G-Spot

Angelica’s no-show explained

Filed under: Features — GSM0d at 2:25 pm on Friday, April 23, 2010

Noong nakaraang Martes, punung-puno ang Resorts World Manila dahil labinlimang magagandang babae galing sa iba’t ibang bansa ang lumabas sa entabladong bilog.

Nandoon si Yulia, isang napakandang babaeng galing Moscow na siyang hinirang na “Number one hoola-hoop champion of the World.” Kamukha niya si Maggie Wilson at kaya niya ang isang daang hoola-hoop sa katawan. May tatlong contortionist galing Ukraine na kayang ipulupot ang kanilang mga paa sa ulo at talagang namang nakakalokah ang talent nila! May Olympic rhythmic gymnastics champion galing sa Russia, si Natalia, na pagkaganda- ganda. May limang sexy na half-Filipino, half-European (well, most of them) na kumakanta at sumasayaw, at tinatawag nila ang kanilang grupo na Eurasia. May tatlong mala-FHM babes na pagkagaling-galing kumanta at ang tawag sa kanila ay “Pretty Young Things.”

At, siyempre, ang pinaka-aantabayanan ng lahat ay si Angelica Panganiban na siyang magpapakilala ng pinakabagong inumin ng “The Bar,” ang major sponsor ng naturang palabas na pinamagatang Boys Nyt Out… Hmmm… parang kulang, labing-apat lang na babae ang naitala ko. Labing-limang magagandang babae dapat, kulang ako ng isa….. Ay! Ako pala yun! Maganda raw ko! Ang kapal ng mukha ko! Ako pala ang host ng Boys Nyt Out, ang espesyal na pagtatanghal ng Resorts World Manila.

Bonggang-bongga ang show na ito! Alas-otso pa lang ay punung-puno na ang Resorts World. Nag-charter pa ang Resorts World ng flights galing sa Malaysia at Israel para panoorin ang naturang palabas, kaya ang daming mga upuang naka-reserve.

Balitang may darating na Datu galing Malaysia, na nagma-may-ari ng Genting Highlands. Apat o lima lang ang Datu sa Malaysia. Kapag Datu ka ro’n, maraming-marami ka talagang datung!

May inimbitahan akong mga big-time na contractor at pang-100 sila sa seat wait-list. 100! Ibig sabihin, kapag may umalis habang nag-sho-show pa, 99 guests muna ang pauupuin bago makaupo ang mga panauhin ko. 99! Susmaryosep! E, walang umalis, puro dating lang nang dating!

Nakiusap na lang ako sa isang grupo ng mga lalake kung puwedeng maki-upo ang aking panauhin. Siyempre, makikiupo yung mg kaibigan ko kaya chinika ko nang husto yung mga lalakeng pinakiusapan ko.

Sabi nila, kaya nandoon sila dahil gusto nilang makita si Angelica Panganiban nang personal. Sino ba ang hindi? Ang ganda-ganda at ang sexy-sexy kaya ni Angelica.

Pero sa totoo lang, ang gusto kong makita nang gabing iyon ay ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay! Delicious! Kaya nga ako kumakain ng Century Tuna dahil ini-imagime ko na siya yung Century Tuna! Awwww!

Tuwing lumalabas ako ay nagpapatawa ako at kumakanta ng isang kanta. Pagkatapos ay tinatawag ko na yung susunod na babae. Dumating na ang mga Malaysians kasama ang Datu. Eto na ring yung segment kung saan tatawagin ko si Angelica Panganiban. Siyempre, ginalingan ko ang pagkanta ko at pagpapatawa at mukha naming ikinagiliw ng mga dayuhan at mga bisitang Pinoy. Bigla ako nakatanggap ng table napkin na may nakasulat na, “Wala pa si Angelica, stretch.”

Ang ibig sabihin ng “stretch” in lay terms ay hindi mag-yoga o mag-Pilates.

Hindi rin ibig sabihing magpakita ako ng stretch marks dahil kahit dalawa na ang anak ko, wala pa akong stretch marks, excuse me!

Ang ibig sabihin ng “stretch” ay kumanta pa ako at magpatawa habang inaantay ang pagdating ni Angelica. Madali para sa akin ang mag-stretch. Inisip ko na puwede akong kumanta ng dalawang kanta at magbato ng kaunting jokes at lalabas na si Angelica.

Akala ko ay nag-re-retouch lang sa dressing room. Hindi ko naman inakalang isang oras at kalahati ako mag-i-stretch!

Buti na lang ay umakyat sa stage si Jake Cuenca at ang Boys Night Out radio hosts na sina Tony Tony, Slick Rick at si Sam YG. Mas marami ang nakakakilala kay Sam YG bilang si Shivaker, ang Kapusong Bumbay ng Dis is It, na mapapanuod araw-araw alas-onse ng umaga sa GMA 7.

Naging mas madali mag-stretch kung may kabatuhan kang mga komedyanteng matatalino. Game din si Jake Cuenca kaya naging bongggang-bongga ang palabas. Binilang ko ang oras magmula nung mag-umpisa ang show. Apat na oras na ang buong palabas kaya minabuti ko nang tapusin ang show pagkatapos kong mag-stretch ng isang oras at kalahati na walang Angelica Panganiban na lumalabas.

Pagbaba ko ay saka lang ako sinabihan na hindi na darating si Angelica at sasamahan daw ako ni Jake Cuenca humingi ng paumanhin dahil masama raw ang pakiramdam ni Angelica nang dumating sa Resorts World, kaya minabuti na lang niyang umuwi.

Hiyang-hiya si Jake Cuenca na siyang co-endorser ni Angelica ng “The Bar,” na siyang sponsor ng aming pagtatanghal na Boys Nyt Out. Habang humihingi ng paumanhin sa mga taong nag-aantay kay Angelica, pinapawisan si Jake nang husto dahil punung-puno ang Resorts World at may estimang 200 tao ang nakatayo dahil puno na ang mga upuan. Lahat ng mga ‘yon ay inaantabayanan si Angelica Panagniban.

Makalipas ng ilang araw, maraming reporter ng mga tabloids at pahayagan ang nakapagsulat ng hindi pagsipot ng panghapong prinsesa ng teleserye sa show ng Resorts World Manila noong nakaraang Martes. Marami palang reporters ang naimbitahan manood ng Boys Nyt Out. Kesyo di naman daw talaga masama ang pakiramdam at nag-di-diva-divahan lang daw si Angelica at ayaw lang mag-antay ng kalahating oras dahil kumakanta pa ang Eurasia. Kesyo wala lang siyang tulog at antok na antok na kaya nagmamadaling umalis, at kung anu-ano pang dahilan.

Kahit isang oras at kalahati akong nag-stretch ng patawa at kanta para kay Angelica ay hindi masama ang loob ko. In fairness sa bata, sakitin talaga si Angelica. Noong nakaraang buwan ay karga-karga siya ni Diether Ocampo papuntang ospital dahil bigla na siyang nanigas at nahimatay sa set ng kanyang panghapong teleserye na Rubi. Si Diether ay co-star niya rito.

Parang ayoko namang mahimatay si Rubi sa aking mga kamay sa Resorts World Manila kung totoo ngang masama ang kanyang pakiramdam, di ba? Hindi kaya kasing-laki ng biceps ni Diether ang biceps ko! Baka mabagok pa ang ulo ni Angelica kung mahihimatay siya sa stage dahil titingnan ko lang siyang mahulog. Mas mabuti na rin na inisip niya ang kanyang sarili bago may mangyaring masama. Tama na ang isang himatayang insidente sa buhay ko, sa katauhan ni Sam Milby. Hindi ko na kaya kung dalawa pa! Baka mabansagan akong “the faintress jinx.” Ay! Ayoko nga! Pangit!

Mas maganda pa yung—“The lady who can stretch for one hour and thirty minutes and still manage to save the show.” Bongga, di ba! Hahaha!

Sanchez, Santos, Santorini!

Filed under: Travelogue — GSM0d at 8:27 pm on Wednesday, April 7, 2010

After our successful show for Globe Telecom in Athens, Greece, Eric Santos and our friends convinced me to join them in Santorini.

I was hesitant at first because my husband and my children were not with me. I was feeling guilty. If Emil had not suggested that I should go and enjoy Santorini with my friends because I might not get that chance anymore in my lifetime, I would not have joined. I so thank my husband for convincing me.

I only stayed for two days and went home to join my family in Dio Island in Tacloban on Maundy Thursday with our family friends, Mayor Alfred and Cristina (Gonzales) Romualdez.

An hour flight from Athens, Santorini—which is still part of Greece—is essentially what remains of an enormous volcanic explosion, which destroyed homes and settlements on what was formerly a single island. In short para siyang pina-sosyal na Tagaytay.

Kung mukha siyang pamilyar, dito nag-shooting sina KC Concepcion at Richard Gutierrez ng kanilang pelikula na For the First Time. Sobra ako na-in-love sa cinematography ng pelikulang ito that was shot by my best friend Shayne Sarte. Sinabi ko sa sarili ko, pupunta ako diyan. And the power of the spoken word has revealed itself again.

Sobrang bait si Eric Santos. Siya yung tipong puwede mo makasama sa loob ng kuwarto at hindi siya magte-take advantage sa friendship ninyo. Pero mura lang naman yung kwarto, 15 Euro, so we could afford to have a solo room for ourselves.

Marami na ako nakasama na superstars, diva at sikat na mga artista sa ibang bansa, pero mapa-babae o mapa-lalake, I think I rate Eric the best in terms of attitude and personality.

Although Piolo Pascual will still be the perfect gentleman, and Sam Milby will be the humblest guy I have known, Bayani Agbayani—the funniest, Bugoy—the most inquisitive, Cesar Montano—the most creative, Sharon Cuneta—the smartest (I can’t think of a smart guy, hahaha! I’m bad), Eric is a mix of all of these attributes—a humble, talented, inqusitive, and smart gentleman with a great sense of humor. Not to mention adventurous as he is currently backpacking around Europe as you read this blog entry.

So to all of the PEPsters in Europe who get to see Eric, please extend your hospitality as the kid is on his own. This is his graduation gift to himself as he finished college inspite of a hectic schedule and a fantabulous career. Go, go, go Eric!