G-Spot

Papaano makukuha ang minimithi

Filed under: Features — admin at 6:19 pm on Friday, November 28, 2008

“Ask and you shall receive, seek and you shall find, knock and the door shall be answered.”- Matthew 7:7

Huwag kayong mag-alala, hindi ito evangelization seminar or chain letter. I’m not here to talk about God but about you and what you want in your life.

Dami siguro sa inyo ang nagsasabi, “Napakasuwerte naman ni Giselle: may happy family, may career, buntis na naman…It’s like she’s always getting what she wants in her life.”

This is the reason why I’m writing this blog now, because I want you PEPsters to get what you want in your life since I feel that we’ve already bonded at super friends na tayo.

Imagine, you were with me when I was at my lowest times, and then all of you took the time again to leave a message and congratulate me now that I am carrying a new Blessing from God.

Some of you even cried which means you have empathized with me, ganun na tayo ka-close. Friendship is a give and take process and so, let me share you some tips and wisdom I have learned through the years. I hope that in some ways, I may help you in your plights.

Sa aking unang blog na pinamagatang “Attracting the Good and Beautiful,” ipinakita ko sa inyo ang The Secret galing sa YouTube na hango sa libro ni Rhonda Byrne.

Ayon sa librong ito, kapag hinigi mo o ginusto mo ang isang bagay na makakapagpaganda sa buhay mo, makukuha mo. Halos parehas ang prinsipiyong ito sa mga kataga ni Mateo sa Biblya na isinulat ko sa umpisa ng blog na ito. Parehas din ito sa mga prinsipiyong pinalalalaganap ng mga librong Celestine Prophecy ni James Redfield at Conversations with God ni Neal Donald Walsch.

Kung mapapansin ninyo, ang mga librong binabanggit ko ay mga New age books, hiwalay na paniniwala sa Bibliya, ngunit iisa lang ang mensahe para sa atin. Ibig sabihin, nagkakaisa lahat ng mga dalubhasa, mapa-Katoliko man o ibang relihiyon, sa pagsasabing mayroon isang napakalakas na Source na puwede nating tawaging Diyos (Christian and Catholic belief) at tinatawag nilang Energy (New age Belief) na makapagbibigay sa atin ng ating minimithi.

May bago akong nabasang libro. The Teaching’s of Abraham Book Collection: How to Put the Law of Attraction to Work in Your Life ni Esther Hicks & Jerry Hicks”. Marami rin siyang video sa You Tube at gusto kong mapanuod ninyo ang isa sa kanyang mga video dito sa blog ko.

According to this clip, there are several tips on how to get what you want, but there are conditions :

1. We are vibrational beings. Kailangan walang negative vibes habang humihingi ka. Halimbawa, sinasabi mo sa sarili mo o sa Diyos:

“Gusto kong magkatrabaho o gusto ko magka-pera kasi lubog ako sa utang at lagi akong minamalas.”

Your vibrational tone is more negative than positive. You are thinking that you want a job or money, but you are focusing on the fact that you are in debt and always having bad luck. So that is what you will attract: the negative. Yung pagkalubog mo sa utang at pagkamalas ang ma-aatract mo at lalo ka lang mamalasin dahil yun nag nasa utak mo o pakiramdam mo.

2. Kailangan lagi kang masaya at kalimutan muna ang problema lalo na kapag humihingi ka. Kasi kung negative ka, o may kalaban ka, o may poot sa iyong dibdib, o may tao kang hindi mapatawad, o wala kang bilib sa sarili mo, you will continue to attract negative things dahil negative radio signals ang nilalabas ng antenna mo. Matuto ka muna magpatawad, mahalin mo ang sarili mo, tanggapin mo nang maluwalhati ang kalagayan mo kahit gaano kapait ito. Matuto kang maging mapayapa kahit na nasa gitna ka ng unos. At kapag nakuha mo ang kapayapaang iyon, handa ka nang humingi at makatanggap.

Kung pilosopiyang Katoliko naman ang pag-uukulan nating ng pansin, ganun din ang prinsipiyo. Marami sa inyo ang hindi kayang maging mapayapa dahil sinisisi ninyo ang Diyos kung bakit nagka-ganun ang buhay ninyo. Hindi ba kung i-ba-base natin sa tunay na buhay, kapag sinisi mo ang kapitbahay mo o kaibigan mo sa nangyari sa iyo, magagalit yung taong sinisisi mo o mahihiya at puputulin ang pagkakaibigan ninyo dahil sa poot o hiya. Ganoon din ang nangyayari kapag sinisisi ninyo ang Diyos, pinuputol ninyo ang relasyon ninyo o koneksiyon ninyo sa Kanya. At kapag pinutol ninyo ang koneksiyon ninyo sa Kanya, paano na kayo makakahingi?

Let’s start with a simple exercise. Mag-isip ka o hingin mo sa Diyos na makakita ka ng kahit isa sa mga ito ngayong linggo na ito:

A red rose

Feathers

People wearing white

While asking for these simple things, think about it, visualize it in your mind and I’m 100 percent sure, you will get to see any of these items in a week. O di ba! Imaginin mo kung pera o career ang hinigi mo!

Marami akong sinabi sa aking sarili na nagkatotoo. Noong estudyante pa lang ako, habang pinapanood ko sina Randy Santiago at Ai-Ai de Las Alas sa Lunch Date sa GMA-7, sinabi ko sa sarili ko, “I will host that show.”

Di pa ako tapos mag-graduate ng college, kasama ko na si Randy at Ai Ai nag-ho-host ng noontime show sa GMA7, yung Salu-Salo Together. Apat na taon din kaming nagsama. Ganun din ang sinabi ko habang pinapanuod ko si Plinky Recto sa It’s a Date. Di nagtagal, ako na nag-host ng naturang programa at tumagal siya ng tatlong taon.

Noong bata pa kao, scholar ako sa Poveda. Mahirap lang kami pero di matapobre ang mga kaklase ko kaya imbitado ako sa mga birthday party ng mga kaklase ko. Tuwing pumupunta ako sa mga bahay nila, namamangha ako sa laki at ganda at lahat may swimming pool.

(Read more… )

Happy Anniversary!

Filed under: Features — admin at 8:43 pm on Thursday, November 20, 2008

Last November 4, 2008, my husband Emil and I celebrated our 8th year wedding anniversary. Eight years as husband and wife plus another eight years as boyfriend-girlfriend, grabe noh! 16 years yun!

We met on my second year in college. I desperately needed to borrow a video cam for my class project. Wala ako mahiraman, kaya inisa-isa ko lahat ng kaklase ko sa bawat subject ko na mukhang mayaman.

Sa U.P., madali lang maka-spot ng mayaman. Unang-una, konti lang sila. Siyempre, unibersidad ng Pilipinas ito, uunahin yung mga matatalinong walang masyadong kaya (tulad ko), pagkatapos, second priority na lang ang may kaya at matalino.

Isa dito si Miguel Buencamino, ang kapatid ng asawa ko. Kaklase ko si Miguel sa isang subject at siya na ang pinakahuling tao sa “rich list” ko na puwedeng mahiraman ko ng video cam, naglakas-loob akong  tumawag at si Emil ang nakasagot. ‘Di ko alam na siya pala ang magiging asawa ko.

Emil: Hello?

Gspot: Hello, can I please talk to Miguel Buencamino ?

Emil: Sorry, he’s sleeping already (11:00 p.m. na kasi).

Gspot: Sorry for bothering, but are you his brother? I’m a little desperate na kasi, I need to borrow a video cam. Do you have one? (Kapalan na ng mukha ito, alas-onse na, nakikitawag lang ako sa kapitbahay.)

Emil: Actually we do, but I have to check if it’s working…It will take a while coz it’s on the third floor. Hold on, okay?

Gspot: Habang naghihintay, ‘eto ang mga nasa utak ko:

(1) Hmmm…ang guwapo ng boses, sana mas guwapo siya sa kapatid niya. Guwapo naman si Miguel, in fact, crush ng bayan nga siya, kaso ‘di ko lang talaga type. Pero guwapo talaga ang boses at Inglesero…Puwede!

(2) Kukunin ang camera sa third floor—mayaman! …. Puwede!

(3) Kinuha galing sa third floor…Hmmm, mabait, nauutusan at may pagkukusa…Puwede!

Emil: (Humihingal, napagod sa pag-akyat-baba galing third floor.) The video cam works but there’s no battery. You need a long extension cord for power if you will shoot outdoors.

Gspot: Ganoon. Sige di bale na lang kasi puro outdoors ang kukunan ko, medyo imposible maghanap ng ganun kahabang extension cord. Thank you na lang. Bye.

Emil: Wait! Siguro naman puwede ko na malaman kung sino ito coz you made me go up and down the stairs.

Gspot: (May point siya.) This is Giselle Sanchez, I’m Miguel’s classmate in Comm III. (Di pa kasi ako artista nun.)

Emil: Giselle Sanchez, are you the girl in the play Lorena presented by the U.P. Repertory? I watched your play three times.

Gspot: Talaga. Touched naman ako. Bakit three times? (Gusto ko lang pumalakpak ang tenga ko)

Emil: I made the music.

Gspot: Ah…uy, ganda mg music ha! I particularly like the song….

After 30 minutes of talking to Emil, my neighbor suddenly hollers:

Neighbor (off the phone): Hoy Giselle, alas dose na! Matutulog na kami. Baka gusto mo na umuwi!

The next day Miguel Buencamino comes up to me and tells me, “My Brother wants to date you, you up for it?”

I didn’t find a video cam that night but I found the man I was going to love for a lifetime!

Sa Lemuria kami nag-celebrate ng aming 8th year anniversary.
giselle011.jpg

giselle021.jpg

According to Anton’s blog, Lemuria is the newest and hottest romantic place in the Philippines and belongs to Anton’s 100 awesome experiences.

Dahil maliit lang ang lugar, nirentahan ni Emil ang buong restaurant hanggang 10:30 p.m. para kami lang ang kakain at para di siya mahiya magsalita ng malakas. Kinailangang maganda ang venue para sa aming 8th anniversary dahil paganda na ng paganda  kada taon. Eto ang listahan ng mga nakaraang anniversary namin:

1st: Manila Hotel, Champagne Room, with a live string quartet serenading us

2nd: Dinner at the Tennessee Walker Yacht

3rd: Dinner at a private room in Prince Albert, with a violinist serenading us

4th: Dinner at Sonia’s Garden in Tagaytay

5th: Dinner in the most unexpected place, he kidnapped and blindfolded me to find out that he had The Plaza cater our dinner with a string quartet in the rooftop balcony of our home!

6th: Dinner in Boracay!

7th: Dinner in Marina del Rey, California!

Mula ng Nov. 4, 2000, ganoon pa rin ang pakiramdam ko para kay Emil. Kahit mayaman sila, tinanggap niya ako kasama ng kanyang pamilya kahit na mahirap lang ako at isang kikay na komedyante.

Di siya nagagalit at kapag mainit ang ulo ko, ayaw na ayaw niya ako sabayan dahil ‘yan daw ang pagmumulan ng away. Hindi siya seloso, mahaba ang pasensiya at marunong magtiis.

Higit sa lahat, kapag nakita mo siya sa personal, ang guwapo at ang lakas ng appeal. Magaling na ama at magaling na asawa lalo na sa kama! Hahaha! Kaya naman dapat lang ibigay ko sa kanya ang pinakamagandang regalo para sa aming anibersaryo:

Gspot: “Emil, alam ko kung gaano ka nasaktan nang makunan ako at pakiramdam natin hindi na uli tayo makakabuo. I just want to tell you that I’m eight weeks pregnant at may heartbeat ang baby, so this is it! Happy Anniversary! I love you!

(For related story please read Why Bad Things happen to Good People)

THIS SATURDAY NA!

This Saturday na ang show ko! Those who love comedy, magic, and mentalism, I hope you can find time to watch Laughs and Gasps, a show of comedy and magic on November 22 , 7:00 p.m. at the Wikipedia Headquarters Theater, na nasa rooftop ng Vibal Publishing sa G. Araneta Avenue. Please refer to the map in my previous blog Celebrity Look-Alikes para di kayo mawala papuntang venue.

laughs-and-gasps-large.jpg

P250 lang ang ticket and the proceeds will go to the GISELLE SANCHEZ FOUNDATION. Tumataas na kasi ang mga tuition at miscellaneous fees ng mga estudyante kong pinapaaral, kailangan kong lumikom ng funds na pantustos.

REGALO NI IDOL. Para naman sa lahat ng OFW at Pinoy na nakatira sa ibang bansa, extended ang promo ng Bigay Ni Idol hanggang December 1.

Ito ang pagkakataon ninyong manalo ng libreng premyo tulad ng cellphone, Magic Sing, Hi-tech na rice cooker, mamahaling pabango at sangkatutak na pagkain galing sa  Goldilocks, Cadbury, Toblerone at Lay’s Potato Chips na walang kapalit kundi ang pagpunta ninyo sa PROMO WEBSITE at pagsagot sa katanungang ito: Sa sampung premyong ipinamimigay ng Bigay ni Idol, ano ang pipiliin niyo? Sino ang pagbibigyan niyo at bakit?

Siyempre, kailangang medyo creative o nakakatawa o hanep ang sagot ninyo para mapansin ng Bigay Ni Idol judges. Bigyan ko kayo ng examples:

1. Bibigyan ko ang nanay ko na si  Sofronia Macaraig ng WOW magic Sing kasi sintunado siya, para di na masyado sumakit tenga ko pag-uwi ko tuwing kakanta sa party.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Buencamino ng Goldilocks Package dahil matakaw siya sa cake.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Nokia cellphone para ma-text naman niya ako dito sa Saudi ng nakakatawang jokes kasi napakalungkot dito.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na dito sa Bigay ni Idol promo at manalo ng napakaraming premyo!

PS

TO gracy 0124:

Thank you for reading my blog. You may reach Miss Imee Marcos thru her secretary Miss Vilma at (632) 4905904 or snail mail your interview request at Cream Productions, #362 P. Guevarra St., Brgy. Addition Hills, San Juan City, Philippines.

Rubbing elbows with the Marcoses

Filed under: Features — admin at 12:05 pm on Friday, November 14, 2008

Minsan ay napanood ako ni Ms. Imee Marcos na mag-comedy monologue at kumanta sa isang private corporate event. Siguro ay natuwa siya sa akin dahil isinama niya ako sa bago niyang indie film na pino-produce, ang Pintakasi. Malamang ay talagang natutuwa siya sa akin at inimbitahan pa niya ako sa birthday party na ibinigay ng kanyang ina, si Madame Imelda Romuladez Marcos.

Inisip ko na baka hindi ako papasukin sa magarang party kung wala akong pormal na imbitasyon, kaya naisipan kong daanan ito sa opisina niyang Cream Productions sa San Juan, ilang oras bago magsimula ang party.

Nagulat na lang ako dahil may party din sa loob ng Cream Productions, nag-bi-break dance yung mga kabataan sa loob at tuwang-tuwa habang nanonood si Ms. Imee sa tabi.

Nakita ko ang handaan, lasagña lang at dinuguan kaya inisip ko na nag-ambag-ambag siguro ang mga bata para bigyan si Ms. Imee ng surprise party. Tama nga ako, isang surprise party para sa pinakamamahal nilang boss na ipinanganak bilang Maria Imelda Josefa Romuladez Marcos noong November 12.

Dito ko unti-unting nakilala ang tunay na Imee Marcos, sa mata ng mga kabataang nagmamahal sa kanya.

Sa totoo lang, bata pa lang ako nanonood na ako ng Kulit Bulilit at Kaluskos Musmos, kung saan napapanood ko si Imee. ‘Tapos nawala siya dahil nag-aral ito sa Princeton University, pero bumalik para mag-graduate ng Law sa U.P.

Nawala uli at bumalik noong 1998 upang magsilbi bilang Congresswoman, na naging katungkulan niya hanggang 2007.

Sa aking mga mata, isa siyang anak ng Presidente, matalinong abogado at mahusay na congresswoman. Ngunit sa mga mata ng mga bata , isa siyang “kabarkada” na tinutulungan silang magamit at masulit ang kanilang talento.

Ang Cream Productons ay binubuo ng mga batang animators, directors, illustrators, dancers, musicians, and rappers. Most, if not all their projects are animations with serious themes like Filipino idealism, importance of Filipino culture, and upholding Filipino values.

Now they will attempt to make a new movie with a genre of its own──a mix of animation and real actors in a hip-hop/dance genre. Kakaiba, hindi ba?

Huwag kayong mag-alala, hindi ako ang bida ng pelikula kaya hindi ako ang mag-ra-rap at sasayaw kundi mga bagets, tulad ni John Wayne at dancers ng All Star Hip hop Dance group, na tinanghal na hip hop champions sa Amerika.

Lalo akong naloka noong nagpunta ako sa party kinagabihan. Nalaman ko sa mga kuwento-kuwento ng mga kaibigan niya na pinapa-LRT niya ang kanyang anak na si Matt papuntang trabaho sa Makati. At yung  bata ay pawis na pawis na naka-knapsack tuwing darating sa trabaho. Ang gusto daw kasi ni Imee ay  malaman ng anak niya na mahirap ang buhay. Tahimik din ang kanyang anak at di ginagamit ang Marcos na apelyido. Wala ring nakaalam sa trabaho niya na anak pala siya ni Imee Marcos. Si Borgy naman ay hindi binigyan ng allowance ni Imee kahit kelan kaya kumikita na lang sa pag-mo-model at pag-di-dj. Sobrang ayos ng training sa mga anak, ‘no!

Magaling si Imee sa taonapaka-profound at malalim na usapang politikal kapag kausap niya ang mga senador at mga abogadong  ka-batch niya. World economy and crisis management was the topic of conversation she had with expat guests on the other table.

Nang pumunta siya sa table ko, biglang nagtanong, “Hoy bakla, ano naman itong issue mo kay Maggie Wilson? Bakla ka, hindi na pinapatulan mga ganoong fez.” Nakakaloka! Pati ba naman yun, alam niya!

Bago pa ako nakasagot , biglang lumapit si Senator Loren Legarda at tinanong kung 52 o 53 na ba siya? Biglang umasim mukha ni Imee pero nakangiting pilit na sinagot si Senator Loren, “I’m 100 years old!” Moral of the story: Never ask a woman her age.

Pero kung totoo nga ang hula ng edad ni Senator Loren kay Imee, sobrang bata ng mukha ni Imee. Mukhang hindi naman siya nagpa-botox dahil may wrinkles siya kapag tumatawa siya.

Kapag tumabi siya sa mga kaklase niya, mukha silang mga teachers at principal dahil ang tatanda ng hitsura nila kumpara kay Imee. Tanong ko lang, meron kayang iniinom si Imee na tubig galing sa fountain of youth?

Ano nga kaya sikreto ni Imee at mukha lang kami magka-edad? Siguro ay dahil masayahin siyang tao at hilig niyang pinalilibutan siya ng mga taong masasaya din. ‘Yan nga siguro ang sikreto: inner peace and happiness.

Happy Birthday, Imee!

Eto ang mga pictures ko sa  condo unit ni Madame Imelda Marcos, kung saan ginanap ang private party ni Imee, kakaunti lang ang mga guests, halos pamilya at matatalik na kaibigan/kaklase lang ni Imee ang imbitado,  pinalad lang akong maimbita.

giselle01.jpg

giselle02.jpg

giselle03.jpg

giselle04.jpg
giselle05.jpg

giselle06.jpg

LAUGHS AND GASPS. Those who love comedy, magic, and mentalism, I hope you can find time to watch Laughs and Gasps, a show of comedy and magic on November 22 , 7:00 p.m. at the Wikipedia Headquarters Theater, na nasa rooftop ng Vibal Publishing sa G. Araneta Avenue.  Please refer to the map in my previous blog Celebrity Look-Alikes para di kayo mawala papuntang venue.

P250 lang ang ticket and the proceeds will go to the GISELLE SANCHEZ FOUNDATION. Tumataas na kasi ang mga tuition at miscellaneous fees ng mga estudyante kong pinapaaral, kailangan kong lumikom ng funds na pantustos.

PROMO EXTENDED.
Para naman sa lahat ng OFW at Pinoy na nakatira sa ibang bansa, extendend ang promo ng Bigay Ni Idol hanggang December 1.

Ito ang pagkakataon ninyong manalo ng libreng premyo tulad ng cellphone, Magic Sing, Hi-tech na rice cooker, mamahaling pabango at sangkatutak na pagkain galing sa  Goldilocks, Cadbury, Toblerone at Lay’s Potato Chips na walang kapalit kundi ang pagpunta ninyo sa PROMO WEBSITE at pagsagot sa katanungang ito: Sa sampung premyong ipinamimigay ng Bigay ni Idol, ano ang pipiliin niyo? Sino ang pagbibigyan niyo at bakit?

Siyempre, kailangang medyo creative o nakakatawa o hanep ang sagot ninyo para mapansin ng Bigay Ni Idol judges. Bigyan ko kayo ng examples:

1. Bibigyan ko ang nanay ko na si  Sofronia Macaraig ng WOW magic Sing kasi sintunado siya, para di na masyado sumakit tenga ko pag-uwi ko tuwing kakanta sa party.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Buencamino ng Goldilocks Package dahil matakaw siya sa cake.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Nokia cellphone para ma-text naman niya ako dito sa Saudi ng nakakatawang jokes kasi napakalungkot dito.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na dito sa Bigay ni Idol promo at manalo ng napakaraming premyo!

Celebrity Look-alikes

Filed under: Features — admin at 12:38 am on Saturday, November 8, 2008

On November 23, All Star-K will feature celebrity look-alikes for their sing-along contest. Napakagaling ng talent coordinator ng naturang event dahil talagang parang mga pinagbiyak na pw*t ang mga celebrity contestants. Tignan mo ang mga pictures:

marky-cielo-starstruck-batch-3-sole-survivor-and-bubuy-the-kid-in-dyesebel.jpg

chev-macias-left-of-survivor-philippines-and-izzy-trazona-of-sexbomb.jpg

mia-pangyarihan-left-of-sexbomb-and-nina-ortiz-a-survivor-castaway-mom.jpg

ho-and-ha-of-eat-bulaga.jpg

princess-violago-left-and-say-alonzo.jpg

ryza-cenon-left-starstruck-ultimate-female-survivor-batch-2-and-glaiza-de-castro-part-of-the-cast-of-gagambino.jpg

(Read more… )