For weeks now, I have been preparing for a bonggang-bonggang entry for “Korek ka John’s (Year 2).”
I was in my Imbiyerna mood
during my preparation. I even researched and interviewed some people who could possibly be an accomplice to my rampage. I thought unleashing my anger and mang-okray could be a good idea for my next entry
Magaling yata ako doon.
But I had a sudden change of heart.
I accepted the movie Shake, Rattle and Roll 9 because of my friend Paul Daza. Nagkatrabaho kami noon sa Star Cinema.
His mom, Tita Julie Yap Daza, was very sweet to me during those few times I made a guesting in her show before. His sister, Pat-P Daza, was also consistently pleasant to me when she was still part of ABS-CBN’s Corporate Communications.
But other than those reasons, I know and feel that Paul believes in my talent. So when I got a call from him, requesting me to be a part of his directorial debut as commercial film director, I did not hesitate to say yes.
Pinalabas ang SRR9 last December sa MMFF and it ranked third when it comes to ticket sales. Some of you may have noticed that in a previous entry, nagparinig na ako sa Regal Films kasi wala pa din akong bayad.
In fairness, I already got my talent fee last week. But from the time na ipinalabas ang pelikula until last week, na hindi ko pa nakukuha ang sweldo ko, I was curious. Very curious. Bakit nga ba na delayed ang sweldo ko?
I asked around. I did some research. To my surprise, mas madami pa akong tanong na narinig.
Bakit ang ibang mga batikang actress, na nakapagtrabaho na sa Regal Films, nagdadala ng sarili nilang pagkain sa set?
Bakit kailangan pang i-back-up ni award winning actress ang friend kong comedienne para lang mabayaran siya agad sa movie na ginawa nila?
Bakit si Rustom daw, e, after a year pa nabayaran sa Zsa Zsa Zaturnnah? Si Chokoleit naman daw, from 200,000 pesos, e, naging 90,000 pesos na lang daw ang talent fee, bakit? Si Dominic Ochoa din daw, may super delayed na bayad ang Regal?
Bakit meron akong mga kaibigang director, production designer, at cinematographer na ayaw gumawa ng movie sa Regal?
Bakit daw ang ibang suppliers ng extras sa pelikula, ayaw mag-service sa Regal?
Bakit yung mga dating Regal babies, parang ayaw na din gumawa ng movie with Mother Lily?
Bakit nga ba hindi na raw part ng Regal ang anak ni Mother na si Dondon?
Sino ba ang nagsimula ng mga pelikulang pito-pito (movies done in only seven days) na isa sa naging dahilan ng pagbagsak ng movie industry?
Mahirap na ba si Mother Lily? E, bakit pa siya nagpo-produce?
Halos pare-pareho ang mga sagot ng mga pinagtanungan ko sa mga nabanggit na tanong.
But I would just dwell on my own personal experience.
Jean Garcia is one of those actresses na nagdadala ng baon sa set kapag movie sa Regal ang gagawin niya. Medyo tipid daw kasi ang Regal sa food, so instead na magreklamo, nagbabaon na lang siya. I asked her, “Why do a movie with Regal in the first place?” Without batting an eyelash, she answered, “My God Sweet, malaki ang utang na loob ko diyan. Remember, siya ang producer ng launching movie kong Impaktita!”
She further said na ‘pag sa Regal daw ang pelikulang gagawin niya, tatanungin lang niya ang role niya at hihingi lang siya ng script, go na. Hindi na daw siya nagtatanong ng talent fee at kung kailan makukuha.
I’ve been hearing some stories in the past, na ‘pag nag-claim ka daw sa Regal ng tseke, tatlo lang ang usual na sagot ng mga cashier: “Friday po ang kuhanan,” “Wala pa pong pirma ni Mader,” “Mainit ang ulo ni Mader.” I personally experienced and heard the first two pero natawa na lang ako, kasi totoo pala ang chismis. Ang hindi ko alam, ‘pag sinasabi ito ng cashier face to face, you will see in her eyes na sad din siya kasi wala pa nga ang tseke mo and wala naman siyang magawa.
During the shooting of Pedrong Palad (the movie which I didn’t include in my filmography), SRR9, and Love is All That Matters (working title of the movie I just finished shooting with Regal last Thursday)—I have seen and heard staff, crew, and artist (oh yes, kasama na ako) talking about Mother Lily.
Some are funny stories of her kakuriputan at pagtitipid, but others are worse. Yung iba, minumura na siya. Blaming her sa mga kapalpakan na nagaganap sa set. Mainit ang ulo ng iba dahil gutom na daw sila at walang pa-breakfast sa shooting. Yung iba, bwiset na sa antok kasi almost 24 hours na nagwo-work dahil may deadline ang pelikula. Some of them believe na alam ni Mother na nahihirapan na sila but she doesn’t care. They are angry at Mother Lily!
It was then that I had a change of heart. Yung inis ko sa Regal for delaying my talent fee for SRR9, naging awa. Yung awa ko, naging lungkot. I wanted to emphatize with Mother Lily. I wanted to hug her.
I remembered her speech during her birthday special in SOP. It went something like, “Kahit hindi na ako kumita basta makagawa lang ng pelikula.” She just love to help the industry by producing movies.
Oo nga naman. Maliban sa Star Cinema, Viva Films, and GMA Films, ano pa ba ang local major film company ngayon?
Kung wala si Mother, papaano mabibigyan ng launching movie ang mga teen stars like Aljur Abrenica and Kris Bernal, na napakahuhusay na mga bata? Maski love team nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, si Mother din ang nagbigay ng chance ‘di ba?
Who would give the opportunity to my friend, Don Cuaresma, to direct his first full length movie Love is All That Matters? My God! Napakahusay mag-direk ng kaibigan kong ito.
Sino pa ba, maliban kay Mother, ang gagawa ng pelikulang dedicated entirely sa kabaklaan (Manay Po 1 and 2)? E, yun ngang Zsa Zsa Zaturnnah na comics, sold out pero si Mother lang ang nakaisip na bilhin para gawing pelikula.
Hindi ba si Mother din ang nakaisip na gawan ng pelikula sina Juday at Gladys noong kasagsagan ng Mara Clara?
No wonder gumagawa pa din ang mga big stars ng pelikula with Mother Lily. Malaki siguro ang utang na loob nila or maganda talaga yung project.
Noong una, naisip ko, wala naman akong utang na loob kay Mother Lily ‘no. Tinanggap ko lang naman ang Love is All That Matters dahil kay Direk Don at napakaganda ng role ko.
But I remembered, siya nga pala ang nag-produce ng mga pelikula ni Maricel Soriano na hinangaan ko mula pagkabata. Mga pelikulang ginagaya ko ang mga eksena ng aking idolo at nagmulat sa akin sa pagiging bakla.
Si Mother nga pala ang producer ng Temptation Island na sa sobrang campy, e, nakakatawa. Sa sobrang nakakatawa ng pelikulang ‘yan, ginawa pa naming stage play. Eto at may special screening pa sa Boracay next week.
Si Mother nga pala ang co-producer ng Star Cinema during the latter’s infancy stage. E, hindi ba sa Star Cinema ako nagkaroon ng launching movie at iba pang movies that followed?
Ay, si Mother din pala ang producer ng Bala at Lipistik starring Roderick Paulate. Nag-extra ako doon. First movie appearance ko at, take note, may close-up ako.
I almost forgot, si Mother Lily nga pala ang naglibre sa aming mga Showbiz Lingo staff noon papuntang Hong Kong. Gosh, first time ko mag-out of the country. Thanks, Mother.
Two weeks ago, dumalaw siya sa shooting namin. Favorite daw niya ako at ang show ko. Hindi niya mabanggit ang name ko at ang title ng Showbiz Central pero pwede na ‘yon. Thanks ulit, Mother.
Now I realized, ok lang na na-delay ang sweldo ko sa SRR9. ‘Pag na-delay ulit ang sweldo ko for Love is All That Matters, ok pa din. Basta bayaran lang ako, ha.
Just like what she said, mahal nga ni Mother Lily ang Philippine Showbiz industry. Sa sobrang pagmamahal niya, she would still do movies to give breaks and chances to new directors and budding actors. Wala siyang paki kung pag-usapan man siya behind her back. Bongga ka, Mother! 
Eto pa ang isang change of heart that happened last Friday. Nagsimula sa isang text na natanggap ko from 09162146434. Wala siya sa contacts ko so pangalanan na lang natin siya ng “Baliw.”
Baliw: Pahingi po ng # ni dingdong dantes! Thanks! Wait ko po now!
JOHN: Ha? Sino po ‘to?
Baliw: Si pawpaw po. thanks po. wait ko po # ni dingdong dantes.
JOHN: Pawpaw who?
Baliw: Pawpaw Castro. Wer na po # ni Dingdong?
JOHN: Hi, Pawpaw. Sa’n tayo nag-meet?
Baliw: i dont know kung natatandaan mo pa. pls yung # ni dingdong. i wont tell naman na ikaw ang nagbigay sa akin. pls po.
JOHN: Sorry, I don’t remember you.
Baliw: wer na po # ni dingdong? para di na kita istorbo.
JOHN: San ba tayo nag-meet dear?
Baliw: Sa gma last january! yung # ni dingdong.
JOHN: Sino nagpakilala sa atin?
Baliw: Walang nagpakilala. Sa set ng showbiz central. nagcongrats pa nga ako, sabi mo, thanks pasyal kayo ulit. yung # ni dingdong pls.
JOHN: San mo nakuha ang number ko?
Baliw: sa gma. hindi ko kilala, di naman ako taga-gma. nanonood lang ako. malay ko naman sa mga nagwowork sa gma. cge na po yung # ni dingdong. pls.
By this time hindi ko na siya sinagot. Nakaramdam na ako ng kabaliwan. Nagpa-make-up na lang ako in time for my guesting sa birthday show ni Vice Ganda that night. Then suddenly, sunud-sunod na text ang dumating sa akin. Mga 30 plus with the same message.
Baliw: wer na po ni dingdong? kanina pa po ako wait.
Naloka ako! Pwede pala ‘yon? Sabi ng assistant ko, may gano’n unit daw ang Ericsson. So sinagot ko na naman ang baliw. As in pumatol talaga ako sa sobrang inis. Warla!
JOHN: Dear, wag naman ganyan. Hindi ko alam ang number ni Dingdong at kung alam ko man hindi ko ibibigay sa ‘yo kasi parang baliw ka.
Sumagot ang bruha. Paulit-ulit na naman.
Baliw: O cge. # na lang ni Dennis Trillo at Alfred Vargas.
‘Di ba baliw?! By this time, gigil na gigil na ako. Kaya tumawag na ako sa 188, ang service number for Globe Platinum subscribers. I explained to them my predicament and asked them kung pwede bang putulan ang baliw ng linya. Hindi daw pwede kasi nga prepaid ang number at NTC lang daw ang pwede gumawa non. So nag-request na lang ako na kung pwede, padalan ng warning. Globe agreed. After a few minutes, eto naman ang text niya.
Baliw: wag ka nga magsumbong sa globe. akala ko ba matapang ka at walang inuurungan? simpleng text lang nagsusumbong ka na kung kanino.
Napagod na ako sa pagpatol sa kanya at sumalang na sa show ni Vice. Hindi ko na siya sinagot since then, pero panay ang missed call niya. Eto pa ang iba niyang text since yesterday.
Baliw: ayaw mo kasi bigay # ni dingdong ayan tuloy nasira ang gabi mo, may show ka pa naman ngayon.
si sweet ka. kung wala kang number ni dingdong magagawan mo ng paraan.
piliin mo pagmamalditahan mo! hindi lahat ng tao makakaya mong awayin. ikaw ito nag umpisa ng away. tandaan mo yan.
para nanghihingi lang ng # ni dingdong, dennis at alfred. nagmamaldita ka na. imbes na di kita guluhin mapapraning ka sa panggugulo ko.
cge pahinga ka na muna! mamaya guguluhin kita ulit. kawawa ka naman. kailangan mo rin ng pahinga. remember ikaw ang nag umpisa ng away. ayaw sana kita guluhin.
hoy sweet humanda ka bukas. mas guguluhin pa kita. aaraw arawin na kita! seryosohin mo, panggugulo ko sayo. tandaan mo yan.
At tinupad nga niya ang pangako niya. Until now, nagmi-missed call siya sa akin every 2 minutes. Walang pagitan halos. Matatapos ng 3:00 am pero magsisimula ulit ng 7:00 am.
Yung inis ko naging awa. Naawa ako sa konseptong, may mga taong tulad niya ang nag-aabala para lang makainis ng ibang tao. Hindi na yata natutulog at kahit habang kumakain mini-missed call ako. Kawawa naman. Baliw na talaga. ‘Tapos na-offend nang sabihang kong baliw. Oh my! Hahaha. Kawawa.