| Register

Like and Un-like

Filed under: Opinion — KKJM0d at 7:54 pm on Tuesday, July 6, 2010

Nakakatawa yung mga tao na nagpo-post ng status at links nila sa FACEBOOK ‘tapos sila din ang naglalagay ng LIKE. Mukhang tanga!

E, di ba, pag nilagay mo sa profile mo, ibig sabihin “like” mo? Baka sobrang like nila kaya kini-click din nila yung “like.”

Ang maganda, puwede mo din pala i-“un-like” yung na-like mo sa FB.

Bilang matagal naman ako hindi nakapag-update ng blog ko dito, babawi ako sa pag-chika ng mga na-”like” at “un-like” nitong mga nakaraang araw. Kumapit ka na dahil wala akong pakialam kung ma-like mo ito o ma-un-like.

LIKE. Yung mga nag-comment sa entry kong ASAP na hindi ginawang issue ang pagsulat ko noon. Nakita ko ang mga ASAP staff at host sa Boracay, naalala ko na staff at host din ako noon ng ASAP so naisipan kong gawan ng entry.

Salamat sa pag-intindi na nag-“down the memory lane” lang ako. Salamat nga pala sa ASAP XV special magazine for mentioning me.

UN-LIKE. Nakakaloka yung iba na umabot na sa “bitter” daw ako at mas gusto ko daw ang ABS-CBN. Maryosep! San galing ‘yon? Mukhang tanga. So pag nagsulat pala ako ng entry tungkol sa PTV 4 or RPN 9, e, mas gusto ko sila? Baliw!

LIKE. Maganda yung Sam Pinto na galing daw sa PBB. Isa siya sa nakita ko sa Bora with the ASAP people that summer for Kimmy Dora sa Bora.

Kamag-anak kaya niya yung model dati na si Vince Pinto? Ang guwapo no’n. E, si Father Pinto kaya ng UST na napakabait na pari? Patawarin ako ng Diyos pero ang guwapo din no’n. Hahaha. Sa sobrang ganda no’ng Sam Pinto, nagandahan ako sa kanya, e, di ba, bakla ako? Hindi naman ako natomboy, sure ako doon.

UN-LIKE. Mahiyain daw si Sam kaya patapos na ang gabi nang makipagkilala sa akin. Mahiyain? E, bakit nag-artista?!

LIKE. Grabe yung charisma nong Fabio Ide. Napakamasa at sobrang ma-PR. Kaya crush tuloy ni Eugene Domingo. Unang bumabati, unang naghe-hello at unang nakikipagkamay. Bongga!

UN-LIKE. Hindi kasing-friendly ni Fabio sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga. Sana mag-aral pa sila mag-Tagalog para hindi “ma-Troy Montero” ang career. Sama na nila si Sam Milby na nakakasawa na din ang role na galing siyang Amerika. Sayang, kasi mahusay na umarte si Sam. At pucha, ang guwapo!

LIKE. Nung nag-artista si Rafael Rosel, “Mubuhay” lang ang alam na Tagalog bilang galing siyang Norway. Norwegian at Cebuano (dahil Cebuana ang nanay niya) ang alam niyang salita kaya NORBUANO  ang tawag ko sa kanya. Ngayon, kahit “Lupang Hinirang” kaya niyang kantahin nang walang punto or accent. Taray!

UN-LIKE. Ano na ba ang projects ni Norbuano ngayon? Pucha, sayang ang talent niya. Mabait, guwapo, sumasayaw, umaarte, naghuhubad, ano pa kulang?

LIKE. Tatlo na naman ang shows ko sa GMA-7 ngayon. SC, Pilyang Kerubin at Show Me da Manny. Araw-araw na naman akong nagwo-work. Thank you, Lord! SC pag Sunday, MWF ang PK, Tuesday ang Show Me… at TH-Sat ang shooting ng pelikulang Mamarazzi. Gaya ng dati, “Hindi baleng walang tulog keysa walang gising”.

UN-LIKE. Tagal ko nang hindi nakaka-watch ng sine. Nami-miss ko ang guestings sa TV 5. Bakit wala pa din akong sariling bahay at lupa? Asan ako? Sino kayo? Basilio? Crispin?

LIKE. Salamat naman at tinanggap ni Diether Ocampo ang role sa pelikulang Mamarazzi. Golden Anniversary presentation ito ng Regal Films at birthday celebration pa ni Mother Lily. Kinampanya ko talaga si Diet for the role bilang ang sarap niya ngayon, bukod pa sa mabait at hindi pa gumagawa ng solid comedy movie. Siya ang pag-aagawan namin ni Eugene sa movie. Casting coup ito. Pinagsama ng Regal ang mga Kapuso at Kapamilya. Carla, JC, Andi, AJ, Carl, Aaron at madami pang iba. Written by Ricky Lee at Chris Violago and directed by Joel Lamangan. Kabog!

UN-LIKE. Sa dami ng araw na ibinigay namin for shooting, kinukuha ng Mamarazzi ang isang Sunday afternoon ko. E, SC day ‘yon. Hindi puwede!!! I’ve been working every Sunday afternoon for the past 16 years. I’m in my best element pag Sunday afternoon (Showbiz Lingo, The Buzz, S Files at SC) kaya hindi puwedeng magalaw ‘yon. Please!

LIKE. Sobrang daming tao na nag-watch sa pagparada ko sa Malabon bilang Talyada Queen nila for 2010. Big event pala ang pagrampa ng mga bakla doon since the 1960s. Ang bongga na ako ang sumunod kay BB Gandanghari na nag-reyna last year. Naglabasan ang mga Malabonians ng kanilang mga bahay para makita lang ang beauty ko. Sinisigawan ako ng “Sweet ang ganda mo!” at inaabutan ako ng bulaklak ng mga bata at kalalakihan. May mga nanay pang inaabot sa akin ang anak nila para mahawakan. I’m sure, manicure, pedicure, kulot nadagdagan ang viewership ng GMA-7 sa Malabon. Kaloka!

UN-LIKE. Tanging Showbiz Central lang ang nag-cover ng Talyada ng Malabon 2010. Tanging Showbiz Central lang marahil ang naniniwala na ang tagumpay ko ay tagumpay ng buong Kapuso Network. In English, “Synergy.” Shit, hindi pa yata talaga ako sikat para ma-cover ng ibang Kapuso shows. Itong PEP.ph ang isa pang naniniwala sa aking mga adhikain. Salamat po!

LIKE. Synergized ang News and Public Affairs ng ABS-CBN sa kanilang Entertainment Department. Panalo!

UN-LIKE. Sabi ni Cheryl Cosim, “It’s like a snake pit.”

LIKE. Nanalo na naman ng International Award ang GMA News and Public Affairs. Congrats!

UN-LIKE. Ah, e, uhmmmmm…

LIKE. Gandang-ganda ako sa mga little sisters ko sa Star Magic na sina Erich Gonzales at Melissa Ricks.

UN-LIKE. Hindi sila masyadong friendly sa akin when I saw them recently in a friend’s party. But I remembered that they were pleasant to me when I was still in ABS-CBN. Either hindi ako nakilala or lasing na yata.

LIKE. Nakita sa same party na ‘yon si Alex Castro. As usual, nagbigay-pugay siya sa akin with matching hug. Ang guwapo niya nang sobra.

UN-LIKE. Kapamilya na si Alex. Huhuhu. Mami-miss ko siya.

LIKE. Gustung-gusto ko ang mga grupo ng mga artista na nagiging matalik na magkakaibigan. Tipong dating magkatrabaho lang ‘tapos naging super close. Sina Juday at Gladys, Amy Perez-Agot Isidro-Bing Loyzaga, Gelli at Mina, at marami pang iba.

UN-LIKE. Ampalaya Anonymous.

LIKE. Gandang-ganda ako kay Jennylyn Mercado. Kumakanta, umaarte, nagho-host, sexy. Kumpleto! Gusto ko din yung nakabalik pa siya sa showbiz at lalong gumanda matapos maging dalagang-ina.

UN-LIKE. May reputasyon si Jennylyn na nagba-back-out nang last minute sa mga guestings. Tsk, tsk, tsk.

LIKE. Startalk pa din ang “Showbiz Authority.”

UN-LIKE. Yung ibang “Da Who?” imbento.

LIKE. After 25 years, nandiyan pa din ang The Library sa Malate. Ang The Library ang pinagmulan ng ilang sikat na nga komedyante ngayon. Maski ako, ang stand-up comedy career ko ay nagsimula sa The Library.

UN-LIKE. Yung ibang nagsimula sa The Library, wala na. Hay…..

LIKE. Bench Uncut. Especially Diether Ocampo na rumampa nang simple and with class. Extra applause sa kanyang katawan na tama lang naman at hindi umabot sa pagka “Carlos Agassi.”

UN-LIKE. Mga nagpapansin sa Bench Uncut to elicit an applause. Sad!

LIKE. Bench and Mental.

UN-LIKE. “Folded and Hung”!

LIKE. Manny Pacquiao, the pound for pound King!

UN-LIKE. Manny Pacquiao, the Congressman. I’m giving him a chance though.

LIKE. May fiance na si Rufa Mae.

UN-LIKE. Nagwo-worry ako para sa kanya kung sino.

LIKE. Jacob!

UN-LIKE. Edward. Parang Jojo Alejar lang, e.

LIKE. Facebook!

UN-LIKE. Twitter.

LIKE. Magde-debut na ang pamangkin kong si Bea.

UN-LIKE. Magastos ang debut!

LIKE. Birthday ko na naman.

UN-LIKE. Tumanda!

Reciprocity

Filed under: Opinion — admin at 6:33 pm on Saturday, May 9, 2009


Reciprocity:  mutual action, give and take.

 

Ito ang opening number ko sa Sweet 16 on May 15 and 16 sa Teatrino, Promenade in Greenhills.  

 

A song titled “When You’re Good To Mama” further explain the essence of this word. Favorite ko ang kantang ito sa pelikulang CHICAGO na kinanta ni Queen Latifah.   

 

Ask any of the chickies in my pen

they’ll tell you I’m the biggest mother hen.

I love them all and all of them love me

because the system works,

the system is called reciprocity.

 

Got a little motto,

always sees me through:

When you’re good to Mama, Mama’s good to you

 

There’s a lot of favors I’m prepared to do,

You do one for Mama, she’ll do one for you.

 

They say that life is tit for tat,

and that’s the way I live.

So I deserved a lot of tat

For what I’ve got to give.

 

Don’t you know that this hand

washes that one too.

When you’re good to Mama, Mama’s good to you.

 

If you want my gravy

Pepper my Ragu

Spice it up for Mama

She’ll get hot for you.

 

When they pass that basket

Folks contribute too,

You put in for Mama,

She’ll put out for you.

 

The folks at top the ladder

are the ones the world adores

So boost me up my ladder kid

and I’ll boost you up yours

 

Lets all stroke together

Like the Princeton crew

When you’re stroking Mama, Mama’s stroking you

 

So what’s the one conclusion

I could bring this number to-

When you’re good to Mama, Mama’s good to you…Yeah!

 

Prangkahan na, hindi po biro ang tumagal ng 16 years sa showbiz.  Kaya naman I want to celebrate my sweet 16th year with a bang.  It is my way na din to thank  the people who have been help9ng me all these years.

 

May mga artista po kasi na mabilis sumikat pero mabilis din nalaos.  Parang cell phone na bagong charged tapos biglang nag-low bat. Parang bagong bumbilya, nang sindihan, sumabog. Parang…Sandara Park

 

Meron din namang hindi agad sumikat pero noong sumikat, agad nalaos. Tipong naghintay ng break ‘tapos noong dumating ang break, iniwan siya.  Parang Nene Tamayo, ganyan.  Nag-antay ng 100 days sa loob ng Bahay ni Kuya ‘tapos less than 100 days lang sa labas.

 

Meron ding sumikat, nagpahinga pero hindi nalalaos. Pops Fernandez. Concert Queen pa din. Nagbabago lang ang itsura pero hindi ang estado ng career. 

 

Meron din namang sikat-laos-sikat-laos.  Si Mahal.  Sisikat, malalaos, sisikat, malalaos. Lumalaki ang pangalan ni Mahal paminsan-minsan pero siya hindi.  Hahaha.

 

Meron din namang relax lang pero hindi nalalaos.  The Superstar, Nora Aunor.  Parelax-relax lang pero Superstar pa din.  Painom-inom, pakasi-casino, relax na relax pero Superstar pa din!

 

Meron din naman yung hindi pa man sumisikat, naglaho na—Anna Dizon!  Kaya nga “Anna Dizon is Anna Dizon” dahil siya lang ang nakakagawa noon.  Although puwede na ring pumantay sa kanya sina Tara Tambunting, Emma Cordero, Pinky Pop Fernandez at Ian Valdez.  Hindi niyo sila kilala?  Kasi nga bago niyo pa man makilala, bigla na lang nawala sa showbiz.  Minsan nga may suspetsa ako na iisang tao lang sila. Hahaha.

 

Meron din yung parang nag-aagaw-buhay ang career. Yung papatay na ang career pero biglang mina-mouth to mouth kaya nabubuhay. Snooky!  Namamatay…uy teka…nabubuhay…ay namamatay ulit…ay nabubuhay na naman.  Snooky!

 

Pero meron din namang artista na sumikat noong sila ay mamatay, nakakalungkot man isipin na ang kahalagahan nila sa showbiz ay napansin lang nang sila ay namatay.  I would like to pay tribute to a great artist.  Naging inspiration ng madaming Filipino.  Tinuruan niya tayo maging totoo sa sarili.  Mga kababayan, let’s pay our respects sa namayapang si Rustom Padilla na nagbigay-daan sa pagsikat ni BB Gandanghari. Puny*tang BB ‘yan.  Ang ganda.  Pag nakita ko ‘yan, itutumba ko ‘yan! Humanda ka BB.  Hehehe.

 

Kaya naman po after 16 years in showbiz, ako po ay tuwang-tuwa at buong pusong nagpapasalamat sa tinakbo ng aking career.  Ang career na minsan ding suminghap-singhap tulad ng kay Snooky. Salamat sa GMA-7 at ako po ay ni-resuscitate. To be honest, hindi ko po hangad ang sumikat. Hangad ko lamang ay ang makilala. I never desired to be famous, I just want to be known.  Kasi kapag nakilala ka na, in a way, hindi ka na malalaos. Di ba?!

 

Friends, naniniwala po ako na kaya po ako tumagal ng 16 years sa industriyang ito ay  dahil mahal ko ang trabaho ko.  Kaya naman mahal din ako ng trabaho. We should reciprocate. The Law of Action and Reaction. Karma. Reciprocity!

 

You reap what you sow. You get what you give. You give what you get. What goes around comes around.  Kung may itinanim, may aanihin.  Kung may isinuksok, may madudukot. Kung may ipinasok, may mahuhugot. Pag may isunubo, may iluluwa. Pero pag mahal mo, lunukin mo. Chika!

 

Seriously speaking, hindi ko po mararating ang kinalalagyan ko kung hindi dahil sa reciprocity. Hilig ko na noong bata pa ako ang subaybayan ang mga artista, kaya eto, naging artista ako.

 

Nagsimula ako bilang researcher sa ABS-CBN, minahal ko ang trabaho ko kaya na-promote ako into head researcher.  From being a head researcher, naging segment producer ako. Lalo kong minahal ang trabaho ko kaya na-promote ako into associate producer. From Showbiz Lingo to Cristy Per Minute to The Buzz to S-Files and now Showbiz Central. From Kapamilya to Kapuso.  From Prangka ka John to Don’t Lie To Me. Reciprocity!

 

Ang mga sikat at tinitingala sa showbiz, noon hanggang ngayon—Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano—mahal nila ang mga fans kaya mahal din sila ng mga fans. Reciprocity!

 

Mga timeless beauties—Dawn Zulueta, Charlene Gonzalez, Lucy Torres—minahal ang natural beauty kaya ngayon ang gaganda pa rin. Reciprocity!

 

Reciprocity is actually one of nature’s fundamental laws. Kaya nga minsan nakakahinayang na may taong hindi ito alam.  Ito marahil ang dahilan kung bakit ang dami kong kilala na napahamak.

 

Kung minahal lang ni Tita Cristy Fermin si Nadia Montenegro, sana walang gusot. Kung hindi minahal ni Nadia ang pagkain, sana walang taba. Joke iyan ha!

 

Kung hindi nagkahiwalay sina Martin Nievera at Pops, hindi magkakaroon ng Pops-Jomari Yllana. Kung hindi nagkahiwalay sina Jomari at Aiko Melendez, hindi magkakaroon ng Aiko-Martin Jickain. Kung hindi nag-concert si Martin at Pops, hindi sana naghiwalay sina Pops at Jomari.

 

Kung sinunod ni Mura ang payo ng nanay niya na tumalon kapag bagong taon, sana matangkad siya ngayon.

 

Si Kuya Germs.  Noong GMA Supershow days, madaming tao ang hindi nakatulog ng tanghali tuwing Linggo.  Ngayon, binawian siya.  Siya naman ang walang tulugan. Hehehe.

 

Kung minahal lang sana ni Madam Auring ang orig niyang ilong at hindi niya pinabawasan ng pinabawasan, e, sana meron pang natira. Eto, balita ko lang. Gusto pala ni Madam Auring, slow death. Ang susunod niyang pababawasan yung bibig niya naman, hanggang sa hindi na siya makahinga. Hahaha.

 

Si Jobert, ginawan ako ng pangit, ayun, ang pangit!  Reciprocity!

 

Kaya naman mga Kababayan, let’s remember the Golden Rule, “Do not do unto others what you do not want others do unto you.” Or  puwedeng mas positive, “Let’s do unto others what we want others do unto us”. 

 

Reciprocity!

 

Proud Kapuso ako, ayun GMA-7 ang media partner ng Sweet 16.  Pinapalabas sa Showbiz Central ang 30 second plug ng Sweet 16 na walang bayad.  Pati sa Cool Center tonight, ipapalabas din.

 

Proud endorser ako ng Calayan Surgicenter (with or without billboard) kaya ayun, lalagay nila sa billboard nila ang poster ng Sweet 16. “To C is to believe.”

 

Aminado akong laking Jollibee ako, ayun, nagpadala ng gift certificate para may kakaininin kami tuwing rehearsal at sa day ng shows.  Sarap!

 

Loyal endorser ako ng Hairwatch Salon kaya naman sila pa din ang magpapaganda sa akin sa Sweet 16.

 

Madalas ako magpagawa ng mga damit at gowns kay Bing Cristobal kaya ang Ate niyo ang gagawa lahat ng costumes ko sa Sweet 16.  Libre at walang bayad ni singko.  Nakaka-touch.

 

I never burn bridges.  Until now may Ktext pa din ako sa ABS interactive.  Send Sweet (space) on to 2366 for updates on my daily life.  Ayun, nilagay nila sa pagkalaki-laki nilang billboard sa Pioneer, Edsa ang poster ng Sweet 16.

 

Madalas akong magpa-print ng mga posters ng past shows ko sa Kulay Express Printing nina Polly at Badet. Pati mga posters at programs ng mga play sa Teatro Tomasino, pinasok ko sa kanila. Naging magkabarkada na kami, kaya eto at walang kibot nila ipi-print nang walang bayad ang poster ng Sweet 16 at sila din ang gagawa ng malaking billboard na ikakabit sa taas ng Teatrino.  Salamat mga kapatid!

 

Contributor ako sa Celebrity Blog ng PEP, kaya ayan, may pa-contest pa sila at kung anu-anong article tungkol sa akin para ma-promote lang ang Sweet 16.  Thanks guys!

 

May show ako sa Taiwan (Chien Tan Youth Auditorium) on Sunday, May 10, para aliwin ang mga kababayan natin doon. Maga-absent ako sa Showbiz Central, kahit hindi ako enjoy, kaya sana mag-watch sila at mag-enjoy. Please!

 

Kinacareer ko ang paggawa ng blog ko, kaya ayan, natutuwa kayo sa pagbabasa. 

 

Reciprocity!

Aklat ng Kagandahan

Filed under: Opinion — admin at 7:43 pm on Thursday, February 5, 2009


Nagkita kami sa wakas ni sister BB Gandanghari sa baby shower na in-organize ni sister Rufa Mae for sister Mylene Dizon. Ginanap ito sa isang salon/spa sa Makati last Sunday, January 25. Doon na namin sinalubong ang Chinese New Year!

I hugged him the moment I saw him. Naka-hair extension pala si BB kaya naman makapal ang pagkakapusod niya sa kanyang buhok. Light make-up lang si BB that night pero maganda pa din siya. Tama ang sinabi ni Tita Lolit na hawig niya ang ex niyang si Carmina. Very conscious ako habang kausap ko siya kasi baka matawag ko siya ng Rustom.  Lahat ng tao sa baby shower ay ganoon din. Mga tatlong tao ang narinig kong nagkamali na tawagin siyang Rustom pero nag-sorry naman agad at nag-“its ok” naman si BB with a sweet smile.

Nakasalang sa manicure at pedicure si BB when I arrived so hindi ko na muna siya inistorbo at marami din siyang mga kausap. Chumika muna din ako sa ibang celebrities and friends na nandoon at nagpa-facial na din, kasi nga libre. Para naman gumanda ako ng kaunti pag kausap ko na si BB…

Pagkatapos ko magpa-facial, chumika na ako kay BB. Size 9 lang pala ang paa niya kaya naman madaming pang-girl na shoes ang kasya sa kanya. Dito kasi sa atin, size 9 lang ang biggest sa halos lahat ng shoe stores, maliban sa Natasha, Confetti at Xtra-Xtra (as in may size 13 sila para sa mga baklang bakulaw). Nakapangako pa nga si Lola Bing Loyzaga ng ilang shoes for BB since magka-size daw sila ng paa. Grabe, ang gaganda pa naman ng sapatos ni La Bing na never kong na-arbor dahil size 11 ang paa ko sa pambabaeng sapatos.

Nagkuwento si BB tungkol sa kanyang mga adventures sa New York. Nagkuwento naman ako sa kanya tungkol sa mga Ms. Universe Beauty pageant na ipinasa pa sa akin ng aking mga nakakatandang bakla mula sa Aklat ng Kagandahan.

Si Gloria Diaz daw ay hindi naman kagandahan kumpara sa ibang finalist sa Ms. U noong 1969. Pero tulad ng ibang beauty pageants, na minsan nagwawagi ang matalino, nag-win si Gloria. Say pa nga ng aking mga ninuno, si Gloria lang daw ang natatanging Asiana na chumichika sa mga Latina that time dahil marunong ito mag-Español. Ang taray! Kaya madalas daw lumabas sa mga newspaper noon ang mukha ni Ms. Philippines sa tabi ng mga Latina. Bongga!

Kung si Gloria ay hindi agad napansin, parang si Sushmita Sen nang mag-win dito sa ‘Pinas noong 1994, kabaligtaran naman daw ang nangyari kay Ms. Margie Moran. Say ng mga Ate ko, dahil nag-declare daw ng Martial Law si Marcos noong 1972, naging nega ang image ng Pilipinas sa buong mundo. Madam Imelda Marcos to the rescue daw! Sinigurado daw ni Mrs. Marcos na magwawagi ang Pilipinas sa 1973 Ms. U.  Si Mrs. Marcos daw mismo ang pumili kay Tita Margie at siya din ang nag-train dito bago magpunta sa Greece para sa Ms. Universe 1973.

 

Maski ang onion hair-do daw ni Mrs. Marcos ay itinuro niya kay Tita Margie kung paano gawin mag-isa. May chika pa na itlog daw ang ginagamit para ma-achieve ang nasabing hairdo na hindi gumagalaw. Sa Hongkong daw nagkita-kita ang lahat ng Asian candidates noong 1973 at sabay-sabay silang nilipad papuntang Athens, Greece. Two hours daw bago lumapag ang eroplano, na sakay ang mga Asiana, ay nagpunta si Ms. Margarita Moran sa banyo upang doon gawin ang kanyang mala-Mrs. Marcos na hairdo.

 

Nagpalit pa nga daw ng Venus cut na dress si Margie, mula sa ordinaryong jeans at t-shirt tulad ng suot ng ibang Asiana, sa bilin na din ni Mrs. Marcos. Paglapag daw ng eroplano ay sadyang nagpahuli si Ms. Philippines.

 

Malamang, ang mga chinitang si Ms. Hongkong, Ms. Japan, Ms. Korea at Ms. Thailand ang mga unang bumaba at nag-pose sabay smile, with matching kaway sa mga nagaantay na foreign press at photographers. Finally, bumaba na si Ms. Philippines sa katauhan ni Ms. Margarita Moran. Suot ang kanyang sash, Venus cut dress at a la Mrs. Marcos na hairdo na hindi gumagalaw, pinagkaguluhan daw si Tita Margie ng lahat ng nandoon. Kinabukasan, headline sa mga newspapers ng Greece, “Ms. Philippines will be Ms. Universe!” Tama naman sila.

 

Samantala, alam naman ng sangkabaklaan na noong sumali si Miriam Quiambao sa 1999 Ms. Universe ay siya na ang panalo dapat. But sabi nga ng isang co-host, “She choked out her answer!” Napakasuwerte ni Ms. Botswana, Mpule Kwelagobe, at napingkaw niya ang title kay Miriam. Sa Aklat ng Kagandahan, kikilalanin na habang-buhay si Miriam from the Philippines na Ms. Almost but not quite.

Eto pa, halos ayaw ipasok ng mga baklang Diyosa, na tagapagbantay ng Aklat ng Kagandahan, ang pangalan ni 2007 Ms. Universe Riyo Mori sa listahan. Hindi daw kasi kagandahan si Riyo kumpara kay Akiko Kojima na Ms. Universe 1959 at yung 1st runner-up noong 2006 na from Japan din. Ayon sa bulung-bulongan ng mga baklang adik sa Ms. Universe, sumama daw ang loob ng mga Hapon kay Donald Trump, na may-ari ng Ms. Universe, nang hindi manalo si Ms. Japan noong 2006.

 

In fairness naman kasi, napakaganda ng Haponesang ‘yon.  Pero si Zuleyka Rivera ng Puerto Rico ang nagwagi noon. Super dedma daw ang mga hapon sa lahat ng business proposal ni Lolo Donald that year.  Nagbanta pa diumano ang mga hapon na ipu-pull-out ang lahat ng kanilang mga investments sa mga kumpanya ni Mr. Trump.  Dahil dito, bumawi daw nang bonggang-bongga si Lolo Donald sa mga Hapon the following year.  Kaya kahit hindi kagandahan si Riyo Mori from Japan, siya ang nagwagi noong 2007 Ms. U.  Honestly, kamukha ng dati naming katulong, na si Ate Ester, si Riyo Mori.

 

Bago sumakabilang-buhay ang isang ninunong bakla, naibulong nito sa isa kong Ate na kaya daw nanalo si Amparo Muñoz from Spain noong 1974 Ms. Universe na ginanap dito sa Pilipinas ay dahil lamang sa utang na loob. Opo, pagtanaw daw ng utang na loob ng bansang Pilipinas sa ilang taong pananakop ng mga Español sa ating bansa noon. Pagkabulong daw ng ninunong ito sa aking Ate ay natawa silang dalawa. Namatay ang aming ninuno ng tumatawa.  Kay ganda!

 

Pagkapanalo daw ni Ms. Universe 1976, Rina Messinger, from Israel ay umorder ng pagkadami-daming baril ang bansang Israel sa Amerika. Suplada!


Favorite ko si
Oxana Fedorova from Russia nang mag-win sa Ms. U. Siya ang bet ko talaga mag-win that year, 2002. Ang chika, hindi daw ito nagpatikim kay Lolo Donald Trump dahil super in love sa kanyang boyfriend.  Ayun, na-dethrone.

 

Eto, mas logical.  Ang halos sunud-sunod daw na pagwawagi sa Ms. Universe ng mga cyborg ng Venezuela ay dahil nasa bansa nila ang pagkadami-daming langis. Tuwing nanalo daw ang Venezuela, nagkakaroon diumano ng malaking discount ang Amerika pag bumibili ng langis sa kanila.  Maryosep!

 

Samantala, alam naman natin na ang India ang call center capital of the world ngayon. Halos lahat daw ng multi-national companies sa Amerika ay may call center sa India. Dahil sa madalas na pagpasok ng India sa Top 10 sa Ms. Universe ay nagkakaroon daw ng malaking tax incentive ang mga American call centers sa India. Wow!

 

Nang manalo daw si Michelle MacLean from Namibia bilang Ms. Universe 1992 ay nagdiwang ang buong bansa nila.  Hindi naman kasikatan masyado ang Namibia bago nanalo si Michelle.  Ang nakakaloka daw ay after a year, nagtatayo na ng malaking base-militar ang mga Amerikano sa Namibia.

 

Hangga’t may Nuclear War heads daw ang North Korea ay malabong manalo ang kandidata ng Korea sa Ms. U kahit sa South Korea pa ito galing at kahit gaano ito kaganda at katalino.  Damay-damay na daw ang labanan. Hahaha.

 

Pagkatapos nang usapang Ms. Universe, chinika ko din kay Rustom, este, BB pala, ang Hiyas ng Bukidnon 2009 (click here to read entry).  Tawa siya ng tawa. 

 

Habang tumatawa ang aking kaibigan, naalala ko ang mga text ng ibang sisters kong bakla sa akin nang una siyang lumabas sa TV bilang BB Gandanghari.

 

“Sweet, pakisabi kay BB, mukha siyang baliw”

 

“Ate John bakit may bigote pa si BB.  Turuan mong mag-pluck”

 

“Ang baduy ng damit ni BB. Nagpa-girl na, hindi pa ginandahan”

 

“Sweet, kabahan ka na, mas maganda si BB sa iyo. Hehe”

 

“Akala ko ba nag-aral si Rustom mag-model sa New York, bakit ang tigas ng lakad?”

 

“Hilaw pa si BB, Sweet. Tulungan mo”

 

Pero mas naghari sa isip ko ang katotohanang masaya si BB Gandanghari ngayon keysa noong huli ko siyang nakita bilang si Rustom.

 

Bago kami maghiwalay nang gabing ‘yon, I asked BB kung para saan ang lahat ng ito.  Balak pala niya magkaroon ng isang stand-up act tulad ng kay Nanette Inventor noon bilang Doña Buding at marahil, like Tessie Tomas bilang Meldita. 

 

Sa May 2009 daw niya ito balak gawin. Nagbiro nga ako na kung maaari ay huwag naman sa May 16, 2009, dahil ‘yon ang araw ng Anniversary show kong Sweet 16Walang kaabog-abog na sinabi ni BB na magkaiba naman daw ang audience namin at material.  Mas magiging political satire daw ang kanyang mga monologue.  Napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Habang papasara ang elevator sa pagitan namin ni BB, naisip kong muling basahin ang Aklat ng Kagandahan. Gusto ko kasi, malaman kong totoo ba ang lahat ng nakasulat dito.

 

I saw the signs!

Filed under: Opinion — admin at 11:39 am on Thursday, December 18, 2008


There are some rules na automatic na nating sinusunod in our everyday lives.  Most of these rules, may sign na mababasa at makikita.  Pero kahit wala ang mga signs, alam naman natin ang mga rules na ‘yan, kaya sinusunod pa rin natin.

 

signs.jpg

 

KEEP SILENCE sa mga Library. Nagtataka naman ako kung bakit yung iba pag nagbabasa, ang iingay.  Kaloka!

 

SPEED LIMITS sa mga kalye at highway.  Halos lahat ng hindi sumunod nito, patay na.

 

NO ID, NO ENTRY sa mga opisina at lalo na sa mga schools. Tama naman ito. Pero sana pati ang mga boss at teachers, e, mag-ID. Di ba?

 

TURN OFF CELLPHONE sa mga sinehan.  Sa lahat ng city ordinance ito, ang pinaka-type ko. Sana gawin na sa buong Pilipinas. ‘Tapos idagdag sa rule na sasampalin ang mahuhuli ng lahat na malakas ang pag-ring ang cellphone. Hahaha.

 

NO STICKER, NO ENTRY para sa mga sasakyang pumapasok sa mga exclusive na village. Kung makaasta naman ang mga exclusive village na ito, akala mo walang nagaganap na krimen sa loob ng village nila.  Asus!

 

NO BLOWING OF HORNS sa mga simbahan.  Nakakaloka ang mga bumubusina sa tapat ng simbahan. ‘Tapos malakas pa at paulit-ulit.  Kidlatan sana ni Lord ang mga ‘yan minsan.

 

BAWAL UMIHI DITO sa mga pader.  May nakita nga ako sa isang malaking pader sa Novaliches, BAWAL IHI PUTOL TITI, TSK!  Hahaha.  I’m sure walang umiihi doon.

 

BAWAL TUMAWID sa mga malalaking kalye at highway. Dapat ito dagdagan ng, “KASI BAKA MAMATAY KA AT MADUROG!”

 

Madami pang mga rules akong alam at nakaka-sad na kahit may signs na, e, may lumalabag pa din sa mga rules na ito.  Kaya naisip ko, dapat sa showbiz, may mga signs din ang ilang rules na puwedeng mabasa para walang away. 

 

FINDERS KEEPERS, na in Tagalog, “ANG KAY PEDRO AY KAY PEDRO.” Kung ang isang artista ay na-discover ng isang network at tuluyan na nilang pinasikat, sa aking palagay, kung naaksidente or namatay ang nasabing artista, ang kanyang home network dapat ang magkaroon ng EXCLUSIVE coverage ng kanyang aksidente or kamatayan.  Kasi noong nagsisimula yung artista, hindi naman pini-feature or ni hindi binabanggit ng ibang network, bakit kung kelan naaksidente or namantay, tsaka sila nagkaka-interes? I know that news is news, pero for me, kung hindi naman artista ng network mo, e, banggitin mo na lang ang nangyari or magcondolence ka, ‘tapos ipaubaya mo na sa home network niya ang ibang detalye. Tapos!

 

NO WORK THEN GO, or in Tagalog, “KUNG TENGGA KA, LIPAT KA.” Sa hirap ng buhay ngayon, maski ang mga nagniningning na bituin ng pinilakang-tabing ay apektado.  Na-i-imagine niyo pa yung mga baguhang artista or yung mga hindi kasikatan na mistulang breadwinner ng kanilang pamilya? Kawawa. Kaya para sa akin, sana ang mga network ay hayaan nang lumipat ang ibang artista nila na wala namang trabaho.  Kahit guesting or raket lang para naman may pang-noche buena at media noche ang mga nasabing artista sa darating na Pasko at bagong taon.  

 

I DID MY  BEST, BUT I GUESS MY BEST WASN’T GOOD ENOUGH, or in Tagalog “TODO NA, SUKO NA.” Dapat malaki ang sign na ito at nakapaskil sa lahat ng hallway ng mga networks, or dapat may fliers pa na binibigay sa ibang artista na ginawa na ang lahat pero wala pa din project.  Lalo na yung mga sumali lang sa mga reality shows ‘tapos hindi na bumalik sa dati nilang buhay at nag-decide na lang mag-showbiz kahit walang talent. Huwag po tayong ambisyosa.  Hindi porke nakita ka na sa TV ay puwede ka nang maging artista. Kaya natuwa ako nang mabalitaan kong nag-flight steward na lang yung isang actor-model na sumali sa isang reality show. Guwapo kasi siya, pero wala talagang talent sa pag-arte or kahit hosting. I’m sure magiging magaling siya bilang flight steward. Yehey!

 

SHY? GOODBYE!, or in tagalog “KUNG MAHIYAIN KA, HUWAG KANG MAG ARTISTA, UL*L!” Madalas uminit ang ulo ko sa mga baguhang artistang dinadaan-daanan lang ako or ang ibang artistang higit na nakakatanda sa kanila sa showbiz. Ang malala, ginagawang excuse, e, mahiyain lang daw kasi.  Maryosep!  Ang showbiz is one of the industry na required kang makisalamuha sa madaming tao. Ngingiti ka sa mga taong hindi mo kilala at hahawakan ka nila bilang nakikita ka nga nila sa TV or sine.  Kung hindi mo kaya ang mga ganitong gawain, pwede kang mag-work sa call center dahil boses mo lang ang kailangan or mag-apply ka sa mall bilang taga-balot ng mga regalo kasi hindi mo kailangang magsalita or makisalamuha sa customers. Hindi nakakahiya ‘yon. May isang male TV host ang na-meet ko for the first time the other day. Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay, hindi siya nakipagkamay, bagkus ngumiti lang.  Ako na lang ang humawak sa braso niya para hindi naman ako mapahiya. Sabi ng ibang nakakita, pasensiya na daw ako kasi mahiyain ang TV host.  Say ko, “Bakit nag showbiz pa?” Say naman ng isa, “Pasensiya ka na kasi religious ang family nila.” Ang nasabi ko lang, “AMEN”.

 

NO COMMENT MEANS SOMETHING, or in tagalog “KUNG AYAW MO MAG -COMMENT HUWAG KANG LUMABAS NG BAHAY” Nabanggit ko na ito dati…Hindi ko talaga type pag ang isang artista sumasagot ng “no comment” sa isang issue na involved siya.  Kasi, the fact na hindi ka nag-comment, ibig sabihin ay may alam ka pero ayaw mo lang magsalita.  So ang point ko, kung ayaw mo magsalita, e, di magkulong ka sa bahay or pumunta ka ng ibang bansa at doon magtago. Pero sa 15 years ko working in a showbiz-oriented talk show, pag nagtago ka sa isang issue, hindi naman nawawala.  ‘Eto tip sa ibang artista, chumika ka na lang ng sagot keysa sa mag-no comment. Mas gusto pa ng mga reporters ‘yon.  Galingan lang ang pag-arte at baka mabuking na nagsisinungaling ka.  Mas delikado ‘yon.  Siyanga pala, ang “smile” ay may something na din ngayon.  Mag-ingat sa pag-smile!

 

Naku, ‘eto, tiyak na mapapa-smile ang mga Pinoy na nasa Singapore on Sunday, December 21.  Nandiyan po ako sa Fort Canning Park at 2:00 p.m. with my friends Jon Avila and Victor Basa. Maliban sa posters, I’m sure, may signs naman papunta doon.

Kawawang bakla

Filed under: Opinion — admin at 4:38 pm on Friday, September 12, 2008

Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.

Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.

Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.

Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.

Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.

Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.

Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.

Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.

Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.

Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.

Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.

Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.

Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.

Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.

Naging malaking issue nang tawagin ni Joey de Leon na “mukhang aswang” si Pokwang. Dahil siguro magkatapat sila ng show. Sabi ni Willie Revillame, kawawa naman daw ang anak ni Pokwang kasi tinutukso sa school. Naisip ko lang, kung bakla ang co-host sa Wowowee at sinabihang “mukhang aswang” ni Joey, masasabi rin kaya ni Willie na kawawa naman ang mga pamangkin ni bakla kasi tinutukso sa school? Ano sa sa plagay niyo? Sana naman…Kasi ‘pag hindi, kawawa si bakla.

May mga artistang babae at lalaki na pangit na, wala pang laman ang utak. Itsura pa lang kasi, nakakatawa na. Ang mga baklang pangit, kailangan medyo witty at matalino. Kung hindi, kawawa kang bakla ka.

Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.

Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.

Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):

PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.

BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.

Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.

Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?

Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!

Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.

Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.

May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.

Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.

Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.

sweet-blog.jpg

Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:

RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!

ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!

GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!

YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!

VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!

INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.

BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….

——————————————————————————————-

Siyanga pala, naalala niyo iyong promo ko? In fairness, ang daming sumali. Clap! Clap! Clap. At meron nang nanalo, si Paula Carbonell na taga-Toronto, Ontario sa Canada. Sosyal! Ang kanyang entry ay nakakaaliw at very straightforward:

“Gusto ko sanang bigyan ng regalo itong kapatid ko na nasa pinas. big time joker yan. sabi nga ng iba di naman daw halata sa mukha niya pero wag ka pag yan bumanat parang mauubusan ka ng hininga sa kakatawa. meron kasing mga ganung tao na banat palang grabeng nakakatawa na(parang si sweet).

“bilib din nga ako diyan kasi masayahing tao kahit na maraming pagsubok sa buhay. gusto kasi niyang magpasaya ng tao kaya hindi minsan hindi na niya iniisip mga problema niya.

“sana iboto niyo ako.salamat ng marami..”

At ang kanyang kapatid na nasa Tuguegarao, Cagayan, si Ana Vanessa Gumabay ang masuwerteng nanalo ng Wow Silver Fiesta magic sing. Congrats!

It Boys

Filed under: Opinion — admin at 4:35 pm on Thursday, September 4, 2008

Rare occasion ang makasama ko ang aking tatlong kaibigan na successful sa kanilang chosen fields. Kaya tuwing nangyayari ito, ini-enjoy ko talaga ang moment, and I make sure na napipiga ko sila for their juicy insights sa mga bagay na pinag-uusapan namin. The night na nagkasama kami, ang mga It Boys ng showbiz ang bonggang-bongga naming pinag-usapan. Pumayag silang i-post ko dito sa Korek Ka John! ang chikahan namin pero huwag ko na raw sabihin kong sino sila. Naiintindihan ko naman at wala din akong balak. In fairness.

The cast:
John Lapus (JOHN)
Award winning actress (ACT)
TV director (DIR)
Advertising agency executive (ADV)

John Lloyd Cruz

john-llyod.jpg

JOHN: Grabe yung A Very Special Love nina John Lloyd at Sarah, ang ganda! Kaloka si John Lloyd, ang husay umarte. In fairness kay Sarah, mahusay din.

ACT: Magaling naman talaga ang batang ‘yan.

DIR: Actually, nagustuhan ko din pero parang ginaya ang Ugly Betty. Aminin ni Vanessa ‘yan. (Vanessa was apparently the writer of the movie).

JOHN: Napansin ko din ‘yon, pero ok lang kasi nga magaling yung dalawa. At pucha, naiyak ako. Bihira ako umiyak sa local movie. I-chika mo naman ako kay Cathy Garcia. Sabihin mo type kong makasama sa pelikula niya.

ACT: Hindi, ang alam ko doon talaga pinatern sa Ugly Betty. Di ba nga, kaya nag-dalawang isip sila kung kay John Lloyd pa ibibigay ang Armando sa I love Betty La Fea?

ADV: Puwede ba ‘yon? Kayong mga taga-showbiz kung laitin niyo ang mga commercials namin, gano’n-gano’n na lang, e, pucha nanggagaya kayo ng concept sa Hollywood.

DIR: Asus! Ewan ko sa false advertising niyo, ha. Mga kinukuha niyong endorser ng metathione, mapuputi na, at yung mga endorser ng beer, hindi naman umiinom. Chosera!

ACT: Oo nga! Hahaha.

JOHN: Uy, balik na tayo kay John Lloyd, please.

ADV: Oo na, type mo si John Lloyd. Type din namin. Mahusay siya. Tapos.

Dennis Trillo

dennis3.jpg

DIR: Uy, Sweet, ang landi mo last Sunday sa Showbiz Central. Halatang type mo si Dennis Trillo.

ADV: Oo nga. Di ba matagal mo ng type ‘yan?

JOHN: Naman. Nag-guest ako dati sa Ispup. Yung gag show sa Channel 5. Parang extra lang si Dennis noon pero na-launch na siya sa Star Circle kaya kilala ko. Pucha, nilandi ko talaga. Binigay ko pa nga ang number ko pero hindi naman ako tinext.

ACT: Ambishosa! Di ba si _____ (a reporter friend of mine), nabaliw diyan dati?

DIR: Mahusay talaga ‘yang umarte. Hindi lang mahusay pumili ng jowa.

ADV: Ay bakit?

JOHN: Uy, mabait naman si Cristine at maganda yung bata.

ACT: Uy Sweet, halika. Noong nag-watch sila ng Street Fighting eklat, paano nalaman ng The Buzz na nandoon sila? E, dalawa lang sila doon. Kasi knowing Dennis, private na tao ‘yon e.

JOHN: Malay ko. O, eto atin-atin na lang ha. May nagsabi sa akin, break na daw sila. (Apparently tama ang source ko.)

DIR: Teka Sweet, yung Italiana, anong drama noon?

JOHN: Wala lang. Malandi lang siya. Gusto niyang agawin sa akin si Dennis.

ACT: Hahaha.

ADV: O, eto Sweet. Tell mo kay Dennis na kung ako sa kanya makikipagbalikan ako kay Carlene. Positive pa sa fans. O, kaya ikaw na lang jowain niya. Hahaha.

JOHN: Paano ko sasabihin, hanggang ngayon, hindi pa siya nagtitext sa akin. Hahaha.

Diether Ocampo

diether2.jpg

DIR: Hindi ako naka-attend ng birthday ni Diet.

JOHN: Ay talaga? Sh*t, hindi ako invited. Type ko pa naman ‘yon.

DIR: Ako din.

ADV: Ay, in fairness diyan kay Diet, kaya ko nagustuhan kasi kahit galing sa hirap, nagsumikap. Imagine, nasa mga socialite magazines siya ngayon. Ang taray!

ACT: Oo nga ‘no. Nakita ko ‘yan sa Metro Society, ang mga kasama mga anak mayaman. Nag-cover pa siya with Tessa Prieto-Valdes at Mikee Cojuangco.

JOHN: Mabait kasi ‘yan. At sa mga ka-batch niya, siya ang unang nagkaroon ng charity at active siya talaga doon. Pag nakikita ko ‘yan, niyayakap ko.

ACT: E, bakit hindi ka in-invite sa party niya?

JOHN: P*ke mo!

Richard Gutierrez

richard2.jpg

DIR: Na-watch niyo na ang For the First Time?

JOHN: Hindi pa. Naghabol kasi ng taping ang Kim Samsoon. Aalis kasi si Songbird. May show sila ni Lani Misalucha sa Amerika.

ACT: Pucha, si Lani Misalucha pa ba ‘yon? Parang ibang tao na. Hahaha.

DIR: Ang guwapo ni Richard at yung KC, walang anggulo. Sharon Cuneta ang acting pero kamukha ni Gabby. Ang ganda.

ADV: Manonood ako dapat kahapon pero ang haba ng pila.

JOHN: In fairness, bagay daw yung dalawa.

ACT: Guwapo din kasi si Richard.

JOHN: E, di ba nga, tinitigan ko ‘yan noon sa taping ng Captain Barbell habang nakapikit. Pucha biglang dumilat. Huli ako.

DIR: Uy teka, Sweet. Anong say ni Wilma Galvante sa mga sinabi ni Annabelle Rama?

JOHN: Watch kayo ng Showbiz Central. Nagpa-presscon na daw si Ma’am Wilma the other day, e.

ADV: O kayong tatlo, anong say niyo sa issue na ‘yan?

Piolo Pascual

piolo1.jpg

ACT: Ang guwapo ni Piolo ngayon. Sobra!

ADV: Sweet, ‘di ba galing din si Piolo sa Teatro Tomasino?

JOHN: Oo, bakit?

ADV: May naging girlfriend ba ‘yan noong college?

JOHN: Oo. KaTeatro din namin. Cristine Osit ang pangalan. Maganda. Nursing ang course.

ACT: Yun ba ang nanay ng anak niya?

JOHN: Hindi.

ACT: Feeling ko nga, ‘yan yung magic niya. Lalong sumisikat kasi chinichismis.

JOHN: Prangkahan na. Ang guwapo ni PJ at talented. Mabait pa.

ADV: E, bakit kasi walang girlfriend?

ACT: E, baka walang magustuhan. Hindi naman girlfriend ang basehan ng pagiging lalaki.

DIR: Oo nga naman. Marami din namang matinee idol na walang jowa ngayon. Si ___ (male singer) jinowa pa si ____(sexy actress) daw pero bading naman.

ACT: Hoy maganda daw yung indie movie na siya din ang bida at producer.

ADV: Yung Manila?

JOHN: Ay ka-join ako. First indie movie ko na binayaran ako. Doon pa lang, nagandahan na ako.

DIR: Hoy! Ikaw Advertising Executive, given a chance, makikipag-s*x ka kay Piolo?

ADV: Oo naman! Hahaha.

JOHN: Ipokrita!

Mark Anthony Fernandez

mark.jpg

DIR: Grabe ang palakpakan kay Mark Anthony noong lumabas sa Araneta sa birthday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

JOHN: Ay, sobra talaga. Sa taping namin, kuyog ‘yan. Simpatiko kasi at ang ganda ng mukha.

ACT: Buti nakabalik ang batang ‘yan. Kasi mahusay ‘yan talaga umarte.

DIR: Actually, sa Gwapings siya ang gusto ko noon pa.

ADV: Kaya daw ‘yan nagbagong-buhay dahil kinausap ni Daboy bago namatay?

DIR: Talaga? Pucha ang sarap niya sa Kim Samsoon, Sweet. May eksena akong na-watch naka-trunks lang siya.

JOHN: Kainis nga, kasi wala ako noong taping noon.

ADV: I hope may show siya after Kim Samsoon.

ACT: For sure.

Sam Milby

sam.jpg

DIR: Mabango yung bagong spray ni Sam Milby sa Bench.

ADV: Ah, talaga?

ACT: Type ko ‘yan kaya lang parang banlag.

JOHN: Grabe, ang ganda ng katawan niya ngayon. Nagulat ako sa Blackout na ganon kaganda pala ang katawan niya ngayon.

ADV: In fairness diyan, kaibigan siya ng pinsan ko sa States. Lalaki daw.

JOHN: Ay, oo naman. Tanong niyo pa kay Anne Curtis.

ACT: E, ‘di ba kaya nga daw ‘yan biglang pinalabas sa bahay ni Kuya kasi nilalandi ni Uma.

ADV: Na-watch ko ‘yon kasi may 24/7 ako.

DIR: Sana lang mag-aral na mag-Tagalog at mawala na ang accent kasi baka ma-Troy Montero.

ACT: Gaga! Ang layo naman na ng narating niya kay Troy. At saka, nakakaarte yung bata, si Troy hindi.

ADV: Ang gusto ko kay Sam yung hindi nagmamadali. Yung alam niyang next lang siya kay Piolo.

DIR: Ay, dapat naman. Aminin niya ‘yan, sinuwerte lang talaga siya at less than a year sumikat na siya. Hindi siya dumaan sa butas ng karayom tulad nina Piolo at Dingdong.

Dingdong Dantes

dingdong.jpg

JOHN: Speaking of Dingdong. Grabe ang kasikatan niya ngayon ‘no?

ADV: Naku, ang ahensiya, siya ang type na type ngayon na endorser. Madali daw kasing kausap yung manager at hindi maarte.

JOHN: Noong time na tabain pa siya, naging boyfriend pa ‘yan ng pinsan kong si Bianca Lapus. Siya pa ang escort noong debut.

ACT: ‘Yan talaga ang dumaan sa butas ng karayom. Di ba dancer lang ‘yan noon?

DIR: Korek! Buti nga, nagpaganda ng katawan. At tinitignan ko, gumagaling umarte.

JOHN: Alam niyo, may personal number ako niyan. Nag-text ako ng thank you for guesting sa Sweeticilious, aba sumagot ng “you’re welcome.”

ACT: P*ta ka Sweet, alam mo bang may taping siya ng Dyesebel noon at nagpaalam talaga para lang mag-guest sa iyo.

JOHN: Kaya nga nagpasalamat ako nang bonggang-bongga. May show sila ni Marian sa LA sa November, kinukuha akong guest. Nag-yes ako agad.

DIR: Year ni Dingdong ngayon. Sa wakas! Crush ko ‘yan di ba?

ADV: Actually, pana-panahon lang talaga.

ACT: Oo nga. Kasi napansin ko, kahit jowa niya si Karylle, may mga fans pa din siya at kinikilig pa din ang mga tao sa love team nila ni Marian.

DIR: Sweet, penge naman ng number ni Dingdong, please.

JOHN: Gaga! Hahaha.

ACT: Ako din bakla. Kilala naman niya ako, e.

JOHN: Ayoko nga.

ADV: Kunin ang cell phone ni Sweet!!!!!!!

Takbuhan…tilian…agawan…landian….tawanan…tarayan…lahat nang ‘yan dahil sa mga It Boys.

Pahabol…

JOHN: Uy, text niyo naman mga friends niyo sa Legazpi na may show ako sa September 5 sa Hotel Casablanca Convention Hall. Guest ko si Jon Avila.

ADV: Ay, isa pa ‘yan. Mag-aral lang mag-Tagalog at umarte, in two years, it boy na ‘yan.

DIR: Uy, parang nakalimutan natin si Jericho Rosales.

ACT: Oo nga. Ano ba nangyari doon?

JOHN: Magaling umarte ‘yon. Makakabalik din ‘yon. As in.

ADV: Sabagay, wala namang permanente sa mundo lalo na sa showbiz.

DIR: Korek! Kaya dapat magtino ang mga artista. Kahit sikat ka ngayon, baka bukas laos ka na.

ACT: Other than that kapatid, dapat talented ka din at nagre-reinvent ka ng sarili mo. Kasi kung hindi, itlog boy ka. Hahaha.

JOHN: Korek ka John!

Bwiset!

Filed under: Opinion — admin at 6:43 pm on Friday, August 22, 2008

Wala akong cash on hand the other day. Kailangan kong mag-withdraw. Nagpa-panic ako pag wala akong cash sa bulsa. Childhood trauma ‘yon so bigay niyo na sa akin. Other than that, may kailangan din akong bilhin at bayaran.

Mga alas singko pa lang ‘yon ng hapon, takbo ako agad sa UCPB, Tomas Morato branch. Sa UCPB pumapasok ang sweldo ko sa GMA-7 so nandoon lang ang pera ko, maliban sa time deposit ko na nasa ibang bank naman. Pucha, offline! Tawag ako agad sa hotline nila. Sa Quezon Avenue branch daw puwede, takbo ako agad. Pucha, offline din. Natalakan ko tuloy yung babae sa hotline nila ng, “Niloloko mo ba ako?!” Bwiset!

Noong naospital ako two weeks ago, noon ko lang nalaman na depende pala sa kuwarto mo ang bayad sa mga services and procedure na gagawin sa iyo sa isang ospital. Dahil fully booked nga ang mga rooms sa ospital the day na na-admit ako, nag-yes na ako sa deluxe room when they asked me. ‘Yon nga daw kasi ang unang nabakante. In other words, mas mahal ang binayaran ko sa blood test, nurse services, urine and stool test keysa sa mga patients sa private room and lalo na siguro sa ward. Bakit gano’n? E, same tao lang naman ang gumagawa ng mga tests at same procedure lang naman? Di ba bwiset?

Yung mga kotse ko, Suzuki at Subaru. Bukod sa maganda at matibay, ayaw ng mga carnappers kasi mahirap daw ibenta at chop-chopin. Pero ang punchline, pag nasira ang ibang spare parts, ang tagal bago maging available kasi ino-order pa raw sa Japan. E, bakit ka kasi magtitinda ng kotse na walang reserved na spare parts? Bwiset!

Kumain ako sa Jollibee the other day sa Alabang. Karamihan pala ng mga branch nila ngayon, bakal na ang fork and spoon. Pucha ang dumi ng nakuha kong kutsara. Kadiri. Bwiset!

May kalandian ako na lalaki. Ayaw niyang lumabas kami in public. Sabi ko, “Bakit artista ka rin ba?” Hindi naman daw sa gano’n. Hiya lang daw siya makita ng mga kaibigan niya na kasama ako. Parang ikinakahiya niya yata ako? E, bakit nakikipaglandian ka pa sa akin? Bwiset!

Walang katapusan ang traffic sa Metro Manila pero kaswal na sinasabi ni Bayani Fernando na tatakbo siyang presidente sa 2010. Ha? Parang joke. Bwiset!

Ang galing ni Jayann Bautista sa Pinoy Idol. Siya talaga ang bet ko kasi performer na, maganda pa at artistahin talaga. Si Gretchen Espina nanalo. Bwiset!

Na-blind item na naman daw ako ng feeling ina ng laging saklolo. Pinabasa sa akin ng friend ko. Kaya pala ginawang blind item kasi imbento. Nakakalungkot. Bwiset!

Late na nagsimula ang premiere night ng Loving You last Sunday, August 16, sa Megamall. 7:00 p.m. ang call time namin pero mga 9:00 p.m. na nag-start. Nakakainip ang pag-aantay. Nagpabili muna ako ng pagkain kasi gutom na ako. Pucha, bawal daw ang outside food sa loob ng mga SM cinemas pag may premiere night. E, pucha walang kwenta ang pagkain na tinda sa booth nila lalo na pag gutom ka. Bwiset!

Last month lang nag-ok ang mga tseke na ibinayad sa akin ng Regal Films para sa pelikulang Loving You. Prior to that, yung super delayed na check ko naman from Shake, Rattle & Roll 9 ang nag-good. Nabanggit ko na dito dati ang feelings ko towards Regal Films’ post-dated cheques. Kahit bwiset, e, sige na nga.

Workaholic ako. Pag walang ginagawa, nabo-bore ako tapos nalulungkot. Kaya naman super effort ako noon sa pag-apila sa GMA-7 para magkaroon ako ng second show other than Showbiz Central na every Sunday lang. Finally, dumating ang Kim Samsoon! Ang saya-saya ko. Nakatulong na sa expenses ko, nakatulong pa sa boredom at loneliness ko. Ang saya namin sa set ng Kim Samsoon. May kakaibang rapport ang lahat ng cast. Direk Dominic Zapata and Regine Velasquez glue us together. Magaang kasi dalhin yung dalawa. Very light tuloy ang mood sa set namin. Ang saya! Last four taping days na lang ang Ako si Kim Samsoon…Bwiset!

Minsan ayaw mong tumalak kasi masisira lang ang araw mo, or worse, maha-high-blood ka. Pero pag ganyan ang situation, parang bwiset talaga! And most of the time naman, nabubwiset ka kasi mawawala na ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. At pag tumalak ka at sinabi mo ang mga hinaing mo, bukod sa nalalaman nila ang problema, ginagawan pa ng paraan. Kaya pala ang mga big companies, may mga complain centers or department para maibsan ang kabwisetan natin.

Wala akong choice kundi mag-withdraw na lang over the counter sa UCPB, Tomas Morato. Sinabi ko sa mga tao doon ang nangyari sa akin the day before. Ginagawan na daw ng paraan ang mga ATM nilang laging offline. Sana nga para wala nang mabwiset. Sabi ng friend kong doctor, ganoon daw talaga ang bayaran sa lahat ng ospital. Nasa bongga kang room kaya bongga din ang bayad mo sa mga services at procedure nila. Pero may point daw ako.

Karamihan daw ng mga ibang international car companies—like Ford, Honda at Toyota—ngayon ay may factory na dito sa Pilipinas para maging available anytime ang mga spare parts for their clients. Ang Suzuki at Subaru, sana magkaroon na din.

Hindi na daw disposable plastic ang ginagamit ng ibang Jollibee branch na fork and spoon para makatulong sa environment. Wow! Nakadagdag pa nga daw sa employment rate nila kasi may additional silang crew na taga-hugas. Sana lang, please…maging maingat sa paghugas. Huwag panay ang chika.

Nag-text sa akin the other day yung lalaking kalandian ko. Bakit daw hindi na kami nagkikita? Text back ako, “Nakakahiya kasi sa mga fans ko na makitang kasama kita!”
Sabi ng mga drivers at vendors na bwiset sa MMDA, hinding-hindi daw nila iboboto si Bayani Fernando. Sa Celebrity Duets kaya, iboto nila si Chairman?

Babawi daw si Gretchen by proving sa mga tao that she’s worthy of the Pinoy Idol title. Go girl!

Hindi ko pa din papatulan ang nag-blind item sa akin. Malaking bagay ang palamunin niya ako noong araw na gutom na gutom ako. Ipagdadasal ko na lang na sana, hindi totoo ang sinabi ng friend ko tungkol sa sasapitin niya sa kanilang show. Kawawa naman kasi, baka siya naman ang magutom.

Sobrang ganda ng Loving You. Palakpakan ang mga tao sa mga eksena namin. Nakakakilig ang love team nila Aljur at Kris, Jean at Polo, ‘tsaka sina JC at Yasmien. Ang daming nag-watch ng premiere. Sa sobrang aliw nila sa pelikula, hindi na nila namalayan na late na nag-start. Sa sobrang proud ko sa movie namin at sa director-friend kong si Don Cuaresma, nawala na sa isip ko na sa CR ko kinain ang pinabili kong food. Showing na ang Loving You. Watch na at ma-inlove!

Umattend ako ng story conference ng Shake, Rattle & Roll 10 kahapon, Thursday. Malaki at monumental ang 10th edition ng SRR. I will be part of the third episode na pagbibidahan ni JC de Vera at Roxanne Guinoo. Usually, ang third episode ng SRR ang pinaka-bongga at inaabangan talaga. Shooting na kami next week. Abangan!

Ini-enjoy na lang naming mga cast ng Kim Samsoon ang last four taping days namin together. Sa set nga, naglolokohan na kung ano ang kasunod na show ng bawat isa. Si Direk Dom yata ang magdidirek ng La Lola ni Rhian Ramos. Si Regine naman, after ng Celebrity Duets pa yata ang next soap na gagawin. Si Jenica at Mart, nasa La Lola din yata. Alam ko si Eugene Domingo, ayaw muna mag-soap. Kinausap ako ng Songbird the other day. Say niya, “Sweet, alam ko kasama ka sa next soap ko. Tayo lang ang magsasama ulit if ever!” Exciting! Nawala ang bwiset ko.

Pero…

Filed under: Opinion — admin at 11:56 am on Friday, July 25, 2008

Gusto ko ang word na “pero.” Para sa akin, napaka-optimistic at hopeful. Nakakita ka na ng pangit sa isang tao or bagay pero nakitaan mo pa ng maganda.

Parang “in fairness.” Parang “silver lining sa dark clouds.” Pero minsan, delikado din ang “pero.” Nakakita ka ng maganda pero nakitaan mo pa ng pangit. Pero ako, sinusubukan ko na puro maganda ang makita ko.

Kakapa-lipo ko lang noong February pero lumaki na naman ng tiyanena ko. Ang sarap kasi ng kanin.

Nagda-diet ako pero ang dami kasing pagkain sa taping ng Ako si Kim Samsoon. Five times per taping day ang kainan. Breakfast, lunch, meryenda, dinner at midnight snack. Ang sarap! In fairness sa GMA, hindi tinitipid ang mga tao sa pagkain. Yun na!

Hindi ako maka-Gretchen pero nagalingan ako sa kanya sa Maalaala Mo Kaya. Hindi kasi nagmaganda. Nagpaitim, light makeup at nagpaka- probinsiyana. Clap, clap, clap. Galing ito sa fact, na some actors, kahit mahirap ang role, ang kapal ng makeup. Maryosep! Magaling nga pero inuuna ang pagpapaganda.

Ok na daw si Gretchen at Lani pero nag-iwasan daw sa birthday party ni Tita Cristy. Sabagay ok na ‘yon keysa mag-plastikan sila.

Like Tita Cristy, July 23 din ang birthday ni Eugene Domingo. Casp ang tawag doon. Minsan Cancer ang zodiac sign nila, minsan naman Leo. Pero si Uge, mas Leo ang personality. Happy birthday, Ma!

Hindi ko ka-close si Toni Gonzaga pero bilib ako sa talent niya. Pucha, ang daming kayang gawin. Singer, host, drama actress, comedy actress at nakakasayaw naman. Multi-media talaga. Maganda na, guwapo pa ang boyfriend. Alam ko kagawad pa siya sa Taytay, Rizal. Ano pa kaya ang kaya nitong gawin? Galing ito sa mga artistang sikat, pasikat at sumikat pero walang katalent-talent. Sa personal, kaya kong sabihin kung sinu-sino, just ask me. Pero huwag niyo akong sumbong ha. Hahaha.

Nagkaanak na at lahat si Dennis Trillo pero type ko pa din siya. Maraming nagsasabi sa akin na hindi daw bagay sina Dennis at Cristine Reyes pero ano naman magagawa ko? Hehehe.

Tagal ko ng hindi nakatrabaho sina Jolina at Marvin pero kinikilig pa din ako pag magkasama sila. Grabe ang rapport nila. Panalo! Teka nga at susulat ako sa Dear Friend. Pero teka, ano ba ang magandang i-emote?

Hindi naman daw mag-jowa sina Yasmien at JC pero bagay talaga sila. Ang sweet!

Hindi ako mahilig sa guys na maliit pero nagagwapuhan ako kay John Pratts. Ang cute!

Retokada daw si Katrina Halili pero wala akong pakialam. Siya pa rin ang pinaka-sexy para sa akin. Sana mamana ko ang katawan niya. In fairness kasi sa batang ito, hindi ako ini-isnub.

Madami daw na-isnub si Riza Santos sa FHM event. Pero ako naman, hindi pa niya na-isnub. If ever, sasampalin ko talaga siya. Hahaha. Kasi naman itong si Will Devaughn, e, hawig ko naman si Riza pero tabain lang ako.

Type ko si Angelie Jolie pero nalalandian ako. Galing pa ito siguro sa ang feeling ko noon, na inahas niya si Brad Pitt kay Jennifer Aniston. Bw*set pa naman ako sa mga ahasssss…

Noong July 7 pa ang birthday ko pero sa July 26, Saturday, pa ang Happy Birthday To Me! sa Zirkoh, Timog. Post-birthday show na bale. Tawag kayo sa 0929-2730297.

Almost two years na ako sa GMA pero ako ang naisipang i-produce ng mga handlers ng Star Magic. I am so honored and proud. Pero guest din naman ang mga Kapamilya stars na sina Jon Avila, Ron Morales, Victor Basa, Rafael Rosel, Koolchix at John Lloyd Cruz.

Hindi ko kakilala ang mga may-ari ng Active White, Harvard Multi Land, Goldilocks at Fuji Xerox pero nag-sponsor sila sa post-birthday show ko. Salamat ng marami.

Sumuporta na ang ABS-CBN interactive, Hairwatch Salon, at Calayan Surgicenter sa Sweetilicious noong May 31 pero eto at support na naman sila sa Happy Birthday To Me! Super thanks.

Pansinin niyo sa mga malls, bars at iba pang public places. Ang mga girls na may jowang tomboy, pumapayag makipag-holding hands sa mga jowa nila in public. Pero lalaking may jowang bakla, may nakita na kayong magka-holding hands? Bakla ako, pero minsan parang gusto kong maging tomboy.

Nami-miss ko ang mga ex-boyfriends ko pero ngayon, ayaw ko pang magka-jowa. Weird!!!

Eto pa, si Boyfriend No. 1 at No. 3, ako ang nakipag-break. Pero ngayon, gusto nila akong balikan. Ayaw ko nga! Ang ganda ko, di ba?

Hindi ako pabor sa gay marriage pero pag may nag-propose sa akin at mahal ko naman, e, pakakasalan ko talaga. Pasensiya na po, Father!

Hindi kami best of friends ni Manong Gilbert Perez pero siya ang executive producer ko sa At Iba Pa noong staff pa ako at sa Arriba Arriba as Sweet. Nalulungkot ako. Manong, Arribabye…

Nag-enroll ako sa isang gym last year. Ok naman, kasi accomodating ang mga tao at medyo exclusive. Naikuwento ko na dati dito na madaming artista ang nagdyi-gym doon. Minsan, pag nasa threadmill ako, nagwawatch ako ng TV kaya hindi ko nararamdaman ang pagod. Usually 7:00 pm ako dumadating, so 24 Oras hanggang GMA-7 telebabad ang pinapanood ko. Eto na, minsan hiniram ko ang remote para ilipat sa GMA-7 ang channel. Bawal na daw ilipat sabi ng janitor. Naka-set na sa mga international cable channels ang mga TV. Ang dating sa akin bawal na ang Tagalog. Pero teka, may pagkalaki-laking mukha ni Cesar Montano at ibang Pinoy achievers sa exercise hall nila. Pero teka, may mga artistang Pinoy silang clients na lumalabas sa mga pinapanood ko. Sinulatan ko yung president at sinabi ang himutok ko, pero hindi niya ko sinagot. Ayun, hindi na ako nagdyi-gym ngayon.

Ayan, sinubukan kong makakita ng maganda sa mga bagay na pangit pero minsan mahirap ‘yon.

Kakapalipo ko lang noong February pero lumaki na naman ang tiyanena ko. Ang sarap kasi ng kanin.

Pero…

Nakakatakot

Filed under: Opinion — admin at 1:05 am on Sunday, November 4, 2007

Matapang ako.

Pero may mga bagay din akong kinatatakutan. Siyempre si God, Nanay ko, sakit, sira-ulo, taong-grasa, lasing, adik at ang mag-isa.

Hindi ako masyadong takot sa mga horror eklat. Nagugulat lang ako ‘pag nagwa-watch ng mga horror movies. Yung mga horror stories nga ng mga artista sa Showbiz Central, natatawa lang ako. Don’t get me wrong, it is also one of my favorite segments, but knowing na may mga horror stories ang mga artista makes me giggle.

Maybe because artista sila, kaya ang feeling ko, may halong acting ang sa iba. But who I am to cast any judgment? Baka naman nakakatakot talaga for them ang mga experiences na ‘yon.

And in fairness, may mga bagay akong naiisip na pwedeng mangyari sa showbiz na talagang nakakatakot. Ayan…kinikilabutan na ako.

Papaano kaya kung mayroon palang kamukha si Sam Milby? Yung super kamukha talaga. Gosh, nakakatakot ‘yon for Sam at sa kapatid daw ni Uma.

Biglang naglabas ng ebidensiya ang mga taong nagsasabi na bakla daw si Piolo. Maryosep!Katakot for my credibility kasi alam ko talaga, hindi siya bakla.

Paano kung makita ko minsan si Tita Lolit sa isang coffee shop at kabulungan niya si Piolo or Sam? Nakakatakot ‘yon para sa coffee shop. Hahaha.

E, kung nagbabakla-baklaan lang pala si Jobert? I’m sure matatakot si Tita Cristy.

E, kung bigla kayang sabihin ni Bianca King na noong sampalin siya ni Marian Rivera sa isang eksena sa Marimar, e, hindi ito nag-apologize after ng eksena kahit napalakas pa ang kanyang sampal? Lagot.

E, kung chumichika lang pala si Kristine Hermosa na break na sila ni Diether Ocampo? Katakot ‘yon for Oyo Boy, if ever.

Picture this: nagpapa-interview si Tita Anabelle Rama pero sobrang bait at walang tinatarayan. ‘Tapos naka-smile lang siya at pa-sweet all throughout the interview. ‘Di ba scary ‘yon?

Naisip ko minsan, bigla akong lalapitan ng ex ko na umiwan sa akin ‘tapos humingi siya ng tawad at aminin ang totoo. Sino kaya ang matatakot?

Napanaginipan ko minsan. Iisang tao lang daw ang nagko-coment dito sa PEP. Katakot.

Isipin niyo, iisang tao lang kami ni Jet Pangan. Hahaha.

E, kung robot pala si Madam Auring at si Mahal ay ay nagpapanggap lang na maliit?

O, eto pa, si Aiza Seguerra pala, may nota. Si Mo Twister, ten inches. Matu-turn-on ka ba?

E, ‘pag na-identify ko na kung sino ang umookray sa akin. Natatakot ako sa mga pwede kong gawin sa kanya. Booo!

Nakakatakot din siguro kung may third eye din pala ako ‘tulad ng pinsan kong si Bianca Lapus. Huwag niyo ‘kong pagtawanan ha.

Kung one time kaya, makatulog na si Kuya Germs? Hehehe.

E, kung mag-away kaya sina Marian at Rufa Mae? ‘Tapos referee si Maris na choreographer ni Billy Crawford?

Ay eto, biglang magsuot ng ballroom dress sina Uma (Khouny) at Paolo (Ballesteros) sa Shall We Dance ‘tapos hamunin nila ako ng showdown. Pucha, matatakot talaga ako kasi mas maganda pa sila sa akin. Promise.

Nakakatakot para sa mga fans ni Claudine pag ni-remake ni Juday ang mga classic movies ni Ate Guy like Bona, Atsay, at Himala.

I’m sure matatakot naman ang mga Judayians ‘pag ni-remake ni Claudine ang mga classics ni Ate Vi like Relasyon, Tagos ng Dugo at Baby Tsina.

Kung bigla kayang sabihin ni Katrina Halili na operadang bakla pala siya. Katakot ‘yon para sa mga naging ex bf niya. Awwooooo…..

Nakakatakot ba or nakakaloka ‘pag tinalo ni Angelica Jones at Allysa Alano ang mga grade 5 sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5?

I-portray kaya ni Charo Santos ang life story ni Mel Tiangco sa Maalaala Mo Kaya? Hahaha.

E, kung magpa-noselift kaya si Mike Enriquez?

Matatakot sigurado si Ogie Alcasid kapag naiuwi niya sa bahay ang impersonator ni Regine sa Raging Divas. Super kamukha, e.

E, kung bigla na lang mawala si Gretchen Barretto, ‘tapos sabihin ni Tony Boy na may sipon lang, matatakot ka?

One time kaya, kumanta ako ‘tapos kaboses ko pala si Kyla? Hahaha.

Last na, matatakot talaga ako ‘pag sumalang ako sa “Don’t Lie To Me” ‘tapos puro lie ang lumabas. Oh, my god!

Eto na ang mga sagot ko sa mapanindig-balahibo niyong mga tanong. Awwooooo….

PAOLO PASCUAL, hindi naman true ‘yan kapatid. Nagbakasyon lang ako. Napakapilya mo talaga.

EYM, sa Pampangga at Zambales madalas mag-taping ang Marimar. Aww!

SHERVIE, nakakatakot naman ‘yang tanong mo. Di ako masagot sa takot.

TWEETY, thanks a lot, dear. I have a question for you. Ako ba ‘pag nakipag-s*x sa girl, it means na lalaki na ako?

PAMIN, oh, yes! Kumot, towel at kurtina ang mga unang gowns na sinuot ko.

ETCHOS, other people take my opinions as the truth. And I don’t just say things naman for the sake of having something to say. I have facts to back up my statement. Get mo?

BABY G, sometimes in showbiz, you don’t need credibility to entertain. Sabi nga ng kanta, “there is no bussiness like showbusiness…That’s entertainment!”

GATA, hindi ko pa alam ang next project ni Tita Celia, darrrrling.

MUSLIM, ‘pag pangit ang umaaligid, smile ka lang then dedma! Kapag hindi pa din umalis, titigan mo ng masama.

HAPONESA, sabi nga ni Direk Wen, talented daw ako kaya lagi niya akong kinukuha. Ang nakakatakot, kung kinukuha niya ako sa mga movies niya pero wala akong talent. Abangan mo ‘yong Pasukob. Nakakatakot ang role ko doon pero nakakatawa ang movie. November 28 na ang showing.

Nakakatakot din ang Showbiz Central this Sunday. May sexy actress na tumakas sa asawa niyang ginugulpi siya. Si Wendell Ramos, aaminin daw ng lahat-lahat sa “Don’t Lie To Me.” Si Pauleen Luna, natatakot sa pag-upo niya sa Central Jury. Si Richard Gutierrez, sasabihin ang tunay niyang mahal. At isang singer-actress, ginagaya ng multo na umaaligid sa kanya. Katakot. Mukhang hindi ako matatawa sa horror story na ito.

Teka, parang komokonti ang nagko-coment dito. Natatakot na yata ako.

I’m Curious

Filed under: Opinion — admin at 2:44 pm on Tuesday, October 30, 2007

Bata pa lang ako, I’ve always been a very curious person. Mahilig akong mag-imbestiga at magtanong ng mga bagay-bagay sa paligid ko.

‘Pag may nag-aaway na kapit-bahay, inaalam ko kung bakit?

Noong nagpat*li ang mga kalaro kong lalaki na mas matanda sa akin, I asked them kung masakit ba at bakit pa nila kailangang magpatul*. I didn’t realize na ako din pala magpapat*li eventually. Hahaha. Tanga.

One time, I remember asking my Nanay kung bakit ang lalaki hindi nagkakaregla, to think I didn’t even know then kung ano ba ang regla.

Yung bestfriend ko noong elementary na si Rosalie Antonio, nilipat ng nanay niya sa pang-hapon dahil wala daw silang katulong. I asked her why, kasi hindi ko nakuha ang concept na porke wala silang katulong, ililipat na siya sa pang-hapon.

May katulong kami noong araw, pinag-aral ni Nanay ng cosmetology. Pilit kong tinatanong si Nanay kung bakit ang ibang katulong hindi nag-aaral.

Ayaw na ayaw kong sundan ang Tatay ko sa banyo after niya maligo, kasi iba ang amoy ng banyo paglabas niya. So I asked Nanay kung bakit si Tatay, iba ang amoy. Sabi niya, gano’n daw talaga ang amoy ng lalaki. I asked her, bakit ako, hindi gano’n ang amoy ko?

Noong nag-People Power halos lahat ng kapit-bahay namin nagpunta sa Edsa. Tinanong ko sila kung bakit, say nila, kasi pinatay daw si Ninoy. I asked them, “Bakit ngayon lang sila makikipaglamay, e, matagal na siyang nilibing?”

I asked Nanay kung ano’ng ibig sabihin noong bakla sa beauty parlor when he told me, “Aantayin kita, paglaki mo.” Saan niya ako aantayin?

May napanood akong commercial ng sabong panlaba noon. Natakpan yung naglalaba ng bula. Sabi ko sa labandera namin, baka peke ang sabon na nabili niya. Yung sabong panlaba niya kasi, hindi siya natatakpan ng bula.

Bakit maliit si Weng Weng pero hindi na pala siya bata? Bakit yung classmate kong nag-born-again tinapon ang mga santo ni Virgin Mary at Jesus Christ? Bakit ang Iglesia hindi daw kumakain ng dinuguan? Bakit ang Muslim hindi kumakain ng baboy? Bakit sabi ni Nanay ang bakla daw, sa parlor lang pwede magtrabaho, e, nakita ko na may co-teacher siya noong bakla?

As I was growing older, my queries didn’t stop. Panay pa din ang tanong ko, pero this time, medyo hindi na stupid. Hindi ko lang talaga alam ang sagot at medyo nalilito ako or I am just plain curious.

Hindi ko naiintindihan noon kung bakit iniwan kami ng Tatay ko. E yung Lolo ko, si Ka Tino Lapus, ay ang daming naanakan pero di naman iniwan ang Lola ko. Wala akong napagtanungan that time kasi ang feeling ko, ayaw nila ipaalam sa akin. So kunwari, hindi ko din alam.

I almost asked Nanay one time kung bakit kailangan pa naming hanapin ang Tatay ko, e, umalis na nga at alam naman niya kung paano umuwi.

I remember, tinanong ko si Nanay kung bakit iyak siya ng iyak when Ate got pregnant at the age of 16. E, siya nga nagsabi sa akin na nabubuntis naman talaga ang babae.
Buti na lang mahilig akong manood ng TV at sine, this saved me from the trouble of asking people to answer my questions. Pero may mga napanood ako sa TV at sine that also aroused my curiousity.

Bakit halos lahat ng artista umiiyak sa show ni Ate Luds noong araw? Yung iba, out of the blue, bigla na lang iiyak. Sabagay, until now, may gumagawa niyan. Pero this time, alam ko na kung bakit. Hehehe.

Hindi ko ma-get noon ang concept na reporter lang ang nagtatanong sa artista, pero ang artista hindi pwede magtanong sa reporter. Ang feeling ko that time, nakaupo din naman sa panel yung reporter at may mic din naman sila so bakit hindi tanungin?

Takang-taka din ako noon kung bakit umiiyak ang mga nanalo ng jackpot price sa Kuwarta o Kahon, e, dapat nga matuwa sila kasi nanalo sila. Bakit umiiyak? Hahaha.

Bakit hindi daw kumita ang T-Bird at Ako na pelikula nina Ate Vi at Ate Guy, e, pareho silang sikat at madaming fans?

Ang galing daw ni Ate Guy sa Himala, e, bakit hindi siya nominated noong awards season? Ano ba yung experimental cinema? E, sine din naman ‘yon diba?

Bakit sabi ng mga kaibigan kong Chinese, bawal daw maging bading or tomboy sa angkan nila?

Bakit sabi ng kaibigan ko sa ad agency, never daw kukunin na endorser ang isang outspoken gay like me?

Sa kakatanong ko ng mga bagay-bagay ang dami ko tuloy nalalaman. Minsan kahit mga walang kwentang bagay, nalalaman ko tuloy. At least, alam ko ang sagot kong may magtanong. But believe me, until now, I am curious. I’m on my 15th year in showbiz, but may mga pangyayari dito sa industriyang ito na nagtataka pa din ako.

I’m curious with some stuff.

So, I asked my friend from advertising na dating nagwo-work sa isang television network. Mahilig din siya sa artista so I’m sure he could satisfy my curiousity. I attached his answers to my questions.

Bakit ang bida sa isang pelikula or TV show, dapat daw may intriga para kumita at panoorin? Hindi ba pwedeng sabihin na maganda lang talaga ‘yong movie or TV show kaya dapat nilang panoorin?

ANSWER: Ang isang pelikula or show is a commodity. Dapat mataas ang awareness para mas mataas ang chances of success. The higher the awareness level, [the] higher will also be its chance of scucceeding.

Bakit ang magka-love team, dapat daw nachichismis din na may relasyon? Kung may syota na yung bida other than sa ka-love team, bakit iniiwasang banggitin? Bakit pilit na nili-link si John Lloyd kay Bea, e, may girlfriend na si John Lloyd? Maganda naman ang pelikula nila. Si Karylle, parang hindi na binabanggit ni Dingdong? E, ang taas naman ng ratings ng Marimar.

ANSWER: Filipinos in general are seloso. Ayaw ng may kahati. Galit ang Pinoy viewers sa third party. Ang Pinoy, moralista kuno. Dapat stick-to-one. Ilusyunista ang viewers, ayaw paghiwalaying ang real sa reel.

Bakit may mga lalaking artista na ayaw umaming bakla sila pero nagpupunta sa gay bar or massage parlor at puro bakla ang mga kaibigan?

ANSWER: Honestly, wala pang pink society sa Pilipinas. The market is too small that it cannot sustain to pay for all the production cost. Lahat ng nag-try to penetrate the pink market, nalugi or, at the very least, nag-break-even lang. Hopefully, in ten years time, may ACCEPTED pink market na tayo. At hindi lahat ng artista katulad mo, Sweet, na aaminin ang lahat sa fans. Sinungaling ang ibang artista.

Bakit pinagpipilitan ng iba na bakla si Piolo, e, wala naman siyang ginagawa na pang-bakla? Kung may naninira lang sa kanya, alam kaya nila na lalo siyang sumisikat sa ginagawa nila?

ANSWER: Piolo is one of the hottest item in the Philippines today. Anything Piolo sells. If I were second to Piolo, kill or, at least, comatose him is the best option I have.

Kung hindi naman daw sina Sam at Piolo ang nakita ni Tita Lolit, e, sino ‘yon? Baka kamukha lang?

ANSWER: Lolit Solis is Lolit Solis. Sa tapang nya, maniniwala kayo. Kung ako si Piolo or Sam, di ako makikipagkaibigan sa may kamukha either sa aming dalawa. That’s definitely news to all. Kung si Sam yung tinutukoy sa blind item ng Showbiz Central na nabuntis daw ang kapatid ni Uma, mas aaminin ko yun, kung ako lang si Sam, kesa idemanda si Lolit.

Bakit ang mga nanay-nanayan nina Sam at Piolo, na si Tita Cristy at Jobert, parang di yata inookray si Tita Lolit? Bakit kaya?

ANSWER: Ang sinumang kumalaban kay Lolit Solis ngayon, doomed. You don’t know what she can do. I could imagine! At baka totoong pinag-behave na ng ABS-CBN yung dalawa.

May nakulong na ba sa Pilipinas sa kasong libel?

ANSWER: Meron naman. Mga tindera sa palengke at legitimate na chismosa. Kung may pambayad ka ng lawyer, 100% dismissed ang kaso mo at di ka makukulong.

Bakit kailangan pa ni Snooky na umeksena para mapansin? E, pucha magaling na artista ‘yan. Bakit hindi na lang lumapit sa mga producers nang maayos at manghingi ng trabaho?
ANSWER: One million times na siyang lumapit at pinagbigyan. Ano pa ba gusto nya? Sa iyo, ‘pag lumapit si Snooky, pagbibigyan mo pa kaya?

Bakit si Ate Guy, ang galing umarte pero walang pelikula?

ANSWER: Producing film is a business. A business is defined as any human activity activated by profit! Halos retired na lahat ang fans ni Nora Aunor. Konti na lang kaming active. Gustong-gustong manood ng pelikula nya pero di na kaya ang arthritis!!!

Bakit si Lotlot at Danita parang hindi close sa mga adopted mothers nila?

ANSWER: Si Lotlot, minahal ni Nora Aunor ‘yan. Pero sa mga pinaggagagawa ni Nora Aunor, mabwi-bwisit ka rin di ba? Daming inampon ‘tapos iniwanan? Eh, si Lotlot iniwanan din ng asawa. Na-praning na siguro. Gusto ko nga ‘yang yakapin. Close kami noon. Kay Danita naman, sorry, sino yun?

Bakit nga ba matagal nang break sina Ara at Polo pero parang hindi pa din sila ok?

ANSWER: Bihira sa magkarelasyon na ok agad. It takes time. It surely takes time. Who knows? Ikaw nga, yung jowa mo na umiwan sa iyo, ikaw pa ang lumalayo ‘pag nakikita mo.
Bakit sinasabi ng two giant networks na number one sila? Pwede ba ‘yon? E, nakikita ko ang ratings ng GMA, no. 1 talaga.

ANSWER: Walang official media research provider ang industry. Stations merely subscribe to the results. In any research, no one questions the credibility of the research provider. Research Company A says ABS-CBN while research company B says GMA. These stations merely made these companies a multi-million peso business. And again, the ratings are representative of sample households with margin of errors.

Bakit may mga holdaper na binigay na ‘yong pera at cellphone sa kanila papatayin pa ‘yong hinoldap?

ANSWER: Drugs! At ang hirap kasi sa mga tao, ibibigay naman, lumalaban pa. Isang payat at maliit na babae, lalaban sa 3 lalaking may balisong at baril? Mamamatay nga siya!

May point si sister. Pero yung ibang sagot niya, parang curious pa din ako.

Sa mga curious kung sasagutin ko ang mga tanong nila, eto na.

HONEYJOSH, madami akong nadedma noong araw. I’m sorry.

JOSEPH, madami akong binati noong araw. Thanks.

GERALD UY, sorry, I don’t know any Teodoro from RPN.

MARIA, happy na ako sa H and M na colorful briefs, medium. Thanks.

MUSLIM, wala akong boyfriend ngayon. Pero may ka-s*x ako the other day.

GLOWIE, korek ka JOHN! Pinsan ko nga si Bianca Lapus. Magkapatid mga tatay namin.

KALENGKELENG, hindi pa ako renewed sister. Hindi naman ako tengga so ok lang. Pag-pray pa din natin.

MERLION, what’s the 11-letter-word that everyone pronounce incorrectly?
TFC, salamat. Madami kayong mga solid Kapamilya na gusto pa din ako. Nakaka-touch.

MONIQUE, sabi ni Pia, “S-A-R-A-P” daw.

TETAY, hindi totoo ‘yan. Wag mapraning.

BETH, gusto ko makapunta ng Australia. As in.

CAINAM, korek ka JOHN! Teatro Tomasino member din si Piolo.

SA MGA CURIOUS, for the last time, hindi bakla si Piolo.

Next Page »