G-Spot

Why “Pinta*Kasi” is a must-see…

Filed under: Features — GSM0d at 6:44 pm on Tuesday, February 7, 2012

Lubos akong nagagalak na makasama ang mga young stars na sina Erich Gonzales, JM de Guzman, at John Wayne Sace sa isang napakaganda at “world-class” na pelikulang pinamagatang Pinta*Kasi.

Ang ibig sabihin ng Pinta*Kasi ay sabong dahil pinagsabong dito ang mabuting grupo niJawe (John Wayne) at ang kontrabidang grupo nina (JM).

Hindi ninyo masyadong makikilala si JM sa pelikulang ito.

Unang-una, mataba pa siya dito at ginawa siyang mukhang hoodlum!

Kinalbo siya dito, nilagyan ng maraming tattoo at peklat sa mukha.

Kung sa Angelito na programa niya sa ABS-CBN ay mukha siyang anghel, dito, demonyong-demonyo siya talaga!

Dito sa pelikulang ito, isa siyang adik, mastermind ng lahat ng magnanakaw, drug-pusher, leader sa prostitution rings, basta lahat ng kasamaan, hinakot na niya.

May eksena nga kami, nag-adik-adik at nagalit siya at tinatakot niya kami. As in! Sobrang takot talaga ako sa mga mata ni Angelito dahil para talagang demonyo. Ang galling umarte ng batang ito.

Ang producer ng pelikulang ito ay walang iba kundi si Governor Imee Marcos.

Tandang-tanda ko pa yung quotable quote ni Governor Imee Marcos a long time ago, “You can kick the girl out of Malacañang but you can’t kick Malacañang out of the girl!”

O, laban ka!?

Ang tarush ng quote, di ba! Tarush talaga si Governor Imee lalo na sa paggawa ng pelikula.

Siya lang naman ang nag-produce ng award-winning na Himala ni Nora Aunor at ang Oro, Plata, Mata.

Para sa mga little children (at mga nagpapanggap na bata pa sila kahit ka-edad nila si Nora Aunor) na di naabutan ang Himala ni Ate Guy, let me refresh your memory.

Ang Himala ay humakot ng halos lahat ng awards—mula Best Picture, Best Actress, Best Editing, Best Cinematography, Best Art Direction, Best Production Design, Best Supporting Actor (Manikan), Best Supporting Actress (Duenas), and Best Story/Screenplay sa 1982 Metro Manila Film Festival.

Hinakot din niya ang awards ng1982 Catholic Mass Media Awards at Gawad Urian.

Nakilala din ang Himala sa ibang bansa nang manalo ito sa Chicago Film Festival at Asia-Pacific Film Festival Special Achievement for Best Depiction of socially-involved religion noong 1983.

Pagkatapos ng isang dekada, napansin pa rin ito ng CNN APSA Viewers Choice Award at binigyan ng parangal na Best Asian-Pacific Movie of All Time.

Kung di pa ‘yan tarush sa inyo, magpapakamatay na lang ako!

Kung di niyo pa rin matandaan, punta na lang kayo sa comedy bars dahil doon makikita ninyo lahat ng Nora Aunor look-alikes na nakaputi at nagsisigaw sa stage ng, “Walang himala! Walang himala! Ang himala ay nasa puso.”

Ang Oro, Plata, Mata (Gold, Silver, Death) naman ay humakot ng halos lahat ng awards sa 1982 Gawad Urian.

Nanalo ito sa mga katergoyang picture, director, cinematography, production design, musical score, and sound.

Noong 1982 din nanalo ang pelikulang ito sa Luna Awards ng Best in Production Design at Best Supporting Actress.

Ito ang obra maestro ni PequeGallaga. This movie is considered his most significant contribution to the Philippine cinema.

Kaya naman, nang maimbitahan ako ni Governor Imee na gumanap na “Mommy Whitney” sa indie film na ito ay agad kong tinanggap kahit na six months pregnant ako noon.

Sabi ko sa sarili ko, “Matagal-tagal na si Governor Imee hindi gumagawa ng pelikula. At sigurado ako na obra maestro na namanito. Kaya kahit six months preggy ako, sabi ko, ‘Go lang ng go. Kaya ko ‘yan!’”

Lalo pa akong na-engganyo nang sabihin sa akin ni Governor Imee na ang Pinta*Kasi ang sagot niya sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil ito ay tungkol sa isang binatang nagngangalang DJ (inspired from Dr. Jose Rizal) na bibisita sa isang pulo na punung-puno ng dumi—pisikal na dumi at dumi ng mga pagkatao ng mga taong nakatira dito.

Sa pamamagitan ng kanyang ugali at pagpipinta, unti-unti niyang mababago ang mga ugali at kalooban ng mga taong nakatira dito.

Naisipan daw gawin ni Imee ang pelikulang ito noong June 12, 1998, araw ng Centennial Celebration, o isang daang taon Pagkatapos natin makalaya sa mga Kastila at dineklara ang atingKalayaan.

FIRST DAY NG SHOOTING: Nang dumating ako sa parking lot ng set namin, lubog ito sa basura, parang Payatas. Ang baho!

‘Tapos sabi ng location director na hanggang dito lang daw ang kotse namin kasi kailangan nang lakarin ang Pulo.

May makitid na daan sa dagat na gawa sa basura, ang haba ay limang kilometro. Ito ang nag-iisang daan papuntang Pulo at wala nang iba pa.

Puwede ka ring mag-pam boat pero manipis lang yun at any time, puwede itong tumaob sa liit. At kapag tumaob ka, malulunok mo ang tubig na may halong basura, tae, at langis ng mga pabrika ng Navotas.

Hinawakan ko ang maliit kong tiyan at sinabi ko sa anak ko na nasa loob ng tiyan ko, “Anak, kapit! Maglalakad tayo! Limang kilometro lang ito! Maganda gumawa ng pelikula si Governor Imee, promise!”

Hanggang kabuwanan ko, ginagawa namin ang Pinta*Kasi.

Lagi lang ako bumubulong sa anak ko na huwag lalabas kapag nasa shooting kami kundi, ala-Jesus Christ ang eksena ni Xavier Zappa (my son)— ipinanganak sa sabsaban.Hahaha!

Siguro, naguguluhan kayo. Teka, buntis na naman si Giselle?

Hinde!!! Sarado na ang factory two years ago pa, at oo, it took this film two years in the making kasi may animation.

According to Governor Imee Marcos, na siyang head ng The Creative Media and Film Society of the Philippines (CREAM),”It takes three to five years to make a full length animation film in the U.S. and in Japan.

Alam niyo ba na karamihan sa Disney at Anime cartoons, Pilipino ang gumagawa? Now you know!

Para naman daw may maipagmamalaki tayo na gawang Pilipino para sa Pilipino…

Kaya naman sobrang tuwang-tuwa kami ng lahat nang manalo ang Pinta*Kasi sa MMFF New Wave category (for Independent film makers) ng BEST PICTURE!

Nanalo din si JM ng Best Actor!

Sa presscon namin, inintriga sina Jawe at JM.

Tinanong sa una kung hindi ba masama ang loob niya na si JM ang nanalong best actor na kung tutuusin, si Jawe ang bida ng pelikula at si JM ang kontrabida?

Gustung-gusto ko ang sagot ni Jawe, “Ang tagumpay ng isa ay tagumpay naming lahat.”

Another tarush comment from an actor in Pinta*Kasi. Bongga!

Sa sobrang tuwa ni Governor Imee sa kinalabasan ng Indie movie, she converted it from digital to 35mm.

At sa wakas, mapapanuod na ng madlang people ang Pinta*Kasi sa February 8, sa SM Megamall, MOA, SM Fairview, SM Marikina, SM Edsa , SM Cebu and SM Iloilo.

Sa Febuary 29 naman, ipapalabas ito sa SM Baguio, SM Davao, and SM Batangas.

What happens in Jordan…

Filed under: Uncategorized — GSM0d at 3:09 pm on Thursday, January 12, 2012

I think the best story to start my year 2012 is to inspire you by relating what happened to me last year when I had a concert with Allan and Kris Lawrence in Jordan.

I probably would not be able to describe the awe, the energy, and the intensity that I felt in my Jordan trip with Allan K and Kris Lawrence.  The word I could probably coin is “magical”.

Mabilis makalimot ang mga Pinoy. Siguro hindi na ninyo maalaala na mga ilang taong nakalilipas ay nagkaroon kami ng alitan ng RnB Prince na si Kris Lawrence. Bago pa lang siya noon at kapapanalo pa lang siya sa Star in a Million ng ABS-CBN.

May vibe kasi si kris na mayabang dahil Am-boy na lumaki kasama mga black Americans. Kaya kapag di niyo siya kilala nang mabuti, maangas ang dating niya.

Nagkaroon kami ng di pagkaka-intindihan sa isang show at isinulat ko ito dito sa PEP. (CLICK HERE to read story.)

Pagkatapos noon ay di na kami nagkita.

Ngayong taon lang nagtagpo muli ang aming landas.

Sa eroplano papuntang Jordan kami uli nagkita.

Ramdam ko pa rin na bwisit siya sa akin kaya sinabi ko, “Kris Peace na tayo ha. Let’s not burn bridges in this business.”

I could read his thought balloon after I said my peace offering:

Parang ang nasa isip niya: “Bitch! You already burnt it!”

After we became friends, he did admit that it was exactly his thought balloon. Hahaha!

How did we become friends again?

Bago mag-concert, pinasyal kami ng aming organizer na si Andy Minodin ng Western Union sa Jordan River, Dead Sea, at sa Petra.

Si Hesukristo ay bininyagan sa River Jordan.

Excited kaming lahat at sinabi pa ni Allan K, “Gusto ko ma-baptize uli sa River Jordan, kahit tayo-tayo lang.”

Nang dumating kami sa site, sinabi ng tour guide, that’s the River Jordan.

(show pic)

Mukha lang siyang kanal na green pero hindi naman mabaho. Biglang ayaw na ng lahat magpa-baptize. Nagpa-picture na lang kami.

Then our tour guide said, “The better river Jordan is down there.”

Ayun naman pala, may mas magandang view. Para lang kasi talaga itong imburnal sa bahay ng lola ko sa Cebu.

Pagdating namin sa better place, ay, better talaga.

Iba ang vibe, ang lakas ng Holy Spirit.

Ang Jordan River pala ang humihiwalay sa Israel at sa Jordan.

And Jordan ay isang Muslim country at ang Isrel naman ay mixed ng Jews and Christians.

Sa tapat namin (side of Israel), nakapanuod kami ng mga baptism.

Nakaputi sila at lumulublob sa river, habang kumakanta ng Christian songs.

Sa sobrang lakas ng Espiritu Santo sa lugar, hinila kami ni Nanay Allan K para magpa-baptize.

We went down to the river, then, Allan sprinkled water on my head, touched my head while offering a prayer to bless me.

I felt so blessed by the Holy Spirit that I started crying.

Kris was just staring at me.

Then the Spirit prodded me to hold Kris Lawrence’s hand, and I told him while sincerely looking at his eye,  “Im so sorry if I hurt you with the write-up I wrote before on PEP. ”

Then he smiled. He nodded and pressed my hand.

Since then sobrang  close na kami the whole trip.

We went to the Dead Sea and Petra but again, that is a whole new blog to talk about.

River Jordan gave me a chance to press the reset button for my friendship with Kris Lawrence.

Before that, I thought of him as a stuck-up and proud person. He thought of me as one of the meanest bitches in town. And we both admitted we were both wrong. After our experience in River Jordan , we both got to know each other and realize the good each of us had in our hearts.

This 2012 is your chance to press that reset button—whether it be on your relationships, your career, your life.

Start with a clean slate and everything will proceed from there. Happy New Year, everyone!

Sydney with Milby

Filed under: Travelogue — GSM0d at 7:19 pm on Tuesday, December 20, 2011

I was honored to be with the Prince of Hotness Sam Milby in Sydney, Australia.

I have always found this guy charming and easy to get along with. In spite of the fact that he is very popular and handsome, he still has a good head on his shoulders.

I remember the time we flew on a private plane to Mindoro. It was a four-seater.

Sam was with his manager Erick Raymundo, and I was with my assistant, who was a young girl we hired from the province.

It was her first time to fly and it had to be a small private plane. We were seated behind Sam and she was super “kilig” because Sam was directly in front of her.

The plane ride was very bumpy with a lot of air pockets. It was a four-seater so you could really feel your guts go up and down with the plane. It was like a roller coaster ride for
about an hour. Immediately after landing, my assistant could not hold on to her guts anymore nor could she wait for me to get a plastic bag.

She just barfed her dizziness away with her barf trajecting to Sam Milby’s nape.

“Oh no! This is so embarrassing,” I was thinking of Sam’s reaction to the mixed chorizo, egg, and rice on his neck , arms and jacket but on
the contrary, he was more concerned on the well being of my assistant, offering her water before he attended to himself.

That’s Sam Milby, a true gentleman!

Sam arrived on the day of our show with his sister Ada.

It was like he had no jet lag. He was full of energy and sharing a few jokes in the car while his sister was asleep in the van.

During the concert, he sang a cut from his new album and I was pretty impressed by his voice. You see, I dont really have faith on handsome guys that sing. It’s just too unfair if you’re equipped
with a beautiful face and God adds a beautiful voice to it.

When I heard Sam sing, I realized God can be unfair sometimes—good looks, fantastic voice, kind heart. What more can he ask for? A girlfriend probably.

But with his career soaring like the wind, who needs time for a girlfriend? So we all pretended to be the girlfriend of Sam that night (though he really did not seem to notice)—me, the ladies of Globe Telecom Aileen Averion and Lizet Sabalvaro , even my mom and my sister in law Michelle Nery Sanchez. We went bar hopping in Sydney and had a great time.

I was able to create new friends in Sydney.

Just recently, I got a call from a friend of mine who went to the wake and viewing of singer and actor RJ Rosales who died last December 4.

RJ became popular in the Philippines when he signed up with ABS-CBN last 2004. He appeared on a number of ABS-CBN shows including Attagirl, Sa Puso Ko, Iingatan Ka, and ASAP.

He was also part of the 2005 multi-awarded Metro Manila Film Festival drama Blue Moon, which gave him a Best Supporting Actor nomination.

The last time I spoke with RJ was last 1998 during a corporate event we both hosted, and he told me that he was moving to Singapore because he landed title role in the musical Chang and Eng.

He then proceeded to do lead roles for musicales The Student Prince, Man of Letters, Cabaret, and Forbidden City.

He also appeared on Singaporean shows such as Spin and Style Doctors.

RJ maintained a career shuttling between the Philippines, Australia, and Singapore since.

The thirty-seven year old talented thespian was scheduled to perform in Singapore for the year-end production of Dream Academy’s Crazy Christmas but pulled out a week before his death “because of a personal medical condition,” according to Dream Academy’s press release. He then went back to his home in Sydney.

Crazy Christmas director Selena Tan declined to comment on his health and the cause of death, and said: “This is all irrelevant now. We are all trying to deal with the grief and we have to respect what the family wants, which is privacy.”

My friend who went to the viewing told me that there was a rumor spreading that the cause of his death was suicide due to depression; another rumor claimed it was heart attack.

Since his family requested for privacy in their period of mourning, maybe instead of rumor-mongering, we should all just pray for his soul.

Kuwaiti Adventures! (Part 2)

Filed under: Travelogue — GSM0d at 6:04 pm on Wednesday, November 23, 2011

Piolo Pascual is Piolo Pascual.

Sa aming pagbabalik sa Kuwait, bagamat big stars ang mga kasama ko, hindi na kami nadumog katulad ng nangyari sa amin ni Piolo. Napuno naman namin ang Marriot Ballroom with three thousand Filipinos, Kuwaitis, and other nationals na kasama ng Filipinos, bagamat tamed sila at walang dumog factor.

This time around, kasama ko sa concert ang mother/father of all stand-up comedians na si Allan K at ang bagong prince of RnB na si Kris Lawrence. Nasa picture rin ang plus one ko na si Igi Bumagat. He took a leave to celebrate his birthday with us in Kuwait. Western Union ang sponsor ng show naming tatlo.

The last month I had a concert with Piolo and Jovit , we had it in separate venue: a huge gym that can fit 2,000-3,000 people.

Hindi masyado mahigpit ang mga authorities ng Kuwait. Kelangan lang sumunod sa mga dress codes—leggings, long sleeves, no cleavage.

Imagine si Giselle Sanchez magsusuot ng balot! Kaya naman kahit mahina ang aircon ng venue ay tiniis kong mapawisan ang kilikili at singit ko, huwag lang mapagsabihan ng CID.

Ang CID ay ang civilian police ng Middle East. Sila ang nagbabantay ng moral standards at values na pinapahalagahan ng mga muslim sa middle East—dress codes, conduct etc.

Ang CID rin ang humuli kay Chokoleit nang magsuot siya ng short shorts sa isang Dubai Mall. Eto ang eksena:

CID: Come with us to the precinct! You are not allowed to wear short shorts.

Chokoleit: I’m sorry, Sir. I did not know. I’m an actress in the Philippines.

CID: Actress?!? (Para tilang nagulat at nagsalita sa kanilang wika na di maintindihan ni Chokoleit)

CID: Aburidi#%@gabunida*&% ACTRESS! ACTRESS! ACTRESS!

Tinignan nila lahat si Chokoleit.

Lahat ng CID: Actress? Hahahaha!

Lahat ng CID nagtawanan at paulit-ulit na sinabing, “Actress! Actress!” ‘Tapos tawa uli.

Si Chokoleit naman ay tahimik lang na may halong takot at pagkapikon kasi pinagtatatwanan siya.

Sa sobrang natuwa sa kanya, hindi na lang siya hinuli at pinauwi nalang ng hotel para magpalit ng mas mahabang pantalon na di nakikita ang kigol ng puwet at di sumisilip ang yag-bols.

Mabalik sa aming concert ni Nanay Allan K at Kris Lawrence sa Marriot Ballroom. Dahil sa hotel ang show, napuno ng CID ang lugar na sinisigurado na susundin namin ang mga alituntunin sa show:

Para sa babae, bawal lumandi sa lalaking audience.
Para sa babae, bawal hipuin ang lalaking audience.
Para sa lahat ng performer, bawal bumaba sa audience.
Bawal masyadong bakla o um-acting na bakla.
Bawal green or naughty jokes.
There goes my entire comic material. At dahil di kakayanin ng performance ko ang sundin ang alituntunin 1,2,3 and 5, nilabag ko sila nang walang takot. Ending, binigyan ako ng warning ng CID at sinabing sabihan ko ang aking mga co- performers.

Pero bago ko masabihan si Kris Lawrence, nakasampa na siya ng stage at sa kanyang pangatlong kanta ay nilabag niya ang Rule # 3 dahil hindi naman talaga matitiiis ng isang artista ang hindi makihalubilo sa audience na gustong gustong mahagkan at mahawan ka.

So, lumapit na naman sa akin and CID at ni-remind ako na sabihan ang pangatlong performer, or else!!!

Agad-agad akong umakyat kay nanay Allan K at sinabi ko lahat ng rules, especially rule 3 na bawal masyado magbakla.

“Bawal magbakla? Paano yun? Bakla ako?”

Biglang tumahimik si Nanay Allan. Na-tense ako. Tapos bigla niyang sinabi, “Sige anak, kaya ko iyan!”

Sumalang ng dalawang oras si Inay Allan. Nag-astang tomboy siya to follow rule number 4. Lahat ng jokes niya wholesome pero nakakatawa. He sang and made everybody laugh. He was a total performer. What a trooper! Idol kita, Allan K! I love you!

Dahil nga hindi na kami masyadong nadumog this time around, nakapag-mall pa kami. Ang bongga ng mga malls sa Kuwait! May Pinkberry at Shake Shack! Aba pinipilahan ito sa California at New York ng mga Amerikano.

Eto ang sekreto kung bakit tatlong kanto ang pila ng Shake Shack sa New York—Shroomburger! Burger na may Kabute!

Korek, kabute, na tumutubo sa park namin tuwing iniihian ng aso ko yung lupa sa park. Kabute na kinukuha ng driver ko sa park namin para lutin at ulamin niya sa kanin. Di niya alam na galing sa ihi ni Frodo! Kabute na ayon sa kapatid kong bastos na lalaki ay tumtubo tuwing may foreigner na backpacker sa Pilipinas na hindi pa tuli ‘tapos umiihi at tinataktak ang k%pal niya sa lupa. Dun daw tutubo ang kabute—sa tinaktakan ng k*pal! ‘Yan ang kabute! Bow!

Shameless plugs:

Mga taga-Singapore na OFW, magkakaroon ako ng show with Rico J Puno diyan on November 27, 2011. See you there.

Puno na apat kong facebook accounts so please add me by searching gossipgirlgiselle@gmail.com sa FB. Follow me on twitter @GiselleXanchez.

Kuwaiti Adventures! (Part 1)

Filed under: Uncategorized — GSM0d at 12:33 pm on Tuesday, November 8, 2011

First time ko sa Kuwait.

Double ang aking excitement dahil big stars ang kasama ko—si Papa Piolo Pascual at ang Pilipinas Got Talent Season 1 champion na si Jovit Baldivino.

Triple ang naging excitement ko nang dumating kami sa airport ng Kuwait dahil daan-daang Pilipino ang sumalubong, lahat may dalang camera at cellphone.

Unti-unting napalitan ng kaba ang excitement ko. Kakaunti ang security dahil hindi nila in-expect ang dami ng tao. Ang kakapiranggot na security ay nag-concentrate kay Papa Piolo dahil siya nga naman talaga ang pinuntahan ng tao dun. Extra lang kami ni Jovit, hahahaha!

Biglang nawala si Jovit, maliit kasi. Para lang siyang ninja na nagsusuot sa kapal ng fans at nakita ko na lang siya sa kotse pagsakay namin. Inisip ko na si Piolo lang naman ang pagkakaguluhan kaya minabuti kong humiwalay sa grupo at magsolo palabas ng airport kasama ng mga bags ko.

Iyon na ata ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buong buhay ko.

Kumapal nang kumapal ang fans na pumaligid kay Piolo. Ang dami-dami nilang energy. Nagsisigaw sila at nagtitilian. Napakasuwerte ng unang pumaligid sa kanya. Nakunan nila ng picture kahit na may mga nakaharang na security. Nahawakan nila ang kanyang kamay tuwing pumapayag siyang makipag-kamay sa kanyang fans. Nahahawakan nila ang ulo, ang buhok o kahit isang hibla ng kanyang kasuotan.

Ang pangalawang grupong pumaligid sa kanya ay nakakuha pa rin ng picture bagamat mas maraming shot ng mga likuran ng unang grupo ng fans na nakapaligid kay Papa P. Di na rin sila nakahawak kay Papa P.

Ang pangatlong grupong pumaligid, maging ang pang-apat, ay halos wala nang makita—puro mga ulo na lang ng unang grupo at pangalawang grupo ng fans na pumaligid kay Papa P.

Kaya naman yung pang-lima, pang-anim hanggang pang-sampung grupo ng fans ay na-frustrate. Ang dami-dami nilang energy at pagmamahal para sa kanilang idol. Ni hindi man nila mahawakan. “Ang layo pa naman ng airport. Kailangan may picture kami at may mahagkan na artista,” sabi ng mga fans. “Teka, si Giselle Sanchez yun na naglalakad mag-isa. Di ba kasama niya ang idol namin na si Piolo Pascual sa concert? Di ba Kapamilya din siya katulad ng idol naming si Piolo Pascual? Puwede na yun! Ayyyyy! si Giselle Sanchez! Si Giselle Sanchez! ”

Biglang lumipat ang pang-limang grupo ng fans, pang-anim, pang-pito , pang-walo, pang-siyam at pang-sampung grupo ng fans sa akin. Take note, mag-isa lang po ako, dala-dala ang bagahe ko. Isang batalyon silang sumugod. At nangyari na ang dapat mangyari—nadumog ako.

Halik sa kanang pisngi, kaliwang pisngi, sa lips, sa tenga… Yapos na pagkahigpit-higpit… Hila ng braso sa kanan at kaliwa, hila ng buhok na para bagang sinasabubutan ka pero nanggigigil lang… Kurot sa pisngi, sa braso, sa bewang, sa puwet… Picture, picture, picture, puro flash na lang nakikita ko… Muntik na akong mahimatay.  Awa ng Diyos, nakarating rin ako sa kotse. Nandoon na sina Piolo at Jovit, na hindi ko alam kung paano nakarating sa car. May sa lahing ninja ata itong taga-Batanggas na ito.

Nanginginig akong pumasok sa kotse. Natawa lang si Piolo sa akin.

Piolo: Okey ka lang?

GSpot: Paano mo nagagawa yun Piolo? Eto ba ang buhay mo araw-araw?

Bigla kong naalaala yung interview ko kay Piolo. Sabi niya sa interview, “Success can easily eat you up and fame can easily influence you in a wrong way so it is very important that you have humility and a solid faith. Without these, you can get easily blinded. I guess knowing that everything will come to pass and nothing in this world you can say that you own…”

Ang bongga ni Piolo Pascual sa quotes! Gusto ko siya pakasalan!

Abangan ang Part 2, ang pagbabalik ko sa Kuwait kasama sina Allan K and Kris Lawrence.

Si Papa Piolo!!! (Adventures in Qatar)

Filed under: Features — GSM0d at 4:53 pm on Friday, September 16, 2011

First time ko naka-bonding si Papa Piolo Pascual at sa Middle East pa!

Parang honeymoon lang sa Libya. Nagpuputukan.

Actually, nakasama ko na siya sa Rome pero di kami nag-bonding dun kasi iba hotel niya. Pero ngayon, bumonding si Papa P sa amin kaya naman kaming lahat ay tuwang-tuwa.

Bonding na siya sa amin ni Jovit Baldovino and TFC head Mickey Muñoz mula sa plane ride.

Bonding siya sa amin sa pagtambay sa Qatar lounge for five hours.

Hanggang sa pasyalan sa Qatar, join siya.

Qatar is a magical place. Behind us is the spectacular pearl bay of Qatar where they park their “Pearl” boats.

These boats are actually reminiscent of the pearl boats that Qatar used back in the 1800s, when they didn’t know yet that they’re an oil-rich country—to harvest pearls in their sea.

Now these boats are just fishing boats.

Behind the boats is the Museum of Islamic Art, the venue for the Tribeca Film Festival, which was founded by Robert De Niro after the 9-11 attacks to rejuvenate Manhattan.

Ang Al-Thani family ang nagpapatakbo sa Qatar. Ang kanilang Amir ay si Amir Hamad Bin Khalifa Al Thani .

Nagsagawa ng isang mapayapang “coup” para mapalitan ang kanyang ama noong 1995.

Ngayon, ang Qatar ay isa sa may pinakamataas na per capita income sa buong mundo dahil sa kanilang langis at natural gas reserves. Sa sobrang yaman nila, may kuwento akong narinig na may pinatayong hotel ang Amir. Nang-ma-realize niya na overlooking pala yung hotel sa kanyang banyo, pinatibag niya ang 40-story hotel na fully-furnished. Kahlowkah sa yaman!

Etong bonggang-bonggang mall na ito ay balitang patitibagin din ng Amir kasi gagawa siya ng football stadium dahil host ang Qatar sa FIFA World Cup ng 2022.

Meron na talagang football stadium and Doha (capital of Qatar): the Khalifa International Stadium which has 60,000 seats.

FYI, mag-so-solo concert lang naman dito sa engrandeng stadium na ito ang ating kababayan na si Charice Pempengco on September 29. Bongga, di ba!

Tickets are priced at 350 Qatari Rial (times 11 sa peso so bale 3,850 siya sa currency natin). Mabuhay ang Pinoy power.

Balikan natin yung titibagin na Villagio Mall sa Qatar para makagawa sila ng mas malaking football stadium for FIFA Cup 2022. Palaisipan talaga sa akin kung bakit niya titibagin ang mall kasi ang dami-daming open empty lots sa Qatar.

Ang rason ay dahil sa napakagandang Torch Doha hotel sa likod namin ni Jovit Baldovino.

Ayon sa kuro-kuro, gusto dawn ng Amir yung mga VIP ng world cup na doon titira sa hotel na yun. Kahkahlowka, parang lego land lang niya ang Qatar. Build and tear! Ang yaman!

Piolo did not join this picture as he was busy shooting the wondrous Torch Doha Hotel with his hi-tech Canon camera. “Kristina [KC] gave me this.”

It was not the first time he brought up the name of KC in our conversations. In fact, he would bring her up all the time. Di lang alam ni Piolo na tuwing sinasambit niya ang pangalang KC, sobra ako Kinikilig dahil isa akong true blue KC- PIOLO love team fan.
Noong araw kasi, SHARON-GABBY fan ako. I was grade five then. But now that I’m in 4th year college (Chos! Mangarap ba, Sanchez?), next gen fan na ‘ko nina KC at Piolo.

Mga sambit ni Piolo tungkol kay KC:

“Ang tagal din namin ni Kristina sa Paris.”

“I surprised her one day when we rode the train. Natulog siya and when she woke up, I brought her to Assisi, a fascinating town in Italy.”

“What I like about Kristina is her humility. She’s very grounded. With all the things she’s gone through, having a diploma in Paris, yet…Alam mo, napakatalino yet she’s level-headed. It’s so easy to approach her.”

“Si Cristina na ata ang pinakasimpleng tao na nakilala ko. The simplest things in life make her happy. Hindi mahilig sa grand things at napaka-down to earth niya.”

Hindi naman masyadong obvious na in-love siya kay KC. Kung di pa umiyak si KC on national television at umaming may pinagdadaanan sila ni Papa P, I would not have guessed that there was a minor problem in their relationship the way Piolo talked about her.

Since he was talking about the love of his life half of the time, I asked Piolo if I could publish his answers to the following personal questions which he was very elusive to share to the press—the sensitive topic about his relationship with KC being on the rocks. Kumbaga sa FB relationship status, “it’s complicated.”

At least ngayon, mas maliliwanagan na kasi magsasalita na si Piolo, as in now na!

G-Spot: Did you get to watch KC cry in The Buzz?

Piolo: I did not get to watch but I heard.

G-Spot: What was your reaction?

Piolo: It’s something really personal that I haven’t thoroughly discussed with her. Mas mabuti na kami munamag-usap.

G-Spot: KC has spoken, even Sharon has spoken. Why have you kept quiet all this time?

Piolo: Hirap kasi when you’re in showbiz, everything gets magnified and everything is talked about. Hindi pa rin ako sanay…Para hindi na lang lumaki, I will just settle this between the two of us.

G-Spot: But you know you can fix it?

Piolo: For sure, oo naman. Were going to fix this. Hindi naman ako papasok sa isang relasyon mapa-showbiz man o hindi if it’s not for the long haul or if it’s not good for me. I did not wait this long just to waste my time.

G-Spot: Do you consider KC as your one true love? Siya na ba?

Piolo: Oh yeah…I hope so!

OMG! I’m so kilig! So ayan na mga PEPsters, Huwag na kayo mangamba kasi aayusin na nila. Konting tampong kulangot lang ‘yan.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata, malay mo, wedding bells na! Haay, sana sila na nga ang magkatuluyan!

Oo nga pala, may part 2 pa ito dahil nadumog kami ng fans sa Kuwait! As in dumog!

When in Rome…

Filed under: Travelogue — GSM0d at 7:24 pm on Friday, September 2, 2011

When in Rome, do as the Romans do daw, kaya….

“When in Rome, kelangan mag-Vatican. Suwerte pa namin ni Gabby Concepcion at ang kanyang friend na si Gerry Espe dahil Wednesday kami dumating.

Tuwing Wednesday, nagmimisa ang POPE sa labas ng St. Peter’s Basilica. Imagine our excitement na makikita namin si Pope Benedict XVI!

Kaya kahit dalawa at kalahating oras sa gitna ng matinding araw ang misa ng papa, tiniis namin ni Gab, makuha lang ang blessing ni papa Benedict sa dulo.

Paulit-ulit ko sinasabi for two hours, “Ang hirap naman maging Katoliko!”

Pero ayaw ko naman umalis. Baka kasi di na kami uli papasukin dahil kinuha na yung invitation namin.

Nakikita niyo ba yung ga-munggong parang kalahati ng tuldok dun sa likod namin ni Gabby. Yun ang altar ni Pope Benedict.

E, yung Pope, nakikita niyo sa altar? Hindi? Kami rin. Kaya alam niyo, ang wish ko nung bine-bless kami? Na sana makita ko naman nang malapitan ang papa pagbalik ko dito sa Vatican.

Alam ninyo? God granted my wish. E, kung alam ko lang na napakalakas pala ng blessing ni Pope Benedict, sana nag-wish na lang ako manalo sa lotto! E, di nanalo pa siguro ako.

After the Europe Kapamilya Caravan, my husband followed me so we went back to Rome.

This time, through the help of Consul General Danilo T. Ibayan and Ate Flor Icasiano of the Embassy to the Holy Sea, we were able to see the pope up close.

Pero marami requirements:

1. Men had to be in tuxedos and women in black veils and long sleeves.

2. You need a limo to bring you inside the Saint Peter’s Basilica, diplomat’s entrance. Buti na lang, may nagmagandang loob na Pinoy na naghatid sa amin sa loob.

3. You need an invitation—thank you, Consul Danny and Ate Flor.

E, bakit ba kelangan makita ang pope?

1. Kasi katoliko kami. The pope is the father of the Roman Catholic Church.

2. Iba ang blessing ng pope. It extends to your family and all the religious articles you are holding while he is blessing you. Di ba nga, na-grant agad ang wish ko?

When in Rome…

Kelangan kumain ng Italian food, preferably pasta—sobrang al dente!

Dinala kami councilor Jessie Ramirez sa isang maliit na restaurant sa Trastevere area. Uminom kami ng white wine. Palibhasa puyat kami pareho ni Gabby, nalasing kami after eating.
Umupo kami sa gutter sa labas ng restaurant at tumawa nang tumawa. Para kaming tanga.

When in Rome…

Kelangan gumimik sa Campo al Fiori at Piazza Navona. Naglaro kami ni Gabby. Isang contest. Sinong makaka-hook ng pinakamarami. Kay Gabby, padamihan ng girls na makikilala niya. At sa akin naman, padamihan ng boys na aakitin ko at makikilala.

Ang tanga ko noh? Kinalaban ko si Gabby Conceocion, na umakit sa puso ni Sharon Cuneta, Anjanette Abayari, Dindi Gallardo, Snooky Serna, Jenny Syquia at napakarami pang naggagandahang mga celebrity at beauty queen. Siyempre, natalo ako!

When in Rome…

Do as the Romans do!

E, ano ba ginagawa ng mga lovers dito bawat kanto? Susmaryosep! Kung makita mo lang, kulang na lang kama at sign ng Victoria Court o Sogo sa tabi nila.

Walang kamatayang pag-me-make-out, halikan, lambutsingan, fingeran, oo! Fingeran!

Kahit saan! Sa kalsada, sa gutter, sa park, sa harap ng simbahan, sa palengke, sa tindahan, as in kahit saan. E, do as the Romans do, di ba?

The South of Italy: Reggio di Calabria

Filed under: Travelogue — GSM0d at 6:55 pm on Thursday, July 28, 2011

Sa dulo ng Italya matatagpuan ang Reggio di Calabria.

Probinsiya na ito kumpara sa Roma at Milan. Malapit-lapit na rin siya sa Napoli at Sicilia. Marami rin kayang “M” dito?

Oo! Sabi ng mga Pinoy na nandito. Pero mababait daw ang mga “M” at tutulungan ka pa raw pag may problema ka. Kalaban lang daw ng mga M ang mga corrupt at mapagsamantalang mga pulitiko at mga gahaman na businessman na di marunong gumalang sa kanyang mga tauhan. So, kakampi pala sila ng mahihirap.

Etong kinainan namin ni Gabby Concepcion at nung marketing director ng ABS-CBN Europe na si Luis Bariuan, sabi nila, ang may-ari daw nun ay “M”!

Kakatawa nga yung scenario habang kumakain kami ng lunch. May binyag kaya andun ang maraming lolo, lola, matatandang lalaki at maraming lalaki.

Sabi ko kay Gabby:

Giselle: Gab, anong eksena nakikita mo dito sa restaurant na ito. Parang mala-sopranos, di ba?

Gabby: Ano ka! Ang feeling ko, babarilin na tayo pagkatapos kumain.

Giselle: Sobra ka naman. (I looked around). Oo nga ano? (Bigla ako nagmadaling kumain.)

Another eksena naman nang pumunta kami sa Oasi Village, sa isang beach club sa Reggio di Calabria. Kasama namin si Albert Uy ng ABS-CBN Europe at sa likod namin ang Ionian sea.

Mukhang mainit sa pic, mala-Bora ang look ng posing namin. Pero huwag ka! Ang lamig kaya ng tubig ng Ionian sea, parang ice water.
Dapat dito nilagay ang rehab. Di na kailangan maglagay ng ice sa tubig, diretso na sa dagat ilulublob lahat ng adik. Tanggal ang addiction problem nila sa lamig ng tubig!
Parating pa lang ang summer kaya medyo malamig pa ang hangin.
Eto hirit ni Gabby, sayang ang guwapo pa naman, ‘tapos dami pa bagets na naloloka sa kanya…Kaso turn-off talaga sa dialogue na ito:

Gabby: Ay, sayang malamig pala, sana dinala ko Amerikana ko.

Giselle: Ang 80’s mo, chong! Halatang lumang tao ka! (for the benefit of my young readers, an Amerikana is a dinner jacket or a formal jacket.)

Gabby: Siyempre, nag-jo-joke lang ako. Dadalhin ko ba ang Amerikana sa beach?

Giselle: Hindi, e, serious ka. Promise!

ACKNOWLEDGMENTS. We would like to thank the hospitality of all the Filipinos in Reggio d’ Calabria, especially the TFC dealer Miss Gigi and the Marciano family headed by the Honorary Consul Domenico Marciano. Most especially, thank you to all the Filipinos that attended our show in Pala Botteghelle in Reggio di Calabria. To the event hosts for that day—Cat Marciano, Kei Braccini, and Jeffrey Padul—good job in hosting, at ang gaganda at guguwapo niyo! Puwede na kayo mag-audtion sa ASAP, really.

What Happens When You Spend 21 days with Gabby Concepcion?

Filed under: Travelogue — GSM0d at 3:43 pm on Tuesday, July 19, 2011

Gabby Concepcion was as hot as Piolo Pascual during the ’80s. I would even think hotter!

Every school and office girl had the matinee idol’s pin-up in her bedroom wall including me.

So you could just imagine how I feel whenever I see Gabby Concepcion up to now——starstruck, star dazed, and kilig to the bones! (Ang luma ng expression! Sing-luma ko!)

So what happens when you work for 21 days and nights with your idol in the most romantic cities in the world——Florence, Rome, Reggio d’Calabria, Madrid, and Monte Carlo——and the two of you are all alone to do whatever you want?

WaLa! Bokya! Nada! Zilch!

Kapag idol, idol! Ilalagay mo sa pedestal! Di mo puwede manyakin kahit lasheng! Promise!

I remember another matinee idol (not Gabby).

When I became an actress, I got the chance to party with him in his condo, where his friends were also in attendance.

I went over to the balcony to check if my driver was already parked and ready to pick me up.

He followed. That time, we were both single. We chatted a bit then he looked at my eyes and said, “Parang ang sarap halikan ng lips mo.”

Eto na sana ang pagkakataon ko! Kung pokpok lang ako, sasagutin ko siya ng, “Bakit di mo subukan?”

O kung mas hayok pa ako, sinunggaban ko na talaga, promise!

Kaso, idol nga, e, kaya ang nangyari, kinilig to the bones ako at siyempre, pag nag-girlie kilig na ‘ko, ang resulta: tawa lang nang tawa.

So ano ending ko kay matinee idol number 2? Bokya pud.

Pero buti na rin kasi balita ko yung kinama niya nung gabing yun ay nagkasakit sa pepe.

Kakaloka! Ang guwapo pa naman ni matinee idol number 2 at ang bango bango!

Anyway, mabalik Kay Gabby Concepcion, what really happened to me and Gab (Uy, close na kami…Gab na ang tawag ko sa kanya) in those 21 days?

Abangan in three days as I promise to refresh my blog every three days!

Follow me in twitter @GiselleXanchez

Christian Bautista and I to do front act for 2ne1’s Manila concert on June 4

Filed under: Features — GSM0d at 10:31 pm on Thursday, June 2, 2011

Mapupuno na naman ang Araneta Coliseum ng mga bagets sa Sabado, June 4, 2011, dahil darating ang K-Pop sensation na 2NE1.

Apat na magagandang dalaga na nag-umpisa sa YG Entertainment sa edad na bente-uno o twenty-one ang 2ne1.

Sila ay sina CL, BOM, MINZY at ang kilala nating si Sandara Park, na mas kilala na ngayon bilang DARA. Siguro mas makikilala ninyo sila sa sikat nilang kantang “Fire.”

Napili ang inyong lingkod bilang front act kasama ang mga sikat na banda na Bloomfields at Calla Lily, at ang Kapamilya singer na si Christian Bautista.

Nag-request si Christian sa producer na mauna sa lahat dahil natatakot daw siya ma-boo ng 2NE1 fans. Huh? Hindi naman siguro ganoon ang 2NE1 fans.

I’m sure they will appreciate the South East Asian balladeer especially when he starts singing his hits “The Way You Look At Me,” “Everything You Do,” “Invincible,” and “She Could Be.”

After Christian romances them with his songs, 2NE1 fans will suddenly become Christian Bautista Fans. Music is Universal and can sweep all ages.

I just hope comedy is universal as well as I try to make the 2ne1 fans laugh that night. Ako ang sobrang nine-nerbiyos. Paano ba patawanin ang mga kabataan ngayon? Haay, extra challenge ito!

Bago ko isipin ang problema ko, gusto ko ipakilala isa-isa ang 2NE1 members:

CL. She is 2ne1’s fierce leader and coined as “the baddest female.”

Na-impress ako sa performance niya sa kanyang music video na “Go Away.” Di ko lang nagustuhan yung istorya. Nambababae kasi yung boyfriend niya sa video at makikipag-break kay CL. ‘Tapos hahabulin ni CL at bubugbugin siya ng boyfriend niya. Nakakaawa mukha ni CL doon. Yun kasi yung kuwento ng kanta. I was hoping for a good ending but CL dies in a car crash.

MINZY. Apo siya ng isang sikat at magaling na dancer na si Gong Okjin. May ini-record si Minzy na isang dance routine na ipinalabas niya sa You Tube. Sa sobrang dami ng hits ng kanyang video sa You Tube ay napansin siya ng YG Entertainment at kinuha para maging miyembro ng 2NE1.

Dara. Mas Kilala bilang Sandara Park dito sa Pilipinas. “Krungkrung” ang tawag sa kanya sa ABS-CBN kasi patawa siya at loka-loka. Nadiskubre siya sa Star Circle Quest at naging kauna-unahang Korean na naka-achieve ng star status sa Pilipinas. Pagkatapos ay sumunod sina Sam O, Grace Park at Ryan Bang. Umuwi si Sandara sa Korea para mag-college. Nasa tugatog siya ng kanyang career noon. Naging malamig ang career niya pagbalik dahil nawala siya ng anim na buwan. Inisip niyang bumalik sa Korea sa pag-aakalang malaking pagkakamali ang ginawa niyang mag-six month break sa Philippine Showbiz.

Di niya inakalang naitakda na pala iyon ng Diyos dahil pagbalik niya sa Korea ay kinuha siya ng YG Entertainment para maging ika-apat na miyembro ng 2NE1.

BOM. Nag-aaral si Park Bom sa Berkeley College of Music. Nang makapasa siya sa auditions ng YG Entertainment, wala siyang choice kundi mag-leave of absence sa Berkeley. Tatlong taon na siya kasi kumakatok sa pintuan ng YG Entertainment at tuwing may audition, laging di siya nakukuha. Sa pangatlong pagkakataon, siya ay nakapasa. Kaya kahit nag-aaral siya, ipinagpaliban muna niya ang kanyang pag-aaral para pursigihin ang kanyang pangarap.

Maging si Will I am ng Black Eyed Peas ay bilib sa 2ne1. Sinabi nito na malaki ang potential ng grupo at sisikat daw ito hindi lamang sa Korea kundi sa buong mundo. Pumayag si Will I Am na bumuo para sa grupo ng bagong album, kung saan halos lahat ng kanta ay isinulat at binantayan maigi ng Black Eyed Peas singer. Plano din ni Will I am dalhin ang 2ne1 sa Amerika upang ipakilala sa Hollywood dahil iba pa rin ang may Hollywood status. Sa mga gustong humabol sa tickets ng 2NE1, pumunta lang kayo sa SM ticket outlets o sa Araneta Coliseum Ticketnet. Maari ring tumawag sa 9115555 or log in at www.ticketnet.com.ph

« Previous PageNext Page »