| Register
G-Spot

The London Barrio Fiesta 2012

Filed under: Features — GSM0d at 4:49 pm on Wednesday, August 8, 2012

The world is now focused on London ever since it opened with spectacular theatricals, awesome live music from popular bands, catwalk fashion from athletes all over the world, and unbelievable guest appearances that included the Queen of England herself.

A lucky 10,000 were able to watch the opening and the games live in the Olympic stadium which can only house a maximum of 8,000 seating capacity.

Ten thousand… Aba’y sisiw pala ‘ yan sa mga Pinoy na dumalo sa London Barrio Fiesta 2012, sa Hampton Park, Houslow, London.

Imagine, umabot ang crowd sa 63,000 on June 30,  and 75,000 peeps on July 1, Sunday. O, di ba!

Kakalula talaga ang tao, sobrang successful talaga ang partnership ng Philippine Center at ABS-CBN.

For the Saturday show, kasama ko ang mga Star Magic artists na sina Jed Madela, Angelica Panganiban, at ang mega crowd drawer na si Gerald Anderson. For the Sunday show, sina Jericho Rosales, Cristine Reyes, Jed Madela, at ang Blake band naman ang kasama ko. At siyempre, may kuwento tayo sa tungkol sa kanilang lahat.

JERICHO ROSALES IN LOVE. In love si Jericho in London. Kasama niya ang kanyang girlfriend na si Kim Jones, isang half-Brit/ half Pinay na fashion TV host sa isang cable channel dito sa Pilipinas.

Tuwang-tuwang ako for my friend Jericho.

The last time kasi na magkasama kami sa London, in despair siya with Heart Evangelista. Wala siyang ginawa kundi kundi makipag- away sa cellphone. Hindi namin matiyempuhan si Echo na good mood dahil laging kagagaling sa cellphone fights. Kapag good mood naman siya at tumatawa na , biglang magri-ring ang telepono ‘tapos biglang lalayo siya sa grupo, pagbalik niya, tahimik na siya at wala sa sarili.

Kuwento niya sa akin , umabot ng 175,000 pesos ang bill niya. Ang mahal naman makipag-break!

Buti na lang, in love si Echo kasi toxic siya pag in despair. Nakakaawa.

But when he is in love, kakatuwa siya. Nanlilibre!

Plus, like na like ko yung girlfriend niya ngayon. Maganda siya pero di niya alam na maganda siya. Hate ko kasi yung mga magaganda na alam nila na maganda sila, ang aarte! Yung iba, ang yayabang! But Kim Jones is beautiful inside and out. I told Echo na sana THIS IS IT!

“Sana nga…we have so much in common. I have met my soul mate,” Echo told me.

ANGELICA PANGANIBAN IN HEALING. “Okay na ako,” ang sabi sa akin ni Angel.

What she was trying to say is that Angel is now finally healed from her breakup with actor Derek Ramsay. Matagal-tagal din ang healing process niya. Nung mag- show kami sa Barcelona, di pa siya okay. Gusto lang niya lagi mapag-isa. Di siya sumasama sa amin nina Enchong Dee at Bea Alonzo para mamasayal.

Pati handler niya, na handler na niya mula bata pa siya, ay pinapakiusapan niya na sumama na lang sa amin mag-sightseeing kasi gusto lang ni Angel mamasyal mag-isa.

Pag-uwi niya sa Manila galing Barcelona, nakiusap siya sa manager niya na kung puwede bigyan siya ng dalawang linggo para mapag-isa.

Kaya nang dumating siya sa London (FYI, sa London lumaki at nag- aral si Derek! Oxford graduate si Derek!) , sabi ni Angelica, healed na raw siya.

Natuwa naman kaming lahat sa news kaya nag-plano kaming lahat na manuod ng musicale. Napagkasuanduan ng lahat manuod ng Ghost kasi well-recommended ni Direk Johnny Manahan na kasama namin.

Hindi ata alam ni Angel na tungkol sa love that never dies ang Ghost. Pagdating namin sa theater, ang daming kissing, hugging, at love scenes. At yung leading man, sing-katawan ni Derek with matching abs and everything!

Pinusta ko sa sarili ko na di tatapusin ni Angel ang Ghost. Pagbalik namin after intermission, di na bumalik sa upuan niya si Angel. At walang may alam kung saan siya pumunta. Inisip ko, tumalon kaya yung bata sa London Bridge? Si Derek nga naman kasi ang ex! Katalon-talon talaga ito kahit sa Quiapo Bridge. Pero dahil artista, pa- sosy naman tayo, London Bridge!

In fairness, nag-text naman siya kay Ms. Mariole Alberto, ang head ng Star Magic, at sinabing masama na raw pakiramdam niya at masakit na ang lalamunan niya kaya umuwi na siya. At totoo naman ang sakit ng bata dahil the next day, tatlong medic ang nag aaalaga kay Angel backstage!

Naku, ang dami ko pang kuwento tungkol kina Gerald Anderson, Jed Madela, Cristine Reyes, at Blake kaya wait for my future blogs. Ayoko na mag-promise, basta abangan WEEKLY…