G-Spot

The PEPsters in Dubai

Filed under: Features — admin at 2:49 pm on Friday, October 24, 2008

The most wonderful thing I got from writing blogs in PEP is the friendship I have made with the PEPSTERS.

You see, it’s different when somebody approaches you and says, “Hey Giselle, I watched you goof out in Singing BEE!”  versus “Hi, Giselle, I’m a fan of your blog. Ako si Isangsweet.”

2681.jpg

Nang makita ko si Isangsweet, nag-flashback sa akin ang pagdamay niya sa blog ko nang makunan ako (Why Bad things Happen to Good People), nang ipagtanggol niya ako sa ibang mga nang-aasar na PEPsters, at nang ipangako niya sa akin na panunuorin niya ang concert ko sa Dubai (Adventures from Down Under).

Bigla ko siyang niyakap kahit kumakain ako.

Twelve midnight ang show ko (ganun kasi mga show time sa Dubai because Filipinos have 12-hour shifts, grabe!)  7:00 p.m. pa lang, habang nag-re-rehearse ako sa banda, dumating na si Isangsweet. Natakot maubusan ng upuan. Limang oras niya ako hihintayin. Kaya naman nang humiling siya na mag-papicture, kahit wala akong make-up, tulog at kain, pumayag ako nang buong puso. Eto ang picture ni Isangsweet.

4041.jpg

Si Lonely Rich kid naman ay nakita ko sa mall ng Dubai. Lonely nga siya  pero lumiwanag ang mukha niya nang makita niya ako at biglang hindi na siya naging lonely.

Sumigaw siya ng, “Ako si Lonely Rich kid!” at sumigaw din ako ng, “Ako naman si Gspot!’ Kakatuwa mga PEPsters.

Puno lahat ng mga shows ko sa Dubai, kaso nang pumunta kami sa probinsiya ng Ras Al kaima, biglang nangalahati ang bilang ng tao. Buti na lang may dumating na malaking grupo na pinangungunahan ng nag-aya na pumunta ng show ko, isa na namang PEPster, si Rachelle. Mabuhay ka, Rachelle!

44411.jpg

Nag-isip tuloy ako. Eto pala ang mga hitsura ng PEPsters ko. Si Lonely Rich kid, mukhang Lonely nga.  Eh, si Blonde Skinny Bitch, blonde and skinny din kaya? Alam naman nating lahat na Bitch talaga siya. Pero napakatalinong bitch. In fairness, ang dami kong natutunan sa kanya. Pampadagdag info din siya sa blog ko. At pampadagdag comments kasi bornot na bornot si Banana Shake sa kanya sa kakapagtanggol sa akin. I love you, bananashake.

The truth is, I love all of you, PEPsters, whatever you write or say because you add so much color to this blog. Pati si concerned citizen 725, kaka-touch. Makukulay ang mga PEPsters kaya nakakaaliw ang mga comments ninyo.

To Josh Mangila, I feel for your loss but the only way to get back the money you want is to hire a lawyer. This, of course, would cost you time and money.

Kung ako sa iyo, mag-appeal ka na lang na taasan yung $300 na bibigay nila at hingin mo talaga sa kanila yung actual cost ng television, show your receipt.

I think Singapore Airlines’s insurance will cover the expenses. Meron silang insurance kaya huwag ka matakot mangulit. Sorry ha, wala akong connections with Singapore Airlines kaya hanggang advice na lang ako. Show your pictures and receipt and threaten to sue them, bibigay din ‘yang mga ‘yan sa iyo.

Thank you rin sa mga nakakalungkot na mga kuwento ninyo. Ang gaganda! Yung iba, naiyak pa ako. I empathize with you. Ang lungkot pala talaga ng buhay sa ibang bansa, 12 oras kang nagtatrabaho ‘tapos pag-uwi mo, katahimikang parang nakakabingi.

Naranasan ko rin siya dahil seven days akong nasa Dubai. Tama lang na maaliw kayo dito sa mga blogs. Kaya para sa ikatutuwa ninyo, mag-iiwan ako ng isang video. Ito yung dream TV show ko na gusto kong i-host balang araw. Mag-iiwan din ako ng mga kuha ko sa Atlantis, ang bagong hotel at resort sa Dubai.

3881.jpg

Dalawa lang ang Atlantis sa buong mundo, isa sa Dubai at yung nauna ay sa Bahamas, na ang tsismis ay si Michael Jackson daw ang may-ari.

3891.jpg

Habang tumatambay ako dito sa pool, naikuwento ng mga cabana boys na Pinoy na kagagaling lang  mga Hollywood stars tulad nina Michael Douglas at Catherine Zeta-Jones, Angelina Jolie at mag-asawang Antonio Banderas at Melanie Griffith dito sa Atlantis. Sayang, ‘di ko naabutan. (‘Di ko sila nakita, kuwento lang ng nga Pinoy na Staff doon.)

2500 dirhams ang halaga ng kuwarto sa Atlantis. That’s 30,000 pesos per day. ‘Di ka talaga puwede maligo sa pool kung wala kang kuwarto. Ginamit ko lang abilidad ko, siyempre Pinoy tayo! Sino pa bang nagbabantay sa security, eh, di Pinoy din!

3871.jpg

O paano, iiwan ko muna kayo. And I leave you with this TV show that I dream to host one day in Philippine or Hollywood television. Lakas ko mangarap noh! Libre naman, eh! Malay mo, magkatotoo!

Habol na!

Hanggang October 31 na lang ang pagkakataon ninyong manalo ng libreng premyo na walang kapalit kundi ang pagpunta ninyo sa promo website at pagsagot sa sobrang simpleng katanungan.

Mga OFW PEPsters, ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na dito sa Bigay ni Idol promo at manalo ng napakaraming premyo! Pumunta ka lang sa www.bigayniidol.com at mag-register, puwede ka nang makasali sa contest nang libre! Sa contest na ito, may pagkakataon kang mabigyan ang isang kaibigan, kamag-anak, kapuso, o kapamilya ng kahit isang premyo na nasa ibaba:

giselle_500x375.jpg

Kailangan mo lang sagutin ang tanong na ito?

Bakit karapat-dapat ang kaibigan/kamag-anak mo na si ________ ang makatanggap ng ______ (premyong gusto ninyo ibigay)?

Mga Halimbawa ng sagot:

1. Karapat-dapat ang nanay ko na si Sofronia Macaraig diyan sa Pilipinas na makatanggap ng Nokia 6300 dahil pinalaki niya ako nang tama.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Lopez ng Goldilocks Package dahil naging mabait siya na anak at para may pambaon siya sa school sa Cubao.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Clinique Happy perfume dahil mahal ko siya at para mawala putok niya.

Kaya ano pa hinihintay ninyo mga OFWs? Libre lang sumali sa contest! Malay ninyo kayo ang suwertehin manalo ngayong buwan ng Oktubre! Punta na sa www.bigayniidol.com at sumali sa na contest!

Adventures from Down Under

Filed under: Features — admin at 4:48 pm on Friday, October 10, 2008

Empathy is the capacity to recognize or understand another person’s state of mind or emotion. It is often characterized as the ability to “put oneself into another’s shoes,” or to, in some way, experience the outlook or emotions of another being within oneself. Just like you, PEPsters, you “empathized” with me during my miscarriage. (See my blog entry: “Why Bad Things Happen to Good People”)

Doon ko naramdaman ang tunay na pagkakaibigan at pagmamahal ng aking mga PEPsters kaya naman, patuloy akong nagbibigay ng ligaya at impormasyon dito sa aking blog para sa inyo. Naramdaman ninyo ang aking niloloob kaya itinuturing ko kayong kaibigan.

giselle-01.jpg

Inisip ko, ang hirap pala talaga sa mga anak na mawalay sa kanilang magulang dahil sa trabaho o di pagkaka-intindihan ng ina at ama o dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Kayo mga PEPsters, may ganito ba kayong experience? Pa-share naman. I really like reading your comments, you know.

giselle-02-03.jpg

giselle-04.jpg

giselle04.jpg 

giselle-06.jpg

giselle-07.jpg

giselle-08.jpg

giselle-09.jpg

Tandaan niyo mga PEPsters, magiging Hollywood star din ako at magkakaroon ako ng malaking mansion sa tabing dagat. Kahit saang dagat, kahit sa Bohol, basta beachfront din!

Libre po ang mangarap! Remember….Law of Attraction! (Read my blog entry, Attracting The Good and the Beautiful)

giselle-10.jpg

giselle-11.jpg

giselle-12-13.jpg

Again, I empathized with her because she has not seen my brother and her children for a year now. I offered to help them so that she can just go back home. But the reason she wanted to work in Sydney is for them to stand on her own feet without always asking help from me. Bilib din ako sa prinsipiyo ni Michelle. Masakit man sa loob kong nakikitang siyang nahihirapan, yun ang gusto niya, eh. And I honor her pride and dignity for that.

gisellle-15.jpg

giselle-14.jpg

SALAMAT

Salamat kay PEPsters corporategrl, manipsed, at sa inyong lahat na ipinagtanggol ako sa isang story na lumabas sa Breaking News.

Sa totoo lang, na-depress talaga ako sa mga nasty comments doon. Kasi naman, hindi ko naman talaga sinabi yung quote na, “Sa susunod, ikaw ang unang bumati sa akin dahil mas senior ako sa ‘yo!”

Ang yabang, feeling, at insecure ko naman kung sabihin ko yun. Kahit yung writer na si Jojo Gabinete ng Abante, kung saan kinuha ng PEP ang quote, ay nag-deny na nasa originally submitted article niya ito. Pero nandyan na yun, eh. Tapos na.

Although I still stand by my conviction that every celebrity should follow the unwritten rule in show business that newbies should be the one to introduce themselves to the older ones, kahit papaano alam ko naman may mali din ako by writing the issue in my blog. I should have kept quiet and let her rattle by herself.

But the best thing about a human being is that when you make a mistake, you can always learn from it so that you don’t make the same mistake again, no matter how hurting the process of learning can get. Tao lang tayo, nagkakamali, nasasaktan, natututo.

Lastly, to concerned citizen_725, peace. I realize from your comments that you don’t like me and that you don’t think I’m funny. Nirerespeto ko naman ang iyong paniniwala. I believe that I cannot please every body. In fact, natutuwa nga ako sa iyo dahil kahit na hindi mo ako gusto, patuloy pa rin ang pagbasa mo at pag-comment sa blog ko. I hope God can give me a chance to make you even at least smile, even just once, while reading one of my blog entries. Also, hindi naman ako matalino, eh, masipag lang ako. Alam mo ba kung gaano ako katanga? Tinanong ni Willie Revillame sa akin sa Wowowee:

Willy: Ano ang CARP?
Giselle: Uh…. Kotse?

Di ba, ang tanga ko! Kaya, kahit sino puwedeng magka-medal basta masipag lang sila.

SHAMELESS PLUGS

DAVAO SHOW: Sa akong mga ginhigugmang Bisaya diha sa Davao ug Mindanao. Naa kuy concert with Arnel Ignacio Sa CAP Auditorium at 8:00 p.m. on Saturday, Oct. 11, 2008, in Davao City. I hope you can all come!

DUBAI SHOWS: Sa wakas, magkikita-kita na tayo. Please catch me in the following shows in Dubai. Bring the gang, mag-e-enjoy kayo!

Oct. 13- Metro Manila Bar (Gran Moov Hotel)
Oct 14- Tia Maria Bar (Dubai Country Club Hotel)
Oct 15- Rockwel Café (Capitol Hotel)
Oct 17- Ratsky 2- Ramada Continental Hotel
Oct. 18- KLub 88 (Ras Al Kaimah,UAE)

For more information and ticket reservation, please call 00971556931761 or 00971507388078.

SALI NA!

Mga OFW PEPsters, ano pa ang hinihintay ninyo? Ssali na dito sa Bigay ni Idol promo at manalo ng napakaraming premyo! Pumunta ka lang sa www.bigayniidol.com at mag-register, puwede ka nang makasali sa contest nang libre! Sa contest na ito, may pagkakataon kang mabigyan ang isang kaibigan, kamag-anak, kapuso, o kapamilya ng kahit isang premyo na nasa ibaba:

giselle_500x375.jpg

Kailangan mo lang sagutin ang tanong na ito?
Bakit karapat-dapat ang kaibigan/kamag-anak mo na si ________ ang makatanggap ng ______ (premyong gusto ninyo ibigay).

Mga Halimbawa ng sagot:

1. Karapat-dapat ang nanay ko na si Sofronia Macaraig diyan sa Pilipinas na makatanggap ng Nokia 6300 dahil pinalaki niya ako nang tama.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Lopez ng Goldilocks Package dahil naging mabait siya na anak at para may pambaon siya sa school sa Cubao.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Clinique Happy perfume dahil mahal ko siya at para mawala putok niya.
Kaya ano pa hinihintay ninyo mga OFWs? Libre lang sumali sa contest!

Malay ninyo, kayo ang suwertehin manalo ngayong buwan ng Oktubre! Punta na sa www.bigayniidol.com at sumali sa na contest!

Natatawa, Natutuwa, Nalolokah!

Filed under: Features — admin at 5:06 pm on Thursday, October 2, 2008

Class, I have four reasons for writing today’s entry: to entertain, to inform, and to educate, and to give away prizes.

And so I have decided that the title should be befittingly called, “Natatawa, Natutuwa, Nalolokah!” Parang Sisa ang dating, di bah?

NATATAWA AKO

1. Natatawa ako kay Moymoy Palaboy.

Nag-down ng isang lingo ang Zepedee Internet at sumama sa Strike ang computer ko—biglang nag-crash ang external memory. Nang kunin ko sa computer shop, kung saan ko pina-ayos, nagkakagulo ang mga tao sa kakapanood sa You tube ng dalawang kanto boy, na nasa loob ng masikip nilang apartment, nagli-lip-sync ng kanta ng Spice Girls na “Wannabe” at marami pang kanta. Ang pinakapaborito kong kantang nili-lip sync nila ay ang “Volare.” Watch this.

Pinakanakakatawa dito, eh, yung nanay nilang nagluluto sa likod nila na walang pakialam sa ginagawa ng dalawang mokong. Panoorin ninyo yung video nila ng “Low,” “Wannabe,” “Marimar,” etc.—andun si Nanay. Kakatawa!

Alam ba ninyo na ‘yang “Volare” ay mayroong 2.1 million views? At kung pagsasama-samahin ninyo ang mga hits ng lahat ng kanilang mga videos ay aabot na sa mahigit 15 million ang views nila sa You Tube!

Talo pa nila si Charice Pempengco at si Arnel Pineda ng Journey! Pero hindi si Oprah o si Ellen Degeneres ang naka-discover sa kanila. Naunahan ang dalawa ng MTV at GMA-7. Managers na nila ang dalawang dambuhalang korporasyon. Sikat, di ba!

Nang tanungin ang dalawang magkapatid na sina Emoy at Roadfill kung ano ang masasabi nila dahil sikat na sila ngayon, sagot nila, “Kami pa rin yung mga kanto boy dito sa Pasay na nakaupo sa labas ng bahay namin na walang t-shirt at naka-shorts at tsinelas lang.”

Mabuhay kayo momoy palaboy!

2. Natatawa ako sa “non-issue” namin ni Maggie Wilson. ‘Di ko talaga matatawag na issue ito. Aba’y masama ba magbigay ng advice sa mga baguhan? Para sa iyo ‘to Maggie at sa iba pang mga baguhan. Isinulat ko sa Ingles dahil English-speaking ka:

giselle01.jpg

“Maggie, it appears to me that you seem to enjoy this attention you are getting from this non-issue that we have. I have watched your TV guestings in almost all the talk shows discussing our issue, and read your tabloid writeup.

“I am no controversy-magnet, so please keep me out of it. I had no choice but to give you sound advice that you should greet and introduce yourself because you and I were already talking in a group for the last twenty minutes and I felt awkward that I did not know whom I was talking to.

“In fact, I was the one that first asked your name and introduced myself to you coz frankly, I really didn’t know you. And then I said nicely that it was an unwritten rule in the Show business Book of Ethics that the newbies should be the one to introduce themselves to their co-actors.

“I was not supposed to tell you the rule, but it seemed that you didn’t notice that all six of the co-actors inside our dressing room greeted me except for you. So I thought that I should share this knowledge with you because it would be more embarrassing for you if you would have other encounters with senior stars that would definitely give you a beating.

“I know lots of stars who would love to get their hands on newbies like you. But I was sincere on my advice. In fact, when I saw that you did not take my advice with humility, it was I who humbled myself in front of you by holding your hand and telling you softly, ‘I hope you did not get offended with my advice. I’m just trying to teach you the proper decorum.

“As I quote the words that came out your mouth” ‘It’s okay coz I really don’t know anything because I’m a beauty queen.’

“You yourself have said that you are ignorant so I am here to teach you two lessons. This may also be applicable to other young stars.

“The first lesson: Acknowledging yourself as a newcomer and learning the virtue of humility by introducing yourself to the people that have stayed longer in the business. Ikaw ang bago, ikaw magpakilala. Besides, your co-stars have stayed longer in the business and deserve the respect they ought to get.

“Now here’s lesson 2: It’s easy to make yourself known in this business but to stay long in show business, you do not use other people or step on other people’s heads, you use your talent.

“Now if you will excuse me, I have better things to do like a write my blog and prepare for my concert this Sunday in Australia with talented artists like Randy Santiago, Richard Poon, Nikki Gil, and Pooh.”

NATUTUWA AKO

1. Natutuwa ako dahil babalik na naman ako ng Australia. Last year, kasama ko sina Kuya Randy Santiago, John Prats, Iya Villania, at Luis Manzano sa Melbourne, para magbigay-saya sa mga Pilipino doon.

giselle-australia.jpg

Ngayon naman ay sa Sydney kami manggugulo. Napakaraming Pinoy sa Australia na miss na miss na ang Pilipinas.

Eto ang pinakamagandang pagkakataon na mamigay kayo ng regalo sa inyong mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng Express regalo.

2. Speaking of regalo, natutuwa naman ako dito kay Daisy Reyes kasi nag-merienda kaming magkakaibigan sa bahay ni Ina Raymundo at naikuwento ko sa kanila na may myoma ako, isang maliit na tumor sa uterus ko.

giselle03.jpg

Agad siyang pumunta sa kotse niya at naglabas ng isang malaking box sabay sabi, sa loob nitong box na ito ay may sampung pakete ng Anion napkin at sampung pakete ng Anion pantyliners. Bago mo maubos ‘yang box na yan, baka malaglag na yung myoma mo tulad ng nangyari sa customer ko. Regalo ko ‘yan sa iyo.

giselle02.jpg

Pasasalamat sa ating pagkakaibigan. Naintriga naman ako kung ano’ng meron ang napkin na ito at makakatanggal ng myoma, balisawsaw, yeast infection, at kung anu-ano pang mga karamdaman may kinalaman kay Miss V (ang ating keps).

At dahil umalis agad si Daisy, ako mismo ang nagsaliksik kung ano ang sikreto ng Anion napkin at bakit nakasawsaw yung green strip na kinuha niya sa napkin sa tubig na iniinom niya.

Apparently, this green strip is a negative ion strip situated in the middle of the pad. According to www.webMD.com, “Ions are molecules that have gained or lost an electrical charge. They are created in nature as air molecules break apart due to sunlight, radiation, and moving air and water. You may have experienced the power of negative ions when you last set foot on the beach or walked beneath a waterfall. Negative ions are odorless, tasteless, and invisible molecules that we inhale in abundance in these environments.”

Di ba parang magaan at masaya ang feeling natin kapag nasa beach tayo or sa Pagsanjan Falls? Resulta ‘yan ng negative ions na pumapasok sa katawan natin.

“Once they reach our bloodstream, negative ions are believed to produce biochemical reactions that increase levels of the mood chemical serotonin, helping to alleviate depression, relieve stress, and boost our daytime energy.”

Kaya pala nilalagay ni Daisy ito sa tubig niya, parang energy drink pala ito.

“They also may protect against germs in the air thus being an antibacterial aid.”

Dahil may antibacterial factor itong negative ion strip, ito ang nagpapagaling sa mga vaginal infections at sakit-sakit sa may bandang reproductive organ tulad ng myoma, yeast infections, pangangati, balisawsaw, at kung anu-ano pa.

Madalas din nating nakukuha ang mga sakit na ito dahil sa “poor hygiene” kapag tayo ay may menstrual period. Dahil napapatay ng negative ion strip ang bacteria na matatagpuan sa menstruation natin, naiiiwasan ang mga sakit-sakit na ito. May kilala akong plastic surgeon na ginagamit ang negative strip na ito galing sa anion napkin sa mga sugat ng pasyenteng hinihiwa niya. Ayon sa kanya, mas mabilis daw ang healing process.

‘Di binebenta sa drugstores ang napkin na ito, dinadala lang ito ni Daisy galing Dubai tuwing may taping siya dito. Sa Dubai na kasi nakatira si Daisy dahil sa kanyang boyfriend na Dubai national. Kung interesado kayo, tawagan ninyo yung kapatid ni Daisy na si Rose sa 09153251107 or email Daisy at daisyreyes888@yahoo.com.

NALOLOKAH AKO

Nalolokah ako kasi hindi ka pala kailangan maglabas ng pera para sumali sa “Bigay Ni Idol promo.” Ang natatangi requirement lamang ay dapat Pilipino ka na hindi nakatira sa Pilipinas—meaning Overseas Filipino Worker, or Pinoy Businessman/woman sa ibang bansa, or Pinoy housewife/bund sa ibang bansa.

‘Tapos pupunta ka lang sa www.bigayniidol.com at mag-register, puwede ka nang makasali sa contest nang libre! Sa contest na ito, may pagkakataon kang mabigyan ang isang kaibigan, kamag-anak, kapuso o kapamilya ng kahit isang premyo na nasa ibaba:

giselle_500x375.jpg

Kailangan mo lang sagutin ang tanong na ito?

Bakit karapat-dapat ang kaibigan/kamag-anak mo na si ________ ang makatanggap ng ______ (premyong gusto ninyo ibigay).

Mga Halimbawa ng sagot:

1. Karapat-dapat ang nanay ko na si Sofronia Macaraig diyan sa Pilipinas na makatanggap ng Nokia 6300 dahil pinalaki niya ako nang tama.

2. Karapat-dapat makatanggap ang anak ko na si Emilia Lopez ng Goldilocks Package dahil naging mabait siya na anak at para may pambaon siya sa school sa Cubao.

3. Karapat-dapat ang girlfriend ko na si Adelia Panganiban na makatanggap ng Clinique Happy perfume dahil mahal ko siya at para mawala putok niya.

Kaya ano pa hinihintay ninyo mga OFWs? Libre lang sumali sa contest!

Malay ninyo kayo ang suwertehin manalo ngayong buwan ng Oktubre! Punta na sa www.bigayniidol.com at sumali sa na contest!