G-Spot

When the Stars Make OFWs happy (HK with Dingdong Dantes, Luis Manzano, and Aegis)

Filed under: Features — GSM0d at 8:07 pm on Friday, September 24, 2010

Paligayahin naman natin ngayon ang mga OFWs na nalulungkot sa Hong Kong.

Dahil sa nangyaring hostage-taking, bumaba ang morale ng mga kababayan sa HK. Bumaba rin ang mga Pilipinong turistang dumadayo sa HK kahit naka-promo na ang Cebu Pacific ng 500-peso fare. But I will brave the dare and will make the OFWs happy in HK again on October 31.

Kuwento muna ako tungkol sa init ng mga Pilipinong ofw sa OFW nung nag-show kami nina Dingdong Dantes, Luis Manzano, at Aegis. Mahigit 15,000 ang dumalo sa Independence Day celebration na handog ng Globe Telecom sa Pinoys in HK.
Di na ako kinakabahan ‘pag nag-sho-show ako. Pero paglabas ko sa stage sa HK park, na-overwhelm ako sa dami ng taong dumalo sa show namin.

Dikit-dikit sila at ayaw magsigalaw sa kanilang posisiyon sa takot na baka may kukuha ng lugar nila. Balita ko, 9:00 a.m. pa raw, puno na ang venue. Lumabas ako ng 2:00 p.m. at every hour ako naiihi. Ganun kabilis ang metabolism ko. Pero paano ako makakaihi kung nasa gitna ako ng mga tao at ayaw na magsigalawan ng mga Pilipino dun? Paano kung nagugutom ako o naauhaw? I guess the Filipinos decided not to eat or drink anything once they stood there. And once you put anything in your system, you’ll be fine no matter what happens. Kasi when you drink, maiihi ka, di ba. When you eat naman, medyo nakakaabala lalo pa’t mahirap kumilos.

I just decided to give the best performance of my life since the Filipinos decided to sacrifice eating and drinking in the middle of the HK summer heat. I was particularly touched by some PEPsters that brought placards saying “Giselle we love you.” I felt like a teen idol once more.

The last time I saw placards like that was a decade ago when I used to host a noontime in GMA-7. I would often joke around, “I was the Anne Curtis of my time.” Kapal noh! Siyempre, they would laugh upon hearing that statement. Sa beauty pa lang, wala pa ako sa paa ni Anne Curtis. Hahaha!

Heto pa ang mga kuwento:

Maraming salamat po sa mga Pilipino sa HK. See you on October 31. Sana kasing-init ng pagtanggap ninyo sa amin dati ang pagtanggap ninyo sa amin sa October 31!

My major-major message to the Filipinos in Singapore (and to the rest of our OFW kababayans)

Filed under: Features — GSM0d at 4:45 pm on Friday, September 3, 2010

LBC (Ang Hari ng Padala) brought Edu Manzano and myself to perform for the 73rd  Anniversary of the Filipino Association in Singapore. Around 5,000 Filipino career professionals, nurses, and laborers attended the  event.

They were warm and enthusiastic laughing at every joke for a span of two hours and clapping forever so I got inspired to give them a major-major message a la Miss Universe Fourth Runner-up Venus Raj:

“Una sa lahat, dapat tayo lahat magpasalamat. Dahil nasa Singapore kayo! (The crowed clapped.) Wala kayo sa Hong Kong. (The crowd clapped even more loudly and laughed out of relief).

“Seryoso ako. Down na down ang mga kababayan natin sa Hong Kong. Ramdam na ramdam nila ang epekto ng hostage incident sa Manila. Tatlo na natalsik sa trabaho. May iba, naging biktima ng hate crimes laban sa mga Pilipino sa Hong Kong. May balita pa raw na sinasabuyan na ng asido ibang Pilipino doon, sana hindi totooo. Kaya dapat natin silang ipagdasal.

“This mistake that happened in our country should not bring us down. Alam ko na sa nangyari ngayong hostage-taking, parang gusto ninyong ikahiya na Pilipino kayo. Pero hindi dapat.  This mistake should make us strong as a people.

“Kayo ang mga bayani ng Pilipino. So continue to make yourselves role models of what good and honest laborers and career professionals should be—The Filipino Standard! That standard that other nationalities look for. So that we could uplift once again our image as a good Filipino. That way, we could lift our heads up high again and say that we are Filipino. MABUHAY KAYO! ”

Kung ako kaya yung finalist sa Miss Universe pageant 2010, nanalo kaya ako? Bwahaha!  Alam niyo, from three years old hanggang twelve, sinusuklayan ako ng mommy ko habang sinasabi, “Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Paglaki mo, magiging artista ka at beauty queen.”

Yung pag-aartista tinupad ko. Nang artista na ako, sabi mg mommy ko, “Anak, away mo ba sumali sa beauty contest?”

“Ma, don’t push it. Baka hanggang Miss talent at Miss Congeniality lang tayo dun.” Hahaha!

I remember Miss Earth’s head and franchise owner Lorraine Schuck (siya ang counterpart ni Stella Marquez-Araneta, who owns the Bb. Pilipinas franchise) asked me to join Mutya ng Pilipinas when I started in showbusiness. Sabi ko, “Naku, Miss Lorraine, nag-du-drugs ba kayo at iba ang tingin niyo sa akin? Kunin niyo na lang ako host ng It’s a Date!” At yun ang nangyari. I hosted It’s a date for three years.

Speaking of beauty queen, para akong beauty queen nang sinalubong ako sa Singapore ng Filipino Association of Sinagpore headed  Mr. Ronnie Albeus. Pinasundo nila ako kay Miss Connie ng Jet Quay. Ang Jet Quay ay ang V.I.P. service ng Singapore airport. Paglabas mo ng plane, may susundo sa iyo ng airport cart so hindi ka na maglalakad. Hindi ka na rin pipila sa Immigration ng Singapore dahil may sariling immigration ang Jet Quay so, habang tinatatakan ang mga passport namin, nagka-cappuccino kami ng asawa ko at kumakain naman ang anak ko ng cereal sa V.I.P. lounge nila doon. Bongga talaga! Sarap maging artista! Thank you to Joanne Reyes na nag-asikaso noon. Thank you din sa LBC team na naroroon—Ethel, Tess, Dave, and Mike. Napanuod kasi ako ng boss nila sa London na si Mr. Luis Miguel Vecin. Pogi siya, sayang wala siya doon.

Siyempre, nag-side trip na rin kami sa Universal Studios, where I had major-major fun with my family!