G-Spot

New show, new baby, new blind item

Filed under: Features — GSM0d at 7:59 pm on Monday, August 23, 2010

I had to leave Showtime since I’m going to launch the first of my GSPOT series of shows in Resorts World. Since I was not evicted, I really hope I could go back again and judge because that show really rocks!!! Ginawang GSPOT ang title in honor of this blog that is now getting millions of hits. Thanks to www.pep.ph. My first GSPOT series is entitled “Meet the Presidents,” with Willie Nepumuceno as Erap and Tita Glow as herself.



NEW BABY.
My BFF (best friends forever) Ina Raymundo gave birth last August 17 at 10:03 p.m. to a bouncing baby girl. Her daughter Anika Sage Poturnak weighs 7.5 lbs and 51 cm long.

Anika is a mix of Bryan and Ina. Ina only gained 18 pounds so she’d be a hot mama like me in two weeks. She gave birth in Cardinal Santos. Ina is strictly breastfeeding her child and plans to breasfeed till the baby is one year old. This is Ina’s fourth baby and she swears it’s going to be her last. I hope!

I was joking Ina because Bryan’s Ukrainian features are so strong with her children that she just looks like a stepmother of four.


NEW BLIND ITEM. Although may K naman siya mag-demand, nakakaloka ang demands ng isang sikat na sikat na singer sa kanyang mga producers. For every show, she requires five hotel rooms. Ihakot ba ang pamilya? Sa backstage naman bago siya mag-perform, eto ang kanyang mga demands:

Buffet table with the following:

Variety of sandwiched good for 15 pax

1 jar peanut butter and jelly (creamy peanut buttre and grape jelly)

1 loaf of white bread

Assorted chips and cookies

Chocolate candy bars (snickers, butterfinger, m&ms, etc.)

Beverages:

c2 iced tea

individual milk boxes

orange juice

20 various carbonated beverages

20 bottled water

6 bottles of red bull

Please take note that we are talking about one star, not a group like The hunks or Spice Girls. Iisa lang pero ang demands, pang-party of 50!

Chismis pa ng mga kasamahan niya sa isang weekly variety show, wala daw makalapit para mag-pa-picture sa kanya na mga singer dahil may mga nakakatakot siya na bodyguard. Bongga ha!

It’s Showtime!!!

Filed under: Features — GSM0d at 9:15 pm on Tuesday, August 17, 2010

I began my stint as a judge in It’s Showtime last Monday. I’m so excited kasi sobra ako fan ng TV show na ito at  tagal ko na sinasabi sa sarili ko, “mag-ja-judge ako diyan sa Showtime!”

Yipee, nag-work ang ang mantra ko. ‘Yan ang power ng spoken word! Sabi nga sa Bibliya ni Jesus Christ (MATTHEW 9:27-29 ):

PAG-ALIS NI HESUS SA LUGAR NA IYON AY SINUNDAN SYA NG DALAWANG BULAG NA SUMISIGAW, “ANAK NI DAVID MAHABAG KAYO SA AMIN.”

TINAWAG NILA SI HESUS, NANINIWALA BA KAYO NA MAPAPAGALING KO KAYO?”

“OPO PANGINOON, NANINIWALA KAMI NA MAPAPAGALING NINYO KAMI,” ANG SAGOT NILA.

AT HINIPO NI HESUS ANG KANILANG MGA MATA AT SABI “MANGYARI SA INYO ANG IYONG SINASABI.”

Kaya ano pa hinhintay ninyo, sabihin ninyo sa sarili ninyo ngayon, “Magkakapera ako nagyon!”

Mabalik tayo sa Showtime, wala si Vice kaya for one week, lahat kami ay UNEVICTABLE! Bwhahahaha! (picture 1)

Kasamo ko si Korina Sanchez as judge. Hindi kami magkapatid. Pero lahat ng tao akala magkapatid kami.

As I write this blog, hilo pa rin ako sa kakaikot ng swing sa TWIST AND SHOUT, the new TV show that Martin and Gary are now hosting. When I watched it last night, I realized that if I let go of the swing, I could have fallen flat in my face. Grabeh!!!

Pero super sing pa rin ang lola mo ng Mama Mia kaya naman na-zero ang kalaban kong si Alynna kasi kinain ko lahat ng points katulad ng pagkain ko sa hilo ko.

Speaking of Alynna, close pala sila ni Willie Revillame. Sabi daw ni Allyna, Willie vowed in front of her na kukunin niya lahat ng staff ng 
para sa bago niyang show na gagawin. WOW!  Ano comments niyo diyan?

The Melason Phenomenon

Filed under: Features — GSM0d at 8:22 pm on Sunday, August 8, 2010

I’m supposed to write my blog chronologically. This was my planned outline for the When Stars make OFWs Happy series

Part 1: Jed Madela and me in Oman @ Al Falaj Stadium, May 28

Part 2:  Vina Morales, Mark Herras, and Sponge Cola in Taiwan @ the Tao Yuen Stadium, last June 6

Part 3: Keempee de Leon and me @ Macau last June 13

Part 4:  My solo show @ Birmingham, U.K. last June 20

Part 5: Randy Santiago and me @ CSA, Madrid, last June 27

Part 6: Luis Manzano, Dingdong Dantes, Aegis, and myself in Hong Kong, last July 4

Part 7: My Singapore trip with my family last July 11

Part  8: My show @ Ratsky’s Dubai last  July 16

Part  9: Gabby Concepcion, Pokwang, Randy Santiago, Vina Morales, the Melason duo, and myself @ Lampton Park, Hounslow, United Kingdom, last June 18,2010

But I’m screwing my schedule for this phenomenon that my brain cant seem to fathom—the Melai and Jason tandem. I’m also writing this article ahead of all articles for a selfish reason. I heard that my blog is the 12th most read section in PEP. At alam ko na sa tulong ng Melai and Jason fans, magiging number five ako—promise!!!!  Iba sila sumunod!

I’m a Tuesday columnist for Manila Bulletin. And on the day that I wrote about Melay and Jason, my link was tweeted in Twitter and shouted out in facebook hundreds of times without me even promoting it. Naubos ang Manila Bulletin sa news stands. Iba ang fans nina Melai and Jason! How different are they?


Meet Caramel, a production design graduate of La Salle, St. Benilde. Ingles-ispokening. Hirap mag-Tagalog Pero super Tagalog ‘pag kausap sina Melai and Jason. If you are wondering why she is with the two behind the Parliament Building and Big Ben in London (that’s not Photoshop by the way)—that is because she followed the two to London to watch the show in Lampton park, Hounslow! Kaya niyo yun?

That’s not all she did for her idols. Caramel also organized a fans’ day for all the MelaSon fans. I asked Melai where her fans took her.

Melai: Pumunta po kami sa Madame Tausug

GSpot:  Ah, Madame Tussaud’s yun, anak.

Melai: Ay sorry po, Ate Giselle.

GSpot: Ok lang yun, hirap naman talaga tandaan ang Tussaud’s.

But Melai was humble enough not  to tell me what her fans gave her on the fans’ day. Na-tiyempuhan ko lang si Jason sa hallway pabalik sa kuwarto niya. Ang dami niyang bitbit.

GSpot: Oh! Ano yang bitbit mo?

Jason: Bigay po ng fans namin dito, Ate Giselle. Ganda noh? Wii, SLR na camera, chocolates, pabango, T-shirt.

GSpot: Lacoste ito, ah! Ano? Binigay lahat ‘yan sa inyo? SLR Canon cameras at Nintendo Wii. Alam mo ba kung gaano kamahal ‘yan?

Jason: Oo nga, Ate Giselle. May nagbigay pa ng pera. Buti nalang 20 pounds lang ginastos ko pambili ng pasalubong. And dami ko palang makukuha. Si Melai 100 pounds ang ginastos!

Nagmadali akong kumatok kay Melai. Gusto ko kunan ng picture lahat ng mga binigay sa kanya pero nakaligpit na nang dumating ako. Pinadalhan na lang ako ni Caramel ng picture ng mga regalo ng mga fans ni Melai: Channel bags (alam mo ba magkano ang isang Channel bag? Pinakamura ay 100,000 pesos), 21 perfumes (expensive ones, ha—may brand, hindi chipipay), designer dresses, and pocket money in pounds!

GSpot: Oh, balita ko laki daw ng ginastos mo sa shopping.

Melai: Para naman sa pamilya ko yun Ate Giselle. Big winner ata ako ng pamiya ko

GSpot: Ah, baka breadwinner anak ang ibig mong sabihin

Melai: Hehehe, korek! Di bale, biinigyan naman ako ng mga tagahanga naming dito sa London ng pounds kaya nabawi din

GSpot: (Sa isip lang: E, di more than 100 pounds siguro ang nakuha ni Melay kung nabawi niya—galing!)

Inisip ko pagbalik ko sa kwarto ko? Ano meron ang MelaSon duo? Bakit sobra silang mahal ng fans nila? At eto ang conclusion ko:

1.Totoong tao si Melai at Jason

Si Melai kapag nauutot, pupunta sa isang tabi at sasabihin sa lahat:  “Excuse me, nauutot ako.” May manners at walang pakialam kung mapahiya.

Si Jason naman, kamot kamot sa London.

GSpot: Jaosn, may winter itch ka, kelangan mo mag-lotion.

Jason: Eh, ate Giselle, di ba summer naman ngayon sa London. At saka di ako nag-lo-lotion kasi pambabae lang yun.

GSpot: Winter itch ang tawag dun at puwede siya mangyari kahit summer dito kasi malamig dito sa London kahit summer. Pag di ka naglagay ng lotion kakalat ‘yan.

In fairness sumunod naman ang bata. Totoong tao talaga.

2. Nakakatawa sina Melai at Jason

GSpot: Melai, sino crush mo sa showbiz?

Melai: Si Jericho Rosales po (sabay ningning ng kanyang mga mata)

GSpot: Eh, kung magkagusto sa ‘yo si Jericho?

Melai: (Biglang kinilig)

Jason: (Listening to our conversation) Ngek! Ang kapal mo naman, Melai. Hindi magkakagusto sa iyo si Jericho, oy! Pangarap ka diyan!

Melai: Malay mo!

Kakatawa sila ano?

3. Mahal nina Melai at Jason ang kanilang mga fans

GSpot: Caramel ba ang tunay na pangalan ng “ultimate fan” ninyo?

Melai: Dati fan naming siya pero ngayon matalik na kaibigan na,

Jason: Ang bait kasi niya sa amin at mahal niya kami ni Melai.

Melai: Kaya mahal din namin siya. Sana nga makilala naming lahat ng fans namin para maging kaibigan din naming sila tulad ni Caramel.

This conversation happened during my first breakfast with Jason and Melai. After this conversation, I got so intrigued on who Caramel was.

I was able to talk to Caramel and she was the one that provided me with all these Melason pics. Caramel is Audrey Meghan Gendrala in real life. She got hooked with Melai and Jason after watching them in Pinoy Big Brother when she got confined in the hospital with H1N1. After following their lives in PBB, she wanted to continue her daily habit by following them everywhere. I guess the reason why MelaSon clicks is that they know how to reciprocate the love the fans give to them.

Wow! I wanna be in PBB! I wanna have fans like Melai and Jason that will follow me in all the eight countries I have been to in three months. I want my fan who will follow me in all the eight countries to be a handsome male hunk, 22 years old with the face of Piolo Pascual, the body of Sam Milby, the brain of Chiz Ecsudero, the virility of Coco Martin, the humor of Eugene Domingo, with the English accent of  Harry Potter. Ay teka, di naman fan ang hinahanap ko. Boy Toy! Ahahahaha!

Ganito kadaming Pilipino ang nanuod ng show namin nung June 17,2010. An estimated number of 30,000. The next day, when the Melason duo performed, doble pa dumating, around 50,000 Filipinos. So an estimated 80,000 Filipinos flocked over to Hounslow U.K. during that weekend to see their favorite stars.

SIDETRIP.
You can follow me on Twitter. Look for GiselleXanchez

You can follow me on Facebook, just search giselasalon@yahoo.com

You can visit my beachfront hostel in Bohol,email giselleoffice@gmail.com for rates and cheap promos.

You can pick your nose! But you cant pick your friend’s nose!