-table kaming mga baklang magkakaibigan. Nagmistulang mga critics kami ng mga suits at gowns ng mga stars na nandoon. Applauded ang white gown ni Kristine Hermosa. Mala-prinsesa ang ex ni Diether.

kristine.jpg

Stunning din ang black and white gown ni Anne Curtis na dumating with her date Sam Milby.

anne-sam1.jpg

Siyempre, consistent na handsome and debonaire ang mga paborito kong sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

john-lloyd.jpg

Agaw-eksena naman ang pagdating ni Claudine Barretto with her husband Raymart Santiago. Nag-suplada si Claudine dahil red ang gown ng ate niyo. Ang ganda!

raymart-claudine.jpg

Personal favorite ko naman ang gown ni sister Jodi Santa Maria na black and white filipiniana-inspired.

jodi.jpg

Maya-mayang konti may narinig akong sumigaw ng “Sweet!” Si Ai-Ai delas Alas pala na buong lakas akong kinakawayan na tumabi sa table niya. E, diyos ko, mga executives ang katabi niya. Sinenyasan ko ang Star Awards Best Actress na doon lang muna ako sa table ko.

ai-ai01.jpg

After dinner, I found myself alone in our table. Umikot at nagyosi yata ang mga bakla. So tumabi muna ako sa kabilang table. Nandoon ang mga executive producers at production managers ng ABS-CBN, na mga kasama kong production staff noong araw. That time nga lang, medyo mababa pa ang mga posisyon nila at ako naman ay extra sa mga shows nila. Madalas nila akong ipa-extra sa mga shows na sila ang may hawak. Chikahan kami to death. Hindi nagpaawat yung isa. Say niya talaga, “Sweet, nakakatawa ka sa Showbiz Central. Ikaw ang lagi kong inabangan ko doon!” Bigla ko siyang sinenyasan na staff ng The Buzz yung isa naming katabi. “Ay sorry!” lang ang nasabi niya at sana hindi kami narinig. Hehehe.

Maya-mayang konti, tinabihan ako ni Ai-Ai delas Alas. Napansin niya siguro na hindi ako masyadong makaeksena at nahihiyang rumampa sa buong ballroom. Niyakap ko siya at binati ng congrats for winning the Best Actress trophy sa Star Awards. Di ba ako ang sidekick niya sa Cute ng Ina Mo na pinanalo niya?

Nag-dessert siya sa tabi ko at nag-chismisan kami nang bongang-bongga. Tawa lang kami ng tawa. Kung pwede ko lang ilagay dito ang pinag-usapan namin, malamang matawa din kayo or mapatili. Hahaha.

Party time na. Inuman at sayawan. Dumating na rin ang dalawa pa naming kumare. Si Roxy Liquigan na supervising producer ng The Buzz at business unit head na si Louie Andrada. We ended up staying in a stand-by area na pwedeng mag-yosi. Doon kami nag-chikahan at nag-inuman. Ang tagal kong hindi nakita ang mga kasamahan kong production staff noon. Na-miss namin ang isa’t-isa. Chikahan! Update ng mga personal na buhay! Kamustahan ng mga inaanak! Chismisan! Tawanan! Tilian!

Habang kumukuha ako ng drinks, bigla akong niyakap ni Jericho Rosales. Grabe, napatili ako. Bukod sa matagal kaming hindi nagkita, nagulat ako na um-attend siya sa Star Magic Ball. Di ba Genesis na siya ngayon? Bilib din ako sa talent ni Echo. He is one of the best actors of his generation. Sayang na-tengga. Alaskado nga ako sa mga bakla sa sobrang tagal ng yakapan namin. Say ng mga sisters ko, “Naku Echo huwag mo yakapin ‘yan, Kapuso na ‘yan.” Hahaha. Lalong hinigpitan ni Echo ang yakap niya sa akin.

echo.jpg

In between our chikahan may mga nag-uusap siyempre about their respective ABS-CBN shows. Nakalimutan yata ng mga kaibigan ko na Kapuso na ako or comfortable lang sila sa presence ko, so ako na ang kusang lumayo ‘pag work na ang pinag-uusapan nila. Maya-mayang konti, labasan na ng camera at picture-taking na kami. Maski mga taga-ABS-CBN sila, bihira din pala sila magkita-kita dahil busy sa mga kanya-kanyang work.

Mamayang konti, dumating si Deo at bitbit si John Lloyd. Tilian ang mga babae at bakla. Picture-taking to death. Ang mga loka, ginawa akong official photographer dahil Kapuso na nga daw ako. Oo nga naman. Kapalit naman noon, may solo shot ako with John Lloyd at sa iba pang artistang dinala ni Deo sa loob ng chika room na pinag-stayan namin. Lokohan ang mga bakla kung sino ang mukhang Mrs. Cruz, as in nanay ni John Lloyd. Hahaha.

After John Lloyd, si Piolo naman ang dinala ni Deo. Tilian na naman at tuksuhan kung sino si Mrs. Pascual. Hahaha.

piolo.jpg

‘Tapos si Jake Cuenca naman at Diet. Pucha, yung isang bakla, nagmukhang si Mila Ocampo (nanay ni Snooky) sa tabi ni Diet. Hahaha.

Then sina Zanjoe Marudo at Will Devaughn naman. Medyo napalakas ang tili ko nang makita ko si Will. Say ko talaga sa kanya, “Will, please tell Riza Santos to go home.” Hahaha.

will.jpg

Tapos si Sam Milby naman ang dinala ni Deo. Tilian na naman. Kasama nga lang si Anne Curtis. So hindi kami nakaeksena.

Ask ni Deo kung sino pa ang gusto naming ka-picture. Nag-request ako ng Gerard Anderson without Kim Chu. Pinagbigyan naman ako ni Deo pero ka-join nga lang si Kim.

Eto na, si Claudine with Raymart ang sinunod ni Deo. Tilian na naman. Hindi si Claudine ang tinilian but si Raymart. Ang guwapo, e. Siyempre gumanti ako ng punch line, say ko, “Hoy mga bakla Kapuso ‘yan.” Hindi nakasagot ang mga bakla. May isang nakaisip ng sagot, “Wala siyang show ngayon at showbiz royalty.” Oo nga naman. Pero siyempre, nagpa-picture din kami with Claudine. Ang ganda, e. Ang sweet ni Claudine, watch daw siya ng Don’t Lie To Me.

Finally, si Baron naman ang dinala ni Deo. Walang tumili.

baron.jpg

Napagod kami sa pagtili. Namaos nga ako. Bago umuwi, nagpunta muna ulit ako sa ballroom para mag-last look. I saw Kristine dancing with Diet. Ang sweet nila. Sina Anne at Sam, mas sweet. I saw some kids dancing sa stage. Si Dino Imperial nag-concert. May nakita akong tisoy na gwapo. Ask ko ang mga bakla kung sino ‘yon. ‘Yon daw yung Pinoy Big Brother teen na nagpatuli. Ang mga bakla, kinuhaan ako ng picture with him. Napatuli, este, tili ako ng konti.

Mahaba ang last look ko sa ballroom bago umalis. May nakita akong gwapo, maganda, karakter, suplada. Nakakita ako ng mga dating pangit ‘tapos gumanda at dating maganda na pumangit. Nakakita ako ng sikat, pasikat, laos at palaos. Nakakita ako ng mga dati kong crush, dating ka-work, dating kinabubwisitan at dating ka-close.

Ako lang ang Kapuso that night. Maliban kay Raymart na “royalty” naman daw. But I felt the warm welcome. Dahil ang mga dati kong kaibigan, mga kaibigan ko pa din. Tumili na ang may gusto.