| Register
G-Spot

The Beijing Olympics Fever

Filed under: Features — admin at 10:33 am on Thursday, August 14, 2008

Haloo! Andito pa rin ako sa Canada with Rufa Mae Quinto, Allan K, and Pooh for our concert tour.

August 8: Massey Theater in Vancouver

August 15: Winspear Centre for Music in Edmonton & Calgary

August 17: Red Deer Memorial Theater in Red Deer

August 22: Burton Cummings Theater in Winnipeg

Pero kahit saan kami pumunta, ang ugong-ugong ay ang Beijing Olympics kaya eto ako, makikisali sa fever.

Last year, I was invited to Beijing, through Jun Gonzales, to be the “Featured Stand-up comedienne and singer” for the First Philippine Beijing Ball.

And exactly August last year, Beijing was already in its finishing touches with their Olympic National Stadium. This is where the opening and closing Ceremonies of the Beijing Olympics will take place.

Designed by Swiss architects Herzog and De Meuron, with the Chinese artist Al Weiwei, they were inspired by the engineering of bird’s nests. It is a random mesh of steel beams.

The infrastructure was so grand and majestic, my picture with the pole obstructing in the middle does not do justice to this architectural masterpiece. Sorry guys, this is the best I could give you. I was running late for my gig, you know…Trabaho lang, walang personalan!

giselle0021.jpg

Eto naman ang picture ko with the FUWA mascots of the Beijing Olympics 2008. Pakilala ko kayo…

giselle0014.jpg

Yung light blue sa kaliwa ko ay si Beibei. She represents the Aquatic Sports. Her design was inspired by the cultural Chinese New Year symbols, Lotus and Fish.

Yung Black Chinese Panda naman ay si Jingjing. He represents sports such as weightlifting and judo.

Yung red naman ay si Huanhuan, he prepresents the Olypmpic flame and the olympic theme which is “faster, higher, and stronger!” Huanhuan also represents all the ball sports.

Si Yingying naman ay ang “yellow Tibetan antelope.” He represents the track and field.

Si Nini ay ang green swallow (yung bird ha). She represents the gymnastics games.

Siguro maihahambing ko ang mga fuwa characters na ito sa mga kasamahan ko sa Canada na artista:

Pooh: Si Beibei, laging “cool” like the aqua animals. Tahimik pero sobra nakakatawa kung bumanat ng punchline on and offstage.

pooh.jpg

Allan K is Jingjing, the Black Chinese Panda. Heavywieght sa pagpapatawa at super champion ang energy onstage. Imagine mo, 36 years na siya nagpe-perform. Galing, di ba!

allan.jpg

Rufa Mae Quinto is Huanhuan. She’s so red hot! Ang sexy at lagi niya sinasabi yung “faster, higher, stronger” and “Go for Gold!” Para kaming nasa olympics.

rufa-mae.jpg

Me, the Gspot: Si Yingying, the tibetan antelope for track and field. Laging nagmamadali, laging tumatakbo sa venue, laging nai-stress!

giselle03.jpg

Pero nalalaban sa stressstabs!

A Tribute to all Pinoys in Hong Kong

Filed under: Features — admin at 6:02 pm on Tuesday, August 5, 2008

My dearest PEPsters, dahil sa tindi ng workload ko ay mukhang di ko talaga matutugunan ang promise ko sa inyo na twice a week ako mag-ba-blog. I just promise to make sure that you will always get to read any of the following from me: fun blogs, informative blogs, touching blogs, travelogue, funny blogs, inspirational blogs…aba’y kayo na ang mag-request kung anong blogs gusto ninyo. Basta I will make sure that it will be worth your time.

Due to a technical glitch, Rex Navarete’s blog was not uploaded in my last entry. So to pay tribute to the many, many domestic helpers and OFWs who became my audience in Hong Kong last year, please watch this very, very funny video of Maritess and the Superfriends, created by Rex Navarete, which is about the one and only domestic helper of the League of Justice and she happens to be a Filipina.

There are 140,000 domestic helpers listed in Hong Kong. Legal yun. Eh, yung hindi? Ipagpalagay na nating doble, around 300,000. Promise! Kung ayaw ninyo maniwala na ganoon sila kadami, pumunta kayo sa Hong Kong Central every Sunday.

Doon nagtutumpok-tumpok ang ating mga kapwa Pilipino at nagsasaya. Kumakain nang sabay-sabay, nagkakantahan, yung iba nagpapa-manicure, pedicure, pagupit—sa park ito ha o kung saan-saan sa Central.

Sa sobrang dami nila tuwing Linggo, may mga nakapaskil na mga signs na “Bawal Magkalat” sa Hong Kong. Pero in fairness, nakasulat din siya in Cantonese and English kasi discrimination naman yun kung sa Filipino lang isinulat. Aba’y kahit ako, magwawala. Hehe.

Hindi ko inakalang ganun kadami ang mga domesic helpers at overseas Filipino workers natin sa Hong Kong hanggang nakita ko sila sa show namin para sa Smart last year.

Tatlong kalsada ang napuno nila at para kaming nasa rally dahil lahat naka-yellow!

giselle-2.jpg

Dito sa picture na ito, dalawang kalsada lang ang nakikita, di kinaya ng camera!

giselle-3.jpg

Eto yung kabilang kalsada ng tao.

giselle-4.jpg

Hindi ako nakatiis, kailangan bumaba sa kanila!

giselle-5.jpg

At pagbigyan ang mga gustong magpa-picture at magpa-autograph.

giselle-1.jpg

Siyempre hindi ko inisip na dudumugin ako, hindi naman kasi ako “feeling.”

Pero okay lang na madumog, okay lang na mapisa d*do ko sa dami ng taong nagpa-picture. Okay lang mainitan ako kasi di naman ako nag-wa-whitening kaya kung ma-sunburn man, babalik uli ang whiteness ko. Ang importante ay napaligaya ko kahit sandali ang mga bagong bayani ng Pilipinas. Mabuhay kayo!