| Register
G-Spot

When Stars make OFWs happy (Part 1)

Filed under: Travelogue — GSM0d at 4:51 pm on Saturday, July 10, 2010

Now there is something to watch for in the next five Fridays, as I will recount my stories about the stars I was with for the past month: Jed Madela in Oman; Keempee de Leon in Macau ; Vina Morales, Sponge Cola and Mark Bautista in Taiwan; Randy Santiago in Madrid; and Dingdong Dantes, Luis Manzano, and Aegis in Hongkong.

I will divide my stories to five parts para exciting and para weekly ninyong sinusundan ang blog ko. So let’s start with Jed Madela in Oman.

As I have mentioned in my previous blog (CLICK HERE), 54 degrees sa Oman. Mapapamura ka sa init! Nung naligo ako ng cold water, nalapnos ang anit ko sa init ng tubig. I checked the faucet. Di ko naman binuksan ang hot water shower faucet. And then I realized that the water pipes were built underground. E, ang init init ng lupa, kaya free hot scalding water ka! Dapat wala na silang water heater. Water freezer ang kailangan sa Oman!

Mabait at tahimik si Jed. Siguro talagang sinadya niyang maging tahimik dahil Tenor ang boses niya. Ang taas taas! Para siyang miyembro ng Vienna boys choir. Ang laki-laking tao, ‘tapos ang taas taas ng boses.

Kung bully ako sa classroom at kaklase ko si Jed, dahil sa taas ng boses niya, lolokohin ko siyang bakla. Kaya siguro tahimik siya. Baka may bully siyang kaklase sa Negros dati.

Hindi bakla si Jed. Na-discover nga niyang magaling siyang kumanta dahil sumali siya ng banda kung saan ang lead singer na babae ay naging girlfriend niya. Kaso mas mataas ata yung boses niya dun sa girlfriend niya kayat na-insecure si babae at nag-break sila. Joke. Doon sa bandang yun na-discover si Jed ni Ronnie Henares, and the rest was history.

Very close si Jed sa family niya. Ang Tito Gerry niya ngayon ang nag-ma-manage sa kanya. Isinali siya ng Tito Gerry niya sa iba’t ibang contest sa iba’t ibang bansa at dahil talented talaga si Jed, nagwagi ng mga parangal para sa Pilipinas:

• 2003 Voice of Asia International Song Festival – Silver prize

• 2002 Voice of Asia – Best Male Singer

• Voice of Asia – Winner, People’s Choice category (thru internet poll survey)

• Celebrity Chronicle Hollywood USA – 2003 Breakthrough Male Performer

• Plaque of Distinction of Honor from President Gloria Macapagal Arroyo

He made me listen to the songs of his upcoming album. Puro mga classics and old songs. Ang ganda! I’m sure it will be a hit just like his album Songs Rediscovered, where he featured all-time favorites including: “Your Song” (Elton John), “Love Always Finds A Way” (Peabo Bryson), “The Past” (Ray Parker Jr.), “Heaven Knows” (Rick Price), “Changes In My Life” (Marc Sherman), “Right Next To Me” (Whistle), “Home” (Michael Jackson/Diana Ross), “Can’t Cry Hard Enough” (Williams Brothers), “Because Of You” (Keith Martin), “Only Reminds Me Of You” (St. Paul), “Beauty And Madness” (Fra Lippo Lippi), “Time Will Reveal” (El deBarge), and the carrier single “How Can I Fall” (originally by Breathe). Marami siyang kinanta para sa mga OFWs sa Oman from this album.

At siyempre, nalaglag naman ang mga panty ng mga babae sa boses ni Jed.

Aside from his superb vocal talent, Jed is such a techie. He can also draw and paint in his iPad. I saw his paintings and they were pretty impressive. Pero dahil sa iPad niya ginagawa, I was a bit skeptical. Baka cut and paste lang ginagawa nito at niloloko lang niya ako.

So while waiting for his flight, I challenged him to paint a poster for our show which means he has to draw a picture of Miss GSpot and himself. At eto ang drawing niya. In fairness, kamukha ko ha!

Pero parang mas kamukha ng drawing si Miss Kimmie Moreno, Globe marketing head for Overseas Filipino communities (international). Tignan mo yung picture namin ni Miss Kimmie. Take note, di kilala ni Jed si Miss Kimmie, ha!

O, abangan ninyo yung next adventure ko next Friday, ha. Sinong artista ang gusto ninyong ikuwento ko? Anong lugar ang type ninyong pa-kwento ko?

Nga pala, sa mga taga-Dubai, I will have a a show in Dubai Ratsky on July 16. Those of you who live in London and any part of the United Kingdom who want to see Gabby Concepcion, Vina Morales, and the Melason duo (Melay and Jason), punta kayo sa Hounslow fiesta on July 17. The fiesta starts at 1:00 pm. See you next Friday for my next blog.

4 Comments »

Comment by janzjeff

July 11, 2010 @ 5:27 pm

i can relate with ur first statement ms. gspot na mapapamura k tlg s init s mga m.e. countries..here in uae,umaabot dn ng 50 degrees!kaloka!at true dn na halos malapnos ang anit m s init ng tubig na lumalabas s faucet..anyways,i’ll be watching out for ur next 4 blogs..we might also watch ur show sa dubai..so,see u in a few days!!^_^

Comment by Ysnuque_cai

July 11, 2010 @ 8:04 pm

una let me.. as ussual, inggit let kame dito sa yemen.. hehehehehe…

Comment by gingersnap

July 13, 2010 @ 3:02 am

hi G-Spot! ang dami mong shows sa overseas! good for you! madami kang napapasayang mga OFWs. magaling ka kasi kaya madami kumukuha sayo. keep it up G-Spot and we’ll wait for your coming entries.

Comment by maCATHYpasahigad

July 16, 2010 @ 8:05 pm

taray te! moreo power! ..pakkkkk!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register