G-Spot

Lady Gaga and gaga moments

Filed under: Features — admin at 12:42 pm on Saturday, May 23, 2009

During my Canada Comedy Tour with Rufa Mae Quinto, Pooh, and Allan K, I chanced watching a performance of Lady Gaga in one of the hottest clubs in Winnipeg.

Last year yun kaya nang sabihin ng club manager, “Lady Gaga will perform tonight,” sinabi ko dun sa kaibigan ko, “Sino siya?” Gaga, di ba?

gaga4.jpg

E, kasi naman, di pa kilala si Lady Gaga sa Pilipinas at yung mga kanta niyang “Pokerface” at “Just Dance.” But in Canada, she already had a cult following.

gaga5.jpg

I could have stayed in the dance floor to see her up close but I opted to stay in the V.I.P. area on the second floor since I really didn’t know who she was. Another gaga move.

gaga1.jpggaga2.jpg
gaga3.jpg

March 2009, my kid is going gaga over Lady Gaga and her songs. She wanted me to film this dance number we shot during Holy week in the house of my friend in Tagaytay Highlands (beside Willie Revillame’s house).

Siguro kung mapapanood ni Lady Gaga itong video na ito, eto sasabihin niya, “Di ba ikaw yung okray ng okray sa akin sa Canada? ‘Tapos ngayon i-li-lipsynch mo lang pala ang kanta ko, magdadala ka pa ng tatlong back-up dancers! Gaga girl!” Hahahaha!

LIA’S GAGA MOMENTS

emil-lia.jpg

Her mild-mannered demeanor and poised, educated moves, she took from her father. Her tactless remarks every now and then, kanino pa magmamana, heleerr…Anak ko ‘yan.

I remember having dinner in New York with Emil’s  childhood friend. Lia was with us and Emil’s friend just recently “went out of the closet.” While Emil’s friend was flamboyantly talking, Lia asked me in her loud voice (voice crescendo just like Mama), “Papa, is your friend bading?”

I-wanted-to-die-moment!

It was a good thing Emil’s friend liked children and courteously answered, “Why yes, darling! But here in New York, they call us gay.” Then he showed Lia pictures of his recent Holloween masquerade party which my daughter loved. Pag-uwi namin, Lia told her Papa, “I like your bading friend na gay.”

A few weeks ago, Emil’s childhood friend came back from New York to hold a piano concerto here in Manila. Their families are very close so my in-laws were with us, together with the other family friends and relatives of Emil.

In short, isang alta sociedad ang affair ito. At kapag alta sociedad na affair, expect it to be boring (siyempre jologs ako!). This was the exact sentiment of my daughter while his Tito-Tita was playing the piano and everyone in their gowns and suits marveled at him/her.

Siguro sobrang bored na yung anak ko, biglang bumulalas ng malakas habang nasa pianissimo-mode and tugtog ni Tito-Tita, “E, bakla naman ‘yan, e.” Haaay!

Kinuha ko na yung pala. I started digging my grave. I—wanted-to-die Part II.
This time for real! Please bury me six feet under the ground. Tinignan ako ng in-laws ko. Heleerrr! Bakit ako tinitignan niyo? Yung anak ko kaya ang nag-Lady Gaga moment!

PRAYERS

Three weeks from now, I’m going to give birth. Please pray that I have a very safe and almost painless delivery. I will still do a Lamaze birthing so please pray that my pain endurance can beat the pain of giving birth. Thank you, PEPsters. Let us all pray that Xavier Zappa will be a healthy bouncing baby boy and less tactless like her sister and mother. Hahahaha!

Usap-usapan

Filed under: Features — admin at 6:13 pm on Wednesday, May 13, 2009

1. Usap-usapang buntis daw si Giselle kaya raw laging tinatamad gumawa ng blog entry. Heler!!! Isang buwan na lang kaya, manganganak na ‘ko. Ang totoo niyan ay “busy” lang talaga ako…sa kaka-LAKWATSA!

Summer and pregnancy fits me to a “T.” This is the only time I can go out on leisure trips with my family—from beaches, to Hong Kong, to malls, to farms and friend’s houses in Tagaytay. When I’m not pregnant, I’m either hosting corporate show or taping/shooting a movie. Now that I’m in my eight month, takot na producers to hire me kasi baka mapa-anak ako sa stage. Ha-ha-ha!

Pero tuloy pa rin ang mga tapings at shootings ng commercials—Enduranz at Solve—at bagong indie movie na Pintakasi. O, di ba, walang takot si buntis? Kasi naman kay Lia, four centimeters na dilated ang cervix ko, nag-ge-guest pa ako sa SiS at sinasabi on nationwide television, “Mga ka-sis! Ipagdasal naman ninyo na manganak na ako.” At 7:00 p.m., nakaramdam na ‘ko ng labor pains at pagdating ko sa hospital ay seven centimeters na ‘ko dilated.

2. Usap-usapan ng mga photographers sa pictorial naming mag-asawa para Enduranz (yes, tinanggap na namin yung endorsement offer kasi totoo naman) ang Pinatubo trekking. What do you think of the commercial? Napanood na ba ninyo?

Mabalik tayo sa Pinatubo trekking, iisang trek pa lang ang na-experience ko kasama sina Carmina Villaroel at Rachel Alejandro nang mag-show kami sa Dubai—ang Dubai Desert Safari. Kasama din namin sa Dubai nun sina Ariel Rivera at Gelli de Belen kaso ‘di sila sumama sa terkking.

g4.jpg

Sa Dubai Desert Safari, sasakay ka ng 4×4 na land cruiser at iiikot sa mala-bundok na desiyerto ng Dubai kaya parang roller coaster. Ang lakas pala tumili nitong si Carmina, as in 10 decibels! Talo pa niya yung mga fans ni Piolo Pascual kung makatili. Pero masaya at nakakahawa, kaya pati ako napapatili. Napaka-picturesque ng Dubai Desert with matching camels kaya hala, labasan na ng mga camera. Doon kami nag-dinner at may magandang Lebanese belly dancer na hagod ng hagod habang kumakain kami, di tuloy nakakakain ng maayos asawa ko, bwiset!

Pero ngayon, di natin kailangan pumunta sa Dubai para ma-enjoy ang trekking dahil may Pinatubo na tayo. 1991 nang pumutok ang Pinatubo. Daan libong mga buhay ang sinira nito lalo na ang buhay ng mga Aetas na naninirahan sa Pinatubo. Sinamahan pa ng dalawang bagyo, kumalat ang “lahar” sa mga karatig nayon ng Pampanga at iba pang lugar kaya di lang pamilya at ari-arian, pati ang ekonomiya ng Luzon—“The breadbasket of the Philippines”—ay nasira ng Pinatubo.

Ang epekto ng “ash cloud” na dala ng pagputok ay umikot hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong mundo. Tandang-tanda ko nang “mag-snow” ng abo sa buong Metro Manila. Noong una, naaliw ako, “Wow! Nag-s-snow sa Metro Manila. Ay, abo pala. Naku bilis, manood tayo ng news sa TV, may nangyayaring masama sa Pilipinas!”

Ngayon, unti-unti nang humhilom ang sugat na nagawa ng Pinatubo. Pinagkakakitaan na ang lahar bilang pang-halo sa semento. At ang Aetas ngayon ay nagkakatrabaho dahil sila ang nagsisilbing guide sa Pinatubo trek papuntang crater. Napakaganda ng loob ng crater at puwede kayo mag-swimming. Kaya yung isang oras ninyo sa matagtag na 4×4, kasama ng isang oras sa walang-birong “hike” ay siguradong mapapalitan ng “Aaah, ang ganda ng gawa ng Diyos!”

g3.jpg

Mas mabuting mag-concentrate muna kayo sa kagandahan ng loob ng Crater ng Pinatubo para di kayo masyadong magreklamo sa trek papunta dun. Kapag andun na kayo sa Crater, puuede kayong magdala ng tent at matulog doon, mag-picnic at higit sa lahat, magpa-picture.

g1.jpg

Photographers Reggie Hernandez and Jessie Casabar organize these treks for P2,500 per person, that includes the trek, the meals, the 4×4. For details call Jessie Casabar at 09178381405 or 2420121 local 708. Pakisabi na lang na nakuha ninyo yung number niya sa blog ko at baka matakot na stalker kayo, hobbie lang niya ito. Other trekkers sa internet charge P5,000. Hindi niya habol ang perang kikitain kasi wala siyang profit. Habol niya yung mga pics na makukuha niya. (Photographer nga, eh.)

g2.jpg

For the last decade, dedicated hikers could trek to the mountain crater. It involved either days of hiking or hours of 4×4 travel followed by a two-hour hard hike. A couple of years ago a “trail,” called the skyway, was cut so that a 4×4 van have shorter route from the drop off point to the crater. The skyway opened up the crater to an hour and fifteen minute 4×4 ride and a 45-minute to one-hour trek.

The trek itself is not a stroll through the park but does not require any great physical fitness level. Seeing photos of the crater with its lake can not prepare you for the stark beauty and contrasts that you will see in front of you. The sheer cliffs, the vegetation covering the mountains alongside areas of bare volcanic rock, the 2.5-kilometer lake that sits inside the crater with its shores sometimes gentle, sometimes rough—what a contrast! The area is indeed a contrast between the dust and lahars in the scarcely vegetated flats and river beds to the lush mountains sides with young trees and other cover. The transition between the two is dramatic with signs of massive erosion and towering cliffs.

3. Usap-usapan ngayon ang kumakalat sa Facebook na video ni Ricky Hatton, ang mayabang na boksingerong na-knock-out ni Manny Paquiao in 345 seconds. Nakakatawa talaga itong video na ito kasi kung papanoorin mo an mga videos ni Ricky Hatton sa You Tube, sobrang yabang talaga niya at ang mga fans niya. Usap-usapan sa game na naganap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas na sobrang alaskado ang mga Pinoy bago ang laban ni Manny vs. Ricky.

Binaliktad nila yung bandila natin kaya yung pula ang nasa ibabaw, ‘tapos kanta sila ng kanta ng jingle ni Ricky Hatton to the tune of “Winter Wonderland” (“Ricky in Wonderland” ang title).

Nang lumabas si Manny, ang lakas mag-boo ng mga Briton. Palibhasa 16,000 and dami nila sa MGM versus 9,000 Filipinos, almost half their number. Kilala ko si Manny, pinapatagal niya ang mga laban niya para sulit naman ang bayad ng mga tao sa arena ($15,000 ang front area seats). At saka hawak niya ang franchise ng laban niya sa Pilipinas kaya mas mahaba yung laban, mas maraming commercials ang papasok.

Kaso ang yabang talaga ng dating ni Hatton, yakap ng yakap sa kanya habang sinusuntok siya sa batok. Bawal ‘yun! Dalawang beses pinagsabihan si Hatton na huwag gawin yun kay Manny.

Isabay mo pa yung lakas ng “booo” ng mga Briton kay Manny kaya ayun, pinatulog agad ni  Manny sa second round. Kung tutuusin, kaya niyang patulugin sa First Round dahil dalawang beses na bumagsak si Hatton. Sabi nga nung sports commentator sa first round nang pangalawang bumagsak si Hatton, “Ricky Hatton doesn’t know where he is. The only thing that can save him is the bell.”

Pinatagal na lang ni Manny hanggang round 2 with a total knock-out! Ricky Hatton fell like a timber. Sumunod na nag-collapse yung girlfriend niya.

Lahat ng maiingay na Briton na nag-boo-boo kay Manny biglang tumahimik at nakanganga. Eto na ang masaya. Kasi tayong Pilipino, mapagtimpi. Pero kung naka-ungos na tayo, babalikan natin ang mga umapi sa atin. Kaya pagkatapos ng laban, wala nang kumakanta ng “Ricky Wonderland.”

Lahat ng Pilipino sabay-sabay kumanta ng “London Bridge is Falling Down” pero pinalitan ang lyrics ng “Ricky Hatton Falling Down!” Ha-ha-ha!  Alaskado ang mga jologs na Briton!

Let me translate for the non-Visayans in the house. Buti na lang BISDAK lagi ko (It’s a good thing I’m Bisaya):

Interviewer: Unsay istorya mo sa inyong mga fans? (What is your message to your fans?)

Hatton: For my fans, don’t stop supporting me, because in boxing, I’m a tough guy. You know, I have killed 4 people since I started boxing. And that guy behind me, the same thing happened, he was down, because he attacked me from behind, SO I PUNCHED HIM! That’s what he gets for fighting me. He got dizzy.  (hmmmm…very Hatton vs. Paquiao but this time it’s Hatton that got dizzy)

Interviewer:  Dili ka muhadlok ni Paquiao? Ingon ra ba mga tawo nga naa daw kini banipas o agod-agod? (Are you afraid of Paquiao? People say he has an amulet?)

Ricky Hatton: Di na musalir akoa oi. Kay didto sa amo sa Siquijor, barang man uso sa amoa. Di mi mutuo og agod agod. Katong mga silingan namo sa una mga wakwak, wala na, gaboksing na sila para daw pud sila makasapi. (He cannot match me . In our place in Siquijor, withcraft is the “in” thing. We don’t believe in amulets.Our neighbors who used to be “aswangs” no longer delve in the trade but are now boxers so they could have money.)

Interviewer: Will your coach get mad at you if Paquiao beats you?

Hatton: I guess. My coach used to be very rich before. But now he doesn’t have money because I keep on borrowing money from him. Look at my eye, my coach boxed that. I’m already beaten up even before I fight Paquiao.

Interviewer: What’s your message to Paquiao, the “Pambansang Kamao”? How many rounds do you think can you beat Paquiao?

Hatton: Duha ka rounds! (Two rounds!)  Hahahaha!