| Register

Yes or No?

Filed under: Scoop — admin at 11:42 am on Tuesday, December 11, 2007

I know for a fact na kaibigan ni Nadia Montenegro ang mag-asawang Jimwell Stevens at Rochelle Barameda. Kaya nagulat ako talaga last Sunday, when I saw our sequence guide for Showbiz Central. Hindi ako masyadong nakakabasa ng tabloids ngayon, so hindi ko alam na laman pala ng mga ito ang kumalat na text about Nadia.

Ayon sa text, si Nadia daw ang dahilan kung bakit may problema ngayon ang mag-asawang Stevens. Nakikitulog pa raw si Jimwell sa bahay nina Nadia. Nagkaroon pa raw ng confrontation sina Nadia at Rochelle sa bar ng huli. Halos magpadala pa raw sa ospital si Rochelle dahil sa sobrang iyak. Witness pa raw ang ilang artista.

It was around 1:00 p.m. last Sunday when I did my voice over for Showbiz Central. Naka-post sa editing ang line-up namin, and I usually check it before I do my voice over. It was there that I read, “Nadia and Rochelle”. I read the script at doon ko nalaman na may issue palang ganoon. Medyo fresh din kasi at exclusive ang balita kaya maski ako, hindi ko alam. Tinawagan ko agad si Nadia.

JOHN: Nads, ano nangyari?

NADIA: Grabe, Sweet. Nagpunta kami nila Peachy (Rufa Mae) at Hazel (Ara Mina) sa bar nila Jimwell at Rochelle. Pinuntahan ko si Rochelle sa office because I want to talk to her about Jimwell. Alam kong may problema sila because the other day, nag-emote si Jimwell kay Boy. Doon na nga siya pinatulog ni Boy sa house namin dahil nakainom na at late na rin.

JOHN: ‘Tapos?

NADIA: She was a bit emotional dahil may problema talaga sila. Nakinig lang ako. Gano’n lang ang nangyari, so walang confrontation na naganap. Kaibigan ko sila pareho.

Admittedly, mas close ako kay Jimwell dahil Ninong siya ng isang anak ko. Pero I am happy with Boy and my family. Palagi na lang ako nali-link sa mas bata. Ang ganda ko yata masyado. Mahirap lang kasi dahil Mother Goose ako ng lahat, even my friends na lalaki.

JOHN: So saan galing ang kumalat na text?

NADIA: Konti lang kami doon. May mga detalyeng binanggit sa text na kami lang ang makakaalam. May suspetsa na ako pero hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Ano kaya ang motibo niya?

JOHN: Ayaw mo bang magpa-interview? Kasi baka ma-nega ka.

NADIA: Kausap ko si Rochelle. Nagso-sorry nga siya sa akin at nadamay pa raw ako. Dapat yata, sila na lang ang magsalita. Hindi ko naman ito issue.

JOHN: Sagutin mo lang ‘yong tungkol sa kumalat na text. Hindi ka naman namin tatanungin kung hiwalay na nga sila. At hindi ko naman ka-close yung mag-asawa.

NADIA: O sige, tignan ko. Paalam ako kay Boy. If ever naman na magsasalita ako, it’s to you or Peachy.

After an hour. Nasa Broadway studio na ako for Showbiz Central. I received a text from Nadia, “Sweet, ok na ako mag-live, pumayag na si Boy.”

Sa mga nag-watch ng Showbiz Central last Sunday, salamat at mataas na naman ang rating namin. I’m sure na-watch niyo ang hindi pagbanggit ni Nadia ng name noong tao daw na nagkakalat ng malicious text about her. Basta sabi niya, hindi daw si Rufa Mae. ‘Yon na!

After our show tinawagan ako ng aking mga kaibigan na sina ProKapamilya at ProKapuso. Naka-three-way na naman kami.

ProKapamilya: So Sweet, sino ang pinagbibintangan ng Ate Nadia mo na nagkakalat ng text?

JOHN: Si Ara. Uy, thanks for watching our show, ha.

ProKapamilya: P*ta ka! Alam mo namang show niyo na ang Sunday afternoon habit ko. Kausap ko si ProKapuso. Naka-three-way tayo.

ProKapuso: Hi, sister! Ganda na naman ng show niyo. Six weeks niyo na talo ang The Buzz. Naaliw ako kay Mama Melanie Marquez. Kahit walang issue at kahit na-perfect niya, nakakaaliw pa din. Last week, na-bore ako kay Patrick. Try niyo din kaya i-guest yung mga artistang nagde-deny na nagparetoke. Bea, lipo ba ang mga butas sa braso mo or dimples? Hahaha.

ProKapamilya: Pwede din ito. Pops, nakagat ka ba ng putakti sa labi or kinagat ka ni Jom? Hahaha.

ProKapuso: Toni, nagpalaki ka ba ng boobs or ng nippl*s lang?

JOHN: Hahaha. Gaga kayo! Ipo-post ko ito bukas.

ProKapamilya: Actually, Sweet, dapat mga nakakalokang artista ang isalang niyo sa “Don’t lie to Me.” Mga starlets or yung mga walang pakialam or gustong mag-comeback. Iupo mo si Lolit para magkaalaman na. Hahaha.

JOHN: What do you mean?

ProKapamilya: May nag-say sa akin na ka-close ni Lolit na hindi naman pala siya ang nakakita kay Piolo sa Sofitel.

ProKapuso: Ah, talaga?

ProKapamilya: Ul*l! Maang-mangan ka pa.

ProKapuso: Pero aminin mo, may friend si Piolo na kamukha ni Sam.

ProKapamilya: Friend lang. So? ‘Yang si Lolit, charosera. Tignan mo yung alaga niyang si Bong, kung ano-ano ang sinasabi about Edu. Patulan nga siya ni Doods.

ProKapuso: E, bakla, gusto lang naman niya tumulong.

ProKapamilya: Tumulong? E, bakit may dala daw mga press at photographers?

ProKapuso: Ha? Ah, e.

JOHN: Hahaha. Hindi nakasagot.

ProKapamilya: Hay naku, Sweet, nami-miss ka na namin. Buti pa kayo ni ProKapuso madalas magkita.

ProKapuso: Hindi din nga. Sa Broadway kasi ang studio ng Showbiz Central.

ProKapamilya: Sabagay. At isa lang kasi ang show ni Sweet sa inyo kaya bihira kayo magkita. Bakit hindi niyo siya isama sa mga comedy shows or soap?

ProKapuso: At least meron. Kayo nga tinengga niyo, e, ‘tapos drama mo, nami-miss mo siya.

JOHN: E, kamusta naman ‘yong pinag-uusapan niyo ko pero naririnig ko? Hahaha. Mga gaga!

ProKapamilya: Hayaan mo sister gagawan ko ng paraan ang pagbalik mo sa tunay mong tahanan.

ProKapuso: Gaga! Hindi na ‘yan babalik sa inyo. Ang dami niyong artistang walang trabaho ‘tapos pababalikin mo pa sister natin. Sobrang biased na ‘yan. Hindi Lopez apelyido mo.

JOHN: Mga bakla, ayan na naman kayo!

ProKapamilya: Sweet, don’t lie to me. Babalik ka pa ba ng ABS?

ProKapuso: Gaga! Ibahin mo tanong. Sweet, bakit ayaw mo ng bumalik sa ABS?

ProKapamilya: Tanga! Yes or No lang ang pwedeng isagot sa Lie Detector Test.

JOHN: Hahahahahahahahahahaha!

Sasagutin ko din ang mga yes-and-no questions niyo. Eto na.

CARL S, yes, wala akong jowa. Yes, pwede mo akong ligawan. No, ayaw ko ng patago.

MAHALAY, yes, idol ko ang Diamond Star, Maricel Soriano. No, I think mas mataas ang talent fee ni Sharon.

LIUJON, yes, nagti-text sa akin everyday si Marya. No, hindi ko alam ang gamot sa napapanot.

LADYLARA, yes, matangkad at matipuno si Richard Gutierrez. Paki-check ang profile ni Marian sa past blog kong Marimarian.

WCHAN, yes, payag akong sumali sa PBB kung nasa ABS pa ako and bibigyan ako ng offer. Actually before nag-start ang PBB three years ago, nagkaroon sila ng 24-hour trial run. They invited 12 celebrities, including me, Ricky Davao, Giselle Sanchez, Marc Cortez, Aiza Marquez. I won.

SWEETFRAULEIN, yes, ako nga ang direktor ng TWOSOME sa Teatro Tomasino. No, wala akong cameo but I might appear after some shows to thank the audience.

ERIKA, yes, until December 13 lang ang play namin sa UST. 10:00 a.m. at 1:00 p.m. lang ang shows that day ha.

D4THMAN, yes, galing din ng Teatro Tomasino si Piolo.

MASAYA, yes, ayaw ko maglagay ng list ng mga taong plastik sa showbiz. Ang importante, kilala ko sila.

DANDA, yes, mabait si KC.

Yes, PROMDI, may nag-chika sa akin kung bakit hindi dumating ang mga ABS bosses sa kasal nina Vandolh at Jenny.

ANGELOFTHEWATERS, yes, pwede mo akong piktyuran at hingan ng authograph ‘pag nagkita tayo. Thanks.

BANANABLOSSOM, yes dear, I had experienced discrimination and prejudices in the past. Until now meron pa din. Pero kung tatanungin mo ako ng, “If given a chance, gugustuhin mo bang mawala ang mga discrimination at prejudices sa buhay ko?”

Yes at no ang sagot. No kasi tignan mo lahat ng bakla, may trabaho at masipag, kasi ayaw na naming ma-discriminate at maka-experience ng prejudice. Yes kasi nakakasawa at nakakapagod na din.

Impostora!

Filed under: Scoop — admin at 9:26 pm on Thursday, November 8, 2007

It was at the taping of Arriba Arriba where I first saw my impostor. That was several years ago. He was wearing an outrageous hat, which was similar to the one I usually wore as a costume, as Sweet, in that sitcom with sister Jolina Magdangal. Pero yung suot niyang hat, parang project ng Grade 3 pupils sa school.

He approached me and introduced himself as Sugar. Since ako daw si Sweet na idol niya, siya naman daw si Sugar. I remember hugging him as my appreciation of his flattering idolatry.

Few months after, The Buzz researcher Ace Hernandez got a call from his friend who was working at Holland Tulips in SM City North Edsa. Say ng friend niya, may bakla daw na nagpapanggap na ako at nanghihingi ng flowers sa kanya as an ex-deal for a certain show. Good thing, the Holland Tulips staff knew that it was not me so he informed his friend Ace right away. That same day na nanghihingi ng ex-deal si bakla, nagpunta din daw siya sa Bench asking for freebies dahil si John Lapus nga daw siya. He even went to the Customer Service Department of SM and asked for a security guard to escort him while shopping. Hahahaha. Ambisyosa!

Since nagbigay siya ng number sa Holland Tulips, The Buzz was able to contact him that time for an interview. Pumayag agad ang bakla thinking that the interview was about movie fans, pero mali siya. In the said interview, he apologized to me and even showed his face so that televiewers daw would know na magkamukha kami. I disagree.

Three years ago. May nagsabi sa akin na may nanloko daw kay Valerie Concepcion at nagpanggap siya na ako. I asked the person kung ano ang ginawa. Nagpakilala daw kay Valerie at sa mommy niya na siya ay si John Lapus at sumama pa daw sa bahay nila sa Bulacan. Naniwala naman ang mag-ina since hindi daw sila familiar sa face. Taga ABS-CBN pa ako that time at GMA lang daw ang pinapanood nila. In fairness, GMA teritory nga ang Bulacan. Sumama daw si bakla sa bahay nila Valerie at sumakay pa sa car niya. Pagdating sa Bulacan, nanghiram daw ang impostora sa nanay ni Valerie ng pera kasi wala daw itong cash na pang-bigay sa mga fans. Pag-abot daw ng nanay ni Valerie ng 5,000, e, nawala na si bakla. Opo, ganoon kabait sina Valerie at ang nanay niya. Hahaha.

Two years ago. Nilapitan ako ng isang reporter and he told me na galit na galit daw sa akin si Dinah Dominguez. She is the former sexy star na nanay ni Champagne Morales. According to the reporter, galit daw si Dinah kasi kumuha daw ako ng mga perfume at digital camera sa store niya sa Filinvest Mall in Alabang pero tumalbog daw ang tsekeng ibinayad ko. Gosh, I don’t even have a checking account.

Dinah even called the office of my former boss, Ma’am Charo Santos, and made sumbong. Good thing, lumabas na nga yung issue years before kaya the staff from ABS-CBN knew that it was my impostor.

I was one of the hosts of ETK (Entertainment Konek) that time, so I was asked to interview Ms. Dinah para magkita kami ng face to face.

Naloka si Dinah when she saw me. Malayo daw ang itsura ko sa nagpakilalang ako. I agree. Modesty aside, I’m a lot prettier. Hahaha. Nakita daw niya ang impostor ko sa Festival Mall na kumakaway sa mga tao at pumipirma ng autograph. Kagagaling lang daw niya sa States kaya hindi siya familiar sa mukha ko. Curious, lumapit siya at nagpakilala. Napaniwala si Ms. Dinah that he was me kasi the impostor mentioned my aunt’s name, Tina Lapus.

(Tina Lapus was a former actress during the black and white movie days of Nora Aunor. Siya ang laging kontrabida ni Ate Guy noong panahon na ‘yon. She is one of the 52 kids of my grandfather, Tino Lapus.)

Apparently, kumuha ng mga perfume si impostor at isang digital camera, ‘tapos, nag-issue ng tseke kay Ms. Dinah. Nakapangalan ang tseke sa isang babaeng Dayrit ang family name. Say ni bakla, ‘yon daw ang manager niya. Huwag niyo ng sabihing tanga si Ms. Dinah kasi she apologized naman to me right away and threatened to sue my impostor.

It was then that I remembered one of my aunt Tina Lapus’s phone calls. She told me that the apo of her then new boyfriend is a fan of mine. Kenneth Dayrit nga daw ang pangalan at ang pakilala niya sa sarili niya ay Sugar. So I realized that my impostor during the Arriba Arriba days and the person who “stole” the perfume and digital camera of Ms. Dinah are the same.

I called my Tita Tina who is now living in California with that guy na lolo nga nitong si Kenneth. I told her kung ano ang mga ginawa ng Kenneth na ito, including the instances when he name-dropped my Tita’s name to his victims. Galit sobra ang Tita Tina ko. Gagawan daw niya ng paraan. Madami na daw atraso si Kenneth. Nagnakaw pa nga daw ito ng blank cheques from his grandmother. So, ang lola pala ang may-ari ng cheke. Kaloka!

The night that my interview with Ms. Dinah was aired, a guy approached me. I was at my bar, GRAFFiTi (which just opened that time) then.

He was teary-eyed. He introduced himself as the father of Kenneth Dayrit. Tinawagan nga daw siya ng tatay niya from the States, and he was able to watch the ETK episode earlier that day. He begged me not to sue his son and just forgive him. His exact words were, “Luluhod po ako sa harapan niyo, huwag niyo lang pong pahuli ang anak ko.” I choked up. I didn’t know what to say. I just told him that I had no intentions of suing since hindi naman ako ang niloko. I told him to get in touch with Ms. Dinah dahil siya ang may balak magdemanda. Before he left, he promised na hindi na daw ako gagayahin ng anak niya kahit ikulong pa niya ito sa bahay.

(Read more… )

Paolo Ballesteros, dedma kay Sweet?

Filed under: Scoop — admin at 4:55 am on Friday, April 6, 2007

Mabuhay PEPsters! Thanks to all who visited this blog, most especially to those who commented. Those who posted the most interesting comments, I will answer you guys later.

I was a bit sad going here sa Puerto Galera for a break that I truly deserved. My friend Paolo Ballesteros kasi snubbed me (or he didn’t say hi to me as he normally would). He frequents Sencillo, owned by Bambbi Fuentes, in esQuinita (a gimmick hub on Timog Avenue, where I also have a bar, GRAFFiTi).

Nauubusan na ako ng ingles. Kagabi ang last day na open ang GRAFFiTi in time for the Holy Week break. Monday na ulit ang inuman. So as usual bumisita ako. Doon din kasi kami magkikita ng mga friends ko who will also be going to the Baklaan Island of Puerto Galera.

My waiters told me na nandon nga raw si Paolo sa Sencillo, so dumaan ako sa table nila ng mga friends nya, knowing he would say hi to me, pero deadma sya.

Prangka akong tao so maski ang sarili ko, tinanong ko kung bakit kaya nya ako di pinansin? Baka may nagawa akong kagagahan na di ko alam? Then I thought, kailan kami huling nag-chikahan ni Paolo? (Read more… )