| Register

Sweet monologue

Filed under: Uncategorized — KKJM0d at 4:45 pm on Monday, February 14, 2011

As promised, heto yung monologue ko nung nag-celebrate ang aking alma mater—University of Sto. Tomas—ng kanyang Quadricentennial.

Magandang gabi po sa inyong lahat—guests, Fathers, professors, councilors, barangay captains, board of judges, and fellow Thomasians. Mga Fathers, may ginawa po ako kagabi, pagdasal niyo na lang po ako.

I am Jonathan Anthony Solis Lapus from College of Education, BS HRM 1993. Student number, 89070820. Kayo mga alumni, memorize niyo pa student number niyo?

I am so happy and proud na ang HRM pala ay may sarili nang College. Wow! At ang uniform, ang ganda. May vest, may tie, may scarf. Sosyal! No’ng panahon namin, polo, barong lang, kaya madalas akong mapagkamalang taga-City Hall or ahente ng insurance. At least ngayon, mukha nang ahente ng vacuum cleaner or kasama ng mga Amerikano na nagtitinda ng Bible.

I am so proud to be a Thomasian. Dahil ang University of Santo Tomas ay talaga namang UST.

University ng Sobrang Talented (mga Athletes natin sa UAAP, Salinggawi Dance Troupe…)

University ng mga Saksakan ng Talino (mga nag-top sa board exams, bar exams…kahit eye exam, physical exam at psychological exam nagta-top ang mga Thomasians). Nag-psychological exam ako noon, ang taas ng score ko.

At higit sa lahat, hindi naman po sa pagmamayabang, ang UST ay UNIVERSITY ng mga SIKAT na TAO!

Our National Hero, Dr. Jose Rizal, ay isang Thomasian. Pero sabi ng Ateneo, Atenista daw talaga si Rizal. O, sige na nga. Tutal nasa piso lang naman si Rizal. E, ang mga full-fledged Thomasians at mga naging Presidente ng Pilipinas na sina Quezon, Osmena at Macapagal, nasa bente, singkwenta at 200 pesos! Di hamak na malaki sa piso.

May-ari ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong, UST ‘yan. May-ari ng Mercury Drug na si Vivian Que Azcona, UST’ yan. May-ari ng Century Tuna na si Ricardo Po, UST ‘yan.

Sa sobrang sikat ng mga Thomasians na ‘yan, e, may ibang Filipino Chinese daw na gustong makisosyo sa kanilang negosyo. Si Henry Sy ng SM, e, nakipag-ayos na daw at gustong pumartner kay Vivian Que Azcona ng Mercury Drug. Tatawagin ang mall na ito ng SM MEGAMOT. Kaloka! Isang buong mall puro gamot ang tinda.

Ang mga Cojuangco ng San Miguel pa-partner kay Tony Tan Caktiong ng Jollibee at gagawa sila ng Jollibee Chicken Beer. Hindi na basta Chicken Joy, Happy Hour Chicken na.

By the way, gagawa daw ang Century Tuna ng Tuna in Baha Oil. Gawa po ito sa mga Tuna na mahuhuli sa palibot ng UST kapag baha. At dahil 400 years na ang UST, ang Century Tuna ay gagawin ng 4Century Tuna!

UST din po ang alma mater ng mga kagalang-galang na mga National Artists ng bansa:

Architecture

Francisco Mañosa

Ildefonso Santos

Leandro Locsin

Literature

Bienvenido Lumbera

F. Sionil Jose

Rolando Tinio

Nick Joaquin

Music

Ernani Cuenco

Theater

Daisy Avellana

Visual Arts

Ang Kiukok

Victorio Edades

National Artist for Film, Carlo Caparas, ang may gawa ng mga massacre movies ni Kris Aquino, na habang sinasaksak ay sumisigaw ng, “Oh my gosh!” Ay teka, parang may mali. Para sa inyo, National Artist ba si Carlo Caparas? (Hindi). Buti na lang hindi siya Thomasian.

Ang UST din ay tahanan ng mga sikat na basketball players—Bal David, Dennis Espino, Dylan Ababou at si…Lebron James, hindi sya Thomasian pero gusto niya maging Thomasian. Opo, nag-text siya sa ‘kin.

Mga sikat na News and Public Affairs people na sina Sandra Aguinaldo, Winnie Cordero, Arnold Clavio at Mike Enriquez. Ay hindi pala Thomasian si Mike pero “hindi niya tayo tatantanan! Excuse me po!”

Mga sikat na directors, Thomasian din. Ang internationaly-acclaimed director Brilliante Mendoza, na pangalan pa lang, kumikinang na. Box office director Wenn Deramas…Thomasian sila. Steven Spielberg, wala lang, nabanggit ko lang.

Eto, pinakamataas na achievement ng isang Thomasian. Romy Garduce. Unang Pinoy na nakaakyat sa Mt. Everest. Wala nang tataas pa doon.

Ano ang common sa mga sikat na singers na sina Sylvia La Torre, Jamie Rivera, Ciara Sotto, Sarah Geronimo at Aiza Seguerra? Anong tomboy? Hindi po, Thomasian sila lahat.

Mga crush ng bayan na sina Jao Mapa, Polo Ravales, Romnick Sarmenta at Piolo Pascual. Thomasian silang lahat.

Eula Valdes, Jenifer Sevilla, Angel Locsin. Thomasian silang lahat.

Eto, atin-atin na lang. Ano ang common kanila Vicki Belo, Maricar Reyes at Hayden Kho? Hindi video. Thomasian silang lahat.

E, ano ang common kina Eagle Riggs, Joel Cruz at Jovit Moya? Wala akong sinabi. Thomasian silang lahat.

Mga pang-world class, madami ang UST.

Ginny Santos, animator ng Pixar Animation. World class!

Janet and Ruben Nepales, mga miyembro ng Hollywood Foreign Press. World class!

Brad Pete! Hindi yung asawa ni Angelina ha, yung Dating Doon. Alien. World class!

Ang ibang school ipinagmamalaki ang mga bandang sikat na galing sa kanila. Tinignan ko ang listahan, karamihan, adik! Diyusko. E, nandito ang UST Singers, ang mga boses nakaka-adik. World class!

Last but not the least, ano ang common kina Miriam Quiambao, Charlene Gonzalez and John Lapus? Maliban sa pare-pareho kaming Thomasians, e, pare-pare po kaming Beauty Queens!

Magandang gabi po sa inyong lahat! John Lapus po, Proud to be Thomasian. Mabuhay ang UST!