G-Spot

Ang Zobel de Ayala sa Monaco

Filed under: Travelogue — GSM0d at 5:37 pm on Thursday, March 15, 2012

Si Patrisha Zobel de Ayala ay ang honorary Philippine consul to Monaco.

Anak siya nina Jaime Zobel de Ayala at Doña Bea Zobel. Kapatid niya ang chairman ng Ayala Corporation, Globe Telecom, Bank of the Philippine Islands at Integrated Microelectronics Inc. na si Jaime Augusto Zobel de Ayala (Jaza ang kinagigiliwang tawag sa kanya). Kapatid din niya ang guwapong si Fernando Zobel, na presidenteng Ayala Corporation, at sina Bea, Sofia, at Monica Zobel de Ayala.

Kung makapag-kuwento ako, parang close na close ako sa pamilya nila. Ang totoo niyan ay si Patsy (o, di ba, close kami!) ang talagang nakadaupang palad ko bagamat nakapag-show na ‘ko dati sa Ayala Corporation at IMI sa harap nina JAZA at Fernando.

Nakakatawa ang first meeting namin ni Patsy. Dinala kami ni Gabby Concepcion ng ABS-CBN para mag-show sa Monaco.

At dahil si Patsy ang consul ng Monaco, naghanda siya ng special dinner para sa amin (o, di ba, ang bonggang concept na pinaghahandaan kami ng dinner ng isangZobel de Ayala, no other).

Siyempre, na-excite ang kaluluwa ko, makaka-rubbing elbows ko ang isang blue blood!

Siyempre, first rule in Social Climbing 101: Wear your best dress in social climbing ocassions!

Huwag susuot ng Ukay dahil baka sabihin ng mayaman mong host, “Oh I have that same dress! I donated it to the Salvation army a couple of years back.” Di niya alam, that is exactly the same dress na nag-end-up sa Ukay ngPilipinas. Kaya no-no ang Ukay sa malalaking handaan.

Siyempre, great dresses need great shoes kaya wear naman ako ng four-inch Stella Luna shoes ko na pinabiliko pa sa asawa ko because I have no guts to buy a 16,000-peso pair of shoes. Hanggang 3 thousand lang ang budget ko, masama pa ang loob ko nun. Ganyan ka-kuripot si Giselle Sanchez.

Pagdating sa posh apartment ni Consul Patsy, sira ang elevator at ang handaan ay sa…6th floor?

Sa 6th floor nga!

Kailangan akyatin ko six flights of stairs with my four-inch heels! Putrisna elevator ito, ah! Bakit kailangan kang masira in my moment of social climbing? Kainis, di ba?

Upon reaching the 6th floor, I had to fold my exhausted tongue that reached the floor, puff an inhaler for my asthma and wipe my baskil (basang kili-kili— eeeew!) Sige nga, ikaw nga umakyat sa six floors nang walang elevator on a summer in France! Tignan ko nga kung di mababasa yung kili-kili mo.

Medyo hilo-hilo pa ako sa pag-akyat kaya di kami masyadong nagkaintindahan nung staff na pinagtanungan ko.

Nakita ko si Gabby Concepcion na nakikipa-picture sa isang Espanyola na naka-black Coco Chanel dress. Ang nag-pi-picture sa kanila ay isang matangkad na babae na naka-simple summer dress.

So siyempre, ginamit ko ang logic ko. At dahil isa akong asyumera, tinanong ko yung staff kung yung katabi ba ni Gabby na naka Chanel dress ay si Patsy Zobel de Ayala? Siyempre, di ba? Naka–Chanel, Espanyola, katabi ni Gabby!

Tumango naman na parang di naintindihan yung tanong ko at na-istar-istrack lang sa akin yung lalaking staff. So dahil asyumera nga ako, nilapitan ko yung matangkad na babae na nagpi-picture kina Gabby. In-assume ko na siya si Cristina, ang executive assistant ni Consul Patsy dahil siya yung nagpi-picture. Eto ang eksena:

Giselle: Hi, Cristina. I’m Giselle Sanchez.

Consul Patsy: Hi, Giselle. I’m Patsy. The girl in black is Cristina.

OMG!!! Did I just mistake a Zobel de Ayala for her executive assistant? Can somebody throw me off the building now? Lahat ng pinag-aralan ko sa social climbing 101 ay itinapon ko agad sa inidoro.

What can a social climber do in a moment like this? Nothing! Just be yourself!

At yun nga, ang ginawa ko—nothing.

Natulala ako sa kamalian ko. Double SIYET! Buti na lang napakabait ni Patsy. Niyakap niya agad ako at sinabi, “It’s ok, welcome to Monaco. Sit beside me in the table!”

Doon ko naalaala ang isang sermon ng isang pari tungkol sa nanay ni Patsy Zobel de Ayala—si Doña Bea.

Isa sa pinakamalaking benefactor si Doña Bea Zobel de Ayala sa Elsie Gaches Village, an institution for mentally challenged children.

Doña Bea celebrated one of her birthdays in Elsie Gaches and brought the priest that gave the sermon. Nakita ng pari kung paano pagsilbihan ni Donya Bea ang mga bata. Pinapakain niya, pinupunasan niya ang mga tumutulong-laway, at memorized niya lahat ng panagalan ng bawat bata dun sa Elsie Gaches.

Tinanong ng pari kung bakit niya kailangan gawin ang pagpupunas ng laway, e, Bea Zobel na siya. Nag-do-donate naman siya ng napakalaki para tumakbo nang maayos ang Elsie Gaches, bakit kelangan pa niya pagsilbihan ang mgabata?

Sinagot ni Doña Bea ang pari nang nakangiti, “Money, I can easily part with because I have that and a lot of others have that. But it’s love and service that these children and adults need so I would like to give it to them. And if I have to clean them after eating, I will do so because I love them.”

Doon ko na-realize that humility runs in the family of the Zobel de Ayalas. Napakabait din ni Patsy. Wala pala siyang bayad as honorary consul.

Gusto lang niyang makatulong sa mga OFW sa southern France. Ang pangarap niya ang magkaisa ang mga Pilipino dun ant magtulungan. Madalas siyang pabalik-balik sa Manila. Pero hindi para mag-party. Nag-o-ogranize siya ng 20 doctors and volunteers galing sa Ayala Foundation at pumupunta sila sa mga lugar na hindi nadadatnan ng mga duktor at nag-me-medical mission dun.

The next day, inimbitahan niya kami mag-boating ni Gabby. Naka-lumang T-shirt lang siya at shorts.

Sa party, hinahanapan ko siya ng Hermes na bag o Louis Vuitton pero hindi daw siya nag-ga-ganun. Ultimo yung anak ni Patsy na ten years old, hindi alam na mayaman siya.

Minsan, naglaro ang asawa ko at ang anak niyang ten years old.

Patsy’s son: Where do you work?

Emil: I work in a building in your business district, in Ayala.

Patsy’s son: We have a business district?

Yaya ng anak ni Patsy: Huwag ninyong pinag-kwe-kwentuhan ng ganyan ang bata at baka di na sumunod sa akin.

Ang bongga sa humility ng mga Ayala, di ba? Pati anak nila, di alam na ang net worth ng pamilya nila ay 1.5 billion u.s. dollars! (Source: Jaime Zobel de Ayala | pinoyprofile.com)

And I still can’t believe my good luck. After I mistake a Zobel de Ayala for her assistant, she invites me to sit beside her during dinner, go boating with her the next day, and dig this…stay and vacation in her house in Monaco with my husband!

Natutuwa daw siya sa akin, napapatawa ko raw siya. Sobra pa ako kinilig nang ikinwento niya na nag-usap siyaat ang guwapo niyang kapatid na si Fernando Zobel de Ayala sa telepono.

Fernando: Take care of Giselle. She always does a good job hosting our companies’ events whether it be Globe, BPI, IMI, or Ayala. Why don’t you invite her to stay a couple of days with you?

Patsy: I’m way ahead of you. I invited her already. In fact, she’s upstairs having pink champagne and amuse bouche with her husband.

Hayyyy, thank you, Lord, for my humor and the Zobels’ humility.