G-Spot

Still Busy at 40!

Filed under: Features — GSM0d at 12:05 pm on Tuesday, May 8, 2012

Hay, 40 na ‘ko.

Yes, ladies and gentlemen, isa akong mapagpanggap na bata ako pero sa totoo lang, gurangits na! I syet!

Buti na lang tuloy-tuloy pa rin ang blessing ni Lord sa akin lalo na pag nag-bi-birthday ako.

In three weeks, I will leave for Barcelona to be part of this concert for our overseas Filipino workers.

Kasama ko sina Coco Martin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Enchong Dee.

One month din ako sa Europe kasi after Barcelona, may Frankfurt pa kami ni Enchong ng June 8, ‘tapos lipad kami the next day para mag-show sa Hamburg, ‘tapos Palermo, Italy ng June 10, and Milan ng June 11.

After that, I will fly to Yorkshire for their barrio fiesta on June 18, Salerno on June 24, and Hounslow, London on June 30, and July 1 with Jed Madela, Jericho Rosales, and Angelica Panganiban.

Sa lahat ng artista na nabanggit ko, si Angelica Panganiban ang isa sa pinaka-loka-loka na naka-bonding ko. Unang beses ko siyang nakasama sa Globe Telecom Christmas party at naka-black nails siya, black lipstick, at black outfit.

Buti na lang, mukha siyang anghel kasi kung mala-Celia Rodriguez o Bella Flores ang fez niya, mukha na talaga siyang witch or queen of darkness sa Christmas party.

Quiet lang siya with her i-Pad at di pala-usap kaya iisipin mo na suplada siya dahil ang maganda na tahimik ay laging napagkakamalang suplada.

Kaya kung maganda kayo, always make an effort to smile, talk to people and be friendly. Parang ako—CHOS!

Buti na lang, may pangalawa pa kaming pagkakataon na mag-bonding sa Cebu.

Mas madaldal si Angel kung kasama niya ang kanyang biyaw na biyaw (some spell it as “beau na beau”) na jowa na si Derek Ramsey.

At dun ko nalaman na tahimik lang talaga si Angel.

Pero kapag nagsalita, talagang pak na pak sa pagka-funny at walang echos, walang kiyeme. In English, she’s uncanny and unpredictable. She actually reminds me of Eliza Doolittle in My Fair Lady based on George Bernard Shaw’s Pygmalion.

Sa aming kuwentuhan, nalaman ko na ang half-American, half-Pinay na ito ay galing Tondo at hindi niya ikinahihiya ito.

Actually, this is the trait that Derek loves most about her, “Angel is very very different from the other girls. She showed me a different world, binisita ko pa siya sa Tondo kapag nandoon siya kasama ng mga friends niya, up to now. We came from different worlds but we share a lot of values, like, how she values her friends just like I do.”

Tutal na-traffic na kami nang bonggang-bongga sa Sinulog motorcade, tinanong ko na yungdalawa kung paano sila nagkakilala.

Dito ako nawindang sa mga kuwento ni Angel at Derek.

Kasi ‘pag titignan mo ang dalawang ito sa malayo, parang ang sosyal-sosyal, lalo na si Derek. Basahin niyo itong blog ko at makikita ninyo kung gaano katotooong tao ang dalawang ito na akala ko, sosyal.

Giselle: Saan ba kayo unang nagkakilala?

Angelica: Tumatae ako noon! Yun ang sinabi ko sa kanya!

Derek: She was on the crapper! Hahaha! Angel and I met thru a common friend, Direk Ga . It was those idle times during taping and Direk Ga was talking to Angel.

Being my “makulit” self, I grabbed the phone not knowing who she was and I found out I was talking to a girl who was on the crapper!

Giselle: Are you sure you want me to blog about that?

Derek: Ya blog it!

Angel: Di naman talaga noh. Ang kulit niyakasi, ayaw niya ka sisabihin kung sino siya kaya sabi ko, tumatae ako. Ang kulit kasi, e. [Sabi ni Derek], “Saan ka? Ano ginagawa mo?”

Kaya sabi ko, tumatae ako. Malay ko ba na siya ang kausapko. Pero ang totoo, nag-be-bake talaga ako nung panahon na yun. Siguro naaliw siya kasi ganoon ako makipag-usap sa kanya

Derek: Who cooks and shits at the same time? That’s soooo hygenic.

Angel: Tumatak na yun sa isip niya forever.

Giselle: Maganda si Angel, nung makausap mo ba siya Derek nun sa phone, type mo na siya?

Derek: I did not know who she was.

Angel: Nag-pre-pretend siya nun.

Derek: How can I pretend if I don’t know who you were?

Angel: Unang beses ko punta sa bahay, may mga magazines siya na cover ako.

Derek: I had to know who I was going to meet.

Angel: Lumang magazines. September kami nag-meet, March yung issue.

Derek: I didn’t really know it was you on the magazine. I only realized after we met. Aaminin ko naman kung kilala kita. Kapal at haba ng buhok mo, ha!

Angel: Nakita ko yung mga magazines, at sa C.R. pa niya. Habang nagwiwiwi ako, sabi ko sa sarili ko, “OMG! bakit may mga picture ako dito na nakahubad?” At dito pa man din sa CR niya kung saan siya nag-hmmmmmm habang nakatingin sa sexy pictures. OMG! Ginawa kaya niya yun dito sa pictures kong nakahubad?

Ganyan kaloka-loka si Angelica Panganiban, all in the spirit of fun. Super blush tuloy si Derek. E, maitim si Derek so naging violet tuloy. Pero guwapo pa rin at ang abs, pamatay!

Giselle: Angel, nung magkita kayo finally, face to face, was it love agad for you?

Angel: Ganito na lang, may MMK kami dapat, ‘tapos siya yung leading man ko. Hinindian ko yung project kasi sabi ko, “Ha, Derek Ramsey? Ang tanda!”

Giselle: Age gap?

Angel: 10 years

Derek: 8 lang!

Angel: Hindi ko talaga tinanggap yung project. Eeeeiw! Ang tanda!

Giselle: (Sa isip-isip ko, e, anong tawag mo sa akin? Dinosaur? Barney?)

Derek: Hindi ko rin tinanggap, yuck!

Ange: Tinanggap niya! Hinahanap niya ako sa set, hindi ako ang nakita niya.

Derek: She wishes.

Sapul na naman si Derek. Twice na ito in a matter of five minutes. Loka-loka talaga si Angel.

Angel: Naguwapuhan ako sa kanya after three days.

Giselle to Derek: So when did you realize that you wanted to court Angelika and have a relationship with her?

Derek; One year din, bago ko sinabi, “Sige na nga.”

Angel: One year niya akong pinag-isipan.

Strike 3! Talo ka na Derek!

Angel: More of buddy-buddies kami na may kilig factor.

Giselle: So friends who had a crush on each other?

Angel: Alam ko talaga na crush niya ako.

Derek: (rolls his eyes) That’s what she tells herself. Okay, sige na, para masaya ka na.

Angel: (Sweetens up to Derek) Babe, aminin mo na crush mo ‘ko…

Derek: Okay, crush na crush kita sobra…

Giselle: Paano mo naman na-feel na crush ka nga ni Derek?

Angel: Magkatabi kami ‘tapos tine-text niya ako na pumunta ak osa taping niya. Sabi niya dalawin mo ako sa set ko. Ay, grabe talaga yung moment na yun.

Magkatabi kami nun, skin to skin. Ano ito? Tine-text niyaako. ‘Tapos na-realize ko na masarap pala yung skin niya.

Ganyan ka-bakla si Angelika sa friends.

Kaya abangan ninyo ang pinakamagandang babaeng bakla na nakitako sa Barcelona on June 3 and Houslow, London on June 30 and July 1. Kitakits tayo dun!

Last July 2010, a total of almost 80,000 attended the London Barrio Fiesta in Lampton Park, Hounslow. This was the two-day attendance count. If you look behind our backs, it’s like a sea of people.

Thank you, ABS-CBN, for making me perform again in this kind of crowd. Kelangan na magsulat ng new material!