Mother Lily: “We need change”
Anim na lechon Cebu ang baon ni Annabelle Rama sa thanksgiving party last Sunday evening, February17, sa pinakamalaking function room ng Imperial Palace Suites ni Mother Lily Monteverde for the success of My Best Friend’s Girlfriend na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Bago dumating ang lechon Cebu ay nakalatag na ang 8 courses na inihanda ni Mother Lily, na earlier ay talaga namang hands on sa lahat ng aspeto ng pagtitipon, kasama na ang pag-imbita sa pari para sa Holy Mass.
Napaaga ang dating namin kaya naka-chikahan namin si Mother Lily. Bago pala siya dumiretso ng Imperial ay kasama niyang namasyal sa Gateway Mall ang apat sa kanyang mga apo. Napagod daw siya sa kahahabol sa mga bagets na de-gulong na umiilaw ang mga rubber shoes, pero nakayanan daw naman niya’t nag-enjoy pa siya.
“I’m glad that I do my two-hour jogging every day kaya nahahabol ko sila. Ha-ha-ha!â€
Kinarinyo raw siya ng mga bata na ipag-shop sila ng shoes. “Very expensive!†complain niya sa mga ipinabiling Nike shoes ng mga apo.
Suot-suot din ni Mother Lily ang bagong bili niyang Adidas jacket na may logo ng Beijing Olympics. “Are you going to the Olympics?†tanong niya sa amin, sabay sabing, “I bought this because the weather is cold. Pero wish ko talagang makapunta sa Olympics.”
Napag-usapan din ang mga current issues, sa loob at labas ng Pilipinas. Ikinuwento niyang nang umagang yun ay um-attend siya sa holy mass sa La Salle Greenhills, bilang suporta sa tinatawag ni Korina Sanchez na “imperfect hero†na si Jun Lozada.
“The future generation has to have good role models. I was observing my grandchildren kanina at ang saya-saya nila; pure and innocent ang mukha and laughter nila. I was thinking, paano ‘pag napanood ng mga bata sa TV ang klase ng mga government leaders natin? What kind of values ang maiisip ng mga bata, not only my apos kundi lahat ng mga bata? Kawawa naman sila,†sabi ni Mother Lily.
At nabanggit niya na sana, magkaroon ng Barack Obama ang Pilipinas. Si Obama ay isa sa dalawang pinakamalakas na kandidato ng Democrats for the presidential elections, ang isa ay ang dating First Lady na si Hilary Clinton.
“We need change. Hindi na effective ang mga dati na paulit-ulit ang maling ginagawa nila,†ayon kay Mother Lily na inaming dismayado sa karamihan ng pulitikong sinuportahan niya sa mga nakaraang eleksiyon.
Meanwhile, nararapat lang na batiin ang pinagsanib na Regal at GMA Films dahil ang pinakaunang pinalabas na mainstream Pinoy film sa 2008—ang My Best Friend’s Girlfriend—ay isang mega blockbuster! Naka-P70-million ito sa first five days pa lang ng showing sa mahigit 100 theaters sa buong Pilipinas.
Mismong si Robbie Tan ng Seiko Films ay nagpapatunay kung gaano ka-blockbuster ang pelikula, at nakapag-comment pa nga tungkol sa bagong leading lady ni Richard Gutierrez: “I believe Marian Rivera will be a bigger star than Angel [Locsin].â€
Na-late na nga lang sa pagdating si Marian sa thanksgiving mass/party para sa BFGF dahil sa pictorial niya para sa Dyesebel, ang susunod niyang telefantaserye. Sa cover story ng December 2007 issue ng YES! mag, na-mention ni Marian na willing siyang mag-topless kung mapupunta sa kanya ang role na Dyesebel.
Inumpisahan na kaya niyang mag-topless sa pictorial ng Dyesebel?
Kaabang-abang naman po talaga!
Luis Manzano: “Angel and I have a very special relationship.â€
Speaking of Angel Locsin, very open na ngayon si Luis Manzano sa pagkukuwento ng magandang relasyon nila ni Angel. The last time daw kasing presscon niya, hindi siya nagsasalita about Angel kahit ano pa ang pagtatanong sa kanya. Ang resulta raw noon ay mga column items and writeups na binabansagan siyang “user.â€
“That’s the worst accusation na patungkol sa akin,†seryosong banggit ni Luis. And so far daw, ang accusation na yun ang talagang matindi ang tama sa kanya.
Ang “user†na bansag sa kanya ay ang “panliligaw†niya sa mga girls na “iniiwan†umano niya sa ere. Na kaya di siya nagsalita sa presscon na yun about Angel ay dahil “iniwan na rin niya ito sa ere.â€
Kaya nang ipa-presscon siya sa renewal ng contract niya bilang endorser ng Kremil-S, todo na kung sumagot si Luis tungkol sa leading lady ni Piolo Pascual sa Lobo.
“What I like about her is she’s very loving, hindi lang sa mga mahal niya sa buhay kundi sa lahat. I never realize that she’s the kind of person na ang dami-dami pala niyang tinutulungan, ang dami niyang beneficiaries dahil gusto niya talagang makatulong. Walang camera, walang funfare; basta tumutulong lang siya. I learned about this kasi kung minsan, she asks my opinion kung ano ang dapat at bagay na tulong doon sa mga nag-a-ask ng help niya. I’m sure pag nalaman niyang ikinuwento ko sa inyo ito, pangangaralan niya ako.â€
Marami pang kuwento si Luis tungkol kay Angel—positive lahat siyempre—at lahat ng tanong tungkol sa samahan nila dalaga ay sinagot niya. Ang hindi lang niya inamin ay kung officially on na sila—na hindi na naman dapat pang tanungin kasi—perro nang may mangulit, ang sabi na lang niya, “Angel and I have a very special relationship.â€
Personally, ang iniisip namin tungkol sa “special relationship†nina Luis at Angel ay ang loveteam nina Angel at Piolo sa Lobo, lalo pa’t hindi gaanong makaabante sa ratings ang show.
Sa maniwala man kayo o hindi sa ratings!
Concert ni Connie Francis sinugod ng golden agers at senior citizens
Naiiba ang event sa Araneta Coliseum nung February 14 dahil sa marami-raming first aid marshals and ambulances at the gate entrances ready for whatever emergency needs ng mga concertgoers, na karamihan, mga golden agers (50 years old) at mga senior citizens, kagaya rin ng nag-concert na si Ms. Connie Francis, who turned 69 last December 12.
May magilan-ngilang naka-wheel chair pa, at marami-rami rin sa mga gentlemen ang member ng toupee group of companies!
Ito ang kauna-unahang concert sa Pilipinas ng petite (4’11â€) American-Italian music icon na si Ms. Francis, na nag-umpisang namayagpag nung 1958 nang mag-mega hit sa buong mundo ang ni-revive niyang 1923 composition, “Who’s Sorry Now.†By 1967, nakapagbenta na ng 35 million copies ng mga albums si Ms. Francis. And so far, naka-77 albums na siya.
Da-Who si Ms. Francis sa majority ng mga Pinoy na edad 35 and below, at manaka-nakang sounds-familiar and I-know-her sa mga 35-44 age bracket.
Pero sa audience na pumuno sa Araneta Coliseum, sing-along galore sila with Ms. Francis habang kinakanta nito ang “My Happiness†(1958), “Where the Boys Are†(1961), “Vacation†(1962), “Stupid Cupid†(1958), “Lipstick On Your Collar†(1959), “Among My Souvenirs†(1959), “Malaguena†(1960), “Never on Sunday†(1961), at iba pa.
Very candid si Ms. Francis na umaamin ‘pag nakakalimutan niya ang lyrics ng mga kinakanta niya, na sinusuklian naman ng masigabong palakpakan ng appreciative audience.
Ikinuwento rin ni Ms. Francis na kailangan pa niyang pag-aralang muli ang lyrics ng “Wishing It Was You” at “High Noon,†na nasa kontrata raw na kailangan niyang kantahin sa Pilipinas. “These songs became hit only in the Philippines,†sabi niya, at mahigit na raw 40 years na hindi niya nakakanta yung dalawang songs.
Naka-26 songs si Ms. Francis, na ang pinakauna ay ang “Let Me Try Again,†na tipong asking for understanding, at nagbabadya na rin ng katotohanang malaki na ang kaibhan ng isang Connie Francis nung ‘50s and ‘60s sa Connie Francis ngayon.
Natapos ang concert nang walang kahit isang pasyente ang mga first-aid marshals. Bumalik din ang mga ambulansiya sa mga hospital nang kakalog-kalog at hindi nagwawangwang.
Ikinuwento nga pala ni Ms. Francis na pinagtulungan nilang buuin ni Gloria Estefan ang screenplay ng buhay ng una, na pinamagatang Who’s Sorry Now. Si Ms. Estefan ang magpo-produce at gaganap na Connie Francis.
Siguradong kasali sa bioflick ang pagkaka-rape kay Ms. Francis noong November 8, 1977 sa isang motel sa New York pagkatapos niyang kumanta sa Westbury Music Fair, dahilan para huminto siyang mag-perform for 7 years.