| Register
G-Spot

Giselle Top Ten for a speedy recovery

Filed under: Features — admin at 8:58 pm on Monday, June 30, 2008

 

Maraming salamat, PEPsters!

I have fully recovered! I would like to share the top ten things that aided me for a quicker recovery from my depression over my miscarriage.

Top 10: Your comments and prayers

Maraming salamat sa pagdamay ninyo sa akin PEPSTERS! Sabi nila malalaman mo raw ang tunay mong kaibigan kung dadamayan ka sa hirap at ginhawa. Walang halong bola ito ha, you PEPSTERS, really made a difference in my life. Kahit hindi tayo personally nag-meet, somehow we all made a connection here in PEP and I truly felt my bond with you guys when I was down and low. Mabuhay kayo!

Top 9: My OFW audience in Ireland and Milan

Judy Ann and I had a fantastic audience in Ireland and Milan last June 14 and 15. Kahit na 11 degrees ang lamig at umuulan, andun sila nanonood, tumatawa. Somehow, naging madali uli magpatawa ng tao kasi ramdam na ramdam ko yung init ng pagmamahal ng tao sa amin kahit na naninigas na ting*l ko sa lamig! Take note, wala ako stockings!

p1070563.jpg

p1070555.jpg

Top 8: Joey de Leon calling me up in Startalk

I am particularly thankful to Joey De Leon and the staff of Startalk, especially Josie “Jopay” Maniago, who called me several days after my miscarriage to check up on me if I was okay. Joey de Leon was my mentor and he was one of the first people that noticed my talent. Sampu kaming extra ni Candy Pangilinan sa TV show niyang Mr. DJ sa Channel 5. Napansin niya ang talent namin ni Candy at ginawa kaming leading ladies niya sa show. Sumulat din siya ng maraming comedy skits para sa amin ni Candy at inilabas sa Mr. DJ. He has an eye for talent and is an absolute gentleman. Thank you Joey and Startalk for your concern.

Top 7: Shopping in Milan

p1070581.jpg

Sorry guys, pero siguro lahat ng babae sasang-ayon sa akin na talagang gamot ng mga babae ang shopping sa kanilang kalungkutan. Pagbigyan na ninyo ako, nawalan ako ng baby, mag-isa pa ako sa Milan. Ano naman ang gagawin ko sa Galleria sa tabi ng Duomo kung di ako mamimili?

Top 6: Eating Roti Mum And Estrel’s Cakes

p10608622.jpg

Another temporary fix for a depression is eating. Hindi ako endorser ng mga ito at hindi ko rin kilala ang may-ari ng Kopi Roti sa Megamall at Estrel’s Cakes diyan sa QC pero gusto ko sila pasalamatan dahil naibsan ang aking kalungkutan sa sobrang sarap ng Roti Mum at Estrel’s Cakes. Thank God I’m fully recovered kaya once a month ko na lang siya hinahanap at hindi na araw-araw. (Adik?)

Top 5: Rock-star Treatment in our Europe Concert Tour

Of course my depression will melt away with the Rock-star treatment TFC gave me and Judy Ann Santos in Ireland and Milan. Here’s a pic of me and Juday about to board our limo.

p1070427.jpg

And here’s a peek inside the limo with Tito Alfie’s talent on my left Mike Conan Rayburn, Mary Jane Vicencio-Buencamino (my sister in law and Juday’s handler), and Mickey Munoz, Events Head of TFC.

p1070428.jpg

(Read more… )