| Register
G-Spot

Lutong Macau

Filed under: Uncategorized — GSM0d at 10:13 am on Wednesday, December 1, 2010

Alam niyo ba ang ibig sabihin ng “Lutong Macau”?

‘Eto yung resulta ng isang kompetisyon o eleksiyon na naluto na.

Kunyari, isang eleksiyon na alam na nila kung sino mananalolutong Macau. May boxing match na nagpatalo yung kalaban¾Lutong Macau.

I really don’t know where the pun originated. But if there is a PEPster that knows where this idiomatic expression originated, and why Macau of all places, I would certainly appreciate if you could enlighten me and the readers who have never been to Macau.

I would also appreciate our Macau PEPsters to leave answers by placing comments in my comment box. These are my questions:

Medyo shonga-shonga yung questions ko. Sorry, ha. We only had two days in Macau, and one of which was for our show.

So, Keempee de Leon and my family had to cram for half a day to take pictures and shop. Sobra kami nagmamadali na di na namin inalam kung saan kami nagpa-picture at kung saan kami nag-show. Ganun kami ka-ngarag.

1. PEPsters from Macau, can you tell us kung saang park kami nag-show ni Kempee? Ang alam lang namin ay sa harap siya ng Hotel Sintra. Eto ang mga karatig building kung saan kami nag-show.

2. Nagpa-picture kami dito pero bago namin nalaman kung nasaan kami o kung anong fountain ito ay dinumog na si Keempee ng Eat Bulaga! fans. Ano nga ba ang lugar na ito?

3. We took the non-tourist route pauwi at ito ang nakita namin. Saan ito?

4. After our successful show, sobra natuwa ang Globe Telecom sa outcome ng sales nila kaya dinala kami sa mamahaling Chinese resto sa loob ng MGM hotel . Sobra din kami ni Keempee natuwa sa C.R ng MGM (Cheap namin noh?).

5. After dinner, dinala kami ng producer namin sa isang malaking monumento na parang Mama Mary. Pero malamang hindi si Mama Mary yun kasi Buddhist ang mga taga-Macau. Baka may gustong magturo na PEPster kung sino siya, dahil ang ganda niya.

6. At least, I can share something in this blog aside from 100 questions and pictures.

Nagpa-picture kami ni Keempee sa Macau Tower. Dito sa Macau tower matatagpuan ang Guiness World record’s highest commercial bungee jump. Kung kaya ng powers mo tumalon from 223 meters above the ground, par-teh part-teh! Nakapag-show na rin ako dito sa loob ng Macau Tower. It was for the world gaming association, sponsored ng PAGCOR.

There’s a part of the tower where the floor is made of glass. That means if you have a fear of heights, you would be puking all over the floor. Tense ako nang una kong makita ang glass floor. Mahaba kasi skirt ko. At kapag naka-long skirt ako, di ako nagpa-panty. Talaga! Promise! Yun lang kasi pagkakataon ko na makahinga yung keps ko. Sabi kasi ng mommy ko, kelangan pinapahinga daw ang keps pa-minsan-minsan kasi kung lagi ka naka-panty, lalo na kung masikip, puwede ka magka-UTI Urinary Tract Infection).

E, rehearsal pa lang naman kaya nag-decide ako bigyan ng time-out ang keps ko. Nang makita ko ang glass flooring, bigla ako napa-upo. Tinanong ng manager ko kung bakit ayaw kong tumayo habang nag-re-rehearse at binulong ko sa kanya na wala ako panty.

Tawa nang tawa manager ko. Sabi niya na sa sobrang taas ng Macau Tower, kahit nakatiwangwang ang keps ko, wala daw makakakita kasi sing-taas ng langit ang Macau Tower. Inisip ko, kung sabagay, kahit makita nila ang “George Bush” ko, di naman nila makikita kung sino ang may-ari ng “George Bush.” At di naman ako kilala sa Macau. Puwera na lang kung may Pilipino.

Pero sa sobrang taas ng Macau Tower, mukhang bigote nalang makikita nila from down below instead of an amazon jungle. So sorry, I don’t go for Brazilian wax. I like my husband to rummage thru the jungle!!!