| Register

The Quadricentennial Experience

Filed under: Features — KKJM0d at 4:57 pm on Tuesday, February 1, 2011

I was given the opportunity to perform for my fellow Thomasians last January 27 and 28, as we celebrate the 400 years of the University of Santo Tomas.

It was indeed an honor for me.


January 27 was the countdown to our Quadricentennial held at the UST Grandstand. Grabe, ang daming tao. I was really emotional as I entered the stage at tuluyan na akong napa-emote nang palakpakan ako ng libu-libong tao na nando’n. Kaya naman, hinusayan ko ang hinanda kong monologue for them.

Good evening po sa inyong lahat. Grabe! Parang tumigil yata tayo sa ‘70s. At parang ang daming nangyari, ni hindi natin hinimay ang isang dekada. Paano pa kaya ang apat na mikenyo? Kung hihimayin natin ‘yan ngayong gabi, talagang 400 years tayo dito bago matapos.

At this point, let’s talk about the ‘80s. Ako po ang naatasang mag-present kasi, ‘80s ako nagdalaga at pumasok dito sa UST. 1989 naman so medyo a few years ago lang. Ako po si Jonathan Anthony Solis Lapus, BS Hotel and Restaurant Management, student number 89070820. Naalala ko noong nag-aaral pa ako dito sa UST.

(MUSIC ENTERS)

Bata pa lamang ako ay gusto ko na pong mag-aral dito sa UST. Nadadaanan namin ito ng Nanay ko ‘pag nagpupunta kami ng Quiapo. Dinadasal ko sa Nazareno na sana makapag-aral ako sa UST. At ang Nanay ko naman, dinadasal na huwag akong matuluyang maging bading. At least ang dasal ko, dininig. Yung sa Nanay ko, pinasa-Diyos na lang niya.

Sino ba naman ang hindi gustong mag-aral dito sa UST, e, ang itsura pa lang pag sinilip mo sa labas, para talagang University.

Ang ibang school, ang nasa harapan sinehan na ang palabas bold or yung iba na hiwa-hiwalay ang campus, kaya kailangan mo pang mag-tricycle, jeep, or taxi. Worst, yung ibang school ang nasa labas, pagawaan ng pekeng Diploma at passport. Maryosep!

Ang UST, pinalilibutan ng apat na makabuluhang mga kalye. Ang España sa harap, sosyal!

Pag tinatanong ako noon kung nasaan ang school ko, ang sagot ko sa Spain! Suplada.

Not to mention na sa España nakapuwesto noon ang Mayric’s, na tambayan ng mga adik, ngunit pinagmulan ng mga sikat na banda sa bansa. Sa kanan ang P. Noval, kung saan makikita ang oldest carinderia in Asia—ang Lopez Canteen.

Sa likod ang Dapitan, kung saan makikita ang mga dormitory ng mga magaganda at guwapo. Not to mention na may fire exit ang mga dormitoryo na ‘yan. At nakita ko may Condo na din pala sa Dapitan at next year daw, e, ang Dapitan International Hotel and Resort. Sosyal!

At sa kaliwa naman ang Forbes na ngayon ay Lacson Street, kung saan nakapuwesto noon si Joan na nagtitinda ng Banana Q. Nasaan na kaya si Joan, may utang akong isang stick ng Banana Q sa kanya.

At not to mention na nasa Forbes noon ang nag-iisang branch ng beauty parlor ng world-renowned Madam Auring. Dito din siya nanghuhula. Si Madam Auring ang “oldest manghuhula in Asia.”

Section H1 ako no’ng college. Akala ko noon, matalino ako kaya nasa H1 ako. Yun pala, una lang kasi ako nag-enroll.

Favorite subject ko ang Chemistry, Physics, at cooking. Hindi lang nila ako favorite. Hindi naman po sa pagmamayabang, napakahusay ko sa lahat ng Theology subjects, na meron tayo every semester. Pre-requisite ‘yan. Kaya alam ko na, “Man does not live in bread alone and God is in our hearts,” sabi nga sa Colossians 1:27.

At alam ko din na sa mga ginawa ko noong araw, malamang mapunta ako sa impiyerno. Kaya ipagdasal niyo na lang po ako tulad ng dasal ko noong mga panahon na required pa ang ROTC. Diyos ko po! Opo, dito sa grandstand na ito ako nagsuot ng fatigue at combat shoes habang kumekembot.

College crush ko ang mga ka-batch kong sina Vergil Ocampo, Erwin Zhornack at Cresnoyl Lim. Mga Tatay na sila ngayon. Ok lang, mukha naman na akong Nanay.

Mula sa Lagro Novaliches ay sasakay ako ng jeep patungong Quiapo at baba ako sa España papasok ng gate ng UST. Isang oras at kalahati lang ang biyahe ko mula sa amin ngunit pag traffic, isang oras at kalahating araw.

Maglalakad ako mula sa España gate papuntang Education Building, kung saan madadaanan ko ang Engineering Building, na may pinakamadaming Thomasian na lalaki.

Kaya kahit late na, binabagalan ko ang lakad ko sa tapat ng Engineering Building. At habang tinititigan ko ang mga Engineering students, nagsisisi ako kung bakit hindi ako doon ako nag-enroll. Pero pagdating naman sa Education Building, kung saan may pinakamadaming Thomasian na babae, nasasambit ko sa sarili ko, “Dito ako nababagay.”

And yes, tulad ninyo, e, na-experience ko ang baha dito sa UST. Exciting ang experience ng baha lalo na pag stranded tayo sa kani-kaniya nating building. Salamat sa mga Pari na nagdadala ng pagkain sa aming mga stranded. Bilang mahirap kami noong araw, dinadasal ko laging magkabaha at ma-stranded ako. Sayang ang libreng pagkain.

Napakaganda ng Plaza Mayor. No’ng panahon namin, lover’s lane yan ng mga mag-syota, kung alam lang nila na sementeryo ‘yan noong panahon ng hapon.

Malaki ang utang na loob ko dito sa ating Alma Mater. Maliban sa literal na “utang,” dahil puro Promissory Note ako noong college, dito po sa UST na-develop ang aking talento bilang actor. Ako po ay active member noon ng Teatro Tomasino, The university-wide theater guild of UST. Sa sobrang active ko noon sa Teatro, akala ko yun na ang subject ko.

I am so proud to be a Thomasian noon, ngayon and forever.

Maliban kay Madonna, Boy George at Spandau Ballet, noong ‘80s naganap ang People Power, ang bloodless revolution. Noong ‘80s nagkita sina Sharon at Gabby at si Maricel at William. Noong ‘80s nabutas ang Ozone Layer dahil sa mga spray net na ginamit namin noon. At higit sa lahat, noong 80’s nagkakilala at nagkaligawan ang mga Nanay at Tatay niyo. At upang pagpugayan ang Dekada Otsenta, heto ang Hotlegs and Manoeuvres para mag-feeling ‘80s pa kayo nang todo.

January 28 naman ang Grand Alumni Homecoming, organized by The Office of Alumni Affairs and headed by Mr. Mike Malicsi. Bago, bata at fresh si Mike so I’m very sure may mga bagong pasabog para sa mga UST Alumni.

Nakakakilabot ang makakita ng mga kapwa Thomasian na mga lolo at lola na at kasama ang mga apo na mga Thomasian din. Wow!

At ang ultimate doon ay nag-perform ako sa harap ng mga Dominican Fathers, Mothers, Brothers and Sisters. How do you brush your teeth? Hahaha. At maski sila, sinuklian ang performance ko ng masigabong palakpakan at over na tawanan. Kabog!

SUSUNOD: Ang aking monologue. Abangan niyo iyan this week!

Isip Bata

Filed under: Features — KKJM0d at 9:51 pm on Wednesday, September 15, 2010

Maraming beses na ako nasabihan ng ibang tao na “isip bata” daw ako—nanay ko, mga kaibigan ko at mga naging boss ko.

Nagugulat pa ako kunwari or tumatanggi pero deep inside, alam ko naman na totoo. But I can’t help it. Ganito talaga ako, e.

“Peekaboo!”

Mahilig akong manggulat or manakot ng mga kaibigan. Nakakatawa kasi ang reactions nila pag nagugulat ko sila. Hehehe.

The other day, nag-watch kami nina Nikki at Boyet ng sine. Ang bilis kong maglakad (kasi ayaw kong nali-late sa sine) at ang mga bakla, ang bagal. Pag-kanan sa mga upuan, nagtago ako para gulatin sila. Nakakita na ako ng aninong parating, “Bulaga!” Pucha ibang tao yung nagulat ko. Nag-CR pala ang mga bakla. Kakahiya.

“Mommy what’s that? Mommy what’s that? Mommy what’s that?”

Ay, makulit ako. Lalo na sa text. Pag hindi sumagot agad sakin ang mga tini-text ko, super text ako nang major-major! Nagwo-worry lang kasi ako baka naaksidente na sila or what. Hindi ko na naiisip na baka busy sila. Pasensiya!

Makulit ako mag-invite pag may event ako, show, pa-party or kahit na anong okasyon. Kaya minsan, ako ang ginagawang taga-invite ng mga kaibigan ko sa mga get-together namin. 8 out of 10 ang pupunta pag ako ang nangulit.

“No! I don’t like!”

Sumpungin ako nang bongga. Gano’n daw ang lahat ng Cancerian lalo na pag bilog ang buwan. Kahit bigyan ako ng candy pag wala ako sa mood, “wala ako sa mood!” Pag walang gawa, bigla na lang ako natutulala. Bigla na lang ako kumakanta pag inaantok ako or sumasayaw pag bored. Oh yes, maski sa public place. Buti na lang artista ako kaya hindi ako napagkakamalang baliw. Natatawa na lang ang mga tao na nakakakita. Baliw!

“Uha, uha, uha…”

Pag gutom na ang baby, umiiyak na. Pag gutom na ako, away! Acidic kasi ako, so pag gutom na ako, “gutom na gutom” na ako. ‘Tapos umiinit pa ulo ko. Umaakyat yata ang acid sa tiyan ko. Lalo na pag bagong gising, naku kailangan kong kumain. Bago mag-show (TV, play or stand-up) hindi ako nakakakain sa tensiyon. Pero after noon, pucha, pakainin mo ‘ko or else, iiyak ako! Minsan naglalaban sa akin ang gutom at antok, lalo na pag madaling araw. Madalas manalo si gutom. Hahaha!!! Kaya eto, nananalo din si taba.

“Mommy, where do babies come from?”

Hindi naman ako chismosa, palatanong lang. Gusto ko, alam ko lahat. Pag may naririnig akong nag-uusap tapos hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila, sumasali ako. “Sino yan? Kailan yan? Bakit ganyan?” May pagka-inosente din kasi ako. Mabuti naagapan kasi papunta na sa bobo. Yung mamahaling damit na sinusuot ni Rufa Mae sa Showbiz Central, hindi ko kilala. Ang dinig ko “Van Dam [Van Damme].” E, alam ko, action star ‘yon… Eto nga at hindi ko ma-type dito kasi hindi ko alam ang spelling. Feeling ko, hindi din alam ni Pchi pero at least suot niya. Sosyal!

“Mommy gusto ko din no’n.”

Pag nagugustuhan ko ang isang bagay na nakikita ko na suot or gamit ng ibang tao, gusto ko din may gano’n ako. Thank God for work kasi may pambili naman ako. Bahay at van na lang yung gusto ko na meron ang iba, wala pa nga lang akong pambili.

May pagka-inggitera din naman kasi ako na inamin ko naman na dito. I’m happy naman for others na meron ng mga bagay na wala ako. Naiingit lang ako kasi may mga bagay silang nagagawa na hindi ko kaya or hindi ako sanay gawin. Si Eugene Domingo at Direk Andoy, sobrang busy din pero nakakapag-schedule sila ng three-week vacation sa Amerika. E, pucha, three days lang ako sa Boracay. Iniisip ko na kung kailan ulit ang work ko. Ang bongga ni Vice Ganda, kaswal na nag-leave sa Showtime para tapusin ang Petrang Kabayo, magpahinga, at rumaket sa ibang bansa. Naku, hindi ko maiwan-iwan ang Showbiz Central. Minsan lang ako um-absent, masama pa sa loob ko. Alam ng Star Magic na puwede ako mag-shooting ng Sunday pero before and after SC lang. Pag out of the country na raket, I make sure na nandito na ako ng Sunday for SC.

“Adult: Don’t cry na baby, pupunta tayo ng Jollibee.

Bata: Huhu, ok, yehey!!!”

May pagkauto-uto din ako minsan. Purihin lang ako, gumaganda na ang araw ko. Lately, hindi ako nauuto sa mga chikang, “Ang payat mo ngayon, Sweet,” kasi alam ko namang hindi totoo. Pero yung “Ang ganda mo ngayon, Sweet” or “Ang galing mo talaga,” effective!

Hindi kasi ako napupuri no’ng bata ako. Pag may program sa school, lagi akong nasa harapan pero wala naman nanonood sa akin or nagti-take ng picture kasi nagtatrabaho ang Nanay ko. Yun yata ang dahilan kung bakit ako naging performer. Ngayon naman ay panay ang tanggap ko ng papuri. Review ng SRR, Here Comes the Bride, at Mamarazzi. Wow! Thank you, Lord!

“Adult: Maganda ba ko?

Bata: Hindi!”

Hindi ko talaga kaya magsinungaling. Sumasakit tiyan ko or nauutal ako. Kaya ang mga kaibigan ko bina-value or kinatatakutan ang opinyon ko kasi totoo naman. Minsan nga lang, nasasaktan sila pero gano’n talaga. So kadalasan, para huwag na lang makasakit ng damdamin, e, hindi na lang ako nagsasalita or hindi na lang ako nagbibigay ng opinyon.

Kris vs. James…No comment!

Claudine vs. Angelica…No comment!

Marian vs. Bela…No comment!

Ok na ‘yon, at least hindi sumasakit ang tiyan ko at hindi ako nauutal. Delikado ako pag nakainom, walang preno ang honesty ko. ‘Yan ang dahilan kaya ayaw ko mag TWITTER. Madaming malalagot.

“Susumbong kita sa Mommy ko…”

Pag may nangyayari sa akin na magandang bagay, kailangan may sabihan ako. May piling tao nga lang na alam na hindi ako nagmamayabang. Si Direk Chris Martinez ang una kong sinabihan na may solo movie na ako sa Regal next year. Gusto ko din kasi na siya ang sumulat at magdirek. Confirmed naman siya!!!

Na-imagine niyo pa kapag may nangyayari sa ‘kin na hindi maganda?! Pucha para akong sasabog. Kailangan may masumbungan ako. Kaya tawag agad kay Boyet pag tungkol sa lovelife or family.

“Tangna Marse, nakita ko yung ex ko kasama si kalbo, na-stress pa din ako!”

Kay Uge, pag career or kaibigan.

“Tangna Ma, ginagawa akong starlet ng mga leche!”

Kay Bru (Direk Chris), pag ibang tao or yung wala lang.

“Tangna Bru, omniscient ang baklang yan! Aliw awardee ako ‘no.”

Sanay na silang tatlo. Hahayaan lang nila ako mag-emote nang mag-emote. Tapos!

“Mommy, mumu!!!!”

Takot ako sa baliw pero lagi akong nilalapitan. Takot ako sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman pero madalas ko silang makita sa gimikan. Takot ako sa adik pero may mga kilala akong adik. Takot ako mag-isa. Takot ako sa Diyos pero lagi ko pa din siyang nilalapitan.

“Huhuhu, bakit hindi ako kasama. Huhuhu…”

Sobra akong matampuhin. Excuse lang yung pagiging sensitive eklat pero in tagalog “tampo” pa din yon. Pag hindi ako na-invite sa birthday party or okasyon ng isang kaibigan, na alam ko na pag ako nagpa-party, e, invited siya, nagtatampo ako. Bakit gano’n? Ikaw kasama sa guest list ko, ako hindi kasama sa ‘yo. May pagkagaga din kasi ako. Hindi ko naiisip na iba’t-iba ang degree of friendship ng mga tao. Yung iba, ang turing ko friends pero for them, acquintance lang ako. Ako kasi pag friend, friend, at pag hindi, di hindi. Nachi-cheapan ako sa “acquaintance” lang.

Mas lalo akong nabubwiset pag nakikita ko sa party ng isang friend na hindi ako invited (thanks to Facebook), pero nasa photo album yung ibang tao na feeling ko hindi naman niya friend. Hmp. Yung ibang mga kaibigan ko din naman kasi pasosyal at ang so-showbiz. Yun na!

“Bata, puwedeng pasali sa laro niyo?

May mga tao na gustung-gusto ko kaya gusto ko silang makasama, makatrabaho or better yet,maging friend. Naiinis ako pag parang ayaw nila.

Etong si Coco Martin, husay na husay akong umarte. Bukod pa sa gwapo. Pinanood ko lahat ng indie movie niya. Maski yung pagka-chaka-chakang Daybreak. Inaliw ko na lang ang sarili sa pelikulang ‘yon bilang hubad naman sila ng hubad ni Paolo Rivero. At kahit chaka yung pelikula, ang husay pa din ni Coco. Sobrang happy ako for Coco nang ma-invade ang television. Hindi na niya kailangang maghubad para mapansin ang galing niya sa pag-arte.

Pucha, dalawang taon na niya ko hindi pinapansin sa Star Magic Ball. Kainis. Next year nga, ako na unang lalapit sa kanya. Gano’n ko siya ka-like. I love you, Coco!!!

“Bahala ka! Ewan ko sa ‘yo!”

Nag-e-effort ako sa mga taong gusto ko pero pag ayaw talaga ng friendship ko, e, dedma. E, di ba nga, para sa ‘kin, kung hindi kita friend, kakilala lang kita. Ok na ‘yon keysa kaaway kita.

Yun nga lang, may pagka-maldita din ako. Mahilig akong gumanti. Pag di mo ko invite, hindi na din kita invite. May friend akong big star, delete niya sa FB yung isang friend namin na nambwiset sa kanya, parang gusto kong gayahin.

“Liar ka, bad ka, susumbong kita…”

Kung gaano ako ka-honest, ganoon ko naman ka-hate ang mga sinungaling. Binura ko sa buhay ko ang mga dati kong kaibigan dahil sa kasinungalingan. Mas gusto ko na yung honest nang todo kahit masakit na magsalita keysa sa sinungaling na mabulaklak ang bunganga.

Yan yung hindi ko ma-get sa ibang reporter. Yung pinagkakakitaan, puro kasinungalingan. Yan ang reason kung bakit hindi ko type ang blind item sa mga tabloids. Hindi nga babanggitin yung name ng artista pero obvious naman yung clue. Ok lang sana kung totoo, e, kadalasan hindi. Minsan naman, kaya daw bina-blind item, e, kasi wala silang ebidensiya. In other words, takot mademanda. E, kung walang ebidensiya, bakit ire-report mo pa ‘tapos wala namang pangalan?

Kaya mas gusto ko pa si Mo Twister, prangka. Sagad to the bones.

Tangna ‘yang mga nag-blind item kay John Lloyd at Shaina, mukhang mga tanga. Ikaw ba naman si John Lloyd at Shaina, magkadikit ang nota at petchay niyo, pupunta ka ba ng ospital? Common sense!!! Minsan din kasi, ang mga tao madaling mauto. Parang bata.

Lately, sinusubukan ko yung white lie. Payo ng ibang friends ko. Yung magla-lie ka sa isang tao para huwag lang makasakit ng damdamin. Yung kaibigan ko, guwapong-guwapo sa jowa niya, e, mukhang abre de lata. So when she asked me kung anong masasabi ko, say ko, “In fairness.” Natuwa naman siya at nag-thank you pa. Hahaha!

“Gusto mo? Sayo na lang, o…”

Mahilig akong magbigay ng mga pasalubong sa mga kaibigan ko at pamilya. Kung ano yung sikat na product sa lugar na pinuntahan ko, dapat yun ang pasalubong ko sa kanila. Ang sweet, di ba?!

Noong araw, nakatira kami ng mga kaibigan ko sa iisang compound. As in 12 yata kaming bakla at babaeng bakla doon. Pag Pasko may regalo ako sa kanilang lahat. Pag may out of town ako, may pasalubong ako sa kanilang lahat. E, napansin ko, ako lang ang madalas magregalo, ayun, ginaya ko na din sila.

Pag birthday ng mga kaibigan ko, I make sure may regalo ako. Yun nga lang, pag ako naman ang may birthday, expectorant ako ng regalo from them. Hahaha.

Minsan nakakalimutan ko ang “it’s better to give than to receive”.

“Mommy sleepy na me…”

Sobra akong antukin. Lalo na pag wala akong ginagawa or bored ako sa pinapanood ko. Lately, inaantok ako sa mga napapanood ko sa TV. Sorry, Lord, pero minsan nakakatulog ako sa simbahan. Si Father kasi minsan, ang boring ng sermon. Minsan, nakatayo ako and yet nakatulog ako, ayun nahulog ako. Chismis!

“Mommy o…si Ate, inaaway ako…”

Pag may nagtarantado sa ‘kin, kailangan ko ng kakampi. Kailangan ko ng ibang tao na magsasabi sa ‘kin na tarantado yung mga tumarantado sa ‘kin.

May tumarantado sa ‘kin a few years ago. Nag-emote ako sa isang kaibigan. Leche, ang pinaniwalaan yung tumarantado sa ‘kin. Nawala sa isip ko na friends din pala sila. Tanga din ako, e. May mga tao nga pala na may degree ang friendship—may BFF, close friend, family friend at friend lang. Cheap!

“Akin yan, e. Waaaaaa!!!!”

Ang pinakamalala kong ugali na over daw sa pagka-isip bata, ayaw na ayaw ko ang inaagawan ako.

Kahit hindi ko masyadong gusto, basta akin, akin.

Kahit luma na, akin pa din yon.

Kasi ang point ko, puwede namang hingin, di ba?

Pag pinaghirapan ko, akin.

Lalong hindi ko ma-take yung mga taong meron naman na ng isang gano’n, aagawin pa rin yung gano’n ng iba.

E, pucha, away yan. Sabi nga ni Mike Enriquez, “hindi kita tatantanan!”

Pag sinabi kong akin, akin. Waaaaa…Huhuhu…..Mommy, o. I hate you. Huhuhu. Sumbong kita…Basilio…Crispin…

Teka bago ako umiyak at mag-tantrum na parang bata. Baka type niyo manood ng play namin sa Dulaang UP entitled SHOCK VALUE, written by Floy Quintos and directed by Alex Cortez. Cast din sina Direk Andoy Ranay, Jojit Lorenzo, Mylene Dizon, at Ana Abad Santos. See below for the schedule of my performance (since may alternate ako na mahusay din naman).

Sept. 15 Opening Night 7pm

Sept. 16 & 17 at 7pm

Sept. 19, 26 & Oct 3 at 10am

Sept 22, 24, 29 & 30 at 7pm

Story ito ng mga ka-showbizan sa mundo ng showbiz. Yun na! Waaaaa…huhuhu…hahahaha!

ASAP

Filed under: Features — admin at 12:35 pm on Saturday, March 20, 2010

Sorry! Pasensiya! Busy!

Tatlong pelikula ang tinatapos ko: Of All the Things with Aga Muhlach and Regine Velasquez, Mother’s Day movie with Eugene Domingo at Here Comes the Bride ng Quantum/Star Cinema with Tito Jaime, Tuesday Vargas, Uge and Angelica Panganiban.

Pag may time naman na mag-blog, mental block naman. Kaloka!

Nandito ako ngayon sa Boracay to host a summer party, KIMMY DORA sa BORA. Kami na naman ni Ms. Eugene Domingo ang magkasama. Malamang magkatuluyan kami. Hahaha. May time akong mag-blog habang nag-aantay ng briefing for the show. Mental block na naman!!!

Bigla kong nakita ang mga ibang staff at host ng ASAP XV. Ayun, nakaisip ako ng entry, ASAP.

I was one of the segment producers of ASAP when it was launched 15 years ago by ABS-CBN. Its original main hosts were Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, and Dayanara Torres.

Kakatapos lang ng 1994 Ms. Universe dito sa Pilipinas (Ms. India Sushmita Sen won) and Yari, after relinquishing her title, decided to stay. And I’m sure, may Aga Muhlach factor.

It was an All-Star Afternoon Party kaya ASAP!

Dalawa lang kaming segment producer ng kaibigan naming si Joel Siervo. Siya ang fabulous associate producer ng Teysi ng Tahanan that time at ako naman ang Divang head reasearcher ng Showbiz Lingo. Our boss, Deo Endrinal, chose the best and trusted people for ASAP. Segment ni Joel ang “Sayawnara” ni Yari at akin naman ang “Pare Ko Club” with the cast of the movie Pare Ko, na naging box office hit that year. ASAP is technically my first promotion from being a researcher to a segment producer. Ang saya!

Ang simple ng concept ng ASAP. Concert lang si Martin, Pops at Ariel, hataw naman sa sayaw si Yari. Ang mga Pare Ko teens naman would go to hip and trendy places or do “in” activities. ‘Tapos sa live show naman, magsasayaw lang sila ng magsasayaw at magpapa-cute nang magpapa-cute. Ang cute!

Grabe si Yari, tingin lang siya sa sayaw ng dalawang beses tapos pag inulit kasama na siya at alam na niya. Kaloka!

Grabe ang tili ng mga babae, matrona at bakla kay Ariel pag lumabas. Siya talaga ang Kilabot ng mga Kolehiyala.”

Si Martin at Pops naman, lagi mong hihintayin ang duet. Pag magkaaway sila that time, walang duet. Nung nagkahiwalay sila, inabangan ng buong Pilipinas ang spot number nila. Nauna si Martin sa kanta (nakalimutan ko kung ano) at si Pops the week after sa kantang “I Wanna Know What Love Is.”

ASAP ang pumalit sa long running Sa Lingo nAPO Sila na tumalo sa GMA Supershow ni Kuya Germs kaya dapat mas bongga ang papalit. In fairness sa APO naging daily sila via Isang Lingo Napo Sila to compete with the legendary Eat Bulaga.

When I was promoted as a segment producer in my mother show, Showbiz Lingo, I needed to let go ASAP though I didn’t want to. Sayang ang raket. Pero mas hectic na ang sked ng Showbiz Lingo that time as it bacame the no. 1 showbiz-oriented talk show in the country. Ginawa na din kasi akong chiwariwap nina Tita Cristy Fermin at Tito Butch Francisco, together with Ogie Diaz. Nanlalait lang ako ng mga damit ng artista pag may awards night. Hehehe.

Few years after, I found my self being one of ASAP’s co-host. Hindi ko na maalala kung paano nangyari. Basta ang alam ko, when I was about to tranfer to GMA in 1999, I was given by ABS-CBN two shows for me to stay—Arriba Arriba and The Buzz, where I became a segment host. But I was told later that it was ASAP’s director and my new manager that time, Mr. Johnny Manahan, who requested me to be part of the variety show. Para daw may masayang host na taga-“Thank you” ng mga sponsors/ex-deals at taga-interview ng mga guest na magpo-promote. Tama!

8:00 a.m. ang call time sa ASAP pag may production number ka. Eventually, lahat na ng regulars, 8:00 am na din ang call time.

Pagdating mo, nando’n na si Mr. M., checking the set and lights. ‘Tapos watch na siya ng rehearsals.

Nakakahiyang ma-late. Kasi yung director at mga staff, nakabalandra sa dadaanan mo. Huli ka!

Everybody—even the main hosts Martin, Pops, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla and Kuh Ledesma—would come at 8:00 a.m. ‘Tapos sumasama ang loob nila kapag hindi sila nasasalang for rehearsals. Mga professionals ang mga lolo’t lola niyo. To think na nag-band rehearsal na sila ng Friday or Saturday, kaya may sama ng loob factor.

Even The Hunks—Piolo Pascual, Echo Rosales, Bernard Palanca, Carlos Agassi, and Diether Ocampo—would arrive at 8:00 a.m. Yung iba sa kanila, kahit galing sa gimik (as in may hangover or lasing pa) would be on time.

Sa dami naming artista sa ASAP, sa isang gilid na lang ako nagdi-dressing room near the stage. As in bihis at make-up. Bilang, bigla din akong tinatawag minsan sa isang biglaang spiels at mas type ko pang ka-chika yung mga staff na matagal ko na din namang mga katrabaho at kaibigan.

Naabutan ko pa nga si Sarah when she transferred to ABS-CBN from GMA. Para siyang ibon na nagbo-vocalize tuwing umaga. Sila ni Piolo ang nakikita at naririnig kong gano’n pag umaga. Mihihahaha…Doremifasolaytititittitititidooo…

Being a Star Magic artist, madalas akong masali sa “Full Circle” prod ng mga Star Magic artist. Si Georzel ang nagko-choreo ng number namin na inaabangan every Sunday kasi career talaga. Pag hip-hop ang prod mo, si Dennis naman ang choreo. Pag mga Jazz na sayaw, ang back-up ang G Force ni Georzel; at pag hip-hop, ang X 10 ni Dennis.

‘Tapos yung kanta naman, si Iza ang nagre-research. Voice coach pa si Love pag kakanta kami ng live. As in bawal ang recorded na kanta. Suplada!

Pag birthday ng isang Star Magic artist, bida ka sa “Full Circle” prod. Either kakanta ka or sasayaw. I remembered my last guesting in ASAP was  birthday ko. “How Sweet It Is” ni Michael Buble ang kinanta ko. Lalaki. Hahaha.

Two to three days at least ang rehearsals namin. Pag magaling ka, papayagan ka ng two days. Pag hindi ka magaling at feeling ni Georzel na hindi ka dapat sumali sa prod, makaka-receive ka na lang ng text or bulong sa handler mo na, “Next Prod ka na lang.” Thank God, hindi ko naman na-experience ‘yon. May isang big star na tinanggal sa prod kasi hindi nagre-rehearse. Hehehe. Buti nga.

Ultimo yung fashion show ng mga Star Magic artist pag Anniversary namin may rehearsals. Kahit yung mga big stars like Claudine Barretto at Piolo ay uma-attend. Lahat ng mga isusuot namin, may mga provided silang fashion designer to dress as up with matching stylist. Taray! Hindi yung basta-basta ka na lang magbibihis ‘tapos rampa na.

Bongga yung sub-unit ng ASAP, yung ASAP Live! na nagpo-produce ng mga concerts at live shows para sa ASAP regulars and even guest like me. Kahit nasa GMA na ako, sinali pa din nila ako sa Rock da Vote ng 2006 at Spooftacular ng 2008. Sayang nga at hindi me puwede sa Rock da Vote dapat this year, ayun, na-cancel. In fairness sa ASAP Live!, pasok ako lagi sa line-up pag may ensemble show sila ng mga komedyante. Salamat po!

Pag nakaka-watch ako ng ASAP, naaalala ko ang happy days  ko sa ABS-CBN. Masaya and yet professional ang mga katrabaho ko doon. Bukod sa most of them ay mga kaibigan ko nang todo.

Pag nakaka-watch ako ng ASAP, naaalala ko si Joel Siervo. Bukod sa magkasama kami noon sa ASAP, naging housemates din kami sa Melrose Place sa Heroes Hills. He was eventually promoted as an executive producer at ako naman ay ginawa ng career ang pagiging starlet. Pinatay si Joel at sinibukang chop-chopin na isang mala-demonyong masahista at security guard. Pinatay siya sa dati kong room noong magkasama pa kami sa bahay. Nang lumipat ako ng town house, he decided to leave alone at yung dati kong room ang ginawa niyang kuwarto. Minsan naiisip ko na sinalba niya ang buhay ko. Sabi kasi ng mga kaibigan namin, “It could have been you, Sweet!”

Pag nakaka-watch ako ng ASAP, naaalala ko yung mga experiences ko sa ibang artista at singers nila doon. Natatawa na lang ako pag naiisip ko na may ibang celebrities na iba ang ugali sa tunay na buhay at iba din ang pinapakita nila sa TV at fans nila. Ang “showbiz” nga naman.

Pag nakaka-watch ako ng ASAP, nalulungkot ako para sa iba. Para sa iba.

O ayan may entry na ako, hindi nga lang ASAP. Pasensiya na.

Tiga-SANS ako!

Filed under: Features — admin at 1:30 pm on Wednesday, January 27, 2010


Sa Lagro, Novaliches ako lumaki. Sa may Plaza mismo, malapit sa Lagro High School.

 

Three years old pa lang ako, doon na kami nakatira. Sa Lagro Elementary School ako pumasok. Doon ako natae sa salawal noong Grade 2, napingot ni Mrs. Lumawig, at tuluyan nang niregla. Hehehe.

 

Ang alam ko, sa Lagro High School din ako magha-high school since doon nag-aral ang Ate ko. Happy ako at magkakasama kami doon ng mga elementary barkada kong sina Rosalie Antonio, Lily Adique, Joan Tria, Leah Batad at Donuela Geronimo. O diva puro dalagita kami?! Mali ako.

 

Noong bata ako, naglalakad kami nina Nanay papuntang Grotto pag Holy week. Mga two to three hours na lakaran din ‘yon from Lagro to San Jose del Monte, Bulacan. Masaya ‘yon kasi minsan, buong kalye namin ang sabay-sabay na naglalakad—bata, matanda, boy, girl, bakla, tomboy at pami-pamilya. Ang saya!

 

I remembered passing by an establishment I thought, that time, was a factory. Yung exhaust fan kasi, e, parang sa factory. Yung parang mushroom na bilog na umiikot sa bubong. Sa factory ko lang kasi nakikita ‘yon. Alam niyo ‘yon? So buong Elementary days ko at every time naglalakad kami papunta sa Grotto, akala ko factory ‘yon. Mali ako!

 

Pagka-graduate ko ng Grade 6, all set na ako for high school. Jackpot ako, mga sampung kandirit lang ang Lagro High School mula sa bahay namin. Say pa ng mga kaklase ko sa Grade 6, same section daw kami sa first year. Exciting!

 

Pucha, malapit na ang pasukan. Di ba pag public, sa first day din ng school ang enrollment so relax lang ako at ini-enjoy ang bakasyon. Bagong tuli din ako noon kaya dapat pahinga. Pa-last week of May na nang sabihin ng Nanay ko sa akin na hindi daw ako sa Lagro magha-high school. Private school na daw ako. Kesyo matalino naman daw ako, may ipon na daw sila eklat ng Tatay ko at baka personalin daw ako ng mga naging teachers ng Ate ko doon. Naging terror student kasi si Ate noong high school siya. Siya yata ang pinakasikat na babae sa Lagro High that time. Actually, until now, Ate ko pa din ang pinakasikat na babaeng taga-Lagro, next to Miriam Quiambao.

 

So wala naman akong nagawa. Medyo na-sad ako but Nanay knows best. 

 

1985, dalawa lang ang alam ko at sikat na private school sa may Lagro Novaliches—St. Francis sa Zabarte at Sacred Heart sa may bayan. Mali na naman ako!

 

Sabi ng Nanay ko, “Doon ka sa St. Anthony sa Caloocan. Board of director doon si Mr. Andres na asawa ni Mommy Andres, na co-teacher ko sa PUP.” Caloocan? Pucha ang layo noon, di ba sa may Monumento ‘yon.  Mali na naman ako!

 

Yun palang pagitan ng Novaliches at San Jose del Monte, Bulacan ay Caloocan. Weird! Noon ko lang nalaman na dalawa pala ang Caloocan. Sa may Novaliches at sa may Monumento. North at South daw. Kaloka!

 

From bahay namin sa plaza ng Lagro, sumakay kami papunta ng taas ng Lagro, then another sakay papunta sa direction ng San Jose del Monte, Bulacan. Nainis ako. Mag-aaral ako sa school na dalawa pa ang sakay from our house at hindi Quezon City ang address. At feeling ko, malayo na ‘yon kasi para sa akin, ang Caloocan ay nasa Monumento na malapit sa Tondo, Malabon at Valenzuela. At para sa akin, ang lugar na ‘yon, e, dinadaanan lang namin pag pupunta kami ng Grotto, na alam ko ay probinsiya na.

 

Pucha, bumaba kami sa AmparoVillage, Caloocan. Malapit lang naman sa boundary ng Novaliches at Caloocan. As in five minutes lang from Lagro. Pucha, naglakad kami papunta doon sa “factory.” Pucha, ‘yon pala yung St. Anthony. Pucha, school pala ‘yon. All those years, akala ko talaga, factory. Kaloka!!! Nakatalikod pala sa kalye ang entrance at signage.

 

School ba ‘yan? Ayaw ko dito!”  say ko kay Nanay. Tinitigan lang niya ako nang masama. Katakot! Sinalubong kami ni Mr. Andres. Tinignan yung card ko nung elementary, mag-entrace exam na daw ako at pa-close na ang enrollment. Pumasa naman ako sa sa test. In-enrol ako ni Nanay that same day. Ang bilis ng pangyayari. Dinaan ako ng sarili kong ina sa bilis. Ina, Kasusuklaman ba kita? ang drama ko. Hahaha.

 

St. Anthony Nova School. “Tone.” SANS. Akala ko noon, yung Nova ay abbreviation ng Novaliches. Ang weird kasi nasa Caloocan nga. Yun pala, Nova as in “nova” in Supernova. As in life. Asus, pauso.

 

First year.

 

Pasukan na, umuulan. May mga nakita akong galing din sa Lagro Elementary pero hindi ko ka-section. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng mood ko. Nazareth yung section ko. 20 plus lang kami sa klase kasi kami daw yung mga late enrollees. Diyos ko! Para kaming mga special children na hiniwalay sa Section Capernaum at Canaa na parehong 40+ ang mga students. Nasa Caphernum yung mga doon na nag-elementary at sa Canaa naman yung mga new enrollees, at kami ang mga yagit. 

 

In fairness, tatlo kami nila Cornelio Diccion at Cynthia Daguman sa Top 10 ng buong first year. Yun lang ang maganda kong memory noong first year. Puwede!

 

Eto na yung iba. Bakla yung adviser namin, si Mr. Lonceras. Yung isa kong kaklaseng bakla at yung barumbadong lalaki, nagsaksakan ng ballpen. Naghampasan kami ng dictionary ni Grace Paredes at ni Edlyn Ramirez. Hinubaran ako ni Harold Luna habang nagma-monkey bars sa P.E. Hinabol ko siya at binato ng stick. Tumama sa noo niya, five stitches. Hehehe.

 

Second year.

 

Dalawa na lang ang section. Ephesus at Betlehem. Napunta ako sa section Bethlehem. Grades na daw ang basehan. In fairness, may mga matatalino din naman sa Ephesus. Nahiwalay ako sa mga barkada kong sina Grace at Edlyn. Sina Cornelio, Cynthia at ako lang ang napunta doon. Wala akong ka-chika. Outsider na naman ako. Ako yung baklang maingay pero Top 10, at dahilan ng peklat ni Harold sa noo. Feeling ko, pinagchi-chismisan nila ako.

 

Kahit nasa Betlehem ako, madalas akong chumika sa Ephesus. Ang nakakaloka, yung adviser namin na si Ms. Manipon, nabibingi sa kadaldalan ko. Hindi niya ‘ko type. Binigyan niya ako ng line of 7 sa Practical Arts (Animal Husbandry at pagtatanim ng pechay). Ayun, natanggal ako sa Top 10. Grabe si Ms. Manipon, binabato ako ng chalk. Huhuhu. 

 

Sa Homeroom namin, walang gustong makipag-group sa akin. Dedma! Sumayaw at kumanta ako mag-isa. Ayun, line of 7 na naman ang give ni Ms. Manipon. Okray!

 

Third year.

 

Gethsemane at Sinai.

 

Naiba ang ihip ng hangin. May barkadahan na kasi at medyo close na ang lahat. Yung barkada namin, JR. GEST. Ako ang nag-pangalan. First letters ng mga names namin. Kacheapan! Hahaha. Jonathan, Jocelyn, Raquel, Grace, Gare, Edlyn, Sheila, Teresa. 

 

May mga bagong salta. Si Jorold Montelibano. Ang guwapo. Tisoy! Kaya lang, napunta na agad kay Michelle Manalac. Si Kenneth Libao, ang guwapo din, pero kay Charizma Gonzales naman napunta. Kaya inis ako noon kina Michelle at Charizma. Si Rowena Ingusan, ganda, haba ng kuko at mukhang pokpok. Letter R ang name, pasok sa JR. GEST. Hahaha!

 

Mabait ang adviser namin. Si Mrs. Austria. Siya din ang teacher namin sa Chemistry. Medyo mahigpit lang siya sa attendance. Si Shiela na barkada ko, hinanapan ng excuse letter nang mag-absent. Friday ‘yon, say ni Shiela, “Ma’am sa Monday na lang po, puwede?” Say ni Mrs. Austria, “Monday, Monday never ends.” Hahaha. Quote of the year ‘yon noong third year kami. 

 

Nag-outing kami sa Gubat sa Ciudad. Bongga ‘yon noon pag doon nag-a-outing kasi ang daming swimming pool at giant slides.  Kasama pa namin si Ms. Ferrer na P.E. teacher namin since first year.

 

May teacher kami sa Economics, si Mr. Zapata. Baklang mahaba ang baba. Mataray ang Lola mo. Minsan, pagpasok niya sa classroom namin, ang ingay ng lahat. Say niya, “I can hear your voices from here to Novaliches!” Hahaha. Ano siya si Superman? Lumaban din ito sa quote of the year.

 

Top 10 ako ulit. Ang saya!

 

Mind you, nag-COCC ako sa CAT. Ako lang yata ang baklang nag-COCC at naging officer sa SANS.

 

But wait, bago ang principal namin. Si Ms. Cabrieto. Kapatid siya ng mga may-ari ng school. Matandang dalaga, mahigpit at matapang.  Terror! Barok siya mag-Tagalog kasi laking-Iloilo. Ilonggo at English lang siya fluent. “Some of you here would like to be called real students. But in the corridor, may nagatakbo, may nagasigaw.” So nag-impose siya ng SPEAK ENGLISH WHEN INSIDE SCHOOL GROUNDS policy.  Every time na dumadaan ako sa office niya, nilalakasan ko ang boses ko habang nagsasalita ng English. Ayun, naging favorite niya ko. Hehehe. Ini-announce pa niya ang name ko after flag ceremony, kung saan may daily speech siya na parang si Hitler. Kung alam lang niya na paglampas ko sa office niya, e, super Tagalog na ako at may halo pang gay lingo. Hahaha. 

 

Fourth year.

 

Mas solid na kami. May mga nasa section Vatican na bf or gf ang mga taga-Jerusalem and vice versa. Naging bf ni Teresa ang barkada naming si Dexter at mag-jowa pa din si Michelle at Jorold. Si Kenneth, lumipat ng school kaya naiwan si Charizma. 

 

Si Mrs. Suplido ang adviser naming mga Vatican at si Ms. Condes naman ang sa Jerusalem. Ten Boys sa Vatican, pang-11th ako. Sa Jerusalem naman, mas madami ang boys. Solid din ang barkadahan. Maliban sa JR. GEST, may SEASHELLS, SEMPLIBOYZ, BLOOPERS at madami pang kacheapan. 

 

Meron pa kaming ginawang drama eklat na kalaban namin ang mga third year. In fairness sa mga Junior namin (Batch 90), solid din sila. Madaming bakla sa mga third year at isa lang ako sa amin. Diyosa talaga ako. Hahaha.

 

May nangyaring gulo sa Commandant namin na si Mr. Joven kaya tinanggal siya. Pucha, yung CAT namin, naging parang P.E. pa rin. Baklang P.E. teacher ang pumalit—si Mr. Antonio. Siyempre isa ako sa favorite niya since baklita ako. Okray ang lola mo. Nangjo-jombag ng mga students. Mabigat at mabilis ang kamay. Nagreklamo yung mga third year. Kinausap kaming mga fourth year. Nag-agree ang mga fourth year. Ayun, pinatalsik namin siya. The next day, dumating yung President ng school na ang tawag namin ay Peking Duck kasi nakausli ang puwet. Kinausap ang mga leaders ng SANS People Power from third year at fourth year. Siyempre join ako. Kaloka! Tinakot kaming hindi ga-graduate. Noong time na ‘yon, feeling namin true.

 

Babae ang pumalit kay Mr. Antonio. Si Mrs. Reyes na akala namin buntis kasi ang laki ng puson. Folk dance ang tinuro sa mga boys at Taichi naman sa mga girls. Hahaha. Kacheapan talaga.

 

Natanggal na naman ako sa top 10 dahil sa elective naming Steno ni Ms. Gratil. Kacheapan kasi. Sumugod pa ang Nanay ko sa school. Until now, hindi ko ma-get kung bakit yun ang elective namin. May gumagamit pa ba ng steno ngayon?

 

Sa Caloocan High School sa 10th Avenue kami nag NCEE (National College Entrance Exam). Grabe, ang layo pero ok lang kasi SM City North Edsa na kami lahat pagkatapos. Pag walang pera, sa Bayan lang ng Novaliches ang gimik pero pag may pera kami, SM City North Edsa. Opening pa lang yata, nando’n na kami. Hehehe.

 

Very memorable sa ‘kin ang SANS. Totoo yung kanta ni Sharon, “High school life/ Oh my high school life/ Every memory kay ganda/ High school days/ Oh my high school days/ How exciting kay saya!”

 

Kahit madaming kacheapan ang naganap sa ‘kin sa SANS, nag-enjoy naman ako at naging memorable ang lahat. 

 

Doon ko nakakalimutan na iniwan na nga pala kami ng Tatay ko at mahirap na kami.

 

Doon ako nagsuot ng Combat Shoes (for CAT)  sa P.E. dahil sira na ang rubber shoes ko at wala kaming pangbili. Hindi nila ako pinagtawanan kasi akala nila fashion statement ko lang.

 

Doon ko na-meet ang mga high school barkada ko na nililibre ako ng favorite kong 2.50 twirl ice cream sa tapat ng Tropical sa Bayan. Panay din ang libre nila sa akin ng sine since masaya daw ako kasama. May pa-softdrink at popcorn pa ‘yon. Sa baon kong sampung piso, malabo ako maka-watch ng sine.

 

Doon ko na-meet ang mga teachers ko na madami naman naituro sa akin. Noong college ako, ang galing ko sa Chemistry at Algebra dahil kay Mrs. Austria at Ms. Condes, respectively. Sa English class ni Mrs. Quiambao ako unang umarte sa stage, I mean, sa classroom pala.

 

Doon ako unang nakaramdam na ok lang na bakla ako. Mas nauna pa silang tanggapin ang kabaklaan ko keysa sa Nanay ko.

 

Doon ako unang nagka-award. Presidential Award for having the highest score in the NCEE. Wow! 98 lang naman. Hahaha.

 

Doon ako una nakaramdam ng appreciation, fame at flattery from people na hindi ko kilala. Gandang-ganda at aliw na aliw sa ‘kin ang ibang batch. Hahaha. High school pa lang, artistahin na ako. Ang mga ka-batch ‘89 ko naman ay proud na proud at ka-batch nila ako. Hindi ko naman sila masisisi. Hehehe.

 

Now, after 20 years, madaming nabago sa SANS.

 

Letter “K” na yata ang spelling ng Kalookan.

 

Ang School of St. Anthony sa Lagro na ang tinatawag na “Tone.” Yung mga taga-SANS at alumni ng SANS na lang ang tumatawag ng “Tone” sa alma mater namin. Di hamak na maganda ang facilities ng School of St. Anthony sa SANS pero di hamak din na mas mahal ang tuition.

 

Hindi na mukhang factory ang SANS kasi modern na ang exhaust fan at nasa harap na ng street ang entrance at signage.

 

Hindi na mga lugar sa bible ang mga sections sa SANS. Mga virtues na, like humility and honesty.

 

Artista na ko, abogado na ng Meralco si Cornelio, at nakita ko sa Facebook si Cynthia.

 

Ninang ako ng lahat ng panganay na anak ng JR. GEST girls. Maliban kay Sheila na dalaga pa din until now. Kami na lang ang dalaga sa barkada. Hay…

 

Nasa Amerika na si Harold, happily married at mayaman na. Pero may peklat pa din siya sa noo. Sorry!

 

Nakita ko si Ms. Manipon sa TV. Misis siya ni Master of Pain. Yung naglalagay ng malalaking karayom sa katawan at humihila ng truck. Yung na-feature sa Guinness. Yung panganay nilang anak na babae, binabato (hindi ng chalk) ng dart sa likod. Ouch! At yung bunso nilang lalaki, hinihinto ang umaandar na electric fan sa pamamagitan ng dila. Siya yata ang manager ng pamilya niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maaawa.

 

Bulok na daw ang Gubat sa Ciudad. Huli akong nagpunta doon, puro pokpok ang nakita ko.

 

Nag-Grand Alumni homecoming ang SANS six years ago, ang saya namin. That day pala namatay si Ms. Cabrieto sa Iloilo.

 

Ang ka-batch ‘89 naming police na si Marc Castronuevo na ang Commandant ng SANS ngayon.

 

Until now, punchline ng mga ka-batch ko sa akin ang steno at si Ms. Gratil. Hindi na siya nagtuturo at active na lang daw sa church.

 

Di nagkatuluyan sina Michelle at Jorold pero may dalawang anak sila. Sina Teresa at Dexter, solid pa din at dalawa na din ang anak. Grabe ang tagal na nila.

 

39 years na ang SANS at nabubulok na ito. As in.

 

Nagpunta ako two weeks ago para i-shoot ang school sa ipapalabas naming VTR for our Grand Alumni Homecoming this January 30, 2010.

 

Naiyak ako. Butas ang ceiling, walang flush ang mga inidoro, may anay na ang mga pader, madaming crack ang sahig at walang chemical supplies ang Chem Lab, to name a few.

 

Marami kasing may-ari ang school. Yung ibang board members daw, dedma na at yung iba naman, e, hindi na yata interesado. Bumaba ang enrollment rate dahil nga sa facilities na bulok at madami ng school na bago sa paligid. Kaya walang pondo para sa repairs at paggawa ng ibang facilities. Majority ng enrollees ngayon, e, mga kapatid, pinsan, anak or kapit-bahay ng mga alumni. At the rate it’s going, baka hindi na umabot ng 45 years ang SANS. Kawawa. But I admire the new President, Ms. Andrea Jimenez, for admitting it and asking for our help.

 

Sponsor ang Batch ‘89 sa Grand Alumni on January 30, 2010, Saturday at 6:00 pm. Mahirap pala at ngarag mag-organize ng ganito pero ok lang para sa Alma Mater ko. Tiga-SANS  ako. Ikaw, tiga-SANS ka ba? Attend ka at tumulong para sa SANS. May program, awarding, games, concert, kainan, inuman at chikahan. Darating ang mga ka-batch mo, barkada at dating mga teachers. Tara na! 500 ang with dinner at 150 lang kung wala. May mga food carts naman doon para may mabilhan ka ng pagkain. Ang lahat ng kikitain, mapupunta sa repair at kung may sobra pa, e, facilities para sa Alma Mater nating nabubulok na. Kung nakakapagsalita lang ang SANS, magsusumamo siya sa iyo.

 

Sayang kasi nando’n pa din ang quality of  education. Kahit papaano. Nando’n pa din si Ms. Ferrer at namamayagpag pa din sa pagtuturo ng iba’t-ibang sports. Nando’n pa din si Ms. Juane pero registrar na siya ngayon. At maloka ka, nando’n pa din ang janitor nating si Mang Miguel.

 

Before I end this entry, let me share with you our school hymn. Iba na ang tono ngayon pero same pa din ng lyrics.

 

St. Anthony Nova School

Our Alma Mater, hail to you

You bring us the light of mind.

And the joy of hearts.

We thank you,

dear school.

Our St. Anthony Nova School.

Buti ka pa…

Filed under: Features — admin at 10:16 am on Tuesday, January 5, 2010


Buti ka pa, lagi kong kasama. Pasko, bagong taon, umaga, hapon, gabi at lalo na pag madaling araw.

 

Buti ka pa, anytime na kailangan ko, nandiyan lang para sa akin.

 

Buti ka pa, hindi mo ako sinasabihan ng “nakakapagod kang kasama Sweet!” May mga kaibigan ako na sinabihan ako ng ganyan.

 

Buti ka pa, pinapatawa mo ako. Nakakapagod din kasi kapag ako na lang lagi ang nagpapatawa ng iba.

 

Buti ka pa, pag nagbabaliw-baliwan ako, ok lang sa iyo at naiintindihan mo ako.

 

Buti ka pa, naiibsan mo ang lungkot ko. Pag inaatake ako ng lungkot, ikaw lang ang katapat.

 

Buti ka pa, wala kang jowa kaya hindi mo ako iiwan tulad ng iba kong mga kaibigan.

 

Buti ka pa, forever single kahit puwedeng dalawahan, tatlohan or apatan.

 

Buti ka pa, hindi pera ang habol mo sa akin tulad ng ibang kalalakihan.

 

Buti ka pa, hindi ka sinungaling. Sinasabi mo kung pwede or hindi at kung ayaw mo na.

 

Buti ka pa, kahit nade-delay ka minsan, dumadating ka pa din.

 

Buti ka pa, hindi mo ako ipinagpapalit sa kung sino man. Kaya naman, ikaw pa rin ang gusto ko.

 

Buti ka pa, nandiyan palagi at hindi yung kung kelan lang ako manglilibre or kung kelan suweldo. Hahaha. Alam mo na kung sino ‘yon.

 

Buti ka pa, hindi ka “showbiz.”

 

Buti ka pa, hindi mo ako pinaghihintay sa taping at darating nang parang hindi ako naghintay at parang walang nangyari.

Buti ka pa, matalino. Kaya kahit sikat ka, hindi mo pinipili ang kakausap sa iyo. Boy, girl, bakla or tomboy. Bata at matanda puwede.

 

Buti ka pa, kahit mayaman, hindi mayabang.

 

Buti ka pa, hindi kurakot at hindi mandaraya.

 

Buti ka pa, hindi nangangako sa taong bayan.

 

Buti ka pa, hindi corrupt.

Buti ka pa, hindi ka katulad ng ibang pulitiko. Bwiset ang mga ‘yan!

 

Buti ka pa, kahit may mga kalaban, confident!

 

Buti ka pa, sinasabi mo kung sino ang baguhan, sino ang seryoso at sino ang magaling. At least maayos at alam namin kung saan kami pupunta.

 

Buti ka pa, alam mo ang lahat ng salita. Salamat at pinapaalam mo din sa amin. Ang galing mo!

 

Buti ka pa, hindi pabigat. 

 

Buti ka pa, hindi nangungutang na parang obligasyon ko na pautangin ka.

 

Buti ka pa, hindi tamad. Kahit sabay-sabay kami, kaya mo. 

 

Buti ka pa, International. Kahit sa iba’t-ibang bansa, puwede kang gamitin—London, India, Thailand at marami pang iba. Wow!

 

Buti ka pa, pinagtatagpo mo ang mga taong hindi magkakakilala. Kahit pa yung iba, taga-ibang bansa at hindi namin kilala.

 

Buti ka pa, inaabisuhan mo ako pag mali ang ginawa ko.

 

Buti ka pa, pinupuri mo ako pag tama at bongga ang mga ginawa ko.

Buti ka pa, madaming naituturo sa akin. Feeling ko nga tumalino ako dahil sa iyo.

 

Buti ka pa, nandiyan pag bored ako. Nakakaaliw ka kasi talaga!

 

Buti ka pa, nandiyan pag hindi ako makatulog.

 

Buti ka pa, nandiyan pag bad mood ako at nalulungkot.

Buti ka pa, nandiyan at nagpapaasa sa akin na puwede pa akong manalo sa laban.

 

Buti ka pa, naiintindihan mo ako.

 

Buti ka pa, kahit tinitira kita, ok lang sa iyo. Tira lang ng tira kahit paulit-ulit! Patira ulit ha. 

 

Buti ka pa, may tumitira sa iyo, sa akin wala. Huhuhu.

 

Buti ka pa, kahit mali ako, hindi mo ako pinagtatawanan. Maayos mong sinasabing mali ako na may kasama pang abiso.

 

Buti ka pa, binibigyan ako ng pagkakataon na dumiskarte ng gusto ko at palagay kong tama.

Buti ka pa, sumisigaw ng “BINGO” kapag nakagawa ako ng “BONGGA!” May music pa.

 

Buti ka pa, binibigyan mo kami ng pagkakataon na magbuhat ng bangko at malaman ng ibang tao. Panay nga ang yabang ko lately dahil tinatanong mo ako kung gusto ko magmayabang. Hehehe.

Buti ka pa, puwede kahit pag-antayin namin nang matagal. “Patience is a virtue” siguro ang motto mo.

 

Buti ka pa, hindi “stress” sa buhay ko!

 

Buti ka pa, kahit isang tira lang puwede na akong manalo sa laro.

 

Buti ka pa, dinodoble or triple mo ang ambag ko sa laro. Salamat ha.

 

Buti ka pa, binibigyan mo ako ng chance na purihin ng iba. Nakaka-flatter.

 

Buti ka pa, hindi nagagalit kahit matagal ako. Yung iba lang kasi nagmamadali. Bwiset! Salamat nga pala at may choices ka pa ng oras. 

 

Buti ka pa, kahit may nag-cancel sa akin, nag-forfeit or tuluyan na akong natalo, puwede pa ulit. Salamat sa chances.

 

Buti ka pa, SCRABBLE. Buti ka pa. Salamat at nakilala kita.

 

Mabuhay ang SCRABBLE sa facebook!

 

Happy New Year to all!

Twilight Zone

Filed under: Features — admin at 11:00 pm on Monday, November 23, 2009

Favorite ko ang Twilight Zone sa Channel 2 noong araw. Every Friday ‘yon ng 7:00 p.m. Iba’t-iba yung story nila na puro kakaiba. Minsan, nakakatakot but most of the time, mga weird, unexplained or peculiar (nakita ko sa Sesame Street) na mga pangyayari.

Meron silang episode na tungkol sa dalawang mag-asawa na bigla na lang na-trap sa loob ng bahay nila. Pagbukas nila ng pinto at bintana nakaharang ang isang malaking kulay blue na pader. Maski sa ceiling, nang gibaiin nila, nando’n pa din yung kulay blue na pader na sobrang tigas. Ang ending, mga dolls lang pala sila sa dollhouse ng isang bata, na nilagay sa blue cabinet yung doll house niya.

Meron pa yung Boogeyman. Lumalabas siya do’n sa ilalim ng kama no’ng bidang bata. Say niya palagi sa bata, “I am the Boogeyman. I will never harm the person in which his bed I live.” So nasanay na yung bata kaya, hindi na natatakot kahit may mga balita na pinapatay ng Boogeyman ang mga bata sa park nila. May isang nagbu-bully doon sa batang bida. Niyaya niya yung bully na magpunta sa park ng madaling araw para malaman daw kung talagang matapang. True enough, lumabas yung Boogeyman, tumakbo yung bully. Smile lang yung bida, bigla siyang sinakal nong Boogeyman. Say niya sa Boogeyman, “I thought you will never harm the person in which his bed you live? You live in my bed.” Say ng Boogeyman, “I am the Boogeyman from someone else’s bed…” Inay ko po!

Pag nakakarinig ako ng mga bagay na weird or kakaiba, naaalala ko ang Twilight Zone.

One time sa Greenbelt. Watch ako ng last full show which I normally do. Malapit na magsimula yung sine so nagmamadali na ako. May dalawang bakla sa harap ko. Sila na ang bumibili. Pucha nagtatalo pa kung ano ang papanoodin. Nang mapagkasunduan, pinagtalunan naman ng mag-sisters kung saan uupo. So kapwa bakla naman, kinausap ko sila. “Mga sisters, bilisan natin. Late na tayo!” Natapos na sila, so finally ako na. Pucha, bumalik yung isa. Yung mas bakla pero kalbo. Hysterical siya, “Don’t you dare do that to me again!!!” (sabay irap at walk out). Ha? Saan galing ‘yon? Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya. Weird!

Tuwang-tuwa ako nang mag-open ang TriNoma. Malapit lang kasi sa bahay ko. Hindi ko na kailangang pumunta sa Greenbelt, Makati or Eastwood para maka-watch sa magandang sinehan. Since Ayala din ang TriNoma, sure akong maganda. Pucha, bago pa lang ang Trinoma, sira na agad ang escalator doon sa ground floor na lagi kong pinapasukan. Ang aircon, parang mahina. E, di ba bago lang? E, di ba Ayala ito? Weird!

Kumain ako sa Chowking Trinoma last Saturday. Ang bongga ng Chowking kasi salamin ang cover ng kitchen kaya kita mo ang pagluluto ng mga kusinero nila. Pero nagulat ako kasi nasa gitna yung counter nila kung saan ka mag-o-order. Hala! Yung kuhanan ng dessert at mga drinks nasa tapat ng counter. So tatawid pa yung mga kumuha ng order para kumuha ng drinks. Kaloka!

Sa Robinson’s Galleria kami nagwa-watch ng mga bakla ng mga FOR ADULTS na movies. Doon lang kasi pinapalabas ang Indie movies na may gay theme at hubaran. Kaya pag may showing na baklaang movie, takbo kami agad sa Galeria. Pero napansin ko, ang tagal ng sira nong escalator paakyat sa Cinema 8. Doon pa naman lagi palabas ang mga movies namin. Hingal-kabayo ang mga bakla paakyat. Kaloka! Napakatarik pa naman ng escalator na ‘yon. Eto mas weird, kapag FOR ADULTS ang movie, maraming bakla ang nakatayo lang sa likod kahit marami pang upuan. Bakit kaya?

Madalas ko makita ang isang actress sa mga showbiz gatherings at mga TV guestings niya. Nakikita ko din siya sa mga magazines at newspapers. Mahaba ang buhok niya na lampas lang ng konti sa balikat niya. May bago siyang shampoo commercial. Ang buhok niya na nakatrintas pa, hanggang bewang. Paano nangyari ‘yon? Kakatakot!

Sigurado akong hindi naka-graduate ng college yung isang actress. Laking gulat ko nang makita ko ang picture nya sa isang chipipay na school at naka-nurse uniform pa. Yung isang actor naman, sa pang-mayaman na school nag-graduate pero naka-pose siya sa ad ng isang mumurahing unibersidad. Peculiar.

400 years na ng UST o University of Sto. Tomas. May kick-off program this December. Kaibigan ko ang isa sa organizers. Tinawagan niya ako kung pwede ba daw ako mag-intermission. Monologue ko tungkol sa buhay college days ko sa USte na nakakatawa ang gusto niya. Nag-agree naman ako. May bayad naman daw pero small budget lang. Kung maari daw sana ay pumayag na ako kasi pinaglaban niya ako sa mga pari para mag-guest. Nag-”yes” naman ako agad kasi kaibigan ko nga siya at Thomasian naman ako. Tinanong ko siya kung sino ang host. Binanggit niya ang name ng isang magaling na TV host pero hindi Thomasian. I asked her kung bakit ‘yon, say niya, “Requested ng mga Pari.” Ano? Ako na proud Thomasian, ipinaglaban pa, yung hindi taga UST-nirequest. Weird!

Um-attend ako ng celebrity premiere ng New Moon last Thursday sa SM The Block. Nag-outfit ako nang bonggang-bongga. Paglakad ko sa red carpet, pinagkaguluhan ako ng mga paparazzi at mga  camera ng iba’t-ibang shows. Nagpa-picture din ang ilang fans na nasa labas ng red carpet. Nakita ko din ang ibang kapwa ko Kapuso stars. Maski na ang mga baguhan na less than three months pa lamang. Pag-uwi ko sa bahay, nag-watch ako ng isang news program. Ipinakita ang celebrity premiere ng New Moon sa The Block. Mainit-init pa. Binanggit at ipinakita ang lahat ng Kapuso Stars na nadoon (kasama yung mga baguhan), maliban sa beauty ko. Kinapa ko agad ang sarili ko kasi baka multo na lang ako. Katakot!

May kasama si Manny sa kotse pero hindi daw si Jinky. Nasa Las Vegas din daw ang pamilya ni Krista. Umiyak si Jinky sa misa. Cold si Jinky sa pag-kiss kay Manny. Pinag-uusapan sa buong sulok ng Pilipinas. Bulung-bulungan sa call center habang coffee break, sa parlor habang nagpapa-manicure-pedicure-kulot, sa school habang recess at sa batis habang naglalaba. Pero sabi ni Manny, wala naman daw silang problema. Twilight Zone! (tinin tinin tinin tinin…)

Nationalistic yata Ako!

Filed under: Features — admin at 2:39 pm on Sunday, October 18, 2009


Nationalistic yata ako.

 

Kaya I really don’t mind na hindi ako kagalingan mag-English.

 

Kahit anong klaseng kabwisitan ang meron dito sa bansa natin, gusto ko pa rin dito. Pag nasa ibang bansa naman ako, sa mga Pinoy pa rin ako sumasama. At home kasi ako with them. 

 

Pag may nami-meet akong Pinoy na hindi na marunong mag-Tagalog, dahil hindi na sanay, naiinis ako. Pero pag may mga foreigner naman na nag-aaral ng Tagalog, tuwang-tuwa ako. To name a few, tignan niyo sina Akihiro Sato at Daiana Meneses ng Eat Bulaga.

 

Parada pa lang ng Philippine Team sa Olympics at Sea Games, umiiyak na ako. Kahit deep inside alam ko naman na konti lang ang medalya na maiuuwi nila para sa bansa natin. Wala daw kwenta ang suporta ng gobyerno sa sports. Hay!

 

Saludo ako sa mga boksingerong Pinoy, na laki na sa ibang bansa, pero hinahawakan pa din nila ang Philippine flag. Kahit National Anthem na ng nire-represent nilang bansa ang kinakanta, proud pa din sila sa lahing Pinoy. Sabagay, karamihan sa kanila, sarat ang ilong.

 

Tinatawag pa lang si Manny Pacquio papasok ng ring kinikilabutan na ako. Pag kinanta na yungLupang Hinirang lalo na akong nagiging emotional. Kahit pa yung Jennifer Bautista na walang kakwenta-kwenta ang pagkanta, natawa na lang tuloy ako habang lumuluha noong tuluyan na siyang pumiyok. Pero pag naririnig ko ang mga intriga tungkol kay Manny, lalo akong naiiyak. 

 

Tumulo ang luha ko habang pinapanood sa isang post sa Facebook, ang isang French choir sa New Jersey, USA, na kumakanta ng “Bahay Kubo.” Sinundan pa ‘yon ng isang choir naman sa Los Angeles, USA, naRosas Pandan naman ang kinanta. My God, puti silang lahat. May accent pa nga ang pag-pronounce ng talong. Ang bongga!

 

Pag pinapakita yung music video ng mga Pinoy, na tulung-tulong sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, naiiyak ako. Nare-realize ko kasi na may pag-asa pa itong bayan natin kahit anong delubyo at politikong demonyo na ang sumugod. Basta tulung-tulong!

 

Panay ang boto ko kay Efren Peñaflorida doon sa CNN Heroes. Vote niyo din please. Grabe ‘yang kababayan natin na ‘yan. Nagtuturo sa mga batang lansangan na walang pang-aral. Kaka-proud! Maski ‘tong girl na si Fathin Amira na sumali sa Singapore Idol, e, parang gusto ko na din iboto. Kumanta ba naman ng “Bakit Pa” ni Jessa, e, halatang laking-Singapore na. Dinedicate pa niya ang kanta sa mga nasalanta ng bagyo. Wow!

 

Bata pa ako noong unang EDSA People Power pero pag pinapakita yung mga video at picture na humaharang ang mga madre at pari sa mga tangke, pucha, teary-eyed ako. Kaya noong pangalawang EDSA, sumali na ako. Naiisip ko lang, diba doon naluklok si Gloria? Ayan, mas teary-eyed tuloy ako.

 

Simula nang maging botante ako, lagi na akong bumuboto kapag election. Halos lahat naman ng binoboto ko, nanalo. Yung iba naman nadadaya. Kawawa naman.

 

Proud na proud ako sa mga Pinoy film makers na nanalo sa ibang bansa. Masaklap nga lang na ang mga pelikula nilang nanalo ay hindi kumita or kikita sa ating bansa kapag pinalabas na. Kasi nga, kulang daw sa budget kaya di masyadong sikat ang arista at walang pang-romote. Nagtataka naman ako, bakit hindi gumawa ang mga malalaking kumpanya ng mga gano’ng pelikula? Ah, siguro mas kaunti ang budget, mas determinadong gandahan ang paggawa ng pelikua na pang-International Awards. Ayun. Siguro lang, ha. 

 

Noong inokray ni Teri Hatcher sa Desperate Housewives yung doctor niya na nagsabing baka menopausal na sya at ang hirit niya wa something like, “Maybe you got your diploma in some medical school in the Phillippines.” Pucha, uminit talaga ulo ko. Nakisama ako sa mga threads sa internet at nakimura na din sa writer at kay Teri Hatcher na din. Nag-isip pa ako ng mga wagi na English, as if naman, mababasa ni Teri. 

 

“Teri, you are a bitch! You are a has-been. Because of Desperate Housewives, your dead career was resurrected, skinny bitch! Don’t you show your face here in the Philippines or I will let the Abu Sayyaf rape you while watching reruns of your has-been show Louise and Clark. And tell your freaking creator, Marc Cherry, that he is a fat, ugly, bald gay—like this somebody I know here. Sh*it, I’m so fucking mad!!!” Parang ganyan yung mga pinost ko. Hahaha. Mukhang tanga.

 

Noon naman lumabas sa isang Comedy Show sa Europe yung Pinay na katulong na ginagawang sex toy ng amo nya, hindi na ako nagalit. Naawa na lang ako doon sa kababayan nating umarte. Kawawa talaga, kasi alam ko kahit joke ‘yon, nangyayari talaga sa ibang bansa.

 

Kahit type na type ko si Alec Baldwin sa 30 Rock, nainis ako sa joke niyang, “I want a Filipina mail order bride!” Magaling lang talaga yung show nila kaya pinapanood ko pa din. Hay, kelan kaya magkakaroon ng mala-30 Rock dito sa pIlipinas? Yung dialogue pa lang, nakakatawa na. 

 

Yung kaibigan ko kasing Palanca winner na si Chris Martinez (na siyang sumulat ng Kimmy Dora, ang hit movie ng Comedy empress na si Eugene domingo), ayaw magsulat sa TV. Mga network, kunin niyo si Chris. Lakihan niyo ang TF at huwag biguan ng stress masyado para pumayag. (Parang yung nabalitaan kong executive na nagpa-revise ng drama script nang bongga sa mga alagad niya, e, siya mismo walang drama sa buhay). Pwe! Basahin nyo yung play ni Chris ”Sabado sa Sam’s” at “Last Order sa Penguin” to name a few. Nakakatawa. Basa pa lang ‘yon ha, kaya imagime niyo na lang nung gawin naming play. Ibang comedy writer din kasi dito, ang bobobo. Sila mismo, hindi natatawa sa ginagawa nila. O, di lahat, ha. Relax! 

 

Ayan, uminit na naman ang ulo ko! Ako tuloy yung hindi na-relax…

 

Naalala ko tuloy ‘tong si Terry (oo nga, Terry din pala name noon) na kababayan nating sumali sa Amazing Race Asia. Ka-team nya yung mister niyang Egoy. Pucha kawawa yung mister. Squating ‘yong kababayan nating si Teri. Mura at sigaw ang inabot noong asawa na pagkabait-bait. Pinapakita lang daw ng bruha ang tunay niyang emotions. O sige na, e, gaga ka pala, Pilipinas ang team na nire-represent mo at napapanood ka sa ibang bansa. Le*se! Isipin tuloy ng iba, bungangera ang mga Pinay.

 

(Editor’s note: We got the chance to talk to Terry last year, and she felt really unhappy that she was portrayed that way. She said, “They only showed a portion of the entire thing I said. People didn’t know the context, what happened,…They only captured the part where I was screaming and shouting!”)

 

Parang si Aubrey at ka-team mate niyang si Jackie Yu na puro pagre-retouch ng make-up ang ginagawa. Baka akalain ng ibang bayan na makaka-watch na lahat ng babae sa bansa natin ay ganoon umasta. Ayan, natalo tuloy sa kaka-retouch. Hehehe.

 

Nabigyan ako ng pag-asa nina Mark Nelson at Rovilson Fernandez noong sumali sila. Pucha, si Rovilson, hindi alam ang flag ng mga pinuntahang bansa. Puro gimik at pagpapa-pogi kasi ang inatupag. Bwiset! Pasalamat ‘tong si Rovilson at nal*l*bugan ako sa kanya. Actually, kay Mark din, huwag lang magsalita.

 

Finally, itong si Geoff Rodriguez na dating Power Boy at si Tisha Silang naman na dating beauty queen ang sumali. Noon ko lang nalaman na mag-syota pala ang dalawang ito. Di ba every batch ng Amazing Race may pair na laging nag-aaway? Sa batch nila, sila ‘yon. Okray! Kahit Philippines ang niri-represent nila, natuwa ako na hindi sila ang nanalo. Buti nga.

 

Yung mga susunod na Pinoy na sasali sa Amazing Race at iba pang contest na nire-represent niyo ang bansa natin, please naman umayos-ayos kayo! Utang na loob! I’m watching you. Nationalistic yata ako!

 

Teka nga at kakanta muna ako ng “Lupang Hinirang” at “Bahay Kubo” para kumalma. 

 

Anyway, highway, by the way, this is my 121st entry as we enter the year 3 of Korek ka John! Let’s make it more interesting. I will answer, react or even explain to your comments in the Comments section, which can be found at the lower part of each entry starting this one (Nationalistic yata Ako).

I will be using Korek ka John! as my username. It’s this blog’s title anyways so huwag na po kayong mag-attempt na gamitin din ‘yon. Nakatimbre na po ito sa ating Tech Team. This is it! Enjoy! 

 

Happy 2nd Anniversary, Korek ka John!       Welcome all to year 3! 

Magugunaw na ang Mundo!

Filed under: Features — admin at 12:06 pm on Tuesday, October 13, 2009


Global warming, giyera, recession, lindol, bagyo at baha…Magugunaw na yata ang mundo.

 

Kaya kapag nakakarinig ako ng balita tungkol sa mga katarantaduhan ng ilang artista, nalulungkot ako at nagagalit. 

 

May isang “action star” na tinutukan daw ng baril ang isang editor dahil gusto nang umuwi ng puyat na editor. Hindi naman na nagsuplong sa kung saan ang pobreng editor dahil sinabihan daw siya ng mga boss niya ng, “Pagpasensiyahan mo na.”

 

May isang “actress” na mayaman na nga ang kanyang asawa, kumabit pa sa isa pang mayamang pulitiko. Ang nakakaloka, corrupt si pulitiko at nagnanakaw ng pera ng bayan. So, ang mga pang-mayamang gamit na binibili niya para kay actress, e, galing sa mga Pilipino. Kaya pag nagmamayabang itong si actress, kinikilabutan ako.

 

May isang “starlet” na ganda at katawan ang puhunan para magkapelikula at pera. Wala siyang pakialam kung may asawa na ang kanyang pinapatulan or pulitiko na ninanakawan ang kaban ng bayan. Pinagsasabay-sabay pa daw nito minsan ang mga sponsors niya. Magkasakit sana sa puk*. Bwiset!

 

May “award- winning actress” ang hindi sumisipot sa taping dahil wala siya sa mood. Mas gusto niyang kasama ang kanyang boyfriend na adik. Dedma siya kung mag-antay ang mga tao sa set ng kanilang taping. As in dedma siya! Lahat na yata ng bisyo nasa kanya. Kaya siguro magaling. Ayun, kaya yung isang superstar na kilala ko magaling din umarte, madami kasing bisyo. Hahaha.

 

Sa dami ng taong talented at may hitsura naman, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon na maging artista…

 

Sa dami ng taong nagugutom ngayon…

 

Sa dami ng kalamidad na dumating at darating…

 

Sa dami ng nagsasabing magugunaw na daw ang mundo…

 

May mga artista pang ganito…Mga p*tang ina ‘yang mga ‘yan!

 

(Hingang malalim…inhale…exhale…relax…pray…sssss…)

 

Pero balanse talaga ang buhay.  Kung may lungkot, may ligaya; kapag may good, may bad; kapag may sad, may happy.; at may artistang tarantado at meron din namang mabait.  Mga artistang dapat tularan at gawing inspirasyon. Mga artistang dapat suportahan at mahalin. Mga artistang dapat palakpakan at ipagdasal na sana dumami pa ang tulad nila.

 

Pag nakikita ko ngayon si Diether Ocampo, niyayakap ko siya at kinakamayan. Yakap na kapalit sa kabutihan na ginagawa niya sa kanyang Kids Foundation. Maraming artista ang higit na sikat at mayaman kay Diet pero wala silang foundation maliban sa nilalagay nila sa mukha nila. Kamay, bilang pagsaludo na maliban sa pagiging actor, e, businessman din siya. Isa pala siya sa may-ari ng Uno magazine. Pucha, nasaksihan ko ang simula ng kanyang career at alam ko kung saan siya nagmula. Hindi ko maalis na humanga.

 

Sa susunod na makita ko si Diet, hindi lang yakap at kamay ang ibibigay ko, pati katawan ko na. Sana tanggapin nya. Hahaha. But in fairness, may mga artistang may tinutulungang foundation pero ayaw ipaalam. Puwede na din.

 

Paghanga at awa ang nararamdaman ko pag nakikita ko si Rhian Ramos. Paghanga, dahil bukod sa maganda, may talent ang batang ito. Paghanga na mas minabuti niyang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo keysa magpa-birthday party sa kanyang kaarawan last week.

 

At awa, dahil sa kahit anong gawin nya, may mga matatabil ang dila na sinasabing “pamangkin kasi ni Yda Henares kaya nabibigyan ng break.” Maryosep! Pero siguro, dito nanggagaling ang motivation ni Rhian, para lalong galingan ang pinasok niyang buhay. Siguro tulad ko, may mantra siya na, “Mapagod kayo sa kakalait sa akin.”

 

Dalawang aktress ang gustung-gusto ko. Isang taga-Kapamilya at isang taga-Kapuso. Parehong maganda at parehong talented. Ang daming kayang gawin. Deserving maging artista. Hosting, dancing, singing, acting, comedy, drama—lahat! ‘Tapos, talented na nga at magaganda, busilak pa ang mga puso sa pagtulong sa kapwa. Gusto ko silang maging kaibigan, maliban sa idolo ko sila. Toni Gonzaga at Iza Calzado, dumami pa sana ang tulad ninyo. Kaya naman happy na ang mga career, happy pa ang mga love life. Gift ‘yan ni Lord, enjoy!

 

Madalas kong sabihin na gustung-gusto ko si Gerald Anderson. Guwapo, talented at nagbibigay-pugay sa nakakatanda. Pucha, nang malaman ko na tinulungan niya ang mga kapitbahay niya sa Vista Real noong kasagsagan ng baha na dulot ni Ondoy, e, lalo akong humanga.

 

Tuluyan ng bumalik ang peace of mind ko nang malaman ko na hindi naman pala naapektuhan ng baha ang bahay nila. Weird kasi, pantay naman daw ang kalye nila sa kalye ng mga kapitbahay niyang binaha. Hindi yata pantay ang lupa. Buti na lang at hindi rin pantay ang mga tao. May artistang gago at may artistang katulad ni Gerald.  Isingit ko na din dito si Jericho Rosales na naging makabuluhan ang hilig sa surfing. 

 

Pero itong si Raymart Santiago ang bongga! Walang picture or video na kumalat pero 11 hours daw tinulungan ni Raymart ang kanyang mga kapitbahay sa Loyola Grand Villas na nasalanta ng bagyo. Binaha din naman sina Raymart pero matapos malikas ang pamilya niya sa second floor ng kanilang bahay, lumabas na siya at tumulong sa pagsagip sa kanilang mga kapitbahay na may second floor din naman pero binaha hanggang third floor. Triathlete pala itong si Raymart kaya napakahusay lumangoy. Ito yung action star na nanunutok ng tulong at hindi ng baril. 

 

Nakakaloka ang ginawang pag-rescue ng mag-asawang Ryan at Juday sa kanilang kumareng si Gladys Reyes. Wala ang mister ni Gladys na si Christopher Roxas nang bumuhos si Ondoy. Tanging mga kasambahay at dalawang anak na paslit ang kasama ni Gladys. Mula sa kung saan ay dali-daling pinuntahan ng mag-asawang Agoncillo ang bahay ni Gladys sa Cainta. Matapos sagipin nina Ryan at Juday ang pamilya ni Gladys, sumagip din sila ng mga taong hindi nila kilala. God bless them!

 

Panalo ang ginawang Fashion for a Cause ng mga kapatid ko sa Star Magic last Sunday, ika-11 ng Oktubre, sa ABS-CBN. Rumampa sila na suot ang mga damit ng mga kilalang designers ng bansa. Kahit chaka ‘yung ibang damit, maganda naman ang adhikain. Mabuhay din ang mga designers na ‘yan! Gusto ko nga sanang sumali, bilang Star Magic artist pa din ako, pero ipapalabas daw kasi sa TV. Sabi ko naman, I’m sure GMA-7 won’t mind kasi charity naman. Anyway, malaki ang kinita ng event pero para sa akin mas malaki ang puso ng mga sumali at nag-organize. Bravo!

 

Sa mga artistang nagpadala ng tulong (pera at relief goods). Sa mga artistang tumulong mag-repack at maglinis. Sa mga artistang nagbigay ng oras at pagmamahal. Mabuhay kayo! 

 

Kapag nakakarinig ako ng mga artistang tumutulong sa kapwa at sa mga kapus-palad, natutuwa ako at humahanga. Mga artistang kusang loob ang pagtulong at hindi gimik or gawa-gawa lang para sa ikagaganda ng image. Mga artistang bukal sa loob ang pagtulong kahit hindi hinihingi. Mga artistang masarap mahalin at hangaan, hanggang sa magunaw na ang mundo! 

The Comedy Empress

Filed under: Features — admin at 2:32 pm on Tuesday, September 8, 2009


Bagong pasok ako sa ABS-CBN when I saw my college friends Andoy Ranay and Roy San Luis.  Magkaka-batch kami noong college at sabay-sabay kaming sumali sa Teatro Tomasino. I found out na kaya pala hindi na sila nag-graduate sa UST kasi nag-transfer sila sa UP Diliman and took up Theater Arts.  It was there na nakakilala sila ng mga bagong kaibigan, na eventually naging mga kabarkada ko na rin—sina Candy Pangilinan, Harlene Bautista, Rico Gutierrez, Eugene Domingo, to name a few. May mga bago akong mga kaibigan. Ang saya!

 

Sa Sam’s Diner kami nagkikita almost every night.  Tambayan ng mga theater people ang Sam’s.  Very memorable sa akin ang lugar na ‘yan sa tabi ng Delta Theater.  Diyan ko unang nakilala ang Chicken Aoli, si Jo-Ann Maglipon at si Eugene Domingo.  Uge ang tawag namin kay Eugene.  Eugenia ang tunay niyang pangalan.

 

Kasama ko sina Harlene, Candy at Andoy the first time I met Uge sa Sam’s.  Over ang closeness naming apat that time, to the point na every day magkasama kami (sometimes with Rico Gutierrez na siyota pa ni Harlene noon).  Kasama pa ni Uge sina Ge Malacaman at Joel Saracho na mga kaibigan din namin.  Lahat sila magkakaibigan at mga miyembro ng Dulaang UP. 

 

Naka white T-shirt at maong lang si Uge.  Mahaba ang hair niya at medyo dry.  Nang ipakilala ako nina Candy, Harlene at Andoy kay Uge, buong sigla niya akong niyakap sabay sabing, “Ikaw pala yung John Lapus, Diyos ko!”

 

Naikuwento na pala ako nina Harlene sa kanya at ang aking pagmamahal sa aking “first love” na kilala din niya.  Niloloko pa ako ni Uge kay Ge at Joel dahil meron daw kaming something in common.  Hahaha. Ang saya!

 

Instant ang rapport namin ni Uge.  We have so many things in common.  Iisa ang sense of humor namin at takbo ng utak.  Pareho kaming galit sa bobo, madaling ma-stress at minsan masungit, to name a few. 

 

“Ma” as in Mama ang tawag sa kanya ni Harlene kaya naki-”Ma” na rin ako kay Uge.  Para kaming sitcom ni Uge pag nakita niyo kaming mag-usap.  Nakakatawa ang mga true to life na experience namin. 

 

Sa sobrang enjoy ko sa company ng mga friends ko from UP, sumali na din ako sa Dulaang UP.  First play ko with them yung SAKURAHIME ni Anton Juan.  Ang saya namin sa play na ‘yan kasi magkakasama kami nina Uge.  Baklang Japanese ang role ko na entertainer sa isang Omise (club) na puro mga Pinay ang entertainers.  May isang eksena na big night, at nag-iiba-iba ako ng mga costume sa scene na ‘yon every performance.  Ginugulat ko talaga ang ibang cast.  Minsan Dyesebel, Lion King at minsan pa, Darna. One time, Tinkerbelle ang costume ko.  May suot talaga akong pakpak.  I’m sure magugulat at mapapatawa ko na naman sila. 

 

Pasalubong ang blocking namin ni Uge (na madre naman ang role) sa scene na ‘yon.  Pa-exit siya, pa-enter naman ako.  May fog machine ang salubungan namin kaya walang nakakita.  Hinampas ako ni Uge, sabay say ng, “Ang laking lamok!” Pagsindi ng ilaw, tawa ako ng tawa.  Hahaha.  Ako ang nagulat at natawa.  Kaloka! Nakahanap ako ng katapat. Ang saya!

 

May play naman kami sa UP Theater Council.  Last Order sa Penguin sa Faculty Center ng UP.  Every 15 to 20 minutes ang interval ng aking entrance sa scenes na kasama ako. Pag hindi ko pa eksena, nakakatulog ako sa backstage kaya ginigising na lang ako ng stage manager pag ako na. 

 

Si Uge, sa harapan umupo, as in malapit sa tatayuan ko.  Pagpasok ko sa eksena na kumakanta pa, dinig na dinig ko ang litanya ni Uge na, “Naku paos ang bakla, siguro natutulog backstage.” Natawa na naman ako.  Imbyerna!  Hindi nagpaawat si Uge the next day.  Hindi ko alam na nag-watch siya ulit.  Nalaman ko na lang kasi bigla niya akong ginising habang natutulog backstage.  Say niya with matching kalabit, “Huli ka, sabi ko na nga ba natutulog ka, e.” Hahaha. Ang saya!

 

Ginawa din niya sa ‘kin ‘yan sa play naming Temptation Island Live! sa Republic of Malate years ago. Sa harap siya umupo at sa eksenang umiiyak ako, tinatapat niya ang bibig niya sa akin sabay bulong ng, “Ang husay ng anak ko. Ang galing.” Sobrang pigil ako sa pagtawa, lalo akong naiiyak. Huhuhuhahaha. Baliw pero masaya!

 

Binalak kong gawin din sa kanya ‘yon sa play nilang The Women sa Guerrero Theater. Hinahantay ko siyang mapatingin sa kung saan ako nakaupo. Nakaisa ako. Umiwas ang bruha. Ang punchline, nakatulog ako sa kalagitnaan ng play. Ako ang nalagot pagkatapos. Huli!

 

One time, nagkita kami sa labas ng isang dressing room sa ABS-CBN. Binisita ko kasi yung artista na inaayusan doon. Siya naman, may dubbing ng Telenovela. Chika-chika, landian, tawanan. Biglang lumitanya si Uge nang pagkalakas-lakas, “At sino naman ang babaeng minimake-upan na ‘yan?!” Naka-side view kasi yung girl kaya akala daw niya ang friend niyang si Cherry Pie Picache. Mabilis ang pangyayari kaya di ko na siya napigilan. Sumagot yung artista, “Ay, ako po ito.” Natulala si Uge at namutla naman ako. Si Sharon Cuneta ang artistang ‘yon. Matapos ko siyang pagalitan at matapos niyang magpaliwanag, nagtawanan na lang kami. Ang saya!

 

Minsan birthday ko. In-invite niya ako sa apartment niya at ipagluluto daw niya ako ng pansit. Ang sarap! After namin mag-lunch, umalis muna ako kasi may meeting pa ako. Bumalik ako ng before dinner at nag-inuman kami. In-offeran niya ako ng tirang pansit. Say ko, “Ayaw ko! Pansit na kanina, pansit na naman ngayon!” Nalasing ako. Nakita ko siyang kumakain ng pancit, nakikain ako. Naubos namin ang pansit at naubos ko ang kaning lamig ni Eugene. Food trip! Say niya, “Ayaw mo pala ha!”

 

Birthday ni Candy Pangilinan. Sabay-sabay kaming nag-dinner nina Uge, Carmina at Gelli sa bahay nina Candy. Ang sarap! Saging con hielo ang dessert. Si Uge ang naunang kumain. Saging, yelo ‘tapos gatas. Yummy!

 

Si Carmina naman ang sumunod. Paglagay ni Mina ng gatas, say niya, “Ay! Mama Cands, namumuo na yung gatas. Expired na yata.” Magaling tumingin ng expired na gatas si Mina, panatag kasi.

 

Napatingin kaming lahat kay Uge na sarap na sarap sa saging con hielo niya. Say ni Uge, “Ha? Ok naman. Nakaubos na nga ako ng isa.” Doon na lang namin nakita na buo-buo na din ang gatas na kinakain niya. Say niya ulit, “Hindi ok talaga.” This time, namumutla na siya. Na-confirm naming lahat na panis na nga ang gatas.

 

Say ni Uge, “Ah, panis ba?” Humagalpak na lang kaming lahat sa kakatawa. Opo, si Eugene Domingo ang nag-iisa kong kaibigan na kumain ng panis na gatas. Hahaha. How ironic na endorser si Uge ngayon ng gatas. Pro! Ang saya, di ba?

 

Iniwan ako ng boyfriend ko. Pinagpalit ako sa ibang bakla. Nalungkot ako, na-depress, nabaliw. Nag-emote ako sa ilang kaibigan pero wala silang magawa at lalong wala silang ginawa. Tuwing magkikita kami ni Uge, nag-e-emote ako sa kanya. Hindi ko namamalayan na paulit-ulit na pala ang kuwento ko. Walang hanggang emote, angst at kabaliwan. One time, sabi ni Uge, magkita daw kami. Pumayag naman ako. Dinala niya ako sa psychiatrist. Binayaran niya ang first session. Nawala ang lungkot ko, depression at kabaliwan. Muli akong sumaya! 

 

john1.jpg

john3.jpg

john4.jpg

john2.jpg


Si Eugene ang date ko sa Star Magic Ball last August 30. Late na kami kasi inantay ko pa siya dumating mula sa Kimmy Dora mall show sa SM Molino. Late na sila nag-start kasi nanggaling pa si Uge sa Showbiz Central na late na din nag-start dahil sa boxing.

 

Mga 9:30 p.m. na kami nakababa from our room sa Shangri-La. Nag-start na ang program. Wala ng tao sa lobby kaya papasok na kami dapat, pero sabi ko sa kanya, dapat magpa-picture muna kami doon sa red carpet na nasa background ang Star Magic logo.

 

Hinanap pa namin ang red carpet, Pucha, sa baba pa pala. Nakita naman namin pero tatlo na lang ang paparazzi. Pose, project, pout naman kaming mag-ina. Gutom na gutom na kami pareho kaya takbo na agad paakyat. Pagpasok namin ng ballroom, wala ng upuan. Standing room ang ball. Hindi naman na ako umimik kasi maski ang mga kapatid kong baguhang artista na Star Magic at ABS-CBN artists, e, mga nakatayo na din.

 

Say ni Uge, “Dedma na ‘nak. Gutom na ko. Get na tayo ng pagkain!” Habang hawak namin ang mga pagkain namin, may tumayo sa dulong table sa tabi namin. “Eto Ma, makiupo muna tayo.” Pag-upo namin, si Mother Lily pala yung ka-table namin. Naalala ko na galit nga pala sa kanya si Mother. Kinabahan kami ni Uge kasi first time pala nila magkikita. Tumayo si Uge, say niya, “Para matapos na!” Sinamahan ko siya, say ko, “Mother si Eugene, o.” Say ni Uge, “Mother, patawarin mo na ‘ko.” Say ni Mother, “Ay, oo naman.” Feeling ko nabigla si Mother or hindi niya nakilala si Eugene or nadaan sa bilis . Napalayo ako sa kakatawa kasi nakikita ko ang pag-e-effort ni Uge. Hahaha. Ang saya! 

 

Si Eugene ang gumawa ng Facebook account ko. Isa siya sa mga kaibigan ko na kung nalulungkot ako, gagawa siya ng paraan at hindi lang niya ‘ko dadamayan. Hindi lang siya magsasalita, makikinig din. Isa siya sa limang tao na una kong tinatawagan pag nalulungkot ako dahil alam ko muli akong sasaya. 

 

Inatake ako ng lungkot the other day. Nanood kami ni Eugene ng first day ng Kimmy Dora. Natawa ako nang bonggang-bongga! Nawala ang lungkot ko. Muli akong sumaya. Kahit sa pelikula at tunay na buhay pinapasaya ako ni Ma. Showing pa din ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Nood kayo. Ang saya!

Pasensiya na!

Filed under: Features — admin at 1:59 pm on Sunday, August 30, 2009


Pasensiya na! Now lang me nag-post ulit ng blog. Sobrang busy, e.

 

M-W-F-Sat ang taping ng Adik Sa ‘Yo.  May Showbiz Central pa every Sunday. At pumasok ang Show Me da Manny na every Tuesday at isasama pa ang Thursday. Every day ang work! 

 

Madalas kami magkasama nina Dennis Trillo at Pauleen sa set pero sila ang nagkatuluyan. Hahaha.  Pasensiya na, Sweet, at di mo kasing ganda si Poleng. Dennis at Pauleen, bagay kayo. Carlene at Cristine, pasensiya na.

 

Kinakabahan ako.  Nagiging close kami ng mga staff at cast ng Adik Sa ‘Yo.  Baka hanapin ko.  Patay.  

 

Di na tuloy ako nakakapag-guest sa Talentadong Pinoy. Pasensiya na din TV 5. Anyway, ang taas naman daw ng rating ng Talentado kahit hindi ako ang guest. Congrats!

 

Itong TV 5 mahal talaga ako at naniniwala sa talento ko. Inaantay nila ako para sa isang bagong show. Abangan!

 

Nagha-house (kahit town house lang) hunting ako. Buong Quezon City, iniikot ko. QC lang gusto ko kasi City of the Stars. Hahaha!

 

Madami akong nakikitang bahay pero pag nalalaman ko ang presyo, parang nagtatago na sila. Mas mura daw pag bumili ng lupa at magpagawa pero baka ma-ospital naman ako sa stress.  Maryosep!

 

Nag-pictorial na ako para sa Calayan Surgicenter.  Kasama ko si Allan K.  Sa wakas natuloy din. I deserve it. Yun na!

 

Nabangga ang kotse kong isa. Mas madali daw kung declare na lang na total wreck. Nag-agree naman ako para walang aberya. Naaberya naman ako sa blind item ng Bakulaw.

 

Inaway ko daw yung insurance, e, hindi naman ako ang kumakausap. Endorser pala ang bruha kaya panay ang bati. Ang nagagawa nga naman ng salapi. Hindi ko na masyadong pinatulan, mabait kasi ang mga taga-insurance. Yung endorser lang ang hindi. Pasensiya na po at ‘yan ang totoo.

 

Nag-car hunting ako. Dapat less than one million kasi 800 thousand plus lang ang amount ng car insurance ko. Gusto ko, konti lang ang idagdag kasi nga gusto ko na magkabahay. Walang tubig sa nire-rentahan kong townhouse ngayon.  

 

Lahat ng bilihan ng kotse, pinasok ko. Ang daming choices, pero konti ang pera ko. Naglaban ang Hyundai Tucson at Mazda Tribute. Nagwagi ang Tribute.

 

Nakaraket pa ako ng isang araw na shooting sa Panday ni Bong Revilla. Ako ang kauna-unahang baklang Manananggal. Lagot! Sa pelikula lang pala. Sa tunay na buhay kasi, maraming baklang manananggal.

 

Namayapa si Mommy Linda Martinez, nanlumo ako.  Malakas naman siya at walang sakit.  Gusto kong yakapin si Mama Bec, Marya, Mykey, Manny at Mel pero baka hindi ko na sila pakawalan.  

 

Namatay si Tita Cory, mas lalo akong nalungkot, niyakap ko ang sarili ko.

 

Naka-cameo pa ako sa OMG ni Mareng Juday Santos at Ogie Alcasid.  Mahal ko si Direk Dante Garcia kaya full support ako.  Niyakap niya ako noong mga panahon na kailangan ko ng kayakap.

 

Sumali si Mo Twister sa Power of 10.  Sa dinami-dami ng kilala niya, ako ang napili niyang support.  Kailangan din yata niya ng kayakap.  Hugs, Mo.

 

Pumasok pa ang Show Me da Manny.  Every Tuesday ang taping.  By next week, kasama na ang Thursday.  Aalis kasi si Manny para sa laban niya kay Cuto ba ‘yon? Ay, Cotto. Good luck, Manny!

 

Madami din ginagawa si Manny.  Kaya siguro madaming chiwariwap.  Lahat sila “yes” ng yes kay Manny. Yung iba nga, Sir Manny pa ang tawag.  Nabigyan na kaya sila ng Rolex? Hehehe.

 

Nakakatawa ang cast ng Show Me da Manny.  Sa wakas, bumalik na ang sitcom at kasama pa ako.  Thank you, Lord, at sa GMA.  Thank you din at hindi nila ako sinasali sa basaan.  Kung magkaka-Rolex ako, baka pag-iisipan ko pa.  Hehehe.

 

Magaling ang timing ni Marian sa pagpapatawa.  Si Manny naman nakakatawa. As in.

 

Ay, takbo muna sa Antipolo at pa-bless ang car.  Diyos ko, Pari ba itong nag-bless? Puwede na, mukhang Holy Water naman yung binasbas.  Ang dami, basang-basa ang kotse. Suwerte ito for sure.

 

Ay, editing pa pala ng SWEET 16 DVD.  Tutukan ko na ito, makabawi man lang sa sales ng DVD.  Bili kayo pag lumabas, ha? Please!!!

 

Ang init sa set ng Adik Sa ‘Yo. Sabi nga ni Tita Ces Quesada, “sa sobrang init, hindi niya na alam kung nakatulog ba siya or hinimatay.” Hahaha.

 

Wow! May invitation ako to host an event in University of Baguio. Salamat, Mareng Jenny! Akyat agad ng Baguio para malamig. Ay, umuulan…Ay, may bagyo…Ay, may landslide…Ay! Pasensiya na.

 

Ang mga bakla in-invite ang mama Sweet to judge sa kanilang Modeling Competition sa Malate. Rampa ang mga pa-girl at mga paminta. Go mga anak, project! Pose! Smile! Very good, mga anak.

 

Ay teka, host nga pala ang Batch ‘89 ng St. Anthony Nova School sa Amparo, Caloocan. Meeting muna. O, mga taga SANS sa January 30 ang Grand Alumni Homecoming. Support kayo, please, at nabubulok na ang Alma Mater natin. Pangit naman kung ang ilalagay mo sa resume ay nagsarang school. Yun na!

 

Hinahanap daw ako ni Joshua. Nagkita kami nina ni Kris, James at Baby James.  6′1” na ang height ni Josh. Niyakap ko siya nang mahigpit, sinabihan niya ako ng “I love you, Tito John.” Lalo kong hinigpitan ang yakap ko, sinubukan ko siyang buhatin gaya ng dati, ang bigat. Ang nasabi ko na lang, “I love you too, Joshua.” Hahaha. Pasensiya na, Josh, you are heavy na.

 

Presscon ng Show Me Da Manny. Nilapitan ako ng ilang reporter. Suwerte daw ako sa GMA at ang GMA sa akin.  “Thank you po,” ang sabi ko. Say naman nila, “Wag kang gumaya kay [name ng isang TV host] na inuubos ang pera sa lalaki.” Natulala ako. Say ko na lang, ”Oo naman po.”

 

Binili ko ng laptop ang pamangkin kong si Bea. Kailangan daw sa school.  Aba, UP ang pamangkin ko kaya naman buy ako agad.  Na-realize ko after a week, bakit siya may laptop, ako wala?  Bumili din ako.  Naalarma tuloy ang credit card at tumawag pa. Pasensiya na sa abala. 

 

Bumili din ako ng laptop, ayan naadik ako sa Facebook.  Kaloka!  Lalo tuloy naging busy. Hay, pasensiya na. Totoo nga ang chismis, “Facebook ang bagong shabu.” Hahaha.

 

Mare ang tawagan namin ni Angelika dela Cruz.  Finally, magiging magkumare na talaga kami. Bininyagan na ang inaanak kong si Gab Casareo.  Sa sobrang busy, hindi naman ako naka-attend ng binyagan.  Pasensiya na my inaanak, babawi ang Ninang Sweet.

 

Nasa Cagayan De Oro kami nina Dennis at Jennica para sa Kapuso Fans Day sa Kagay-an Festival.  Ang daming tao.  Sinisigaw nila ang pangalan ko. Gusto ko sila yakapin lahat pero ang dami talaga. Pasensiya na.  Salamat mga Kapuso sa CDO!

 

Ay Star Magic Ball na naman sa Sunday. Pasukat muna ako kay Francis Libiran. Date ko si Eugene Domingo, Tata Galias naman ang gown niya. I-date naman niyo si Eugene sa September 2, showing na ang Kimmy Dora. Nakakatawa!

 

Ang dami kong trabaho pero hindi ako nagrereklamo.  Mas gusto ko na maging busy keysa walang gawa.  Hindi bale ng walang tulog keysa walang gising.  I now call work, blessings. 

 

Sa mga hindi ko ng napuntahang okasyon at imbitasyon, at sa inyo na nag-antay ng blog ko, pasensiya na.

Next Page »