| Register
G-Spot

Si Coco Martin, OFW dati? Korek!

Filed under: Features — GSM0d at 3:11 pm on Friday, July 6, 2012

BARCELONA, JUNE 2012. Isang oras bago mag-umpisa ang programa na hatid ng ABS-CBN Regional group ay ready na lahat ng artista backstage. May program pa kasi ang Filipino community ng Barcelona.

Laking gulat ko na lang dahil habang nagsasayaw ng tinikling ang mga OFW sa stage ay nagsisigawan na ang lahat ng audience ng, “Coco! Coco! Coco!”

Di tumigil ang pagsigaw ng pangalan ni Coco sa loob ng limang minuto kaya bigla kong biniro si Coco at sinabi sa ibang mga artista, “Halika na Enchong [Dee], Bea [Alonzo], at Angelica [Panganiban], total bayad na tayo, si Coco lang naman ang kailangan dito.”

Biglang natawa si Coco kahit pagod dahil kararating lang niya galing Pilipinas (at galing taping!). At ngayon, isinalang na siya mag-show sa Barcelona. Jetlag? Ano yun para kay Coco? Bago niya ma-experience ang jetlag, nakabalik na siya ng Pinas at nag-te-taping na uli.

Tinignan ko si Coco at inisip kung ano meron ang taong ito at bakit sobra siyang sikat at kinalolokohan hindi lamang ng mga kababaihan, pati lalaki, bakla, bata, at lalun-lalo na mga lola.

Ang tawag nga sa kanya ng taga-Globe Telecom na si Lizet Sabalvaro ay, “The Lola Whisperer.”

Paano, nang dinala niya si Coco na mag-mall show sa Guam, aba’y puro lola ang humabol kay Coco at nakipag-unahan sa elevator at sa stage makita lang ang kanilang idol.

Say ni Coco, “Malapit talaga ako sa mga lola kasi laking-lola ako. Mahal na mahal ko ang lola ko.”

Kuwento naman ni Mikki Gonzales ng ABS-CBN Regional group (RNG), iba raw talaga ang appeal ni Coco sa masa. Madalas palang imbitahan ng RNG si Coco mag-perform dahil sigurado sila na full-pack ang gym o park pag si coco ang kanilang artista.

Sa Dagupan, naloka siya dahil five thousand lang and expected nila pumunta pero nadoble at naging ten thousand dahil si Coco ang artista.

Binigyan naman ng local government ng Baguio si Coco at ang ABS-CBN Regional Network Group ng award dahil nang dumating si Coco sa Penagbenga Festival ay nakalikom ang Baguio ng pinakamaraming tao recorded in all history.

Ang kuwento pa ni Mikki Gonzales ng RNG, “Minsan nga ay halos mahimatay ako sa isang show dahil nasira ng mga fans yung stage barricade, na sobrang tibay dahil gawa yun sa steel at konkreto, dahil gusto lamang nila mahawakan si Coco. Natakot ako para sa safety ni Coco dahil tiyak na dumog yun pag naabutan siya. Mahilig pa naman si Coco lumapit sa fans kayo lalong naloloka ang mga fans.”

Siguro nga yun ang isang alas ni Coco, hindi siya takot sa tao. At hindi aral ang kilos niya, nasa puso talaga.

Nang dumating ang mommy ko sa loob ng tent para magpa-picture sa mga artista, binati naman siya ng mga artista with a smile at nag-pose for a picture. Pero iba si Coco, tumayo sa upuan si Coco at biglang binati si mommy ng, “Mommy, kumusta na kayo! Kumain na po ba kayo? Upo po kayo dito, oh.” (Sabay bigay ng kamyang sariling upuan sa nanay ko. Siyempre walang bukang-bibig ang nanay ko pagkatapos ng show kundi Coco, Coco, at Coco dahil sa warmth and sincerity nito.)

Nang lumabas at kumanta si Coco sa kanyang mga fans, lalo naman ako naloka nang may revelation siyang ibinulatlat sa limang libong OFW na pumunta sa show namin sa Barcelona. Mysterious kasi itong si Coco kaya laking gulat ko nang bigla niyang sabihin sa mga tao, “Alam ninyo, naging OFW rin ako tulad ninyo sa Alberta, Canada. At proud ako na naging bagong bayani rin ako ng bayan tulad ninyo. Salamat sa pagmamahal ninyo.”

Siyempre, may I interview ako pagkatapos dahil sa kanyang revelation.

Si Coco, OFW dati? Korek!

Kuwento niya, “Nag-housekeeping at naging janitor ako dati sa Alberta, Canada… Naglinis ng toilet, nagpalit ng mga higaan, trabahong kalabaw talaga. Pinili ko yun. Nag-aartista na ako nun, nasa indie films na ‘ko. Pero ang tingin ko kasi sa trabaho ay trabaho, mapa-commercial actor, actor sa teatro, indie actor, TV actor, movie actor, janitor at housekeeping. Hindi ko ikinahihiya lahat ng napagdaanan ko dahil lahat ito ay marangal na trabaho.”

And that’s when I realized what makes Coco click. Tao siya at totoong tao.

Hindi lang siya magaling umarte dahil napakaraming magaling umarte. Hindi lang siya guwapo dahil sobrang daming guwapong artista.

Totoong tao siya at nararamdaman pala yun ng mga manonood sa TV at pelikula.

Totoo siya at ang katotohanan pala ay tumatawid at tumatagas sa puso at damdamin ng bawat manonood, ng bawat fan, ng bawat maka-enkwentro ni Coco Martin.

Kaya ngayon, fan na rin ako ni Rodel Nacancieno, also known as Coco Martin! Mabuhay ka, Coco!

P.S.

Ewan ko kung nagde-delirio lang ako at kung nangangarap nga ako, pakisampal nga ako. Pero feeling ko talaga ang laki ng resemblance ng asawa ko kay Coco lalo na nung bata pa asawa ko at lalo na kung naka-salamin si Coco. Baka nga feeling ko lang, kas,i idol ko si Coco ngayon, hehe…

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register