| Register

Girlfriend

Filed under: Features — admin at 2:13 pm on Thursday, March 27, 2008

Lahat ng bakla, may girlfriend or kaibigang babae. For obvious reasons, mas comfortable kami chumika sa mga girls keysa sa mga boys.

Karamihan din daw ng mga babae, may kaibigang bakla. Usually, confidant, fashion consultant, hairdresser or make-up artist ng mga babae ang mga gay friends nila.

Sabi ng girlfriend kong historian, malamang daw may kaibigang bakla si Cleopatra noon. At ang bading na ito ang nag-iisip ng look niya every day. Si Queen Elizabeth din daw, e, malamang may baklang taga-ayos at naglalagay ng white powder sa mukha niya.

Si Oprah, aminadong madaming friend na bading.

Si Grace, may Will sa Will and Grace. Si Karen, may Jack sa Will and Grace.

Si Stella Marquez-Araneta, laging ka-join si Pitoy Moreno sa Bb. Pilipinas. Ewan ko lang kung nag-agree si Pitoy sa mga winners this year.

Si Ming Ramos, binigyan pa ng TV show si Mama Ricky Reyes. Ang laking ganda daw ng Lola Ming mo ‘pag inaayusan ni Mama Ricky.

Love at first sight ang drama nina Maricel Soriano at James Cooper. Alam ko pagdating dito ni Tia Magda (tawag ko kay Tito James) from the USA, si Marya ang first celebrity na inayusan niya. Until now, si Tia Magda pa din ang nagmimake-up kay Marya sa mga commercials.

Si Sharon Cuneta, automatic na yatang make-up artist si Tita Fanny. Kahit sa mga tour ng Megastar sa ibang bansa, join si TF. Maski ang mga magazine cover ni Mega, si TF pa din. Gosh, ‘80s pa ay mag-girlfriend na sila.

Si Kris, matagal-tagal na din na inaayusan ni Bambi Fuentes.

Si Tessie Tomas, simula noong madiskubre si Jon Santos noon sa UP, lagi na niyang guest.

Si Jaya, co-host at kumare si Allan K.

Maski si sister Jolina, sister din ang best friend sa tunay na buhay, si Jepoy.

Madalas naman daw kasama ni Marian Rivera ang kanyang manager at mentor na si Popoy. Hinalikan at niyakap pa nga ni Marian si Popoy sa finale ng Marimar. (Read more… )

Bugs and Insects

Filed under: Features — admin at 9:15 am on Monday, March 17, 2008

My very good friend, Kris Aquino, invited me last Wednesday to watch Joshua’s school musical.  I told her magpapaalam ako sa shooting ko ng Love is All that Matters since naka-block off ang Saturdays ko for the movie. I would love to watch that musical. I know naman na papayagan ako ng Regal Films and direk Don Cuaresma kung aalis ako sandali.

Akala ko sa school lang ni Josh, na Multiple Intelligence, ang show. To my surprise, sa AFP Theater daw ito at two days pa, March 15 and 16.  Alam ni Ganda (yan ang tawag ko kay Kris) na hindi ako pwede ‘pag Sunday, since may Showbiz Central, so she got me a ticket for the Saturday show. Hindi din kasi siya makaka-watch that day dahil may prior commitment na siya. Josh is usually comfortable to perform ‘pag may nakikitang kilala sa audience.  She watched the Sunday show with Papa James.

March 15, Saturday, na-pack up ang shooting ko. At least, hindi ako magmamadali at mai-stress kung may shooting pa ako before watching the play.

It was me, Yaya Ana, Ate Mel, and Yaya Jane with Baby James na naging supporters ni Josh that day. Behave si Baby James at naaaliw sa mga ilaw at costumes ng mga kids.

Ang cute ng mga students ng Multiple Intelligence in their costumes. Ang ganda ng set design at lights. Fabulous ang mga production numbers ng mga kids. They were all having fun. Punung-puno din ang AFP theater that night. Mostly mga family members ng mga students ang nag-watch. We were all having fun sa mga production numbers ng mga kids. Palakpakan ang buong theater sa bawat musical number. The play was a huge success.

The Amazing SpiderMa ang title ng musical. It was about celebrating the triumph of being different. Nangyari ang buong play sa Shrub Club, a bustling community of insects and bugs. May ants, centipede, flies, bees, lady bugs, cicadas, caterpillar, tick at mantis.  Nag-focus ang story kay SpiderMa and Cockroth., isang gagamba at ipis na nilait at inapi ng buong bug community dahil iba ang itsura at lifestyle nila.

Madaming mata, tahimik at gumagawa lang ng web si SpiderMa. Si Cockroth naman ay mabaho at kumakain ng basura. Pareho silang inokray ng ibang  bugs and insects pero si SpiderMa decided to keep quiet and mind her own business. Si Cockroth naman, naghiganti sa pamamagitan ng pagnanakaw ng food supplies ng mga bugs. The spider decided to forgive and help the other bugs, but the cockroach decided to take revenge.  The play had taught the kids that even if others are different, they should not be treated differently.

Ang showbiz, para din Shurb Club.

May flies. Mga langaw na dumadapo sa kung saan-saan. Kadalasang nakikita na umaaligid sa mga sikat. Mamamatay sila ‘pag walang dinapuan. Pero tulad ng langaw, hindi nila kayang mangagat. Lipad lang ng lipad. Minsan naiinis kami, natatakot or nandidiri, pero hindi nila kami kayang saktan.

May centipede. Ang daming paa pero ang bagal pa din umusad. Parang mga showbiz personalities na napaka-talented pero hindi nabibigyan ng break. Kulang sa self-confidence or meron lang talagang umaapak.

May bees. Like some showbiz personalities, bees are born fully-grown. Hindi pa man sikat, they are destined to be one. Kahit walang talent or kahit pangit, lalapitan sila ng tagumpay. Yung buzzing sound ng bees, hindi naman galing sa bibig nila kundi sa pakpak. Deceiving ‘di ba?

May Lady Bugs. Lady ang tawag but they are actually men. Hahaha. Ang daming ganyan sa showbiz. Isa na ako. Hahaha.

May cicada. Gawa lang ng gawa ng ingay pero wala namang gawa. By making a noise, napapansin sila pero ‘pag nakita mo na, ang pangit din pala. Advise sa inyo para makaiwas sa mga cicadas: Kapag nauna ang ingay sa gawa, kabahan ka na, kasi pangit ‘yon.

May caterpillar. Ang pangit, ang bagal at parang walang silbi. Pero ‘pag binigyan mo lang ng pagkakataon at konting oras, magiging butterfly.  Ang ganda!  Mas dapat suportahan ang mga caterpillar keysa sa cicada.

May tick. Dumidikit sa iba, lalo na sa mga aso. Nangangagat at naninipsip ng dugo.  Sa showbiz, mas dangerous ang mga ticks keysa sa mga flies. Karamihan sa mga ticks ay dating flies, na nagsawa na sa paglipad, kaya gusto na nilang mangagat. Kumakabit sila sa aso at sumusunod sa lahat ng utos nito.

May ants. Work to death lang para makaipon pagdating ng tag-ulan. Kadalasang umaasa sa tulong ng iba. Huwag apakan at nangangagat. Be careful, kasi lahat ng friends niya, kakagatin ka.

May mantis. Fascinated ako sa mga mantis. After makipag-sex ng lalaking mantis sa babaeng mantis, kakainin siya ng babaeng mantis. I wonder kung alam ng mga lalaking mantis na kakainin sila ng babaeng mantis? Sa showbiz, may mga tinulungan ka pero sila din ang kakain sayo. Wala kang kamalay-malay.

May spider. Gumagawa ng web para ma-trap ng ibang insects. Kadalasang mga matagal na sa showbiz ang katulad nila. Minsan, kinaiinggitan, pero mas madalas na kinakatakutan dahil sa nabuong clout. ‘Pag maliit ka, p’wede mo silang lapitan at ipagtatanggol ka. Kalabanin mo na ang mga unang nabanggit na bugs at insects huwag lang ang isang showbiz spider. Bakit?  Minsan kahit mali sila, magmumukhang tama pa din sa mata ng iba. Maganda kasi ang web at matagal ginawa. Mas mabuting kaibiganin at respetuhin na lang ang mala-spider ng showbiz.

May cockroach.  Madumi at nakakadiri. Ang feeling ko, sila lang ang insect na walang silbi.  Sa showbiz, sila ang mga dapat iwasan at kung maaari ay puksain.  Kaya nilang magkalat ng sakit at gulo sa industriya. Tulad ni Cockroth sa Amazing SpiderMa, mapaghiganti sila. Kadalasang nagbabait-baitan sila sa mga spider para hindi kainin.  Minsan, akala nila spider din sila. Ngunit alam ng lahat sa showbiz na sila ay ipis. Kaya kinakaibigan na lang kahit hindi nirerespeto. Walang silbi. Pero tulad ng ipis, parang ang hirap puksain. Kaya inaalagaan na lang para hindi mangagat at magdulot ng sakit. Muntik na akong umapak ng isa noon, wala lang akong tsinelas.

As you may have noticed, hindi na ako nagbigay ng examples at clues. Ayoko kasi makasakit ng ibang tao. Truth hurts. I don’t want to hurt anyone. Careful na ako kasi magaling na kayong manghula at may mga bugs and insects na nagbabasa ng blog ko.  Also, I realized na most of my blog readers are very intelligent. I’m sure korek ang reading ninyo.

Admittedly, I am also one, or close to being one, of the bugs and insects that I mentioned.  One thing is for sure, pinagsisihan ko na naging ganoon ako.  Everyday, I am trying not to be that bug or insect again.

Like SuperMa in Joshua’s musical, sana mapatawad ninyo ako.

Kung Ako Sila

Filed under: Features — admin at 3:26 pm on Saturday, March 8, 2008

Nakakaloka ang showbiz! Imagine, maski ang isnaban nagiging headline. Sabi ni Ruffa inisnab daw siya ni Lani. Sabi naman ni Lani hindi naman daw niya inisnab si Ruffa. Pinagtanggol ni Tita Lolit si Lani at kinampihan naman ni Tita Annabelle si Ruffa. Lagot!

Kung ako si Ruffa, the moment na feeling ko inisnab ako ni Lani e lalapit talaga ako and I will ask her kung may problema ba. Pag hindi pa din ako sinagot ni Lani e may problema nga. Kung ako naman si Lani, iisnabin ko ang lahat ng tao maliban kay Ruffa, Gretchen, Rufa Mae, at Osang. Kasi dahil may something, magiging issue kung iisnabin ko sila. As a matter of fact, kung ako si Lani, ako pa ang unang lalapit sa mga pangalang nabanggit. Tapos!

Teka, isip pa ko ng mga artistang na-headline at nagkaroon ng big issue. Tapos, chika ko sa inyo kung ano ang gagawin ko KUNG AKO SILA.

Kung ako si Bong, hindi na ako magpapa-link sa kahit sinong babae. Maganda naman ang misis ko at malalaki na din ang mga anak ko. Nakakapagod na din. Kung hanapin man ng katawan ko ang ibang putahe, I will make sure na hindi artista ang ulam na ‘yon. Walang issue, away, or isnaban na magaganap. Peaceful!

Kung ako si Tita Lolit, magbibigay lang ako ng official statement from Lani about the issue. Or pagsasabihan ko si Lani na siya ang sumagot, kasi ang ending, sasagot din naman siya.

Kung ako si Tita Annabelle, hindi ako makikialam sa mga issues ni Ruffa kasi malaki na siya. Lalo na kapag isnaban lang naman. I’m sure she could take care of herself.

Kung ako si Regine, hindi ako aalis ng GMA. Kahit isipin hindi ko gagawin kasi Reyna ako doon. Kahit SOP lang ang show ko, ang importante pag Christmas Special ng Kapuso network, ako ang kumakanta sa harap at take note, nasa gitna ako. Tapos maglalambing ako ng bonggang-bongga sa mga boss ko at hihingi ng show na parang Betty La Fea. Pwede ang Blusang Itim, Cofradia, Miss Tilapia, Kurdapya, at kung ano pa na pangit ang character ko pero maganda ang role. Diva?! Malamang ganito din ang ginawa ko kung ako si Angel Locsin.

Kung ako ang ABS-CBN, ibibigay ko ang role na Betty La Fea kay Pokwang or Eugene Domingo para maiba naman.

Kung ako si Kuya Germs, lalagyan ko na ng star si Ai-Ai at Claudine sa Eastwood. Ayaw kong ma-stress ang mga fans nila.

Kung ako naman si Ai-Ai at Claudine, kunwari magugulat ako pag tinawagan na ako sa innaguration ng star ko. Tapos papupuntahin ko ang lahat ng fans ko at pasisigawan ko sila ng “Finally!”

Kung ako si Gretchen, hindi ko aawayin si Nadia. Iiyak lang ako nang iiyak sa mga interviews ko. Puro positive words ang sasabihin ko about Nadia at ask ko lang siya kung bakit niya nagawa sa akin ‘yon. Tapos, kakanta na ako ng isang malungkot na kanta sa album ko that I will dedicate to Nadia. Sisiguradohin kong umiiyak ako habang kumakanta at simple lang ang suot kong damit if ever. Preferably, bigay ni Nadia ang isusuot ko. Tignan ko lang kung hindi ma-soldout ang album ko the next day. Kabog!

Kung ako naman si Nadia, magpapa-interview din ako at puro magagandang bagay lang ang sasabihin ko about Gretchen at ask ko lang siya kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya. Tapos, magti-thank you ako ng bonggang-bongga dahil sa nag-dedicate siya ng kanta for me. Then bibili ako ng madaming copy ng album niya at ibibigay ko sa mga mahihirap. Taray!

Kung ako si Rufa Mae, nang makasabay ko si First Gentleman sa flight papuntang Hong Kong, nagkipag-chika-chika ako with him. Tapos pag tinanong niya kung ano ang pangalan ko, ang say ko, “Jessa po.” Hahaha.

Kung ako si Jennylyn, hihingi ako ng sustento kay Patrick at sisiguraduhin kong kasama ko siya sa aking pagbubuntis. Mahirap mag buntis ‘no. Tapos, pag nanganak na ako at na-realize ko na hindi ko na pala type si Patrick, doon ako makikipaghiwalay. Pero ipahihiram ko pa din ang anak namin sa kanya, in case gusto niya, para mapaghandaan ko naman ang comeback ko.

Kung ako naman si Patrick, ipagpipilitan ko ang sarili ko kay Jennylyn para sa baby namin. Kahit moody si Jen dahil sa pagbubuntis, titiisin ko. Anak ko yata ‘yon and I know that a child is a blessing. Para ma-bless naman ako at ayaw ko manega. Tapos, magwo-work to death ako para sagot ko lahat ng pangangailangan ng baby ko. Pag dumating na ang baby namin at hindi ko na type si Jen, doon ako makikipag-break sa kanya. But I will make sure na susustentuhan ko ang bata at kikilalanin niya akong ama. Blessing!

Speaking of blessing, kung ako si Dennis Trillo noon, inamin ko na magiging tatay na ako. Kasi wala namang lihim na hindi nabubunyag. Ang last line ko sa official statement ko, “I’m proud to be a father. Sa mga fans ko sana mapatawad niyo ako. Kailangan ko po ang suporta ninyo sa oras na ito.” Sabay tulo ng luha sa kanan then promote ng upcoming TV show or movie. Applauded!

Kung ako si Carlene, kinaibigan ko si Cristine. Malamang niyakap ko siya the first namin magkita. Mahigpit na mahigpit ko siyang yayakapin. Kung masaktan man siya hindi halata in case makunan sa camera.

Kung ako naman si Cristine, makikipagkaibigan din ako kay Carlene. Makikipag-compare notes ako sa kanya about Dennis. Hindi ako aaray kung yakapin man niya ako ng mahigpit na mahigpit dahil ako naman ang nagwagi kay Dennis.

Magbo-volunteer din akong ninang ng anak niya at magpapatawag ako kay Calix ng Ninang Wagi. At kung ako si Cristine, si Dennis Trillo ang boyfriend ko until now or at least kay Dennis lang ako magpapa-link. Mas wagi!

Kung ako si Willie, hindi ko na pakakawalan si Cristine. Pasensiya na.

Kung ako naman si Ara……………………………………………………….na-mental block ako. Pass muna. Pasensiya na.

Kung ako si Richard Guitterez, liligawan ko si KC. Kung ako naman si KC, sasagutin ko si Chard. Kung ako sa Star Cinema, papayag ako makipag=co-prod sa GMA Films para matuloy ang movie ni Chard at KC. Mala-Romeo and Juliet ang tema ng pelikula. Nag-aaway at demandahan ang dalawang pamilya ng magsyotang lead characters. Parang true to life. Exciting!

Kung ako si Hope noon, hindi ako nagpa-interview. Tapos, ide-deny ko ang chismis tungkol sa amin ni James. Kasi kung totoong may namagitan sa amin, jackpot ako. Sarap! To be honest, hindi naman ako masyadong pretty.

Kung ako si Kris, papadalan ko ng cute pictures ni Baby James si Baklang Bakulaw. Hindi ako titigil ng pagpapadala. Madaming-madaming copies, hanggang sa madaganan siya. Ang cute!

Kung isa ako sa mga actors na nachi-chismis na pumatol sa bakla, aamin ako. Sa pag-amin ko, invited ang mga members ng HACAP, ProGay, LadLad, mga sing-along masters at mga reporters. Ang last line ko, “Hindi ko po pinagsisihan ang ginawa ko. Huwag sana ikakasama ng loob ng mga gays pero hindi ko na po uulitin ‘yon. Nangailangan lang po talaga ako noon. Pero kung sakaling magutom ako ulit, pag iisipan ko po.” I’m sure standing ovation ang mga bakla sa audience at the next day, superstar ako. Mas sikat pa ako kay Jake, Diether, Marvin, Zanjoe, at marami pang iba. Winner!

Kung ako si politician na mister ng isang sikat na actress, hindi ako pumatol sa secretary ko. Kasi pag napuno ang misis ko, baka kahit barangay captain hindi na ako manalo.

Kung ako si Martin, friend ko na forever si Pops at gagawa kami ng madaming shows together. Iba kasi talaga ang team-up namin. Kung mag-away man kami, gimik na lang for publicity.

Kung ako si Pops, friend ko na forever si Martin at gagawa kami ng madaming shows together. Iba kasi talaga ang team-up namin. Kung mag-away man kami, gimik na lang for publicity.

Kung ako si Marian, gagawin kong bestfriend si Katrina. Aw!

Kung ako si Katrina, gagawin kong bestfriend si Marian. Aw!

Kung ako si Katrina, hihilingin kong launching movie ko ang remake ng Diyosa ni Lorna Tolentino. Ganda! As a matter of fact, hindi ako si Katrina pero feeling ko bagay sa kanya. Even Direk Soxy Topacio who wrote the movie agrees.

Kung ako si Polo, liligawan ko si Jean.

Kung ako si Jean, sasagutin ko si Polo.

Kung ako si Jolo, tinanan ko na si Lovie pero iuuwi ko din the next day. Hehehe.

Kung ako si Lovie, sasama ako kay Jolo pero magpapahatid din ako pauwi the next day. Chika!

Kung ako si Bossing, pakasalan ko na si Pia.

Kung ako si Pia, pakasalan ko na si Bossing.

Kung ako kayo, magwa-watch ako ng Showbiz Central every Sunday. Panalo!

Kung ako si Ate Guy, ah…ah…ah…gosh, wala akong maisip. Hindi ko yata kayang maging si Ate Guy. As in.

Kung ako si Madam Auring……………………………………….Ay, thank you po at hindi ako si Madam Auring. Hahaha.

Hypothetical lang ang mga ideas ko, pero pwede sana kung ako sila. ‘Yung iba mas tama sana kung ‘yon ang ginawa ng mga taong nabanggit. Walang gulo, walang away. ‘Yung iba naman joke lang, pero kung pwede lang sana ‘yon gawin ng mga taong nabanggit, mas masaya sana. ‘Yung iba wishful thinking ko lang pero parang imposible or malabong mangyari. Kung matupad man, baka ako lang ang sumaya. Iba-iba din kasi ang mga pananaw natin sa buhay. We make our own decisions and so we must face its consequences. Madalas ko din marinig, everything happens for a reason. For now. these things will remain thoughts in my head. Na-share ko lang sa inyo. Sa mga nag-agree, salamat, pero hindi ako sila.

Want list

Filed under: Features — admin at 5:12 am on Sunday, March 2, 2008

I’ve been thinking.

What’s the difference between want and wish? Kailan mo dapat gamitin ang I want to or I wish to? Basta ang alam ko, ang Tagalog ng want is gusto, ang sa wish naman ay pangarap. I checked the dictionary, ang nakalagay, want is a desire at wish naman hope or aspiration. I am not losing hope pero madami akong desires. Libre ang mangarap pero mas accessible ang mga bagay na gusto ko.

And if you think about it, iba ang mga bagay na gusto natin sa mga bagay pinapangarap natin. Yung pangarap, parang ang tagal pa maabot or mahirap maabot. Yung mga bagay naman na gusto mo, parang ang daling maabot pero hindi mo pa inaabot, or may mga taong humahadlang para maabot mo sila. Let me explain, maaabot niyo din ang ibig kong sabihin.

So naisip ko, kung yung iba may wish list, ako naman may want list. Mas madali pang ma-achieve at posibleng mangyari, at least durng my lifetime. I wish. Hahaha.

I want Showbiz Central to be the number 1 showbiz talk show in the country. Four months na ito nangyayari, sana ma-maintain namin.

I want to have another show where I can practice my comic skills. Sayang naman ang pagiging komedyante ko. P’wede ako sa isang sitcom, gag show or soap, basta comedy ang role ko. Modesty aside, feeling ko mas magaling ako magpatawa keysa mag-host.

I want to have my own talk show. Idol ko naman ang tomboy na si Ellen Degeneres, I might as well want a show just like hers. Grabe ang concept ko, maski ang mga writers ni Ellen ay maloloka kasi hindi nila naisip ang concept ko. Korek ka John! ang title. Kabog!

I want to be a part of a show na family ang turingan on and off camera. As in parang Eat Bulaga! Grabe ang mga ‘yan, super close daw talaga. Sama na din sa want list ko ang, I want to guest in Eat Bulaga. P’wede na sa akin ‘yon.

I want to have a show on MTV Philippines or Channel V. Ganda ng concept ko. Nakakatawa pero wala lang. ‘Di ba gano’n ang mga show doon? Parang wala lang.

I want to endorse a clothing brand. Pwede ako sa Folded and Hung since mga bakla naman ang isa sa target market nila at panay ang bili ko ng outfit doon. Pwede din ako sa Human, ‘tapos ang tagline, “I am Human too.” P’wede din ako sa Penshoppe. Si Uma nga kinuha nila, e.

I want to endorse a food product. I’m thinking of a ketchup na sweet or a sweet chocolate drink, better yet, a fast food chain! P’wede, ‘di ba?

I want to be a part of a shampoo commercial. Hindi ako yung endorser since hindi naman kalambutan ang buhok ko (sabagay p’wede din). Yung parang ako yung host ng isang shampoo challenge. Parang ang tagline is, “Soft ba ang hair mo at dandruff free? Don’t lie to me, yes or no?”

I want to endorse a multi-vitamin kasi malaki talaga ang naitutulong sa health ko. As in. Kaya full of energy ang pag-Shake it Sweet” ko. Aminin niyo ‘yan, if ever, bibili kayo ng multi-vitamin na tini-take ko to be energetic. Tama?

I want to be an endorser of a time piece. Si Ate Glow nga nag-endorse ng Swatch. Inggit ako noon, pero na-realize ko, endorser naman ako ng salon. Mas bongga! Hahaha.

I want to have my own house and lot in Quezon City. Sa QC na ako pinanganak so dito ko na din gusto tumanda at mamatay. Madaming nag-o-offer sa akin ng house and lot sa Laguna, Tagaytay, Cavite, at Marikina na bagsak presyo pero ayaw ko talaga. Maganda sana sa Marikina kasi malinis. Pero dahil nandoon daw ang fault line, ‘yon daw bahay na may second floor after ten years, e, mawawala ang taas pero magkakaroon ka naman ng basement. Hahaha. Kung second house and lot ko, siguro p’wede pa. Ay gusto ko din ‘yon. Hahaha.

I want to have my own van. Puro 4 x 4 ang dalawang kotse ko. Gusto ko naman van. Yung madaming upuan, para ‘pag lumalabas kami ng mga pamangkin ko at friends, hindi na kami nagkakandungan.

I want to have a real boyfriend. Yung ‘pag sinabihan ko ng I love you, “I love you too,” ang sagot at hindi “thank you.” Obviously, gay din ito or at least bisexual. ‘Tapos sa sobrang mahal din niya ako, ok lang sa kanya na alam ng mga kamag-anak at kaibigan niya na boyfriend niya si John Lapus, yung baklang nagsasayaw sa TV, maingay, nagdadamit babae at nagta-tanga sa mga live shows.

I want my gay friends to realize that their straight boyfriends will not be with them forever. Hindi ko ito masabi sa kanila kasi baka sabihin nila na bitter ako, or porke nangyari sa akin, eh, gano’n na din sa kanila. Dati nagpaparinig pa ako kunwari, I would ask them, “Pag hindi mo na binigyan ng pera or work ang boyfriend mo, boyfriend mo pa kaya ‘yan?” Ang nakakaloka, walang sumasagot. Minsan may isang sumagot, “Alam kong iiwan na niya ako if ever. Masakit ‘yon. Pero ang mahalaga, masaya ako noong kasama ko pa siya.” Taray! Pang Miss Universe ang sagot. Sana lang maging masaya siya ulit if ever din. Which brings me to my next want list…

I want my friends to know that I will be here for them habang nasasaktan sila. Hahanapan ko pa sila ng bagong straight boyfriend. Mas masarap, mas pogi at sanay magsabi ng “I love you” kahit hindi mini-mean. P’wedeng i-display in public at ipakilala sa mga kamag-anak sa probinsiya. Sulit ang allowance na ibibigay nila. Hahaha.

I want to organize a group that would help gay people in the society. Closet, Paminta, Operada, Out at Batukling alike! Help in every sense of the word, hindi yung papupuntahin lang ang mga bakla sa mga rally or campaign to endorse a candidate, but to really help. Tulong! Tulungan ang mga closet gays na mag-out sa family nila. Tulungan ang mga Paminta na umarte na para talagang lalaki para hindi stiff kumilos. Tulungan ang mga Operada na depressed dahil bakla pa din ang turing sa kanila ng mga boyfriend or family nila. Tulungan ang mga Out na discriminated sa work place or school. Tulungan ang mga Batukling na huwag umiyak ‘pag tinutukso ng mga kalaro na bakla siya. Help!

I want to do a movie na mano-nominate ako sa kahit anong award-giving body. Commercial or Indie. Kahit libre, basta ma-nominate ako. Gumawa na ako ng mga libreng digital movies, hindi naman ako na-nominate.

I want to do another stage play. Yung masaya at pag-uusapan ang role ko. Yung pagdating ng curtain call, standing ovation ang beauty ko.

I want to put up another business. Bar ulit or salon, basta business. ‘Tapos malalagay ako doon sa libro na Young Entrepreneurs ek-ek. I will make sure that my story would really be inspirational. Yung sa iba kasi, kaya naging successful ang business dahil mga anak mayaman or may business na ang mga parents nila kaya doon sila kumuha ng pangpuhunan.

I want to teach young artists the do’s and don’ts in showbiz. Yung iba kasi tumatagal sa industriya ng walang mabuting asal. Hindi pa man sumisikat, nagiging bastos na. I want them to realize their role in the society. How people, especially the young ones, look up to them for inspiration, and find a little joy upon watching them. Konting acting workshop na din on the side para hindi naman sila OA ‘pag humarap sa camera.

I want to quit smoking. Now na!

I want this blog to get published as a book. May mga pictorials and new anecdotes from yours truly that would make it a best seller. Yung after mong basahin, either kakamuhian mo ang showbiz or kakaawaan, ‘tapos sa sobrang honest at direct to the point ko, feeling mo best friend mo na ako.

I want to have a real vacation. Hindi yung nagpupunta ako abroad dahil may work at in between shows lang ako nakakapahinga. Naiinggit ako sa ibang artista who can afford a vacation. Actually can afford din ako pero iniisip ko ang gastos at yung mga mawawalang work ‘pag nagbakasyon ako. Gaga di ba?!

I want to go to Europe, Middle East, and Australia. Ganda daw sa mga lugar na ‘yan. Kainis, hindi pa ko nakapunta. Eto kahit may work na kasama, ok lang.

I want to be able to sleep by myself. It’s bound to happen so I want to try it as soon as possible. Yung mga friends ko kaya so try ko din. No autophobia, no fears, no sadness…sleep.

I want to be happy.

In fairness, mukhang madali nga ma-achieve ang want list ko. Posible naman lahat. Yung iba, p’wede na nga now or bukas or this year. Teka, compare ko nga sa wish list ko.

I wish for homophobia to stop.

I wish straight boyfriends would truly love their gay lovers.

I wish that kaplastikan in showbiz will end. Asus.

I wish that graft and corruption in government will stop.

I wish child labor would end.

I wish to be contented.

I wish for peace on earth.

I wish.

Parang ang hirap ma-achieve ng wish list ko. Alam kong posible pero hindi ko alam kung kailan. Sakit ko ‘yan, mahilig ako sa wishful thinking to the point that I get to neglect the things that are easier to achieve. Lagi ko kasi naririnig ang mga salitang “dream big” at “aim high.” Kakaisip ko ng mga bagay na big, hindi ko na nakikita ang small. Kaka-aim high ko, hindi ko napapansin ang mga nasa harap ko. Now I realized, I should take one step at a time. Unahin ko muna ang want list ko. Maybe next time, ang iba sa wish list ko, want list na lang. That I want to happen.

Eto kwento before I go. Last Wednesday, nagpunta ako sa Baclaran, this I usually do every Wednesday ng madaling araw. Napadaan kami sa Airport Road going to Baclaran. May mga beer house doon na tabi-tabi. Walang customer yata that night. Yung mga babae sa isang bar, nagpapatintero sa kalye at ang isa pang bar, Trip to Jerusalem naman ang nilalaro. As in nilabas nila ang mga silya sa bar nila at naglaro sa kalye. Mamatay-matay ako sa kakatawa. In fairness, ang saya nila.

I’m sure wish nilang umahon sa kahirapan, but that night, they just want to be happy.