“Sweet, ano’ng chismis?”

Filed under: Features — admin at 9:24 pm on Friday, June 27, 2008

I first met Regine Velasquez sa set ng Kailangan Ko’y Ikaw. First shooting day namin ‘yon. It’s the first movie kung saan ginamit ang pangalan kong Sweet. Tawag na kasi sa akin ng mga taga-ABS-CBN ang Sweet after our seminar. We were asked to describe ourselves, ‘tapos ang first letter of the adjective should follow the first letter of your first name. Nasa likod ang mga bakla noon so naubusan na kami ng adjectives. Since ako si Sheryl Cruz sa mga bakla, nag-joke ako na “Sweet Sheryl” na lang. Tawanan sila. Kasi nga kabaligtaran ng ugali ko noon ang Sweet. Hahaha.

Nagkikita na kami ni Regine sa ABS-CBN noon ‘pag naggiguest siya sa Sa Linggo Napo Sila or sa Showbiz Lingo, but we were never formally introduced. Fan lang ako ni Regine lalo na ‘pag tumitili siya. Kaya I was so excited when my fairy god mother Mel del Rosario called me up at isasama nga daw niya ako sa movie nina Robin at Regine. She wrote the first three movies I co-starred in prior to Kailangan Ko’y Ikaw. Ang mga titles: Pulubi at ang Prinsesa, Flames the Movie, at Kung Ayaw Mo, Wag Mo—all under the direction of Jerry Sineneng.

Sa isang malaking bahay sa Cainta, Rizal, ang first day shooting namin. Naka-motor pa lang ako noon na kulay pink. Nasa harap ko ang mga gamit at nasa likod ko ang PA kong si Francois (Fransuwa). Naloka si Regine when she found out na naka-motor lang ako. At lalo siyang naloka sa ginawa ko sa buhok ko for my look in the movie.

Nagpacrew-cut ako at nagpa-henna tattoo ng tribal, sa lower part ng ulo ko, na walang buhok. I change my look kasi sa lahat ng movies ko. Kasi naman, pare-pareho na ngang bakla ang role ko (except Masikip sa Dibdib), kaya dapat ibahin ko naman ang itsura ko. Ayan, tip na din sa mga bagets na artista na iisa ang itsura sa lahat ng pelikula.

Super fan din ni Regine ang PA ko noon na si Francois. Kaya naman super chika kay Regine ang bakla sa shooting namin. Kinantahan pa siya ni Regine ng “Happy Birthday,” kasi nataon na birthday niya that day. Acappella pero may tili ang version. Taray!

Madalas naman kasama ni Regine noon ang sister niyang si Deca. Siya yung may kakambal. Naglalaro kami ng tong-its sa set pag walang magawa. Si Regine naman, mahilig makibalita. Madalas niyang bungad sa akin, “Sweet anong chismis?” Ang problema, tengga ako noon dahil nag-resign ako sa Cristy Per Minute. Pag tengga naman ang Songbird sa set, drawing lang siya nang drawing ng mga mata or minimake-upan niya ang sarili niya. Masaya ang set namin kasi may pagkabaliw ang director naming si Bb. Joyce Bernal.

Eto na, nag-fade na ang henna tattoo sa ulo ko. E, ang mahal ng pa-henna noon. As in 3,000 pesos ang binayaran ko para sa look ko. Regine suggested na pentel pen na lang daw ang gamitin. Nanghiram siya ng pentel pen sa staff at siya mismo ang nagre-touch ng tattoo sa ulo ko. Nakakaloka kasi mas maganda pa yung gawa niya. Mahusay ang galaw ng kamay ni Regine. No wonder magaling siya mag make-up ng sarili niya at mag-drawing ng mga mata.

Naaliw ang Songbird. Pag break time, nilalagyan niya ng mga fake tattoo ang mga crew at staff ng shooting. As in minsan, nagdadala na siya ng pentel pen. Hahaha. Una si direk Joyce, ‘tapos si Francois, ‘tapos yung mga crew at staff na. Kadalasan sa kamay niya nilalagay. Yung parang sa Indian na henna tattoo.

Sa kalagitnaan ng shooting namin, nagkaroon ng concert si Regine sa Araneta. Yung R2K. Invited ako doon kasi we were suppossed to shoot a scene there for the movie. Hindi na umabot ang eksena so yung actual concert na lang ang kinunan. Makikita niyo ‘yon sa first part ng movie. Eto yung nakaharness siya at umaangat sa stage in her butterfly costume. Taray! After that concert, lahat yata ng mga shows, nag-harness na din.

Naalala ko noon, uso pa ang Nextel. Madalas ko ka-chika si Regine sa radio. Nakakaaliw, kasi fan lang ako pero kausap ko ang idol ko sa radio.

May show ako noon sa Primadiva sa taas ng Delta Theater entitled NanJohn Ka Na Naman. Narinig ni Regine na naghahanap ako ng guest. Nasa UP Theater kami noon para sa confrontation scene nila ni Robin. Say niya talaga, “Ako Sweet, ayaw mong i-guest?” Naloka ako. Ayun, nag-guest siya sa show ko. Ang daming tao. Siya lang yata ang pinuntahan.

Ito yung time na nagka-issue na sinabihan daw siya ni Mariah Carey ng “monkey.” Nakakatawa kasi si Mariah ang mukhang monkey. Kaya during my show in-spoof ko si Mariah at nag-duet kami ni Regine. “Total Eclipse” ang kinanta namin. Si Regine yung part na “Turn around” lang at ako talaga ang kumakanta. Tawanan ang mga tao. Pero pagdating sa “I really need you tonight” na super taas, siya na ang bumirit. Hahaha.

Nasundan pa yun, after a year, ng another guesting ni Regine sa live show ko sa Chatterbox noon Galleria entitled Hallowqueen. Obviously, Halloween that time. Lahat ng occasion noon, may show ako. Sweet Love pag Valentine’s day. Sweet Christmas pag pasko. Sweet New Year pag bagong taon. Jampacked ang audience pag guest ko ang Songbird. Hehehe.

Very memorable ang pelikulang Kailangan Ko’y Ikaw sa akin. Blockbuster ang pelikula when it was shown nationwide. Almost three months sa sinehan. Alam ko, until now isa siya sa mga all time box-office hit movies ng Viva films.

Lahat ng makakita sa akin that time, tinatawag na ako ng Sweet—boys, girls, baklas and tomboys. Nakilala ako ng mga tao na Sweet to think na wala akong regular show noon sa tv. Maski yata ang mga taga-GMA-7, na-watch ang movie. I got an offer from the Kapuso network that time. Isang talk show at isang sitcom daw. Nagpaalam ang manager ko that time na si Biboy Arboleda sa mga boss ng ABS-CBN na lilipat na nga daw ako sa GMA. Nag-counter offer sila at nagkaroon ako ng two shows sa Kapamilya Network in less than 24 hours—Arriba Arriba and The Buzz. Wow!

Regine and I remained in touch through radio. One time nag-radio sa akin si Deca at may concert daw si Ate (tawag nila kay Regine) sa Music Museum. Yung Reign. Binigyan niya ako ng two tickets. Nagulat ako when I saw the poster of Reign. ‘Yon yung mga mata na lagi niya dinodrawing sa set ng Kailangan Ko’y Ikaw.

Nalaos na ang Nextel so nawalan na kami ng communication ni Regine. We met again after two years sa set ng Pangarap Ko’y Ibigan Ka, na movie nila ni Christopher de Leon. Si Mother Mel ulit ang writer. Isa ako sa mga bestfriends ni Regine sa movie, together with Gladys Guevarra and Lara Fabregas. Ano nga ba ang chismis sa dalawang ito at nawala na? Anyway, pagkakita sa akin ni Regine sa first shooting day namin, she exclaimed, “Sweet anong chismis?”

Fast Forward. First day taping ko ng Ako si Kim Samsoon sa Tagaytay. I was so excited to be finally working again with the Songbird. This time, sa TV naman. Nag-abala na naman ako. Rebonded hair ang inabala kong buhok for my character Marcus. Isa siya sa magpapahirap ng buhay ni Kim Samsoon para lalo siyang mahalin ng masa. Couture vest and chunky accesories ang hinanda ko for visual effects.

Pinagdasal at pinanawagan ng mga fans ko dito sa PEP ang role ko na ito so hindi ko sila bibiguin. Finally, nagkita na kami ni Regine sa first scene namin together. Nakasuot siya ng fat suit at naka-full bangs at curly wig. When she saw me, ang say lang niya, “Sweet anong chismis?!”

Eto hindi chismis. Maliban kay Regine bilang Kim Samsoon at sa akin bilang Marcus, narito pa ang ibang cast ng Ako si Kim Samsoon na mapapanood niyo na sa Lunes, June 30, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Dyesebel.

Cyrus- played by Mark Anthony Fernandez, ang boss ni Samsoon na suplado at takot sa mommy.

11.jpg

Harvey- Wendell Ramos, ex-boyfriend ni Samsoon na hindi sumipot sa kanilang kasal.

21.jpg

Sonia- Tessie Tomas, ang bungangerang nanay ni Samsoon.

31.jpg

Mrs. Ruiz- Carmi Martin, ang mommy ni Cyrus na domineering at matapobre. Assistant niya ako bilang si Marcus.

41.jpg

Chef Dina- Eugene Domingo, ang nanay-nayan ni Cyrus.

51.jpg

Hannah- Nadine Samonte, ang ex-fiancee ni Cyrus.

6.jpg

Cherry- Pauleen Luna, ang fiancee ni Harvey, na dating classmate ni Samsoon.

7.jpg

Madami pa kaming makakasama sa Ako si Kim Samsoon. Madami pa kayong aabangang kwento at katatawanan dito. The next day sa office, school, sa batis habang naglalaba, plaza, palengke or sa kapit-bahay, madami kayong pag-uusapang chismis:

“Ang gwapo ni Mark Anthony! Nakakatawa si Eugene Domingo! Ang husay ni Regine mag-comedy! Grabe ang cast, ang huhusay! Kilig yung love team nina Jenica at Mart! Ang sama ng ugali ng character ni Carmi at Sweet! Nakakatawa! Nakakaiyak!”

At heto pa, sasalang daw si Regine sa “Don’t Lie To Me” sa Showbiz Central on Sunday! Grabe!!!

Ms. Singapore

Filed under: Features — admin at 4:58 pm on Tuesday, June 17, 2008

A few years ago sa Puerto Galera. Holy week. Kumpleto ang mga bakla. Isa ako sa mga huling dumating sa isla. Ang siste, lahat ng mga baklang nauna, nagpilian na pala ng country. Ang drama namin may Ms. Universe sa Puerto Galera. Dahil huli na nga ako, naubusan ako ng bonggang country. I mean, bongga na madalas manalo sa Ms. Universe.

Taken na ang Ms. Philippines, Venezuela, Puerto Rico, USA, Japan at India. Ang mga bakla na ang nagbigay sa akin ng country. Ako daw si Ms. Singapore! Hahaha. Pucha, talunan ‘yon sa Ms. Universe. Hahaha.

Pag naiisip ko ang Singapore, si Flor Contemplacion ang naaalala ko. Binitay siya doon for killing a baby and fellow Pinay Delia Maga. Ginawa pa ngang pelikula ni Ate Guy at Helen Gamboa. Other than that, wala na akong maisip. Basta ang alam ko madami tayong kababayan doon.

I was given the chance to entertain our kababayans in Singapore last Sunday, June 15. Independence Day celebration ng Pilipinas doon. Dinala kami nila Pops Fernandez, Dingdong Dantes at Freestyle ng Globe and their partner Singtel para aliwin ang mga Pinoy doon. First time ko pumunta ng Singapore.

Inggit ang una kong naramdaman when I saw Singapore. Nasa ere pa lang ang eroplano noon, since window seat ako, sumilip ako sa baba. Kaloka! Pinaliligiran ng mga halaman at puno ang airport ng Singapore. Wala akong nakitang squatters or maduming kanal.
Ang laki ng airport nila. Ang linis. Ang ganda.

Sinalubong kami ng isang Singaporean na tour guide. Kamukha siya ni Mother Lily so “Mother” na ang tawag ko sa kanya. Happy naman siya. Ang taray ni Mother, memorize niya ang bawat sikot ng Sinagpore. Lahat ng dinaanan namin, alam niya ang tawag. Super annotate siya sa microphone ng bus namin.

“On our left side is the Class A condo. Rich people in Singapore lives there. On the other side is the bay park. You could walk there anytime because we have very low crime rate. Only 4%.”

Kaloka! Nainggit na naman ako. 4%? Bukod sa hindi ko alam kung ilan ang exact percentage ng crime rate sa Pilipinas, ayaw ko na lang magsalita, kasi alam ko mas mataas ang sa atin. Napansin ko din na kaunti ang pulis at mga security guards sa buong Singapore. Pero bakit 4% lang ang crime rate?

Ayun! May death penalty nga pala sa Singapore. Naalala ko na naman si Flor. Death penalty daw ang parusa sa murder, robbery, kidnapping, drugs (depende sa dami ng nahuli) and prostitution (certain degree).

Kaya naman pala super linis ang Singapore, 1,000 Sing dollars (times 31 point something sa pera natin) ang multa sa sino mang mahuhuling nagkakalat ng basura. Bawal dumura at mag-yosi sa kung saan-saan. Bawal din daw ang bubble gum? Taray!

Bukod sa death penalty, matatakot ka talagang gumawa ng krimen dahil bawat kanto may camera. Bongga! Inggit na naman ako.

Atin-atin na lang ito mga kababayan. Nawala ang inggit ko nang makita ko ang itsura ng mga Sinagporean. Konti ang gwapo at maganda. Meron silang model na girl, na may hawak na lolipop (parang yung hawak ko sa “Sweetilicious” poster). May pagkalaki-laking billboard siya, e, mas maganda pa ako. Hehehe. Iba’t-ibang lahi pala ang mga Singaporean. May Chinese, Malaysian at Indonesian. Siguro pag nag-combine ang lahi nila, medyo hindi maganda ang result.

john.jpg

Caption: Siya yung sinasabi kong model. Makinis lang pero feeling ko, mas maganda ako. Hahaha.

At lalong nawala ang inggit ko nang marinig ko silang mag-English. “Singlish” daw ang tawag sa salita nila. Medyo hindi ko maintindihan, bukod pa sa matinis ang boses nila.
Na-proud ako bigla sa atin na ultimo mga batang kalye ay marunong mag-English with matching accent. Hahaha.

Super proud din ako sa mga Pinoy sa Singapore. Karamihan ng mga lalaki ay computer engineers at nagtatrabaho sa mga malalaking computer companies doon. Meron din mga engineers sa mga construction sites. In fairness, konti ang Pinoy na construction workers. Karamihan sa trabahador ay mga taga Nepal at India (para ding sa Dubai). Ang mga Pinay naman, karamihan ay nurse pero mas madami ang domestic helpers. Higit na pinagkakatiwalaan daw ang mga Pinay DH ng mga Singaporean dahil honest at masipag daw sila. Ang iba pa nating kababayan ay nagtatrabaho bilang seaman, hotel/restaurants personnel at sa mga malls. Mabuhay kayo!

Maraming Pinoy ang nagpuntahan sa Suntec City last Sunday. Kayod to death kasi ang mga kababayan natin doon kaya naman lumalabas talaga sila pag Sunday, lalo pa’t may Philippine Indipendence Day.

Punong-puno ang Atrium ng Suntec City Mall ng mga Pinoy. Umaga pa lang, madami ng tao. Tanging mga Pinoy lang daw (maliban sa mga Singaporean) ang nakakapuno ng isang malaking venue kapag may Independence Day celebration tayo doon.

with-pops.jpg

Caption: Dinumog kami sa Lucky Mall Doon ang tambayan ng mga Pinoy kasi nandoon ang mga Filipino stores at remittance service.

Kami ang huling nag-show last Sunday. Nauna ang TFC with Cesar Montano and Vice Ganda, then Smart with Nyoy Volante, then kami for Globe and Singtel. Kahit last kami, nag-antay ng buong araw ang mga kababayan natin para masilayan ang ganda ko. Hahaha.
Nakaka-touch na kilala pa din ako ng mga kababayan natin doon kahit mas madami ang may TFC keysa sa GMA Pinoy TV. Bago lang kasi ang GMA Pinoy TV doon pero madami na raw ang kumukuha dahil mas affordable.

Nagtilian ang mga girls and gays sa paglabas ni Dingdong Dantes. Siguro naguwapuhan sila kay Dong kahit ang iba sa kanila ay hindi pa naka-watch ng Marimar at Dyesebel. Pati nga mga lalaki ay napasigaw. Malamang magkuhaan na sila ng GMA Pinoy TV.

dingdong.jpg

Caption: Tilian sila kay Dingdong. Ako rin, napapatili!!! Hehe.

As usual, applauded ang Concert Queen, Pops Fernandez, na madalas mag-perform sa Singapore.

john-pops.jpg

Caption: Ang ganda ni Pops kahit walang make-up. Ako ba maganda rin kahit walang make-up?

Ang mini concert ng Freestyle ang tuluyan na nagpadagundong ng venue. Ang saya! Nakipagkantahan at sayawan ang mga kababayan natin sa saliw ng mga OPM hits na binanatan ng Freestyle. Galing!

Hindi ako masyadong nakapamili at nakaikot sa Singapore dahil sa tight ang schedule namin. Ok lang din naman kasi mas mura pa nga ang ibang shop dito sa Pilipinas keysa sa Singapore, to think na Great Singapore Sale nila. At updated din ang mga stocks ng mga international brands dito sa atin like Zara at Top Man. In fairness.

john-dingdong.jpg

caption: Ang guwapo ni Dong kahit puyat!

Eto na, bago ako umalis ng Singapore, bumalik ang inggit ko. Dahil sa krimen ang prostitution doon, wala daw Singaporean na hostess. Karamihan daw ay Russian and some, sadly, Pinay. Escort service daw ang tawag. Sa mga hotel ang meeting or sa kwarto na ng mga customers na karamihan ay businessmen from other countries.

Prangkahan na, may kakilala akong escort service na Pinay. Mga two to three months lang siya sa Singapore. May booking agent na siya doon na naghahanap ng customers for her. Hindi ko lang alam kung magkano nakukuha ng bugaw niya, I mean, booking agent pala.
Ang nakakaloka, alam mo at naririnig ang tungkol sa escort service sa Singapore, pero hindi mo sila nakikita. Wala sila sa kalye at pumapara ng mga sasakyan or sa mga clubs at nakapaskil ang mukha sa entrance tulad dito sa Pilipinas.

Ayaw kong magmalinis or mag-judge ng ibang tao, lalo na ng kababayan ko, pero sana hindi maapektuhan ng ilang Pinay na escort service ang mga kababayan natin na marangal ang trabaho.

Si Ate Edna na isang nurse. Tatlong taon na daw siya hindi umuuwi kasi sayang ang pamasahe.

Si Kuya Rollie, na humalik pa sa akin, na isang supervisor na engineer. Taray! May subordinate siyang Singaporean.

Si Manang Grace na 10 years na DH ng amo niyang Lebanese. Halos siya na daw ang nagpalaki sa panganay na anak ng amo niya. Hindi na niya natapos ang show namin kasi hinahanap na daw siya ng alaga niya.

Si Arjay na front desk staff ng Marina Mandarin Hotel. He even volunteered to show me around.

Si Von, na kinuha kong partner from the audience, at ang misis niya at anak.

Si Ate Imelda na sinamahan pa ang assistant ni Pops na mamili during our break.

Si Architect Alan Noel na kasama ko sa Teatro Tomasino, na doon na pala nakatira, kasama ang misis niya at dalawang anak.

Si Ate na pinsan daw ni Cesar Montano, na sinamahan pa ako habang inaantay ko ang mga kasama ko sa labas ng isang mall.

Si sister na bantay sa tindahan ng mga massage machines. Pinaupo muna niya ako at pina-try ng mga massage chair na tinda nila, kasi mukhang pagod daw ako sa kalalakad.

Yung kuya na mataba sa Starbucks na nagpa-picture pa sa akin at bumulong ng, “Maganda ka pala sa personal, Sweet.”

Yung guwapong photographer na kumindat pa sa akin.

Yung mga Kuya na bouncer namin last Sunday, na mga members daw ng Akrho Fraternity, Singapore chapter.

At lahat ng nagpunta at nag-watch ng show namin sa Suntec at sa lahat ng nakipagpa-picture sa amin.

Salamat sa inyo. Saludo ako sa inyo. Ipagdadasal ko kayo. Mabuhay kayo.

Naglakad-lakad ako near our hotel on our last night in Singapore.

view.jpg

Caption: Ang ganda ng pinag-stay-an namin. Marina Mandarin Hotel. Tatlo ang Mandarin sa Singapore. Taray!

Naki-jingle ako sa lobby ng hotel na nadaanan ko. May nakita akong kababayan nating babae na may kasamang foreigner. Halatang hindi sila close dahil hindi sila sabay maglakad. Inaantay nila ang elevator paakyat ng mga rooms.

I knew she was a Filipina dahil nakatingin siya sa akin and gave me the “parang kilala ko ito” look. Nang ako naman ang tumingin sa kanya at ngumiti, yumuko siya na parang hiya-hiya. Kumbaga sa Ms. Universe, siya si Ms. Singapore.

Joshua

Filed under: Features — admin at 2:55 pm on Wednesday, June 11, 2008

1.jpgI remembered meeting Kris Aquino for the first time sa shooting ng movie niyang Tasya Fantasya. Researcher pa lang ako noon sa Showbiz Lingo and I was assigned to take behind-the-scenes footage of Kris’s shooting. Sa isang kuweba pa yata ‘yon in Tanay, Rizal.

The next time I saw her was at the live telecast of Showbiz Lingo sa dating studio 8 ng ABS-CBN. Guest siya at si Aga, promoting their movie and si Mega at Binoe, promoting their movie as well. Maging Sino Ka Man ang pinopromote nina Mega at Binoe, yung kina Kris at Aga ay nakalimutan ko na. Basta ayun yung kasama nila sina Goma at Ruffa.

Naglokohan pa silang apat that Sunday dahil tinutukso nina Aga at Mega sina Kris at Binoe dahil mag-ex nga daw ito. Naalala ko, nagpalit pa ng upuan sina Mega at Binoe para makatabi ni Kris si Binoe. Super taas ng rating ng Showbiz Lingo that Sunday. As in.

After their live guesting, lumapit ako agad kay Mega to escort her palabas ng studio, I ussually do this for her and Marya. To my surprise, nilapitan ako ni Kris saying, “Hi John Lapus!” Nagulat ako na alam niya ang pangalan ko. I did’t even introduced myself when I saw her the last time sa shooting niya. Wow!

She eventually joined GMA via Startalk. Host siya, kasama sina Tito Boy at Tita Lolit. Grabe, si Tita Lolit na lang natira ngayon. It was in Startalk that I first saw Joshua on TV. Comeback ni Kris sa show after giving birth at buhat niya talaga si Josh who was then a few months old.

After a few months, naglabasan na ang balita na lilipat na si Kris sa ABS-CBN. I got a confirmation of the said rumor when my former boss, Deo Endrinal, asked me to be one of the staff in Kris’s would-be show. I told him na baka hindi ko na kayanin kasi ngarag na ako sa pagiging staffer at starlet at the same time. Say niya, requested daw ako ni Kris to be a part of her show at madali lang daw ang gagawin ko—audience jester daw, ano ‘yon?

Galing si Deo sa Amerika that time at nag-watch siya ng live show ng Oprah sa Chicago. Sosyal! Before daw nag-start ang show ni Oprah, may baklang nang-aaliw at nagbi-brief ng audience. So bago pa man pumasok si Oprah sa studio, alive na ang audience at super saya. Yun pala ang audience jester. Well, sa States, ang tawag audience director. Hahaha.
And that was it. I became part of the staff of Today with Kris Aquino as the first ever audience jester in the Philippines. Taray! Ginagawa na ngayon ‘yan sa halos lahat ng talk at variety shows natin.

Joshua just turned 1 then. Minsan, dinadala siya ni Kris sa studio pag sumasama. After ko aliwin ang audience, pupunta na ako sa dressing room ni Kris para aliwin naman si Josh. For some strange reason or magic, type na type ako ni Josh. Sa akin lang siya sumasama among the ABS-CBN staff that time, at sa Ninang Gia Gachitorena niya, who was the executive producer of Today with Kris (request din siya ni Kris).

Pag wala naman akong work, sumasama ako sa bahay nila after our live show. Ang siste, from its 4:00 p.m. time slot, nilipat ang Today with Kris sa umaga. Gosh, hirap ako gumising ng umaga since night person nga ako. Nag-resign ako sa show eventually. But Kris, Josh, and I remained friends. Pati ang mga drivers na sina Kuya Mario at Kuya Eddie, ka-chika ko na. Of course si Yaya Ana ni Josh at si Ate Mel na cook.

Hindi muna sinabi sa amin ni Kris noon that Josh have ADHD (Attention-deficit Hyperactivity Disorder), I knew then that something was different about Josh. Akala ko nga noon, he was deaf and mute like my eldest nephew Kenneth. Mali ako, Joshua is a special child. Special!

Eventually, naghiwalay sina Kris at Kuya Ipe. So maliban sa mga drivers, I was one of the few male persons na madalas nakikita ni Josh. Eventually, given that boys will be boys and Joshua has ADHD, imagine niyo na lang the combination. He would sometimes cry na hindi namin alam kung bakit. He would eat a lot kahit alam mong busog na. He would be very naughty, as his Yaya Ana would put it.

Again, for some strange reason or magic, nakikinig sa akin si Josh. Minsan siguro, may halong takot. Pag kasama niya si Tito John, hindi siya naughty. He is afraid of me, but he wants to be with me. When we realized that, Kris would constantly invite me sa bahay niya or she would call me sa phone (dahil sa boses ko pa lang takot na si Josh) or ako na mismo ang dumadalaw sa kanila. Super love ni Josh ang pink kong motor. Hahaha.

Since then, I became a constant person in Joshua’s life, and he also is to mine. Pag naughty si Josh, magagalit si Tito John. Pag busog na pero kumakain pa, tatawagan si Tito John. Pag ayaw mag-behave, papupuntahin si Tito John. Tito John became Joshua’s disciplinarian. Pangalan pa lang, dapat mag-behave na siya.

I remembered the day that I realized Josh has grown. Nasa lumang bahay nila sa may E. Rodriguez kami. May usual chikahan kami ni Ganda (by this time Ganda na ang tawag ko kay Kris). Nakatulog si Josh sa sala, e, nasa second floor ang room niya. Usually, nabubuhat ko siya by myself, but that night, apat kaming bumuhat—sina Yaya Ana at Ate Mel sa dalawang paa, at kami ni Ganda sa dalawang kamay. Tawa kami ng tawa nun. In fairness, hindi mahilig kumain ng rice si Josh at thank god, matangkad siya so proportioned pa din ang katawan niya kahit papaano.

Mahilig si Josh mag-swimming. Grabe, super galing niya lumangoy! One time, nasa bahay kami ni Tito Boy sa Lipa, biglang tumalon si Josh sa deep end ng swimming pool. Napasigaw ako! Aba, biglang lumutang si Monster (tawag dati ni Kris kay Josh) at pinagtawanan ako. Parang little balyena siyang naglangoy-langoy sa harapan ko. Hahaha.

Ang galing ni Josh mag-piano. Pag may narinig siyang sound, he would remember it. Grabe din ang memory niya sa names. Kahit matagal na niyang hindi nakita ang isang tao, he would remember the name of that person.

Matanda lang ang second to the youngest nephew ko ng two years kay Josh. Kuya Sebastian ang tawag niya. Pero mas matangkad si Josh kay Kuya Sebastian. Pag may program si Josh sa school, nagwa-watch kami. Ang cute ni Josh mag-perform. Gusto niyang nakakakita ng familiar face sa audience whenever he performs. Pag nakita na niya kami, gaganahan na ‘yon. In fairness, si Kuya Luther na classmate niya ang pinakamalaki sa klase. Hehehe.

Siyempre pa, kami ni Ganda ang naghatid kay Josh sa altar during his first communion. Super practice kami ng pagsagot niya ng “Amen” pag sinabi ng priest ang “Body of Christ.” Nag-behave naman si Josh. Kakatawa lang kasi puro bakla kaming bisita niya that time. Hahaha.

Remember yung San-San commercial ni Ganda na hinawakan siya ni Josh sa face? Ako nag-direk kay Josh noon. Nakaraket pa ako, salamat kina Ganda at Josh. Hehehe.
Tinuli na si Josh last month. Siyempre pa, dumalaw ako sa ospital the night before kasi daw natatakot. Sinama ko si Kuya Sebastian to tell him that, “Circumcision is ok, hindi masakit.”

We celebrated Joshua’s 13th birthday last Wednesday, June 4, in Boracay. Kris made sure that Kuya Josh will have his special day. Sinabi nga ni Ganda sa exclusive interview ko sa kanya last week sa Showbiz Central, noong ipinanganak si Baby James, gusto ni Josh ipabalik sa tiyan ni Kris. Hahaha. But now, Joshua treats Baby James as a little brother.

Kuya na talaga si Josh. We can communicate na with Josh very well and we can already understand the things that he is saying. At marunong na siyang magsulat ng name niya. Wow! Nag-pay off ang consistent speech therapy and schooling ni Josh. Kris is determined to give Joshua the best care that he deserves.

Nag-enjoy si Josh sa Barney-themed party niya sa Discovery Shores, sa fire works that Kris really requested for him, and sa food na hinanda. But other than that, mas na-appreciate ni Josh that we were all there for him. It was his special day, and he is one special kid.

1.jpg

Caption: Kasama na kami ni Josh pero may personal invite pa kami for his Barney-themed party.

5.jpg

Caption: Sa plane pa lang going to Bora, excited na si Josh. Binati pa siya ng  pilot at  nagbigay ng cake ang stewardess. Kumandong sa akin si baby James pag-take off. Ang cute!

3.jpg

Captions: Lahat ng favorites ni Josh, nasa birthday party niya: Barney, spaghetti, ice cream, and cake. Si Baby James, happy din.

2.jpg

Caption: Kasama din namin sina Pia at Tiger, na super favorite cousins ni Josh. Kids sila ni pretty Ninang Rinzy, na favorite ninang ni Josh.

4.jpg

Caption: Magkayakap sina Kris at Josh during fireworks. Sweet!

I’m sure napi-feel ni Joshua ang love na ibinibigay sa kanya ng mga tao sa paligid niya. He would usually kiss us or say “I love you and thank you” kahit hindi namin hinihingi. Hindi ko lang alam kung napi-feel niya how he touches our lives. Mine specially. Knowing and understanding Josh make me become appreciative of the things and people in my surroundings, and the kind of life that I’m living.

Minsan naughty ako (bad pa nga). Kahit may nagsasaway sa akin hindi ako nakikinig. Minsan busog na ako pero gusto ko pa. Minsan panay ang reklamo ko. Wala naman akong ADHD.

HAPPY BIRTHDAY, JOSHUA! TITO JOHN LOVES YOU VERY MUCH!

A taste of Sweetilicious

Filed under: Features — admin at 5:54 pm on Wednesday, June 4, 2008

Sorry! Super busy because of Sweetilicious, kaya eto, now lang me magpo-post ng entry. Maraming salamat sa lahat ng mga nag-watch: To Primecast Events and Toblerone for co-presenting the show and to GMA-7, Bench, Calayan Surgicentre, Hairwatch Salon, Bing Cristobal Hauz of Fashion, Tang, Eden Singles, Nescafe, Aryel Dulay fashion line, Yes.FM, and PEP.

Congratulations din sa mga PEPsters na nag-win ng tickets to my show, I hope nag-enjoy kayo.

I would also like to thank my guests. Si Jay-R who cut short his vacation just to guest in Sweetilicious. Si Janno Gibbs na kahit maaga siya sa SOP the next day, e, nag-guest pa rin, not to mention the fact na siya ang unang nag-confirm sa mga male guests ko. Kay Dingdong Dantes, na nagpaalam pa sa taping ng Dyesebel sa Subic at bumalik pa after masalang sa Music Museum. Wow!

Nagtanong daw ang handler ni Jay-R kung magkano ang honorarium, I told our guest coordinator to tell him na maliit lang pero kapalit nito ang habang buhay na utang na loob ko sa lahat ng guest ko. Yun na!

Gusto ko din pasalamatan ang mga kaibigan kong nag-watch. Mga baklang ABS-CBN (Directors Wenn, Don, Ruel, Jojo), Eugene Domingo, Vice Ganda, DJ Durano, Ms. Teysi Tomas and Ka Roger, Raymond Gutierrez with Bubbles Paraiso, and Mommy Carol Santos na mommy ni Juday. My Family—Nanay, Ate, at ang aking limang pamangkin, including one-year-old Mary Faith. At ang aking mga fans—The Solid Sweet, The Liquid Sweet, and The Gaseous Sweet. Hahaha!

Madaming nagre-request na i-post ko dito ang video ng show, but unfortunately, hindi pwede kasi we might have a repeat, the Sweet2licious! Please pray na matuloy at makahanap kami ng new sponsors. Sana mag-watch kayo if ever. Pwedeng mag-watch ulit ang mga naka-watch na kasi knowing me, babaguhin ko ang line-up ko. Maldita! Kaya eto, mga pics muna c/o Noel Orsal, PEP’s photographer.

_mg_8016.jpg

_mg_8079.jpg

_mg_8162.jpg

_mg_8249.jpg

To give you a taste of Sweetilicious, I am posting some parts of my opening monologue. Sinadya kong bitinin para hanap-hanapin niyo ang lasa. Hahaha! (Read more… )

 

Advertisement