| Register

I’m Curious

Filed under: Opinion — admin at 2:44 pm on Tuesday, October 30, 2007

Bata pa lang ako, I’ve always been a very curious person. Mahilig akong mag-imbestiga at magtanong ng mga bagay-bagay sa paligid ko.

‘Pag may nag-aaway na kapit-bahay, inaalam ko kung bakit?

Noong nagpat*li ang mga kalaro kong lalaki na mas matanda sa akin, I asked them kung masakit ba at bakit pa nila kailangang magpatul*. I didn’t realize na ako din pala magpapat*li eventually. Hahaha. Tanga.

One time, I remember asking my Nanay kung bakit ang lalaki hindi nagkakaregla, to think I didn’t even know then kung ano ba ang regla.

Yung bestfriend ko noong elementary na si Rosalie Antonio, nilipat ng nanay niya sa pang-hapon dahil wala daw silang katulong. I asked her why, kasi hindi ko nakuha ang concept na porke wala silang katulong, ililipat na siya sa pang-hapon.

May katulong kami noong araw, pinag-aral ni Nanay ng cosmetology. Pilit kong tinatanong si Nanay kung bakit ang ibang katulong hindi nag-aaral.

Ayaw na ayaw kong sundan ang Tatay ko sa banyo after niya maligo, kasi iba ang amoy ng banyo paglabas niya. So I asked Nanay kung bakit si Tatay, iba ang amoy. Sabi niya, gano’n daw talaga ang amoy ng lalaki. I asked her, bakit ako, hindi gano’n ang amoy ko?

Noong nag-People Power halos lahat ng kapit-bahay namin nagpunta sa Edsa. Tinanong ko sila kung bakit, say nila, kasi pinatay daw si Ninoy. I asked them, “Bakit ngayon lang sila makikipaglamay, e, matagal na siyang nilibing?”

I asked Nanay kung ano’ng ibig sabihin noong bakla sa beauty parlor when he told me, “Aantayin kita, paglaki mo.” Saan niya ako aantayin?

May napanood akong commercial ng sabong panlaba noon. Natakpan yung naglalaba ng bula. Sabi ko sa labandera namin, baka peke ang sabon na nabili niya. Yung sabong panlaba niya kasi, hindi siya natatakpan ng bula.

Bakit maliit si Weng Weng pero hindi na pala siya bata? Bakit yung classmate kong nag-born-again tinapon ang mga santo ni Virgin Mary at Jesus Christ? Bakit ang Iglesia hindi daw kumakain ng dinuguan? Bakit ang Muslim hindi kumakain ng baboy? Bakit sabi ni Nanay ang bakla daw, sa parlor lang pwede magtrabaho, e, nakita ko na may co-teacher siya noong bakla?

As I was growing older, my queries didn’t stop. Panay pa din ang tanong ko, pero this time, medyo hindi na stupid. Hindi ko lang talaga alam ang sagot at medyo nalilito ako or I am just plain curious.

Hindi ko naiintindihan noon kung bakit iniwan kami ng Tatay ko. E yung Lolo ko, si Ka Tino Lapus, ay ang daming naanakan pero di naman iniwan ang Lola ko. Wala akong napagtanungan that time kasi ang feeling ko, ayaw nila ipaalam sa akin. So kunwari, hindi ko din alam.

I almost asked Nanay one time kung bakit kailangan pa naming hanapin ang Tatay ko, e, umalis na nga at alam naman niya kung paano umuwi.

I remember, tinanong ko si Nanay kung bakit iyak siya ng iyak when Ate got pregnant at the age of 16. E, siya nga nagsabi sa akin na nabubuntis naman talaga ang babae.
Buti na lang mahilig akong manood ng TV at sine, this saved me from the trouble of asking people to answer my questions. Pero may mga napanood ako sa TV at sine that also aroused my curiousity.

Bakit halos lahat ng artista umiiyak sa show ni Ate Luds noong araw? Yung iba, out of the blue, bigla na lang iiyak. Sabagay, until now, may gumagawa niyan. Pero this time, alam ko na kung bakit. Hehehe.

Hindi ko ma-get noon ang concept na reporter lang ang nagtatanong sa artista, pero ang artista hindi pwede magtanong sa reporter. Ang feeling ko that time, nakaupo din naman sa panel yung reporter at may mic din naman sila so bakit hindi tanungin?

Takang-taka din ako noon kung bakit umiiyak ang mga nanalo ng jackpot price sa Kuwarta o Kahon, e, dapat nga matuwa sila kasi nanalo sila. Bakit umiiyak? Hahaha.

Bakit hindi daw kumita ang T-Bird at Ako na pelikula nina Ate Vi at Ate Guy, e, pareho silang sikat at madaming fans?

Ang galing daw ni Ate Guy sa Himala, e, bakit hindi siya nominated noong awards season? Ano ba yung experimental cinema? E, sine din naman ‘yon diba?

Bakit sabi ng mga kaibigan kong Chinese, bawal daw maging bading or tomboy sa angkan nila?

Bakit sabi ng kaibigan ko sa ad agency, never daw kukunin na endorser ang isang outspoken gay like me?

Sa kakatanong ko ng mga bagay-bagay ang dami ko tuloy nalalaman. Minsan kahit mga walang kwentang bagay, nalalaman ko tuloy. At least, alam ko ang sagot kong may magtanong. But believe me, until now, I am curious. I’m on my 15th year in showbiz, but may mga pangyayari dito sa industriyang ito na nagtataka pa din ako.

I’m curious with some stuff.

So, I asked my friend from advertising na dating nagwo-work sa isang television network. Mahilig din siya sa artista so I’m sure he could satisfy my curiousity. I attached his answers to my questions.

Bakit ang bida sa isang pelikula or TV show, dapat daw may intriga para kumita at panoorin? Hindi ba pwedeng sabihin na maganda lang talaga ‘yong movie or TV show kaya dapat nilang panoorin?

ANSWER: Ang isang pelikula or show is a commodity. Dapat mataas ang awareness para mas mataas ang chances of success. The higher the awareness level, [the] higher will also be its chance of scucceeding.

Bakit ang magka-love team, dapat daw nachichismis din na may relasyon? Kung may syota na yung bida other than sa ka-love team, bakit iniiwasang banggitin? Bakit pilit na nili-link si John Lloyd kay Bea, e, may girlfriend na si John Lloyd? Maganda naman ang pelikula nila. Si Karylle, parang hindi na binabanggit ni Dingdong? E, ang taas naman ng ratings ng Marimar.

ANSWER: Filipinos in general are seloso. Ayaw ng may kahati. Galit ang Pinoy viewers sa third party. Ang Pinoy, moralista kuno. Dapat stick-to-one. Ilusyunista ang viewers, ayaw paghiwalaying ang real sa reel.

Bakit may mga lalaking artista na ayaw umaming bakla sila pero nagpupunta sa gay bar or massage parlor at puro bakla ang mga kaibigan?

ANSWER: Honestly, wala pang pink society sa Pilipinas. The market is too small that it cannot sustain to pay for all the production cost. Lahat ng nag-try to penetrate the pink market, nalugi or, at the very least, nag-break-even lang. Hopefully, in ten years time, may ACCEPTED pink market na tayo. At hindi lahat ng artista katulad mo, Sweet, na aaminin ang lahat sa fans. Sinungaling ang ibang artista.

Bakit pinagpipilitan ng iba na bakla si Piolo, e, wala naman siyang ginagawa na pang-bakla? Kung may naninira lang sa kanya, alam kaya nila na lalo siyang sumisikat sa ginagawa nila?

ANSWER: Piolo is one of the hottest item in the Philippines today. Anything Piolo sells. If I were second to Piolo, kill or, at least, comatose him is the best option I have.

Kung hindi naman daw sina Sam at Piolo ang nakita ni Tita Lolit, e, sino ‘yon? Baka kamukha lang?

ANSWER: Lolit Solis is Lolit Solis. Sa tapang nya, maniniwala kayo. Kung ako si Piolo or Sam, di ako makikipagkaibigan sa may kamukha either sa aming dalawa. That’s definitely news to all. Kung si Sam yung tinutukoy sa blind item ng Showbiz Central na nabuntis daw ang kapatid ni Uma, mas aaminin ko yun, kung ako lang si Sam, kesa idemanda si Lolit.

Bakit ang mga nanay-nanayan nina Sam at Piolo, na si Tita Cristy at Jobert, parang di yata inookray si Tita Lolit? Bakit kaya?

ANSWER: Ang sinumang kumalaban kay Lolit Solis ngayon, doomed. You don’t know what she can do. I could imagine! At baka totoong pinag-behave na ng ABS-CBN yung dalawa.

May nakulong na ba sa Pilipinas sa kasong libel?

ANSWER: Meron naman. Mga tindera sa palengke at legitimate na chismosa. Kung may pambayad ka ng lawyer, 100% dismissed ang kaso mo at di ka makukulong.

Bakit kailangan pa ni Snooky na umeksena para mapansin? E, pucha magaling na artista ‘yan. Bakit hindi na lang lumapit sa mga producers nang maayos at manghingi ng trabaho?
ANSWER: One million times na siyang lumapit at pinagbigyan. Ano pa ba gusto nya? Sa iyo, ‘pag lumapit si Snooky, pagbibigyan mo pa kaya?

Bakit si Ate Guy, ang galing umarte pero walang pelikula?

ANSWER: Producing film is a business. A business is defined as any human activity activated by profit! Halos retired na lahat ang fans ni Nora Aunor. Konti na lang kaming active. Gustong-gustong manood ng pelikula nya pero di na kaya ang arthritis!!!

Bakit si Lotlot at Danita parang hindi close sa mga adopted mothers nila?

ANSWER: Si Lotlot, minahal ni Nora Aunor ‘yan. Pero sa mga pinaggagagawa ni Nora Aunor, mabwi-bwisit ka rin di ba? Daming inampon ‘tapos iniwanan? Eh, si Lotlot iniwanan din ng asawa. Na-praning na siguro. Gusto ko nga ‘yang yakapin. Close kami noon. Kay Danita naman, sorry, sino yun?

Bakit nga ba matagal nang break sina Ara at Polo pero parang hindi pa din sila ok?

ANSWER: Bihira sa magkarelasyon na ok agad. It takes time. It surely takes time. Who knows? Ikaw nga, yung jowa mo na umiwan sa iyo, ikaw pa ang lumalayo ‘pag nakikita mo.
Bakit sinasabi ng two giant networks na number one sila? Pwede ba ‘yon? E, nakikita ko ang ratings ng GMA, no. 1 talaga.

ANSWER: Walang official media research provider ang industry. Stations merely subscribe to the results. In any research, no one questions the credibility of the research provider. Research Company A says ABS-CBN while research company B says GMA. These stations merely made these companies a multi-million peso business. And again, the ratings are representative of sample households with margin of errors.

Bakit may mga holdaper na binigay na ‘yong pera at cellphone sa kanila papatayin pa ‘yong hinoldap?

ANSWER: Drugs! At ang hirap kasi sa mga tao, ibibigay naman, lumalaban pa. Isang payat at maliit na babae, lalaban sa 3 lalaking may balisong at baril? Mamamatay nga siya!

May point si sister. Pero yung ibang sagot niya, parang curious pa din ako.

Sa mga curious kung sasagutin ko ang mga tanong nila, eto na.

HONEYJOSH, madami akong nadedma noong araw. I’m sorry.

JOSEPH, madami akong binati noong araw. Thanks.

GERALD UY, sorry, I don’t know any Teodoro from RPN.

MARIA, happy na ako sa H and M na colorful briefs, medium. Thanks.

MUSLIM, wala akong boyfriend ngayon. Pero may ka-s*x ako the other day.

GLOWIE, korek ka JOHN! Pinsan ko nga si Bianca Lapus. Magkapatid mga tatay namin.

KALENGKELENG, hindi pa ako renewed sister. Hindi naman ako tengga so ok lang. Pag-pray pa din natin.

MERLION, what’s the 11-letter-word that everyone pronounce incorrectly?
TFC, salamat. Madami kayong mga solid Kapamilya na gusto pa din ako. Nakaka-touch.

MONIQUE, sabi ni Pia, “S-A-R-A-P” daw.

TETAY, hindi totoo ‘yan. Wag mapraning.

BETH, gusto ko makapunta ng Australia. As in.

CAINAM, korek ka JOHN! Teatro Tomasino member din si Piolo.

SA MGA CURIOUS, for the last time, hindi bakla si Piolo.

I lied

Filed under: Features — admin at 12:03 pm on Thursday, October 25, 2007

Every time I lie, I have this gnawing feeling inside of me. Hindi ako makatulog at parang may hangin ako sa stomach. This is one of the reason why I don’t lie. Naalala ko din kasi ang sabi ng Nanay ko sa akin noong bata ako, “Jonathan, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Ang magnanakaw kayang pumatay!”

But to be honest, I lied several times in the past.

Gusto ng Nanay kong mag-work ako sa Philippine Airlines (PAL) noon. May kapitbahay kasi kaming nagwo-work doon at nadala ang buong pamilya sa Amerika. Pangarap ni Nanay makapunta sa Amerika noong araw. Twice nga siya nag-apply at twice din na deny. Say niya talaga sa akin, “Wala talaga akong suwerte anak. Baka ikaw na makapagdala sa akin sa Amerika balang araw.”

College ako, may nakitang ad si Nanay sa newspaper na may hiring daw ng mga ground stewards ang PAL. Mag-apply daw ako. Hindi ko nga alam that time kung ano ang ibig sabihin ng ground steward. Pero alam kong type talaga ni Nanay na mag-work ako sa PAL so pinagbigyan ko siya. Nag-apply ako. Paminta ako noong interview. Stiff na stiff ako at binabaan ko talaga ang boses ko. Sinuot ko ang pinaka-pang-lalaki kong damit. Say ng mahaderang nag-iinterview, “Are you gay, Mr. Lapus?” Say ko ng walang kaabog-abog, “I’m not.” Ayun, failed.

Noong fourth year high school ako, natanggal ako sa Top 10 dahil nagka-line of 7 ako sa card. 78 ang grade ko sa Steno. Pinagalitan ako ni Nanay. Say ko, ang hirap kasi ng steno at pinag-iinitan ako ng teacher namin. Sumugod si Nanay sa school at kinausap ang steno teacher namin na si Ms. Gratil. Binuking ako ni Ms. Gratil na hindi lang talaga ako nag-aaral ng steno. Tama siya. Hindi ko kasi type. My god naman! Elective namin sa high school, steno. Ano kaya ‘yon?

Noong nag-audition ako for Teatro Tomasino, say ko din na hindi ako bakla. Buti na lang natanggap pa din ako. Pero isang semester nila ako pinagtatawanan. Pinasali nila ako ng gay beauty contest the following year. Hahaha.

Nanghiram ako ng damit sa Ate ko noon. Sabi ko, costume para sa play namin sa Teatro Tomasino. Ang totoo, ginamit ko ang dress sa casual competition ng Ms. Gay Bago Bantay. Title ako. Taray!

Noong bago-bago ako tumatambay sa The Library sa Malate, tinanong ako ni Mamu Andrew de Real kung na-meet ko na ba daw si Phillip Lazaro kasi ipapakilala daw niya ako. Say ko talaga, “opo,” kahit hindi pa. Hindi ko pa kasi type si Phillip that time. Apparently, ‘di din pala niya ako type noon.

Noong nag-guest ako sa “Forbiden Questions” segment ni Mo Twister sa Magic 89.1, he asked me off-air kung may issue ba daw kami ni Tito Boy. Say ko talaga, “Ha? Wala. Sa’n galing ‘yan?”

Noong sinampal ko last year ang little sister kong bakla dahil hinada ang ex ko, say ko, kaya ko siya sinampal ay dahil sinagot-sagot ako. Pero kahit hindi niya ako sinagot-sagot noon, sasampalin ko pa din siya. Hehehe.

The day na isulat ni Vinia Vivar na feeling daw niya na-offend si Direk Joyce sa akin, nakita ko sila ni Reggie Bonoan sa victory party ng Apat Dapat. I told them na hindi mangyayari ‘yon kasi friends kami ni Joyce. Say ni Vinia, babawi daw siya. Ask ni Reggie kung napikon ba daw ako, say ko talaga na naka-smile, “Hindi, ako pa.”

Sa previous blog kong “Gray Area,” mga tatlong issue doon ang alam ko na nasa black area pero nagpapaka-safe lang ako. Sorry.

Last Sunday sa Showbiz Central, lumitanya ako ng, “Ibabalik ko ang bangis ko for the ratings.” Naninindak lang po ako. Sinasamantala kasi ng iba na nice ako theses days because Santa Claus is coming to town. Grabe, sunod-sunod ang pag atake ng mga alagad ng dilim. Nang-agaw daw ako ng role, mukhang pera daw ako at offensive daw ako. Feeling ko, next time may magkakalat na hindi naman talaga ako bakla. Hahaha.

(Read more… )

Gray Area

Filed under: Opinion — admin at 11:21 am on Saturday, October 20, 2007

I was not that busy this past week. I was just sad given the contradicting issues I experienced these days. I know some of you look forward to my new post every day to be inspired or, at least, get a little laughter from my sweet blog. Forgive me for my late post because ako naman ang hindi inspired. There’s a gray area in my life now.

I am the kind of person na walang gray area. Either black or white lang ako. Hate or love kita. Friend or enemy ko siya. Gutom or busog ako. Happy or sad. Good or bad. So if I am faced with the usual scenarios in life that would need me to choose this and that, nalilito ako. You can say that I am too careful or takot na ako ngayon, tatanggapin ko. I do not want to get into trouble or create enemies that I’ve been trying to avoid these past two years.

But then again I am a showbiz-oriented talk show host. I am gay and naturally opinionated. Lahat po ng bakla ganon yata. I have a very strong personality that is impossible to miss. I have a blog na madaming nagbabasa at nagtatanong. So it would be weird kung wala akong opinyon sa mga bagay-bagay.

Trust me, magkakaroon ako ng opinyon sa mga bagay na ito pero, as of now, I am in a gray area. I don’t like this feeling.

On Ara and Manny

MY ACTRESS FRIEND: Sweet, kung gimik lang ang kay Ara at Manny, bakit ang aga? Di ba sa December pa ang movie nila? Baka totoo kasi parang pikon si Jinky. Kung hindi totoo, dapat lumitanya si Jinky ng, “pasensiya na Ara or something like that.”

MY OTHER ACTRESS FRIEND: In fairness, pinag-ipunan ni Ara ang new house niya. Kawawa nga ‘yang si Hazel kasi lapitin ng mga may asawa. Pero I know her, she will never make patol.

On Ethel in Pinoy Big Brother

GAY FRIEND OF ETHEL BOOBA: Naku Sweet, tsugi na si Ethel sa PBB kasi kinakalat na kasali siya, e, bawal ‘yon. Nagalit si Lauren Dyogi. Huwag siyang chumikang nag-back-out siya.

ANOTHER GAY FRIEND OF ETHEL: Nag back-out si Ethel kasi mami-miss daw niya si Johnvier. Pinakikiusapan nga siya ng PBB to reconsider. Kailangan daw siya kasi boring ang mga naunang pumasok.

On Andrew Wolfe in PBB

ABS-CBN STAFF: Hindi nag-auditon si Andrew. Ayaw yata. Sayang mas type ko siya keysa kina Will at Jon Avila.

ANDREW WOLFE: PBB called me, John. I auditioned. They said, “stand by lang.” I want to join nga sana. I think I have good chances. (Read more… )

Wala akong maisip…

Filed under: Features — admin at 12:04 pm on Sunday, October 14, 2007

Wala akong maisip…Alam ko na! Itotodo ko na lang sa inyo ang mga ginawa at na-experience ko this past week.

October 7, Sunday. Sumalang si Andrea del Rosario sa “Don’t Lie to Me” ng Showbiz Central. Napapalakpak ako sa pag-amin niya na nagso-show na siya sa mga Class D na clubs. Buti hindi siya nag-lie kasi may nadaanan akong isang club at may poster siya sa labas. In fairness to Andrea, wala naman talagang masama basta the price is right.

October 8, Monday. May nag-text sa akin na friend ko. Nag-show daw ako sa isang Class D na comedy club sa Las Pinas last weekend. Nagduda daw ‘yong may-ari na baka hindi ako kasi nakataxi lang daw ‘yong bakla. Just like Andrea, willing akong mag-show sa isang Class D na club, kahit the price is wrong, basta kaibigan ko ang may-ari. Pero una, hindi ko kilala ang may-ari at ang club na ‘yon. Pangalawa, may kotse po ako. Kinagabihan, nagpunta ang tunay na ako sa celebrity premiere ng Apat Dapat sa Podium. Daming artista. Konti ang tumatawa.

October 9, Tuesday. Premiere night ng Apat Dapat sa Megamall. Daming tao pero konti ang artista. Ang daming tumatawa. Salamat sa sense of humor ng masang Pilipino.

October 10, Wednesday. Nag-rehearse ako para sa concert ni Mark Bautista. First day ng Apat Dapat. Kumita ng almost nine million. Congrats sa Viva Films, kay Rufa Mae na co-producer, at kay Direk Wenn. Nagpunta ako sa Baclaran at nagpasalamat. Dumiretso na ako sa Tagaytay pagkatapos.

October 11, Thursday. Tagaytay na ako. First shooting day ko ng Shake, Rattle and Roll 9. First time magdirek ng pelikula ni Paul Daza na anak ni Julie Yap-Daza. First Time ko din nagka-diarrhea this year.

October 12, Friday. May diarrhea pa din ako. Punta me ng Makati to cover the first birthday of Princess Pacquiao na only daughter ni Manny. Ang taray ng set-up sa Renaissance hotel. Ininterview ko sina Manny at Jinky. Sinagot nila ang issue tungkol kay Ara Mina. Watch nyo ‘yan sa Showbiz Central.

October 13, Saturday. Wala na akong diarrhea sa awa ng Diyos. May ininom akong gamot pero ayaw kong sabihin kasi binili ko naman at lumantak ako ng saging nang bonggang-bongga. Papunta ako sa Aliw theater para sa concert ni Mark Bautista. Habang nasa kotse, nakikinig ako ng Startalk sa DZBB. Ininterview nina Tito Joey at Tita Lolit sina Manny at Jinky. Say ni Tita Lolit kay Manny, “Alam mo Manny, kahit mukha kang
snatcher, mayaman ka na ngayon.” Hahaha. Bumalik yata ang diarrhea ko sa kakatawa.

4:00 p.m. ako dumating sa Aliw theater. Ka-dressing room ko sina Andrea del Rosario at Katya Santos. Nakakatawa ‘yong dalawang Hot Babes. Sila lang nag-aayos sa sarili nila at light make-up lang. Ako, dalawa ang taga-ayos from Hairwatch Salon at heavy make-up pa. Hahaha.

5:00 p.m. ako na-rehearse ng blocking. Mag-isa lang ako kasi hahabol na lang daw si sister Rufa Mae at manggagaling pa daw ito sa Bulacan para sa shooting ng Desperadas. Magkasama kami dapat sa novelty number with Mark.

6:00 p.m., nagpa-make-up na ako. Habang minimake-up-an, pinagchichismisan namin nila Andrea at Katya ang early days ng Viva Hot Babe. I reminded them na ako ang first guest nila sa show nila sa Casino Filipino sa Paranaque. Naalala ko pa noon na parang swollen ang mukha ni Asia Agcaoli. Bagong gawa yata. Nai-chika din ng dalawa na 23 years old lang pala si Jen Rosendhal at nagpabawas daw ito ng boobs. Na-touch ako kay Katya.
Kinikwento niya kay Andrea ang book entitled Secret na nabasa. Tungkol daw ito sa power ng mind. ‘Pag inisip daw natin ang isang bagay, mangyayari talaga.

7:00 p.m., nagpa-hairdo na ako. Pang-competition ang look ko. Black ang base pero blond ang naka-taras. Suplada.

8:00 p.m. dumating si Faith Cuneta. Pinaupo ko siya sa tabi ko. Kasama niya ang manager niyang si Jacob Fernandez. Hindi ko makuhang chikahin si Jacob. Siya ang producer ng concert ko sa Folk Arts Theater five years ago. Tumalbog ang mga checks na ibinayad niya sa akin. Di ko na hinabol kasi maliit lang naman kumpara sa ibang nagdemanda raw sa kanya. Awa at inis ang nararamdaman ko. Buti na lang, charming si Faith. Sumunod na dumating si Sitti na napaka-pretty. Say ng nag-aayos ng hair ko, “Sir, sino po siya?”

9:00 p.m. nagstart ang Simply Irresistible concert ni Mark. Nakita ko si Tita Hermie na associate producer ng Apat Dapat. Nag-congratulate kami sa isa’t-isa sa success ng movie namin. I asked her kung nasaan na si Rufa Mae. Nasa Bulacan pa daw.

9:30 p.m., dapat nakasalang na kami ni Peachy pero by this time, nasa Bulacan pa din daw. Tense na ang mga staff. Inuna muna ang female group na Mocha. Say ng make-up artist ko, “Sweet, sino sila?” Hindi ko siya pinansin kasi nag-internalize na ako na sasalang akong mag-isa. I can feel it.

10:00 p.m., nilapitan ako ng P.A. ng concert. Say niya talaga, “Sir John, sabi po ni Direk kung ok lang po ba na kayo na lang mag-isa?” Say ko naman, “Kayo lang ang inaantay ko!” Pinakuha ko na ang costume ko sa P.A. ko at nagpa-retouch na ako agad ng hair at make-up. It’s show time! On the spot ito so hindi ko na ma-remember ‘yong iba.

JOHN: Papasukin niyo po ako. May ka-blind date po ako diyan sa loob. Hay salamat at nakapasok na ako. Napagkakamalan akong showgirl ng Star City. Yung mga batang dumadaan, ang sabi clown daw ako. Miss, sa palagay mo ba magugustuhan ako ng ka-blind date ko?

MISS: Hindi ako sure.

JOHN: Kung makapagsalita ka naman akala mo kung sino kang maganda. Wow! May PTA meeting pala ngayon. Nandito ang principal ni Mark noong high school. Ang taray ni ma’am, may dalang lesson plan. Excuse me sir, sa palagay niyo po ba magugustuhan ako ng ka-blind date ko?

SIR: There is such a thing called miracle.

JOHN: Sobra naman po kayo. Parang kailangan pa ng himala ng mukha ko. Madami daw artista. Sino bang mga nandyan? Hi, Erik Santos! Hi Rica, alam mo ganyan din ang itsura ko noon bago ako nalunod. Piolo! Gutom ako kanina pero nang makita kita, nabusog ako. Direk Joyce, ang pangit niyo pala sa personal, pero maganda po kayo sa TV (don’t panic PEPsters, friend ko si Direk Joyce).

Pagpasok ni Mark, lalong nagkagulo. Nilandi ko siya na kunwari ako ang ka-blind date niya sabay kinantahan niya ako ng “Charing.” Hahaha. Good sport si Mark at love siya talaga ng masa. Palakpakan ang mga tao at tawa to death. Ang message ko sa kanya, “Alam mo Mark, kaya kita gusto kasi sa lahat ng performer ngayon, sa life story mo ako na-touch. Galing ka ng province tapos sumakay ka ng barko at biskwit lang ang baon mo.
Sa sobrang touched ko, parang gusto kita i-touch.” Hahaha. But seriously, sa humble beginnings ni Mark, parang tama si sir, “there is such a thing called miracle.”

October 14, Sunday, 4:00 p.m. ang Showbiz Central. Alicia Meyer ang aamin sa “Don’t Lie to Me.” Alfred Vargas ang uupo sa hot seat ng central jury. Abigail Cruz, na girlfriend ni Paolo Bediones, magpapakita na. Manny at Jinky Pacquiao, tatapusin na ang issue tungkol kay Ara Mina. At isang exclusive video na magpapatunay sa totoong nangyari diumano kay Jean Garcia. Tutukan niyo ‘yan.

Tutukan niyo din ang mga sagot ko sa tanong niyo, eto na.

TIMITO, hindi ko alam ang issue tungkol kay Kristine at Marian pero I assure you, mabait si Kristine. Promise.

PAJAMAS, sino ka? Trust me I would remember you. Go!

TIIN_LABS, korek ka John! Meron nga silang tampuhan. ‘Yon na!

Talaga, TUPE? Kilala mo ‘yong tatay ng unang anak ni Wilma na si Asiana? Naku, tell mo na kahit hindi nanghihingi si Wilma, try din niya magbigay. Try lang.

MHYA, sabi mo I’ve changed a lot nang lumipat ako sa GMA. I agree, sister. Minsan, hindi ko na nakikilala ang sarili ako.

KRISTINA, don’t worry, nasabi ko na kay Pia.

PAMINCHEVER, korek ka din John!

Oh, thank you, SUGAR N’ SPICE.

KUYA DICK? As in si Roderick Paulate ka ba? Siya lang ang kilala kong Kuya Dick na mahilig mag-I love you. Gosh, I love you din.

CRIS, si sir Noel Nuguit mo si Bounce dito. Say hello. Noel, nasa kabilang linya ang student mong si Cris. Hahaha.

AJ REYES, “being alone or single doesn’t make you a lesser person. It is a choice. But at the end of the day, things do happen for a reason. This reason makes you more human and experienced.” Ikaw ang quote of the week. Congratulations.

SA MGA NANGAKO NG WALANG IWANAN, maraming salamat! Mahal ko kayo.

JENINNA and KAPUWET…………………………………………………..wala akong maisip.

Iwanin

Filed under: Features — admin at 11:52 am on Monday, October 8, 2007

Kwento ng Nanay ko sa akin, “Alam mo Jonathan, noong three years old ang Ate mo, pinagtaguan namin ng Tatay mo sa mall kasi ang likot. Noong napansin niya na wala na kami sa tabi niya, biglang umiyak ng malakas at nag-iskandalo sa mall. Ginawa din namin sa iyo ‘yon noong three years old ka. Nung mapansin mong wala na kami sa tabi mo, umupo ka lang sa isang tabi at hindi ka umiyak.”

It seems like I got stuck to the character of the little John in the story. Maski mga kaibigan ko, napansin din ito. Iwanin ako ng mga tao. I don’t know if it has something to do with my personality. Masyadong malakas daw ang dating ko kaya nakakapaso. Masyado daw mataas ang expectations ko sa pamilya at mga kaibigan ko kaya ‘pag nalaman daw nila na hindi nila ako napi-please, umaalis sila. Napaka-convenient na excuse pero tatanggapin ko. Baka naman totoo.

Sabi naman ng iba, mabait daw ako masyado kaya iniiwan ako ng mga tao knowing that I would not mind or mapapatawad ko din sila sakaling bumalik. Pwede din, pero parang mayabang naman. At ang pangit ng concept na mabait ka na, iniwan ka pa. Ano kaya ‘yon? Hahaha.

My father abandoned us when I was 11 years old. Theory nga ng mga kamag-anak namin, baka daw kaya ako naging bakla ay dahil during my adolescent age, nawalan ako ng father figure. Mali sila.

Kasama pa namin ang Tatay ko, bakla na ako. Baka kung hindi kami iniwan ng Tatay ko noon, isa akong baklang paminta ngayon. ‘Yong tipong sobrang stiff kumilos at binababaan ang boses para huwag mabuking. Hahaha. Pucha, ang lungkot no’n.

Noong Grade 5 ako sa Lagro Elementary School, nag-field trip kami sa Planetarium at Manila Zoo. Muntik na akong maiwan ng bus. Nalaman nila na naiwan ako kasi napansin nila na walang madaldal. Kung tahimik pala ako, e, naiwan na ako sa loob ng Manila Zoo. Maryosep!

Noong high school ako sa St. Anthony Nova School, mahilig akong chumika sa mga kaklase ko bago umuwi. Doon kami nagchichikahan sa red waiting shed sa kanto ng Amparo Subdivision. Ang ending: madalas akong iwan ng mga kasabay ko pauwi. Kainis.

May niligawan akong paminta noong araw. That time, consistent siya na lalaki daw siya. Bagong pasok ako noon sa ABS-CBN. Mahilig sa artista si paminta kaya madalas ko siyang isama sa work. One time, napansin ko na madalas ang punta niya sa ABS-CBN kahit wala kaming usapan. Say lang niya, gusto daw kasi niya akong makita. Ang sweet ‘di ba? Aba, malaman-laman ko jowa na niya ‘yong isang baklang kasamahan ko. Hindi na pala akong ang pinupuntahan. Hindi pa naman daw kami mag-on so hindi daw niya ako niloko. Ang kasalanan lang daw niya ay hindi niya nasabi agad na may namamagitan na sa kanila
nung isa ngang bakla. Ayun, nakarma si baklang taga-ABS-CBN at natsugi sa work. Si paminta naman, taga ABS-CBN na ngayon at malandi pa sa akin. Hahaha.

Noong lumipat si Goma sa GMA para akong iniwan ng boyfriend. Every week ko nakikita that time ang showbiz crush ko ‘tapos biglang umalis. Kaya eto at sinundan ko siya. Hahaha.

Ang taas ng rating Arriba, Arriba noong araw. Ako ang bestfriend ni sister Jolina sa sitcom na ‘yon. Lahat ng fans niya, type ako. Biglang lumipat si Jolina sa GMA. Pucha para akong namatayan ng bestfriend. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Feeling ko that time, baka tsugihin na din ang show kasi wala na si Jolina. Mababawasan ako ng raket. In fairness, tinuloy pa din ang show with Heart as the new cast.

‘Yong first boyfriend kong straight (na dating callboy), pagkatapos mangutang sa akin ay hindi na bumalik. ‘Yong first little sister kong bakla, na pinaka-close ko, nakipag-s*x last year sa first boyfriend ko na ‘yan. Feeling ko iniwan ni bakla ang friendship namin. Nasampal ko tuloy.

‘Yong second boyfriend ko na model, alam na ninyo kung anong nangyari. One day isang araw, hindi na siya nagpakita. Nakakita ng mas matabang isda pero hindi naman nagpabingwit sa kanya. Sabi ng friend ko sa modeling agency, may bagong bakla daw na madalas kasama ‘tong ex ko. Sister, careful!

‘Yong third and last boyfriend ko, ako nakipag-break. Nagulat kasi ako. Biruin niyo, almost everyday kami magkasama pero bigla niyang sinabi sa akin na may girlfriend na daw siya. Saan sila nagligawan? Sa tabi ko? Hahaha.

Si Francois na dati kong personal assistant, nagpaalam sa akin at lilipat na daw siya kay Kris. Aba, greener pasture ‘yon kaya naman pumayag ako.

Internet cafe dati ang GRAFFiTi. ‘Yong first staff kong si Peter, medyo magaling sa computer. Tambayan ni Tito Alfie Lorenzo ang GRAFFiTi that time so madalas siya i-assist ni Peter. Si Tito Alfie yata ang best customer namin noon. Nag-close muna kami in time for the Holy Week. Sinabay ko na din ang renovation at repairs. After Holy Week, hindi na bumalik si Peter. Resigned na daw siya. Assistant siya ngayon ni Tito Alfie.

Recently, hindi ko na nakikita ‘yong mga UST boys. Check my blog entitled In fairness.

Sa kakaiwan sa akin ng mga taong mahal ko at importante sa akin, nagkaroon tuloy ako ng AUTOPHOBIA. ‘Yon daw ang tawag sa fear of being alone. Grabe, hindi ako nakakatulog na mag-isa, hindi ko kaya manood ng sine mag-isa, hindi ko kaya uminon mag-isa at kung ano-ano pang bagay na pwede namang gawin mag-isa. Never akong magiging loner kasi takot ako maging alone. I could be lonely but never alone.

And that is why lately, I am appreciating the people who are always with me at hopefully, hindi ako iwan. Alam ko minsan naloloka na sila sa akin dahil panay ang tawag ko sa kanila at may halong panic ‘pag hindi ko sila ma-contact. Nahihiya na nga ako kasi alam ko may sarili din silang buhay. Alam naman nila na wala pa akong bagong mga friends sa GMA kaya possessive ako sa kanila these days. Bihira ko naman na makita ang mga friends ko sa ABS-CBN. At ‘pag nakikita ko sila, hindi ako maka-relate kasi puro about ABS-CBN ang pinag-uusapan. In fairness naman, nagchi-change topic ‘yong iba ‘pag dumadating ako.

I would like to thank Nikki, the manager of GRAFFiTi, kasi sa bahay ko siya ngayon natutulog dahil nasa Amerika si Nanay. My friend Boyet, owner of Hairwatch Salon, is my movie and Baclaran date every week. My sister Phillip Lazaro, the new entertainment director of Klownz, is in GRAFFiTi every night. To the waiters of GRAFFiTi na hindi nagreresign kahit delayed ang sweldo nila, and my driver Toto na madalas kong pagalitan—thank you sa inyo.

I know that I have to grow up and be strong, that I should conquer my phobia and learn to be alone sometimes. Importante daw ‘yon para lalong kong ma-appreciate ang mga taong mahal ko ‘pag kasama ko sila.

Sa ngayon, ‘pag may umiwan pa sa akin, uupo lang muna ako sa isang tabi at hindi ako iiyak.

Upo muna kayo diyan at huwag umiyak dahil sasagutin ko na ang mga tanong niyo.

SA MGA GALIT SA DESPERATE HOUSEWIVES
, mag-rally kayo! ‘Wag ninyo tantanan! Support ako John!

TAMBAY, dayser ka din? May batch ang DLSU-Days (male sector batch 144) on October 26 to 28 sa Leap School in Pasig.

NAKKU, say mo sa mga detractors ko, “overflowing fruit basket where you can freely choose which ones to eat, to display, to share, and throw away.” Ikaw ang quote of the week. Congratulations!

MARIPOSA, I will celebrate my 15th year in showbiz next year. I want to have a super major show. Hopefully, sabay na ang compilation ng Korek ka JOHN. Ang saya!

MORENA, type ko ang description mo sa aking “SWEETYLICIOUS.” Parang ‘yan yata ang title ng 15th anniversary show ko. What do you think?

MARJORIE, sure. Pakilala mo sa akin ang cousin mo. But tell him, he needs to start from the bottom if he wants to work here in Manila. Galing na siya ng London kaya pag-isipan niya kamo mabuti. ‘Yon na!

Naku SANDRA, baka si Tom Babauta. Hahaha.

LAUDEMER, kamukha ko ang Tita mo? Ang ganda ng Tita mo!

BLONDE dear, I soooooo love Broadway as well. I’ve been there many times. I was able to catch the gala of Wicked and the closing of Aida. I sooooooo liked the Producers, Hairspray, and Sweet Charity as well. I got so freakin’ bored though with The Phantom of the Opera. I wished then the real chandelier of the theater fell down on me, that could have been my greatest NY experience. Hahaha. I was such a “big spender” there, huh. Are you sooooooo going to Vietnam for the Ms. U next year? Well, I am. I’ll just keep you posted, girl! Mwah! Oh, by the way, honey, the line, “All the world is a stage; And all the men and women merely players,” is from the great William Shakespeare, in his 1600’s As You Like It. There, as you like it, bitch!

Sa mga patuloy na sumusuporta sa blog na ito at sa Showbiz Central, maraming salamat. Walang iwanan ha. Sige kayo iiyak ako. Huhuhu.

Teatro Tomasino

Filed under: Features — admin at 12:18 pm on Wednesday, October 3, 2007

Thirtieth Anniversary ng Teatro Tomasino last Saturday. Ang saya! Teatro Tomasino is the oldest university-wide theater guild in UST. Doon ko sinimulan ang aking acting skills, pati na rin sina Arnold Clavio, Eagle Riggs, Direk Wenn Deramas, and Piolo Pascual to name a few.

Pagka-enroll ko sa UST, May 1989, inabutan ako ng yellow booklet together with my class schedule. The yellow book is the list of UST’s rules and regulations, facilities and official organizations. Ewan ko lang kung until now, yellow pa din ang booklet na ‘yan.

I immediately scanned the booklet to look for a group na sasalihan ko. I knew that it should have to do something with acting. Doon lang ako magaling. Umabot nga ako until second year college na ang acting ko sa Nanay ko, e, lalaki ako. Di ba ang galing ko? Hahaha. Sa last page ng mga university-wide organization, nakalagay ang Teatro Tomasino since it was arranged alphabetically. Ang taray, kasi sa last page na ‘yon dalawa lang ang nakasulat na org. Salingawi, ang official dance group of UST, and Teatro Tomasino.

First day of class, nagpunta na ako agad sa Teatro Tomasino office. Kaloka! Pagitan lang siya ng buildings ng Education at Engineering Building. Kaya pala pasilyo ang tawag. Yagit talaga kasi katabi ng septic tank. Pero grabe, ang saya-saya namin sa office na ‘yon. Mga babaeng bakla ang nakabantay sa booth. Actually, table lang siya at chair na may makalagay na sign, “Teatro Audition.”

Twenty pesos ang bayad sa application form. Maryosep! Sakto lang ang pera ko. ‘Pag nag-pay ako, wala na akong pamasahe pauwi. Nag-inquire lang muna ako sabay fly. Bumalik ako the week after. By then, may mga barkada na ako sa klase (BS HRM) na gusto din palang mag-audition sa Teatro. Si Con-con Halili na four years kong katabi sa klase (since blocked section ang UST) ang kasama kong nag-file ng application form.

Sunday, whole day ang audition. Group excercise sa umaga at interview after lunch. Na-culture shock ako. Ang kinagisnan kong mga bakla sa Lagro, Novaliches, e, ‘yong mga nasa parlor na makapal ang make-up kahit tanghaling tapat. Meron ding bakla na mukhang lalaki pero maingay tulad ni Maning na kilalang pusher sa Lagro. In other words, that time, typical bakla na napapanood sa TV at pelikula lang ang kilala ko.

Kakaiba ang mga bakla sa Teatro Tomasino. Isang baklang matangkad na long hair ang nagsalita sa lahat ng mga “auditionees.” Roxy daw ang name niya at technical director lang daw siya. Wala pa daw ang artistic director dahil um-attend pa ng ROTC. Naka-eyeliner si Roxy na parang si Boy George at naka-pekpek shorts. Na-imagine ko kung ano pa kaya ang itsura ng A.D. Baka mas malaki pa sa kanya. Katakot!

May ka-batch akong nag-audition, James ang name. Baklang maitim at kamukha ni Grace Jones. One line ang kilay ng bakla. Inglisera, kasi galing pala ng Ateneo.
May isa pang baklang dumating. Payat, nakasalamin at may dalang payong. Jimmy Tering ang name. Habang nanonood ng audition, may dalang siyang nebulizer—may hika ang bakla.

May tatlong baklang magkakatabi sa isang gilid—Rochie, Rams at Erick ang names. Pataasan sila ng bangs nila na naka-teased at sagana sa spray net. Nakatitig sila sa aming mga auditionees. Pinagbubulungan nila ako. I’m sure naamoy nila na bakla ako.

After lunch, may dumating pang isang bakla. Francois (pronounced as Franswa) daw ang name. Galing yata ng ROTC. Naka-fatigue uniform siya pero ang shirt sa loob ay midrib. Ang taray! Ginupit niya talaga ang ROTC shirt niya para makita ang pusod niya.
Natakot ako mag-suffer in comparison. I was so naive that time. Kaya kahit naghubad na ako sa group exercise, when they asked me sa interview kung bakla ba daw ako, sabi ko hindi. Nagtawanan sila! I agree. Hahaha.

Second sem, noong new member na ako, umamin na din ako. Audition kasi ng isang play na si Roxy ang magdidirek. Bakla daw ang role. Magkaibang Klase ang title. Na-get ko ang role pero alternate lang ako ng dalawang senior ate ko na sina Rochie at Rams. Lea Salonga si Rochie, Monique Wilson si Rams, at Jenine Desiderio lang ako. Ok na din considering that it was my first lead role in a theater production. Very memorable talaga.

Second sem din pumasok ng Teatro si Louie Andrada. Kakatawa si bakla kasi kulot ang buhok at big curls. Naging favorite din siya ng mga Ateng namin kasi showgirl din ang bruha. Kaming dalawa at si James ang naging three wicked sisters dahil magkakalapit kami ng bahay. First sali namin ng Miss Gay, nag-watch lahat ang mga Ate namin. Hindi ko sila binigo, second runner-up ako sa unang salang ko sa Miss Gay Simon St. Sampaloc. Pwede na daw kasi first time ko.

Eventually, na-meet ko din ang mga baklang honorary members. Mga diva ang turing sa kanila sa Teatro Tomasino dahil may mga trabaho na sila that time at may mga contributions na sa aming theater guild. I met Eagle Riggs (na artista na that time), Wenn Deramas (waiter siya noon), Don Cuaresma, Buboy Favor, and Noel Nuguit. Pasimula pa lang sila sa showbiz that time. Most of them, kaga-graduate pa lang ng UST (di naman fresh graduates, mga two years). Sila ang mga madalas nagdidirek ng mga play ng Teatro that time.

Ginawa akong laruan ng mga bakla. “John Lapus, sayaw! Tumbling ka, John Lapus! John Lapus, gayahin mo si Ate Luds! John Lapus, mag-Pia Moran ka!” Sobrang aliw nila sa akin kaya nililibre nila ako ng pagkain at minsan, sine sa Recto. Ang saya! Halos lahat ng play ng Teatro that time, sila ang may hawak. Ka-join ako palagi—either stage manager ako or production manager or promo head or, minsan, artista.

Ang mga Ate ko ang nagturo sa aking mag-make-up, umarte, magdirek, chumika sa mga boys, manamit, mag-Ingles, proper hygiene at kung anu-ano pa. Parang sila ang naging queer eye ko. Sila din ang tumulong sa akin na mag-out sa family ko. Birthday ko noong second year college ako, in-invite ko sila sa bahay namin. Nakita ni Nanay na malakas lang ang dating ng mga kaibigan kong bakla pero hindi naman bastusin. By then, alam kong tanggap na ako ni Nanay. She knew that I was in good company. She was right. (Read more… )