| Register
First Noel

Marco and Lara wedding, sa July 8 na!

Filed under: Features — Administrator at 1:26 am on Thursday, June 7, 2012

Sa wakas, nakuha ko na ang aking opisyal na imbitasyon para sa kasalang MARCO ALCARAZ at PRECIOUS LARA QUIGAMAN.

Kasama ang isang quote mula sa Ephesians, heto ang nakalagay sa invitation nila:

“An answered prayer he is to me, My greatest blessing she will always be.”

Parang nilalanggam talaga sa ka-sweetan ang dalawa!

Ang kasalang MARCO at LARA ay gaganapin sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, on July 8 at 4:00 p.m.

Color motif is lavender, powder blue, and blush pink. Si Randy Ortiz ang gagawa ng suit ni Marco at si Veejay Floresca naman gagawa ng gown ni Lara.

Kasama sa mga principal sponsors ang mga malalapit na tao sa magkasintahan: Senator Juan Miguel Zubiri, Gov. Luis Villafuerte Jr., Vice Gov DV Savellano (na new husband ni Ms. Dina Bonnevie), Tita Cory Vidanes, Tita Lilybeth Rasonable, Ms. Cheryl Ching-Sy, and Ms. Marilen Nunez.

Best men sina Luis Alandy, Rambo Nunez, and Martell Soledad (na cousin ni Shalani Soledad). Groomsmen naman sina Paolo Paraiso, Gerald Anderson, Jason Abalos at ang younger brother ni Lara na si John Joseph Quigaman.

Kasama sa bridesmaids sina Maja Salvador, Valerie Concepcion, Carlene Aguilar-Ocampo, at ang mga kaibigang beauty queens ni Lara na sina Gionna Cabrera, Karen Loren Agustin-Ostrea at Denille Lou Valmonte-Valera.

Candle sponsor naman si QC Councilor Alfred Vargas at bible bearer ang isa pang kapatid ni Lara na si Timothy Gabriel Quigaman.

Abangan ang ilan pang magagandang detalye sa maligaya at magandang kasalang ito!

Wala lang po sanang kumontra! Hamuna…

To MARCO & LARA, our VERY BEST WISHES!

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register