| Register

Thank you

Filed under: Features — admin at 10:53 am on Monday, December 31, 2007

From EDSA, kakanan ako sa Mother Ignacia St., then kaliwa sa Sgt. Esguera St. to reach GRAFFiTi. Today ko lang napansin ang billboard ng isang chocolate brand sa kanto ng EDSA at Mother Ignacia. “Who should you thank today?” ang nakalagay sa billboard.

That inspired my blog today, thank you.

Thanks to 2007. This year is one of the most fabulous years in my life. Mas gumanda ang career ko, katawan at mukha sa taong ito. Hahaha.

Thank you, GMA-7, for making me a main host via Showbiz Central. I’m on my 15th year in showbiz at ito ang pinakamalaking break sa aking career. Salamat po. Mr. Gozon and Mr. Duavit, sana po ma-meet ko na kayo sa personal. Ma’am Wilma (Galvante), malaking bagay po ang pag-smile niyo sa akin ‘pag nagkikita tayo. Ms. D (Darling de Jesus), salamat sa trust at huwag po kayong mag-alala, magpapa-check-up na po ako ng lalamunan ‘pag nagkapera. Siya nga po pala, bigyan niyo pa po ako ng isa pang show para magkapera. Hindi ko po kayo bibiguin kasi magaling po ako. Promise.

Thank you to the staff of Showbiz Central for believing in my talent. I really feel the outmost respect that you guys are giving me. Grabe yung iba sa inyo, “Sir John” ang tawag sa akin (lalo ka na, Stan, na suki ng blog ko). Hindi naman ako teacher. But I appreciate it and I can’t blame you. Elementary pa lang pala kayo napapanood niyo na ako sa TV. Oo nga naman. Enri, na-miss kita. Alam mo naman na ikaw ang takbuhan ko. Mother Mildred, salamat sa kape. Altair Narnia! Pauline, pa-soft ka ng pa-soft everyday. Mga SP (segment producers) malapit n’yo ng matapatan si Ate Baby ng Startalk. In fairness, alam ko na lahat ng first names niyo. Nagkakapalit lang minsan ang names ng iba kasi magka-aura. Next year sana maging close pa tayo lalo kasi bastusin din naman ako. Hahaha.

Thank you to my Showbiz Central co-hosts. Pia, mabait ka. Tanungin mo pa ‘ko ng mga inside scoop and I would gladly answer them. Grabe, ikaw ang pinakamatagal kong ka-trabaho sa GMA at iisa ang wave length natin. Raymond, salamat sa friendship, bunso. Happy ako na hindi ka na aloof sa akin. As promised, sa party natin, “I will always protect you.” Peachy, kaloka ka!Nagdilang-anghel ka na magkakatrabaho tayo. Sayang, hindi natuloy ‘yong isa pa. Gumagaling ka ng mag-host, makikinig lang palagi sa co-host at guest ‘pag nagsasalita. Inuman na! Mo, my friend, buti naman at nage-effort ka na ng outfit mo every Sunday. I am your personal stylist, like it? Ang swerte mo or mautak ka lang kasi may show ka sa GMA, Studio 23 at Qtv. Paano nangyari ‘yon?

To my stylist, John Paul Dizon, and Mikee Osias of Hairwatch Salon, thanks for making me beautiful. To my designers, Avel Bacudio and Joey Samson, ang husay niyo. Puro positive ang nadidinig kong comments sa mga damit ko every Sunday. Hindi ako nasasabihang mukhang baliw, barok, at alien. Thank you, Doctors Manny and Pie Calayan, at naloloka ang mga televiewers sa aking skin. Mas gaganda ka talaga sa Calayan.

Sa mga celebrities na nag-guest sa Showbiz Central this year, thank you!

Sa nag-imbento ng lie detector test, thank you! Malaking tulong ang gadget na ‘yan sa tinatamasang ratings ng Showbiz Central. Yung mga kaibigan ko sa The Buzz, pikon na sa “Don’t Lie to Me.”

The Buzz, thank you for giving us a good fight. Hayaan niyo naman kaming mag-enjoy. Matagal na panahon naman kayong hindi natinag sa ratings. In fairness, walang daya ‘yan. Yun na!

Sa PMPC, salamat at ni-nominate niyo ako sa kakatapos lang na Star Awards for my co-hosting job in S-files. Nawa’y mapansin ninyo ulit ang aking prowess next year for Showbiz Central. ENPRESS, salamat sa magagandang reviews na sinusulat niyo about our show.

Sa mga solid Kapuso, salamat po sa pagtangkilik niyo ng mga programa sa GMA. Salamat po at pasok na sa banga ang Showbiz Central kahit wala pa itong isang taon. Next year, mas bonggang-bonggang palabas pa sa GMA ang inyong matutunghayan. As in.

PEP, thank you for the opportunity to share my thoughts through this blog. Gawin natin itong book. Promise, maso-sold out. Pasensiya na kayo sa gifts ko at mahina ang labada this year.

Sa mga patuloy na nagti-text sa akin via SWEET ON sa 2366, thank you. Top 5 po ako ngayon dahil sa inyo. Ang percentage ko sa pag-text niyo ang dahilan kaya nakabili naman ako ng konting pang-regalo at pang-noche buena last Christmas. Text pa kayo at masipag akong magpadala ng MMS. Nagbibigay ako ng chismis diyan na hindi nababasa sa tabloids at naririnig sa radio.

Thank you sa mga naging customers ng GRAFFiTi. ‘Pag nagbukas ako ulit ng business. punta kayo ha. Kahit beauty parlor or funeral parlor pa.

Thank you sa mga nag-watch ng aking mga comedy shows sa Klownz, Zirkoh, Sitcom at The Library. Sa May 2008, watch kayo ng major show ko in celebration of my 15th year in showbiz. Baka sa Music Museum ko gawin. Naghahanap pa ako ng producer at wala akong iluluwal na pera. Basta tuloy ‘yan kahit sa bahay ko pa gawin.

Sa mga nag-watch ng pelikulang kasama ako this year, salamat: Agent X 44, Cute ng Ina Mo, Apat Dapat, Pasukob, at Shake, Ratle & Roll 9. Wagi lahat ang mga pelikulang ito dahil sa inyo. Hindi man ako ang bida, salamat pa din. Thanks to Star Cinema, Viva Films, Octo Arts, and Regal Films.

Kay Bb. Joyce Bernal na maganda sa tunay na buhay, salamat at nag-five-day shooting pa ako sa X 44 kahit dalawang eksena lang. Direk Paul Daza, for including me in your first movie, SRR 9. Lalo na sa ‘yo direk Wenn Deramas at quota ako sa pelikula this year. Hindi pa man tapos ang taon, salamat na agad at kasali ako sa movie ni Ai-Ai at Robin next year. Salamat Mother Mel Del Rosario na writer ng apat na pelikulang nabanggit.

Thank you to Star Magic. Nakaka-touch ang pag-aalaga ninyo sa akin. Mr. M and Ms. Mariole, thank you. Alan Real, pasigaw at may kasamang talon na thank you. To my friends in ABS, salamat at hindi nabago ang pagtingin niyo sa akin. Hayaan ninyo, hindi ko ipagkakalat na nagwa-watch kayo ng Showbiz Central. Sssshhh…

Sa mga fans ko, salamat sa suporta. To the solid John, liquid John at gaseous John fans club, salamat sa inyong tatlo. Hahaha.

To all of you PEPsters, BLOGgers at JOHNers na patuloy na nagbabasa at nagko-coment dito sa “Korek ka JOHN!” salamat sa inyo. By now, mas kilala na ninyo ako keysa sa iba kong kamag-anak at kaibigan. Kaloka! Basang-basa na ninyo ako at damang-dama na ninyo ang aking mga saloobin. Effective na pampatanggal ng stress at sumbungan ang blog na ito para sa akin. Kaya hanggang nandiyan kayo, e, blog lang ako. Madami na ngang lumalapit sa akin at gusto i-kembot o i-link ang blogs ko sa mga web site nila, e, hindi ko naman alam kung papaano ‘yon…basta thank you!

Wala munang sagot sa tanong niyo ngayon dahil konti din naman ang nagko-coment dahil bakasyon. Thank you for the understanding.

Sa family ko, kamag-anak at mga kaibigan, salamat sa prayers at moral suport.

Thank you, Lord!

GRAFFiTi

Filed under: Features — admin at 4:15 am on Monday, December 24, 2007

It is so difficult for me to let go of people and things that are important in my life. Admittedly, happy ako na nand’yan lang sila though sometimes I ignore them. Pero ‘pag dumating sa akin ang realization na mawawala na sila, nalulungkot ako. Matandain kasi akong tao. Grabe ang memory ko sa mga bad experiences. Sabi ko nga dati, I forgive but never forget. Pero ‘pag bad experience ang nangyari, I really exert an effort to move on quickly, because I don’t want to be in that situation. Pero paano kung good ang mawawala? Halimbawa isang bagay na gusto mo pang gawin pero hindi na pwede? I don’t know how I can move on. I just can’t let go. Grabe din kasi ang memory ko sa mga good experiences.

May Mayna bird ako. Si Chever. Ako ang nagpalaki sa kanya. As in three days old pa lang siya nung nakita ko siya. Ako nagpakain for almost a year kasi dapat pa siyang subuan. Para akong nanay niya. But there was a time when I barely managed to say “hi” to Chever tuwing dumarating ako sa house. Hindi ko na nga siya natuturuan ng new words to mimic. Last kong naturo sa kanya, four years ago pa, yung, “Mga Bakla!”

Minsan si Toto, my driver, pa ang nagpapakain sa kanya. Minsan hindi ko siya tinitignan. Just to hear him squawk is enough. Eto ka, umuwi ako one night. Pagbukas ko ng back door to get something (not even to see Chever na doon sa likod nakalagay), I saw a black bird lying dead on the floor. Sumigaw ako ng, “Chever! Toto, si Chever!” I was crying. Biglang may nagsalita ng, “Mga bakla!”

Pucha, ibang ibon pala ‘yon. Victim ako. Parang maliit na uwak. Pinasok pala ni Nanay ‘yong ibon na ‘yon kasi nakita niyang parang naghihingalo sa labas ng bahay. Baka daw kainin ng pusa or ng mga aso ko, so ipinasok niya. By the time na dumating ako, dead na nga ang kawawang ibon. Kaloka!

Now, I make sure that I see Chever before ako umalis at pagdating ko ng bahay. Ginagaya niya ang pagdahak ko pagkaising at tinatawag niya si Toto mimicking my voice. Ang cute.

My little sister, na sinampal ko last year, watched Twosome last week. It was the first time I saw him after the slapping incident. I even forgot na sinampal ko nga pala siya the last time we saw each other. I remembered, however, seeing him for the first time when he auditioned for Teatro Tomasino. I was the secretary of the guild that time and it was my senior year at UST.

Nag-split ang bakla sa first exercise. Naloka ako. Ang problem, lalaki ang artistic director namin, so medyo nalakasan ng dating kay baklita. Pinaglaban ko talaga siya. I told our A.D., “bakit ako malakas din ang dating pero tinanggap ako.” Pasado siya sa akin. He did pass the screening and became my first ever little sister. Hindi kami masyadong nakapag-usap last week but I felt that he was already forgiven.

Almost ten years din ako sa dati kong apartment sa Heroes Hills before I moved to Direk Wenn’s townhouse in Project 8. Incidentally, my former unit was occupied by Direk Wenn before he transferred to his town house that I’m now renting. Dati, sa single room lang ako sa Heroes Hills.

I shared the bachelor’s pad with two gay friends from ABS-CBN, Erick Salud and Joel Siervo. Sa double deck sila at ako naman sa extra bed. Erick eventually lived solo and rented the room beside ours.

When Direk Wenn moved in to his own town house, Joel and I got his unit which has two rooms, a small sala, and a kitchen. It’s actually the biggest unit in the compound. Ang saya namin doon. Halos lahat kaming magkakaibigang bakla, doon nakatira. Ang tawag sa Heroes Hills compound na ‘yan ng mga taga ABS ay Melrose Place. Hahaha. We would sometimes eat together pag Saturday at Sunday.

Three years ago, Direk Wenn was able to build his dream house. Sa dami ng gamit ko, I needed a bigger place. Direk Wenn offered me his town house na bagsak presyo. Kahit hindi na ako nakatira sa Heroes Hills noon, dumadalaw-dalaw pa rin ako. Si Jonald na anak ng caretaker, binata na. Kaloka. Yung bunsong kapatid niya naman na si Jason, na inaanak naming mga baklang nakatira doon that time, e, binatilyo na.

Yung isang kapitbahay namin na nagwo-work sa isang girlie bar, nandoon pa rin until now. Kakaloka ang babaeng ‘yan, ibat-ibang artista at pulitiko ang nakikita naming naghahatid. Minsan nagko-contest pa kami kung actor or politician ba ang maghahatid sa kanya. Hahaha.

Joel Siervo was murdered at the unit na pinag-iwanan ko sa kanya last year. It was very traumatic for all of us, but thinking about our happy times, I was able to recover.

Two years ago, nag-open ang GRAFFiTi. Nilapitan ako ng dati kong manager na si Biboy Arboleda, and he asked me if I want to join them in a business venture. There was a compound daw in 34 Sgt. Esguerra that was up for rent. Bagsak presyo daw ang rent as long as we all get the available units.

Halos lahat ng mga Ate ko, ka-join. Join na din ako. Sabi din nila na kailangan ko na nga daw mag-business since pa-laos na ako. I was so excited. Isip ako agad ng concept. Naiisip ko, Internet cafe that actually serves coffee. Nagandahan naman ang mga Ate ko so go! Ako mismo ang pumili ng logo at interior ng GRAFFiTi. Pati menu, ako nag-approved. Hands on ako talaga in the sense na I am there almost everyday. Tumi-table pa ako sa mga customers.

Ang lakas ng esQuinita, where GRAFFiTi is located at, during its first few months. Dry run pa lang, bongga na. We had our grand opening last January 6, 2006. Halos lahat ng artista ng ABS-CBN, dumating. Naaliw ako sa concept that I have a business. Nakaka-proud. New adventure and challenge for me. It was here that I found new friends. I became a boss to my staff na mostly friends ko na rin before. Number one kong na-test dito is my patience. Grabe, it is truly a virtue. Hahaha. Sa sobrang aliw ko, when my Ate suggested na kunin ko na rin ang 2nd floor for expansion, nag-go ako agad. Sa taas ang internet at sa baba ang cafe. It was a big flop. Five months lang ni-let go ko na ang internet and decided na cafe/bar na lang yung baba since mas gusto ng majority ng customers namin ang inuman.

Super promote ako ng GRAFFiTi. Sa TV, radio, newspaper at text messages. Pati sa Channel 4 nag-promote ako. Naging Kapuso na ako, nag-promote pa din ako. Todo na. Minsan nga ang text ko sa mga friends ko, “Punta kayo sa GRAFFiTi. Laro tayo ng trip to Jerusalem. Walang maa-out kasi madaming silya.” Hahaha. Nago-organize pa ako ng tong-its, pusoy at inuman minsan para magkatao lang. Another memorable thing, eversince nag-start ang blog kong ito, dito sa GRAFFiTi ko ginagawa. Dito ko din binabasa ang mga comments niyo. Ngayong proud Kapuso na ako, dito ko na lang madalas nakikita ang mga friends ko from ABS-CBN.

I am so proud of myself doing this business. Matapang talaga ako. Tambayan ko ito every night at dito na din ako nagpapa-meeting or nagse-set ng appoinments. Nag-celebrate ako dito ng birthday ko twice. Ang dami kong happy memories dito in the past two years, but it is time to let go. (Read more… )

Bakla

Filed under: Features — admin at 12:10 pm on Sunday, December 16, 2007

Everytime I meet a guy na ang feeling ko bakla, I frankly ask him kung bakla ba siya or hindi? I think it’s better than isipin ko na bakla siya talaga. Na-realized ko rin na kung hindi naman siya bakla, hindi siya mao-offend and he’ll just answer “no.” Kung bakla naman siya talaga, he will just answer “yes,” sabay pose and smile.

After ng successful run ng Twosome last Thursday sa UST, Teatro Tomasino held its cast/Christmas party at GRAFFiTi. Nagpalaro ako ng charades at nagbigay ng aming anual Ek-Ek Awards. We have this one new member na medyo malambot kumilos. So I casually asked him, “Iho, bakla ka ba?” Nagulat ako at hindi ko expected ang sagot niya. First time ako nasagot sa tanong na ‘yan ng “Secret.” Hahaha.

Which made me think, paano ba masasabing “bakla” ang isang bakla?

Nag-research at nag-interview ako ng ilang expert sa kabaklaan for this entry. Based na din on my personal knowledge and experience, eto ang ibat-ibang klase ng bakla.

Bakla lang/Obvious
- Mukhang lalaki pero obvious na bakla. Minsan, naka-outfit na parang pambabae pero hindi todo. Malambot kumilos pero bihira mag-make-up. Todo na ang lip gloss at powder pangpa-fresh. Off camera, I belong to this category. Mind you, yung ibang category na babanggitin ko nadaanan ko na din. Pasok dito ang mga teacher niyong bakla, mga managers ng mga fast food chains at iba niyo pang nasasalubong na kahit hindi mukhang bakla, alam mong bakla. Kadalasang pumapatol ang mga tulad namin sa straight. Babala: May mga bakla lang na nagpapanggap na pamin.

Pamin/Discreet- aminado silang bakla pero damit lalaki at mukhang lalaki. Malalaman mo na lang na bakla pala sila kapag nagsalita na dahil may kabaklaan ang mga sinasabi. Madalas silang mag-gym para gumanda ang katawan. Malaking factor ang katawan sa mga pamin. Tambayan nila ang Bed sa Malate at Government sa Makati. Maliit ang mundo ng mga pamin sa Manila. Magkakakilala halos silang lahat at kadalasan pang nagri-rigodon ng mga jowa. Ayon sa mga anak-anakan kong mga pamin, mas malibog daw sila keysa sa amin dahil hindi nga sila, basta-basta nakakalandi in public. Frustration ng karamihan sa kanila ang pumatol sa straight, pero nahihirapan sila dahil mukha nga din silang lalaki. Try to meet them at www.guys4men.com.

Pa-girl/Muherista/Transvestite
- Mga baklang nakadamit babae at kadalasang mahaba ang buhok. Hilig din nilang mag-make-up para ma-enhance ang kanilang ganda. Karamihan (hindi lahat) ng pa-girl ay nandidiri sa mga pamin. Kaya tanging sa mga straight lamang sila pumapatol (sabagay, karamihan din sa pamin ay nandidiri sa mga pa-girl). Karamihan sa mga pa-girl ay sa CR na ng babae pumapasok. Sad but true na ang ibang pa-girl ay matigas ang features kaya mukhang lalaki pa din. Makikita ang mga pa-girls sa mga beauty parlor, comedy bars or sa mga TV networks bilang make-up artist or wardrobe assistant. Sa aking latest reseach, tumatanggap ang mga call center companies ng mga pa-girl. Take note, babae ang boses at pangalan nila ‘pag tumatanggap ng calls. Mabuhay ang call center industry! Maraming pa-girl ang sumasali sa mga gay beauty contest at nagpupunta ng Japan. Babala: Siguraduhing feminine ang features bago magpa-girl.

Beauconnera- Mga baklang sumasali sa mga gay beauty contest. Karamihan sa kanila ay pa-girl sa araw-araw nilang pamumuhay, pero minsan, may mga pamin na gustong i-experience ang pagiging beauty queen.

Operada/Transexual- Mga baklang nagpa-opera na at pinatanggal ang kanilang male s*x organ para maging ganap na babae. Inuuna nilang ipalagay ang silicone boobs nila bago magpalagay ng pekeng puk*. Pero ngayon daw, may mga promo ang mga doctor sa Thailand na ‘pag nagpaputol ka, libre ang silicone boobs. Ka tai ang tawag sa kanila sa Thailand at may sarili silang CR. Karamihan sa kanila ay nag-Japan na. Ngunit dahil mahigpit ngayon ang Japan sa mga Pinoy entertainers, ang iba sa kanila ay nagpunta sa Thailand, Amerika, Canada at Europe. Doon sila namumuhay gamit ang ibang pangalan. May ibang naiwan dito sa Manila at nagpe-perform sa mga drag shows. Kadalasan, ang mga pa-girl ay nagiging beauconnera ‘tapos nagiging operada unless sila ay mag-born again at bumabalik sa pagiging lalaki pero nagmumukha na silang tomboy. Babala: Katawa-tawa ang operadang hard ang features.

Closeta- Mga baklang hindi umaamin na sila ay bakla. Kahit ibitin patiwarik, hindi sila aamin. Karamihan sa closeta ay palihim ang sex life. Ang iba sa kanila ay nagpupunta pa ng ibang bansa para makahada. Tanging sila, jowa nila or bestfriend nila ang nakakaalam na sila ay bakla. Karamihan sa aking mga baklang kaibigang Chinese ay closeta. Takot silang itakwil ng pamilya or tanggalan ng mana. Karamihan sa closeta ay nag-aasawa ng babae at nagkakaanak pa dahil takot silang tumanda mag-isa. Ang mga artista, politiko at paring bakla ay maituturing na closeta. Huwag natin silang i-judge or kamuhian dahil karamihan sa kanila ay malungkot ang buhay. ‘Yon na.

Bi/Bisexual- Hindi ito klase ng bakla. It is a sexual preference. May mga bakla na bi tulad ni Arnel Ignacio, Tita Swarding, Jun Encarnacion (sumalangit nawa) at Ogie Diaz. Hindi porke pumatol ang isang bakla sa babae ay lalaki na siya. May mga babae at lalaki din na bi tulad ng mga call boys at hostess. Karamihan ng mga closeta ay bi. May ibang bansa na ang bi ay tinuturing na bakla. Sa Pilipinas, hindi dapat. Hindi porke pumatol ang isang lalaki sa bakla ay bakla na din siya. Economy ang factor doon. Complicated at debatable ang issue na ito so balik na tayo sa kabaklaan.

Batukling- mga batang bakla. Bata pa lang pero kumekembot na at mahinhin. Mas gusto niya makipaglaro sa mga babae keysa sa mga boys. Karamihan sa bakla ay dumaan sa ganitong phase. Naiba na lang ng lumaki na at namulat na sa kung anong kaisipan.

Little sister/Shobe- Mga baklang kaibigan, na mas bata sa Ate.

Ate/Ateng/Atchi- mas matandang bakla na nangangalaga sa mga little sister. Isa akong Ate dahil mahilig akong makipag-kaibigan sa mga batang bakla. Ang mga Ate ay may malaking responsibilidad sa kanyang mga little sister. Babala: Huwag maging Ate kung hindi ka responsableng bakla.

Mama/Mother- Pinakamataas na level ng mga bakla. Ang mga Mama ay may ginintuang puso sa kapwa niya bakla (bata man o matanda). Sila ay mga ina ng laging saklolo, mapagpatawad at matulungin. Si Ricky Reyes ang Ultimate Mama ng Pilipinas. Sayang, closet ang isang bakla na nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya, pero kung nagkataon na “out” siya, kakabugin niya si Mama Ricky bilang Mama ng Bayan. Karamihan sa mga Mama ay choreographer tulad ni Douglas Nieras, may-ari ng beauty parlor tulad ng kaibigan kong si Boyet Marinas, may-ari ng mga Comedy bar tulad ni Allan K at Andrew de Real. ‘Pag nagkataon, papunta ako sa Mama level and it will be a great honor. Babala: Ang mga Mama ay kadalasang niloloko ng mga tinutulungan. Mag-ingat.

Bugarette- mga baklang bugaw. Masakit ngunit totoo. Karamihan ng bugaw sa Pilipinas ay mga bakla. Sabi nga ng karamihan, “Walang baklang walang trabaho.” At least, hindi sila magnanakaw or holdaper.

Shabukla- mga baklang pusher. Mas masakit ngunit totoo. May ilang bakla ang gumagamit ng kanilang chika prowess para magtulak ng ipinagbabawal na gamot.

It is not a secret na maraming klase ng bakla. One thing is common though, tao din kami. Nagmamahal, nasasaktan, nabibigo ngunit muling bumabangon. Sabi nga sa isang text joke, sa isang misa daw:

Pari: Ang mga bakla ay walang lugar sa kaharian sa langit.

Bakla: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow mag-slide-slide.

Yes, it is a joke. I know God loves us and will forgive us if we ask for it. Just like the text joke, tanggap naming mga bakla ang reality. Kung ayaw niyo sa amin, doon na lang kami sa rainbow. Sabi nga ng mga baklang-baklang kanta na “I Am What I Am” and “I Will Survive.” Hahaha. Please respect us. We are not asking for anything more but respect. Gusto ko naman na dumating ‘yong time na ‘pag may tinanong akong bakla kung bakla ba siya, sasagot siya ng, “Yes and I am proud to be one!”

Before I submitted this entry, a friend of mine told me, “Sure ka ba dyan Sweet? ‘Yang pagiging gay advocate mo ang dahilan kung bakit wala kang commercial endorsement at aloof sa ‘yo ang mga TV executives. Sometimes, you need to downplay the fact that you are a proud gay man for your career.” I answered him, “I am gay. I am proud to be one! (sabay pose and smile).”

Eto na ang mga baklang-bakla kong sagot sa mga tanong niyo.

SIRIUS19, grabe yung kissing scene ko sa mga Viva Hotbabes sa Masikip sa Dibdib. Pero trabaho ‘yon e. Honestly, may iba pa kong ginawang bagay na nakakadiri for my career.

CHUHAY. No, Yes, Sana.

ALITAPTAP, mali si Tita Ali Sotto.

CAPRICORN, korek ka John! Friend ko nga si Alessandra. Nakakatawa yung statement niya sa Startalk kahapon, “Ayoko na mag-comment sa mga issue kasi napagkakamalan akong maldita, negra kasi ako. Kasi kapag mestiza ka, mukhang sweet ka.” Hahaha. PEP, dapat yata ‘yan ang quote of the week. Luma na ang kay Piolo.

CARL S, lapitan mo lang ako. Let’s see.

MERLION, wala nga, e. Huhuhu. Manawagan kayo please.

KUNAT
, hindi ko din alam. Like ko din si Karylle. Ask mo si Zsa Zsa.

GORGEOUS, sobrang panalo daw ang Eat Bulaga sa Abu Dhabi. Panalo din daw si Mama Allan K sa mga boys. Inggit ako. Please invite niyo ako diyan.

LIUSON, Bahay Kubo ang balak ko na unang panoorin.

WICK-GINA, ok naman si Kris. Nakalipat na sila sa dream house nila ni James.

Mga bakla! Watch kayo ng Showbiz Central today. Nakakaloka ang mga exclusives at revelations. Sa sobrang ganda ng show namin, para kayong nasa rainbow at nag-slide-slide.

Yes or No?

Filed under: Scoop — admin at 11:42 am on Tuesday, December 11, 2007

I know for a fact na kaibigan ni Nadia Montenegro ang mag-asawang Jimwell Stevens at Rochelle Barameda. Kaya nagulat ako talaga last Sunday, when I saw our sequence guide for Showbiz Central. Hindi ako masyadong nakakabasa ng tabloids ngayon, so hindi ko alam na laman pala ng mga ito ang kumalat na text about Nadia.

Ayon sa text, si Nadia daw ang dahilan kung bakit may problema ngayon ang mag-asawang Stevens. Nakikitulog pa raw si Jimwell sa bahay nina Nadia. Nagkaroon pa raw ng confrontation sina Nadia at Rochelle sa bar ng huli. Halos magpadala pa raw sa ospital si Rochelle dahil sa sobrang iyak. Witness pa raw ang ilang artista.

It was around 1:00 p.m. last Sunday when I did my voice over for Showbiz Central. Naka-post sa editing ang line-up namin, and I usually check it before I do my voice over. It was there that I read, “Nadia and Rochelle”. I read the script at doon ko nalaman na may issue palang ganoon. Medyo fresh din kasi at exclusive ang balita kaya maski ako, hindi ko alam. Tinawagan ko agad si Nadia.

JOHN: Nads, ano nangyari?

NADIA: Grabe, Sweet. Nagpunta kami nila Peachy (Rufa Mae) at Hazel (Ara Mina) sa bar nila Jimwell at Rochelle. Pinuntahan ko si Rochelle sa office because I want to talk to her about Jimwell. Alam kong may problema sila because the other day, nag-emote si Jimwell kay Boy. Doon na nga siya pinatulog ni Boy sa house namin dahil nakainom na at late na rin.

JOHN: ‘Tapos?

NADIA: She was a bit emotional dahil may problema talaga sila. Nakinig lang ako. Gano’n lang ang nangyari, so walang confrontation na naganap. Kaibigan ko sila pareho.

Admittedly, mas close ako kay Jimwell dahil Ninong siya ng isang anak ko. Pero I am happy with Boy and my family. Palagi na lang ako nali-link sa mas bata. Ang ganda ko yata masyado. Mahirap lang kasi dahil Mother Goose ako ng lahat, even my friends na lalaki.

JOHN: So saan galing ang kumalat na text?

NADIA: Konti lang kami doon. May mga detalyeng binanggit sa text na kami lang ang makakaalam. May suspetsa na ako pero hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ano kaya ang motibo niya?

JOHN: Ayaw mo bang magpa-interview? Kasi baka ma-nega ka.

NADIA: Kausap ko si Rochelle. Nagso-sorry nga siya sa akin at nadamay pa raw ako. Dapat yata, sila na lang ang magsalita. Hindi ko naman ito issue.

JOHN: Sagutin mo lang ‘yong tungkol sa kumalat na text. Hindi ka naman namin tatanungin kung hiwalay na nga sila. At hindi ko naman ka-close yung mag-asawa.

NADIA: O sige, tignan ko. Paalam ako kay Boy. If ever naman na magsasalita ako, it’s to you or Peachy.

After an hour. Nasa Broadway studio na ako for Showbiz Central. I received a text from Nadia, “Sweet, ok na ako mag-live, pumayag na si Boy.”

Sa mga nag-watch ng Showbiz Central last Sunday, salamat at mataas na naman ang rating namin. I’m sure na-watch niyo ang hindi pagbanggit ni Nadia ng name noong tao daw na nagkakalat ng malicious text about her. Basta sabi niya, hindi daw si Rufa Mae. ‘Yon na!

After our show tinawagan ako ng aking mga kaibigan na sina ProKapamilya at ProKapuso. Naka-three-way na naman kami.

ProKapamilya: So Sweet, sino ang pinagbibintangan ng Ate Nadia mo na nagkakalat ng text?

JOHN: Si Ara. Uy, thanks for watching our show, ha.

ProKapamilya: P*ta ka! Alam mo namang show niyo na ang Sunday afternoon habit ko. Kausap ko si ProKapuso. Naka-three-way tayo.

ProKapuso: Hi, sister! Ganda na naman ng show niyo. Six weeks niyo na talo ang The Buzz. Naaliw ako kay Mama Melanie Marquez. Kahit walang issue at kahit na-perfect niya, nakakaaliw pa din. Last week, na-bore ako kay Patrick. Try niyo din kaya i-guest yung mga artistang nagde-deny na nagparetoke. Bea, lipo ba ang mga butas sa braso mo or dimples? Hahaha.

ProKapamilya: Pwede din ito. Pops, nakagat ka ba ng putakti sa labi or kinagat ka ni Jom? Hahaha.

ProKapuso: Toni, nagpalaki ka ba ng boobs or ng nippl*s lang?

JOHN: Hahaha. Gaga kayo! Ipo-post ko ito bukas.

ProKapamilya: Actually, Sweet, dapat mga nakakalokang artista ang isalang niyo sa “Don’t lie to Me.” Mga starlets or yung mga walang pakialam or gustong mag-comeback. Iupo mo si Lolit para magkaalaman na. Hahaha.

JOHN: What do you mean?

ProKapamilya: May nag-say sa akin na ka-close ni Lolit na hindi naman pala siya ang nakakita kay Piolo sa Sofitel.

ProKapuso: Ah, talaga?

ProKapamilya: Ul*l! Maang-mangan ka pa.

ProKapuso: Pero aminin mo, may friend si Piolo na kamukha ni Sam.

ProKapamilya: Friend lang. So? ‘Yang si Lolit, charosera. Tignan mo yung alaga niyang si Bong, kung ano-ano ang sinasabi about Edu. Patulan nga siya ni Doods.

ProKapuso: E, bakla, gusto lang naman niya tumulong.

ProKapamilya: Tumulong? E, bakit may dala daw mga press at photographers?

ProKapuso: Ha? Ah, e.

JOHN: Hahaha. Hindi nakasagot.

ProKapamilya: Hay naku, Sweet, nami-miss ka na namin. Buti pa kayo ni ProKapuso madalas magkita.

ProKapuso: Hindi din nga. Sa Broadway kasi ang studio ng Showbiz Central.

ProKapamilya: Sabagay. At isa lang kasi ang show ni Sweet sa inyo kaya bihira kayo magkita. Bakit hindi niyo siya isama sa mga comedy shows or soap?

ProKapuso: At least meron. Kayo nga tinengga niyo, e, ‘tapos drama mo, nami-miss mo siya.

JOHN: E, kamusta naman ‘yong pinag-uusapan niyo ko pero naririnig ko? Hahaha. Mga gaga!

ProKapamilya: Hayaan mo sister gagawan ko ng paraan ang pagbalik mo sa tunay mong tahanan.

ProKapuso: Gaga! Hindi na ‘yan babalik sa inyo. Ang dami niyong artistang walang trabaho ‘tapos pababalikin mo pa sister natin. Sobrang biased na ‘yan. Hindi Lopez apelyido mo.

JOHN: Mga bakla, ayan na naman kayo!

ProKapamilya: Sweet, don’t lie to me. Babalik ka pa ba ng ABS?

ProKapuso: Gaga! Ibahin mo tanong. Sweet, bakit ayaw mo ng bumalik sa ABS?

ProKapamilya: Tanga! Yes or No lang ang pwedeng isagot sa Lie Detector Test.

JOHN: Hahahahahahahahahahaha!

Sasagutin ko din ang mga yes-and-no questions niyo. Eto na.

CARL S, yes, wala akong jowa. Yes, pwede mo akong ligawan. No, ayaw ko ng patago.

MAHALAY, yes, idol ko ang Diamond Star, Maricel Soriano. No, I think mas mataas ang talent fee ni Sharon.

LIUJON, yes, nagti-text sa akin everyday si Marya. No, hindi ko alam ang gamot sa napapanot.

LADYLARA, yes, matangkad at matipuno si Richard Gutierrez. Paki-check ang profile ni Marian sa past blog kong Marimarian.

WCHAN, yes, payag akong sumali sa PBB kung nasa ABS pa ako and bibigyan ako ng offer. Actually before nag-start ang PBB three years ago, nagkaroon sila ng 24-hour trial run. They invited 12 celebrities, including me, Ricky Davao, Giselle Sanchez, Marc Cortez, Aiza Marquez. I won.

SWEETFRAULEIN, yes, ako nga ang direktor ng TWOSOME sa Teatro Tomasino. No, wala akong cameo but I might appear after some shows to thank the audience.

ERIKA, yes, until December 13 lang ang play namin sa UST. 10:00 a.m. at 1:00 p.m. lang ang shows that day ha.

D4THMAN, yes, galing din ng Teatro Tomasino si Piolo.

MASAYA, yes, ayaw ko maglagay ng list ng mga taong plastik sa showbiz. Ang importante, kilala ko sila.

DANDA, yes, mabait si KC.

Yes, PROMDI, may nag-chika sa akin kung bakit hindi dumating ang mga ABS bosses sa kasal nina Vandolh at Jenny.

ANGELOFTHEWATERS, yes, pwede mo akong piktyuran at hingan ng authograph ‘pag nagkita tayo. Thanks.

BANANABLOSSOM, yes dear, I had experienced discrimination and prejudices in the past. Until now meron pa din. Pero kung tatanungin mo ako ng, “If given a chance, gugustuhin mo bang mawala ang mga discrimination at prejudices sa buhay ko?”

Yes at no ang sagot. No kasi tignan mo lahat ng bakla, may trabaho at masipag, kasi ayaw na naming ma-discriminate at maka-experience ng prejudice. Yes kasi nakakasawa at nakakapagod na din.

Twosome

Filed under: Features — admin at 11:21 am on Friday, December 7, 2007

Group of twos. Pairs. Group of tandems. Dalawahan.

Sabi nila, it takes two to tango and two is too much.

There are things and people in my life that usually came in twos. In fairness, hindi naman sila too much, pero napatango ako sa aking experiences.

My childhood friend Marsha Esperanza is my first playmate. Magkasing-edad kami halos at magkatabi lang ang bahay namin sa Lagro. Madalas kaming maglaro ng bahay-bahayan. Siya ang anak at ako ang nanay. Oh yes, John and Marsha kami, pero pareho kaming girl sa bahay-bahayan. Hahaha!

Ka-twosome niya sa aking early gay life ang kaklase ko sa Lagro Elementary School na si Rosalie Antonio. Madalas kaming sabay umuwi ni Rosel noon at madalas akong tumambay sa bahay nila. Naglalaro kami ng sabunut-sabunutan. Umiyak ako ng bonggang-bongga noong Grade 6 kasi ginawa siyang pang-hapon.

Si Grace Paredes ang partner ko noong 1st year high school sa St. Anthony Nova School. Mayaman ang bruha. May-ari sila ng furniture shop sa Tungko, San Jose del Monte, Bulacan. Madalas niya akong ilibre ng tig-P2.50 na ice cream twirl na 20 pesos na ngayon.

Noong 3rd year high school kami, si Shiela Perez naman ang madalas kong kasama kasi sa barkada namin, kami lang ang nahiwalay ng section. Sabay pa kami umuwi from Amparo, Caloocan, kasi sa Lagro ako at siya sa Bayan nakatira. Until now, kami na lang ang dalaga sa barkada namin. Hahaha!

My college partner in UST is Con-con Halili. Sabay pa kaming nag-auditon sa Teatro Tomasino. Magkatabi kami for four years and we used that to our advantage or, should I say, gimik. Medyo mataba kasi si Consuelo at mahilig magbasa ng pocket book sa klase. Ako naman ay antukin at sobrang payat noon, so dumadantay lang ako sa likod niya para matulog at basa lang siya ng pocketbook. Hahaha! Ka-twosome ng tandem namin ay Teena Endozo na madalas kong kasabay umuwi. Sa barkada namin noong college, kami na lang ni Teena ang dalaga. Hahaha!

Sa Teatro Tomasino, memorable ang tambalan namin ni Louie Andrada. Siya ang nagturo sa aking mag-ipit ng nota when I first joined a gay beauty contest.

Nag-back to back din kami ni James Zamora na ka-batch ko sa Teatro at pareho pa kaming officer that time. Madalas din kaming sabay umuwi paggaling ng rehearsals kasi taga-Teresa Heights siya na kasunod ng Lagro.

Minsan, nag-threesome kaming tatlo sa pag-uwi. Baha noon sa España (as usual) at may cast ang paa ni James dahil sa pilay. Palitan kami ni Louie sa pagbuhat sa kanya na parang si Sharon Cuneta sa Pasan Ko Ang Daigdig.

Those where happy and unforgettable memories that I’ve experienced with a twosome.

Prangkahan na, kaya ito ang topic ko ngayon para lang i-promote ang play ko sa UST.

Twosome din ang mga na-experience ko at naramdaman sa pagdirek ng Twosome for the 30th year of Teatro Tomasino.twosome2.jpg

Happy and sad. Happy ako sa pagbabalik ko sa aking alma mater, but sad dahil ang dami nang nabago.

Kilig at inis. Kilig ako sa dami ng guwapo sa UST, pero inis kasi parang walang personality yung iba.

Proud and angry. Proud ako sa mga officers ngayon ng Teatro Tomasino dahil they deliver. But I am also angry dahil wala silang drive. Kailangan pang pagsabihan bago maka-deliver. ‘Maryosep!

Jealous and thankful. I am jealous dahil masuwerte ang mga students ngayon dahil may Internet na at cell phone. Thankful din ako dahil mas natuto kami sa experience namin noon na everything was difficult to have.

Ecstatic and shocked. Ecstatic ako sa ganda ng UST ngayon, pero na-shock ako sa higpit at sa dami ng rules and regulations.

Soft and firm. Lumalambot ang puso ko ‘pag nakikita kong nahihirapan ang mga Teatro members to meet my expectations, but I have to be firm para matuto sila.

Excited and nervous. Excited ako at next week na ang Twosome, pero nervous kasi baka walang manood or worst, hindi n’yo magustuhan.

Todo na natin. In twos din ang makikita niyo sa Twosome.

Old and new. Old filipino classic ang Wanted: Chaperon at new and modern naman ang Welcome to Intelstar. Monolog lang ang Intelstar, pero ensemble naman ang Chaperon. Mga honorary members ng Teatro ang cast ko sa Intelstar—Malou Crisologo, Julie Ann Aguila at Mia Estolano—samantalang almost all new members ang cast ng Chaperon. Tahimik lang ang Intelstar at ginawa ko namang wacky and loud ang Chaperon.

Watch kayo, ha! Sa mga nasa abroad, paki-inform na lang ang mga friends and relatives ninyo dito sa Pilipinas. Twosome is on December 11 & 12 (10 am, 1 pm, 4 pm, 7 pm) and an extended run on December 13 (10 am and 1 pm). It will be at the Albertus Magnus Auditorium, 4th floor of the College of Education, UST. 130 pesos lang ang ticket. For inquiries, call 09167812088 or 09164905128.

By twos din ang sagot ko sa mga tanong n’yo.

Sa mga nagsabing favorite nila ang blog ko, thanks. By twos na din ang dating ng mga blogs dito. Funny antics namin ni Mareng Candy at ang life experiences ni inaanak Zsa Zsa at soon kay sister Jolina. Exciting.

GEMMA hindi ko alam kung bakit ganon si Tita Cristy, pero alam kong tama ang opinion mo tungkol sa aking pagbabago. Salamat.

CHATEAUJC yes, alam ni Goma na crush ko siya but no, hindi ko naging crush si Binoe. Pero friends kami.

EYM hindi ako naka-attend ng kasal ni Vandolph pero hindi rin naman um-attend ang ilang Ninong at Ninang from ABS-CBN.

JEUNNE until 2009 pa daw ang contract ni Jen sa GMA-7, pero may nagsabi sa akin na type ni Becky na lumipat siya sa ABS-CBN.

IMPOSTORA naloka din ako sa sagot ni Ken Zhu, pero mas maloka siya kasi hindi siya ang type ko sa F4.

MOMMY nagkikita nga po kami ni Tita Lolit, pero hindi pa kami masyadong close.

Thinking about the things, emotions and people na by twos dumating sa buhay ko, I can’t help but wonder…paano kaya ‘yong mga taong nag-iisa?

Sobra

Filed under: Features — admin at 4:25 am on Sunday, December 2, 2007

Ang lahat daw ng bagay na sobra ay masama.

Maski sa pagkain. Pag sobrang tamis, diabetes. Sobrang alat, sakit sa bato. Sobrang taba, high blood. Sobrang asim, ulcer.

Sa Bible, nakasulat din na masama ang sobra. Sobrang libog, lust, at sobrang takaw, gluttony.

Sa buhay. Sobrang pahinga, tamad daw. Sobrang work naman, sakit. Sobrang away, umaabot daw sa patayan. Sobrang ma-in love kapag nawala, sobrang sakit.

Sa showbiz. Sobrang hype, flop. Sobrang sinungaling, flop or demanda. Sobrang honest, demanda pa din or kaaway.

Yung ibang lalaki sa sobrang gwapo, mayabang. Yung mga sobrang gwapong call boy, sobrang mahal. Hahaha.

Sobra ka sa inom, alcoholic. Sobra kang sad, depression.

Alam ko naman na everything we do, dapat in moderation. Maski sa commercial ng alak sinasabi ‘yan. Pero minsan, hindi ko talaga mapigilan na maging sobra.

Sobra akong nagalingan kay John Lloyd sa One More Chance. Yung eksena pa lang na nagpupunta siya sa bahay ni Bea para lang makita after their breakup, sobra na akong umiiyak. Todo na. Nananawagan po ako sa Star Cinema na isama ako sa next movie ni John Lloyd. Serious.

Sobrang nagandahan ako sa trailler at cinematography ng Batanes nina Ken Chu at Iza Calzado. Nananawagan na din ako ng sobra sa GMA na bigyan ako ng second show. Nakapagbayad na ako ng mga utang ko in the past one year na nasa GMA ako, pero hindi ako masyadong nakakaipon. Sapat lang ang sweldo ko sa Showbiz Central sa sobrang mahal ng bilihin.

Naloka ako ng sobra sa UST ngayon. Sobrang higpit. Nauna pa ang UST sa curfew na nangyari last Friday. Kailangan lumabas ng mga students sa mga building by 9:00 p.m. Kailangang wala na sa UST premises ang mga students by 10:00 p.m. Lahat ng letters, even solicitation letters ng mga organization, kailangang dumaan din sa Office of Student Affairs. Kahit magpa-reserve nang advance sa mga auditoriums ang mga student org, pero gagamitin ng administration, fly ka. Yung ibang students, Bahay ni Kuya ang tawag sa UST. Sobrang takot ang mga student organization ngayon sa OSA. Kung magre-rehearse sila sa labas, dapat may written request sa OSA, kahit nagpaalam na sila sa mga parents nila. ‘Pag holiday, hindi pwedeng pumasok ang mga students sa UST. Sad. Eto pa, sobra akong nagulat sa reason kung bakit pinag-resign daw ng head ng mga Dominican Priest sa Vatican ang ibang pari ng UST. Kaloka kasi pera daw ang dahilan!

Sobra akong stressed ngayon dahil malapit na ang playdate ng Twosome sa UST, kasi nga 6:00 p.m. to 9:00 p.m. lang kami nagre-rehearse. Yung Welcome to Intestar, sa labas ko na nire-rehearse. Huwag mag-panic ang OSA kasi mga honorary members na po ng Teatro Tomasino ang cast ko doon. Sana umabot in time for our playdates on Decemcer 11 to 13. Ok lang na ma-stress ako sa Teatro Tomasino kasi sobra kong mahal ang theater guild na ‘yan. Kaya sobra akong nalungkot na nagsa-suffer ang artistic value ng play namin dahil lang sa curfew.

Sobra akong naiinggit ‘pag nakikita ko ang mga friends kong bakla na may jowa. Yung iba, alam ko naman na pera or career lang ang habol ng mga jowa nila sa kanila, pero at least sila, meron. Maganda naman ako ‘di ba? Hahaha. Sabagay, wala akong pera. Hahaha.

Sobra akong na-touch nang matanggap ko ang wedding invitation nina Vandolph at Jenny. Hindi naman kami masyadong close. Sobrang na-appreciate ko talaga.

Sobra akong nalito sa Aliw Awards last Wednesday, November 28. Nominated daw ako pero hindi pala. The day itself na lang ako na-invite pero pagdating ko naman doon, e, wala naman masyadong artista. So I wonder bakit late ako nasabihan. Some winners, wala doon. Dalawang beses nga ako pinag-present ng award. But sobrang thankful pa din ako sa Aliw Foundation dahil pinanalo nila ako noong 2005 as Best Stand-up Comic (male). Sobrang thanks po.

Sobra ang saya ko pag mataas ang ratings ng Showbiz Central. Watch kayo every Sunday kasi sobra naming ginagandahan para sa inyo.

Sobra akong nalilito. Gusto ko palagi na magsabi ng totoo pero ayaw ko namang masabihang mayabang at masama ugali. Sobrang hirap. (Read more… )