Tiga-SANS ako!

Filed under: Features — admin at 1:30 pm on Wednesday, January 27, 2010


Sa Lagro, Novaliches ako lumaki. Sa may Plaza mismo, malapit sa Lagro High School.

 

Three years old pa lang ako, doon na kami nakatira. Sa Lagro Elementary School ako pumasok. Doon ako natae sa salawal noong Grade 2, napingot ni Mrs. Lumawig, at tuluyan nang niregla. Hehehe.

 

Ang alam ko, sa Lagro High School din ako magha-high school since doon nag-aral ang Ate ko. Happy ako at magkakasama kami doon ng mga elementary barkada kong sina Rosalie Antonio, Lily Adique, Joan Tria, Leah Batad at Donuela Geronimo. O diva puro dalagita kami?! Mali ako.

 

Noong bata ako, naglalakad kami nina Nanay papuntang Grotto pag Holy week. Mga two to three hours na lakaran din ‘yon from Lagro to San Jose del Monte, Bulacan. Masaya ‘yon kasi minsan, buong kalye namin ang sabay-sabay na naglalakad—bata, matanda, boy, girl, bakla, tomboy at pami-pamilya. Ang saya!

 

I remembered passing by an establishment I thought, that time, was a factory. Yung exhaust fan kasi, e, parang sa factory. Yung parang mushroom na bilog na umiikot sa bubong. Sa factory ko lang kasi nakikita ‘yon. Alam niyo ‘yon? So buong Elementary days ko at every time naglalakad kami papunta sa Grotto, akala ko factory ‘yon. Mali ako!

 

Pagka-graduate ko ng Grade 6, all set na ako for high school. Jackpot ako, mga sampung kandirit lang ang Lagro High School mula sa bahay namin. Say pa ng mga kaklase ko sa Grade 6, same section daw kami sa first year. Exciting!

 

Pucha, malapit na ang pasukan. Di ba pag public, sa first day din ng school ang enrollment so relax lang ako at ini-enjoy ang bakasyon. Bagong tuli din ako noon kaya dapat pahinga. Pa-last week of May na nang sabihin ng Nanay ko sa akin na hindi daw ako sa Lagro magha-high school. Private school na daw ako. Kesyo matalino naman daw ako, may ipon na daw sila eklat ng Tatay ko at baka personalin daw ako ng mga naging teachers ng Ate ko doon. Naging terror student kasi si Ate noong high school siya. Siya yata ang pinakasikat na babae sa Lagro High that time. Actually, until now, Ate ko pa din ang pinakasikat na babaeng taga-Lagro, next to Miriam Quiambao.

 

So wala naman akong nagawa. Medyo na-sad ako but Nanay knows best. 

 

1985, dalawa lang ang alam ko at sikat na private school sa may Lagro Novaliches—St. Francis sa Zabarte at Sacred Heart sa may bayan. Mali na naman ako!

 

Sabi ng Nanay ko, “Doon ka sa St. Anthony sa Caloocan. Board of director doon si Mr. Andres na asawa ni Mommy Andres, na co-teacher ko sa PUP.” Caloocan? Pucha ang layo noon, di ba sa may Monumento ‘yon.  Mali na naman ako!

 

Yun palang pagitan ng Novaliches at San Jose del Monte, Bulacan ay Caloocan. Weird! Noon ko lang nalaman na dalawa pala ang Caloocan. Sa may Novaliches at sa may Monumento. North at South daw. Kaloka!

 

From bahay namin sa plaza ng Lagro, sumakay kami papunta ng taas ng Lagro, then another sakay papunta sa direction ng San Jose del Monte, Bulacan. Nainis ako. Mag-aaral ako sa school na dalawa pa ang sakay from our house at hindi Quezon City ang address. At feeling ko, malayo na ‘yon kasi para sa akin, ang Caloocan ay nasa Monumento na malapit sa Tondo, Malabon at Valenzuela. At para sa akin, ang lugar na ‘yon, e, dinadaanan lang namin pag pupunta kami ng Grotto, na alam ko ay probinsiya na.

 

Pucha, bumaba kami sa AmparoVillage, Caloocan. Malapit lang naman sa boundary ng Novaliches at Caloocan. As in five minutes lang from Lagro. Pucha, naglakad kami papunta doon sa “factory.” Pucha, ‘yon pala yung St. Anthony. Pucha, school pala ‘yon. All those years, akala ko talaga, factory. Kaloka!!! Nakatalikod pala sa kalye ang entrance at signage.

 

School ba ‘yan? Ayaw ko dito!”  say ko kay Nanay. Tinitigan lang niya ako nang masama. Katakot! Sinalubong kami ni Mr. Andres. Tinignan yung card ko nung elementary, mag-entrace exam na daw ako at pa-close na ang enrollment. Pumasa naman ako sa sa test. In-enrol ako ni Nanay that same day. Ang bilis ng pangyayari. Dinaan ako ng sarili kong ina sa bilis. Ina, Kasusuklaman ba kita? ang drama ko. Hahaha.

 

St. Anthony Nova School. “Tone.” SANS. Akala ko noon, yung Nova ay abbreviation ng Novaliches. Ang weird kasi nasa Caloocan nga. Yun pala, Nova as in “nova” in Supernova. As in life. Asus, pauso.

 

First year.

 

Pasukan na, umuulan. May mga nakita akong galing din sa Lagro Elementary pero hindi ko ka-section. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng mood ko. Nazareth yung section ko. 20 plus lang kami sa klase kasi kami daw yung mga late enrollees. Diyos ko! Para kaming mga special children na hiniwalay sa Section Capernaum at Canaa na parehong 40+ ang mga students. Nasa Caphernum yung mga doon na nag-elementary at sa Canaa naman yung mga new enrollees, at kami ang mga yagit. 

 

In fairness, tatlo kami nila Cornelio Diccion at Cynthia Daguman sa Top 10 ng buong first year. Yun lang ang maganda kong memory noong first year. Puwede!

 

Eto na yung iba. Bakla yung adviser namin, si Mr. Lonceras. Yung isa kong kaklaseng bakla at yung barumbadong lalaki, nagsaksakan ng ballpen. Naghampasan kami ng dictionary ni Grace Paredes at ni Edlyn Ramirez. Hinubaran ako ni Harold Luna habang nagma-monkey bars sa P.E. Hinabol ko siya at binato ng stick. Tumama sa noo niya, five stitches. Hehehe.

 

Second year.

 

Dalawa na lang ang section. Ephesus at Betlehem. Napunta ako sa section Bethlehem. Grades na daw ang basehan. In fairness, may mga matatalino din naman sa Ephesus. Nahiwalay ako sa mga barkada kong sina Grace at Edlyn. Sina Cornelio, Cynthia at ako lang ang napunta doon. Wala akong ka-chika. Outsider na naman ako. Ako yung baklang maingay pero Top 10, at dahilan ng peklat ni Harold sa noo. Feeling ko, pinagchi-chismisan nila ako.

 

Kahit nasa Betlehem ako, madalas akong chumika sa Ephesus. Ang nakakaloka, yung adviser namin na si Ms. Manipon, nabibingi sa kadaldalan ko. Hindi niya ‘ko type. Binigyan niya ako ng line of 7 sa Practical Arts (Animal Husbandry at pagtatanim ng pechay). Ayun, natanggal ako sa Top 10. Grabe si Ms. Manipon, binabato ako ng chalk. Huhuhu. 

 

Sa Homeroom namin, walang gustong makipag-group sa akin. Dedma! Sumayaw at kumanta ako mag-isa. Ayun, line of 7 na naman ang give ni Ms. Manipon. Okray!

 

Third year.

 

Gethsemane at Sinai.

 

Naiba ang ihip ng hangin. May barkadahan na kasi at medyo close na ang lahat. Yung barkada namin, JR. GEST. Ako ang nag-pangalan. First letters ng mga names namin. Kacheapan! Hahaha. Jonathan, Jocelyn, Raquel, Grace, Gare, Edlyn, Sheila, Teresa. 

 

May mga bagong salta. Si Jorold Montelibano. Ang guwapo. Tisoy! Kaya lang, napunta na agad kay Michelle Manalac. Si Kenneth Libao, ang guwapo din, pero kay Charizma Gonzales naman napunta. Kaya inis ako noon kina Michelle at Charizma. Si Rowena Ingusan, ganda, haba ng kuko at mukhang pokpok. Letter R ang name, pasok sa JR. GEST. Hahaha!

 

Mabait ang adviser namin. Si Mrs. Austria. Siya din ang teacher namin sa Chemistry. Medyo mahigpit lang siya sa attendance. Si Shiela na barkada ko, hinanapan ng excuse letter nang mag-absent. Friday ‘yon, say ni Shiela, “Ma’am sa Monday na lang po, puwede?” Say ni Mrs. Austria, “Monday, Monday never ends.” Hahaha. Quote of the year ‘yon noong third year kami. 

 

Nag-outing kami sa Gubat sa Ciudad. Bongga ‘yon noon pag doon nag-a-outing kasi ang daming swimming pool at giant slides.  Kasama pa namin si Ms. Ferrer na P.E. teacher namin since first year.

 

May teacher kami sa Economics, si Mr. Zapata. Baklang mahaba ang baba. Mataray ang Lola mo. Minsan, pagpasok niya sa classroom namin, ang ingay ng lahat. Say niya, “I can hear your voices from here to Novaliches!” Hahaha. Ano siya si Superman? Lumaban din ito sa quote of the year.

 

Top 10 ako ulit. Ang saya!

 

Mind you, nag-COCC ako sa CAT. Ako lang yata ang baklang nag-COCC at naging officer sa SANS.

 

But wait, bago ang principal namin. Si Ms. Cabrieto. Kapatid siya ng mga may-ari ng school. Matandang dalaga, mahigpit at matapang.  Terror! Barok siya mag-Tagalog kasi laking-Iloilo. Ilonggo at English lang siya fluent. “Some of you here would like to be called real students. But in the corridor, may nagatakbo, may nagasigaw.” So nag-impose siya ng SPEAK ENGLISH WHEN INSIDE SCHOOL GROUNDS policy.  Every time na dumadaan ako sa office niya, nilalakasan ko ang boses ko habang nagsasalita ng English. Ayun, naging favorite niya ko. Hehehe. Ini-announce pa niya ang name ko after flag ceremony, kung saan may daily speech siya na parang si Hitler. Kung alam lang niya na paglampas ko sa office niya, e, super Tagalog na ako at may halo pang gay lingo. Hahaha. 

 

Fourth year.

 

Mas solid na kami. May mga nasa section Vatican na bf or gf ang mga taga-Jerusalem and vice versa. Naging bf ni Teresa ang barkada naming si Dexter at mag-jowa pa din si Michelle at Jorold. Si Kenneth, lumipat ng school kaya naiwan si Charizma. 

 

Si Mrs. Suplido ang adviser naming mga Vatican at si Ms. Condes naman ang sa Jerusalem. Ten Boys sa Vatican, pang-11th ako. Sa Jerusalem naman, mas madami ang boys. Solid din ang barkadahan. Maliban sa JR. GEST, may SEASHELLS, SEMPLIBOYZ, BLOOPERS at madami pang kacheapan. 

 

Meron pa kaming ginawang drama eklat na kalaban namin ang mga third year. In fairness sa mga Junior namin (Batch 90), solid din sila. Madaming bakla sa mga third year at isa lang ako sa amin. Diyosa talaga ako. Hahaha.

 

May nangyaring gulo sa Commandant namin na si Mr. Joven kaya tinanggal siya. Pucha, yung CAT namin, naging parang P.E. pa rin. Baklang P.E. teacher ang pumalit—si Mr. Antonio. Siyempre isa ako sa favorite niya since baklita ako. Okray ang lola mo. Nangjo-jombag ng mga students. Mabigat at mabilis ang kamay. Nagreklamo yung mga third year. Kinausap kaming mga fourth year. Nag-agree ang mga fourth year. Ayun, pinatalsik namin siya. The next day, dumating yung President ng school na ang tawag namin ay Peking Duck kasi nakausli ang puwet. Kinausap ang mga leaders ng SANS People Power from third year at fourth year. Siyempre join ako. Kaloka! Tinakot kaming hindi ga-graduate. Noong time na ‘yon, feeling namin true.

 

Babae ang pumalit kay Mr. Antonio. Si Mrs. Reyes na akala namin buntis kasi ang laki ng puson. Folk dance ang tinuro sa mga boys at Taichi naman sa mga girls. Hahaha. Kacheapan talaga.

 

Natanggal na naman ako sa top 10 dahil sa elective naming Steno ni Ms. Gratil. Kacheapan kasi. Sumugod pa ang Nanay ko sa school. Until now, hindi ko ma-get kung bakit yun ang elective namin. May gumagamit pa ba ng steno ngayon?

 

Sa Caloocan High School sa 10th Avenue kami nag NCEE (National College Entrance Exam). Grabe, ang layo pero ok lang kasi SM City North Edsa na kami lahat pagkatapos. Pag walang pera, sa Bayan lang ng Novaliches ang gimik pero pag may pera kami, SM City North Edsa. Opening pa lang yata, nando’n na kami. Hehehe.

 

Very memorable sa ‘kin ang SANS. Totoo yung kanta ni Sharon, “High school life/ Oh my high school life/ Every memory kay ganda/ High school days/ Oh my high school days/ How exciting kay saya!”

 

Kahit madaming kacheapan ang naganap sa ‘kin sa SANS, nag-enjoy naman ako at naging memorable ang lahat. 

 

Doon ko nakakalimutan na iniwan na nga pala kami ng Tatay ko at mahirap na kami.

 

Doon ako nagsuot ng Combat Shoes (for CAT)  sa P.E. dahil sira na ang rubber shoes ko at wala kaming pangbili. Hindi nila ako pinagtawanan kasi akala nila fashion statement ko lang.

 

Doon ko na-meet ang mga high school barkada ko na nililibre ako ng favorite kong 2.50 twirl ice cream sa tapat ng Tropical sa Bayan. Panay din ang libre nila sa akin ng sine since masaya daw ako kasama. May pa-softdrink at popcorn pa ‘yon. Sa baon kong sampung piso, malabo ako maka-watch ng sine.

 

Doon ko na-meet ang mga teachers ko na madami naman naituro sa akin. Noong college ako, ang galing ko sa Chemistry at Algebra dahil kay Mrs. Austria at Ms. Condes, respectively. Sa English class ni Mrs. Quiambao ako unang umarte sa stage, I mean, sa classroom pala.

 

Doon ako unang nakaramdam na ok lang na bakla ako. Mas nauna pa silang tanggapin ang kabaklaan ko keysa sa Nanay ko.

 

Doon ako unang nagka-award. Presidential Award for having the highest score in the NCEE. Wow! 98 lang naman. Hahaha.

 

Doon ako una nakaramdam ng appreciation, fame at flattery from people na hindi ko kilala. Gandang-ganda at aliw na aliw sa ‘kin ang ibang batch. Hahaha. High school pa lang, artistahin na ako. Ang mga ka-batch ‘89 ko naman ay proud na proud at ka-batch nila ako. Hindi ko naman sila masisisi. Hehehe.

 

Now, after 20 years, madaming nabago sa SANS.

 

Letter “K” na yata ang spelling ng Kalookan.

 

Ang School of St. Anthony sa Lagro na ang tinatawag na “Tone.” Yung mga taga-SANS at alumni ng SANS na lang ang tumatawag ng “Tone” sa alma mater namin. Di hamak na maganda ang facilities ng School of St. Anthony sa SANS pero di hamak din na mas mahal ang tuition.

 

Hindi na mukhang factory ang SANS kasi modern na ang exhaust fan at nasa harap na ng street ang entrance at signage.

 

Hindi na mga lugar sa bible ang mga sections sa SANS. Mga virtues na, like humility and honesty.

 

Artista na ko, abogado na ng Meralco si Cornelio, at nakita ko sa Facebook si Cynthia.

 

Ninang ako ng lahat ng panganay na anak ng JR. GEST girls. Maliban kay Sheila na dalaga pa din until now. Kami na lang ang dalaga sa barkada. Hay…

 

Nasa Amerika na si Harold, happily married at mayaman na. Pero may peklat pa din siya sa noo. Sorry!

 

Nakita ko si Ms. Manipon sa TV. Misis siya ni Master of Pain. Yung naglalagay ng malalaking karayom sa katawan at humihila ng truck. Yung na-feature sa Guinness. Yung panganay nilang anak na babae, binabato (hindi ng chalk) ng dart sa likod. Ouch! At yung bunso nilang lalaki, hinihinto ang umaandar na electric fan sa pamamagitan ng dila. Siya yata ang manager ng pamilya niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maaawa.

 

Bulok na daw ang Gubat sa Ciudad. Huli akong nagpunta doon, puro pokpok ang nakita ko.

 

Nag-Grand Alumni homecoming ang SANS six years ago, ang saya namin. That day pala namatay si Ms. Cabrieto sa Iloilo.

 

Ang ka-batch ‘89 naming police na si Marc Castronuevo na ang Commandant ng SANS ngayon.

 

Until now, punchline ng mga ka-batch ko sa akin ang steno at si Ms. Gratil. Hindi na siya nagtuturo at active na lang daw sa church.

 

Di nagkatuluyan sina Michelle at Jorold pero may dalawang anak sila. Sina Teresa at Dexter, solid pa din at dalawa na din ang anak. Grabe ang tagal na nila.

 

39 years na ang SANS at nabubulok na ito. As in.

 

Nagpunta ako two weeks ago para i-shoot ang school sa ipapalabas naming VTR for our Grand Alumni Homecoming this January 30, 2010.

 

Naiyak ako. Butas ang ceiling, walang flush ang mga inidoro, may anay na ang mga pader, madaming crack ang sahig at walang chemical supplies ang Chem Lab, to name a few.

 

Marami kasing may-ari ang school. Yung ibang board members daw, dedma na at yung iba naman, e, hindi na yata interesado. Bumaba ang enrollment rate dahil nga sa facilities na bulok at madami ng school na bago sa paligid. Kaya walang pondo para sa repairs at paggawa ng ibang facilities. Majority ng enrollees ngayon, e, mga kapatid, pinsan, anak or kapit-bahay ng mga alumni. At the rate it’s going, baka hindi na umabot ng 45 years ang SANS. Kawawa. But I admire the new President, Ms. Andrea Jimenez, for admitting it and asking for our help.

 

Sponsor ang Batch ‘89 sa Grand Alumni on January 30, 2010, Saturday at 6:00 pm. Mahirap pala at ngarag mag-organize ng ganito pero ok lang para sa Alma Mater ko. Tiga-SANS  ako. Ikaw, tiga-SANS ka ba? Attend ka at tumulong para sa SANS. May program, awarding, games, concert, kainan, inuman at chikahan. Darating ang mga ka-batch mo, barkada at dating mga teachers. Tara na! 500 ang with dinner at 150 lang kung wala. May mga food carts naman doon para may mabilhan ka ng pagkain. Ang lahat ng kikitain, mapupunta sa repair at kung may sobra pa, e, facilities para sa Alma Mater nating nabubulok na. Kung nakakapagsalita lang ang SANS, magsusumamo siya sa iyo.

 

Sayang kasi nando’n pa din ang quality of  education. Kahit papaano. Nando’n pa din si Ms. Ferrer at namamayagpag pa din sa pagtuturo ng iba’t-ibang sports. Nando’n pa din si Ms. Juane pero registrar na siya ngayon. At maloka ka, nando’n pa din ang janitor nating si Mang Miguel.

 

Before I end this entry, let me share with you our school hymn. Iba na ang tono ngayon pero same pa din ng lyrics.

 

St. Anthony Nova School

Our Alma Mater, hail to you

You bring us the light of mind.

And the joy of hearts.

We thank you,

dear school.

Our St. Anthony Nova School.

Buti ka pa…

Filed under: Features — admin at 10:16 am on Tuesday, January 5, 2010


Buti ka pa, lagi kong kasama. Pasko, bagong taon, umaga, hapon, gabi at lalo na pag madaling araw.

 

Buti ka pa, anytime na kailangan ko, nandiyan lang para sa akin.

 

Buti ka pa, hindi mo ako sinasabihan ng “nakakapagod kang kasama Sweet!” May mga kaibigan ako na sinabihan ako ng ganyan.

 

Buti ka pa, pinapatawa mo ako. Nakakapagod din kasi kapag ako na lang lagi ang nagpapatawa ng iba.

 

Buti ka pa, pag nagbabaliw-baliwan ako, ok lang sa iyo at naiintindihan mo ako.

 

Buti ka pa, naiibsan mo ang lungkot ko. Pag inaatake ako ng lungkot, ikaw lang ang katapat.

 

Buti ka pa, wala kang jowa kaya hindi mo ako iiwan tulad ng iba kong mga kaibigan.

 

Buti ka pa, forever single kahit puwedeng dalawahan, tatlohan or apatan.

 

Buti ka pa, hindi pera ang habol mo sa akin tulad ng ibang kalalakihan.

 

Buti ka pa, hindi ka sinungaling. Sinasabi mo kung pwede or hindi at kung ayaw mo na.

 

Buti ka pa, kahit nade-delay ka minsan, dumadating ka pa din.

 

Buti ka pa, hindi mo ako ipinagpapalit sa kung sino man. Kaya naman, ikaw pa rin ang gusto ko.

 

Buti ka pa, nandiyan palagi at hindi yung kung kelan lang ako manglilibre or kung kelan suweldo. Hahaha. Alam mo na kung sino ‘yon.

 

Buti ka pa, hindi ka “showbiz.”

 

Buti ka pa, hindi mo ako pinaghihintay sa taping at darating nang parang hindi ako naghintay at parang walang nangyari.

Buti ka pa, matalino. Kaya kahit sikat ka, hindi mo pinipili ang kakausap sa iyo. Boy, girl, bakla or tomboy. Bata at matanda puwede.

 

Buti ka pa, kahit mayaman, hindi mayabang.

 

Buti ka pa, hindi kurakot at hindi mandaraya.

 

Buti ka pa, hindi nangangako sa taong bayan.

 

Buti ka pa, hindi corrupt.

Buti ka pa, hindi ka katulad ng ibang pulitiko. Bwiset ang mga ‘yan!

 

Buti ka pa, kahit may mga kalaban, confident!

 

Buti ka pa, sinasabi mo kung sino ang baguhan, sino ang seryoso at sino ang magaling. At least maayos at alam namin kung saan kami pupunta.

 

Buti ka pa, alam mo ang lahat ng salita. Salamat at pinapaalam mo din sa amin. Ang galing mo!

 

Buti ka pa, hindi pabigat. 

 

Buti ka pa, hindi nangungutang na parang obligasyon ko na pautangin ka.

 

Buti ka pa, hindi tamad. Kahit sabay-sabay kami, kaya mo. 

 

Buti ka pa, International. Kahit sa iba’t-ibang bansa, puwede kang gamitin—London, India, Thailand at marami pang iba. Wow!

 

Buti ka pa, pinagtatagpo mo ang mga taong hindi magkakakilala. Kahit pa yung iba, taga-ibang bansa at hindi namin kilala.

 

Buti ka pa, inaabisuhan mo ako pag mali ang ginawa ko.

 

Buti ka pa, pinupuri mo ako pag tama at bongga ang mga ginawa ko.

Buti ka pa, madaming naituturo sa akin. Feeling ko nga tumalino ako dahil sa iyo.

 

Buti ka pa, nandiyan pag bored ako. Nakakaaliw ka kasi talaga!

 

Buti ka pa, nandiyan pag hindi ako makatulog.

 

Buti ka pa, nandiyan pag bad mood ako at nalulungkot.

Buti ka pa, nandiyan at nagpapaasa sa akin na puwede pa akong manalo sa laban.

 

Buti ka pa, naiintindihan mo ako.

 

Buti ka pa, kahit tinitira kita, ok lang sa iyo. Tira lang ng tira kahit paulit-ulit! Patira ulit ha. 

 

Buti ka pa, may tumitira sa iyo, sa akin wala. Huhuhu.

 

Buti ka pa, kahit mali ako, hindi mo ako pinagtatawanan. Maayos mong sinasabing mali ako na may kasama pang abiso.

 

Buti ka pa, binibigyan ako ng pagkakataon na dumiskarte ng gusto ko at palagay kong tama.

Buti ka pa, sumisigaw ng “BINGO” kapag nakagawa ako ng “BONGGA!” May music pa.

 

Buti ka pa, binibigyan mo kami ng pagkakataon na magbuhat ng bangko at malaman ng ibang tao. Panay nga ang yabang ko lately dahil tinatanong mo ako kung gusto ko magmayabang. Hehehe.

Buti ka pa, puwede kahit pag-antayin namin nang matagal. “Patience is a virtue” siguro ang motto mo.

 

Buti ka pa, hindi “stress” sa buhay ko!

 

Buti ka pa, kahit isang tira lang puwede na akong manalo sa laro.

 

Buti ka pa, dinodoble or triple mo ang ambag ko sa laro. Salamat ha.

 

Buti ka pa, binibigyan mo ako ng chance na purihin ng iba. Nakaka-flatter.

 

Buti ka pa, hindi nagagalit kahit matagal ako. Yung iba lang kasi nagmamadali. Bwiset! Salamat nga pala at may choices ka pa ng oras. 

 

Buti ka pa, kahit may nag-cancel sa akin, nag-forfeit or tuluyan na akong natalo, puwede pa ulit. Salamat sa chances.

 

Buti ka pa, SCRABBLE. Buti ka pa. Salamat at nakilala kita.

 

Mabuhay ang SCRABBLE sa facebook!

 

Happy New Year to all!

Twilight Zone

Filed under: Features — admin at 11:00 pm on Monday, November 23, 2009

Favorite ko ang Twilight Zone sa Channel 2 noong araw. Every Friday ‘yon ng 7:00 p.m. Iba’t-iba yung story nila na puro kakaiba. Minsan, nakakatakot but most of the time, mga weird, unexplained or peculiar (nakita ko sa Sesame Street) na mga pangyayari.

Meron silang episode na tungkol sa dalawang mag-asawa na bigla na lang na-trap sa loob ng bahay nila. Pagbukas nila ng pinto at bintana nakaharang ang isang malaking kulay blue na pader. Maski sa ceiling, nang gibaiin nila, nando’n pa din yung kulay blue na pader na sobrang tigas. Ang ending, mga dolls lang pala sila sa dollhouse ng isang bata, na nilagay sa blue cabinet yung doll house niya.

Meron pa yung Boogeyman. Lumalabas siya do’n sa ilalim ng kama no’ng bidang bata. Say niya palagi sa bata, “I am the Boogeyman. I will never harm the person in which his bed I live.” So nasanay na yung bata kaya, hindi na natatakot kahit may mga balita na pinapatay ng Boogeyman ang mga bata sa park nila. May isang nagbu-bully doon sa batang bida. Niyaya niya yung bully na magpunta sa park ng madaling araw para malaman daw kung talagang matapang. True enough, lumabas yung Boogeyman, tumakbo yung bully. Smile lang yung bida, bigla siyang sinakal nong Boogeyman. Say niya sa Boogeyman, “I thought you will never harm the person in which his bed you live? You live in my bed.” Say ng Boogeyman, “I am the Boogeyman from someone else’s bed…” Inay ko po!

Pag nakakarinig ako ng mga bagay na weird or kakaiba, naaalala ko ang Twilight Zone.

One time sa Greenbelt. Watch ako ng last full show which I normally do. Malapit na magsimula yung sine so nagmamadali na ako. May dalawang bakla sa harap ko. Sila na ang bumibili. Pucha nagtatalo pa kung ano ang papanoodin. Nang mapagkasunduan, pinagtalunan naman ng mag-sisters kung saan uupo. So kapwa bakla naman, kinausap ko sila. “Mga sisters, bilisan natin. Late na tayo!” Natapos na sila, so finally ako na. Pucha, bumalik yung isa. Yung mas bakla pero kalbo. Hysterical siya, “Don’t you dare do that to me again!!!” (sabay irap at walk out). Ha? Saan galing ‘yon? Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya. Weird!

Tuwang-tuwa ako nang mag-open ang TriNoma. Malapit lang kasi sa bahay ko. Hindi ko na kailangang pumunta sa Greenbelt, Makati or Eastwood para maka-watch sa magandang sinehan. Since Ayala din ang TriNoma, sure akong maganda. Pucha, bago pa lang ang Trinoma, sira na agad ang escalator doon sa ground floor na lagi kong pinapasukan. Ang aircon, parang mahina. E, di ba bago lang? E, di ba Ayala ito? Weird!

Kumain ako sa Chowking Trinoma last Saturday. Ang bongga ng Chowking kasi salamin ang cover ng kitchen kaya kita mo ang pagluluto ng mga kusinero nila. Pero nagulat ako kasi nasa gitna yung counter nila kung saan ka mag-o-order. Hala! Yung kuhanan ng dessert at mga drinks nasa tapat ng counter. So tatawid pa yung mga kumuha ng order para kumuha ng drinks. Kaloka!

Sa Robinson’s Galleria kami nagwa-watch ng mga bakla ng mga FOR ADULTS na movies. Doon lang kasi pinapalabas ang Indie movies na may gay theme at hubaran. Kaya pag may showing na baklaang movie, takbo kami agad sa Galeria. Pero napansin ko, ang tagal ng sira nong escalator paakyat sa Cinema 8. Doon pa naman lagi palabas ang mga movies namin. Hingal-kabayo ang mga bakla paakyat. Kaloka! Napakatarik pa naman ng escalator na ‘yon. Eto mas weird, kapag FOR ADULTS ang movie, maraming bakla ang nakatayo lang sa likod kahit marami pang upuan. Bakit kaya?

Madalas ko makita ang isang actress sa mga showbiz gatherings at mga TV guestings niya. Nakikita ko din siya sa mga magazines at newspapers. Mahaba ang buhok niya na lampas lang ng konti sa balikat niya. May bago siyang shampoo commercial. Ang buhok niya na nakatrintas pa, hanggang bewang. Paano nangyari ‘yon? Kakatakot!

Sigurado akong hindi naka-graduate ng college yung isang actress. Laking gulat ko nang makita ko ang picture nya sa isang chipipay na school at naka-nurse uniform pa. Yung isang actor naman, sa pang-mayaman na school nag-graduate pero naka-pose siya sa ad ng isang mumurahing unibersidad. Peculiar.

400 years na ng UST o University of Sto. Tomas. May kick-off program this December. Kaibigan ko ang isa sa organizers. Tinawagan niya ako kung pwede ba daw ako mag-intermission. Monologue ko tungkol sa buhay college days ko sa USte na nakakatawa ang gusto niya. Nag-agree naman ako. May bayad naman daw pero small budget lang. Kung maari daw sana ay pumayag na ako kasi pinaglaban niya ako sa mga pari para mag-guest. Nag-”yes” naman ako agad kasi kaibigan ko nga siya at Thomasian naman ako. Tinanong ko siya kung sino ang host. Binanggit niya ang name ng isang magaling na TV host pero hindi Thomasian. I asked her kung bakit ‘yon, say niya, “Requested ng mga Pari.” Ano? Ako na proud Thomasian, ipinaglaban pa, yung hindi taga UST-nirequest. Weird!

Um-attend ako ng celebrity premiere ng New Moon last Thursday sa SM The Block. Nag-outfit ako nang bonggang-bongga. Paglakad ko sa red carpet, pinagkaguluhan ako ng mga paparazzi at mga  camera ng iba’t-ibang shows. Nagpa-picture din ang ilang fans na nasa labas ng red carpet. Nakita ko din ang ibang kapwa ko Kapuso stars. Maski na ang mga baguhan na less than three months pa lamang. Pag-uwi ko sa bahay, nag-watch ako ng isang news program. Ipinakita ang celebrity premiere ng New Moon sa The Block. Mainit-init pa. Binanggit at ipinakita ang lahat ng Kapuso Stars na nadoon (kasama yung mga baguhan), maliban sa beauty ko. Kinapa ko agad ang sarili ko kasi baka multo na lang ako. Katakot!

May kasama si Manny sa kotse pero hindi daw si Jinky. Nasa Las Vegas din daw ang pamilya ni Krista. Umiyak si Jinky sa misa. Cold si Jinky sa pag-kiss kay Manny. Pinag-uusapan sa buong sulok ng Pilipinas. Bulung-bulungan sa call center habang coffee break, sa parlor habang nagpapa-manicure-pedicure-kulot, sa school habang recess at sa batis habang naglalaba. Pero sabi ni Manny, wala naman daw silang problema. Twilight Zone! (tinin tinin tinin tinin…)

Nationalistic yata Ako!

Filed under: Features — admin at 2:39 pm on Sunday, October 18, 2009


Nationalistic yata ako.

 

Kaya I really don’t mind na hindi ako kagalingan mag-English.

 

Kahit anong klaseng kabwisitan ang meron dito sa bansa natin, gusto ko pa rin dito. Pag nasa ibang bansa naman ako, sa mga Pinoy pa rin ako sumasama. At home kasi ako with them. 

 

Pag may nami-meet akong Pinoy na hindi na marunong mag-Tagalog, dahil hindi na sanay, naiinis ako. Pero pag may mga foreigner naman na nag-aaral ng Tagalog, tuwang-tuwa ako. To name a few, tignan niyo sina Akihiro Sato at Daiana Meneses ng Eat Bulaga.

 

Parada pa lang ng Philippine Team sa Olympics at Sea Games, umiiyak na ako. Kahit deep inside alam ko naman na konti lang ang medalya na maiuuwi nila para sa bansa natin. Wala daw kwenta ang suporta ng gobyerno sa sports. Hay!

 

Saludo ako sa mga boksingerong Pinoy, na laki na sa ibang bansa, pero hinahawakan pa din nila ang Philippine flag. Kahit National Anthem na ng nire-represent nilang bansa ang kinakanta, proud pa din sila sa lahing Pinoy. Sabagay, karamihan sa kanila, sarat ang ilong.

 

Tinatawag pa lang si Manny Pacquio papasok ng ring kinikilabutan na ako. Pag kinanta na yungLupang Hinirang lalo na akong nagiging emotional. Kahit pa yung Jennifer Bautista na walang kakwenta-kwenta ang pagkanta, natawa na lang tuloy ako habang lumuluha noong tuluyan na siyang pumiyok. Pero pag naririnig ko ang mga intriga tungkol kay Manny, lalo akong naiiyak. 

 

Tumulo ang luha ko habang pinapanood sa isang post sa Facebook, ang isang French choir sa New Jersey, USA, na kumakanta ng “Bahay Kubo.” Sinundan pa ‘yon ng isang choir naman sa Los Angeles, USA, naRosas Pandan naman ang kinanta. My God, puti silang lahat. May accent pa nga ang pag-pronounce ng talong. Ang bongga!

 

Pag pinapakita yung music video ng mga Pinoy, na tulung-tulong sa pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, naiiyak ako. Nare-realize ko kasi na may pag-asa pa itong bayan natin kahit anong delubyo at politikong demonyo na ang sumugod. Basta tulung-tulong!

 

Panay ang boto ko kay Efren Peñaflorida doon sa CNN Heroes. Vote niyo din please. Grabe ‘yang kababayan natin na ‘yan. Nagtuturo sa mga batang lansangan na walang pang-aral. Kaka-proud! Maski ‘tong girl na si Fathin Amira na sumali sa Singapore Idol, e, parang gusto ko na din iboto. Kumanta ba naman ng “Bakit Pa” ni Jessa, e, halatang laking-Singapore na. Dinedicate pa niya ang kanta sa mga nasalanta ng bagyo. Wow!

 

Bata pa ako noong unang EDSA People Power pero pag pinapakita yung mga video at picture na humaharang ang mga madre at pari sa mga tangke, pucha, teary-eyed ako. Kaya noong pangalawang EDSA, sumali na ako. Naiisip ko lang, diba doon naluklok si Gloria? Ayan, mas teary-eyed tuloy ako.

 

Simula nang maging botante ako, lagi na akong bumuboto kapag election. Halos lahat naman ng binoboto ko, nanalo. Yung iba naman nadadaya. Kawawa naman.

 

Proud na proud ako sa mga Pinoy film makers na nanalo sa ibang bansa. Masaklap nga lang na ang mga pelikula nilang nanalo ay hindi kumita or kikita sa ating bansa kapag pinalabas na. Kasi nga, kulang daw sa budget kaya di masyadong sikat ang arista at walang pang-romote. Nagtataka naman ako, bakit hindi gumawa ang mga malalaking kumpanya ng mga gano’ng pelikula? Ah, siguro mas kaunti ang budget, mas determinadong gandahan ang paggawa ng pelikua na pang-International Awards. Ayun. Siguro lang, ha. 

 

Noong inokray ni Teri Hatcher sa Desperate Housewives yung doctor niya na nagsabing baka menopausal na sya at ang hirit niya wa something like, “Maybe you got your diploma in some medical school in the Phillippines.” Pucha, uminit talaga ulo ko. Nakisama ako sa mga threads sa internet at nakimura na din sa writer at kay Teri Hatcher na din. Nag-isip pa ako ng mga wagi na English, as if naman, mababasa ni Teri. 

 

“Teri, you are a bitch! You are a has-been. Because of Desperate Housewives, your dead career was resurrected, skinny bitch! Don’t you show your face here in the Philippines or I will let the Abu Sayyaf rape you while watching reruns of your has-been show Louise and Clark. And tell your freaking creator, Marc Cherry, that he is a fat, ugly, bald gay—like this somebody I know here. Sh*it, I’m so fucking mad!!!” Parang ganyan yung mga pinost ko. Hahaha. Mukhang tanga.

 

Noon naman lumabas sa isang Comedy Show sa Europe yung Pinay na katulong na ginagawang sex toy ng amo nya, hindi na ako nagalit. Naawa na lang ako doon sa kababayan nating umarte. Kawawa talaga, kasi alam ko kahit joke ‘yon, nangyayari talaga sa ibang bansa.

 

Kahit type na type ko si Alec Baldwin sa 30 Rock, nainis ako sa joke niyang, “I want a Filipina mail order bride!” Magaling lang talaga yung show nila kaya pinapanood ko pa din. Hay, kelan kaya magkakaroon ng mala-30 Rock dito sa pIlipinas? Yung dialogue pa lang, nakakatawa na. 

 

Yung kaibigan ko kasing Palanca winner na si Chris Martinez (na siyang sumulat ng Kimmy Dora, ang hit movie ng Comedy empress na si Eugene domingo), ayaw magsulat sa TV. Mga network, kunin niyo si Chris. Lakihan niyo ang TF at huwag biguan ng stress masyado para pumayag. (Parang yung nabalitaan kong executive na nagpa-revise ng drama script nang bongga sa mga alagad niya, e, siya mismo walang drama sa buhay). Pwe! Basahin nyo yung play ni Chris ”Sabado sa Sam’s” at “Last Order sa Penguin” to name a few. Nakakatawa. Basa pa lang ‘yon ha, kaya imagime niyo na lang nung gawin naming play. Ibang comedy writer din kasi dito, ang bobobo. Sila mismo, hindi natatawa sa ginagawa nila. O, di lahat, ha. Relax! 

 

Ayan, uminit na naman ang ulo ko! Ako tuloy yung hindi na-relax…

 

Naalala ko tuloy ‘tong si Terry (oo nga, Terry din pala name noon) na kababayan nating sumali sa Amazing Race Asia. Ka-team nya yung mister niyang Egoy. Pucha kawawa yung mister. Squating ‘yong kababayan nating si Teri. Mura at sigaw ang inabot noong asawa na pagkabait-bait. Pinapakita lang daw ng bruha ang tunay niyang emotions. O sige na, e, gaga ka pala, Pilipinas ang team na nire-represent mo at napapanood ka sa ibang bansa. Le*se! Isipin tuloy ng iba, bungangera ang mga Pinay.

 

(Editor’s note: We got the chance to talk to Terry last year, and she felt really unhappy that she was portrayed that way. She said, “They only showed a portion of the entire thing I said. People didn’t know the context, what happened,…They only captured the part where I was screaming and shouting!”)

 

Parang si Aubrey at ka-team mate niyang si Jackie Yu na puro pagre-retouch ng make-up ang ginagawa. Baka akalain ng ibang bayan na makaka-watch na lahat ng babae sa bansa natin ay ganoon umasta. Ayan, natalo tuloy sa kaka-retouch. Hehehe.

 

Nabigyan ako ng pag-asa nina Mark Nelson at Rovilson Fernandez noong sumali sila. Pucha, si Rovilson, hindi alam ang flag ng mga pinuntahang bansa. Puro gimik at pagpapa-pogi kasi ang inatupag. Bwiset! Pasalamat ‘tong si Rovilson at nal*l*bugan ako sa kanya. Actually, kay Mark din, huwag lang magsalita.

 

Finally, itong si Geoff Rodriguez na dating Power Boy at si Tisha Silang naman na dating beauty queen ang sumali. Noon ko lang nalaman na mag-syota pala ang dalawang ito. Di ba every batch ng Amazing Race may pair na laging nag-aaway? Sa batch nila, sila ‘yon. Okray! Kahit Philippines ang niri-represent nila, natuwa ako na hindi sila ang nanalo. Buti nga.

 

Yung mga susunod na Pinoy na sasali sa Amazing Race at iba pang contest na nire-represent niyo ang bansa natin, please naman umayos-ayos kayo! Utang na loob! I’m watching you. Nationalistic yata ako!

 

Teka nga at kakanta muna ako ng “Lupang Hinirang” at “Bahay Kubo” para kumalma. 

 

Anyway, highway, by the way, this is my 121st entry as we enter the year 3 of Korek ka John! Let’s make it more interesting. I will answer, react or even explain to your comments in the Comments section, which can be found at the lower part of each entry starting this one (Nationalistic yata Ako).

I will be using Korek ka John! as my username. It’s this blog’s title anyways so huwag na po kayong mag-attempt na gamitin din ‘yon. Nakatimbre na po ito sa ating Tech Team. This is it! Enjoy! 

 

Happy 2nd Anniversary, Korek ka John!       Welcome all to year 3! 

Magugunaw na ang Mundo!

Filed under: Features — admin at 12:06 pm on Tuesday, October 13, 2009


Global warming, giyera, recession, lindol, bagyo at baha…Magugunaw na yata ang mundo.

 

Kaya kapag nakakarinig ako ng balita tungkol sa mga katarantaduhan ng ilang artista, nalulungkot ako at nagagalit. 

 

May isang “action star” na tinutukan daw ng baril ang isang editor dahil gusto nang umuwi ng puyat na editor. Hindi naman na nagsuplong sa kung saan ang pobreng editor dahil sinabihan daw siya ng mga boss niya ng, “Pagpasensiyahan mo na.”

 

May isang “actress” na mayaman na nga ang kanyang asawa, kumabit pa sa isa pang mayamang pulitiko. Ang nakakaloka, corrupt si pulitiko at nagnanakaw ng pera ng bayan. So, ang mga pang-mayamang gamit na binibili niya para kay actress, e, galing sa mga Pilipino. Kaya pag nagmamayabang itong si actress, kinikilabutan ako.

 

May isang “starlet” na ganda at katawan ang puhunan para magkapelikula at pera. Wala siyang pakialam kung may asawa na ang kanyang pinapatulan or pulitiko na ninanakawan ang kaban ng bayan. Pinagsasabay-sabay pa daw nito minsan ang mga sponsors niya. Magkasakit sana sa puk*. Bwiset!

 

May “award- winning actress” ang hindi sumisipot sa taping dahil wala siya sa mood. Mas gusto niyang kasama ang kanyang boyfriend na adik. Dedma siya kung mag-antay ang mga tao sa set ng kanilang taping. As in dedma siya! Lahat na yata ng bisyo nasa kanya. Kaya siguro magaling. Ayun, kaya yung isang superstar na kilala ko magaling din umarte, madami kasing bisyo. Hahaha.

 

Sa dami ng taong talented at may hitsura naman, pero hindi nabibigyan ng pagkakataon na maging artista…

 

Sa dami ng taong nagugutom ngayon…

 

Sa dami ng kalamidad na dumating at darating…

 

Sa dami ng nagsasabing magugunaw na daw ang mundo…

 

May mga artista pang ganito…Mga p*tang ina ‘yang mga ‘yan!

 

(Hingang malalim…inhale…exhale…relax…pray…sssss…)

 

Pero balanse talaga ang buhay.  Kung may lungkot, may ligaya; kapag may good, may bad; kapag may sad, may happy.; at may artistang tarantado at meron din namang mabait.  Mga artistang dapat tularan at gawing inspirasyon. Mga artistang dapat suportahan at mahalin. Mga artistang dapat palakpakan at ipagdasal na sana dumami pa ang tulad nila.

 

Pag nakikita ko ngayon si Diether Ocampo, niyayakap ko siya at kinakamayan. Yakap na kapalit sa kabutihan na ginagawa niya sa kanyang Kids Foundation. Maraming artista ang higit na sikat at mayaman kay Diet pero wala silang foundation maliban sa nilalagay nila sa mukha nila. Kamay, bilang pagsaludo na maliban sa pagiging actor, e, businessman din siya. Isa pala siya sa may-ari ng Uno magazine. Pucha, nasaksihan ko ang simula ng kanyang career at alam ko kung saan siya nagmula. Hindi ko maalis na humanga.

 

Sa susunod na makita ko si Diet, hindi lang yakap at kamay ang ibibigay ko, pati katawan ko na. Sana tanggapin nya. Hahaha. But in fairness, may mga artistang may tinutulungang foundation pero ayaw ipaalam. Puwede na din.

 

Paghanga at awa ang nararamdaman ko pag nakikita ko si Rhian Ramos. Paghanga, dahil bukod sa maganda, may talent ang batang ito. Paghanga na mas minabuti niyang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo keysa magpa-birthday party sa kanyang kaarawan last week.

 

At awa, dahil sa kahit anong gawin nya, may mga matatabil ang dila na sinasabing “pamangkin kasi ni Yda Henares kaya nabibigyan ng break.” Maryosep! Pero siguro, dito nanggagaling ang motivation ni Rhian, para lalong galingan ang pinasok niyang buhay. Siguro tulad ko, may mantra siya na, “Mapagod kayo sa kakalait sa akin.”

 

Dalawang aktress ang gustung-gusto ko. Isang taga-Kapamilya at isang taga-Kapuso. Parehong maganda at parehong talented. Ang daming kayang gawin. Deserving maging artista. Hosting, dancing, singing, acting, comedy, drama—lahat! ‘Tapos, talented na nga at magaganda, busilak pa ang mga puso sa pagtulong sa kapwa. Gusto ko silang maging kaibigan, maliban sa idolo ko sila. Toni Gonzaga at Iza Calzado, dumami pa sana ang tulad ninyo. Kaya naman happy na ang mga career, happy pa ang mga love life. Gift ‘yan ni Lord, enjoy!

 

Madalas kong sabihin na gustung-gusto ko si Gerald Anderson. Guwapo, talented at nagbibigay-pugay sa nakakatanda. Pucha, nang malaman ko na tinulungan niya ang mga kapitbahay niya sa Vista Real noong kasagsagan ng baha na dulot ni Ondoy, e, lalo akong humanga.

 

Tuluyan ng bumalik ang peace of mind ko nang malaman ko na hindi naman pala naapektuhan ng baha ang bahay nila. Weird kasi, pantay naman daw ang kalye nila sa kalye ng mga kapitbahay niyang binaha. Hindi yata pantay ang lupa. Buti na lang at hindi rin pantay ang mga tao. May artistang gago at may artistang katulad ni Gerald.  Isingit ko na din dito si Jericho Rosales na naging makabuluhan ang hilig sa surfing. 

 

Pero itong si Raymart Santiago ang bongga! Walang picture or video na kumalat pero 11 hours daw tinulungan ni Raymart ang kanyang mga kapitbahay sa Loyola Grand Villas na nasalanta ng bagyo. Binaha din naman sina Raymart pero matapos malikas ang pamilya niya sa second floor ng kanilang bahay, lumabas na siya at tumulong sa pagsagip sa kanilang mga kapitbahay na may second floor din naman pero binaha hanggang third floor. Triathlete pala itong si Raymart kaya napakahusay lumangoy. Ito yung action star na nanunutok ng tulong at hindi ng baril. 

 

Nakakaloka ang ginawang pag-rescue ng mag-asawang Ryan at Juday sa kanilang kumareng si Gladys Reyes. Wala ang mister ni Gladys na si Christopher Roxas nang bumuhos si Ondoy. Tanging mga kasambahay at dalawang anak na paslit ang kasama ni Gladys. Mula sa kung saan ay dali-daling pinuntahan ng mag-asawang Agoncillo ang bahay ni Gladys sa Cainta. Matapos sagipin nina Ryan at Juday ang pamilya ni Gladys, sumagip din sila ng mga taong hindi nila kilala. God bless them!

 

Panalo ang ginawang Fashion for a Cause ng mga kapatid ko sa Star Magic last Sunday, ika-11 ng Oktubre, sa ABS-CBN. Rumampa sila na suot ang mga damit ng mga kilalang designers ng bansa. Kahit chaka ‘yung ibang damit, maganda naman ang adhikain. Mabuhay din ang mga designers na ‘yan! Gusto ko nga sanang sumali, bilang Star Magic artist pa din ako, pero ipapalabas daw kasi sa TV. Sabi ko naman, I’m sure GMA-7 won’t mind kasi charity naman. Anyway, malaki ang kinita ng event pero para sa akin mas malaki ang puso ng mga sumali at nag-organize. Bravo!

 

Sa mga artistang nagpadala ng tulong (pera at relief goods). Sa mga artistang tumulong mag-repack at maglinis. Sa mga artistang nagbigay ng oras at pagmamahal. Mabuhay kayo! 

 

Kapag nakakarinig ako ng mga artistang tumutulong sa kapwa at sa mga kapus-palad, natutuwa ako at humahanga. Mga artistang kusang loob ang pagtulong at hindi gimik or gawa-gawa lang para sa ikagaganda ng image. Mga artistang bukal sa loob ang pagtulong kahit hindi hinihingi. Mga artistang masarap mahalin at hangaan, hanggang sa magunaw na ang mundo! 

The Comedy Empress

Filed under: Features — admin at 2:32 pm on Tuesday, September 8, 2009


Bagong pasok ako sa ABS-CBN when I saw my college friends Andoy Ranay and Roy San Luis.  Magkaka-batch kami noong college at sabay-sabay kaming sumali sa Teatro Tomasino. I found out na kaya pala hindi na sila nag-graduate sa UST kasi nag-transfer sila sa UP Diliman and took up Theater Arts.  It was there na nakakilala sila ng mga bagong kaibigan, na eventually naging mga kabarkada ko na rin—sina Candy Pangilinan, Harlene Bautista, Rico Gutierrez, Eugene Domingo, to name a few. May mga bago akong mga kaibigan. Ang saya!

 

Sa Sam’s Diner kami nagkikita almost every night.  Tambayan ng mga theater people ang Sam’s.  Very memorable sa akin ang lugar na ‘yan sa tabi ng Delta Theater.  Diyan ko unang nakilala ang Chicken Aoli, si Jo-Ann Maglipon at si Eugene Domingo.  Uge ang tawag namin kay Eugene.  Eugenia ang tunay niyang pangalan.

 

Kasama ko sina Harlene, Candy at Andoy the first time I met Uge sa Sam’s.  Over ang closeness naming apat that time, to the point na every day magkasama kami (sometimes with Rico Gutierrez na siyota pa ni Harlene noon).  Kasama pa ni Uge sina Ge Malacaman at Joel Saracho na mga kaibigan din namin.  Lahat sila magkakaibigan at mga miyembro ng Dulaang UP. 

 

Naka white T-shirt at maong lang si Uge.  Mahaba ang hair niya at medyo dry.  Nang ipakilala ako nina Candy, Harlene at Andoy kay Uge, buong sigla niya akong niyakap sabay sabing, “Ikaw pala yung John Lapus, Diyos ko!”

 

Naikuwento na pala ako nina Harlene sa kanya at ang aking pagmamahal sa aking “first love” na kilala din niya.  Niloloko pa ako ni Uge kay Ge at Joel dahil meron daw kaming something in common.  Hahaha. Ang saya!

 

Instant ang rapport namin ni Uge.  We have so many things in common.  Iisa ang sense of humor namin at takbo ng utak.  Pareho kaming galit sa bobo, madaling ma-stress at minsan masungit, to name a few. 

 

“Ma” as in Mama ang tawag sa kanya ni Harlene kaya naki-”Ma” na rin ako kay Uge.  Para kaming sitcom ni Uge pag nakita niyo kaming mag-usap.  Nakakatawa ang mga true to life na experience namin. 

 

Sa sobrang enjoy ko sa company ng mga friends ko from UP, sumali na din ako sa Dulaang UP.  First play ko with them yung SAKURAHIME ni Anton Juan.  Ang saya namin sa play na ‘yan kasi magkakasama kami nina Uge.  Baklang Japanese ang role ko na entertainer sa isang Omise (club) na puro mga Pinay ang entertainers.  May isang eksena na big night, at nag-iiba-iba ako ng mga costume sa scene na ‘yon every performance.  Ginugulat ko talaga ang ibang cast.  Minsan Dyesebel, Lion King at minsan pa, Darna. One time, Tinkerbelle ang costume ko.  May suot talaga akong pakpak.  I’m sure magugulat at mapapatawa ko na naman sila. 

 

Pasalubong ang blocking namin ni Uge (na madre naman ang role) sa scene na ‘yon.  Pa-exit siya, pa-enter naman ako.  May fog machine ang salubungan namin kaya walang nakakita.  Hinampas ako ni Uge, sabay say ng, “Ang laking lamok!” Pagsindi ng ilaw, tawa ako ng tawa.  Hahaha.  Ako ang nagulat at natawa.  Kaloka! Nakahanap ako ng katapat. Ang saya!

 

May play naman kami sa UP Theater Council.  Last Order sa Penguin sa Faculty Center ng UP.  Every 15 to 20 minutes ang interval ng aking entrance sa scenes na kasama ako. Pag hindi ko pa eksena, nakakatulog ako sa backstage kaya ginigising na lang ako ng stage manager pag ako na. 

 

Si Uge, sa harapan umupo, as in malapit sa tatayuan ko.  Pagpasok ko sa eksena na kumakanta pa, dinig na dinig ko ang litanya ni Uge na, “Naku paos ang bakla, siguro natutulog backstage.” Natawa na naman ako.  Imbyerna!  Hindi nagpaawat si Uge the next day.  Hindi ko alam na nag-watch siya ulit.  Nalaman ko na lang kasi bigla niya akong ginising habang natutulog backstage.  Say niya with matching kalabit, “Huli ka, sabi ko na nga ba natutulog ka, e.” Hahaha. Ang saya!

 

Ginawa din niya sa ‘kin ‘yan sa play naming Temptation Island Live! sa Republic of Malate years ago. Sa harap siya umupo at sa eksenang umiiyak ako, tinatapat niya ang bibig niya sa akin sabay bulong ng, “Ang husay ng anak ko. Ang galing.” Sobrang pigil ako sa pagtawa, lalo akong naiiyak. Huhuhuhahaha. Baliw pero masaya!

 

Binalak kong gawin din sa kanya ‘yon sa play nilang The Women sa Guerrero Theater. Hinahantay ko siyang mapatingin sa kung saan ako nakaupo. Nakaisa ako. Umiwas ang bruha. Ang punchline, nakatulog ako sa kalagitnaan ng play. Ako ang nalagot pagkatapos. Huli!

 

One time, nagkita kami sa labas ng isang dressing room sa ABS-CBN. Binisita ko kasi yung artista na inaayusan doon. Siya naman, may dubbing ng Telenovela. Chika-chika, landian, tawanan. Biglang lumitanya si Uge nang pagkalakas-lakas, “At sino naman ang babaeng minimake-upan na ‘yan?!” Naka-side view kasi yung girl kaya akala daw niya ang friend niyang si Cherry Pie Picache. Mabilis ang pangyayari kaya di ko na siya napigilan. Sumagot yung artista, “Ay, ako po ito.” Natulala si Uge at namutla naman ako. Si Sharon Cuneta ang artistang ‘yon. Matapos ko siyang pagalitan at matapos niyang magpaliwanag, nagtawanan na lang kami. Ang saya!

 

Minsan birthday ko. In-invite niya ako sa apartment niya at ipagluluto daw niya ako ng pansit. Ang sarap! After namin mag-lunch, umalis muna ako kasi may meeting pa ako. Bumalik ako ng before dinner at nag-inuman kami. In-offeran niya ako ng tirang pansit. Say ko, “Ayaw ko! Pansit na kanina, pansit na naman ngayon!” Nalasing ako. Nakita ko siyang kumakain ng pancit, nakikain ako. Naubos namin ang pansit at naubos ko ang kaning lamig ni Eugene. Food trip! Say niya, “Ayaw mo pala ha!”

 

Birthday ni Candy Pangilinan. Sabay-sabay kaming nag-dinner nina Uge, Carmina at Gelli sa bahay nina Candy. Ang sarap! Saging con hielo ang dessert. Si Uge ang naunang kumain. Saging, yelo ‘tapos gatas. Yummy!

 

Si Carmina naman ang sumunod. Paglagay ni Mina ng gatas, say niya, “Ay! Mama Cands, namumuo na yung gatas. Expired na yata.” Magaling tumingin ng expired na gatas si Mina, panatag kasi.

 

Napatingin kaming lahat kay Uge na sarap na sarap sa saging con hielo niya. Say ni Uge, “Ha? Ok naman. Nakaubos na nga ako ng isa.” Doon na lang namin nakita na buo-buo na din ang gatas na kinakain niya. Say niya ulit, “Hindi ok talaga.” This time, namumutla na siya. Na-confirm naming lahat na panis na nga ang gatas.

 

Say ni Uge, “Ah, panis ba?” Humagalpak na lang kaming lahat sa kakatawa. Opo, si Eugene Domingo ang nag-iisa kong kaibigan na kumain ng panis na gatas. Hahaha. How ironic na endorser si Uge ngayon ng gatas. Pro! Ang saya, di ba?

 

Iniwan ako ng boyfriend ko. Pinagpalit ako sa ibang bakla. Nalungkot ako, na-depress, nabaliw. Nag-emote ako sa ilang kaibigan pero wala silang magawa at lalong wala silang ginawa. Tuwing magkikita kami ni Uge, nag-e-emote ako sa kanya. Hindi ko namamalayan na paulit-ulit na pala ang kuwento ko. Walang hanggang emote, angst at kabaliwan. One time, sabi ni Uge, magkita daw kami. Pumayag naman ako. Dinala niya ako sa psychiatrist. Binayaran niya ang first session. Nawala ang lungkot ko, depression at kabaliwan. Muli akong sumaya! 

 

john1.jpg

john3.jpg

john4.jpg

john2.jpg


Si Eugene ang date ko sa Star Magic Ball last August 30. Late na kami kasi inantay ko pa siya dumating mula sa Kimmy Dora mall show sa SM Molino. Late na sila nag-start kasi nanggaling pa si Uge sa Showbiz Central na late na din nag-start dahil sa boxing.

 

Mga 9:30 p.m. na kami nakababa from our room sa Shangri-La. Nag-start na ang program. Wala ng tao sa lobby kaya papasok na kami dapat, pero sabi ko sa kanya, dapat magpa-picture muna kami doon sa red carpet na nasa background ang Star Magic logo.

 

Hinanap pa namin ang red carpet, Pucha, sa baba pa pala. Nakita naman namin pero tatlo na lang ang paparazzi. Pose, project, pout naman kaming mag-ina. Gutom na gutom na kami pareho kaya takbo na agad paakyat. Pagpasok namin ng ballroom, wala ng upuan. Standing room ang ball. Hindi naman na ako umimik kasi maski ang mga kapatid kong baguhang artista na Star Magic at ABS-CBN artists, e, mga nakatayo na din.

 

Say ni Uge, “Dedma na ‘nak. Gutom na ko. Get na tayo ng pagkain!” Habang hawak namin ang mga pagkain namin, may tumayo sa dulong table sa tabi namin. “Eto Ma, makiupo muna tayo.” Pag-upo namin, si Mother Lily pala yung ka-table namin. Naalala ko na galit nga pala sa kanya si Mother. Kinabahan kami ni Uge kasi first time pala nila magkikita. Tumayo si Uge, say niya, “Para matapos na!” Sinamahan ko siya, say ko, “Mother si Eugene, o.” Say ni Uge, “Mother, patawarin mo na ‘ko.” Say ni Mother, “Ay, oo naman.” Feeling ko nabigla si Mother or hindi niya nakilala si Eugene or nadaan sa bilis . Napalayo ako sa kakatawa kasi nakikita ko ang pag-e-effort ni Uge. Hahaha. Ang saya! 

 

Si Eugene ang gumawa ng Facebook account ko. Isa siya sa mga kaibigan ko na kung nalulungkot ako, gagawa siya ng paraan at hindi lang niya ‘ko dadamayan. Hindi lang siya magsasalita, makikinig din. Isa siya sa limang tao na una kong tinatawagan pag nalulungkot ako dahil alam ko muli akong sasaya. 

 

Inatake ako ng lungkot the other day. Nanood kami ni Eugene ng first day ng Kimmy Dora. Natawa ako nang bonggang-bongga! Nawala ang lungkot ko. Muli akong sumaya. Kahit sa pelikula at tunay na buhay pinapasaya ako ni Ma. Showing pa din ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Nood kayo. Ang saya!

Pasensiya na!

Filed under: Features — admin at 1:59 pm on Sunday, August 30, 2009


Pasensiya na! Now lang me nag-post ulit ng blog. Sobrang busy, e.

 

M-W-F-Sat ang taping ng Adik Sa ‘Yo.  May Showbiz Central pa every Sunday. At pumasok ang Show Me da Manny na every Tuesday at isasama pa ang Thursday. Every day ang work! 

 

Madalas kami magkasama nina Dennis Trillo at Pauleen sa set pero sila ang nagkatuluyan. Hahaha.  Pasensiya na, Sweet, at di mo kasing ganda si Poleng. Dennis at Pauleen, bagay kayo. Carlene at Cristine, pasensiya na.

 

Kinakabahan ako.  Nagiging close kami ng mga staff at cast ng Adik Sa ‘Yo.  Baka hanapin ko.  Patay.  

 

Di na tuloy ako nakakapag-guest sa Talentadong Pinoy. Pasensiya na din TV 5. Anyway, ang taas naman daw ng rating ng Talentado kahit hindi ako ang guest. Congrats!

 

Itong TV 5 mahal talaga ako at naniniwala sa talento ko. Inaantay nila ako para sa isang bagong show. Abangan!

 

Nagha-house (kahit town house lang) hunting ako. Buong Quezon City, iniikot ko. QC lang gusto ko kasi City of the Stars. Hahaha!

 

Madami akong nakikitang bahay pero pag nalalaman ko ang presyo, parang nagtatago na sila. Mas mura daw pag bumili ng lupa at magpagawa pero baka ma-ospital naman ako sa stress.  Maryosep!

 

Nag-pictorial na ako para sa Calayan Surgicenter.  Kasama ko si Allan K.  Sa wakas natuloy din. I deserve it. Yun na!

 

Nabangga ang kotse kong isa. Mas madali daw kung declare na lang na total wreck. Nag-agree naman ako para walang aberya. Naaberya naman ako sa blind item ng Bakulaw.

 

Inaway ko daw yung insurance, e, hindi naman ako ang kumakausap. Endorser pala ang bruha kaya panay ang bati. Ang nagagawa nga naman ng salapi. Hindi ko na masyadong pinatulan, mabait kasi ang mga taga-insurance. Yung endorser lang ang hindi. Pasensiya na po at ‘yan ang totoo.

 

Nag-car hunting ako. Dapat less than one million kasi 800 thousand plus lang ang amount ng car insurance ko. Gusto ko, konti lang ang idagdag kasi nga gusto ko na magkabahay. Walang tubig sa nire-rentahan kong townhouse ngayon.  

 

Lahat ng bilihan ng kotse, pinasok ko. Ang daming choices, pero konti ang pera ko. Naglaban ang Hyundai Tucson at Mazda Tribute. Nagwagi ang Tribute.

 

Nakaraket pa ako ng isang araw na shooting sa Panday ni Bong Revilla. Ako ang kauna-unahang baklang Manananggal. Lagot! Sa pelikula lang pala. Sa tunay na buhay kasi, maraming baklang manananggal.

 

Namayapa si Mommy Linda Martinez, nanlumo ako.  Malakas naman siya at walang sakit.  Gusto kong yakapin si Mama Bec, Marya, Mykey, Manny at Mel pero baka hindi ko na sila pakawalan.  

 

Namatay si Tita Cory, mas lalo akong nalungkot, niyakap ko ang sarili ko.

 

Naka-cameo pa ako sa OMG ni Mareng Juday Santos at Ogie Alcasid.  Mahal ko si Direk Dante Garcia kaya full support ako.  Niyakap niya ako noong mga panahon na kailangan ko ng kayakap.

 

Sumali si Mo Twister sa Power of 10.  Sa dinami-dami ng kilala niya, ako ang napili niyang support.  Kailangan din yata niya ng kayakap.  Hugs, Mo.

 

Pumasok pa ang Show Me da Manny.  Every Tuesday ang taping.  By next week, kasama na ang Thursday.  Aalis kasi si Manny para sa laban niya kay Cuto ba ‘yon? Ay, Cotto. Good luck, Manny!

 

Madami din ginagawa si Manny.  Kaya siguro madaming chiwariwap.  Lahat sila “yes” ng yes kay Manny. Yung iba nga, Sir Manny pa ang tawag.  Nabigyan na kaya sila ng Rolex? Hehehe.

 

Nakakatawa ang cast ng Show Me da Manny.  Sa wakas, bumalik na ang sitcom at kasama pa ako.  Thank you, Lord, at sa GMA.  Thank you din at hindi nila ako sinasali sa basaan.  Kung magkaka-Rolex ako, baka pag-iisipan ko pa.  Hehehe.

 

Magaling ang timing ni Marian sa pagpapatawa.  Si Manny naman nakakatawa. As in.

 

Ay, takbo muna sa Antipolo at pa-bless ang car.  Diyos ko, Pari ba itong nag-bless? Puwede na, mukhang Holy Water naman yung binasbas.  Ang dami, basang-basa ang kotse. Suwerte ito for sure.

 

Ay, editing pa pala ng SWEET 16 DVD.  Tutukan ko na ito, makabawi man lang sa sales ng DVD.  Bili kayo pag lumabas, ha? Please!!!

 

Ang init sa set ng Adik Sa ‘Yo. Sabi nga ni Tita Ces Quesada, “sa sobrang init, hindi niya na alam kung nakatulog ba siya or hinimatay.” Hahaha.

 

Wow! May invitation ako to host an event in University of Baguio. Salamat, Mareng Jenny! Akyat agad ng Baguio para malamig. Ay, umuulan…Ay, may bagyo…Ay, may landslide…Ay! Pasensiya na.

 

Ang mga bakla in-invite ang mama Sweet to judge sa kanilang Modeling Competition sa Malate. Rampa ang mga pa-girl at mga paminta. Go mga anak, project! Pose! Smile! Very good, mga anak.

 

Ay teka, host nga pala ang Batch ‘89 ng St. Anthony Nova School sa Amparo, Caloocan. Meeting muna. O, mga taga SANS sa January 30 ang Grand Alumni Homecoming. Support kayo, please, at nabubulok na ang Alma Mater natin. Pangit naman kung ang ilalagay mo sa resume ay nagsarang school. Yun na!

 

Hinahanap daw ako ni Joshua. Nagkita kami nina ni Kris, James at Baby James.  6′1” na ang height ni Josh. Niyakap ko siya nang mahigpit, sinabihan niya ako ng “I love you, Tito John.” Lalo kong hinigpitan ang yakap ko, sinubukan ko siyang buhatin gaya ng dati, ang bigat. Ang nasabi ko na lang, “I love you too, Joshua.” Hahaha. Pasensiya na, Josh, you are heavy na.

 

Presscon ng Show Me Da Manny. Nilapitan ako ng ilang reporter. Suwerte daw ako sa GMA at ang GMA sa akin.  “Thank you po,” ang sabi ko. Say naman nila, “Wag kang gumaya kay [name ng isang TV host] na inuubos ang pera sa lalaki.” Natulala ako. Say ko na lang, ”Oo naman po.”

 

Binili ko ng laptop ang pamangkin kong si Bea. Kailangan daw sa school.  Aba, UP ang pamangkin ko kaya naman buy ako agad.  Na-realize ko after a week, bakit siya may laptop, ako wala?  Bumili din ako.  Naalarma tuloy ang credit card at tumawag pa. Pasensiya na sa abala. 

 

Bumili din ako ng laptop, ayan naadik ako sa Facebook.  Kaloka!  Lalo tuloy naging busy. Hay, pasensiya na. Totoo nga ang chismis, “Facebook ang bagong shabu.” Hahaha.

 

Mare ang tawagan namin ni Angelika dela Cruz.  Finally, magiging magkumare na talaga kami. Bininyagan na ang inaanak kong si Gab Casareo.  Sa sobrang busy, hindi naman ako naka-attend ng binyagan.  Pasensiya na my inaanak, babawi ang Ninang Sweet.

 

Nasa Cagayan De Oro kami nina Dennis at Jennica para sa Kapuso Fans Day sa Kagay-an Festival.  Ang daming tao.  Sinisigaw nila ang pangalan ko. Gusto ko sila yakapin lahat pero ang dami talaga. Pasensiya na.  Salamat mga Kapuso sa CDO!

 

Ay Star Magic Ball na naman sa Sunday. Pasukat muna ako kay Francis Libiran. Date ko si Eugene Domingo, Tata Galias naman ang gown niya. I-date naman niyo si Eugene sa September 2, showing na ang Kimmy Dora. Nakakatawa!

 

Ang dami kong trabaho pero hindi ako nagrereklamo.  Mas gusto ko na maging busy keysa walang gawa.  Hindi bale ng walang tulog keysa walang gising.  I now call work, blessings. 

 

Sa mga hindi ko ng napuntahang okasyon at imbitasyon, at sa inyo na nag-antay ng blog ko, pasensiya na.

Tumatanda na talaga ako

Filed under: Features — admin at 5:51 pm on Wednesday, July 1, 2009

 


Sa sobrang pagod at antok a few weeks ago, imbes na brake, gas ang naapakan ko when I was parking my car.  Sumalpok ako sa garahe ng katabi kong unit.  Buti na lang, wala pang nakatira doon. Total wreck ang kotse ko.

 

Bumaba ako ng kotse at natulog, kasi nga antok na antok na ako. Paggising ko kinabukasan, ang sakit ng katawan ko. May sugat pala ako sa tuhod at braso.  Takbo ako agad sa Emergency Room ng St. Luke’s Hospital.  Doon ako madalas tumatakbo ngayon kasi halos lahat ng kilala kong nako-confine doon, nabubuhay. 

 

Besides, sa St. Luke’s ako ipinanganak so I’m sure, aalagaan nila ako. Tinurukan ako ng anti-tetanus para sa mga sugat ko. Ang sosyal! Kaya lang, may bayad pala ‘yon at di kasama sa health card ko. Hindi ko alam kung bakit?  Ang nakakaloka, sa parteng dibdib ko lang ang medyo masakit, dahil tumama sa airbag, buong katawan ko yata ang na-X-ray. Gano’n daw talaga ang ginagawa sa mga patients from a car accident.  Ang sosyal! 

 

Ang laki ng X-ray na pang-buong katawan.  Parang robot sa Transformers.  Feeling ko, biglang magta-transform yung X-ray machine at aakayin ako pabalik ng E.R.  Ang taray!  Niresetahan ako ng mga pain relievers at gamot sa sugat.  ‘Tapos umuwi na ako at natulog ulit.  Antok na ako, e.

 

Tumatanda na talaga ako.

 

Three weeks ago.  Paggising ko mula sa bonggang-bonggang pagkatulog, dumiretso ako agad sa banyo para magmumog.  Habang nagmumumog, sumirit ang tubig sa kaliwang labi ko.  Kaloka!  Nag-try ako ulit.  This time, super locked ko ang lips ko.  Confirmed!  Sumirit na naman ang tubig sa kaliwang labi ko.  Ano ito?!  Kinakapa ko naman ang pisngi kong malaki, may nararamdaman naman ako.  Nag-try ako mag smile,  oh my god! Tabingi ang smile ko. Mas ngiting-ngiti ang kanan sa kaliwa.  Nakutuban na ako.  Pero dedma, may taping pa ako ng Adik Sa ‘Yo.  Mataray naman si July at bihira ngumiti.

 

The next day, Saturday.  Lumabas kami ng mga pamangkin ko. Watch sana kami ng sine.  Habang nakapila sa bilihan ng tiket, biglang gumalaw-galaw ang kaliwang mata ko.  Katakot kasi gumagalaw siya by itself.  Sinubukan kong pumikit pero hindi ko masyadong maipikit ang kaliwang mata ko.  Doon pa naman sa mata na ‘yon ako kumikindat.  Pucha, hindi na yata ako makakakindat sa guwapo.  Piniktyuran ko ang sarili ko sa cellphone ko.  Kaloka!  Hindi ko masyadong nako-control ang kaliwang mukha ko.  Hindi na kami nag-watch ng sine.  Takbo na naman ng St. Luke’s.

 

Buti na lang, may health card ako kaya hindi ko binabayaran ang ibang mga services na ginagawa sa akin, maliban nga sa mga gamot tulad noong anti-tetanus. 

 

Nag-smile at beautiful eyes ako kay Doc.  Tinakbo naman ako this time sa M.R.I.  Nakikita ko na ’yon sa House at Grey’s Anatomy.  Nakakaloka pala ang actual M.R.I. machine.  Parang crematorium.  Ang pinagkaiba lang, malamig, kaya bongga.  Para akong bangkay na hindi puwedeng gumalaw at dumilat.  Para akong nasa sementeryo kasi may mga tunog na parang naghuhukay. Katakot!  Mga 30 to 45 minutes din yata ‘yon.  Hindi ko na masyadong namalayan kasi nakatulog yata ako.  Confirmed!  Tama ang kutob ko, sabi ni Doc, may Bell’s Palsy ako.  Buti na lang, mild.

 

Pucha ang mahal ng gamot.  Pero kailangan bilhin at inumin. May pictorial pa naman kami the next day para sa second anniversary ng Showbiz Central.  In fairness, nakakabit na sa GMA Network Building ang billboard namin now. Hindi naman halatang tabingi ang smile ko. Nadala sa emote at projection.  Salamat din kay Mikee Osias ng Hairwatch Salon.  Tinabingi din yata niya ang make-up ko para pumantay. Pansinin niyo pag napadaan kayo sa Timog corner Edsa. Ang ganda!

 

Tumatanda na talaga ako.

 

Last week, naambunan lang ako ng konti, trangkaso na agad the next day.  Wednesday ‘yon. Padating yung bagyong si Feria.  Hindi nagpaawat ang Adik Sa ‘Yo.  Tuloy ang taping namin.  Buti na lang at iniwasan ni Feria ang Laguna kaya medyo ambon lang ang na-experience namin.  Big scene ang kinunan.  Maglalaban sina Karen (Jennica Garcia) at Camille (Pauleen Luna) sa titulong Binibining Alitagtag 2009. Si July ang host.  Nakakatawa ang mga eksena. Watch niyo please, kasi nagkasakit ako the next day.

 

Last Thursday, may appointment kami ni Mareng Boyet sa broker naming si Joy para i-tour kami sa ilang mga bahay sa Quezon City.  Three p.m. ang schedule namin so mga two p.m. ako gumising. 

 

Pucha, nanlalata ako pagkagising. Ubo na ako ng ubo at ang sakit ng ulo ko.  Pero nakipag-meet pa din kami kay Joy. Gusto kasi namin ni Mareng Boyet na makabili na ng bahay this year. Ayaw ko ng condo. Town house sana or duplex na modern ang design.  Madami na kaming nakikita pero parang nagtatago sa sobrang mahal. 

 

Habang nagtu-tour kami, lalong lumala ang sakit ng ulo ko. This time, giniginaw na ako. Nagpalala yata yung mga pangit na units na ipinakita ni Joy pero sobrang mahal.   

 

After ng house hunting, takbo na naman ako sa St. Luke’s. That was my third time for the month of June.  Kilala na ako ng mga nasa E.R. Nag-hi at hello pa kami ni Doc Bell’s Palsy.  Pero kakaiba ngayon, ang daming tao sa E.R.  Hanggang sa labas, may mga pasyente.  Uso pala ang trangkaso at ubo.  Hindi nga lang ina-admit agad yung iba dahil chini-check pa daw kung may A H1N1. Kaloka! Buti pala naging regular guest ako kaya pasok ang beauty ko sa semi-finals. 

 

Pero ang mga nurse at doctor na lumalapit sa akin, paulit-ulit ng Question and Answer portion. “Nagtravel po ba kayo outside the country?” Paulit-ulit din na “hindi” ang sagot ko sa kanila. 

 

Lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay ng E.R.  Yung katabi kong ale, parang may cancer pa yata kasi nakarinig ako ng “chemo.” Normal naman ang blood pressure ko pero 38 point something na ang temperature ko.  Kaya pala ang ginaw. Sabi ko, i-confine na ako para sigurado.  Kakatanong din kasi sa akin kung nag-travel ako outside the country, parang feeling ko may A H1N1 na nga ako. 

 

Wala pa daw available na room.  Ha?  Pucha, St. Luke’s walang room? Ano ito, joke?  Lahat pala ng may lagnat, sipon at ubo, sa Pulmonary eklat unit lang kinoconfine.  Bawal sa ibang rooms ng hospital.  E, kaya naman pala.  Sa dami ng may lagnat, sipon at ubo that time, mauubos talaga ang rooms ng Pulmonary eklat unit. 

 

Hanggang sa labas nga ng E.R., may pasyente.  Sabi pa ng friend ko, ang iba daw na mayayaman, sa sobrang praning sa A H1N1, ma-hatsing lang nagpapa-confine na. Masamid lang magpapa-confine na. Magkasingaw lang magpapaconfine na.  Naubusan tuloy ng kuwarto yung talagang may sakit.  Sabagay, ako nga hindi mayaman pero praning din ako.

 

Pinatira muna ako ng pain reliever at paracetamol habang nag-aantay ng room.  Nakatulog ako nang slight.  Pucha, nagising ako sa iyak ng isang batang babae.  Mga seven years old.  Nasa tabi ko siya, ang mommy niya at uncle niya.  Kurtina lang ang pagitan namin so dinig na dinig ko ang buong pangyayari. Yung mommy, nilagyan na ng dextrose tulad ng sa akin so I guess, siya ang patient.  Yung bata naman, pinapainom nila ng gamot na syrup.  Ayaw inumin ni bagets, ang say niya with tears at super sigaw, “Ang pangit ng lasa.  Masusuka ako Mommy.  Tito Ronald ayoko nito.”

 

Back to back naman si mommy at Tito Ronald sa pananakot, “Pag hindi mo ‘yan ininom, lalagyan ka din ng dextrose, mas masakit.” Lalong umiyak si bagets. Mga isang oras sila gano’n na paulit-ulit. Hindi naman ininom ni bagets ang gamot.  Nakatulog na lang sa sobrang iyak. Lalong sumakit ang ulo ko. Halos ako na ang uminom ng gamot noong bata para tumahimik na at mawala na din ang sakit ko.

 

After eight hours na ako nagkaroon ng room.  Salamat at makakatulog na ako nang mahimbing.  Antok na antok na ako.  Buti na lang, wala akong taping ng Adik Sa ‘Yo last Friday so nakapagpahinga ako ng todo sa St. Luke’s.  Sunday morning na ako nag-check out in time for Showbiz Central.

 

Tumatanda na talaga ako.

 

Lately, antukin ako at tamad lumabas ng bahay.  Praning din ako magkasakit at padami ng padami ang iniinom na gamot at vitamins. Bugnutin din ako pero surprisingly patient or dedma sa ibang mga bagay na nagpapa-bwiset sa akin in the past. Bakit kaya?  Obviously, sakitin din ako these days.

 

Every June na lang ako nagkakasakit.  Puwede namang January, February, March, April or May.  Gano’n daw kasi talaga pag malapit na ang birthday.  Ayun, bukod sa July ang name ko sa Adik S ‘Yo, July nga pala ang birthday ko.  Pucha birthday ko na naman pala sa July 7.

 

Tumatanda na talaga ako. 

Dear fans

Filed under: Features — admin at 6:04 pm on Saturday, June 6, 2009


Dear fans,

 

Salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa akin at sa inyong mga kani-kaniyang mga idols. Kayo ang dahilan kung bakit mas maningning ang showbiz. Mas masaya, mas maingay at mas exciting! 

 

Sa case ko, I’m sure kaunti lang kayo pero bonggang-bonggang pasasalamat naman ang balik ko sa inyo.  Minsan magpapa-fans day ako, sana um-attend kayo tutal tayo-tayo lang naman doon. Hahaha. At sa fans naman ng mga naglalakihang stars, kahit pa ang mga solid, liquid at gas, mapa-international, local, galactic, inter-galactic, fantastic, itik at walastik—narito ang aking paalala.

 

“Fan mo ako!” ang dapat na sinisigaw at hindi “fan kita!”

 

Ang idol mo ay dapat maging inspirasyon mo at hindi buhay mo.  May pamilya ka at sariling buhay.  Fan ka ni idol at hindi kamag-anak or jowa.  Tandaan: may sariling buhay din si idol na pribado at personal.  Dapat ikaw din, meron.  Kung sunod ka lang ng sunod sa kanya araw-araw ay magpakunsulta ka na sa doctor.  Masama na ‘yan.

 

Kung magpapapirma sa idol, siguraduhin sa maayos na papel, notebook or puwede na din ang T-shirt basta huwag nang labhan. Huwag naman sa tissue at lalo na sa kamay. Kasi matatapon mo lang ang tissue at mahuhugasan mo ang kamay. E, kala ko ba idol mo? Dapat sa isang bagay na puwede mong maitago or kolektahin.  Kung hindi ka naman collector ng signature ng mga artista or nakigaya ka lang sa iba, e, huwag ka ng magpapirma. Sayang lang ang effort mo at noong artista.

 

Kung hindi sigurado sa pangalan ng nakitang artista, huwag mo ng ilakas ang katagang, “Sino nga ba ‘yan? Ay, si ano…si ano…” Makakabuting magtanong sa katabi or mag-antay ng sisigaw ng pangalan noong artista. Kung hindi mo talaga kilala, e, huwag ka ng mag-aksaya ng oras mo at pumunta na sa pupuntahan mo at baka ma-late ka pa. Bilis!

 

Kung hindi nakatingin sa iyo ang isang artista pero hindi mo naman tinatawag, huwag naman lumitanya ng “Suplada!” Try mo tawagin at pag hindi pa din tumingin sa iyo, ‘tsaka mo sigawan ng“suplada” at haluan mo pa ng mura kung gusto mo. Kung idol mo talaga siya, nagkamali ka ng inidolo. Pahabol, may mga artista din na medyo bingi kaya huwag agad humusga.

 

Hindi lahat ng artista ay forever nakangiti kapag nasa public place. Pasensiya na po. Meron din kasi kaming mga iniisip na bagay or problema sa buhay na hindi makapagbibigay ng rason para kami ay ngumiti.  Ngayon, kung sa isang fan’s day or show kami nakasimangot, mag-iskandalo ka at sumigaw ng, “Ngumiti ka!  Pinapanood ka namin!  Mas madami kaming problema sa iyo!  My God!!!” ‘Tapos maghimatay-himatayan ka para mas effective at siguradong makukunsensiya yung nakasimangot na artista.  Hehehe.

 

Hindi porke naka-shades na ang isang artista sa isang public place, e, suplada na ito. Lalo na kapag umaga, marahil puyat kami at nasisilaw sa liwanag ng araw.  Minsan naman, wala kasing make-up. Madaming artista ang pangit kapag walang make-up.  As in. Intindihin niyo na lang. Ngayon, kung gabi na at naka-shades pa din ang isang artista, tatlong bagay lang ‘yan: baka may sore eyes, o bangag, o si Randy Santiago siya. 

 

Naalala ko last Holy Week. Kasama ko ang aking little Sister na si Vice Ganda papuntang Puerto Galera. Nasa Batangas Pier kami nang dumugin kami ng mga tindera. Yung iba, bilang fans pero yung iba, para pagbentahan lang ng pasalubong.  Sigaw ng isang Ale, “Ay si Sweet at si Vice Ganda!” Say ng isa, “Asan?” Sumagot yung unang Ale ng, “Ayan sa tabi mo!” Say ng katabi namin, Ala, e, hindi kasi nagpapakilala.” Hahaha.  Maryosep, Ale, ang pangit naman po na pagdating namin ng Pier, e, sisigaw kami ni Vice ng, “Nandito na kami! Sweet at Vice! Palakpakan!” Babala: May ibang mga artista na sadyang nag-iingay para mapansin lang. Kawawa.

 

Gusto mo ba na kinukurot ka? Masakit, di ba? Pwes, huwag gawin ‘yan sa idol mo or kahit kaninong artista. Please lang. Kapag nanggigil, kurutin muna ang sarili para malaman mo kung gaano kasakit. O, loko.

 

Eto pa, sa dami ng mikrobyo, germs at kung anu-anong virus na nagkalat ngayon, malaking tulong ang proper hygiene. Ugaliing maligo palagi (puwede twice a day to avoid heat stroke) at maghugas ng kamay. Mag-deodorant na din kasi bente pesos na lang or tawas para mas mura. Ang pagsipilyo ay dapat araw-araw.  Iwasan ang mahigpit at paulit-ulit na yakap at halik sa inyong mga idols.  Kawawa naman si idol dahil titiisin niya ang kung ano mang amoy mo or kawawa ka kasi baka si idol ang may dalang germs. Remember, madalas mag-abroad ang mga artista. Baka maiuwi mo pa sa pamilya mo. Kawawa naman sila.

 

Kapag magpapa-picture kay idol, i-ready na ang camera or make sure na may dala kang camera. May lakad pa si idol kaya huwag naman pag-antayin. Isang magandang close-up na agad ang kunin para sigurado.  Iwasan na ang shot na mula ulo hanggang paa kasi hindi na uso ‘yon.  Minsan kasi, hindi na kamukha ni idol ang nasa picture kapag full-body shot. May nagpa-picture sa akin ng gano’n, parang si Jet Pangan yung katabi niya. At puwede ba, tigilan na ang joke na kunwari yung artista ang magpi-picture sa inyo. Bukod sa corny, madalas na gamitin ng mga gag shows. Ang cheap!

 

Eto madalas mangyari.  Huwag naman na po umasa ng pagbati sa TV.  Minsan pa, magbibigay kayo ng listahan ng mga pangalan niyo na pagkadami-dami. Ang punch line, soap opera ang show na nagpapabati yung iba. Ang nakakaloka, nahu-hurt kayo pag hindi kayo nabati ni idol. Huwag naman po.  Ganito po kasi ‘yon, may staff or mga boss ang bawat TV show.  Sila ang naga-approve ng mga pabati.  May mga artista na dedma sa kanila pero napapagalitan naman pagkatapos. At kadalasan po, overtime ang mga live TV shows kaya hindi na pwede bumati. Ako, buong lugar na lang na pinuntahan ko ang binabati ko. At least lahat na sila nabati ko, from mayor to anak to apo at hanggang sa kapitbahay. Taray! Hello sa mga taga Cagayan de Oro na pinuntahan ko last Friday, Butuan City last Saturday at Tarlac City last Thursday para sa PCSO Charity Caravan. 

 

Naranasan mo na ba na may lumapit sa iyo na hindi mo kilala ‘tapos nag-a-apply sa iyo ng trabaho? Nakupo, madalas mangyari sa aming mga artista ‘yan.  Pasensiya na po pero sa panahon ngayon, nakakatakot po ‘yon.  May mga ahensiya ng gobyerno ang maaaring tumulong sa inyo. O kaya, lapitan niyo ang kahit sinong goverment official. Kapag hindi ka inasikaso, ipaalala mo na ikaw ang nagpapasuweldo sa kanya. 

 

Isa pa ito. Sa mga professional fans. Kayo yung mga binabayaran para maging fans. Taga-tili kapag may appearance si idol at taga-hawak ng tarpaulin at banner niya. Huwag naman kayo tumanggap ng dalawang labada. Nahahalata po kasi sa TV. Minsan, fan ka ni ganitong artista pero the next day, sa isa ka naman.  Sabagay, mahirap ang buhay ngayon.  Sayang ang pakimkim at pameryenda. O, ganito na lang, sa isang idol mo, dapat member ka lang kung officer ka na sa isa.  Or sa isa, taga-hawak ka ng banner, sa isa, taga-tili ka lang. Ok ba?

 

At puwede ba, huwag naman gawan ng banner at tarpaulin or tilian ng todo ang mga baguhan pa lang. Halata kasi na bayaran or kamag-anak kayo.  Wala pang achievement at hindi pa kilala ‘tapos may fans na?  Parang joke. Puwede ‘yon kung aaminin niyo na kamag-anak kayo or kabarkada. Kasi minsan nakakita ako ng tarpaulin ng isang baguhan, pucha, tinanong ko na lahat ng tao kung sino ‘yong nasa picture pero wala talagang nakakaalam. Pero may tumitili at sumisigaw ng name niya. Gusto ko tuloy sumigaw ng, “Sino ‘yon?” Kayo talaga.  Note:  Malaking motivating factor sa isang artista kung hindi siya kilala or hindi pinapansin kapag nagsisimula pa lamang. That will make the artist work harder. Sure ako diyan!

 

Sa mga professional fans, huwag magdamdam. Na-hire ko din naman kayo noong araw. In fairness, may pakimkim na ako, may pameryenda pa.  Umayos kasi kayo. 

 

Sa mga tunay na fans. Yung gumagastos talaga para sa idol nila. Nag-a-absent sa trabaho or school para lang suportahan si idol.  Pinagtatanggol ang idol nila kahit kailan at kahit kanino.  Mabuhay kayo!  Hinay-hinay lang at mahirap ang buhay ngayon.  Baka mapabayaan na ang trabaho, pag-aaral or ang pamilya.  Reminder lang po.

 

Hindi masama ang maging solid at die-hard fans ng mga idols niyo pero huwag naman kamuhian at okrayin ang rival niya. Huwag naman tarantaduhin ang show na katapat ng show niya.  Masama ‘yon.  I’m sure, maski ang idol mo, ayaw na gawin mo ‘yon.  Unless tarantado talaga yung idol mo at inuutusan kang siraan ang rival niya.  Katakot ‘yon!  Masama din ‘yon para sa health mo kasi nakakataas ng blood pressure at Nakaka-stress.

 

Dito sa PEP, naloloka ako sa ibang mga fans.  Naglalaitan ng idols, TV shows ng mga idols at networks ng mga idols. Mukhang mga tanga.  Sabagay, yung ibang nagko-comment dito, e, halata namang staff, empleyado, bayaran or kamag-anak ng ipinagtatanggol niya. Understandable naman. Yung mga pamangkin ko nga at kabarkada super pagtatanggol sa akin dito.  Eto ka, may isa akong nabuking na ARTISTA, siya mismo ang nagtatanggol ng sarili niya dito at ino-okray ang rival niya. Ang taray!  Hahaha. 

 

Last na, madalas ito mangyari sa akin pero I don’t mind kasi totoo naman.  Huwag na huwag niyo sasabihan ang isang artista ng, “Ang ganda mo pala sa personal.” Kasi ang ibig sabihin noon, e, pangit siya sa TV. E, di ba, yun ang work niya?  Parang sinabihan mo ang isang teacher ng, “Ang bobo mo pala sa labas ng classroom” Hindi lahat ng artista ay katulad ko na aamin sa katotohanan na hindi kami telegenicHindi lahat ng artista ay katulad ko na trabaho lang ang paglabas sa TV at hindi naman buong buhay.  Mas ok pa yung, “Mas maganda ka pala sa personal” At least, nasabi mo na nagagandahan ka talaga sa kanya maski sa TV.

 

Love,

 

Korek ka John!

 

P.S.  Bato-bato sa langit ang tamaan mag-ouch!

Sinful thoughts

Filed under: Features — admin at 1:17 am on Sunday, May 31, 2009


Sa sobrang ingat ko na huwag makasakit ng damdamin ng ibang tao, pinag-iisipan ko mabuti ang lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin at gawin. Minsan nga nao-okray na ako ng mga kaibigan ko kasi chumi-chika na daw ako ngayon at hindi na masyadong prangka.  Umani ako ng pagkadami-daming batikos sa mga friends ko when I said na magaling umarte yung isang young actor. Ok lang ‘yon, at least, na-please ko naman yung actor.  Yes, hindi siya magaling umarte pero hindi naman ganoon kapangit ang acting skills niya.  Nilagyan ko lang ng konting palabok. At least, hindi ako nakasakit ng damdamin ng iba or hindi ako nagkaroon ng kaaway. 

 

It is a conscious act for me to see the goodness in other people and my surroundings.  Sawa na din ako mang-okray at maghanap ng pangit sa paligid.  Remember my “Prangka ka John” days?  Ang pangit ko din noong time na ‘yon.  Hehehe.  Now, I try to see all the positive things in life, the goodness in others, and the beauty of the world. Kaya ngayon, ang beautiful ko din. Hahaha.

 

My thoughts are different though. Sobrang bad. Sobrang naughty.  Sobrang makasalanan. Salbahe! Nakakatakot!

 

Sa sobrang suppressed siguro ng bibig ko na magsalita ng masama at ng katawan ko na gumawa ng katarantaduhan, ang utak ko naman ang bumabawi. Maski ako kinikilabutan minsan sa mga bagay na naiisip kong gawin sa iba.  Nakakatakot ang mga words na naiisip kong sabihin sa mga tao or sitwasyon na nagpapagalit sa akin. Kung ang laman ng isip ay nakamamatay, madami na kong napatay.

 

“P*tang ina ‘yang taklesa mong bunganga! After mo mataklesa, magso-sorry ka sa akin, gaga ka! Magsara sana ‘yang bibig mo habang-buhay, leche ka!” Ito yung pumasok sa utak ko na sasabihin ko sana sa isang “kaibigan,” or so I thought.

 

“Anak ng p*tang kaibigan ‘yan. Sinasapalan yata ng pera ang bunganga ng hind*t kaya nakuha akong traydorin!” Iyan ng three-second thought ko when I found out na isang kaibigan ang nagbigay ng address ko sa isang kaaway.  Umiyak na lang ako pagkatapos.

 

“Hindi alam ng taong bayan ang kababuyan ng hayop na ’yan.  Huwag niya akong hamunin at tapos na ang maliligayang araw niya kapag nilabas ko ang mga testigo at ebidensiya ko!  P*ki ng ina niya!” Iyan ang pumapasok sa utak ko tuwing nakikita ko ang isang tao sa TV.  Nagdadasal ako ng taimtim kapag naiisip ko ito. Humingi ako ng kapatawaran sa Diyos kung bakit ko ito naiisip. Malaking tulong na hindi ko pinapanood ang palabas na alam kong makikita ko siya.

 

“Biktima? T*ng ina naman! Pinaggagagago tayo ng demonyo!” Iyan ang muntik ko ng masabi aloud when I heard a doctor saying “biktima” din daw siya.

 

“Parang pagkalibog-libog naman niya! Parang mauubusan ng lalaki ang gaga! Akala ko break na, bakit naglalaplapan pa?” Iyan ang sumagi sa tarantado kong isip when a friend of mine texted me na nakita niya last Monday ang isang controversial couple na naglalambutsingan sa isang sinehan sa Rockwell last Monday.

 

“Na naman!  P*tang inang bata ‘yan, dapat diyan ikulong na at putulan ng b*rat!” Iyan ang unang reaction ng malikot kong isip ng mabasa ko sa PEP ang ginawa daw ng isang actor sa isang actress. Inisip ko na lang na mabait sa akin si actor kaya humupa.

 

“Pag nakita ko ‘yang adik na ‘yan, sasampalin ko para may maikuwento na naman siyang pokpok siya!” Iyan ang sumagi sa isip ko when someone told me na nasa Boracay din ang isang TV host/model on the same time that I was there last month.

 

“Mga leche ang mga p*tang inang ‘yan. Walang professionalism. Mga tamad! Hindi na lang mag-quit at magtinda ng tinapa. Malaos sana ang mga leche!” Iyan ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko when I found out na hindi uma-attend ng rehearsal ang ibang hosts ng isang show. Ayon sa aking source, kinukunsinti rin daw kasi ng mga staff. Matapos ko itong maisip, nalungkot ako.

 

“Ang bobo pala niyang gago siya! Ayaw niya machismis na bakla, pero puro baklang-bakla ang mga kabarkada niya! Tanga ang p*ta!” Ito yung unang sumagi sa utak ko when I saw a picture of an actor in a magazine with his gay friends.

 

“Dati kasing adik ang demonyong ‘yan! Natuyot na ang utak kaya puro imbento ang sinasabi ng p*tang ina! Kasing pangit ng mukha ang ugali!  Hindi pa mamatay para marami ang matuwa!” Iyan ang madalas kong maisip sa tuwing lalaitin ako ng isang baklang reporter.  Halos masuka ako kapag naiisip ko ito. Gusto kong isuka ang laman ng utak ko para maging malinis.

 

“Buti nga!  Sana hindi na natanggal ang pipino sa puwet niya o kaya tuluyan na nagsara. Hahaha!!!” Halos ngumingiti pa ako nang maisip ko ito when somebody emailed me regarding a TV host/reporter na nagpa-opera daw ng puwet dahil may ipinasok na pipino. Diyusko!

 

“Ay bobo! Ay gaga! Ay p*tang ina!” Halos masambit ko iyan when I found out na may nasabing mali ang isang kaibigan habang nagso-show. Maryosep!  Ipinagdasal ko siya pagkatapos kasi alam kong hindi niya sinasadya ang lahat.

 

“Mga p*tang ina ‘yang mga ‘yan! Pag kailangan nila ako, nandoon ako!  Mga walang utang na loob ang mga P*nyeta! Iyan ang pumasok sa utak ko when I realized that some of my closest friends did not watch Sweet 16.  Gusto ko tuloy buksan ang utak ko at lagyan ng alcohol para luminis. Nakakadiri.

 

May God forgive me dahil naisip ko ang mga bagay na ito.  Huwag na Niiya sana hayaan na lumabas pa sa makamundo kong bibig.  Huwag ko na sana magawa para makasakit ng iba. Kaya panay ang dasal ko ng “Prayer to Avoid Temptation” na nakalagay sa booklet ng Mother of Perpetual Help na nabili ko sa Baclaran. 

 

Pero tao lang ako, marupok at makasalanan. At kakaiba ang utak natin.  Ang daming nararating. Ang daming naiisip. Ang bilis magkasala. Kung lahat ng naiisip ko nagiging totoo, malamang nakakulong na ako ngayon.  Kung lahat ng naiisip ko parang bala, marami na akong nabaril. Bang!  Bang! Bang!

 

May dinagdag ako ngayon sa dinadasal ko. Nakalagay sa nabili kong prayer book, Moments with God, sa Pink Sisters sa Tagaytay.

 

Prayer for Forgiveness

 

Almighty and merciful Father,

we ask your forgiveness

as we confess our sins,

we are sorry for our failures,

indifferences and negligence.

We are sorry for our actions

that harm others and ourselves as well. 

Forgive us for our sinful thoughts

and destructive words.

 

By the power of your Holy Spirit,

help us to forgive one another

“seventy times seven times”.

 

Make us see

that although we have our differences,

in our deepest core we are the same:

we are all your children

and we all have our share of hopes,

desires, needs and hurts.

Make us respect and understand one another.

Continue to renew us in faith, hope and love

so that our lives may reflect the image

of Christ your Son, our Lord.  Amen.

 

Matagal na akong hindi nagkukumpisal sa pari. For now, sa inyo na lang muna. 

 

By the way, I would like to thank everybody who supported Sweet 16.

  

To my home network, GMA. Salamat sa masarap na pakiramdam bilang Kapuso.

 

Sa Calayan Surgicentre sa muling pagsuporta sa isa ko na namang gawain.

 

Sa aking Kumare na si Bing Cristobal sa walang sawang pagbibigay sa akin ng magagandang costumes.

 

Sa ABS interactive sa bonggang-bonggang billboard sa EDSA kahit Kapuso na ako.

 

Sa aking PEP family na itinuturing akong “Star.”

 

Sa aking Kumareng Boyet Marinas ng Hairwatch Salon sa patuloy na pagpapaganda sa akin.

 

Sa Jollibee para sa pagkaing masarap.

 

At sa Kulay Express Printing ni Polly at Badette para sa libreng posters at tarpaulin.

 

Sa lahat ng aking staff at friends na siniguradong magiging maganda ang Sweet 16:  Phillip, Mosang, Gigi, Lou at iba pa.  Salamat!  Tuwang-tuwa ang “Mama”.

 

Sa aking mga kaibigan, hindi kaibigan, fans at wala lang na bumili ng ticket at nanood. I only have good thoughts for you. 

 

God bless you all!

Next Page »
 

Advertisement