G-Spot

Avatar and the Moomoos

Filed under: Features — admin at 12:43 pm on Wednesday, January 13, 2010

Namangha ako nang mapanood ko ang Avatar. Nalampasan ni James Cameron ang kanyang mga ginawang pelikula na Terminator at Abyss hindi lang sa computer graphic Imagery (CGI) kundi pati sa istorya.

avatar-movie-poster_353x529.jpg

Nakakaloka panoorin ang Avatar lalo sa sa 3D dahil parang  katabi mo talaga ang mga puno na akala mong totoo at mga Navis (mga alien na kulay blue at nakatira sa planetang Pandora). Sa Imax theater pa ako nanood kaya lagi kong kinukurot ang sarili ko at pinapaalala na animation lang ang lahat ng napapanood ko.

Feeling ko talaga, nasa Pandora ako. At feeling ko, kaya namatay si Grace [Sigourney Weaver's character] kasi hindi ako sumali kasama nang lahat ng nanonood sa Imax sa pagsayaw at pagdasal para masalba ang buhay niya. “Hindi kasi tayo nagsayaw Bebe, na-save sana natin si Grace,” ang pabiro kong sinabi sa asawa ko na ikinatawa ng mga katabi ko sa sinehan.

Most bloggers would agree with me that James Cameron’s Avatar took us into a shamanistic journey. Shamanism is based on the premise that the visible world is pervaded by invisible forces or spirits that affect the lives of the living.

The shamans are the priestesses with the ability to heal, work with energies, and see visions. Yung shaman sa Avatar ay yung mommy ng bidang babae, yung matandang leader na kamukha ni Aling Dionisia…

May nakapagsabi sa akin na ako ay isang Shaman sa aking nakaraang buhay at ang mga espiritu ng mga puno ko dito sa bahay na ito ang pumili sa akin para maging may-ari ng bahay ko. Weird pero may point siya kasi dapat iba ang bibili ng bahay na tinitirhan ko ngayon. Kaso hindi nakahabol sa initial downpayment dahil nagka-aberya kaya ako ang nakabili ng bahay. ‘Tapos plano namin ng arkitekto at contractor ko na tibagin lahat ng puno. Ang kaso, nanaginip ako na kinausap ako ng mga espiritu at sinabing kapag tinibag namin ang mga puno lalo na yung malaking puno ng mangga at puno ng acacia, maraming kamalasan ang mangyayari sa pamilya ko.

Kahit Kristiyano ako, pinakinggan ko na rin ang aking panaginip. Nasalba ko pa ang mga malalaki at magagandang puno sa paligid ng bahay ko. Hindi ako pagano pero kahit Kristiano ako, naniniwala ako na may mga espiritu talaga na nakatira sa puno ko.

Tuwing November 2, All  Souls Day, napagkakatuwaan kong  bigyan ng pagkain ang mga “espiritu” sa bahay ko. Last November 2, 2009 ay naging busy ako kaya nakalimutan ko. November 3, biglang tinubuan ng pula-pulang pantal ang five-month baby boy ko sa kanyang buong katawan. Sabi ng tatay ni Emil, Roseola lang ‘yan at mawawala lang pagkatapos ng  tatlong araw.

img_1505.jpg

I researched on Roseola and found out that it comes with a high fever (up to 105 degrees Fahrenheit). Walang lagnat ang baby ko. Hindi ko matatagalan ang tatlong araw na makita ang anak kong puro pantal kaya dinala namin sa albularyo at kinabukasan, nawala lahat ng pantal. Nagtampo daw ang mga “espiritu” kasi walang handa noong November 2. Ngek!

Totoo ba talaga ang mga momoo o mga “espiritu”? Kayo, mga PEPsters, nagkaroon na ba kayo ng momoo experience? I had one fictional experience recently and you will get to watch it this Thursday in TV5’s  Momoo and Me. Dinalaw ako ng pinakamalaking momoo ng mga puno: ang KAPRE.

Gumanap ako bilang Dra. Mickey Melo. Hindi ako ngongo sa istorya. Barangay doctor ako na dinalaw ng malaking KAPRE. Manood na lang kayo sa TV5 sa Huwebes, 8:30 p.m., kung bakit ako dinalaw ng Momoo.

img_1461.jpg

img_1460.jpg

Bonggang-bongga yung gumanap na Kapre. He was seven foot tall and had a shoe size of 16. Sixteen! You know what they say about men with big feet…they have big shoes!

Seriously, they say that the size of a man’s foot is directly proportional to the man’s p*nis. Medyo agree ako dun kasi 11 ang size ng paa ng asawa ko. HIHIHI. Pero itong actor na ito na gumanap na Kapre ay may size 16 na paa, ano na lang kaya ang size ng kanyang aherrm…Nakaw!  Siguro hanggang tuhod! Haaay. Kanino magkakasya yun! At eto na ang nakuha kong scoop. Balita ko nililigawan daw niya si Mahal!

78a16c9a2.jpg

Ahahahay! Wakwak! Siyempre joke lang ito. Tawa naman diyan! Para masaya ang  2010 ninyo.