| Register
G-Spot

Ang mabuhay dahil sa OFWs

Filed under: Features — admin at 8:54 pm on Thursday, July 24, 2008

Ako, mamamatay para sa OFWs!

Pero mas masarap mabuhay dahil sa OFWs! (CLICK THIS FOR THE STORY.) Nakakatuwa yung blog ni Jolina, namimigay siya ng regalo sa OFWs. Pero ako, dahil sa kakaikot ko ng mundo para aliwin ang mga OFWs, ang dami siguro naaliw sa akin at sila mismo namimigay ng regalo. Take note po, hindi ko po hiningi ang regalo, kusang binigay sa akin. Hindi po ako nagparinig, nagpahaging o nagpahiwatig na may gusto ako. Kakaloka na nakakatuwa. Here are some of my gifts, funny kwentos, and inspiring moments:

1. Adobo dinner- Si Marianne Luna-Samson at ang kanyang pinsan na si Rose Luna ang nakakita sa akin paglabas ng banyo ng UOMO sa Pisa Train Station. (CLICK THIS FOR THE STORY). Paglabas ko ng banyo, sinalubong niya ako ng, “Hoy, ano ginagawa mo dito?” O, ‘di ba parang close kami dun sa tanong niya! Kaya sinagot ko rin na para talaga kaming close, “Nandito ako para ipasyal mo sa Tower of Pisa!” Tapos sabi niya, “Tara!” Inisip ko kung nagda-drugs ba ang babaeng ito sa mga sagot niya, pero dahil buntis nga, malamang hindi. Hahaha! Eto kami at nag-pictorial sa Tower of Pisa.

g1.jpg

Pagkatapos ay dinala niya ako sa bahay niya at pinagluto niya kami ng adobo. Tuwang-tuwa ako dahil dalawang lingo na rin akong hindi kumakain ng adobo. Alam mo naman tayong mga Pinoy, twice a week kung mag-ulit ng ulam kaya twice a week din tayong nag-a-adobo! In fairness, masarap ang adobo at libre dinner na rin ako noh! This is the reason why I am not scared to travel alone. There will always be a Filipino to help you and feed you! Hihihi!

2. Two Pairs of Prada Boots- Eto naman si Mitch, isang sikat na hairdresser sa Barcelona.
g2.jpg

Natuwa siguro ang hitad dahil isa akong babaeng-bakla. Wala daw akong ka-ere-ere di tulad nung isang sikat na mestizang young star na inayusan niya doon. Itago na lang nating siya sa pangalang…ay, ayoko manira at sikat yung girl! (Clue: Kapamilya siya!). Sa sobrang tuwa niya sa akin, sabi niya:

Mitch Bading: Mare, ano size ng paa mo?
G Spot: Ay! Parang barko, 8 ½, mala-Imelda Romualdez Marcos sans 3000 pairs! (Ibawas mo lang yung 3,000 pairs).

Mitch secretly smiled. I thought he found my joke funny and was just interested to find out how big my feet were, since he saw me in my slippers inside the hotel and probably thought my feet were humungous. After my concert in Barcelona, the concierge gave two Prada boxes containing two pairs of boots which I use till today. Thank you Mitch! Naalaala ko tuloy si She-Bangs (isang magaling na hairdresser sa Milan na napakarami ring binigay na regalo sa akin).

3. Miracle story- Eto naman si Pastor Vic, isa sa mga producers ko sa Barcelona.

g3.jpg

Kahit madada at maingay ako, mahilig ako makinig sa mga kwento ng buhay—buhay ng iba. Life stories inspire me. Lalo na itong kay Pastor. Pagkatapos ng 30 years na pagsasama nilang mag-asawa, biglang nagka-mala-alzeimers ang asawa niya. Di ito nangyari nang paunti-unti. Biglaan, parang amnesia due to stress. Di ako doctor kaya di ko talaga ma-explain. The doctors explained to Vic that it was some kind of neural damage that his wife incurred due to stress. Basta isang araw, naabutan lang niya ang asawa niya sa banyo na parang buwang at wala sa sarili at hindi siya kilala, pati na rin mga anak niya.

Ilang taon ding ganoon ang asawa niya at nang susuko na sana si Vic ay pumasok siya sa isang religious community. Wala pang isang buwan, tumawag ang mga doctor sa ospital kung saan naroon ang kanyang asawa dahil parang biglang nahimasmasan lang daw ang asawa niya at hinahanap siya at ang kanyang mga anak. Mula noon, full-time service na siya sa simbahan at naging pastor pa. If you don’t give up on God, God will not give up on you. Kumapit ka lang sa Krus niya, kapit lang kapatid!

4. Friendship- Eto na naman ako, namamasyal sa Barcelona ng mag-isa nang may makita ako na Pinay sa outlet ng Mango.

Giselle: Uuy, di ba Pinoy ka? May gagawin ka ba ngayon o uwi ka na?
Gloria Sevilla (not the actress): Day-off ko ngayon. Nag-holiday amo ko.
Giselle: Samahan mo naman ako mamasyal. Wala kasi kukuha ng picture ko, eh. (Sabihin ba natin yung totoo na gagawin lang natin siyang photographer?).

In fairness kay Gloria, hindi lang siya magaling na photographer, magaling pa siyang model!

g4.jpg

Dinala niya ko dito sa Olympic Stadium on Montjuïc kung saan ginanap ang 1992 Olympic Games at super pictorial kami.

Di raw siya makapaniwala na isang artista ang nakasama niyang namasyal buong araw dahil isa lamang raw siyang housekeeper. Ni sa panaginip daw, hindi niya yun naisip mangyari. Tapos tawa siya ng tawa sa akin dahil hindi Gloria ang tawag ko sa kanya kundi Maritess. Ganoon talaga ako, mahilig magbansag ng pangalan sa tao. Kaya naman Maritess ang tawag ko sa kanya kasi naaalala ko sa kanya yung monologue ni Rex Navarette na ginawang cartoons at sobrang nag-click—Ang Maritess and the Superfriends. Panoorin ninyo ito, sobrang nakakatawa.

TO MY PEPSTER FRIENDS, from now on, I will answer three PEPster comments that I feel needs a reply.

GETTING IN TOUCH WITH YOUR GSPOT:

Comment by JM
July 7, 2008 @ 7:07 p.m.

“Hi Giselle,
I am hoping that you will be able to read this. I wanted to get a chance to personally thank you. I am based in Japan and to avoid missing home, I enjoy reading the blogs of Pinoy celebrities. I got to the chance to read yours. I couldn’t remember the title of that entry but you shared The Secret to your readers. The Secret made such a big impact in my life. I wanted to send a small token of my appreciation but don’t know how.”

Dear JM and all the pesters that need to contact me, my personal email address is giselle_events@yahoo.com . I also have a multiply account under gisellesanchez.

SHAMELESS PLUGS OF THE GSPOT:
Comment by JM
July 7, 2008 @ 7:07 p.m.

“haveeyyy!!! ang Blog mo Ms.G what a nice BIG adventure…i always read your blog everytime im here in my office aliw tlga ko sa pagbabasa. can i see you in person? do you have any shows so i can watch when i get back in manila…wala kc maciado nagsshow dito sa montreal ca. Gud luck enjoy and have a safe trip for your shows in abroad.”

Dear MARIAKRISTINE FALLS EYELASHES,
Actually, I will be having shows in Canada pero di nga lang sa Quebec. Si Paul McCartney lang ang may karapatan mag-show diyan sa Quebec. But if you’re willing to fly nearby or take the train, here are my show schedules in Canada:

August 8 – Massey Theater – Vancouver
Aug. 15 – Winspear Centre for Music – Edmonton & Calgary
Aug. 17 – Red Deer Memorial Theater – Red Deer
Aug. 22 – Burton Cummings Theater – Winnipeg

I will be with Rufa Mae Quinto, Poohkyaw, and Allan K. This will be a wonderful crazy funny show.

CONNECTING WITH THE GSPOT:
Comment by eva4you
May 30, 2008 @ 6:13 pm

“Oh my God.. Miss G. i am so sorry for what had happened to you.. I didnt know… It made me cry.. I was being very inconsiderate.. I shoudnt have said it you know.. I shouldnt have formed a conclusion without looking or thinking of what is happening to you.. The only thing why i was able to said something like that simply becoz I just miss you… i miss your blog.. i wanted to laugh and i do really miss talking to you here.. And now, i felt so sad and guilty i was being prejudice in my opinion.. I am very very sorry 1000X… I feel for you.. stay strong. GOD has every reason for everything that is happening in our life.. we may not know it by now but in due time we know we will. And now that your baby is in heaven now… The baby will look after you and your family for sure.. Dont be sad Miss. G. Your baby is safe in our father’s house… Again, i am sorry and hope you can forgive me.. God Bless.”

Dear EVA4YOU,
Please don’t feel guilty. Your prayers and thoughtfulness made me feel that there is really a special connection between me and you PEPsters. Thank you for always awaiting my next blog. Don’t cry my dear, just laugh and enjoy my blog. I love you!

“Big” adventures in Italy

Filed under: Features — admin at 6:01 pm on Monday, July 7, 2008

Natuwa naman ako dahil naka-197 comments ako sa OFW blog ko about my “Louis Vuitton Misadventure.” Ang dami palang OFWs na nagbabasa ng blog ko. Mabuhay kayo! And so for my next three blogs, I will share with you my unforgettable OFW encounters with wonderful Filipinos.

This is part two because part one was my “Louis Vuitton Misadventure,” which I wrote in my previous blog. This one, I’m calling it my “PISA adventure.”

After my concert with Piolo Pascual in Rome last year (this year sa Milan kami ni Judy Ann Santos), I decided to visit the Leaning Tower of Pisa since it was only a three-hour train ride. Since Piolo left for Manila after the concert, I traveled alone. Malakas ang loob ko maglakbay mag-isa. Marami kasing Pilipino kahit anong parte ng mundo, kaya basta may Pilipino, alam ko mabubuhay ako! Tutulungan ka kasi ng Pinoy kahit ‘di ka niya kilala.

Nang dumating nga ako ng Rome, na-late yung sundo ko kaya may nilapitan ako na Pilipino doon at nakiusap kung puwedeng gamitin yung cellphone niya dahil di gumana yung roaming ko (parang nangyari kay Sweet). Pinagamit niya ako ng telepono kahit di niya ako kilala. Pagkatapos ko tumawag, ipinakilala ko sarili ko at inimbitahan ko siya sa concert namin ni Piolo.

Nakakatuwa kasi humingi siya nang dispensa dahil hindi daw niya ako kilala kasi ipinanganak at lumaki na raw siya sa Roma, kaya wala siyang kilalang artista. Ako na nga yung nakigamit ng telepono, siya pa ang humingi ng dispensa! Nasa airport lang daw siya kasi may pinasundo sa kanya ang tatay niya.

During my whole trip in Rome, Jim Ian and his girlfriend became my constant companions at ngayon marami na silang kilalang artista kasi nag-subscribe na sila sa TFC at GMA Pinoy TV!

p1020344.jpg

Continuing my trip to Pisa, the train ride was three hours and so you can just imagine how full my bladder was when I arrived. May mga banyo naman sa loob ng train kaso ang dudumi at ang babaho. Hindi kasi ako nag-first class. Alam mo naman ako, taga-Bohol, kuripot! Ganyan talaga ‘pag anak ka ng pobreng uten, kahit may pera ka na, tinitipid mo pa rin yung sarili mo kasi alam mo kung gaano kahirap kumita ng pera. Galit na galit nga asawa ko sa ugali kong ito.

EMIL: “Ikaw Giselle, minsan nakakainis ka. Kung umasta ka, parang konti lang yung pera mo. Natutulog tayo nang naka-electric fan imbes aircon, kumakain sa mas murang restaurant. Kapag pipili ka laging yung mas murang damit, sapatos, eh kayang-kaya mo naman nung mamahalin.”

GISELLE: (Pabiro) “Masanay ka na. Palibhasa anak-mayaman ka! Kaya nga ikaw pinili ko imbes na ‘yung mas mayayaman kong mga manliligaw kasi mas cheap ka. Hahaha!

EMIL: “Loka!”

emilg-wedding.jpg

Caption: Our wedding at the Manila Cathedral last November 4, 2004.

(Read more… )