| Register

In fairness

Filed under: Features — admin at 12:48 am on Thursday, September 27, 2007

Na-delay na naman akong mag-post ng new blog. Naloka kasi ako sa mga comments niyo na “Cut!” is my best blog ever. Sa mga naiyak at the same time natawa, that’s the idea. I always make it a point to laugh at the things that make me cry. Anyway, na-pressure tuloy akong sundan. In fairness, nakaisip ako ng bago.

Ewan ko kung napansin ninyo pero madalas kong gamitin dito ang words na “in fairness.” Maski pag nagsasalita, maya’t-maya nagsasabi ako ng “in fairness.” Madalas ko ‘yan gamitin pero recently ko lang nalaman na two words pala ‘yon. Before, when I type those two words, ang nalalagay ko, “infairness.” Tanga.

Favorite ko ang “in fairness” kasi napaka-positive. It’s like seeing the good in things that are bad.

Ang pangit ng damit niya pero, in fairness, na-carry niya.

Malakas ang dating mo, Sweet, pero in fairness, mabait ka pala.

Ano ba naman ‘yang si Pia, laging naka-mini. Pero in fairness, sister, bagay sa kanya.

Bakla daw ‘yang si matinee idol pero, in fairness, ang daming fans at super talented.

Alam mo, Sweet, ang pangit ni Lani Misalucha noong araw pero, in fairness, siya ang pinakamagaling kumanta para sa akin.

It’s like seeing the sunshine after the rain.

Namatay ang tatay ko September of last year. In fairness, nabuhay ang career ko sa GMA the week after.

Lahat ng jowa mo, Sweet, niloko ka. Pero in fairness, ang dami mong kaibigan.

Super lugi ang GRAFFiTi, Sweet, pero in fairness, thankful ang mga staff mo kasi hindi mo sinasara.

Sweet, ano na ang nangyari kay Carlos Agassi? In fairness, ang gwapo pa din niya.

John, kawawa naman si Jennylyn, naipit sa GMA at kay Becky. In fairness, hindi naman daw siya pababayaan ng GMA.

It’s like seeing the silver lining in every dark cloud.

Grabe, buntis si Camille Prats. In fairness, nasa tamang age naman na siya at mukhang masaya siya.

Kawawa naman si Ate Guy, walang pelikula. In fairness naman daw, happy siya sa piling ni Nori sa Amerika.

Grabe, nag-call boy pala ‘yang matinee idol na ‘yan noong araw. In fairness, noong nagkapera siya, tumulong sa pamilya.

Sweet, nagsara na pala ang Klownz Araneta. In fairness, may mga bago daw gimik na aabangan sa ibang branch dahil entertainment director na si Phillip Lazaro.

Alam mo, Sweet, hindi kita gusto noong araw. In fairness, napahiya ako nang makilala kita.

Maraming “in fairness” sa buhay ko. Yung mga pangit hinanapan ko ng magandang resulta at nasabi ko talaga sa sarili ko na, “in fairness.”

Last summer, may mga nakilala akong boys sa GRAFFiTi. Mga students sila ng UST. Nakipag-chikahan ako sa kanila, which I normally do sa mga customers namin. Habang nag-chichikahan kami, nag-text ang mga kaibigan kong bakla.

“Sweet, sino ‘yang mga ‘yan? Ang gagwapo. Hada ba ‘yan? Pakilala mo kami.”

Nag-text back ako, “Naku mga sisters, mga anak-mayaman. UST. Friendly lang.”

Anyway, pinakilala ko pa din sila. Kanya-kanyang chika na ang mga bakla. Yung type ko, binakuran ko talaga. Hahaha. One time, nakita ko ulit ang mga UST boys sa esQuinita, where GRAFFiTi is located, at kasama na nila ang mga friends kong ipinakilala ko sa kanila. Gosh, dinapuan ako ng insecurity nang bonggang-bongga. Hindi ko na-get ang concept na kasama ng mga friends ko ang mga boys na ako ang nagpakilala at ako hindi. Later ko na lang nalaman na nag-emote pala yung type ko sa mga barkada niya na hinipuan ko daw siya. Siyempre, naloka na naman ako. Hindi ko ugali ang manghipo.

Nag-effort ako to death para kaibiganin ang mga boys. Painom at pagimik para makapag-bonding. Admittedly, gusto kong mabago ang pagtingin nila sa akin. In fairness, nagbago naman daw. Marami pa akong ginawang kagagahan para lang maging ka-close ko sila. Nagkatampuhan pa kami noong isa kong friend dahil nabwiset nga ako na hindi niya ko ini-invite sa mga chikahan nila, e, ako naman ang nagpakilala sa kanya sa mga boys. Na-explain naman niya sa akin na it was actually the boys who were aloof to me kaya ayaw nila akong makasama at first. Point taken, kasi madalas mangyari ‘yon.

Bihira ko ng makita ang mga UST boys. In fairness, some of them still text me once in a while. Sa ibang lugar na sila gumigimik, minsan daw with my friends. Last time I heard, some of them pinasok ng mga friends ko sa trabaho. In fairness sa mga kaibigan ko, matulungin sila.

I promised myself na hindi na ako kakaibigan ng mga boys other than the ones I have now. Magastos. At kung meron mang makipagkaibigan sa akin, baka hindi ko na pakilala sa mga gay friends ko. Talo ako in comparison sa ugali. Motherly at submissive ang mga kaibigan ko, samantalang ako, loud and spunky. Hahaha. Aminado naman ako.

In fairness, nabago ‘yan last week. I think it was a Wednesday night. Isang table lang na all-boys ang customer ng GRAFFiTi. Ang popogi. Mukhang mga disente kasi nag-i-English, may mga car keys at sosyal ang mga cellphone. Lumapit yung isa. Picture daw with me. Nakainom na ang mga loko. Inofferan ako ng beer. I told them hindi ako nagbi-beer at tequila girl ako. Ang kulit. Libre daw nila ako ng tequila. Sabi ko, huwag na kasi may imbak naman ako. (Read more… )

Cut!

Filed under: Features — admin at 12:27 am on Saturday, September 22, 2007

It was September 20 of last year when I got a call from Ms. Lani Mercado at around 7:00 pm. We saw each other the week before, when I guested on QTV 11’s Moms. She got my number because she wanted me to host the birthday party of her husband, Senator Bong Revilla, the following weekend.

Nagpapamasahe ako when I recieved her call. Galing ako that day sa taping ng Lovely Day ni Love Anover, kung saan pinahawak nila ako ng mga ahas, palaka, at ipis. Sinagot ko agad ang tawag niya kasi baka ma-victim si Ms. Lani ng ringback tone ko na akala mo ako na ang kausap mo pero hindi pa pala. I thought the call was about Bong’s birthday party. I was wrong.

JOHN: Hello. Yes, Ms. Lani? What can I do for you?

LANIE: Hi, Sweet. I don’t know how to say this. Your father passed away an hour ago. Nasa PGH (Philippine General Hospital) si Bong ngayon taking care of everything. I will text you the number of Direk Felix so you can coordinate with him. Magkakasama sila doon.

Marami pang sinabi si Ms. Lani pero parang hindi ko na maintindihan. I was visualizing the face of my father pero hindi kumakagat. I was thinking of the last time I saw him pero hindi ko din maalala. I tried to analyze kung paano ba dapat mag-react ang isang tao pag nalaman mo na namatay na ang tatay mong umiwan sa iyo noong bata ka pa. Nag-isip din ako kung paano ko tatawagan ang Ate ko about the news, e, almost eight years na kaming hindi nag-uusap. At ang pinaka, paano ko sasabihin sa Nanay kong nasa Amerika na patay na ang lalaking pinakamamahal niya? Ang dami kong inisip, but honestly, I felt nothing.

Kumalat na pala sa mga taga-showbiz through text na patay na ang tatay ko. Some of my friends, nag-text na agad sa akin ng “condolence.” Yung iba na talagang close ko, nag-volunteer pa na sasamahan daw ako basta pumunta lang ako. I told them not to worry at pupunta talaga ako, tatapusin ko lang ang massage session ko.

Mga 9:00 p.m., sa Funeraria Paz na ako pinapunta ni Sen. Bong. Paalis na daw kasi sila sa PGH. Saktong pagdating ko, padating na din sila. Si Bong ang sumalubong sa akin. He hugged me and whispered, “kilala mo na ba si Adora?” I said yes.

Adora is the woman na kinakasama ng tatay ko bago siya namatay. May isa silang anak named Joey Anne, who is now a nursing student in Lipa, Batangas. Doon yata sila nakatira. Nakakatawa kasi magkamukha ang Ate ko at si Joey Anne. So bale, tatlo kaming magkakapatid na babae at prangkahan na, ako ang pinakamaganda. Hahaha. I hugged both Adora and my half-sister.

By 10:00 p.m. na dumating sina Rudy Fernandez at Phillip Salvador, who were also friends of my father. Writer ang tatay ko ng mga action movies—mostly mga pelikula nina Bong at Daboy.

Dumating na din ang TV crew. Buti na lang naikwento na sa akin ni Bong ang mga nangyari kaya alam ko na ang isasagot sa mga crew na dumating. I did my best na magmukhang malungkot when they interviewed me. Habang nangyayari ang mga ito, nakita kong kinakausap na ng Funeraria Paz staff si Adora.

Daboy requested na puntahan daw namin ang bangkay ng Tatay ko sa morgue. Bong and Kuya Ipe agreed, so I asked the Paz staff kung pwede. Pumayag naman at sinamahan pa nila kami. Mga anim na bangkay ang nandoon that night. Nasa may pinto lang ang sa tatay ko since siya ang latest arrival.

Humagulgol ang Titanic Action Star na si Bong, lumuha ang Urian Best Actor na si Kuya Ipe, at niyakap naman ni Daboy ang bangkay ng tatay ko. Nainggit ako sa kanila. Ganoon dapat yata din ang reaction ko pero bakit hindi ko magawa. Nakakaloka yung tatlo, yakapin ko daw ang tatay ko. Hindi nga ako sumisilip sa patay, yakap pa kaya. Siyempre, ginawa ko naman pero wala pa din akong naramdaman.

Ganoon pala pag yumakap ka sa bangkay. Alam mo na ‘yon yung tao na ‘yon, pero you know na wala na siya doon.

After naming pumunta sa morgue, Bong asked the Paz staff kung pwedeng akyat na daw kami sa kinuha niyang chapel for my father since ang dami ng tao sa lobby. Nag-agree naman sila kahit nililinis pa ang chapel at hindi pa tapos ang paper works.

By this time, may mahadera akong kaibigan na tumawag na pala sa Ate ko at sinabi na patay na nga ang pinakamamahal niyang Tatay. Siyempre ang Ate ko na mahadera din, e, tinawagan agad ang Nanay ko sa Amerika. Nasira tuloy ang hinanda kong eksena sa utak ko.

Back to back sina Nanay at Ate sa pag-text sa akin ng kung ano na daw ang nangyayari at nasaan na daw ang bangkay. Kahit sa text, damang-dama kong hysterical silang dalawa. Kaloka!

Habang nag-iisip ako ng mga isasagot kay Nanay at Ate nilapitan ako ng isang staff ng Paz.
PAZ: John Lapus, excuse me. Tatay mo pala ang namatay.

JOHN: Opo. Bakit po?

PAZ: E, kasi may nagsabi sa amin na hindi mo pala nanay yung pumirma. Hindi p’wede ‘yon since a death certificate is a legal document. Legitimate wife or children lang ang pwedeng mag-sign.

JOHN: Naku, e, nasa Amerika po ang Nanay ko. Ate ko ba pwede?

PAZ: Kung dalaga pa siya, ok lang, pero mas ok kung ikaw kasi pareho kayo ng apelyido.

JOHN: Ah, ok. Ako na lang po.

(Read more… )

Text

Filed under: Features — admin at 1:21 am on Sunday, September 16, 2007

Sorry, PEPsters! Nagkaroon ako ng writer’s block. Wala akong maisip na i-chika sa inyo. Share ko na lang ang mga text na natanggap ko this week, pero bago ko gawin iyon, thank you at mataas na naman ang rating ng Showbiz Central. Walang bibitiw!!!!

From an actress na naka-work ni Yasmien Kurdi, “Sweet, charosera raw ‘yang si Yas. Kitang-kita ko siyang lumalafang ng barbeque sa isang taping. Ayan, lie tuloy ang lumabas. Hahaha.”

From a friend of Angelu de Leon, “Buti naman umamin na sa TV si Angelu kung sino ang tatay ng second baby niya. Aniya pa, “John she really needs help. Walang raket ‘yan ngayon. Thanks.”

From an anonymous number, “Alam ko, inamin dati ni Angelu na si Ed Marcos ang tatay ng baby niya. Bakit naging si Jojo Manlongat? Kung ok sila ni Jojo, bakit hindi siya lapitan ni Angelu at manghingi ng sustento?”

From my friend sa ABS-CBN, “I’m so proud of you Sweet. Watch ko palagi ang Showbiz Central. Maganda ang show niyo. Fresh!”

From my friend Angelo who works in Shanghai, China, “Ate ang ganda ng damit mo every Sunday. Walang tatalo talaga sa Universal Sweet!”

From Luke Mijares after niya akong bigyan ng kanyang CD, “Hope you like my new CD, Sweet! (Pangako).”

My reply to Luke Mijares, “Ang ganda ng album mo baklush (tawag ko kay Luke)! Favorite ko ang ‘With You All The Way.’ Dapat ‘yan ang ginawang carier single. Pinoy na pinoy at hindi ka masyadong nag-huhuhu at yeyeye. Hahaha.”

From my cousin Erick, “Kuya John, nasa Robinson Ermita yung gumagaya sayo. Nepeke ang mga officemates ko. Nagbibigay pa daw ng number kasi nagpapabati sila. Pati boses mo daw ginagaya.”

Reply ko kay Erick, “Sanay na ako diyan sa impostorang ‘yan. Ang hindi ko kinakaya, e, yung mga naniniwala. Wala ba silang TV? Sabihin mo sa mga kaibigan mo mag- watch kasi sa GMA. Ang laki ng ganda ko diyan.”

Text ni Ai-Ai delas Alas, “1518 Maria Clara St. corner Langit St. Sampaloc. Eto ang address ng Aisarap. Invited ka sa soft opening sa Sunday, Sept. 16, 4pm. Sana makarating ka sa pagbubukas ng aking maliit na negosyo na balang araw ay lalaki din tulad ng Jollibee. Go!”

Text ko kay Ai-Ai, “Hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Text ng staff ng Showbiz Central, “Friend niyo po ba si Martin Jickain? Luma na po ang number niya sa akin. Kinukuha po natin siya dahil sa hiwalayan nila ni Aiko.”

Text ko kay sister Candy Pangilinan, “Mare, hiwalay na daw Aiko at Martin? Anong balita?”

Sagot ni Candy, “Bukas pa ang formal presscon ni Aiko sa amin. Alam ko lang matagal na silang may problema.”

Text ng isang taga GMA, “May number po ba kayo ni Sandara sa Korea?”

Text ko kay Ana na handler ni Sandara sa Star Magic, “Hi Ana, may number ka ba ni Sandy sa Korea? Kamusta na siya?”

Sagot ni Ana, “Wala e, email lang. Happy daw siya doon at nagsisimula ng life.”

From Ms. Maricel Soriano, “Lord, my light and my Salvation, lead me in faithfulness and righteousness. Grant me Your wisdom that I may always walk the path of truth. Amen.”

Text ni Ms. Cherry Pie Picache, “Good day! Please watch Foster Child opening today.”

Text ni Chokoleit, “Bagag wait! Maot ug danway! Lagum ug kigol!”

Text ko sa mga bakla ‘pag walang tao sa GRAFFiTi, “Punta tayo ng GRAFFiTi. Laro tayo ng Trip to Jerusalem. Madaming blangkong upuan. Walang maa-out. Pls pass.”

Text ni Mo Twister when I asked him kung may sakit ba siya, “Yeah. I’m confined all week sa Medical City. I was confined already Saturday but went out to do Showbiz Central. Now back inside. Major throat infection.”

Text ng taga-Showbiz Central, “Madami po tayong EXCLUSIVE this Sunday. Live sina Pops at Rustom. Si Ethel Booba po ang ‘Don’t Lie to Me.’”

Usual text ko sa mga friends ko every Sunday, “PLS WATCH SHOWBIZ CENTRAL THIS SUNDAY, 4pm sa GMA. Exciting! Pls pass.”

Text ng isang lalaki sa akin, “Sweet pwede ka ba ngayon? Naka-kondisyon ako.”

Text ko kay Eugene Domingo, “Ma, nagiging ‘listener’ ako. Is that good or bad? Ang weird ng feeling.”

Eugene’s reply, “Depende. May listener, interested so take lang ng take. May listener na walang choice, bored lang or cynical or jaded. Alin ka doon?”

My reply, “Jaded na yata ako?”

Eugene’s conclusion: “Kalmado ka na siguro kaya listener ka na. Maaga dumapo sa akin ‘yan. Baka kailangan mo ng break or jowa, inspirasyon, ka-partner para magkakulay ang mundo.”

Last text ko kay Uge, ang tawag ko kay Eugene: “Tama ka na naman. Salamat. Makakatulog na ako nang mahimbing.”

Sagutin ko na ang mga tanong niyo para makatulog din kayo nang mahimbing.

CEL H
, kung ako si Karylle, ok lang sa akin na every day ang laplapan nina Dingdong at Marian sa Marimar kasi work lang naman ‘yon.

TATAGANDA, korek ka John! My Nanay is in Anaheim with her cousin.

BOOGIE, thanks at nagustuhan mo ang new hairdo ko by Hairwatch Salon. Gosh, ayaw ko pakalbo!

KEMBOT, sa October 10 na ang showing ng Apat Dapat, Dapat Apat. Watch ka ha.

RAHMA, mataba kasi dati si Dingdong kaya may naiwan pa.

DUBAI
, remake ng Payaso? Maryosep!

HAPPYAKO, nasa Zaido ang Papa Dennis Trillo natin. Hapit na hapit ang suot niyang cat suit. Jackpot na naman ang mga bakla!

SUGAR, the only thing constant in this world is change. Sanay na siguro ako.

NAOMI, miss ka na ng Mama. Hi to Cid.

PAOLO PASCUAL
, that’s very cute and funny. Thanks.

BLONDE, thanks for the support and comments sis. Pero lately, girl, nabobobo na yata ako or nagiging isa kang makata. Hindi ko na maintindihan ang ibang comments mo. Inaaway ka tuloy ng ibang PEPsters.

Teka, nagtext na si Direk Wenn. Birthday party niya kasi tonight. Pero maaga ako uuwi kasi guest ako sa “RRRampa” ng mga Gutierrez siblings bukas ng umaga. Nag-text na din ang staff nila to remind me. Update ko kayo. God bless. I hope makatulog kayo nang mahimbing.

Tuesday to Saturday

Filed under: Features — admin at 3:52 pm on Saturday, September 8, 2007

Tuesday. Last day shooting ko ng Apat Dapat, Dapat Apat (formerly 4 in 1). First setup namin ay sa isang charity hospital sa San Juan. Nakakatawa ang eksena doon. ‘Pinapaliwanag namin sa mga pamilya ni Res (to be played by Candy Pangilinan) na puro mga hoodlum, na hindi naman siya patay kundi may sakit lang na SARS. Hahaha. After ng first setup sa hospital, um-attend muna ng presscon ang apat na bida na sina Rufa Mae, Candy, Pokwang at Eugene.

Second setup namin sa presinto in Sta. Mesa. Imbes na umuwi ako nag-decide akong mag-check in sa isa sa mga naglipanang motel in the area. Kaloka, first time kong nag-check in sa motel. Bawal pala ang tatlo sa isang room. E, kasama ko ang P.A. at driver ko. Buti na lang, na-chika ko ang bantay na wala namang tao so pagbigyan na niya kami.

Habang nasa motel, tinawagan ako ng executive producer ng Showbiz Central na si Mother Mildred Natividad. She asked if I can be available to interview someone the next day. I said yes and asked her kung sino. She said it was very confidential at ayaw daw niyang maudlot. Naloka ako dahil never pa akong nag-interview na hindi alam kung sino ang iinterbyuhin ko. Nag-agree pa din ako because I was told that my interviewee specifically requested yours truly to interview her. Exciting! I liked it.

Wednesday. I met up with the staff of Showbiz Central at the GMA lobby. Our segment producer, Ate Lenie, approached me and asked me to follow their GMA service vehicle to Cainta, Rizal. Umandar na agad ang utak ko. Sino ba ang mga artistang taga-Cainta Rizal? Gladys Guevarra, K Brosas at Angge lang ang pumasok sa isip ko. Maski si Pokwang na taga-Antipolo at Toni Gonzaga na taga-Taytay, naisip ko na din. Pero wala namang issue sa kanila. Naiisip ko tuloy na baka Bitoy’s Funiest Video ito at ako ang kanilang extreme victim of the week. Diyusko po! Baka makapagmura ako sa harap ng hidden camera. Hahaha.

Pumasok kami sa isang pang-mayamang village sa Cainta. Pagdating sa tapat ng isang malaking bahay, na hindi ako familiar, pinababa na ako ni Ate Lenie at kakain daw muna kami. Pagpasok ko sa loob ng gate, si John Prats at Daddy Prats ang sumalubong sa akin. Gosh! Baka lilipat na si John sa GMA dahil uso naman ang lipatan? Baka magpa-interview si Camille dahil aalis na siya para mag-aral sa Amerika? Pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita ko si Camille. Nagyakapan kami nang mahigpit tulad ng pagyakap ko sa kanya noong bata pa siya sa pelikulang Pulubi at ang Prinsesa, na launching movie nila ni Angelica Panganiban. Buntis si Camille!!! Abangan sa Showbiz Central ang exclusive interview ko sa kanya ngayong Linggo.

Thursday. Pagkatapos ko mag-gym, nag-text ang aking mga anak-anakang bakla kung aatend daw ba ako sa Cosmopolitan Bachelor Bash. Siyempre hindi dahil hindi ako invited. In fairness sa Cosmo, in-invite nila ako in the past years at ako pa nga ang nagko-cover for ABS-CBN. Last year lang ako hindi umattend dahil kasama sa Top 69 ang ex ko na umiwan sa akin. Hindi pa ako nakakapag-move on that time.

I was about to meet two guy friends that night. Nang malaman ng dalawang barako na maraming girls sa Cosmo Bachelor Bash, kinulit nila ako na doon na lang daw kami pumunta. Super text pa rin ang mga bakla na pumunta ako, at super kulit naman ng dalawa kong ka-join na pumunta kami. Ergo, pumunta ako.

Kinakabahan ako nang papalapit na kami sa NBC tent. Bukod sa wala akong invitation, e, hindi ako naka-make-up. Baka hindi ako makilala ng bantay sa reception at hindi ako papasukin. Chismis! Pagbaba ko ng kotse ko, sinalubong ako ng nakabarong na guard at in-escort papunta sa reception area. Itinuro sa akin ng isang pretty girl ang VIP lane. Another pretty girl ang nasa VIP lane. Say niya talaga, “Hi John. Bakit ngayon ka lang? Nandiyan na ang crew ng Showbiz Central.” Say ko naman, “Ah talaga? Naku, late kasi ako.” Hahaha. Nakahinga na ako nang maluwag ng tatakan ako at ang mga kasama kong boys ng VIP sa right wrist namin.

Pagpasok sa loob ng NBC Tent, eksaktong Top 10 na ang ipinapakilala. Kahit si Paolo Paraiso ang pinakamatanda sa Top 10 at three times na siya kasali, e, ang lakas pa din ng tili sa kanya. Tinilian din si Joem Bascom na brother ko sa Star Magic. May katabi akong bakla at say niya talaga, “Sino ‘yan? Ang sarap!” Hahaha. Nakita ko si sister Mylene Dizon na birthday pala that night. After naming mag beso-beso hindi ko na siya pinansin dahil lumabas si Bruno ng grupong Studs. Nawala na ako sa sarili. Ang sarap din ni Luke Jickain. Pero say talaga ng baklang katabi ko, “G’wapo sana kaya lang, walang pwet!” Maldita ang bruha. Nang lumabas si Derek Ramsey, e, lalong dumagundong ang NBC tent. Nagwala ang mga dalaga, misis, matrona at bakla. Lalaking-lalaki si Derek at ang ganda ng katawan niya, to think na hindi raw ito nagpupunta ng gym.

At paglabas ni Sergio sa katauhan ni Dingdong Dantes, nagtilian ang lahat ng AWWWWWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Mind you, kasama ako sa mga tumili na feeling ko, ako si Marimar. Eto na, say ng katabi kong bakla, “Type ko pa naman ‘yan kaya lang, bakit may s*so?” Hindi na ako nakatiis, say ko talaga sa kanya, “So you mean, hindi mo na type si Dingdong?” Say ng bruha, “Ay, type pa din Ate, Aw!” Hahaha. Nag-enjoy ako lalo nang mag-curtain call na. Naglabasan ang iba pang bachelors wearing white briefs, together with the top 8 (wala sina Alfred Vargas at Jake Cuenca).

Grabe talaga mag-direk ng fashion show ang kaibigan kong si Robby Carmona. Tili to death ako at palakpak nang bonggang-bongga tulad ng mga girls at gays in the house. Nakita ko ang ex kong umiwan sa akin na ka-join pala sa mga rumampang model. Tinuloy ko ang tili at palakpak ko na parang wala akong nakita. Thank God, nakapag-move on na nga ako.

After ng show, nagpunta kami ng mga friends ko sa Cuisine, ang resto-bar na katabi ng Embassy. ‘Pag Wednesday, Friday at Saturday lang pala bukas ang kontrobersyal na Embassy. Dumating doon ang friend kong si Robby Carmona. I congratulated him for a job well done. Ang punchline, siya pa ang naglibre ng drinks namin. Ang sweet. Sa kalagitnaan ng inuman, may dalawang babaeng pinakilala si Robby sa akin. Busy ako that time sa pag-chika sa mga models na ka-join ni Robby. Mga beauty queens daw ang dalawang pretty girls. Pamilyar ang mukha ng isa. I asked her kung nag-meet na ba kami before. She introduced herself as Ginger Conejeros. Ang nasabi ko lang, “Oh, so you are Ginger.” In fairness, she explained to me that she did not notice me during the Star Magic Ball dahil nahihilo daw siya that night at super pagod. She apologized right away and promised that it will never happen again. Apology accepted, Ginger. No harm done.

Friday. After ko mag-dubbing para sa trailler ng Apat Dapat, Dapat Apat sa Sampaguita Studios, dumiretso ako ng Makati para Atridivahin si Jessica Rodriguez-Bunavacz. Ninakawan ang Celebrity Duets finalist ng wallet sa loob ng office nila mismo sa Beverly Hills Surgicenter. Nakakaloka ang pangyayari. Ginamit ang credit cards niya at nag-shopping ang mahaderang magnanakaw. Nakunan ng surveillance camera ang salarin. Abangan niyo din ‘yan sa Showbiz Central this Sunday. After kong interbyuhin si Jessica, nagpunta muna ako ng Greenbelt para magpalipas ng traffic. I met up with some friends and decided to bond with them sa isang videoke bar in Greenbelt. Hindi ko na sasabihin kung saan kasi nagbayad naman ako. Pagpasok ko, ini-escort ako ng isang waiter papunta sa isang room. I told him na hindi ‘yon ang room ko. Nagulat siya kasi akala niya guest ako ni Rachelle Ann Go na nagbi-birthday party doon that night. Sabi ko, hindi kami close. Say talaga ni waiter, “Bakit naman po, e, pareho kayong sikat?” Wow!

Saturday. Papunta ako ngayon sa taping ng Magpakailanman. Excited ako kasi first time ko mag-guest sa show na ito. Life story ni Jason, ang baklang na-discover ng Showbiz Central sa Iligan. Hindi niyo kakayanin kung sino ang gaganap na Jason, si Rainier Castillo. First time niyang gumanap na gay sa isang drama program. Ako naman ang gaganap na baklang may-ari ng parlor na pinagtrabahuhan ni Jason. Exciting!

Madami naman akong kuwento sa latest blog na ito, so I hope mapatawad niyo ako kung hindi ako sumagot ng mga tanong niyo this time. I’ll make it up to you. Maybe next Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, or Saturday. Promise.

Iyon ‘yon!

Filed under: Features, Opinion — admin at 1:38 pm on Tuesday, September 4, 2007

Ang taas ng rating ng Showbiz Central last Sunday, 17%, wow! Salamat sa lahat ng nag-watch. Salamat at nanakawan si Rufa Mae (Joke!), salamat kay Angelica Jones at ang pag-say niya na nagkarelasyon sila ni Paolo Bediones, salamat kay Polo Ravales at sa pag-seal niya ng killer question, at salamat kay Bossing! Salamat.

The other day ko pa narinig na nanakawan si sister Peachy, pero hindi ko alam na may matatabil pala ang dila na nagsasabing may kinalaman ang nanay niya. Diyusko! Apparently, last Sunday ay nag-solicit daw sa mga stars at staff ng SOP ang nanay ni Peachy for a certain group or ogranization na maski si Peachy ay hindi rin alam. Siguro nakonek doon ang nangyaring nakawan sa bahay ni sister Rufa Mae. Until now, hinahanap pa ni Peachy ang nanay niya dahil umalis daw ito ng bahay. Sa mga hindi nakakaalam, hindi sila magkasama ng nanay niya sa iisang bahay. Yun na!

Nang masalubong ko si Mommy Beth Jones, ang chikadorang ina ni Angelica Jones, before the start of our show, e, binati niya ako nana naka-all smile. Say talaga ng lola niyo, “Naku Sweet, sa ‘yo lang ako pumayag na magpa-interview si Angel. Alam mo naman na love ka namin at napakaganda ng show niyo”. O, ‘di ba chikadora? In fairness naman sa mag-inang ‘yan, consistent sa mga pinapasabog na intriga.

Imagine, lumevel ang suicide issue ni Angelica sa suicide attempt ni Owen Wilson? Taray! Kaya kahit anong sabihin nina Angelica at Mommy Beth, e, papatulan ko talaga. Say ng mga bakla, noong natalo daw si Angelica bilang board member ng Laguna last election, nagpa-interview daw ito with matching tears at lumitanya ng, “Kaya po ako natalo, kasi ninakaw ang mga sample ballots ko…huhuhu.” Hahaha! Hindi ba nag-iisa?

May sakit si Mark Herras last Sunday. Siya dapat ang uupo sa “Central Jury.” Nakaka-touch na kahit biglaan, e, nag-confirm si Polo Ravales. Matagal ng may issue kay Polo na gumagamit daw siya ng steroids kaya lumaki ang katawan niya. But in fairness to him, I know na lagi siyang nasa gym.

Ang di ko kinaya, e, may nag-text sa akin nito bago sumalang si Polo sa “Central Jury,” “John, can you ask Polo if he really had p*n*s enlargement?” Siyempre, hindi naman ‘yon pwede ipatanong sa TV. So nilapitan ko na lang si Polo after niya i-seal ang killer question niya. When I asked him about it, natawa lang siya at walang kakurap-kurap niyang sinabing, “Hindi ko kailangan.” Lagot!

At siyempre, inabangan ng buong bayan ang mga litanya ng Box Office King na si Bossing Vic Sotto regarding the issue between his friend Joey and Willie.

Wala akong alam sa nangyaring away na ‘yan kaya dali-dali akong nakipag-meet sa friend kong si Prokapamilya the other day. Jackpot ako dahil magkasama sila ni Prokapuso that night. Eto na ang nakakaloka naming chikahan.

JOHN: Go sister, ano nangyari sa Wowowee?

Prokapamilya: It was a mechanical glitch.

JOHN: Ano ‘yon? Hindi ako familiar sa word na “glitch.”

Prokapamilya: Nagkamali raw ang props department. ‘Yong nilagyan ng number “two,” e, may “zero” na pala.

Prokapuso: Hahaha…Charosera!

Prokapamilya: Bakla, ako ang kausap ni Sweet, hindi ikaw. Sabi ko kasi sa ‘yo umuwi ka na, e.

Prokapuso: Gaga! Kaibigan mo kami. Huwag mo kami chikahin.

Prokapamilya: E, totoo naman na ‘yon daw ang nangyari. Reliable ang source ko.

Prokapuso: Paano magkakamali ang props department, e, hindi ba executive producer (EP) ang naglalagay ng mga numbers sa mga ganyang contest? Napaka-convenient naman na props ang sinisisi.

Prokapamilya: E, siguro paglagay ng EP ng “two,” hindi niya napansin na may “zero” na doon.

Prokapuso: O, siya ang may kasalanan. Bakit hindi siya nag-double check? Kung ako ang EP niyan, bubusisain ko ‘yan. At huwag kang chumika, manual ang operation ng box na ‘yon so hindi dapat tawaging mechanical glitch. Ulol!

Prokapamilya: Sobrang biased mo naman. Para kang si Joey de Leon. Putak ng putak.

Prokapuso: Televiewer din ako. Karapatan namin na magtanong at magtaka.

Prokapamilya: But not Joey. Host siya ng kalabang show. He should have kept his mouth shut.

JOHN: Bakla, ‘wag maingay. Reporter ‘yang nasa kabilang table.

Prokapamilya: Bigyan mo ng pera para tumahimik.

JOHN: Gaga! Chika lang. Ingay niyo kasi, e.

Prokapuso: Ito kasing baklang ito. Hindi naman siya taga-Wowowee pero super kung magtanggol. Kung sa Eat…Bulaga! nangyari ‘yan, hindi ko ipagtatanggol.

Prokapamilya: Hindi kasi GMA ang Eat…Bulaga! Hahaha. At thank you at nagwa-watch ka pala ng Wowowee.

Prokapuso: Gaga! Sa You Tube ko lang nakita.

JOHN: Ay, ako din. So iyun lang ‘yon, kaya dalawang number ang lumabas?

Prokapamilya: Yes! Kung hindi nilait ni Joey, hindi sana lumaki. Kawawa naman si Tita Cory (Vidanes), siya ang haharap sa Senado.

JOHN: Ay bakit? Wala si Ma’am Charo?

Prokapamilya: Nasa Amerika. Nag-aaral. Pagbalik, magre-retire na daw.

Prokapuso: Charosera ka, Sweet! Kung ako alam ko na nasa Amerika si Charo, e.

JOHN: O, ‘tapos?

Prokapuso: Kung hindi nagparinig si Joey, makakalimutan na ang issue ito.

JOHN: Hindi din, sister. Nasa You Tube. Ten thousand plus na yata ang hits.

Prokapamilya: Precisely. Kaya dapat, hindi na siya nag-talk.

Prokapuso: Kaya siya nag-talk dahil sinagot lang niya si Willie. Bakla, ano ba yang host niyo ang bobo. Say niya, bakit daw siya mag-e-explain, e, wala naman nagco-complain. Di niya na get ang ibig sabihin ni Joey? It means siya ang nag-complain kaya dapat siya mag-explain.

Prokapamilya: Explain ba [naman] sa ‘kin. Alam ko. Given na ‘yon. Pero aminin mo, mas love ng mga Pilipino si Willie keysa kay Joey.

Prokapuso: Gaga! Pilipino sa ibang bansa kasi malakas ang TFC. Dito sa Pilipinas, mas love ng taong-bayan si Joey. Ikaw, Sweet, sino mas bet mo?

JOHN: C.R. muna ako.

(Read more… )

Gamot Ka John!

Filed under: Features — admin at 1:45 am on Saturday, September 1, 2007

Hi, PEPsters! I am very sorry for the late post. I was very sick. It started as a simple sipon tapos naging lagnat at ubo. Kung napansin ninyo, medyo ngongo ako last Sunday sa Showbiz Central. The next day, lumala na.

Siyanga pala, panalo na naman kami sa ratings last Sunday. Thanks sa lahat ng nagwa-watch every Sunday.

In fairness, bihira ako magkasakit. Maski noong bata ako. Pero pag nagkasakit naman ako, e, medyo malala. Last January 1, na-confine ako. Sinimulan ko ang 2007 sa ospital. Ang panget. Uso daw ang sakit ngayon kaya mag-ingat kayo.

Vitamin C to death ang beauty ko ngayon. Super drink ng water at juice. Stop muna sa yosi at rest to the max. Nagpalitan lang ang driver kong si Toto at ang manager ng GRAFFiTi na si Nikki sa pagbantay sa akin. Nasa Amerika si Nanay at nagbabakasyon. Ayaw ko namang magpa-confine na naman sa ospital at medyo kaya pa naman ng katawan ko. Pero tumakbo na rin ako sa emergency room last Wednesday, after kong dumaan sa Baclaran. Inubo kasi ako ng inubo. Kaloka.

I seldom complain pag may sakit ako. Both physical and emotional. Hangga’t kayo ko, titiisin ko. Ayoko maging pabigat sa ibang tao lalo na sa pamilya at mga friends ko. Thank God, may doctors pag malala na ang physical pains natin. At sa mga emotional pains naman, dasal lang ang katapat.

Three years old daw ako nang unang maospital. Nakita raw ng Nanay ko na may sinulid na lumabas sa pwet ko habang tumatae. Hinigot daw ni Nanay at naloka siya na may karayom sa dulo. It was a miracle. Walang tusok ang bruhang karayom sa internal organs ko. Ako si John Lapus, ang batang lumulunok ng karayom! Hahaha.

Twice pa lang ako na-confine sa ospital during my adult life. Last January and five years ago. Same sakit. Acute Bronchitis. Ako si John Lapus, ang baklang madaming plema! Hahaha.

Sana may emergency room din ‘pag emotional pain naman ang nararamdaman natin.

Yung papasok lang ako doon tapos tell ko talaga sa mga doctors na, “Doc, iniwan ako ng boyfriend ko, gamutin mo ko!” Tapos may i-inject lang sa akin, magaling na agad ako, or magkakaroon ako agad ng bagong boyfriend. Bongga!

Maganda rin kung may gamot na iniinom pag tinarantado ka ng mga kaibigan mo. FRIENDISILIN ang tawag. Pag nalaman mo na may ginawang kagagahan ang friend mo sa ‘yo, iinumin mo lang ‘yon ‘tapos hindi ka na magagalit sa kanya, o kaya, makakalimutan mo na friend mo pala siya. Ang ganda. ‘Pag nagkaroon ng ganyan, bibili ako ng kahon-kahon.

Gusto ko din magkaroon ng SHOWBIZILIN. Cream siya na ipapahid ko sa buong katawan ko bago ako umattend ng isang showbiz event, na alam kong may mga taong plastik. Para siya sa tulad kong hindi showbiz. May enzyme ang SHOWBIZILIN that would allow me to beso-beso people na ayaw ko or may atraso sa akin. In other words, magkakaroon ako ng konting ka-showbizan sa katawan for a maximum of eight hours. Panalo!

‘Di ba hindi ako marunong magsinungaling? Minsan, I got into trouble for telling the truth or expressing my opinion. Kailangan ko yata maresetahan ng ETCHOSTRON. Syrup siya na iniinom three times a day, and it would allow me to say only good things to people. Nakakaapekto din ito sa nerves ng mata, so hindi ka kukurap kahit etchos lang ang sinasabi mo. ETCHOSTRON, makakapagsinungaling ka nang walang kakurap-kurap. Hahaha.

Reresetahan ko din ang ibang artista ng GIMIKSILIN. Capsule siya na iniinom para maging kapani-paniwala ang gagawin nilang gimik or sasabihing mga statement. Naaapektuhan nito ang speech pattern ng isang tao para hindi siya nabubulol pag nagsisinungaling. Side effect din nito ang pagluha pag nagsasalita para maawa ang taong bayan. Bili na mga stars. Hahaha.

INTRIGAMYZIN naman ang dapat ireseta sa mga artistang humaharap sa matinding intriga. Para itong valium na nakapagpapakalma sa nerves ng iinom. Ang side effect nito ay baka ma-nega habang buhay ang iinom. Enough dosage will make you famous for at least a year.

TENGGAGESIC naman sana ang ininom ko noon. Tablet siya na iinumin pag wala kang trabaho. It will make the patient emit gas from his skin, na pag nalanghap ng mga tao sa paligid mo, they would realize na may talent ka pala at asset sa kompanya. Forever ang effect nito, na kahit saan ka magpunta, magugustuhan ka ng mga tao. Hindi lang umeepekto ang TENGGAGESIC sa mga taong may personal na galit sa iinom. Lagot.

Teka, sagutin ko muna ang mga tanong niyo at alam ko na ang iba sa inyo, gamot ang blog na ito sa kanilang kalungkutan. (Read more… )