| Register

The Kris and I

Filed under: Uncategorized — admin at 12:58 pm on Saturday, June 30, 2007

Birthday Celebration ko na pala sa Showbiz Central this Sunday, July 1. Akala ko next week pa since July 7 pa naman ang birthday ko. Watch kayo please.

My very good friend Kris Aquino texted me yesterday, Friday: Hi Sweet. Josh, Baby James, & I wanted to tape VTR greeting for your birthday. But I had to decline. I declined appearing on Buzz on Sunday because James will leave for Taiwan for Jones Cup and I’ll make hatid. Siyempre, off naman if I tape your greeting but won’t be on Buzz. Baby James is now 9 lbs & 4 oz. Josh is sick today. Nag-fever last night. See you soon ok?”kris-big.jpgI read na her text paggising ko at around 3 p.m. in time for my dance rehearsal for Sweet Dreams. I texted her right away: “It’s ok Ganda. Please tell Josh to get well soon. Call ko din siya later [which I normally do]. Grow tall, Baby James. Punta kayo sa party ko ha. See you. God bless.”

Hindi nagpaawat si Ganda. Tumawag siya talaga after she got my text. Gawain naming magtawagan na lang imbes na text pag madami pang gustong i-tsika, kasi nga, pareho kaming madaldal. Our phone conversation went something like this:

KRIS: My God! Kakagising mo lang?

JOHN: Oh yes. As usual.

KRIS: Hope you understand ha.

JOHN: Oo naman. Nahiya nga ako at tinawagan ka pa pala ng Showbiz Central.

KRIS: Okay lang naman. Kaya nga I informed you right away. Naku, Sweet, Josh is sick kaya hindi ko muna pinapasok sa school. Nag-39 ang temperature last night.

JOHN: Tama naman.

KRIS: I’m so happy. Thank God, Baby James is now bigger and heavier.

JOHN: Salamat naman. Feeling ko matangkad siya kasi ang haba ng paa.

KRIS: O sagot ko na ang lechon sa party mo. Yung dating pinatikim ko sa iyo. I’ll give you two.

JOHN: Ay, bongga! Thank you, Ganda.

KRIS: Be good ha. Bye.

JOHN: Good naman ako these days. Bye.

After our phone conversation, my ever mahaderang Nanay asked kung si Kris ba daw ang kausap ko. I told her yes. Say ng Nanay ko na tanong ko daw kay Kris kung bakit siya ino-okray (yes, she used the word OKRAY) ni Tita Cristy at Jobert sa radio. I exclaimed, “Nakakaloka ka! Walang paki si Kris sa ganyan!”

Kinulit ako ng Nanay ko ng bonggang-bongga. So for the peace of mind naming dalawang mag-ina, I texted Kris: “Ganda, ayaw ako tigilan ni Nanay. Pasensiya na. Bakit ka raw inaaraw-araw ni Jobert at Tita Cristy. Wala kasi akong alam. TY.”

The Queen of Game Show texted back, “God knows and I don’t care!”

Napapalakpak ako sa sagot niya. Ipinakita ko sa Nanay ko ang text ni Ganda at pinatay ko ang pinapakinggan niyang radyo. Tapos.

Anyway, my dear Korek ka JOHNers. My real name is Jonathan Anthony Solis Lapus. I am the youngest child of the late Jojo M. Lapus and Salud S. Lapus. I was born on July 7, 1973 at St. Luke’s Hospital. Walang choice ang Nanay at Tatay ko na doon ako ipanganak, kahit medyo mahal, kasi doon na naka-duty si Dra. Dacanay na nagpaanak din sa Ate ko seven years ago.finallayout.jpg

Sabi ng Nanay ko, dapat daw Antonio ang second name ko. Pero kinontra niya ang Tatay ko kasi mas modern daw ang Anthony.

Sabi ni Nanay, when she found out na buntis siya sa akin, nag-pray daw siya kay St. Jude na bigyan na siya ng isang “magandang anak na lalaki” since Ate ko na nga ang babae.

As a public school teacher that time, she wanted to practice family planning. One girl at one boy is enough. True enough, her prayers were answered. Isang “magandang” baby boy nga ang ibinigay ni St. Jude.

Joke ng Nanay ko minsan na sana daw nasabi niya “guwapo” at hindi “maganda.” Say ko naman, “Wala nang bawian. Iyon na ang nadasal mo.”

Close ang Ate ko sa father side namin kasi she is the first apo of the Lapuses. Maybe my mother made sure na sa kanya naman ako magiging close. Obviously, we are very close.

Nasa shooting daw out-of-town ang tatay ko when I was born kaya after two days na ako nakita. Baby pa lang daw ako, defined na ang ilong ko at sobrang puti ko daw.

Incidentally, pagsilip daw nila sa nursery sa akin, I was the only baby boy that time. Nag-joke pa daw ang mga uncle ko na paglaki ko daw, e, mahilig ako sa girls kasi nga pinalilibutan daw ako ng baby girls sa nursery. Korek sila! Eto at sa sobrang hilig ko sa girls, e, gusto ko nang maging girl. Hahaha!

Year 1973 naging 1st runner-up sa Miss World si Evangeline Pascual, naging 4th runner-up si Marilen Ojeda sa Miss International, at naging Miss Universe naman si Margie Moran. On that note, I am destined to become a beauty queen. Hahaha!

OXANA, TIGBAK, HANA at PEANUT bigyan muna natin ng chance yung friend ko na hindi pa ako wini-welcome. Baka naman nakalimutan lang.

KIDING magkaiba ng beauty sina Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado. Parang mahirap i-compare.

Speaking of Jennylyn GLITTER hindi gimik ang relasyon nina Patrick Garcia at Jen. Dahil naging mag-jowa sila without a show together. Pag may naririnig kang nagliligawan pero may pelikula pala or TV show, chances are gimik iyon. Yun na!

AYI_HAR I like Toni Gonzago too. Talented.

CUTIEPIE baka kaya asar si Tito Alfie Lorenzo kay Piolo Pascual dahil may issue nga sina Piolo at Juday at Ryan. Si Tito A ang manager ni Mareng Juday. Ganon talaga. Welcome to the Wonderful World of Showbiz!

Holland SOPHIA. Hope Our Love Last And Never Dies.

PINOY AKO I felt the warm welcome of Joey de Leon, Butch Francisco, and the S-Files hosts when I joined GMA-7. To them I am grateful.

VIRTUAL Amen!

JOHNSTON Bench model si Jake Cuenca. I’m sure sa Bench Fix siya nagpapagupit. Ako sa HAIRWATCH SALON. Ganda!

MHARJ mabait naman sa akin si Regine Velasquez. Try mo din siyang lapitan. Huwag ka mahiya. At kung may artista man na bigla ka na lang tinarayan kahit binati mo lang or you ask for an autograph MURAHIN MO!

PRYSS in fairness kay Cristine Reyes makinis talaga. Guest ko siya sa birthday show ko sa July 7, titigan mo. Teka at titignan ko din ang skin ni Katrina Halili. Update kita.

TALHEY ang mga barkada kong bading from Teatro Tomasino who is now in showbiz are Direk Wenn Deramas, Direk Erick Salud, Direk Don Cuaresma, P.M. of Star Cinema Roxy Liquigan, Unit Head of The Buzz Louie Andrada, at GMA P.M. Rams David. O, di ba, si Rams lang ang GMA. Kasama din si Buboy Favor na E.P. ng SiS at si Eagle Riggs, pero ABS din sila dati. Kaloka ka!

Ay naku JINX, Ms. Talent iyang Nanay ko kaya ako napagtapos sa UST. Nagturo sa public high school ng Monday to Friday at nag-sideline sa PUP ng Saturday at Sunday Kaya tingnan mo ang bunsong anak, Ms. Talent din!

Sweet’s Photos by Pinhole

Sweet’s Hair & Makeup by Mikee Osias of HAIRWATCH SALON

Kapuso

Filed under: Uncategorized — admin at 12:21 pm on Wednesday, June 27, 2007

Last year, I celebrated my birthday via a show entitled This Time I’ll Be Sweeter in Zirkoh, Timog. I’ve been doing a birthday show in the past five years dahil inaatake ako ng “birthday blues.” So, na-realize ko na I should keep my self busy every time na malapit na ang birthday ko. So far, it’s effective.john-solo.jpg

The day after my show last year, I had a major realization. I did not have a regular job. GRAFFiTi was already open that time but honestly, it was not making any money. Mind you, until now.

In fairness to Star Magic, my talent management, they would find guestings for me kapag sinasabi kong I need help. Thank God na ang kaibigan kong si Direk Wenn Deramas ang may-ari ng townhouse na tinitiran ko, kaya kahit three months delayed ang rent ko, hindi niya ako pinapalayas. My primetime set in Klownz Quezon Avenue was my only regular source of income that time.

By August last year, I was practically almost bankrupt. Five thousand pesos lang ang laman ng ATM ko—which is the minimum—at sinisimulan ko nang i-withdraw ang time deposit ko.

Direk Wenn is really my Angel on Earth. He produced the Part 2 of Comedy Riot sa Amerika, together with his best friend Arriane Manalo (partner of Ate Vicky. Thus, ARVI Production is the co-producer). It means, pag nag-show ako sa USA, libre ang pakain at kikita ako ng dollars. I would temporarily forget the fact na madami akong utang at paubos na ang pera ko.

The day before kami umalis papuntang Amerika, I went to Baclaran, which I normally do every Wednesday for the past 14 years. For the first time, I prayed the “Prayer for Financial Aid” prayer in my Mother of Perpetual Help prayer booklet.

Nahihiya kasi akong mag-ask ng pera sa Diyos. Tumatak kasi sa akin ang “Man does not live in bread alone…” Pero todo na ito. Wala na akong bread and I felt I was alone. May phobia ako sa hirap, but at the same time, ayokong mag-ask ng financial help sa ibang tao. So, kanino pa ba naman ako lalapit?

Isang dasal na lang ang hindi ko pa nagagawa sa booklet, yung “Prayer for Company-Keepers.” Dasal daw iyon para tumagal ang relationship ng mga mag-jowa at magkaroon naman ng jowa ang mga wala pa.

So, technically, pag dinasal ko iyon, nanghihingi ako ng boyfriend kay Lord. Ay, baka makidlatan ako or magpakita sa akin si God at sigawan ako ng “Ambisyosa!” At, di ba, ang true love daw ay kusang dumadating?

Pero ang pera hindi. Kaya hate ko ang mga holdaper at magnanakaw. Kumukuha ng hindi nila pinaghirapan. I am not patronizing, pero mas bilib pa ako sa mga hostess at callboy, at least may kapalit. (Read more… )

Utang Na Loob

Filed under: Uncategorized — admin at 9:20 am on Saturday, June 23, 2007

I had my pictorial last Wednesday (June 20) for the Star Magic 2008 Catalog. Ang taray ng team who handled the pictorial: Sarah Black ang photographer, Chechel Joson ang make-up artist, at si Luis Espiritu ang stylist. Silang tatlo rin ang may gawa ng newest Metro magazine cover ni Mareng Judy Ann Santos.

When I arrived, kakatapos lang ni John Lloyd Cruz na sobrang payat at guwapo ngayon. Ang cute kasi parehong-pareho kami ng socks. Black na may white dots from Top Man. Hindi niya kinaya na nagbibihis ako sa harap ng maraming tao. As in Superman brief lang ang suot ko habang palakad-lakad sa pictorial!

I was told to bring all my Joey Samson tops, skinny pants, at fab shoes. A total of 15 Joey Samson tops ang dala ko, 10 skinny pants, at 8 shoes. Ang punchline: isang look lang pala ang kailangan! Ang mala-astronaut kong Joey Jacket ang napili ni Luis at ipinasuot lang niya sa akin ang lahat ng necklace na isinusuot ko sa Showbiz Central.

First time ako gagawin ni Chechel who is the make-up artist of Raymond and Richard Gutierrez. Kaloka ang babaeng ito! Mas maganda pa siya sa ibang artistang mini-make-apan niya. She studied in a make-up school in L.A. and in London. She is the daughter of the political Joson in Nueva Ecija. Sosyal!

Two hours ako inayusan ni Chechel. Nahiya nga ako kasi dumating na sina Rayver Cruz at John Wayne Sace na kasunod ko for the pictorial. I joked nga na “siguro pangit ako kaya matagal?” But Ms. Joson said na matagal pala talaga ang “no make-up look.” Iyong ibang artista nga daw na ginagawa niya, umaabot pa ng three hours.

Ang galing ni Sarah Black. Fifteen minutes lang ako kinunan na-achieve na niya ang gusto niya. Isa pang mukhang anak-mayaman itong photographer na ito. Ang tangkad, ang sexy, at mestiza. Sabi ng friend ko, commercial model din daw si Sarah. Kaya pala familiar.

Ang sabi lang ni Sarah sa shots niya sa akin: “I like this. Honest at mukha kang mabango.”

Abangan niyo ang catalog na iyan.

Maybe you’re wondering kung bakit Star Magic artist pa din ako, e, nasa GMA-7 na ang beauty ko?!

Year 2001 when my former manager Biboy Arboleda decided to give up his career as a talent manager. He is supposed to try his luck in L.A. He texted all managers that he knows, offering to be the new manager of his alagas—namely Bing Loyzaga, Angel Aquino, Christian Vasquez, Amy Perez, Mylene Dizon, Franco Laurel, Ayen Laurel, Agot Isidro, and myself.

Biboy said that Mr. M (Johnny Manahan) texted back that he only wants me. I was stunned. A great director and expert starmaker wants to manage me. Wow!mr.jpg

I was formally turned over by Biboy to Mr. M in New York City. Sosyal! I was one of the guest of the HUNKS tour in New York together with Carol Banawa (who is already there that time) and Luke Mijares. Biboy informed me one afternoon that Mr. M is inviting us for coffee at our hotel’s lobby. When we met up with Mr. M, Biboy said: “Sweet, si Mr. M na ang manager mo pagbalik natin ng Pilipinas.” I knew I would be a Star Magic artist, but I didn’t realize that it was that soon.

Since then, Star Magic has been treating me like a star. They are the only managers that I know who only get commission from their artists in accounts that are above hundred thousand. Wala pa naman ako sa ganoong level ng talent fee in television, so nauuwi ko ang suweldo ko nang buo—except movies, corporate shows, and shows abroad.

Mind you, it was Mr. M who told me to accept the offer from GMA-7 since I don’t have naman a regular show that time in my home network (ABS-CBN). And yes, I am the only gay artist in the Star Magic family. Di ba, ang taray?!

So far, okay naman ang set-up. My talent management is Star Magic but I am an exclusive Kapuso star. Puwede naman pala.

Malaki ang utang na loob ko sa Star Magic. They would find work for me pag alam nilang I need money. Pinagtatanggol nila ako pag may discrepancy sa talent fee ko at billing in some projects. They would defend me pag may nega issues about me. They love me.

It was 1996 when I started to hangout in The Library in Adriatico, Malate. I was already a television actor then. I was a chiwariwap in Cristy Per Minute and a segment host in Showbiz Lingo. I was just the gay on TV na maingay as some of you have remembered.

It was then that Andrew de Real, owner of The Library, offered me to guest in one of his shows. Siya pala yung “Mamu” na tinatawag ng mga bakla. I was hesitant at first. I told him I am not a singer. He said madami naman daw nagso-show doon na hindi rin naman singer. I explained to him that my background is theater. I am a bit scared to perform in an audience who are drinking, eating sisig, and mostly smoking. “Baka bastusin po ako Mamu.” That was my fear.johns-blog-1.jpg

Mamu was eager. He motivated me. He told me na bagay raw ako mag-perform sa The Library kasi nga nang-ookray ako ng artista sa TV. Ganoon din daw sa sing-a-long, okrayan lang, walang personalan. Say pa ni Mamu, “Magaling ka bakla, natatawa ako sa pagka-prangka mo.”

He asked me to observe first and sometimes jam with his regular hosts. A few months after, I guested in Tres Flores, staring Vivorah, Hans, and Martin Mijares who eventually became my friends. Puro okray at sayaw lang ang ginawa ko since hindi nga ako singer.

It was in 1998 when I had my first solo show at The Library entitled KOREK KA JOHN! Sikat ang expression na iyon that time because of Maricel Soriano’s Mc Donalds commercial. Now you know kung saan galing ang title ng blog na ito. May sentimental value sa akin ang title na iyan. If I am to have my own TV show, I would want the same title.

Mamu believed in me. He made me realize that there is actually life beyond TV and movies. May pera sa pagpapatawa, he says. Until now, I have my regular gigs in Klownz. Hindi pa din ako magaling kumanta but I have toured Canada, Japan, and the US doing comedy acts for Filipinos there. And on 07-07-07, I have a birthday show in Zirkoh Timog.

Now, The Library is celebrating their 22nd anniversary. They had their annual awards night, last Thursday (June 21), that I’ve been hosting with my friend Phillip Lazaro in the past three years. Emotional si Mamu since it is the last year of The Library on Adriatico street. The new home will be on Orosa St., two blocks away. May sentimental value nga naman ang lugar. Doon nagsimula sina Allan K, Arnel Ignacio, Phillip, Teri Onor, Anton Diva, Vice, Pooh, to name a few. Doon din ako unang nagka-solo show.johns-blog-2.jpg

Malaki utang na loob ko kay Mamu at sa The Library. Sabi ko nga, when I was asked to give a message, “I am so thankful sa The Library for accepting me as an adopted daughter. A second home is important for someone like me who came from a broken family. With that I am grateful.”

Thank you, Mamu. Happy Anniversary, The Library!

Hay naku PEACHY, miss ko na din gumawa ng stageplay. Baka gawin namin ulit ang Temptation Island Live! as a tribute to Direk Joey Gosiengfiao.

YOU4306 in fairness kay Mo Twister hindi siya mayabang. Honest at straight forward lang na tao. Nakaka-relate ako kasi madalas din ako mapagkamalang mayabang. Hindi naman kayabangan ang pagsasabi ng totoo.

MAMA_GREENLEEF friend ko nga po si Ogie Diaz. Pag may naririnig siya tungkol sa akin, tinatawagan niya ako kaagad. Magka-batch kami sa ABS-CBN. Voice-over announcer siya ng Showbiz Lingo, researcher naman ako.

ILOVESWEET ganda lang at metro ng taxi ang ibinayad ko. Dumating agad ang Nanay ko, so mura lang. Hahaha!

Nakakatawa si Ariel at Maverick in person ISTARIRAY. Si Ariel parang matandang mali-mali. Si Maverick naman cool. Perfect combination yung dalawa.

KAPUSOMAGIC7 madaming artista ang nagyo-yosi, pero hindi umaamin kasi nga “wholesome” daw sila. Ako nagyoyosi, so hindi pala ako wholesome?

MAYMAY28 kung kamukha ni Jessice Alba si Ethel Booba sa TV mo, itapon mo na iyan. Bilis!

MAYMAY28 kung kamukha ni Jessice Alba si Ethel Booba sa TV mo, itapon mo na iyan. Bilis!

BAMBA may tama ka! Mabait nga si Lucy Torres at parang hindi nagagalit. Napaka-tranquil ng mukha

EYJEY may time din naman ako for myself. Importante iyan. Mahilig ako mag-watch ng sine at chumika with my close friends.

RAIN_JABRIYA I remember you. Lumapit ka sa akin sa Quiapo. Chinito ka at medyo chubby. Naka polo-shirt ka na stripes. It was so sweet of you to approach me and introduce yourself. Nakaka-touch. Tatanawin ko itong isang malaking UTANG NA LOOB!

RAIN_JABRIYA I remember you. Lumapit ka sa akin sa Quiapo. Chinito ka at medyo chubby. Naka polo-shirt ka na stripes. It was so sweet of you to approach me and introduce yourself. Nakaka-touch. Tatanawin ko itong isang malaking UTANG NA LOOB!

(Photos by Noel Orsal and Pilar Mateo)

I love Judy Ann!

Filed under: Uncategorized — admin at 2:06 pm on Tuesday, June 19, 2007

I attended the 20th anniversary special of my kumareng Judy Ann Santos last Saturday, June 16. The week prior to that, I spotted Juday at GRAFFiTi, and she personally invited me to come to that special event in her life. 

I left the house at around 1:00 p.m. last Saturday to beat my 2:00 p.m. call time at the Market! Market! in The Fort for the Belvita Milyonaryo Game Show. As one of the show’s hosts, I’ve been hopping from one mall to another with Ariel and Maverick. 

After my hosting stint, I  headed to Araneta for Juday’s anniversary special. I brought with me an Avel Bacudio outfit. 

On my way to Market! Market!, I realized that I did not have a ticket or an invitation for Juday’s event. Then it suddenly hit me, it is an ABS-CBN event, e, hindi ba nga taga-GMA na ako. I panicked. Baka naman hindi ako invited? Baka hindi ako papasukin? Baka magalit si Juday ‘pag di ako dumating? So paano ako? I called my friend Dante “Ga” Garcia right away. Dante is the closest gay friend of Juday.   

Our cell phone conversation went something like this: 

JOHN:  Hello, Gretch (tawag ko sa kanya since we call him Ga at uso naman ang name na Gretchen). May problema ako. 

GA: Ano yon Geena (imbento niya lang kasi nakaka-Hollywood daw ang Geena with the double E)? 

JOHN:  Gretch, punta ako Araneta mamaya. I would never want to miss it. Ang problema wala akong ticket or invitation. Verbal lang from Juday. Paano yon? 

GA: Punta ka lang. 

JOHN: Gaga ka ba?! Taga-GMA na ako. Baka hindi talaga ako invited. 

GA: Oo nga ‘no. Hahaha. O teka. (He handed the phone to someone.) Si Sweet yan, wala daw ticket at invitation for tonight. 

JUDAY:  Hello, mare! Pwede ba namang wala ka. Nagbigay ako ng list sa ABS-CBN ng mga gusto kong makita sa anniversary ko. ‘Di mo lang siguro natanggap ang invite mo. Kahit ipasundo kita sa gate basta gusto ko nandoon ka. 

I cried without Juday knowing it. I realized na hindi ako nagkamali ng tinawag na “kumare.” Napa-emote ako sa katotohanang gusto ako makita ng young superstar on her special day. It was so stupid of me to think na hindi ako invited. Hindi nasayang ang pagdala ko ng Avel Bacudio outfit. Mahal rin ako ni Judy Ann Santos herself. 

johnjuday-blog.jpgMay 1993 ako pumasok sa ABS-CBN after graduating college. Bago pa lang din noon ang Mara Clara. Hapon ito ipinapalabas after Eat Bulaga! yata. December that year ko unang nakita si Judy Ann in person. It was my first Christmas Party in ABS. May program noon sa quadrangle na kinatatayuan ngayon ng ELJ building of ABS. May mga table na assigned per show. Nasa likod ang table ng Mara Clara cast and staff. Kalapit nila ng table ang Sunday Mass at table ng mga make-up artist. Masaya silang kumakain at excited na matawag ang number nila sa raffle. Nakita ko si Juday na katabi si Gladys. It looked like she was having so much fun to think na nasa likod ang table nila. Juday was not a big star then, and yet, she was happy. 

We became friends eventually through Dante, na na-meet ko sa UP when I started doing stage plays there. 

I was invited and attended sa debut nina Jolina, Claudine at Juday. Ang pinagkaiba ng kay Juday, 19 years old na siya nag-debut. Hahaha. So walang gown, cotillion, at escortan na naganap that night. Party at inuman all the way. 

Juday requested that I would play the role of her best friend sa movie nila ni Wowee na Dito Sa Puso Ko under Viva Films. Ginulat ko siya sa first shooting day namin nang lumabas ako na naka-wig na kasing haba ng buhok niya. Patay-gutom na best friend ang role ko na nakikikain at nakikitira sa bahay nila Juday, kaya naisip ko na dapat long hair din ako para nakikibuhok na rin. Naloka si Juday. Say niya talaga “Mare, mas malambot pa ang wig mo sa buhok ko.” Hahaha. 

Nag-show ako noon sa Folk Arts Theater, The Universal Sweet Event.  Hindi ko rin alam kung bakit doon, eh, ang laki no’n. Nag-volunteer talaga si Juday to guest. Ayun, fans pa lang ni Juday puno na ang FAT. 

Unang bar ni Juday yong Kilimajaro sa may Timog. Ginawa ko talagang tambayan. Doon kami unang nag-date ng first boyfriend ko.

Doon ko rin dinadala ang mga little sisters kong bakla kasi may mga board games at baraha. Bottomless ang iced tea. Minsan, mas mahal pa nga ang mga libre ni Juday na pulutan keysa sa bill ko. Mahilig na talaga siya magluto noon pa. Pinapa-taste test niya sa amin. Sarap! 

Two years ago, anniversary ng Carabana resto-bar ni Juday. Pinakiusapan niya kaming lahat na mga kaibigan niyang artista na ire-decorate ang iba’t ibang area ng restobar. Na-assigned ako sa labas together with interior designer John Coson (he eventually did the interior of GRAFFiTi) as my partner. May parang stage doon na may malaking puno. Fifteen thousand lang ang budget namin kaya dapat tipid. Nagpalagay ako ng tree house sa puno at trellis sa stage.

Si Desiree Del Valle nag-win kasi siguro siya  lang ang natatanging nagpunta sa Divisoria para mamili ng sarili niyang material at nagpupuyat every night para umabot sa deadline. At sakto sa given budget si Des. Pero I’m proud to say ang sa akin lang, ang nandoon pa until now.    

Pagdating ko sa Araneta last Saturday mixed emotions ako. Kaba at excitement na makikita ko ang mga boss at ka-work ko noon. Kaloka kasi kami lang yata ni Kuya Germs ang invited or nandoon na taga-GMA. Pumasok ako agad sa dressing room ni Juday. Say niya talaga, “Dito ka lang mare. Huwag ka mahiya.”    May nag-assist sa akin para pumunta sa garden area ng Araneta. May kainan daw kasi roon. Tamang-tama naman na padating si Kuya Germs so sinamahan ko rin muna. Parang nahihiya rin siya or hindi lang nakatulog kasi nga “walang tulugan.” Nandoon na pala ang lahat ng boss ng ABS-CBN at ang mga dati kong naka-work. Niyakap ako ni Ma’am Charo Santos when she saw me. “Kamusta ka na Sweet? she asked. I answered, “Ok na ok po.” Say naman ni Direk Lauren Dyogi, ang ganda ko raw ngayon. Sabi ko naman “Baka hiyang lang po ako sa GMA.”Nakita ko pa ang ibang mga boss at mga ka-work ko dati. Kiss at yakap ang sinalubong nila sa akin. Tama ako sa litanya ko dati kay Jobert sa S-Files, “Tumingin ka sa kanan mo, kaliwa mo at likod mo, kaibigan ko silang lahat!” Hahaha. 

Naloka naman ang staff ng special when they saw me. Dapat pala guest ako kaso I was supposed to have a shooting ng 4 in 1 with sister Rufa Mae that day. Na-pack-up lang ako the night before. And to think naisip ko pa na baka hindi ako invited. 

Opening number pa lang ni Juday sulit na ako.  Naka-tube at hot pants ang Ate niyo. Nagsayaw at kumanta na parang si Beyonce. Kaloka!  Dumagundong ang buong Araneta.

Nakailang palit ng gown si Juday sa show. Pero napansin ko hindi siya nagpapalit ng kaibigan. Iyong mga kaibigan niya noon nag-watch at nag-guest din. Nandoon din ang mga aeta na pinag-aaral ni Juday sa Bataan. Lahat ng fans club niya represented. Maski ang Juday-Piolo dumating kahit hindi kasama si Piolo sa special. Sa ending, pinasalamatan ni Juday ang lahat ng tao na naging bahagi ng buhay niya for 20 years. She thanked God for all her blessings. Nagtataka nga raw siya kung bakit siya sobrang blessed, but she humbly accepts it. She is a big star now, and yet, she feels that she is not. 

Phoemela Baranda asked me sa red carpet kung ano raw ang message ko kay Juday.  Halos lahat yata nag-happy anniversary na. Kaya ang sinabi ko na lang, “I love you, mare!” 

ANA PATRICIA, I love Regine Velasquez, too. Fan niya ko. When we were shooting Kailangan Ko’y Ikaw, nakita ko naka-Nextel si Regine. Kumuha rin ako ng Nextel para makapag-radyohan kami. 

YARI, di pa ko tinatawagan for Shaider. Mag-pray ka pa please. 

JLYN, si Rhian Ramos may spunk. Siya ang sosyal version ni Alessandra Da Rossi. Ayun, nagkabanggaan sila. 

SHINE, may tama ka. Malaki nga ang pinagbago ko. In fairness, bago ako pumasok sa GMA bumait na ako. Nag-Days with the Lord ako noong 1999. Yon na! 0.6 lang ang lamang ng The Buzz sa Showbiz Central last Sunday.  Love it.   

EYJEY, marami na ang nagsabi sa akin na dapat daw foreigner ang maging boyfriend ko kasi hindi daw mai-indimidate sa napakalakas kong personality. Hindi ko pa na-experience na makipag-away sa mga naging jowa ko kasi yung dalawa dinedma ko na lang at yung isa ako ang dinedma.

Gusto ko rin magkaroon ng sariling anak. Malamang adopted. Cute na cute ako sa batang babae na Amerikana. ‘Yong blond ang buhok at green ang mata. Pag nasa Amerika ako, naiisip kong mang-kidnap ng isa. Hahaha. At least pag nagkaanak ako ng Amerikana, may accent ang pagsabi niya sa akin ng “I love you!”

Consequence

Filed under: Uncategorized — admin at 8:03 pm on Friday, June 15, 2007

Yehey! 16.9 ang Showbiz Central last Sunday habang 15.7 naman ang The Buzz. Thank you, Lord.

To think na kinabahan ako kasi The Buzz had the exclusive interview with Ruffa Gutierrez, at nag-back out naman si Tita Annabelle sa amin dahil pinagbawalan na raw ni Tito Eddie Gutierrez. Blessing talaga ito. Hayaan niyo na akong mag-enjoy at minsan lang naman ito mangyari. But this is a big inspiration for us para gandahan pa lalo ang Showbiz Central. Thank you.

By the way, Dolly Anne was supposed to guest sa Showbiz Central this Sunday, but she texted me this message: “Kapatid, sori i’ve bin advsd na wag paintrvw para game ovr na. Evrybdys sik n tird na o d isyu. Tnx 4 undrstndng. Mwah.”

Nakakatawa ang comments ng iba sa inyo regarding the Ruffa and Dolly Anne feud and Gretchen and John issue. Iyong iba nag-comment pa na baka publicity lang ang mga ito. I doubt. Mahirap lang talaga sa aming mga artista na lahat ng ginagawa namin, e, posibleng ma-publicize. Kaya sa mga kapwa ko artista, dapat mag-ingat tayo. Tanggapin na natin ang katotohanan na it’s part of our job na pag-usapan ng mga tao. It pays to be good.

Sa simbahan ‘pag may paring nang-rape, naglustay ng pera or nakitang umiinom ng alak (ng hindi sa misa)…pag-uusapan din ng kanyang mga parishioners.

Iyong teacher na nangmolestiya or nanakit ng student, naiiskandalo sa buong school. Minsan nadedemanda pa.

May mga kaklase ako noong high school nakipag-rumble sa basketball court, kaya ayun, na kick-out. May mga baklang staff ang Hairwatch Salon. Nagnakaw ng mga pang-kulay at pang-straight ng buhok. Tinanggal ng may-ari.Yung dating manager ng GRAFFiTi, nag-absent sa day na may malaki kaming event, tsugi! Kaya lahat ng artista ‘pag may ginagawang masama or nasasangkot sa masama, pinag-uusapan din. Gano’n talaga. Nobody is excused.

Nag-uwi ako noon ng taxi driver sa bahay namin. Ang gwapo kasi. Nahuli ako ng Nanay ko at binato ako ng TV. Nakailag ako na parang si Keanu Reeves sa Matrix. Pero hindi ako nakailag sa chismisan ng mga kapit-bahay namin. Nag-apartment na ako the next day sa sobrang kahihiyan sa Nanay ko at hindi sa kapit-bahay namin.

Hate na hate ko ang Steno class namin noong 4th year high school. Hindi ko maintindihan kung bakit subject namin yon, e, wala naman akong balak maging secretary. Hindi talaga ako nag-aral. Ayun, nagka-line of 7 ako sa card. Natanggal tuloy ako sa Top 10.

May computer class kami noong college. Lagi akong late. Pagdating ko, kokopyahin ko lang ang mga ginawa ng mga classmates ko. Kaya hanggang ngayon, bobo ako sa paggamit ng computer. Chismis.

Noong head researcher ako ng Showbiz Lingo. Tinalak-talakan ko ang mga staff ko. Minsan kahit wala na sa lugar. Aba, inapila ako ng mga bruha sa boss namin para palitan daw ako. May point sila pero na-promote ako the next month.

Inokray-okray ko si Lyn Ching noong araw. ‘Pag nakikita ko siya ngayon nahihiya ako. Kaya may iba siyang kasama ngayon na feeling ko, hindi ako type. Naintindihan ko sila.

Diring-diri ako sa mga paminta (closet gays) noong araw. O, ngayon gusto ko silang maka-date, sila naman ang diring-diri sa akin.

Minsan ‘pag umiinom ako, nagpapakalasing ako. O loko, na-blind item akong alcoholic. Tinanong ko ng maintrigang tanong ang mga Pinoy Pop Superstar winners when they guested sa Showbiz Central two weeks ago. Kaya siguro hindi ako pinansin when we saw each other sa band rehearsal ng SOP kahapon.

The moral of the story is we should be very careful and good to people—artista man or hindi—dahil laging may kapalit or kasunod na consequence ang lahat ng bagay na gagawin natin. Minsan kahit na anong sorry or explanation or apila ang gawin natin, baka hindi na tanggapin or baka wala nang maniwala.

john-blog.jpgNa-invite pala ako ng Hi! magazine sa celebrity challenge nila kanina, June 15. Paramihan ng mabebentang Hi! sa mga tao sa Plaza Miranda sa Quiapo. Kalaban ko sina Brad Turvey at Vanna Garcia. The three of us were paired with models. Ang sa akin, si Reb na nag-win sa Close-up to Fame 2.

Before the game, I asked Brad kung bakit sila nag-break ni Nancy Castiglione. Selosa raw si Nancy. Yon na!

Si Vanna naman, ipinakita sa akin ang pic ng baby niya at tatay nito na nasa cell niya. May 30-something na yung Chinese guy na bf ni Vanna pero gwapo at mukhang bata pa. Ang sweet!

Ang init sa Quiapo! Na-experience ko talaga ang pakiramdam ng mga kababayan nating nagtitinda at nanghuhula roon everyday sa ilalim ng init ng araw. Tiniis ko ang hirap at pagod.

Ang consequence, kami ni Reb ang nanalo! Yehey!

Heto naman ang answers at comments ko sa mga posts niyo.

ACTIVE XYZ, two weeks lang ang enrollment ko sa South Beach diet. Walang kanin or pasta kasi yang Carbo daw ang malakas makataba. Wala ding mantika, asin at asukal ang mga pinakain sa akin. Puro steamed at grilled lang.

HENYEO, ang first job ko after college ay researcher ng Showbiz Lingo hosted by Butch Franciso and Cristy Fermin.

ROWENA67, Korek ka John!

DOODLE, siyempre may official statement si Tito Boy ni Gretchen kasi po siya ang manager. Natural na sa The Buzz magsasalita si Gretchen. Alaga rin ni Tito Boy si Rufa Mae pero sa Showbiz Central siya nagsalita kasi may TV contract si Peachy sa GMA. Yun na!

USYUSERO, hindi naman siguro.

SWEET BUTTERFLY, malabo pa akong mag-show ulit sa USA kasi bago pa lang ang Showbiz Central. Baka hindi ako payagang mawala nang matagal. Siyempre mga two weeks din ako dapat diyan kung magso-show ako.

JOANA-JEWEL, I bought my teddy bear pendant from a small boutique in Teacher’s Village called chichi. Pinauso daw iyan ng Gucci or Louis Vuitton. Siyempre, peke lang ang akin.

Yes, JESTER, I’m at GRAFFiTi every night. Kung may work ako, doon pa rin last stop ko. Doon ko rin ginagawa itong blog ko.

JEICEY, hindi ko pa alam kung sino ang gaganap na Marimar sa remake ng GMA. Pero parang type ko rin si Angel Locsin. Pero alam ko na si Bb. Joyce Bernal ang director. Balik GMA si Joyce. Nagpaalam naman daw siya sa ABS-CBN at movie contract lang ang meron siya with Star Cinema.

OXANA, kahit anong shampoo ginagamit ko basta anti-dandruff. Sa kakapakulay ko ng buhok noong araw, weak na raw ang scalp ko. Huhuhu.

MANIK GIRL, honestly, I will think about it.

Oh KIKO101, I like Erik Santos din.

GIRL, may tama ka! Pareho ngang na-link nga sina Dolly Ann at Ruffa kay Robin Padilla noon. Ang galing ng memory mo, girl.

Sa mga fans ni Mo Twister, ayan at may blog na rin siya. Welcome to PEP, Mo!

(Photo: Nerisa Almo)

If ever…

Filed under: Uncategorized — admin at 8:44 pm on Tuesday, June 12, 2007

annabellepianoeldollyemersonsy.jpgLast Saturday, a number that is not listed in my cell phone texted me this: “Vindicated si Dolly Anne. Maski si Yilmaz umamin na may unang asawa si Ruffa…” Hindi ko na itutuloy ang kabuuan ng text message since offensive ang mga sumunod niyang text. I will not reveal his/her number at gusto ko siyang mag-text ulit.

To tease the exclusive statement of Dolly Anne on Showbiz Central’s, I mentioned in my spiels that someone texted me that Dolly Anne is vindicated.

Dolly Anne texted me after a few minutes: “Thanks kapatid for putting in a good word for me.I’m touched.” I would like to emphasize that the word vindicated did not come from me. Anyway Dolly, you are welcome. I heard PEPster ka raw. Thanks.

I was told by our writers to announce that Dolly will give an update in her column in a major broadsheet. And that Yilmaz is thankful to Dolly for bringing out the truth. I did.

She then texted me: “Thanks dear. Natawa lang ako. You got my message mixed up. Ang message ko nag-thank you si Yilmaz sa akin for letting the truth come out. Ok na ako. You know me. I don’t bear grudges. Tampo lang talaga ako kay Pia na she didn’t control Tita Annabelle. I didn’t ask her to defend me. Sana pina-preno lang niya si Annabelle noong foul na.”

In fairness to Pia, mahirap talagang pigilan si Tita Annabelle. May mga sinabi nga siya sa “bruhilda”interview na yan na hindi naman tinanong ni Pia. I think Tita Annabelle came prepared.

Pia approached me during our commercial break. She said Dolly has been texting her and asking for an apology. I even suggested to Pia to call Dolly to explain that it was not her fault. Prangkahan na, maski ako hindi ko mako-control si Ms. Annabelle Rama. Not that she needs to be.

In fairness to Pia, she apologized to Dolly on the last gap of Showbiz Central. She even admitted that she was told by the staff not to ask about Ruffa’s first wedding, as requested by Ms. Rama.

I texted Dolly na patawarin na si Pia because she is just really doing her job. She then replied with this message: “I will in due time. Palamigin lang niya ako. I defended her many times in my column. But this time siya ang mali. I accept her apology.”I shared with you guys this exchange of text messages and private chikahan for my co-host Pia Guanio. She is very talented and very professional. Yes, she is just doing her job. Please do not take it against her.

If ever, ako ang nag-interview kay Tita Annabelle at sinabi din nya na binibigyan niya ng pera si Dolly. Ask ko talaga siya ng, “Bakit po ako hindi?”

If sinabi rin sa akin ni Tita Annabelle na ibalik na ni Dolly ang hiningi niyang Chanel powder, I would have said “Soli mo na nga Dolly para walang away.”

If bigla rin akong gulatin ni Tita Annabelle ng, “Balita ko dong, may nagsabi lang sa akin ha, bumibili daw ng lalaki yang si Dolly Anne,” malamang i-punch line ko, “ako rin po bumibili.”

If ever ako ang nag-interview, nakakatawa lang pero pareho rin ang kalalabasan.

And to Dolly Anne, whose late mother I admire so much, thank you at tinanggap mo ang apology ni Pia. Sarang Hameda, Dolly!

And also, admittedly, na-rattle ako ng slight sa interview ko with my friend Rufa Mae Quinto. Why?

She did not want to comment on the picture of John Estrada and Gretchen kissing. Ang problema, I needed to ask her that dahil sa bahay nga naman niya nangyari.

Both John and Gretchen are friends of mine. Pero hindi ko sila masyadong ka-close and I do not have any idea na sila pala, close. I mean, close to the point na magki-kiss. Kinumpirma lang ng Showbiz Central that the pictures are real. Wala nang iba.

Poor Rufa Mae. Nag-birthday party na surprise lang, nadawit pa sa intriga.

Thank God at hindi kami close ni Erik Santos masyado, kaya hindi niya ko in-invite. Kakatawa itong si Peachy, may adlib pang hindi lang daw alam ni Erik ang number ko. E, nagkita kami sa dressing room ng Showbiz Central that Sunday. Tumambay muna sila doon kasi nga hinahanda pa ang surprise party. Ang ka-close ko, yung mga friends ni Erik na hindi yata kilala ni Rufa Mae. Teka nga at ipakilala ko sila kay Rufa Mae minsan.

Sabagay, if ever na close kami ni Erik, malamang nandoon ako at baka naka-background pa sa picture ni John at Gretchen. Maryosep. Buti na lang pala.

If ever ako si Gretchen (na gusto ko naman maging kamukha) aaminin ko na nakipag-kiss ako talaga kay John. Ang gwapo naman ni John. At kung pagalitan ako ni Tony Boy sasabihin ko talaga na, “Ikaw kasi, e. Ayaw mo pa ako pakasalan.” Hahaha.

Kung ako naman si John Estrada, malamang hindi rin ako magsalita pero hahalik pa ako ng madaming girls na may asawa or boyfriend at pipicturan ko din sa cell ko. At least malalaman ng taong-bayan na gawain ko lang talaga yon. Hahaha.

At if ever ako si Rufa Mae, next birthday ko ay kissing party naman. Ang saya!

Pero if ever sila ako. I doubt kung sagutin nila ang mga tanong ninyo isa-isa.

JULIUSM, iba-iba na yata ang host ng Pinoy Meets World. Malabong maulit si Rufa Mae agad.

CASS, Korek ka JOHN!

LOSER, sayang ‘di kami close ni Sheryn Regis. Pero tama ka ng idolo. Magaling siya.

MINGYEONG, malamang lumipat pa rin ako ng GMA kahit same sweldo ko sa ABS when they offered me. Wala kasi akong regular show noon at takot ako sa gutom. Phobia daw iyon. I forgot kung ano tawag. Baka Gutomaphobia. Hahaha.

TIMCAT, sige nga manawagan ka sa mga radio station na bigyan ako ng radio program. Gusto ko rin, e.

HEARTBEAT007, hindi po si Tito Butch ang sinasabi ko. First appearance ko po sa S-Files, silang mga Startalk hosts ang guest hosts, kasama rin si Pia. Big welcome ang binigay niya sa akin.

TSOKNUT, ‘di ko sasabihin ang name at location ng gym kasi nagbayad naman ako. Baka makalibre ng promo pa sila, ‘di ba?

SHASHENKA, maganda ba diyan sa Aruba ? Ikaw maganda ka ba?

Uy suking TOMASINA, may tama ka! Pasensiya na sister at bago pa lang ako. Namamahay pa siguro ang beauty ko. Babawi ako sa inyo. Ganito din si Tito Boy no’ng bagong salta sa ABS-CBN via The Buzz. I was the Creative Associate Producer of the show. Napansin namin na namahay din siya, but look at him now. Wow!

I am sorry, JOHN COLONIA, nakalimutan ko si sister Jolina. Oh yes, hindi siya plastik na tao.

PIA, gwapo si Jericho Rosales at mabait. Medyo maitim talaga siya kumpara kay Piolo at Richard Gutierrez na parehong gwapo rin.

Sa lahat ng mga nandyan sa Dubai, thank you! Grabe ang dami niyo. Bakit hindi kayo manawagan sa mga producers diyan na kunin ako para mag-show at makita niyo ako. If ever baka pwede kayo pumunta sa Philippine Embassy. Apila niyo. Go!

MAYMAY28, pasensiya ka na dear at wala akong fans club. Hindi naman ako matinee idol na kailangan may fan clubs. Di ko alam ang contact person sa mga fans club na iyan. Yung iba (hindi lahat), ang alam ko, pinapakain sila ng mga nanay at tatay, or manager noong idol nila, or yung idol nila mismo. At sometimes (not all the time), yung mga nanay at tatay, or manager din naman ang bumibili ng mga tarpaulin, streamers at banners na winawagayway nila. So I think sa kanila mo dapat itanong kung paano sumali.

Naalala ko noong araw. May Summer Caravan ang ABS sa Bacolod. Marami akong kaibigan doon. Nagbigay ako ng pera sa mga friends ko para gawan ako ng banners at tumili every time na lalabas ako. Napasobra ang laki ng pinagawa nila. Nabuking tuloy ng mga kasama kong artista na nagbigay ako ng budget. Inamin ko naman sa kanila at say ko talaga, “bakit kayo hindi nag papagawa?”Walang nakasagot sa kanila. Hahaha.

Okay ka na diyan sa Ilocos, MAYMAY28, Peaceful at sariwa ang hangin. Huwag ka nang sumali sa mga fans club na iyan. Take care of your business, help others, enjoy life with your loved ones, and pray.

If ever, ganyan ang gusto kong buhay.

Ay, teka!

Filed under: Uncategorized — admin at 5:13 pm on Sunday, June 10, 2007

I lost five pounds in one week dahil sa pagsunod ko sa aking South Beach Diet. Bumilis ang pagpayat ko dahil pinagsabay ko ang diet at work-out sa gym. Oh yes, for the first time in my life, nag-enroll ako sa gym. Nauna pa akong magpa-lipo at tumira ng diet pills instead of mag-exercise.

Ang hirap! First time kong tumapak sa thread mill at magbuhat ng dumbells. Strict ang gwapo kong trainor. At kahit tinatarayan ko, hindi nasisindak. Nagpapa-cute lang, e, sumusunod na ako agad. I’m sure sinadya ng gym na i-assign siya sa akin kasi nga gwapo. Hahaha. Si Papa Piolo ay doon din nag-wo-work-out kasi nga walang jologs. Bawal magpa-picture at magpa-autograph sa mga artistang gusto lang mag-gym nang mapayapa. Yung iba kasi, wala talagang paki at kahit sa gym ay nagpapa-picture with an artista. Yung iba naman, atat na atat na manghingi ng chismis sa akin pero wala rin akong magawa kasi bawal din ang chismisan. Yung iba naman masungit. Kahit nag-smile na ako, deadma pa rin. Kung makaasta, parang hindi nangungulangot. Ang yabang! Sorry ha, pero yung ibang mayaman ay mayabang.

Ay teka. Yung mga nagtatanong kung sino ang mga artista na hindi plastik, eto ang partial and unofficial list ko. Partial kasi sila lang yung naalala ko, at unofficial kasi based lang on my personal experience.maricelnoel.jpg

Ang aking pangalawang ina na si Ms. Maricel Soriano ay napaprangka ako sa kahit na anong bagay. Bihira na kaming magkita pero naman, todo ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Nagkaroon ako ng mabigat na problema noon at sa kanya ako nag-emote. Bumalik ang peace of mind ko. Mga five years na yatang nagte-text sa akin si Marya ng mga prayers at passages from the Holy Bible.

sharoneniereyes.jpg
Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay kasama rin sa list. Sa lamay ng friend naming executive producer ng ABS-CBN, who was murdered last year, we were seated in one bench. Bagong lipat lang ako noon sa GMA. Say talaga ni Mega sa akin sa harap ng mga boss ng ABS-CBN, “Nagtataka ako Sweet kung bakit ka nila pinakawalan.” I looked at her in the eye signaling na katabi namin ang mga boss. Say niya talaga, “I am sorry pero that’s the truth. Asset ka talaga ng ABS.” Nag-blush ako because I’m flattered.
Si Kris Aquino naman ay honest. Sinabi niya sa akin na baka hindi na siya bumalik sa The Buzz, ayun mukhang hindi na nga babalik.judaynoel.jpg

Si kumareng Judy Ann Santos, who is celebrating her 20th year in showbiz, anytime na i-text ko sumasagot agad. ‘Pag na-delay ang text back niya, nagso-sorry at with explanation kung bakit na-delay ang reply niya. Kaya last Wednesday when I found out na nag-renovate ang Carabana resto-bar niya, e, nagpunta ako agad to support.

Si Alessandra Da Rossi, true to her word na hindi siya sinungaling na tao. Kung ayaw niya ng away she would keep quiet. Kaya lagi kong sinasabi, kung babae ako na artista malamang si Alex ako.

Si sister Rufa Mae Quinto, sinasabihan ako ng mga bagay na confidential. Iyong tipong siya lang ang may alam pero gusto niyang i-share. Pinagkakatiwalaan niya ako bilang kaibigan, at marami talaga siyang sinasabi na atin-atin na lang ito ha. Naa-appreciate ko kapag ang isang artista treats me as a friend and not a reporter.

Ay, teka maraming nagtanong today. Eto at sasagutin ko lahat. (Read more… )

Choked

Filed under: Uncategorized — admin at 1:26 am on Thursday, June 7, 2007

Hi, JOHNers, SWEETers, and LAPUSers!

Last June 3, Showbiz Central reported a scoop about Aiza Marquez. I asked the head writer, Rey Agapay, if he could assign Pia Guanio to do the interview instead of me. Why?

aizamarquez-blog.jpgI choked when I saw our exclusive footage of Aiza’s family crying while packing their stuff. Obviously, they were unready for the eviction from their rented house. They were given two hours to vacate the place.

I had an instant flashback to my childhood.

My father abandoned us when I was 11 years old. It became very difficult for my mother who was a public school teacher.

john-highschool.jpgI remembered opening our refrigerator which then contained only gallons of water.

 

I would usually ask the neighboring sari-sari stores for I.O.U’s (I owe you) of rice, canned goods, etc.

There were times na ‘pag naghahain na ang kapitbahay ng kanilang meal, I would stay and hope that they would ask me to eat with them. E, dapat iyon umuwi na rin ako knowing na kakain na rin kami.

PHOTO CAPTION: Sweet wore a Barong Tagalog during his high school prom.

I remembered wearing combat boots for my P.E. class in high school because I didn’t have a pair of rubber shoes. Thank god, I’m gay—my classmates thought that it was a fashion statement. Hahaha.

I used to frequent the registrar’s office to get a promissory note prior to exam day. Alam mo naman ang mga schools—no pay, no exam!

I would usually entertain my classmates during lunch breaks and ask them for libre in return. I would impersonate all our teachers, including our principal.

I worked as a part-time crew, from first year to second year college, at Jollibee in Binondo. Pang-umaga ako sa work ‘tapos pang-hapon sa school. Kaya may reputation ako sa mga teachers at classmates ko na natutulog sa klase. ‘Pag boring at matanda ang teacher, e, sweet dreams na ang beauty ko. Mind you, nakakatulog ako na nakaupo. Miss Talent, ‘di ba!

In college, our classroom was at the fifth floor of the education building in UST (University of Santo Tomas). Because of my chika prowess, I was able to get an elevator pass that’s only intended for the disabled and the students of the Conservatory of Music.

Every recess, I would ask my classmates if they would want me to buy their snacks from our cafeteria at the ground floor. I would do the errand and get the sukli from their money. Hindi naman ako napapagod kasi naka-elevator nga ako. Hehehe. Clever, ‘di ba?

Almost all of my gay friends paid their way out of ROTC. That’s four semesters of awkwardly wearing the fatigue uniform, and staying under the scorching heat of the sun. I had no choice but to take it.

During my first two semesters, I was a regular cadet. But during the last two, I became the head of the Sandwich Brigade. With fellow gays (both closet and out), our task was to make sandwiches and sell them to the regular cadets. Imagine 5,000+ sandwiches every Sunday morning? Ang cheap! Ang suwerte ng mga college students ngayon at hindi na compulsory ang lecheng ROTC na iyan!

During my third year as an HRM (Hotel and Restaurant Management) major, we had to go to a cooking class twice a week. All the boys in the class were assigned to form one group since konti lang kami. Syempre, ako ang group leader. Maximum of 300 to 500 pesos din ang babayaran ng bawat isa for every class. May mga kaklase akong anak mayaman pero di naman type magluto. Meron namang masipag magluto. I would ask more money sa mga ayaw magluto, kaya maliit na lang ang babayaran nung mga masipag magluto. I ended up not paying anything because of this scheme. My job? It’s to make sure na mataas ang grade namin.

john-college.jpgAko lang yata ang college student sa UST na nagbabaon ng lunch that time. Kanin at itlog with kamatis ang madalas ipabaon ng Nanay ko. So ‘pag lunch break, sasabay ako sa mga barkada ko kung saan man sila kakain. Ihihiram nila ako ng extra plate at pasimple kong ililipat ang baon ko doon.

Muntik na akong hindi mag-march ng graduation kasi 500 pesos ang graduation fee. Gosh, hindi ko na maalala kung saan ako naka-get ng pambayad.

PHOTO CAPTION: College graduation at last! It wasn’t an easy journey, but he made it.

Siguro itong mga bagay na ito ang nagpatibay sa akin. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit sometimes, ayaw ko ng inaapi ako at nilalait ng mga taong wala naman akong atraso sa kanila. May ugali rin ako na ‘pag tinarantado ako, may tendency akong gumanti.

May God forgive me! (Read more… )

Maybe

Filed under: Uncategorized — admin at 4:10 pm on Friday, June 1, 2007

Tama ang hula ko! Si Miss Japan ang nagwagi sa Miss Universe 2007. Pero prangkahan na mas maganda si Miss Korea. Si Miss Brazil naman ay mukhang bold star na matalino. Poor Miss USA, nadapa na, na-boo pa.

Ayaw paawat ng mga bakla. There is something fishy daw sa pagkapanalo ni Miss Japan.

Say ni mareng Boyet Marinas, na may-ari ng Hairwatch Salon, baka nagpatutok daw ng nuclear war head ang Japan sa bahay ni Donald Trump. Nasa ilalim daw ng gown ni Miss Japan ang remote control at ready to fire ‘pag di siya nanalo.

Say naman ni Nikki, na manager ng GRAFFiTi, baka raw nag-threaten ang Mikimoto Jewelry na babawiin nila ang korona ‘pag ‘di Japan ang nag-win.

Say naman ni Phillip Lazaro, na may birthday show sa The Library on June 11, bumawi lang daw ang Miss Universe organization kasi nga raw, dapat Japan ang nanalo last year.

Ang say ko naman, sa mga TV lang na made in Japan nanalo si Yori Mori. Hahaha. Halos lahat yata ng TV, e, made in Japan.

Ang daming explanation pero parang mas logical yung nabasa ko na comment sa article ng PEP na Bb. Pilipinas-Universe Anna Theresa Licaros wins Miss Photogenic. Ang sabi ni FRIDA_KADIFF, “Mr. Trump definitely rules. Last year, he chose Ms. Rivera (Ms. Puerto Rico) over Ms. Japan. Even if it was obvious that Ms. Japan had an edge over the proclaimed winer [sic]. As a consequence, for a year Mr. Trump did not hear anything from his Japanese investors.”

Eto pa, kaya daw ipinasok naman si Miss Korea sa top 5 finalists kasi taga-North Korea. E, ‘di ba may mga nuclear eklat din ang mga iyon. Yung mga Miss Puerto Rico naman daw, kaya laging pumapasok sa top 10, e, dahil nagbagsak-presyo ng langis kung saan kumukuha ang Amerika. Si Miss Nicaragua na malaki ang bibig, e, dahil naman daw sa madalas na pag-order ng bansa niya ng mga weapons sa USA.

Siyempre lagi naman daw Miss Photogenic ang Philippines dahil sa dami daw ng call center agents sa bansa. Panay daw ang boto ng mga ito sa Internet dahil may kaharap na computer everyday. Hahaha.

Ang daming “daw” ano!

But then again, maybe its Miss Japan’s fate to win this year. Maybe kung maganda ang sagot ni Miss Korea sa final question, siya ang Miss U. Maybe it’s the fact that Puerto Rico sends beautiful delegates every year kaya lagi silang pumapasok sa semi-finals. Maybe Miss Nicaragua is intelligent kaya pumasok siya sa top 10. And maybe, deserving si Theresa Licaros at yung ibang Miss Philippines na nag-win ng Miss Photogenic.

In fairness, si Miss Universe 1973 Margarita Moran ay Miss Photogenic din when she won the title. Isa nga lang siya sa apat na Miss Photogenic na nag-win din ng Miss Universe. Noong 1966, si Miss Sweden Margareta Arvidsson. Si Miss Trinidad and Tobago Janelle Commissiong naman noong 1977, at si Denise Quinones ng Puerto Rico noong 2001.

Maybe. (Read more… )