| Register
G-Spot

Rubbing elbows with the Marcoses

Filed under: Features — admin at 12:05 pm on Friday, November 14, 2008

Minsan ay napanood ako ni Ms. Imee Marcos na mag-comedy monologue at kumanta sa isang private corporate event. Siguro ay natuwa siya sa akin dahil isinama niya ako sa bago niyang indie film na pino-produce, ang Pintakasi. Malamang ay talagang natutuwa siya sa akin at inimbitahan pa niya ako sa birthday party na ibinigay ng kanyang ina, si Madame Imelda Romuladez Marcos.

Inisip ko na baka hindi ako papasukin sa magarang party kung wala akong pormal na imbitasyon, kaya naisipan kong daanan ito sa opisina niyang Cream Productions sa San Juan, ilang oras bago magsimula ang party.

Nagulat na lang ako dahil may party din sa loob ng Cream Productions, nag-bi-break dance yung mga kabataan sa loob at tuwang-tuwa habang nanonood si Ms. Imee sa tabi.

Nakita ko ang handaan, lasagña lang at dinuguan kaya inisip ko na nag-ambag-ambag siguro ang mga bata para bigyan si Ms. Imee ng surprise party. Tama nga ako, isang surprise party para sa pinakamamahal nilang boss na ipinanganak bilang Maria Imelda Josefa Romuladez Marcos noong November 12.

Dito ko unti-unting nakilala ang tunay na Imee Marcos, sa mata ng mga kabataang nagmamahal sa kanya.

Sa totoo lang, bata pa lang ako nanonood na ako ng Kulit Bulilit at Kaluskos Musmos, kung saan napapanood ko si Imee. ‘Tapos nawala siya dahil nag-aral ito sa Princeton University, pero bumalik para mag-graduate ng Law sa U.P.

Nawala uli at bumalik noong 1998 upang magsilbi bilang Congresswoman, na naging katungkulan niya hanggang 2007.

Sa aking mga mata, isa siyang anak ng Presidente, matalinong abogado at mahusay na congresswoman. Ngunit sa mga mata ng mga bata , isa siyang “kabarkada” na tinutulungan silang magamit at masulit ang kanilang talento.

Ang Cream Productons ay binubuo ng mga batang animators, directors, illustrators, dancers, musicians, and rappers. Most, if not all their projects are animations with serious themes like Filipino idealism, importance of Filipino culture, and upholding Filipino values.

Now they will attempt to make a new movie with a genre of its own──a mix of animation and real actors in a hip-hop/dance genre. Kakaiba, hindi ba?

Huwag kayong mag-alala, hindi ako ang bida ng pelikula kaya hindi ako ang mag-ra-rap at sasayaw kundi mga bagets, tulad ni John Wayne at dancers ng All Star Hip hop Dance group, na tinanghal na hip hop champions sa Amerika.

Lalo akong naloka noong nagpunta ako sa party kinagabihan. Nalaman ko sa mga kuwento-kuwento ng mga kaibigan niya na pinapa-LRT niya ang kanyang anak na si Matt papuntang trabaho sa Makati. At yung  bata ay pawis na pawis na naka-knapsack tuwing darating sa trabaho. Ang gusto daw kasi ni Imee ay  malaman ng anak niya na mahirap ang buhay. Tahimik din ang kanyang anak at di ginagamit ang Marcos na apelyido. Wala ring nakaalam sa trabaho niya na anak pala siya ni Imee Marcos. Si Borgy naman ay hindi binigyan ng allowance ni Imee kahit kelan kaya kumikita na lang sa pag-mo-model at pag-di-dj. Sobrang ayos ng training sa mga anak, ‘no!

Magaling si Imee sa taonapaka-profound at malalim na usapang politikal kapag kausap niya ang mga senador at mga abogadong  ka-batch niya. World economy and crisis management was the topic of conversation she had with expat guests on the other table.

Nang pumunta siya sa table ko, biglang nagtanong, “Hoy bakla, ano naman itong issue mo kay Maggie Wilson? Bakla ka, hindi na pinapatulan mga ganoong fez.” Nakakaloka! Pati ba naman yun, alam niya!

Bago pa ako nakasagot , biglang lumapit si Senator Loren Legarda at tinanong kung 52 o 53 na ba siya? Biglang umasim mukha ni Imee pero nakangiting pilit na sinagot si Senator Loren, “I’m 100 years old!” Moral of the story: Never ask a woman her age.

Pero kung totoo nga ang hula ng edad ni Senator Loren kay Imee, sobrang bata ng mukha ni Imee. Mukhang hindi naman siya nagpa-botox dahil may wrinkles siya kapag tumatawa siya.

Kapag tumabi siya sa mga kaklase niya, mukha silang mga teachers at principal dahil ang tatanda ng hitsura nila kumpara kay Imee. Tanong ko lang, meron kayang iniinom si Imee na tubig galing sa fountain of youth?

Ano nga kaya sikreto ni Imee at mukha lang kami magka-edad? Siguro ay dahil masayahin siyang tao at hilig niyang pinalilibutan siya ng mga taong masasaya din. ‘Yan nga siguro ang sikreto: inner peace and happiness.

Happy Birthday, Imee!

Eto ang mga pictures ko sa  condo unit ni Madame Imelda Marcos, kung saan ginanap ang private party ni Imee, kakaunti lang ang mga guests, halos pamilya at matatalik na kaibigan/kaklase lang ni Imee ang imbitado,  pinalad lang akong maimbita.

giselle01.jpg

giselle02.jpg

giselle03.jpg

giselle04.jpg
giselle05.jpg

giselle06.jpg

LAUGHS AND GASPS. Those who love comedy, magic, and mentalism, I hope you can find time to watch Laughs and Gasps, a show of comedy and magic on November 22 , 7:00 p.m. at the Wikipedia Headquarters Theater, na nasa rooftop ng Vibal Publishing sa G. Araneta Avenue.  Please refer to the map in my previous blog Celebrity Look-Alikes para di kayo mawala papuntang venue.

P250 lang ang ticket and the proceeds will go to the GISELLE SANCHEZ FOUNDATION. Tumataas na kasi ang mga tuition at miscellaneous fees ng mga estudyante kong pinapaaral, kailangan kong lumikom ng funds na pantustos.

PROMO EXTENDED.
Para naman sa lahat ng OFW at Pinoy na nakatira sa ibang bansa, extendend ang promo ng Bigay Ni Idol hanggang December 1.

Ito ang pagkakataon ninyong manalo ng libreng premyo tulad ng cellphone, Magic Sing, Hi-tech na rice cooker, mamahaling pabango at sangkatutak na pagkain galing sa  Goldilocks, Cadbury, Toblerone at Lay’s Potato Chips na walang kapalit kundi ang pagpunta ninyo sa PROMO WEBSITE at pagsagot sa katanungang ito: Sa sampung premyong ipinamimigay ng Bigay ni Idol, ano ang pipiliin niyo? Sino ang pagbibigyan niyo at bakit?

Siyempre, kailangang medyo creative o nakakatawa o hanep ang sagot ninyo para mapansin ng Bigay Ni Idol judges. Bigyan ko kayo ng examples:

1. Bibigyan ko ang nanay ko na si  Sofronia Macaraig ng WOW magic Sing kasi sintunado siya, para di na masyado sumakit tenga ko pag-uwi ko tuwing kakanta sa party.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Buencamino ng Goldilocks Package dahil matakaw siya sa cake.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Nokia cellphone para ma-text naman niya ako dito sa Saudi ng nakakatawang jokes kasi napakalungkot dito.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na dito sa Bigay ni Idol promo at manalo ng napakaraming premyo!

59 Comments »

Comment by coach

November 14, 2008 @ 1:43 pm

you have surely changed the view of imee marcos sa masa sa mga kwento mo…

wala ba talagang ere?

ung anak na nag L/MRT wala ka bang picture nya? cnu kaya ang kamukha?

Comment by anney_1116

November 14, 2008 @ 1:49 pm

actly, isaw borgy twice…. sa greenbelt at sa starbucks sa silver city.

behave ang bata……

hindi mayabang tulad nung pagkaka describe sa kanya, wla syang bodyguards

he just hung up with some friends

Comment by mycomment

November 14, 2008 @ 2:55 pm

i love the marcoses…
s mga naging presidente ntin, kay macoy ako humanga at super talino nya huh!
wla pang yabang ang mga anak nya gnun rin ang mga apo.
gandang-ganda ako s bunso nila, nkalimutan ko n ang name. si imee at bong2 kc ang public figure.
nice blog.. i love it..

Comment by mandersnork

November 14, 2008 @ 3:04 pm

uy ang galing naman.. ano ba talaga secret ni imee un din kc ang napapansin ko sa knya hindi cia tumatanda.. maganda ung higaan ni madame tas ang cute nung mga shoe figurines meron palang ganun hehe.

Comment by deanslister

November 14, 2008 @ 3:21 pm

In fairness, like ko si Imee kase bakla talaga sya. Napanuod ko sya nag-guest sa isang show, nakakaaliw sya. Para kaseng may stigma yung family name nila kaya parang mahirap paniwalaan ang kwento mo G-spot pero yun ang totoo. Kaya lang siempre, although may kasabihan na let’s forget the past and move forward, mahirap pa din makalimutan ang karanasan ng Pilipinas sa panahun ni Marcos. Pero eto opinion ko lang, walang maghaharumentado dito ha, tingin ko mas mabuti ang pinas nung si Marcos ang presidente.

Comment by Bayani Makabayan

November 14, 2008 @ 4:21 pm

Hmp! Sige na nga bigay ko na lang sa yo tong isang ito. Hindi ako magmemention o sisigaw ng “Ibalik ang pera ng bayan!” o “mangungurakot!” o kahit ano pa mang mga old sentiments chuchu. Bagkus ay sasariwain ko na lang ang mga napapanood ko ng ako’y isa pang little girl sa Sampaloc: Nanonood din ako ng Kulit Bowlilit nung maliit pa ko. Lagi akong nagtataka kung bakit ang mga mata ni Imee ay laging nakatingin sa baba tapos tataas. Yun pala wala pang teleprompter noon kaya binabasa nya sa baba yung sinasabi nya. Jus ko day! hilong hilo ako noon sa kaka follow sa mata ni Imee pero enjoy naman ako. So kakalimutan ko na ang mga negative things at babatiin ko si Imee ng “HAPPY BELATED BIRTHDAY BAKLA!”

:0)

Comment by sophia canales

November 14, 2008 @ 4:41 pm

you are so grounded giselle at obvious na may breeding ka. minsan lang akong nakakita ng taong gumagamit ng tamang salita…”household help” is better than “maid”. naalala ko ang father ko sa yo. sa cebuano pa, sabi ng father ko, “day, wag mo silang tawaging ‘maid’, kundi ‘katabang’”. also, sa pakikipaghalobilo mo from the marcoses to their helpers, you reminded me of the poem “if” by rudyard kipling. a part of that poem that tackles in treating kings and masses just the same (something to that effect, correct me if i’m mistaken). i became your fan when i read your article on that louis vuitton incident. for 10 years of living and working abroad, that story moved me. you treated the prejudiced with a bang! well, this is my first time to submit a comment here. di ko na mapigilang bigyan ka ng thumbs-up.

Comment by Ferdie

November 14, 2008 @ 5:21 pm

Mahusay naman ang mga Marcoses. Yun lang talagang karamihan sa ating mga kababayan ay madali makuha ng tsimis. Sakit na iyan ng pinoy panahon pa ni Rizal.

Kundi kayo maniwala basahin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at makikita ninyo ang ugaling pinoy mula noon hanngang ngayon!

Comment by justkyut

November 15, 2008 @ 2:33 am

Again, another salute to you Miss Giselle. As I was reading this entry, I remembered one time that I was watching Wish Ko Lang and one of the fan of Madame Imelda wished that he can meet and greet with his one and only Idol. Indeed, Madame went out of her busy skeds just to meet his long time fan. Teenager po ung fan niya na un. I love that segment of Wish Ko Lang.

I wish I can go to the show Laughs and Gasps. Until next blog Miss Giselle. TaKe CaRe. I hope we can get to see your house decorated for the holidays. =)

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 15, 2008 @ 4:37 am

…we saw this provocative compelling document “Imelda” years ago at Sundance (believe it or not?) at first the audiences were cracking up hahaha and then, a sounding applause! …I was mesmerized! 8)

…coz the viewers looked beyond the expensive shoes and saw a WOMAN on Top of the World! whoohoo! not even First Ladies Jackie Onasis nor Hillary Clinton combined, can duplicate what she has accomplished during her days, am I right Ms. Imee? …imagine rubbing elbows with dictators the likes of Sadam and Mao without a hint of sweat is really something, like she’s made of iron! …her charms are indeed magnetic! …btw what kind of “foundation” is she wearing? Oops! :)

…I understand billions of dollars were amassed, but weren’t all royalties in history did that? …at least she did it in such grand style! “imeldific” is now a household word! Oops! hahaha …nobody can really judge her, only historians in distant future can tell! 8)

Comment by meanboy

November 15, 2008 @ 9:48 am

i never expected that imee would let her child to ride L/MRT.
and si borgy pala walang allowance hehehe.
good training nga pero bilib din ako sa mga anak nya dahil kaya nila./

Comment by nadja

November 15, 2008 @ 10:10 am

well, ms g, what can i say…

galing mo tlaga…!

keep it up!

pray always…

Comment by lonelyheartNsingapore

November 15, 2008 @ 11:06 am

Hi G!

I am now reading your blog everyday as in! Nung bnasa ko sia the other day n the middle of my busy day…sobrang naloloka ung mga officemates ko kasi tumatawa akong mag-isa!Btw, I also emailed you kaso haven’t receive any reply yet if you have any plans to do a show here in SINGAPORE sana i can again watch you. I was able to watch you during one of company’s christmas party, you were the host and grabe! KABOG! kulang n lang tambling sa kakatawa…hope to see you here in singapore!!!i am sure marami kang mapapaligayang PINOY over here — kasama n ako dun! pls have a show here!!!!!!

Comment by tinkerbell22

November 15, 2008 @ 1:47 pm

nakita ko si imelda sa Tutuban…hehehe.. namimili siya nung mga tela..

Comment by carmi

November 15, 2008 @ 2:00 pm

dear Ms. G..

my father love’s marcoses a lot.. sabi nya napal=kilala nya sa boung mumdo amg pilipinas.. dahil sa fast progressive country tayo noon.. pero ngayon kilala ang pinas sa pagiging corrupt.. i remembered nong nagtratrabaho pa ako sa construction site sa singapore sinabi sa akin ng officemate ko na singaporean na talagang magaling si marcos, sya ang nagpondo para makalikha ng mga rare species na mgra bigas.. pero sayang pinabayaan ng mga pumalit kaya nasa thailand na ngayon at vietnam and mga wonder species na yan kaya sa kanila na tayo kumukuha ng bigas…. hanggang ngayon di ko pa rin alammm.. question pa rin siguro sa mga nakakarami kung bakit de maubos ubos ang kayamanan ng mga marcosesss…. nobody knows except them…. pati share ng mga duavit sa gma kanila din daw… dami …… anyway.. only GOd’s can judge…. GOD BLess….

Comment by lawrenzo

November 15, 2008 @ 2:23 pm

Our family loves the Marcoses. I like Imee Marcos too. Mas ayos ang buhay noong panahon ni Marcos. Mas may disiplina ang mga tao. Ngayon wala na.

Sana makapag produce ng maraming movies si Imee. Siya ang nagproduce din ng Himala di ba?

Comment by amazingmaxx

November 15, 2008 @ 3:36 pm

i lyk Imee too, she really have a heart for the youth.
… makes me wonder, can Phils. be any better than what we have now?
… peace pepster, am just asking, no offense meant.

Comment by regalbaby

November 15, 2008 @ 3:56 pm

hi g-spot, palagi akong nagbbsa ng mga blog mo, but this is my first time to post a comment dahil di tlaga ako makapaniwala na anak ni Imee nag LRT everyday while going to work? Tapos sa trbaho di alam dun na anak sya ni Imee. Hirap nman paniwalaan eh.

Comment by I'm_ the_Northern_Queen

November 15, 2008 @ 6:28 pm

…i like this blog since i can relate, i’m from ilocos & my tito was once the roommate of Bongbong Marcos in PMA….

Imelda is Asia’s Goddess of Beauty….indeed…!

these are just some of my grandma’s collection of Imeldific’s quotes:
“How can u be a thief when u have nothing to steal from…”

“Rice feeds the body, books feed the mind, and beauty feed the soul.”

“The only things we keep in life are those we give away…”

fabulous steel butterfly….!

Comment by myx

November 15, 2008 @ 6:59 pm

frequent reader ako ng pep. pero ngayon lang cguro mag re-react. curious lang kasi, as in.. tao ba talaga si BSB o kathang isip lang? para kasing na create sya pra magsabog ng irita sa balat. ano ba ITO? an-an? sorry po.. sobrang curious lang talaga. di naman ako war freak, hate wars pero grabe! dapat kasi nae-entertain tayo lahat kaya lang, most of the times, epal ang postingS nya (BSB). kung gusto nyang mag artista, y not? kaya lang panO na sina ms. bella flores? kawawa namn, masasapawan.. haay..

nweiz, if after this, mag react si bsb, i dont care..

Comment by RaCiEvB

November 15, 2008 @ 7:20 pm

Ms. G, kakaiba nga ang blog mo ngayon.. Through these, we know about Ms. Imee aside from being a daughter of our president and one of our congresswoman in the country.. I never heard about the other son of her, dito ko lang nalaman.. Maganda nga ang pagpapalaki niya sa mga anak niya. I knew already that Borgy is doing his best to earn his own money he shared it from one of his past interviews.. Thank you for sharing about Marcoses..

Kakaiba ka tlaga Ms. G, you always rock!!!

Comment by stranger09

November 15, 2008 @ 7:26 pm

gee…ang swerte mo ms giselle at nakapiling mo ang pamilya marcos..kung totoo nga ung pagsakay ng lrt at chorva ng anak ni marcos..ang galing naman…pero kasi iba naturo sa akin ng kas1 prof ko hahah..hindi maganda about them pero may mga good things about them naman..nasobrahan lang sa talino si ferdinand…inaadmire ko pa rin siya sa katalinuhan niya grabee…hehe…saya ng experience ah!

Comment by palenkera

November 15, 2008 @ 9:19 pm

Ang ganda naman ni Giselle, nakita ko sya before sa Padre Burgos, Quezon with Jeffrey Hidalgo. haha. so long ago.

Sana naman hindi nabubulagan si Giselle, kasi kung walang Marcos tyranny e hindi sya gagayahin ni GMA. haha. sa pangungurakot at nepotismo.

Hindi makakalimot ang mga taong naghihirap. anyway, bitter ba, hindi naman, kaya lang billion ang kinurakot nila, my God, kung mayaman ang gobyerno e sana wala ng iskwater at kakaunti na ang krimen, baka ka-level natin ang Singapore at Hong Kong sa kaunlaran at katiwasayan. buhay nga naman, unfair.

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 15, 2008 @ 10:06 pm

…is it true that once there was a place called Camelot? :)

…if England has grand “Buckingham Palace”, my United States has “The White House” hmmm not anymore the Obamas moving in come January! Oops …I heard in the Philippines …”A Nobleman lives there” or did they converted it to a freaking museum? damn whatta mess those barbarians did, the bastards! Oops …didya know Giselle we have opulent “American Castles” owned by 19 century rich industrial barons, blood money that’s right! …and now preserved Historic National Treasures uh-huh!, …I’ve been to a few of them and I must say I couldn’t leave its opulence, coz it’s ssso me! hahaha Oops …you don’t believe me …ask Imee! blink! 8)

…no offense to the late his excellency President Ferdinand Marcos, behind the real genius at Malacanang is Imelda …ask Imee! blink …I guess it’s true that there was once a place called Camelot! huhuhu Oh well 8)

Comment by grez21

November 15, 2008 @ 10:28 pm

i saw madam imelda marcos last June 14 sa Air Supply concert, ngkakagulo mga tao during the last part of the show, but she’s still composed. mkhang simpleng tao..jologs dn pla xa, biruin mo, nanood ng Air Supply.. madam, you rocccckkkkkk!!!

Comment by mayamangpobre

November 16, 2008 @ 2:07 am

wow! thanks sa blog mo…bilib ako sa mga mayaman at may breeding…mga down to earth..not like sa iba dyan kabit lang ng mayaman akala mo na kung sino na. nag iba tingin ko sa mga marcoses. i like her…and i like you too kasi real na tao. what you see is what you get.

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 16, 2008 @ 6:59 am

…last month we attended a fabulous dinner soiree hosted by one of the Kennedys, no less! uh-huh! …and just like everybody who is anybody, we invited ourselves by paying $5,000 a plate, Oops! WHAT??? …it was an “Obama-for-President” fundraiser, okay! 8)

…I was rubbing elbows left and right with young hollywood celebs, democrats, big sharks, politico-du-jour, etc anybody who wants a position in the next administration! Oops! hahaha! …even saw debonaire President Bill Clinton (guest speaker!) …ssso while my date was relieving himself, …in a low cut black number I charmingly introduced myself! …and HUH? a kiss and a photo-op! …Boy was it true! hahaha! …fabulous! ;)

Comment by shobizaddict

November 16, 2008 @ 12:20 pm

you know G-spot you changed my opinion about Imee, kasi I know that you will not make up stories like that. hindi naman kayo friends ni Imee.

I think the children of the Marcoses realized that it’s time to make amends kaya they are ( I hope) doing nice things to our kababayans.

Comment by Lonely Richkid

November 16, 2008 @ 2:43 pm

Hi G,

I love your blog today…I also love the Marcoses…

Kelan kaya uunlad ulit ang Pinas? Hay buhay….

Comment by gracy0124

November 16, 2008 @ 3:23 pm

Hi G!

Been a reader of your blog since u started doing it here on pep. Not only dat I enjoyed reading each n every entry u made, you’ve taught me how to appreciate things, how to appreciate people whatever their status may be and so on…Usually “watchmode” lng ako until I read this entry.

I am working in a publishing company based in Dubai, executive assistant of the writer to be exact…We’ve been commissioned to produce an authorised biography of His Excellency Dr Mana Al Otaiba, personal advisor to His Highness Sheikh Zayed, the late President of the UAE . During our research and personal interview with HE, he mentioned that he was a close friend of the late President Ferdinand Marcos during his governance. I even saw the token/certificate of recognition given by President Marcos to HE in the 80s.

I’ve been trying to contact the family of Marcoses, to be able to interview Mrs Imelda Marcos (or any member of the family) regarding her recollections of HE Al Otaiba, their relationship with Al Otaiba family. We belived that they, too, had their encounters in many occassions, but to no avail.

Could you please help us obtain contact details of the office of Mrs Imelda Marcos or Ms Imee Marcos? We are willing to submit our company profile, copy of the books that we produced previously (to name one is Rashid’s Legacy)and the permission letter from the office of HE Al Otaiba to prove the authenticity of our company.

TRIVIA:

Comment by gracy0124

November 16, 2008 @ 3:35 pm

TRIVIA: First Lady Imelda Marcos remains one of Dubai Duty Free’s record customers spending $20,000 in a 25 minute shopping spree and left $100 tips for 12 or so of DDF staff.

G, I really appreciate if you could help me on this. I dont know why I am having a hard time everytime I wish to contact government offices in our country compared to former France President Jacques Chirac and MIkhail Gorbachev of Russia (to name a few) who graciously responded to my emails and request.

Thank u in advance and highly obliged.

Comment by chikka247

November 16, 2008 @ 9:18 pm

Let just history judge the Marcoses, plastic ang majority ng Filipino na sabihan na dapat si Ninoy ang bayani, eh wala namang gumaya sa kanya sa kanyang paniniwala na the Filipino is worth dying for…..sino sa gov’t office ang tumulad sa kanya sa pagmamahal sa bansa? Ayaw nila kay Marcos, depicting Marcos as someone so horrible and the worst president, eh mukhang gusto pang agawin ang trono sa kanya sa pagiging the worst president the Phil. could have…..For me, Marcos has the brains and the guts to run the country well – sa buong history ng Pinas, he’s the only one who had put the country in order – even in Chinese history, kailangan ang leader na may kamay na bakal to unite the nation.

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 16, 2008 @ 10:03 pm

…”Oh Billy! you devil you!” …really! BSB ™ don’t mind being called “the-rest-of-the-Woman” Oops! it’s ssso liberating and besides Hillary would definitely approved with her busy schedule! blink! …as long as I have a perfect penthouse view at Park 5th Avenue, a shy away from the Waldorf Astoria! Oops oh I forgot plenty of cash, caviar and champaigne! whoohoo what more do you need? …imeldific! Oops hahaha :lol:

…butt am glad the young Marcoses have inherited (just like Prince William, next to the throne of England) and continuing the legacy of advocacy, raising awareness and championing the rights of disadvantage youth, oh yeah …conspicuously! ehem 8)

Comment by sioux

November 16, 2008 @ 10:35 pm

thank you for sharing this Marcos story Ms G

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 17, 2008 @ 12:34 am

…Quiet please! there’s a Lady on stage!
she may not be the latest rage,
but she’s singing and she means it,
and she deserves a little silence! ;)

…Quiet please! there’s a Woman up there!
and she’s been honest through her songs,
long before your consciousness was raised,
Now doesn’t that deserve a little praise! ;)

…ssso let’s put our hands together, help her along!
all that’s left of the singer, all that’s left of her song
Stand for the ovation!!!…
Yes! give her one last, just one last celebration! ;)

…this is to you Madam Imelda Romualdez Marcos. 8)

Comment by trinoma_rat

November 17, 2008 @ 3:57 pm

the marcoses (conjugal dictatorship) institutionalized graft and corruption in the philippines. Up to now, the country is still struggling with eradicating/minimizing G and C because the people that were in cahoots with the Marcoses are still in power and able to protect their (marcoses and allies’) interests, not to mention their hidden ill-gotten wealth. They ransacked the nation’s coffers, which is a major cause of poverty of Juan and Juana de la Cruz up to now. And who can forget the many people who died during the Marcos’ reign, especially during Martial Law, and also including those who died working to rush the Film on the reclaimed area? On the say-so of Imelda (with her ‘edifice complex’), the Film Palace was rushed and in the rush a major accident caused a number of manggagawa to die. If the marcoses cannot be answerable for their crimes against the Filipinos in the court of law, bahala na ang Diyos sa kanila!

Comment by palenkera

November 17, 2008 @ 5:57 pm

skinny bitch, you’re such a loser, imagine , you’re naming yourself as one of the A-lister Hollywood social climbers yet taking your precious time to read PEP while this is not http://www.PerezHilton.com where the bitches like you tag along. so go there and stop pretending that you’re rich and famous.. haha.

ilusyonada. hindi ka diyosa!

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 18, 2008 @ 12:47 am

…Quiet please! there’s a Person up there!
who’s singing of the SINS, that none of us can bear!
to hear for ourselves!
Now give her respect, if nothing else! ;)

…Quiet please! the First Lady on stage!
conductor, turn the final page!
when it’s over, we can all go home,
and she leaves the stage alone! :(

…ssso puts your hands together, help her along!
just stay here all night, hear her finish the songs,
won’t you rise! and give her one last …acclamation! ;)

…imeldific! 8)

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 18, 2008 @ 3:35 am

…btw Ms. Gee, is that a genuine “Picasso” at the background? ;)

…the latest “Picasso” sold at NY Christie’s fetched between $40 to $60 million dollars, believe it? or not? …OMG eeeemeldific! :lol:

Comment by palenkera

November 18, 2008 @ 8:36 am

Mabuti pa si Giselle, hindi nag-eerase ng comments kahit negative against her. e sa blog ni John Lapus, na-erased yong post ko while I was just saying na nag powertrip sya for a simple issue thats not even true kasi chismis nga lang. I said that he must be humble instead of running around to reprimand the segment researcher kasi kaya nga chismis e hindi totoo so there was nothing to apologize for.

so ang impact e nagmamaganda sya for being John Lapus who is being showered with blessings in GMA7 giving him the illusion that he’s already big para mag-enarte while it only showed his low IQ and EQ for being affected by a chismis.

Sana naging sports na lang sya since Kris already said it’s only a chismis anyway that she’s slighted about John doing her parody.

Comment by palenkera

November 18, 2008 @ 8:41 am

hello Skinny Bitch, so you also have Picasso? haha. libre ang mangarap. haha. as if those issue were not available online so you can fabricate yourself as an affluent person who have nothing to do but surf and post in PEP that Hollywood superstars will never check. haha.look who’s just a bitch assuming a pedestal made of words haha. wake up girl.

Comment by slender

November 18, 2008 @ 8:21 pm

hi G….thanks for this article..love it really..sabi nga ng tatay ko,mas maigi pa buhay nong c Marcos…kaya love ko sila…kilalang kilala pinas noon hindi sa corruption!!nalokah ako na nageLRT pala ang kanyang anak at walang allowance c borgy..o db?ganyang dapat magturo at disiplina ang magulang turuan ang bata tumayo sa sariling paa…thumbs up sau ms. G….

Comment by pinayz

November 18, 2008 @ 10:15 pm

Imee happy bday!..I miss kulit bulilit grabe!..sa totoo lang mas gusto ko pa ang panahon ni makoy..maayos at tahimik at iisa lang ang nangungurakot!..pero ngayon juice ko magmula sa barangay hanggang presidente grabe!!..mga congress at senado na matatawag puro naman pagpapa cute lang ang alam..ang daming binabayaran ng nga filipino na nga nakaupo pero nga wlang kuwenta naman!..tsk! tsk! tsk!..

Isa na itong nga lopez na pahirap ng bayan!..masyadong abusado grabe!

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 18, 2008 @ 11:56 pm

…Ms. Gee, I was watching your local TV Patrol World News and your leading so-called economist (with fucked up teeth!) said …”good news, we haven’t been affected by recession since we’re receiving surveys OFWs still sending dollars this holiday season” whoohoo! …hoooWHAT? ;)

…hmmm another GMA well controlled propaganda to boost “pipol” confidence! Oops! …coz Hey! my US Economy is plunging into deep recession, (huhuhu!) …affecting from Europe then Asia! it’s inevitable! …middle east has not been affected that much coz this freaking “madapakin” bastards are seating on OIL! Oops! …maybe this economist is right since most of your OFW’s are over there! Oh well ;)

…still this is nothing to BSB ™, coz quoting Ms. Gloria Gaynor! …”Yeah! I will survive! oh ow oh ow oh ow oh ow Yeah, I will survive! ;)

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 19, 2008 @ 12:28 am

…I guess the only “pipol” who are recession-proof are the Marcoses! …am I correct Ms. Gee? …eeemeldific! 8)

Comment by Madame Surot

November 19, 2008 @ 2:00 am

I like your blog Ms. G. Anyway, gusto kong sumali dyan sa Contest mo. Pano ba? Gusto kong makatanggap ang tatay ko ng WOW magic sing para pag-lasing sya, sa bahay na lang sya kakanta, hindi na mangangapit bahay. Minsan kasi dun na natutulog eh..hehe

Comment by alma cruz

November 19, 2008 @ 7:22 am

akala ko solo ko pagco collect ng miniature shoes may kakumpetensya pala ako no wonder i could not find those unique ones miss imee marcos got them already hu hu hu. di bale try ko na lang sa mga charity shops baka maka kuha ako ng mga antiques na talaga yung 19 kopong kopong pa. Nice blog GS more power sa career mo and i enjoyed your show in morden about two or three years ago sa barrio fiesta ng london

Comment by manipsed

November 19, 2008 @ 11:01 am

miss g, im not a big fan of the marcoses. but we all know our history so i need not expound why. i used to work in the same office as the son of imee. lahat naman po kami sa office alam na anak siya ni imee and also, he drives a car to makati. but in fairness to the guy, hindi nga siya mayabang.

Comment by jasmyn

November 19, 2008 @ 10:24 pm

i like the marcoses xcept imelda..lool

“behind a man’s success is a woman
and behind a man’s downfall– a woman”

^ both applicable to marcos…

Comment by Blonde_Skinny_Bitch

November 19, 2008 @ 11:46 pm

…”I heard it through the grapevine” …is it true Ms. Gee? …that you’re turning your back on comedy and running for political office??? …Whoohoo! Butt wait! …is it possible, your “rubbing elbows” with political powerhouse like the Marcoses turned you overnight into …a “qualified” Public Servant? …incredible!!! Oh now I see, your Blog! …hmmm I don’t blame you, coz it’s Tax Free money! …look at your Senate …a bunch of illiterate and crooks milking your National Treasury! …it’s a farce in a way just like comedy! Oops! hahaha Oh well ;)

…history has taught America eight years of economic instability! …ssso when totally “unqualified” Gov Sarah Palin decided to run for Vice Presidency, a heart beat to Presidency! …the whole America has spoken and said …”not ssso fast beeyatch! where do you think you’re going?” …Well as you all well know it was a landslide victory for “CHANGE”! …whoohoo! …think about it! 8)

Comment by dutertekat

November 20, 2008 @ 1:19 am

lolz! nakakatwa talaga tong c Giselle napaka kwela na at napaka transparent sa mga cnusulat nya.kaya feel ka ni Ms Imee Marcos kase bakla ka din.basta aliw na aliw ako pag napapanood kita. pag me guesting ka sa SIS , nagu Glu ako sa TV actually subscriber ako ng GMA Pinoy TV. yeah.. kayo ni Arnel Ignacio super nakakatwa! u guys are my favorite!

Comment by gaby

November 20, 2008 @ 1:27 am

helo po 1st time ko 2 mag comment alam mo nung pumunta ka d2 s dubai hnd kita nakita kc bwal po ako lumabas eh pro palagi ko binabasa ang columm mo paulit ulit sna nman every week new.love u g spot ingat palage ha enjoy ako mag basa n2.palage ako nakatawa akala ng amo ko baliw na ako kc 2matawa ako mag isa ehehheheheh.

Comment by palenkera

November 20, 2008 @ 8:49 am

why dont you run for the senate and stop bitching here skinny.. haha. so you’ll know how to bitch on top of the position politically. haha.

if Gee will run for pubic office like Cita Astals, I guess Melanie Marquez must also tag along. haha. in fairness to them, they’re bright and outspoken so they can promise everything so people will support them with matching fabulous entertainment during the campaign. haha.

Comment by palenkera

November 20, 2008 @ 8:53 am

I’d be convinced that skinny is really an A-lister hollywood party animal if she has a blogsite like Perez Hilton. so she’ll try to upstage that other bitch not the readers or Giselle who have nothing to do with hollywood. I dare you Skinny, you’re just an illusive reader in Tamuknod..haha.

Comment by palenkera

November 20, 2008 @ 8:59 am

if she has pictures with the hollywood fags and bitches like Lindsay Lohan, Britney Spears, Paris & Nicky Hilton, Ashlee & Jessica Simpson, Hilary & Haylie Duff ,Nicole Ritchie & Miley Cyrus..or Amy Winehouse. haha.

Go Girl. don’t just edit photos though. haha.

Comment by isangsweet

November 20, 2008 @ 2:14 pm

Hi Ms. G. narinig ko sa TV patrol world the other day yata yon na parang kakandidato ka daw next election??? medyo nalungkot ako… ayoko kasing mabahiran ka ng hindi maganda. I’ve been working in a government agency before and dun ko talaga nawitness how government officials do corruption in the government… actually involve ako and to the point na nagpagamit. being an accountant, i have no choice. kaya nga ako umalis and nagabroad na lang, at least dito i can support my family na galing sa sarili kong paghihirap. with the experience that i have, tingin ko talaga sa mga government officials eh mga KURAKOT!!! I understand what ur intentions are, gusto mong makatulong sa mga kababayan mo pero pagandun ka na, you have no choice… sasayaw ka talaga sa gustong music nila.
anyway Ms. G., matagal pa naman ang election… pag-isipan mo po. and kung sakasakali mang nakapagdesicion ka na, i will just hope na di ka gagaya sa kanila. GOD bless you po.

Comment by deanslister

November 20, 2008 @ 3:32 pm

Naku ms. G sana di totoo na tatakbo ka for an office. Parang off ako jan para sa iyo. Wag ka ng pumasok, bka sirain ka lang din ng sistema. Buti pa si bsb kahit wala sa earth, mas updated pa sa tsika, huh. lolz.

Trackback by Soma.

July 4, 2010 @ 11:17 am

Soma family apartments san francisco….

Cheap soma watson. Soma without rx. Effects of soma. Soma. Best online pricing for soma. Buy watson brand soma….

Trackback by Cialis.

July 4, 2010 @ 7:27 pm

Cialis….

Generic soft tabs cialis. Buy cialis in the uk. Cialis. Cheapest cialis. Discount cialis. Buy cheap cialis….

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register